|
16. Nehemias
1:1 ( Dalangin ni Nehemias Para sa Jerusalem ) Ganito ang mga salaysay ni Nehemias na anak ni Hacalias. Noon ay buwan ng Kislev at ika-20 taon ng paghahari ni Artajerjes. Akong si Nehemias ay nasa punong Lunsod ng Susa
1:2 nang dumating ang kapatid kong si Hanani, kasama ang isang pangkat ng mga lalaki mula sa Juda. Kinumusta ko ang Jerusalem at ang mga Judiong nagbalik sa Juda mula sa pagkapatapon.
1:3 "Ito ang sagot nila sa akin: 'Kahabag-habag ang mga iyon at nililibak pa ng mga Hentil na nakatira doon.' Sinabi nila na giba pa ang muog ng Jerusalem at ang mga pintuan ng lunsod ay hindi pa nagagawa mula nang iyo'y sunugin. "
1:4 Nang marinig ko ito, naupo ako at napaiyak. Ilang araw akong nagdalamhati at nag-ayuno. Dumalangin ako sa Diyos ng kalangitan.
1:5 "Wika ko, 'O Yahweh, dakilang Diyos, nanginginig kami sa inyong harapan. Kayo ay tapat at tumutupad sa inyong pangako sa umiibig sa inyo at tumutupad ng inyong utos."
1:6 Lingapin ninyo ako at pakinggan ang aking dalangin. Dumadalangin ako sa inyo araw at gabi para sa mga Israelita. Inaamin ko na nagkasala kami sa inyo at pati ang aming mga ninuno.
1:7 Kinalaban namin kayo! Hindi namin sinunod ang inyong Kautusan. Nilabag namin ang mga tuntuning ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ni Moises.
1:8 Sinabi ninyo sa kanya, 'Kung kayo'y tatalikod sa akin, pangangalatin ko kayo sa gitna ng mga bansa.
1:9 Subalit kung manunumbalik kayo at tutupad sa aking mga utos, kahit saan kayo mapadpad, titipunin ko kayong muli. Dadalhin ko kayo sa lupaing inihanda para sa inyo, at ako'y sasainyo.'
1:10 Sila'y inyong mga lingkod na tinubos ng inyong kapangyarihan at lakas.
1:11 "O Yahweh, dinggin ninyo ang dalangin namin, kaming inyong lingkod na nagnanais magparangal sa inyo. Papagtagumpayin po ninyo ang aking lakad ngayon at loobin po ninyong kahabagan ako ng hari.'"
2:1 ( Nagpunta si Nehemias sa Jerusalem ) Nang panahong iyon, ako ang namamahala sa mga inumin ng hari. Isang araw, buwan ng Nisan, ika-20 taon ng paghahari ni Artajerjes, dinulutan ko siya ng kanyang inuming alak. Napansin niyang ako'y malungkot. Noon lamang niya ako nakitang gayon.
2:2 "Tinanong niya ako, 'Bakit ka nalulungkot? Tingin ko sa iyo'y wala kang sakit, bakit ka ganyan?' Sinidlan ako ng takot."
2:3 "Gayunma'y sinabi ko sa hari, 'Nawa'y ingatan kayo ng Diyos, habang panahon! Nalulungkot po ako sapagkat ang lunsod na pinaglibingan ng aking mga ninuno ay wasak at sunog ang mga pintuan.' "
2:4 '"O, ano ngayon ang ibig mo?' tanong ng hari. Tumawag ako sa Diyos, at pagkatapos"
2:5 "sinabi ko sa hari, 'Kung pahihintulutan po ninyo ako, Kamahalan, nais kong umuwi sa Juda, upang itayong muli ang binanggit kong lunsod.' "
2:6 "Sinabi sa akin ng hari na noo'y katabi ng reyna, 'Gaanong katagal ka roon? Kailan ka babalik?' Nagtaning ako ng panahon at malugod naman akong pinahintulutan."
2:7 Nakiusap akong bigyan na rin ng mga liham para sa mga gobernador sa ibayo ng ilog upang paraanin ako patungong Juda.
2:8 Sa aking pakiusap ay gumawa na rin siya ng sulat para kay Asaf, ang tagapamahala ng kagubatan upang bigyan ako ng kahoy na gagamitin sa pintuan ng muog ng templo, ng pader ng lunsod at ng tahanang aking titirahan. Ang lahat ng ito ay ginawa ng hari dahil sa kabutihan ng Diyos sa akin.
2:9 Nang ako'y umalis, pinasama pa sa akin ang mga puno ng hukbo at isang pangkat ng mangangabayo. Pagdaan ko sa mga gobernador sa kabila ng Ilog Eufrates, iniabot ko ang liham ng hari.
2:10 Nang ang mga bagay na ito'y malaman ni Sanbalat na Horonita at ni Tobias, isang opisyal na Ammonita, sila'y nagiyagis. Ayaw nilang may magmalasakit sa kapakanan ng mga Israelita. ( Hinimok ang Mamamayang Itayong Muli ang Muog )
2:11 Sumapit ako sa Jerusalem. Tatlong araw na ako roon ay
2:12 hindi ko pa ipinaalam kaninuman ang panukalang ipinagagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Nang maghahating-gabi noong ikatlong araw, gumising ako at lumabas ng lunsod na may ilang kasama. Ako lamang ang may sasakyang hayop.
2:13 Gabi pa nang lumabas kami sa Pintuang Lambak. Dumaan kami sa Bukal ng Dragon patungo sa Pintuang Labasan ng Basura. Pinagmasdan ko ang giba-gibang muog ng Jerusalem at ang mga pintuan nitong sunog.
2:14 Nagpatuloy kami sa Pintuang patungo sa Bukal hanggang sa Bukal ng Hari. Pagdating doon, walang madaanan ang sinasakyan kong hayop.
2:15 Kaya tinunton ko ang Lambak, at patuloy kong pinagmasdan ang muog ng lunsod. Madilim pa rin nang kami'y pumasok sa lunsod, sa pintuang aming nilabasan.
2:16 Nakabalik akong hindi namamalayan ng mga pinuno sa lunsod. Kaya hindi nila alam kung saan ako nanggaling at kung ano ang aking ginawa. Kahit sa mga Judio, mga saserdote, mga maginoo at maging kaninuman ay wala akong pinagsasabihan ng aking gagawin.
2:17 "Ngunit sinabi ko sa kanila pagkatapos, 'Nakikita ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan. Wasak ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan ng lunsod. Magtulung-tulong tayo. Itayo nating muli ang muog para hindi tayo malagay sa kahihiyan.'"
2:18 "Sinabi ko sa kanila kung paano ako kinalinga ng Diyos at kung ano ang sinabi sa akin ng hari. 'Kung gayon, magsimula na tayo ng paggawa,' ang tugon nila. Kaya't masigla silang nagtulung-tulong sa maganda nilang layunin. "
2:19 "Ngunit nang malaman ito, pinagtawanan kami nina Sanbalat at Tobias pati na ni Gesem na tagapamahala sa Arabia. 'Ano ang ginagawa ninyong iyan?' wika nila. 'Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?' "
2:20 "Tinugon ko sila, 'Pagtatagumpayin kami ng Diyos ng kalangitan, pagkat kami ay kanyang lingkod. Itatayo naming muli ang Jerusalem, ngunit kayo'y walang bahagi o karapatan o alaala sa lunsod na ito.'"
3:1 ( Mga Parteng Ipinagagawa ) Ganito nila ginawa ang nasirang muog. Ang punong saserdoteng si Eliasib at ang mga kasamahan niyang saserdote ang gumawa ng Pintuan ng mga Tupa. Nilagyan nila ito ng pinto at itinalaga. Ipinagpatuloy nila ang pag-aayos ng muog hanggang sa Tore ng Sandaan, tuloy sa Tore ni Hananeel.
3:2 Mula roon, ang mga taga-Jerico naman ang nag-ayos ng muog hanggang sa kasunod na bahagi na ginawa naman ni Zacur na anak ni Imri.
3:3 Ang gumawa ng Pintuan ng Isda ay ang angkan ni Hasenaa. Nilagyan nila ito ng hamba, mga pinto at mga trangkang pangkandado.
3:4 Ang karugtong na bahagi ay ginawa naman ni Meremot na anak ni Urias at apo naman ni Haccoz. Ang gumawa ng karugtong nito ay si Mesullam na anak ni Berequias at apo ni Mesezabel. Ang kasunod pa nito ay ginawa naman ni Sadoc na anak ni Baana.
3:5 Ang karugtong na muog ay ginawa ng mga taga-Tecoa. Ngunit ang mga pangunahing Israelita ay hindi sumunod sa mga namamahala ng pagawain.
3:6 Ang gumawa ng Matandang Pasukan na tinatawag ding Pintuan ni Jesana ay sina Joiada, anak ni Pasea at si Mesullam na anak ni Besodias. Sila rin ang naglagay ng hamba, pinto at mga trangkang pangkandado nito.
3:7 Mula roon, ang gumawa ay sina Melatias na taga-Gabaon at Jadon na taga-Meronot. Ang karugtong nito ay ginawa naman ng mga taga-Gabaon at Mizpa, hanggang sa tirahan ng gobernador ng lalawigan sa ibayo ng ilog.
3:8 Ang kasunod namang bahagi ay ginawa ni Uziel na anak ni Harhaya, isang platero. Ang sumunod na bahagi ay ginawa ni Hananias at ng mga manggagawa ng pabango. Ang ginawa nila'y abot sa Makapal na Muog.
3:9 Ang kasunod na bahagi ay ginawa naman ni Refaias, anak ni Hur na puno ng kalahati ng Jerusalem.
3:10 Si Jedaya na anak ni Harumaf ang gumawa ng bahaging malapit sa tapat ng kanyang bahay. Ang karugtong nito ay ginawa ni Hatus na anak ni Hasabnias.
3:11 Ang bahaging kasunod hanggang sa Tore ng mga Hurno ay ginawa ni Sallum, anak ni Hallohes na Harim at Hasub na anak naman ni Pahat-moab.
3:12 Ang kasunod nito ay ginawa ni Sallum anak ni Hallohes na puno ng kalahating bahagi ng Jerusalem. Siya'y tinulungan ng kanyang mga anak na babae.
3:13 Ang Pintuang papunta sa Lambak hanggang sa Pintuang Labasan ng Basura ay itinayo ni Hanun at ng mga taga-Zanoa. Sila rin ang nag-ayos ng pinto at ng mga kandado nito. May 1,500 talampakan ang haba ng muog na inayos nila.
3:14 Ang Pintong Labasan ng Basura ay inayos ni Malquias na anak ni Recab, puno ng distrito ng Bet-hacquerim. Siya rin ang nag-ayos at naglagay ng mga kandado ng mga pinto nito.
3:15 Ang nag-ayos ng Pintuan ng Bukal ay si Sallum, anak ni Col-hoza, puno ng distrito ng Mizpa. Ibinalik niya ang dating kaayusan nito. Nilagyan niya ito ng bubong at inayos ang mga pintuan at kandado. Inayos din niya ang pader ng tipunan ng Tubig ng Siloe, patungo sa Halamanan ng Hari hanggang sa makababa ng hagdanan mula sa Lunsod ni David.
3:16 Mula naman doon hanggang sa tapat ng libingan ni David, ng ginawang tipunan ng tubig at ng kwartel ng mga bantay, ang nag-ayos ay si Nehemias na anak ni Azbuc, puno ng kalahati ng Betsur.
3:17 Ito naman ang mga Levitang tumulong: si Rehum na anak ni Bani ang gumawa ng karugtong na bahagi. Ang sumunod na bahagi ay ginawa ni Hasabias, puno ng kalahating distrito ng Ceila.
3:18 Si Bavai na anak ni Henadad at puno ng kalahati ng Ceila ang siya namang gumawa ng kasunod na bahagi.
3:19 Ang gumawa naman ng kasunod ay si Ezer na anak ni Jesua at puno ng Mizpa. Siya ang gumawa ng bahaging paahon hanggang sa tapat ng taguan ng mga sandata.
3:20 Si Baruc na anak ni Zacai ang gumawa ng kasunod na bahagi mula sa taguan ng sandata hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib, ang punong saserdote.
3:21 Ang kasunod na bahagi ay ginawa ni Meremot na anak ni Urias at apo ni Haccoz. Ito'y umabot hanggang sa duluhan ng bahay ni Eliasib.
3:22 Ang mga saserdote ay tumulong din sa paggagawa ng muog. Ang gumawa ng kasunod na bahagi ng muog ay ang mga saserdote sa paligid ng Jerusalem.
3:23 Sina Benjamin at Hasub ang nag-ayos ng karugtong na bahagi na nasa tapat ng kanilang bahay. Ang karugtong nito na katapat naman ng bahay ni Azarias na anak ni Maasias, ang ginawa niya.
3:24 Mula dito hanggang sa sulok ng muog, ang nag-ayos naman ay si Binui na anak ni Henadad.
3:25 Ang kasunod na bahagi ng muog ay ginawa ni Palal na anak ni Uzai. Ito'y mula sa sulok, katapat ng tore ng itaas ng palasyo, sa kwartel ng mga bantay. Ang kasunod na bahagi naman ay ginawa ni Pedaya na anak ni Paros. Ito'y pasilangan hanggang sa tabi ng Pintuang Tubig at ng toreng nagsasanggalang sa Templo. Malapit ito sa Ofel na tirahan ng mga manggagawa sa templo.
3:26 (*papuloy)
3:27 Ang mga taga-Tecoa naman ay nag-ayos ng bahagi mula roon hanggang sa Muog ng Ofel.
3:28 Isang pangkat ng mga saserdote ang nag-ayos ng muog sa itaas ng Pintuan ng Kabayo. Ginawa ng bawat isa ang bahaging nasa tapat ng kanyang bahay.
3:29 Si Zadok na anak ni Immer ang gumawa ng bahaging nasa tapat ng kanyang tahanan. Ang karugtong nito'y ginawa ni Semaya, anak ni Secanias na namamahala ng Pintuang Silangan.
3:30 Sina Hananias, anak ni Selemias at si Hanun, pang-anim na anak ni Zalaf ang gumawa naman ng karugtong na bahagi. Ito'y pangalawang bahagi na kanilang ginawa. Si Mesullam, anak ni Berequias naman ang nag-ayos ng muog sa tapat ng kanyang tahanan.
3:31 Ang karugtong nito ay ginawa naman ni Malquias na isang platero. Ang ginawa niya'y umabot hanggang sa tahanan ng mga katulong sa templo at ng mga mangangalakal. Ang bahaging ito ay nasa tapat ng pintuan ng Templo, malapit sa silid na nasa itaas ng muog.
3:32 Mula naman dito hanggang sa Pintuan ng mga Tupa, ang mga platero at mga mangangalakal ang nag-ayos ng muog.
4:1 ( Mga Panukala Laban kay Nehemias ) Nabalitaan ni Sanbalat na aming itinatayong muli ang muog. Nagalit ito at tinuya kami.
4:2 "Sa harapan ng kanyang mga kasama at hukbo ng Samaria sinabi ito: 'Ano kaya ang iniisip ng mga kahabag-habag na Judiong ito? Itayong muli ang Jerusalem sa pamamagitan ng kanilang mga handog at gawin iyon ng maghapon? Akala ba nila'y mabubuo pa nila ang mga nasunog at durog nang mga silyar doon?' "
4:3 "Sa tabi niya'y nagsalita si Tobias na Ammonita: 'Ano bang klaseng muog ang gagawin ng mga Judiong ito? Pihong maraanan lamang ng asong-gubat ay guguho na!' "
4:4 "Sa narinig kong ito, akong si Nehemias ay nanalangin, 'Dinggin mo kami Yahweh sapagkat labis na ang panunuyang ito sa amin. Sana'y sa kanila mangyari ang masamang hangad nila sa amin. Maubos nawa ang kanilang ari-arian at madala silang bihag sa ibang lupain."
4:5 "Huwag mo silang patawarin sa ginagawa nilang ito at manatili nawa ang kanilang kasalanan, yamang inaalipusta nila kami sa aming ginagawang ito.' "
4:6 Masigla kami at patuloy ng pag-aayos ng muog, kaya't hindi nagtagal at napataas namin nang kalahati ng kaukulang taas ang paligid ng lunsod.
4:7 Nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobias at ng mga Arabe, Ammonita at mga Astodita na halos mabuo na namin ang muog, lalo silang nagalit.
4:8 Nagkaisa silang salakayin ang Jerusalem upang kami'y guluhin.
4:9 Kaya dumalangin kami sa aming Diyos at naglagay kami ng mga bantay araw at gabi.
4:10 "Narito ang awitin ng mga taga-Juda: 'Nanghihina kami sa bigat ng pasan, Batong sakdal dami ng muog na buwal; Sa hirap na ito'y hindi namin kayang Maitayo ito ng maghapon lamang.' "
4:11 Akala ng aming mga kaaway ay hindi namin alam ang kanilang binabalak na pagsalakay. Iniisip nilang mapupuksa nila kami at mahihinto ang aming gawain.
4:12 Hindi nila alam na ang mga Judiong kahalo nila ay laging nagbabalita sa amin ng kanilang binabalak.
4:13 Kaya't sa tuwing darating sa amin ang ganitong balita, sa bawat lugar na hindi pa tapos ang muog ay pinahahanda ko ang mga tauhan ayon sa sambahayan. Binibigyan ko sila ng iba't ibang sandata---sundang, sibat at palaso.
4:14 "Nakita kong nababahala ang mga tao, kaya't sinabi ko sa mga pinuno, mga pangunahin sa bayan at gayon din sa lahat: 'Huwag kayong matakot sa mga kaaway. Alalahanin nating dakila at makapangyarihan si Yahweh. Ipagtanggol natin ang ating mga kapatid, mga anak, asawa at mga tahanan.'"
4:15 Nabalitaan ng mga kaaway na hindi lingid sa amin ang kanilang mga balak, kaya naniwalang binigo sila ng Diyos. Kaya ang lahat ay nagpatuloy ng paggawa ng muog.
4:16 Simula noon, kalahati ng aking mga tauhan ang gumagawa ng muog at ang kalahati ay nagbabantay. Ang mga bantay ay nasasandatahan ng sibat, baluti at mga palaso. Ang mga pinuno at mga pangunahing mamamayan ay nagbibigay ng kanilang puspusang tulong sa gumagawa ng muog.
4:17 Hawak ng isang kamay ng mga nagpapasan ang kanilang dala, at sandata naman ang hawak sa kabilang kamay.
4:18 Ang mga gumagawa sa muog ay may sariling pamigkis na sandata at nasa tabi nila ang mga may hawak ng trompeta.
4:19 "Sinabi ko sa mga maginoo, mga pangulo at sa lahat, 'Malaki ang ating gawain at malalayo ang ating pagitan,"
4:20 "kaya't tuwing maririnig ninyo ang tunog ng trompeta, magsama-sama tayo at ipaglalaban tayo ng ating Diyos.'"
4:21 Gayon kami nagpatuloy sa paggawa. Ang kalahati ay nasasandatahan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa pagsikat ng bituin.
4:22 "Sinabi ko rin sa mga tao, 'Lahat ng lalaki at mga alipin ay kailangang nasa Jerusalem upang magbantay kung gabi at magtrabaho naman kung araw.'"
4:23 Kaya't ako, ang aking mga kaanak at lahat ng mga tauhan ko ay hindi na makapagbihis at laging hawak ang aming sandata.
5:1 ( Mga Patubong Inalis ) Dumating ang panahong ang mga pangkaraniwang mamamayan maging lalaki o babae ay nagreklamo laban sa kanilang kapwa Judio.
5:2 "May nagsasabi ng ganito: 'Ipinagpapalit namin ang aming mga anak upang makakuha lamang ng trigong aming makakain.'"
5:3 Ang iba naman ang sabi'y nagsasangla ng kanilang mga bukirin, ubasan at mga tahanan makakain lamang sa panahon ng taggutom.
5:4 "Mayroon namang ganito ang sabi: 'Nangungutang kami ng salapi para ang aming mga bukirin at ubasan ay maibuwis lamang sa hari."
5:5 "Hindi ba ang aming pangangailanga'y tulad din ng iba? Wala namang pagkakaiba ang aming mga anak sa kanila! Ngunit narito, napipilitan kaming ipaalipin ang aming mga anak. Ang iba naming anak na babae'y alipin na. Wala na kaming magawa pang iba, pagkat ang aming mga bukirin at ubasan ay hindi na amin.' "
5:6 Gayon na lamang ang galit ko nang marinig ko ang hinaing nilang ito.
5:7 "Pinagpasyahan kong harapin ang mga pangulo at tagapamahala ng mga tao. Sinabi ko sa kanila, 'Inaalipin ninyo ang inyong mga kapatid sa ginagawa ninyong iyan.' Kaya't tumawag ako ng pangkalahatang pulong."
5:8 "Sinabi ko, 'Sinikap nating mapalaya ang ating kapwa-Judio na naipagbili sa ibang bansa. Bakit naman ngayo'y pinipilit ninyong ipaalipin ang inyong kababayan sa kapwa Judio?' Hindi sila makakibo."
5:9 '"Mali ang inyong ginagawa,' patuloy ko. 'Dapat kayong matakot sa Diyos at gumawa nang mabuti upang di kutyain ng mga Hentil."
5:10 Ang nagigipit nating mga kababayan ay pinahiram ko na ng salapi at pagkain. Gayon din ang ginawa ng aking mga kamag-anak at mga tauhan. Huwag na natin silang pagbayarin sa kanilang pagkakautang.
5:11 "Ngayon di'y ibalik ninyo ang mga bukirin at ubasan sa mga may utang sa inyo. Pati ang kanilang mga olibo, tahanan, ang kinita, mga inani, bagong alak at langis.' "
5:12 '"Ibabalik namin iyon sa kanila,' kanilang tugon, 'at wala na kaming hihingin. Tutuparin namin ang iyong sinabi.' Kaya't tinawag ko ang mga saserdote at sa harap nila'y pinanumpa ko sila na tutupdin ang kanilang mga pangako."
5:13 "Ipinagpag ko ang aking kasuutan at sinabi ko, 'Ganyan nawa ang gawin ng Diyos sa mga ari-arian ng mga taong hindi tumupad sa kanyang pangako. Ipagpag din siyang tulad nito at maghirap.' Lahat ng naroo'y sumang-ayon at sinabi, 'Siya nawa.' Pinuri nila si Yahweh, at tinupad nila ang kanilang pangako. "
5:14 Dahil dito'y inilagay akong gobernador ng Juda at mula nang ika-20 hanggang ika-32 taon ng paghahari ni Artajerjes, ako at ang aking mga kasambahay ay di na kumuha ng pagkaing nauukol sa gobernador.
5:15 Ang mga dating gobernador sa Juda ay nagpahirap sa mga tao, humihingi ng pagkain, ng alak bukod pa ang apatnapung putol na pilak. Maging mga katulong nila'y katulong din sa pagpapahirap. Ngunit di ko iyon ginawa, sapagkat ako'y natatakot sa Diyos.
5:16 Inubos ko ang aking lakas sa paggawa ng muog sa tulong ng aking mga tauhan. Hindi ako naghangad ni gapalad na lupa.
5:17 Ako'y laging may mga panauhing Judio at mga pinuno, gayon din ang mga taga-ibang bansa na hindi kukulangin sa 150.
5:18 Ang handa kong pagkain araw-araw ay isang toro, anim na tupa, mga manok at tuwing ika-10 araw ay naglalabas ako ng inimbak na alak. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko pa rin kinuha ang pagkaing nauukol sa gobernador, sapagkat ang mga tao'y totoong nahihirapan.
5:19 Alalahanin mo ako, Yahweh, sa lahat ng aking ginagawa sa mga tao.
6:1 ( Mga Balangkas ng Kaaway ) Nabalitaan nina Sanbalat, Tobias at Gesem na Arabe, gayon din ng iba naming mga kaaway, na naitayo ko na ang muog at wala na itong sira (bagaman hindi ko pa nailalagay ang mga pinto nito).
6:2 Inanyayahan ako nina Sanbalat at Gesem na makipag-usap sa kanila sa isang nayon ng kapatagan ng Ono. Alam kong ito'y pamamaraan lamang nila upang ako'y saktan.
6:3 "Kaya't nagpadala ako ng mga sugo na dala ang ganitong pasabi: 'Ako'y maraming gawain kaya hindi ako makadadalo. Hindi ko aaksayahin ang aking panahon sa pagpunta riyan.'"
6:4 Apat na beses nila akong inanyayahan at apat na beses ko silang tinanggihan.
6:5 Sa ika-5 pagkakatao'y inanyayahan akong muli ni Sanbalat sa pamamagitan ng isang bukas na liham.
6:6 "Ganito ang sinasabi, 'Balitang-balita sa iba't ibang bansa at pinatibayan ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak mag-alsa, kaya itinatayo mong muli ang muog. May balita pang gusto mo raw maging hari."
6:7 "Sinasabi pang nagtakda ka ng mga propeta upang ipahayag sa Jerusalem na may hari na ang Juda, at iyan ay ikaw. Hindi ito malilihim sa hari, kaya pumarito ka agad at pag-usapan natin ang bagay na ito.' "
6:8 "Ito naman ang tugon ko, 'Ang mga bintang mo'y walang katotohanan. Gawa-gawa mo lamang iyan.'"
6:9 "Inuupatan nila kami sa pag-asang lulubayan namin ang aming ginagawa upang hindi matapos. 'O Diyos,' wika ko sa aking dalangin, 'patatagin po ninyo ang aking kalooban.' "
6:10 "Minsa'y dinalaw ko si Semaya na anak ni Delaya at apo ni Mehetabel, sapagkat hindi siya makaalis sa sariling tahanan. Sinabi niya, 'Sumama ka sa akin at magtago tayo sa Santwaryo. Ipinid natin ang mga pinto sapagkat maaaring ngayong gabi dumating ang papatay sa iyo.' "
6:11 "Ngunit sumagot ako, 'Hindi ito ang uri ng lalaking tatakbo o magtatago! Akala mo ba'y magtatago ako sa templo para mabuhay? Hindi, hindi ko gagawin iyon.'"
6:12 Sumagi sa aking isip na hindi siya sinugo ng Diyos. Nilapitan niya ako, sapagkat pihong sinuhulan siya nina Sanbalat at Tobias.
6:13 Ginawa niya ito para takutin ako at nang sumang-ayon. Sa gayon, magkakasala ako at masisira nila ang aking karangalan.
6:14 O Diyos, parusahan po ninyo sina Sanbalat at Tobias sa ginawa sa akin. Gayon din po ang gawin ninyo kay Noadias, ang babaing propeta at iba pang mga propeta, na nagtangkang takutin ako. ( Natapos ang Muog )
6:15 Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang muog noong ika-25 araw ng buwan ng Elul.
6:16 Humanga ang aming mga kaaway at ang mga bansa sa palibut-libot nang mabalitaan ang aming ginawa. Naniwala silang ito'y natapos sa tulong ng Diyos.
6:17 Nang panahong iyo'y tumatanggap si Tobias ng mga liham mula sa mararangal na tao sa Juda at tumatanggap naman sila ng kasagutan.
6:18 Maraming taga-Juda ang pumanig sa kanya sapagkat siya'y manugang ni Secanias na anak ni Arah. Ang isa pa ay napangasawa ng anak niyang si Jonatan ang anak na dalaga ni Mesullam na anak ni Berequias.
6:19 Sa harapan ko'y lagi nilang pinupuri ang ginawa ni Tobias at lagi nilang ibinabalita sa kanya ang aking sinasabi. At hindi siya humihinto ng pagsulat sa akin upang ako'y takutin.
7:1 ( Naglagay ng mga Pinuno sa Jerusalem ) Nayari ang muog ng lunsod at naikabit na ang mga pintuan nito. May itinalaga na ring mga bantay. Pati ang mga Levita at ang mga mang-aawit ay may kanya-kanyang gawain.
7:2 Pagkatapos nito, ang Jerusalem ay inilagay ko sa pamamahala ng dalawang taong mapagtitiwalaan, si Hanani na aking kapatid at si Hananias na pinuno ng mga bantay. Itong huli ay may takot sa Diyos at subok na ang katapatan.
7:3 Iniutos kong ang mga pintua'y bubuksan lamang pag mataas na ang araw at isasara agad paglubog ng araw bago mamahinga ang mga bantay. Iniutos ko ring kumuha sila ng mga magbabantay na mga taga-Jerusalem, bigyan ng lugar na tatalibaan at ang iba'y magbantay sa tapat ng kani-kanilang tahanan. ( Ang Talaan ng Mamamayan )
7:4 Malawak ang lunsod, ngunit iilan pa ang mga tao at wala pang nagpapagawa ng bahay.
7:5 Ang aking isip ay pinukaw ng Diyos upang tipunin ang mga tao at ang kanilang mga pangulo't pangunahin para sila'y itala ayon sa angkan. Natagpuan ko ang talaan ng mga angkang unang nagbalik mula sa pagkapatapon.
7:6 Ito ang mga Judiong nabihag ng Haring Nabucodonosor ng Babilonia, at muling nakabalik sa Jerusalem at iba't ibang bayan ng Juda:
7:7 Ang mga pangunahin nila ay sina Zorobabel, Jesua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mardoqueo, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum at Baana.
7:8 Ito ang mga Israelita: angkan ni Paros, 2,172; angkan ni Sefatias, 372; angkan ni Arah, 652; angkan ni Pahat-moab, mula sa lipi nina Jesua at Joab, 2,818; angkan ni Elam, 1,254; angkan ni Zatu, 845; angkan ni Zacai, 760; angkan ni Binui, 648; angkan ni Bebai, 628; angkan ni Azgad, 2,322; angkan ni Adonican, 667; angkan ni Bigvai, 2,067; angkan ni Adin, 655; angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias, siyamnapu't walo; angkan ni Hasum, 328; angkan ni Bezai, 324; angkan ni Harif, 112; angkan ni Gabaon, siyamnapu't lima.
7:9 (*papuloy)
7:10 (*papuloy)
7:11 (*papuloy)
7:12 (*papuloy)
7:13 (*papuloy)
7:14 (*papuloy)
7:15 (*papuloy)
7:16 (*papuloy)
7:17 (*papuloy)
7:18 (*papuloy)
7:19 (*papuloy)
7:20 (*papuloy)
7:21 (*papuloy)
7:22 (*papuloy)
7:23 (*papuloy)
7:24 (*papuloy)
7:25 (*papuloy)
7:26 Ito naman ang talaan ng mga nagsibalik ayon sa bayang pinagmulan ng kanilang mga ninuno: mga taga-Betlehem at Netofa, 188; mga taga-Anatot, 128; mga taga-Bet-azmavet, apatnapu't dalawa; mga taga-Kiryat-jearim, Cafira at Beerot, 743; mga taga-Rama at Geba, 621; mga taga-Micmas, 122; mga taga-Betel at Hai, 123; mga taga-Nebo, limampu't dalawa; mga taga-Elam, 1,254; mga taga-Harim, 320; mga taga-Jerico, 345; mga taga-Lod, Hadid at Ono, 721; mga taga-Senaa, 3,930.
7:27 (*papuloy)
7:28 (*papuloy)
7:29 (*papuloy)
7:30 (*papuloy)
7:31 (*papuloy)
7:32 (*papuloy)
7:33 (*papuloy)
7:34 (*papuloy)
7:35 (*papuloy)
7:36 (*papuloy)
7:37 (*papuloy)
7:38 (*papuloy)
7:39 Sa mga saserdote: angkan ni Jedaya mula sa lipi ni Jesua, 973; angkan ni Imer, 1,052; angkan ni Pasur, 1,247; angkan ni Harim, 1,017.
7:40 (*papuloy)
7:41 (*papuloy)
7:42 (*papuloy)
7:43 Sa mga Levita: angkan nina Jesua at Cadmiel mula sa lipi ni Hodeva, pitumpu't apat.
7:44 Mga manganganta: angkan ni Asaf, 148.
7:45 Mga bantay sa Templo: angkan nina Sallum, Ater, Talmon, Acub, Hatita at Soba, 138.
7:46 Tagapaglingkod sa Templo: angkan nina Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Sia, Padon, Lebana, Hagaba, Salmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Necoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Meunim, Nefusesim, Bacbuc, Hacufa, Harhur, Bazlit, Mehida, Harsa, Barcos, Sisera, Tema, Nezia at Hatifa.
7:47 (*papuloy)
7:48 (*papuloy)
7:49 (*papuloy)
7:50 (*papuloy)
7:51 (*papuloy)
7:52 (*papuloy)
7:53 (*papuloy)
7:54 (*papuloy)
7:55 (*papuloy)
7:56 (*papuloy)
7:57 Mga angkan ng mga tagapaglingkod ni Solomon: angkan nina Sotai, Soferet, Perida, Jaala, Darcon, Gidel, Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim at Amon.
7:58 (*papuloy)
7:59 (*papuloy)
7:60 Ang kabuuan ng nakabalik sa mga naglilingkod sa templo mula sa angkan ni Solomon ay 392.
7:61 Ito naman ang mga nakabalik mula Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer ngunit hindi nila mapatunayang sila'y mga Israelita: mga angkan nina Delaya, Tobias at Necoda, 642.
7:62 (*papuloy)
7:63 Ito naman ang mga nakabalik na mga angkan ng saserdote, ngunit hindi nila mapatunayan kung saang angkan: angkan nina Hobaya, Haccoz at Barzilai (Ang lipi ng angkan ni Barzilai ay napangasawa ng anak na babae ni Barzilai na Galaadita, at sa pangalan na ng kanyang biyenan siya tinawag).
7:64 Hinanap nila ang kanilang talaan sa hanay ng mga angkan ngunit hindi nakita, kaya sila'y hindi kinilalang mga saserdote.
7:65 Pinagbawalan sila ng gobernador na sumalo sa pagkaing banal, maliban kung may sumipot na saserdoteng sasangguni sa Urim at Tumim.
7:66 Ang kabuuan ng mga bihag na nakabalik ay 42,360.
7:67 Ang mga katulong na lalaki't babae ay 7,337 at ang mga mang-aawit na babae't lalaki rin ay 245.
7:68 May napabalik ding 736 na kabayo, 245 mola, 435 kamelyo at 6,720 asno.
7:69 (*papuloy)
7:70 Maraming mga tao ang nagkaloob para ipagawang muli ang templo. Ang gobernador ay nagkaloob ng 270 onsang ginto, limampung mangkok na pilak at 530 kasuutan ng mga saserdote. May iba pang mga pangulo ng sambahayan na nagkaloob ng halagang 5,400 onsang ginto at 51,450 onsang pilak. Ang kabuuang ipinagkaloob ng iba pang mga tao ay 5,400 onsang ginto, 46,770 onsang pilak at animnapu't pitong kasuutan ng saserdote.
7:71 (*papuloy)
7:72 (*papuloy)
7:73 Ang mga saserdote, Levita at iba sa mga tao'y doon tumira sa Jerusalem at kanugnog-pook. Ang mga bantay pinto, mang-aawit, tagapaglingkod sa templo, at ang iba pang mga Israelita ay doon naman tumira sa kani-kanilang mga bayan.
8:1 ( Binasa ni Ezra ang Kautusan ) Sumapit ang ika-7 buwan ng taon at ang mga Israelita'y nasa kani-kanila nang bayan. Nang unang araw ng buwang iyon, nagkatipon silang lahat sa Jerusalem, sa liwasang bayang nasa makapasok ng Pintuan patungo sa Tubig. Hiningi nila kay Ezra ang aklat ng Kautusan ni Moises na ipinatutupad ni Yahweh sa bayang Israel. Si Ezra ay isang saserdote at dalubhasa sa kautusan na sinugo ni Yahweh nang panahon ni Moises.
8:2 Kinuha nga ni Ezra ang aklat. Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga batang may sapat nang gulang at pang-unawa.
8:3 Mula sa umaga hanggang tanghali, binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang lahat naman ay nakinig na mabuti.
8:4 Siya ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa pagkakataong iyon. Sa kanan niya'y nakatayo sina Matitias, Sema, Anaya, Urias, Helcias at Maasias. Sa gawing kaliwa nama'y naroon sina Pedaya, Misael, Malquias, Hasum, Hasbadana, Zacarias at Mesullam.
8:5 Si Ezra ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat.
8:6 '"Purihin si Yahweh, ang dakilang Diyos!' ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, 'Amen, Amen.' Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang kay Yahweh. "
8:7 Tumayo ang mga tao, at ang Kautusa'y ipinaliwanag sa kanila ng mga Levitang sina Jesua, Bani, Serebias, Jamin, Acub, Sabetai, Hodias, Maasias, Kelita, Azarias, Josabad, Hanan at Pelaya.
8:8 Binasa nila nang maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan.
8:9 "Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban, anupat sila'y napaiyak. 'Ang araw na ito ay dakila kay Yahweh na inyong Diyos,' wika nina Nehemias, at Ezra at mga Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya't sinabi nila, 'Huwag kayong umiyak.'"
8:10 "Wika pa nila, 'Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito'y dakila kay Yahweh. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.' "
8:11 "Ang mga tao'y inaliw ng mga Levita, at pinatahimik ang mga ito. Wika sa kanila, 'Walang dapat malungkot sa inyo, sapagkat ang araw na ito ay banal.'"
8:12 Umuwing masaya ang lahat upang magdiwang, kumain sila at uminom at binahaginan naman ang wala. Silang lahat ay nagdiwang sapagkat naunawa nga nila ang ipinaliwanag sa kanila. ( Ang Pista ng mga Kubol )
8:13 Nang sumunod na araw, nagtipon sa harapan ni Ezra ang mga pangulo ng sambahayan kasama ang mga saserdote at Levita upang mag-aral ng Kautusan.
8:14 Natagpuan nila sa Kautusan na nagbigay si Yahweh ng utos kay Moises tungkol sa Pista ng mga Kubol. Ang utos ay dapat lumagi sa mga kubol sa panahong iyon.
8:15 "Kaya't nagpalabas sila ng utos para sa mga taga-Jerusalem at mga iba pang mga lunsod at bayan: 'Lumabas kayo sa mga burol at pumutol ng mga sanga ng olibo, aguho, mirto, palma at ng punongkahoy na mayayabong upang gawing mga kubol.'"
8:16 Gayon nila sinunod ang utos. Gumawa sila ng kubol sa kani-kanilang bubungan, bakuran at sa palibot ng templo. Gumawa rin sila ng mga kubol sa liwasan sa pagpasok sa Pintuan patungo sa Tubig at Pintuan ni Efraim.
8:17 Ang lahat ng nagbalik mula sa pagkatapon ay nagsigawa ng kanya-kanyang kubol at doon sila tumira. Hindi pa ito ginawa kailanman ng mga Israelita mula ng panahon ni Josue na anak ni Nun hanggang ngayon. Ang lahat ay masayang-masaya.
8:18 Ang Aklat ng Kautusan ay binabasa araw-araw, mula sa unang araw hanggang katapusan. Pitong araw silang nagpista at sa ikawalong araw ayon sa kaugalian, nagkaroon sila ng pangwakas na palatuntunan.
9:1 ( Ipinahayag ni Ezra ang Kasalanan ng Israel ) Noong ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagsuot sila ng magaspang na damit at naglagay ng abo sa kanilang ulo. Ito ang kapahayagan ng pagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
9:2 Inihiwalay nila ang mga tunay na Israelita sa mga dayuhan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasamaan ng kanilang mga ninuno.
9:3 Nanatili silang nakatayo sa kanilang kinaroroonan sa loob ng tatlong oras samantalang binabasa sa kanila ang Kautusan ni Yahweh na kanilang Diyos. Pagkatapos, tatlong oras din silang nagpahayag ng kanilang mga kasalanan at nagbigay-galang kay Yahweh.
9:4 Noo'y nasa isang entablado ang mga Levitang sina Jesua, Bani, Cadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani at tumatawag nang malakas kay Yahweh.
9:5 "Ang iba namang mga Levita'y nananawagan sa mga tao upang sumamba. Ito'y sina Jesua, Cadmiel, Bani, Hasabnias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias. Sabi nila: 'Tumayo tayo at magpuri kay Yahweh na ating Diyos. Purihin siya magpakailanman, Purihin ng lahat ang kanyang pangalan, Bagaman walang papuring magiging sapat.' ( Dalangin ng Pagsisisi )"
9:6 "At ang lahat ay sama-samang nanalangin, 'Ikaw lamang Yahweh, ang Panginoon; Ikaw ang lumikha ng kalangitan at mga bituin, Nilikha mo ang lupa, ang dagat at lahat ng naroroon; Binigyan mo sila ng buhay. Sinasamba ka ng lahat sa kalangitan. "
9:7 Ikaw, Yahweh, ang humirang kay Abram, Ikaw ang nagligtas sa kanya sa Ur ng Babilonia At tinawag mo siyang Abraham.
9:8 Nasumpungan mo siyang tapat sa iyo At ikaw ay nakipagtipan sa kanya: Ipinangako mo sa kanyang lahi Ang Canaan, ang lupaing tinitirahan ng mga Heteo, Mga Amorreo, Perezeo, Jebuseo at Gergeseo; Tinupad mo ang iyong pangako sa kanila, Sapagkat ikaw ay tapat.
9:9 Nakita mo ang kahabag-habag na kalagayan Ng aming mga ninuno sa lupain ng Egipto, At dininig mo ang kanilang panawagan Sa Dagat ng mga Tambo.
9:10 Gumawa ka ng kababalaghan laban sa Faraon, Laban sa kanyang mga pinuno at mga tauhan. Alam mong nagmalupit sila sa aming mga ninuno Ang ngalan mo'y tanyag pa hanggang ngayon.
9:11 Sa harapan nila'y hinati mo ang dagat At sila'y dumaan sa tuyong lupa. Ang mga humabol sa kanila'y nilunod mong lahat, Parang mga batong lumubog sa nagngangalit na dagat.
9:12 Pinatnubayan mo sila ng haliging ulap kung araw At haliging apoy kung gabi, sa kanilang paglalakbay.
9:13 Buhat sa langit nanaog ka sa Bundok ng Sinai, At kinausap mo sila roon. Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan, Mga batas at mga utos na mainam.
9:14 Tinuruan mo silang mangilin sa Araw ng Pamamahinga At ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan Sa pamamagitan ni Moises.
9:15 Nang sila'y magutom, Pinahatdan mo sila ng pagkaing mula sa langit At nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato. Ibinigay mo sa kanila ang lupaing iyong ipinangako.
9:16 Ngunit naging palalo ang aming mga ninuno, Nagmatigas sila at sinuway ang iyong mga utos.
9:17 Nilimot nila ang ginawa mo para sa kanila, Naging matigas ang kanilang ulo at ayaw sumunod; Dahil sa kanilang kapalaluan, Kumuha sila ng pangunahin upang magbalik Sa pagkaalipin sa Egipto. Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad, Mahabagin, matatag at mapagtimpi At di mo sila itinakwil.
9:18 Gumawa sila ng diyus-diyusang hugis baka, At sinabing, iyon ang naglabas sa kanila sa Egipto; Gayon ka nila nilapastangan!
9:19 Ngunit hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang Sapagkat dakila ka at mahabagin. Hindi mo inalis ang haliging ulap at ang apoy Upang may patnubay sila sa araw at gabi.
9:20 Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, Itinuro mo sa kanila ang dapat nilang gawin, Patuloy mo silang pinakain ng manna, At binigyan mo sila ng tubig na inumin.
9:21 Apatnapung taon sila sa ilang, Ngunit hindi sila nagkulang ng kanilang pangangailangan. Hindi naluma ang kanilang damit Ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
9:22 Pinagkalooban mo sila ng kapangyarihang Malupig at masakop ang ibang kaharian. Pati ang mga lupain ni Sehon, hari ng Hesbon At ni Og, hari ng Basan ay kanilang nasakop.
9:23 Pinarami mo ang kanilang lahi Paris ng mga bituin sa langit. Ibinigay mo sa kanila ang mga lupain Na ipinangako mo sa kanilang mga ninuno.
9:24 Pinasok nga nila ang lupain ng Canaan, Nilupig nila ang mga naninirahan doon. Pinasuko mo ang kanilang mga hari At ang mga tauhan nito'y ibinigay mo sa kanilang kamay Anupat nagawa nila sa mga ito ang kanilang ibigin.
9:25 Pinasok nila at nalupig Ang mga nakukutaang lunsod ng mga kaaway. Nakuha nila ang matataba nilang lupain, At nasamsam ang kanilang mga ari-arian: Mga bahay na puno ng kayamanan, Mga balon, mga ubasan at halamanan. Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan. Anupat tuwang-tuwa sila sa kanilang natamo.
9:26 Ngunit kinalaban ka pa rin, Tinalikdan nila ang iyong Kautusan. Pinatay nila ang mga propeta Na sinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo. Lagi ka nilang inuuyam.
9:27 Dahil sa ginawa nila, ipinaubaya mo sila Sa kamay ng kanilang mga kaaway, Ipinaalipin mo sila at pinahirapan. Ngunit nang sila'y tumawag sa iyo, Dininig mo pa rin sila mula sa langit. Sa habag mo sa kanila Binigyan mo sila ng mga pinunong magliligtas.
9:28 Sa kabila ng lahat ng ito Nang maging panatag ay lumabag na naman sa iyo, Kaya't binayaan mo na namang malupig sila ng mga kaaway. Nang sila'y muling magsisi at humingi ng tulong, Dininig mo sila mula sa langit. Paulit-ulit mo silang iniligtas.
9:29 Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan Ngunit sa kanilang kapalalua'y Lalo nilang nilabag ito. Bagaman ang Kautusan mo'y nagbibigay-buhay, Sa katigasan ng kanilang ulo'y hindi nila ito sinunod.
9:30 Maraming taon na pinagtiisan mo sila, Sinugo mo pa sa kanila ang iyong mga propeta, Ngunit hindi pa rin sila nakinig. Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
9:31 Ngunit hindi mo rin sila natiis, Hindi mo rin sila itinakwil at nilipol. Napakadakila at mahabagin kang Diyos!
9:32 O Diyos, aming Diyos, Tunay kang dakila! Nakapangingilabot ang iyong kapangyarihan. Tapat ka sa iyong mga pangako Mula pa nang kami'y lupigin ng mga hari ng Asiria; Magpahanggang ngayong lubos ang aming paghihirap, Lahat sa amin, maging ang aming mga hari, Mga pangulo, saserdote at propeta, mga ninuno. Alalahanin mo kami sa aming pagdurusa.
9:33 Makatuwiran ka sa iyong pagpaparusa, Pagkat ikaw ay tapat gayong kami'y nagkakasala.
9:34 Ang aming mga hari, prinsipe at saserdote Maging ang mga pinuno ay di sumunod sa iyong Kautusan, Ang mga utos mo't babala'y di nila pinakinggan.
9:35 Sa gitna ng kasaganaang tinatamasa nila, Sa ilalim ng mabuting pamamahala ng kanilang mga hari, Sa kabila ng malalawak at matatabang lupaing Kanilang minana, hindi pa rin sila nagbalik-loob At naglingkod sa iyo.
9:36 Ngayon, sa lupaing ito na iyong ipinamana, Sa lupaing ito na ang pagkai'y sagana, Kami'y busabos at alipin.
9:37 "Ang dahila'y sapagkat kami'y nagkasala, Kaya ang nagsasawa sa ani ng bukid Ay ang mga haring sa ami'y lumupig; Nasusunod nila anumang ibigin, Pati mga kawan nami'y inaangkin, O sukdulan na itong hirap namin!' ( Pangakong Susundin ang Kautusan )"
9:38 Dahil dito, kaming mamamayang Judio ay gumawa ng isang nakatitik na panata. Ito'y lubos na sinang-ayunan at nilagdaan ng mga pinuno, mga Levita at mga saserdote.
10:1 Ang unang lumagda bilang pagsang-ayon ay si Gobernador Nehemias. Pagkatapos ay si Sedequias na anak ni Hacalias at
10:2 ang mga saserdoteng sina Seraya, Azarias, Jeremias,
10:3 Pasur, Amarias, Malquias,
10:4 Hatus, Sebanias, Maluc,
10:5 Harim, Meremot, Obadias,
10:6 Daniel, Gineton, Baruc,
10:7 Mesullam, Abias, Miamin,
10:8 Maazias, Bilgai at Semaya.
10:9 Sumunod ang mga Levitang sina Jesua na anak ni Azanias, Binui mula sa sambahayan ni Henadad, si Cadmiel,
10:10 sina Sebanias, Hodias, Kelita, Pelaya, Hanan,
10:11 Mica, Rehob, Hasabias,
10:12 Zacur, Serebias, Sebanias,
10:13 Hodias, Bani at Beninu.
10:14 Sa mga pinuno, ang lumagda naman ay sina Paros, Pahat-moab, Elam, Zatu, Bani,
10:15 Buni, Asgad, Bebai,
10:16 Adonias, Bigvai, Adin,
10:17 Ater, Ezequias, Azur,
10:18 Hodias, Hasum, Bezai,
10:19 Harif, Anatot, Nebai,
10:20 Magpias, Mesullam, Hezir,
10:21 Mesezabel, Sadoc, Jadua,
10:22 Palatias, Hanan, Anaya,
10:23 Oseas, Hananias, Hasub,
10:24 Hallohes, Pilha, Sobec,
10:25 Rehum, Hasabna, Maaseya,
10:26 Ahias, Hanan, Anan,
10:27 Malluc, Harim at Baana. ( Ang Kasunduan )
10:28 Kami, ang buong bayan ng Israel, mga saserdote, mga Levita, mga bantay, mang-aawit, mga manggagawa sa templo; kaming mga lumayo sa mga dayuhan sa aming lupain dahil sa pagsunod sa Kautusan ng Diyos, pati ang aming asawa't mga anak na pawang may sapat na pag-iisip
10:29 ay nakikiisa sa aming mga kapatid na namamahala sa amin, at may pagsumpang nangangako na tutuparin ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Susundin namin ang lahat ng tuntunin at utos ni Yahweh na aming Diyos.
10:30 Hindi namin pahihintulutang mag-asawa ang aming mga anak sa mga dayuhang naninirahan sa aming lupain.
10:31 Kung sila'y magdala ng trigo o anumang paninda sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili sa kanila. Tuwing ika-7 taon, hindi namin tatamnan ang mga bukirin, at ipatatawad namin ang aming mga pautang.
10:32 Taun-taon, magbibigay ang bawat isa sa amin ng ika-3 parte ng isang siklo para sa gawain ni Yahweh:
10:33 tinapay na handog; pang-araw-araw na handog na pagkain at susunugin; handog sa Araw ng Pamamahinga, Pista ng Bagong Buwan at iba pang kapistahan; handog pangkasalanan ng Israel, at handog para sa iba't ibang pangangailangan sa templo.
10:34 Nagsapalaran kaming lahat; mga saserdote, Levita at mga mamamayan para malaman kung aling angkan ang magdadala ng kahoy na panggatong sa mga handog sa dambana ni Yahweh ayon sa hinihingi ng Kautusan.
10:35 Taun-taon, kami rin ang magdadala sa bahay ni Yahweh ng mga unang ani ng lupain at unang bunga ng mga punongkahoy.
10:36 Dadalhin din namin sa mga saserdote na maglilingkod sa templo ang mga panganay naming anak na lalaki upang italaga sa paglilingkod sa Diyos, ang panganay na anak ng baka, tupa at kambing para naman ihandog ayon sa hinihingi ng Kautusan.
10:37 Magdadala rin kami ng minasang harina mula sa unang ani ng trigo at ang unang bunga ng bawat punongkahoy. Magbibigay rin kami ng ikapu ng mga inani sa aming lupain. Ngunit ang ikapung ito ay kukunin na sa amin ng mga Levita at sila na ang magdadala sa templo.
10:38 Sasamahan ng isang saserdote ang mga Levitang magtitipon ng ikapu. Ang ikasampung bahagi nito ay dadalhin nila sa templo para gamitin doon.
10:39 Ang mga Israelita at ang mga Levita ang magdadala ng mga natipong trigo, alak at langis para itago sa mga bodega ng mga kagamitan sa templo. Dito tumitira ang mga saserdoteng naglilingkod, ang mga bantay at mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.
11:1 ( Ang mga Namamayan sa Jerusalem ) Ang mga pangunahing mamamayan ay doon tumira sa Jerusalem. Ang mga iba nama'y nagsapalaran upang sa bawat sampung pamilya ay kumuha ng isang titira sa banal na lunsod na iyon. Ang hindi nagkapalad na siyam ay doon naman nanirahan sa iba't ibang bayan ng Juda.
11:2 Sinumang magpasiyang tumira sa Jerusalem ay pinupuri ng lahat.
11:3 Narito ang mga pangunahing mamamayang tumira sa Jerusalem, at ang mga Judiong tumira sa iba't ibang bayan ng Juda. Ang ibang mga Israelita, mga saserdote, Levita, mga tagapaglingkod sa templo at ang mga angkan ng alipin ni Solomon ay sa iba't ibang bayan tumira, sa kanyang sariling lupain.
11:4 Narito ang tumira sa Jerusalem mula sa lipi ni Juda: si Ataya na anak ni Uzias at apo ni Zacarias. Kabilang sa kanyang mga ninuno sina Amarias, Sefatias, Mahalalel na pawang mula sa angkan ni Fares na anak ni Juda.
11:5 Si Maasias na anak ni Baruc at apo ni Colhose. Kabilang sa kanyang mga ninuno sina Hazaya, Adaya, Joarib at Zacarias mula sa angkan ni Sela.
11:6 Ang kabuuan ng matatapang na lalaki mula sa angkan ni Fares ay 468.
11:7 Ang tumira sa Jerusalem mula sa lipi ni Benjamin ay sina Sallu, anak ni Mesullam at apo ni Joed. Ang iba pang kasama sa angkan niya ay sina Pedaya, Colaya, Maasias, Itiel at Jesaias.
11:8 Ang iba pang mula sa angkan ni Sallu ay sina Gabai at Sallai; lahat-lahat ay 928 sambahayan.
11:9 Ang namahala sa kanila ay si Joel na anak ni Zicri at ang pangalawa ay si Juda na anak ni Hasenua.
11:10 Sa mga saserdote naman ay kabilang si Jedaya na anak ni Joarib, si Jaquin
11:11 at si Seraya na anak ni Helcias at apo ni Mesullam. Kabilang din sa kanyang angkan si Sadoc na anak ni Meraiot at apo ni Ahitob na siyang namamahala sa templo.
11:12 Ang kabuuan ng angkan niyang naglingkod sa templo ay 822. Kabilang din sina Adaya na anak ni Jeroham at apo ni Pelatias. Ang kasama sa angkan niya ay sina Amzi, Zacarias, Pasur at Malquias.
11:13 Ang kabuuan ng puno ng kanyang angkan ay 242. Kasama rin sa tumira sa Jerusalem si Amasai na anak ni Azarel at apo ni Azai. Ang kasamang angkan niya ay sina Mesillemot at Imer.
11:14 Ang kabuuan ng angkan nito na kanilang mga kapatid na pawang matatapang na mga kawal ay 128. Ang puno nila ay si Zabdiel na buhat sa isang kilalang angkan.
11:15 Ito naman ang pangkat na tumira rin sa Jerusalem: si Semaya na anak ni Hasub at apo ni Azricam. Kabilang sa kanyang angkan sina Hasabaya at Buni;
11:16 sina Sabetai at Josabad, mga tanyag na mga Levita na namamahala sa mga gawain sa labas ng templo.
11:17 Kasama rin nila si Matanias na anak ni Mica at apo ni Zabdi, mula sa angkan ni Asaf. Siya ang tagapanguna sa korong umaawit ng panalangin sa pagpapasalamat. Kasama rin niya si Bacbuquias na naging katulong niya at si Abda na anak ni Samua at apo ni Galal na mula sa angkan ni Jedutun.
11:18 Ang kabuuan ng mga Levita sa banal na lunsod ay 284.
11:19 Ang mga bantay na tumira sa Jerusalem na kinabibilangan nina Acub at Talmon kasama ang kanilang angkan ay 172 lahat.
11:20 Ang iba pang mga Israelita, mga saserdote at Levita ay nakakalat sa lahat ng bayan ng Juda, sa kani-kanilang mga lupang minana.
11:21 Ang lahat namang mga tagapaglingkod sa templo sa ilalim ng pamamahala nina Ziha at Gispa ay doon naman tumira sa Ofel.
11:22 Ang namahala sa mga Levitang nasa Jerusalem ay sina Uzi, anak ni Bani at apo ni Hasabias. Kasama niya buhat sa kanyang angkan sina Matanias at Mica mula sa sambahayan ni Asaf. Ang angkan nito ang namahala sa mga awitin sa loob ng bahay ni Yahweh.
11:23 Ang mga mang-aawit ay may kanya-kanyang araw ng paglilingkod, ayon sa mga tuntuning ipinag-uutos ng hari.
11:24 Si Petahias na anak ni Mesezabel mula sa angkan ni Zera sa lipi ni Juda ang kinatawan ng bayang Israel sa pagdulog sa hari ng Persia. ( Mga Bayang Tinirahan ng Ibang Israelita )
11:25 Ang mga angkang mula sa lipi ni Juda ay doon nanirahan sa mga bayang malapit sa kanilang bukirin. Tumira sila sa Kiryat-arba, Dibon at Jecabseel.
11:26 Ang iba sa kanila'y doon tumira sa mga bayan ng Jesua, Molada, Betpelet,
11:27 Hazar-sual, Beer-seba,
11:28 Siclag, Mecona,
11:29 En-rimon, Zora, Jarmut,
11:30 Zanoa, Adullam, Laquis at Azeca, anupat nakalatan nila ang kalawakan ng kabukiran mula sa Beer-seba, sa timog hanggang Hinom sa hilaga ng Jerusalem.
11:31 Ang mga angkan namang mula sa lipi ni Benjamin ay doon nanirahan sa Geba, Micmas, Hai, Betel,
11:32 Anatot, Nob, Ananias,
11:33 Hazor, Rama, Gitaim,
11:34 Hadid, Zeboim, Neballat,
11:35 Lod at Ono at sa Lambak ng mga Panday.
11:36 May pulutong ng mga Levita na dating naninirahan sa lupain ng Juda na doon napasama sa lipi ni Benjamin.
12:1 ( Ang mga Saserdote at Levita ) Ito ang talaan ng mga saserdote at mga Levitang nagbalik na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealtiel at ng dakilang saserdoteng si Jesua: sina Seraya, Jeremias, Ezra,
12:2 Amarias, Malluc, Hatus,
12:3 Secanias, Rehum, Meremot,
12:4 Iddo, Ginetoi, Abias,
12:5 Miamin, Maadias, Bilga,
12:6 Semaya, Joiarib, Jedaya,
12:7 Sallu, Amoc, Helcias at Jedaya. Sila ang mga puno ng mga saserdote at ng kanilang sambahayan nang panahon ni Jesua.
12:8 Ang mga Levita ay sina Jesua, Binui, Cadmiel, Serebias, Juda at Matanias. Sila ang namahala sa pag-awit ng mga imno ng pasasalamat.
12:9 Ito naman ang pangkat na bumuo ng koro na umaawit ng mga tugon: sina Bacbuquias, Unno at iba pang mga kasamang Levita.
12:10 Naging anak ni Jesua si Joaquim na ama ni Eliasib. Naging anak naman ni Eliasib si Joiada,
12:11 na ama ni Jonatan na ama ni Jadua.
12:12 Nang panahon ni Joaquim, ito ang mga saserdoteng puno ng mga angkan: Si Meraya sa angkan ni Seraya; si Hananias sa angkan ni Jeremias;
12:13 si Mesullam sa angkan ni Ezra; si Johanan sa angkan ni Amarias;
12:14 si Jonatan sa angkan ni Melicu; si Jose sa angkan ni Sebanias;
12:15 si Adna sa angkan ni Harim; si Helcai sa angkan ni Merayot;
12:16 si Zacarias sa angkan ni Iddo; si Mesullam sa angkan ni Ginneton;
12:17 si Zicri sa angkan ni Abias; si Piltai sa angkan ni Miniamin na taga-Moadias;
12:18 si Samua sa angkan ni Bilga; si Jonatan sa angkan ni Semaya;
12:19 si Matenai sa angkan ni Joiarib; si Uzi sa angkan ni Jedaya;
12:20 si Callai sa angkan ni Sallai; si Eber sa angkan ni Amoc;
12:21 si Hasabias sa angkan ni Helcias; at si Natanael sa angkan ni Jedaya.
12:22 Natala ang mga puno ng mga angkan ng mga Levita at mga saserdote nang panahon ng panunungkulan ng kataas-taasang saserdote na sina Eliasib, Joiada, Johanan at Jadua. Ang talaang iyo'y natapos nang panahong hari si Dario ng Persia.
12:23 Ang mga puno ng mga angkang Levita ay natala sa Aklat ng Kasaysayan hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliasib.
12:24 Ang mga pinuno ng Levita'y hinati sa limang pangkat na pinamunuan nina Hasabias, Serabias, Jesua, Bani at Cadmiel. Dalawang pangkat ang sagutang umaawit ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos, ayon sa ipinag-uutos ni David na lingkod ng Diyos.
12:25 Ang namamahala naman sa mga bantay sa mga bodega na malapit sa pintuan ng templo ay ang mga sumusunod: Matanias, Bacbuquias, Obadias, Mesullam, Talmon at Acub.
12:26 Noo'y panahon ng pamamahala ni Joaquim, anak ni Jesua at apo ni Joasadab. Ang gobernador noon ay si Nehemias at ang saserdote ay si Esdras na dalubhasa sa kautusan. ( Itinalaga ang Muog )
12:27 Nang itatalaga na ang muog ng Jerusalem, sa lahat ng dako'y ipinatawag ang mga Levita upang matipon sa Jerusalem upang ipagdiwang ito. Nais ng mga namamahalang gawin ito nang buong kasayahan, may awitan na kasaliw ang tugtog ng pompiyang, alpa at lira.
12:28 Ang mga mang-aawit na angkan ng mga Levita ay dumating buhat sa palibot ng Jerusalem, sa mga nayon ng Netofatitas,
12:29 Bet-gilgal at lupain ng Geba at Azmavet.
12:30 Nilinis ng mga saserdote at Levita ang kanilang sarili ayon sa Kautusan: gayon din ang ginawa ng mga tao. Nilinis na rin nila ang mga pintuan at mga pader ng muog.
12:31 Isinama ko sa ibabaw ng muog ng lunsod ang mga pinuno ng Juda. At nagtayo ako ng dalawang pangkat ng mga mang-aawit na liligid sa lunsod upang magpasalamat. Ang isang pangkat ay lumakad na pakaliwa sa ibabaw ng muog patungo sa Pintuang labasan ng Dumi.
12:32 Kasunod nito ang kalahati ng mga pinuno ng Juda sa pangunguna ni Hosaya.
12:33 Nasa likuran nila sina Azarias, Ezra, Mesullam,
12:34 Juda, Benjamin, Semaya at Jeremias.
12:35 Ang mga saserdoteng ito'y umiihip sa kanilang trompeta habang sumusunod sina Zacarias, anak ni Jonatan at apo ni Semaya at ang iba pang mga angkan ni Zacarias na sina Matanias, Micaya, Zacur at Asaf.
12:36 Sumunod din ang mga kaanak niyang sina Semaya, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Natanael, Juda at Hanani na dala naman ang mga tugtugin ni David na lingkod ng Diyos. Si Esdras ang nangunguna sa unang pangkat.
12:37 Pagdating nila sa Pintuang patungo sa Bukal nagtuloy silang paakyat sa Kuta ni David. Lumampas sila sa palasyo hanggang sa sumapit sila sa Pintuang patungo sa Tubig sa gawing silangan ng lunsod.
12:38 Ang ikalawang pangkat na nagpapasalamat din ay lumakad namang pakanan sa ibabaw ng muog. Sumunod ako sa pangkat na ito at lumakad kaming kasama ang kalahati ng mga pinuno ng bayan. Lumampas kami sa Tore ng mga Pugon papunta sa Malapad na Muog.
12:39 Mula roo'y nagtuloy kami sa Pintuan ni Efraim tuloy sa Matandang Pintuan, lampas sa Pintuan ng Isda, tuloy sa Tore ni Hananel, lampas sa Tore ng Sandaan tungo sa Pinto ng mga Tupa. Huminto kami sa may Pinto ng mga Tanod.
12:40 Ang dalawang pangkat ng mga mang-aawit ay nagtagpo sa tapat ng templo. Bukod sa mga pinunong kasama ko,
12:41 kasama ko rin ang mga saserdoteng sina Eliaquim, Maaseya, Miniamin, Micaya, Elioenai, Zacarias at Hananias, na pawang umiihip ng kanilang mga dalang trompeta.
12:42 Naroon din sina Maaseya, Semaya, Eleazar, Uzi, Johanan, Malquias, Elam at Ezer. Ang mga ito'y mang-aawit na pinangunahan ni Izrahias.
12:43 Nang araw na iyon, naghain sila ng maraming handog at nagsayang mabuti dahil sa kabutihang dulot sa kanila ng Diyos. Pati mga babae't mga bata'y nagsaya rin anupat ang ingay nila'y malayo ang inabot. ( Tinugunang Pangangailangan ng Saserdote at Levita )
12:44 Nang araw ring iyon, naglagay sila ng mga lalaking mamamahala ng mga bodegang paglalagyan ng mga kaloob, mga unang bunga, at ikapu, ayon sa hinihingi ng kautusan. Sila ang kukuha sa mga bukirin ng mga bayan ng mga kaloob para sa mga saserdote at mga Levita, sapagkat sila ang inihanda sa paglilingkod sa gawaing ito.
12:45 Tinupad nila ang utos ng Diyos tungkol sa paglilinis. Gumanap din ng kani-kanilang tungkulin ang mga mang-aawit at mga bantay ayon sa iniutos ni David, at ng anak nitong si Solomon.
12:46 Mula pa nang panahon ni David at ni Asaf na lingkod niya, ang mga mang-aawit ang namamahala sa pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos.
12:47 Sa panahon naman ni Zorobabel at ni Nehemias ibinigay ng buong Israel ang kanilang mga kaloob araw-araw para sa pangangailangan ng mga mang-aawit at mga bantay. Ibinigay nila ang bahagi para sa mga Levita at ang mga ito naman ang nagbibigay para sa mga saserdote.
13:1 ( Bagong Pamamalakad ni Nehemias ) Nang araw na binabasa sa madla ang aklat ni Moises, natuklasan nila roon na mahigpit na ipinagbabawal sa mga Moabita at Ammonita ang makihalo sa mga Israelita.
13:2 Ipinagbawal ito, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkai't inumin nang sila'y magdaan sa lugar ng mga ito buhat sa Egipto. Sa halip, inupahan pa nila si Balaam upang sumpain ang Israel bagaman ang sumpang iyon ay naging pagpapala ng Diyos.
13:3 Nang ito'y marinig ng mga tao, pinaalis nila ang hindi tunay na Israelita.
13:4 Noo'y si Eliasib, ang saserdoteng namamahala ng mga bodega sa templo, at si Tobias ay napakabuti ang samahan. Palibhasa'y matagal na silang magkaibigan,
13:5 kaya pinaglaanan itong huli ng sariling malaking silid sa templo. Ang silid na iyo'y taguan ng mga butil na handog, kamanyang, mga kagamitan sa templo, ikapung trigo, bagong alak at langis na iniuukol sa mga Levita, mga mang-aawit at mga bantay. Ito rin ang dakong pinaglalagyan ng mga kaloob para sa mga saserdote.
13:6 Wala ako noon sa Jerusalem, sapagkat nang si Artajerjes, hari ng Babilonia'y nasa ika-32 taong paghahari, nagpunta ako roon upang mag-ulat sa kanya.
13:7 Hindi nagluwat at ako'y pinahintulutang magbalik sa Jerusalem. Noon ko nalamang binigyan pala ni Eliasib si Tobias ng lugar sa loob ng templo.
13:8 Hindi ko ito nagustuhan, kaya't sa galit ko'y itinapon ko ang lahat ng kagamitan ni Tobias.
13:9 Iniutos ko pagkatapos na linisin ang silid at ibalik na muli roon ang mga kagamitan sa templo pati ang handog na butil at kamanyang.
13:10 Nalaman ko rin na ang mga Levita at ang mga mang-aawit na dapat maglingkod sa templo ay umuwi na sa kanilang mga bukirin, sapagkat hindi sila tumatanggap ng bahaging nauukol sa kanila.
13:11 "Nagalit ako sa mga namamahala at sinabi ko, 'Bakit pinabayaan ninyo ang bahay ng Diyos?' Kaya't ipinatawag ko ang lahat at ibinalik sa kani-kaniyang tungkulin."
13:12 Ang buong Juda'y nagdala ng kanilang ikapu ng mga inani, alak at langis at tinipon sa bodega.
13:13 Ang pinapamahala ko'y sina Selemias na saserdote, Sadoc na eskriba, at si Pedaya na isang Levita. Pinatulong ko sa kanila si Hanan, anak ni Zacur at apo ni Matanias, palibhasa'y taong mapagtitiwalaan. Sila ang pinagtiwalaan kong mamahagi sa pangangailangan ng mga kapatid.
13:14 Marapatin po ninyo, Diyos ko, ang paglilingkod kong ito sa templo at ang pananambahan doon.
13:15 Noon ko rin nakita na ang mga lalaki sa Juda ay nagpipisa ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagtitipon ng mga inani. Ikinakarga nila sa mga asno ang alak, ubas, igos, at lahat ng uri ng kargada, at dinadala sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan kong mabuti ang pagbibili ng pagkain sa araw na ito.
13:16 Ang mga taga-Tiro na nasa lunsod ay nagdadala naman ng isda, at lahat ng uri ng paninda, at sa Araw din ng Pamamahinga nila ipinagbibili sa mga taga-Juda na nasa Jerusalem.
13:17 "Dahil dito, nagalit ako sa mga namumuno sa Juda. Sinabi ko, 'Ano bang kasamaa't paglapastangan itong ginagawa ninyo sa Araw ng Pamamahinga?"
13:18 "Hindi ba ito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno kaya tayo at ang lunsod na ito'y pinarusahan ng Diyos? Lalo ninyong gagalitin ang Diyos sa ginagawa ninyong paglapastangan sa Araw ng Pamamahinga!' "
13:19 At iniutos ko mula noon na pagsapit ng Araw ng Pamamahinga, ang mga pintuan ng lunsod ay sarhan bago lumubog ang araw at huwag bubuksan hanggang hindi nakararaan ang araw na iyon.{ a} Pinabantayan ko sa aking mga tauhan ang mga pintuan upang matiyak na walang anumang panindang maipapasok sa Araw ng Pamamahinga.
13:20 Di miminsa't mamakalawang ang mga mangangalakal sa Jerusalem ay sa labas ng muog natutulog.
13:21 Binabalaan ko sila na kapag umulit pa'y parurusahan ko na sila. Mula noo'y hindi na sila nagbalik sa Araw ng Pamamahinga.
13:22 Iniutos ko sa mga Levita na dapat silang maglinis at magbantay sa mga pinto upang maingatang banal ang Araw ng Pamamahinga. Marapatin po ninyo O Diyos, ang ginawa kong ito at sa dakila ninyong pag-ibig, ingatan ako.
13:23 Nalaman ko rin noon, na maraming mga Judio ang nag-aasawa sa mga babaing Asdodita, Ammonita at Moabita.
13:24 Kaya kalahati ng kanilang mga anak, ang nagsasalita ng wikang dayuhan.
13:25 Nakipagtalo ako sa kanila, at sa galit ko'y sinabunutan ko sila. Pinapanumpa ko sila sa ngalan ng Diyos na ang kanilang mga anak na lalaki at babae'y di mag-aasawa sa mga dayuhan.
13:26 '"Hindi ba iyan ang sanhi nang pagkakasala ni Solomon?' wika ko sa kanila. 'Walang sinumang hari saanmang bansang tulad niya, mahal siya ng Diyos, at ginawang hari sa buong Israel, gayunman, nagkasala siya dahil sa mga babaing dayuhan."
13:27 "Susundin ba namin ang inyong ginawa upang magkasala at sisirain pati ang pananalig sa Diyos, sa pag-aasawa ng mga dayuhan?' "
13:28 Dahil sa pagkapag-asawa sa anak ni Sanbalat na Horonita ng isa sa mga anak na lalaki ni Joiada, pinalayas ko siya bagaman anak ng punong saserdoteng si Eliasib.
13:29 Huwag po ninyong kalilimutan O Diyos ang kahihiyang ginawa nila sa paglapastangan sa tungkuling pagkasaserdote at ang tipan ng mga saserdote at mga Levita.
13:30 Inalis ko sa kanila ang lahat ng pakikitungo sa mga dayuhan, at muli kong ipinatupad sa mga Levita at mga saserdote ang kanilang tungkulin.
13:31 Isinaayos ko rin ang pagdadala ng mga kahoy na panggatong sa mga panghandog, gayon din ang mga unang bunga ng mga halaman sa pana-panahon. Sa lahat ng mabuting ginawa ko, alalahanin ninyo ako O Diyos, at ako'y pagpalain.
|