|
14. 2 Mga Cronica
1:1 ( Karunungan Kaloob kay Solomon ) Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sapagkat sumasakanya si Yahweh.
1:2 Ipinatawag niya ang mga pinunong namamahala sa libu-libo at sa daan-daan, ang lahat ng may kapangyarihan at ang buong bayan.
1:3 Isinama niya ang mga ito sa burol ng Gabaon, sa Toldang Tipanan, na ginawa ni Moises noong sila'y nasa ilang.
1:4 Ngunit wala roon ang Kaban ng Tipan pagkat ito'y kinuha ni David sa Kiryat-jearim at dinala sa Jerusalem, sa toldang itinayo niya roon.
1:5 Ang nasa Gabaon, sa harap ng tolda ni Yahweh, ay ang dambanang tanso na ginawa ni Bezalel, anak ni Uri at apo ni Hur.
1:6 Pagdating sa Gabaon, nag-alay si Solomon ng 1,000 handog na susunugin sa dambanang tanso.
1:7 "Kinagabihan, napakita ang Diyos kay Solomon at sinabi sa kanya: 'Sabihin mo kung ano ang ibig mo, at ibibigay ko sa iyo.' "
1:8 "Sumagot si Solomon: 'Napakabuti ninyo sa aking amang si David. At ngayo'y ginawa ninyo akong hari, kahalili niya."
1:9 Natupad sa akin ang pangako ninyo sa kanya. Ginawa ninyo akong hari ng isang lahing sindami ng alabok sa lupa.
1:10 "Kaya ngayon, ang hiling ko'y bigyan ninyo ako ng katalinuhan at kaalaman upang mapamahalaan ko nang marapat ang bayang ito. Kung hindi ninyo ako bibigyan ng kakayahan paano ko pamamahalaan ang malaking bayang ito?' "
1:11 '"Mabuti ang hiniling mo,' sagot ng Diyos kay Solomon. 'Hindi ka naghangad ng kayamanan o karangalan. Hindi mo hinihiling ang kamatayan ng iyong mga kaaway o pahabain ang iyong buhay. Sa halip, ang hiningi mo'y katalinuhan at kaalaman sa pamamalakad sa bayang ito na niloob kong pagharian mo."
1:12 "Ipinagkakaloob ko sa iyo ang hinihingi mo. At hindi lamang iyan! Bibigyan pa kita ng kayamanan at karangalan na kailanma'y di kinamtan ng mga haring nauna sa iyo, at di kakamtan ng mga susunod pa.'"
1:13 Pagkatapos niyon, bumalik si Solomon sa Jerusalem. ( Ang Kayamanan at Kapangyarihan ni Solomon )
1:14 Nagtatag si Solomon ng isang hukbong binubuo ng 12,000 kabayuhan at 1,400 karwahe. Ang mga ito'y inilagay niya sa Jerusalem at sa iba't ibang lunsod.
1:15 Sa panahon ng paghahari niya, ang ginto at pilak sa Jerusalem ay naging pangkaraniwan lamang na parang bato, at ang kahoy na sedro ay naging sindami ng sikomoro sa kapatagan.
1:16 Ang mga kabayo niya'y galing pa sa Egipto at sa Cilicia, na binibili ng kanyang mga tagapamili.
1:17 Bumibili rin siya ng mga karwahe sa Egipto sa halagang 600 siklo ang isa, at sa 150 siklo naman ang isang kabayo. Ang mga ito'y ipinagbibili naman niya sa mga hari ng mga Heteo at mga Arameo.
2:1 ( Paghahanda sa Pagtatayo ng Templo ) Ipinasiya ni Solomon na magtayo ng Templo para kay Yahweh at ng palasyo para sa hari.
2:2 Nagtalaga siya ng 80,000 katao na magtitipak ng bato sa kabundukan, 70,000 tagahakot, at 3,600 tagapamahala.
2:3 "Matapos, sumulat siya kay Huram{ a} na hari ng Tiro, at ganito ang sinabi: 'Napakaganda ng pagtitinginan ninyo ng aking amang si David. Pinadalhan ninyo siya ng mga kahoy na sedrong ginamit sa pagtatayo ng kanyang palasyo."
2:4 Ngayon, magtatayo naman ako ng isang Templo para kay Yahweh. Ito'y itatalaga ko sa kanya. Doon ako magsusunog ng kamanyang, at mag-aalay ng tinapay at handog na susunugin sa umaga, sa hapon, sa Araw ng Pamamahinga, sa bagong buwan at sa mga takdang kapistahan ni Yahweh na aming Diyos sapagkat ito'y utos sa Israel magpakailanman.
2:5 Malaki ang Templong ipatatayo ko sapagkat higit na dakila ang aming Diyos kaysa alinmang diyos.
2:6 Kung sabagay, sino ang makapagtatayo ng isang Templong maaaring tirahan niya? Siya'y hindi magkasiya sa kataas-taasang langit. At sino naman ako upang ipagtayo siya ng Templo? Ang ipatatayo ko lamang ay isang Templong mapagsusunugan ng mga handog.
2:7 Kaya kung maaari, padalhan ninyo ako ng isang dalubhasang panday ng ginto, pilak, tanso at bakal, sanay humabi ng purpura, eskarlata at hasinto, at marunong umukit. Siya ang mamamahala sa aking mga manggagawa rito sa Juda at sa Jerusalem, mga tauhang inihanda ng aking amang si David.
2:8 Padalhan din ninyo ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum na galing sa Libano. Alam kong bihasa ang mga tauhan ninyo sa pamumutol ng kahoy sa Libano. Handa akong magpadala ng aking mga tauhan upang tumulong.
2:9 Maraming kahoy ang kailangan kong ihanda sapagkat malaki ang Templong aking ipatatayo.
2:10 "Ako ang bahala sa pagkain ng inyong mga tauhan. Bibigyan ko sila ng 74,000 litrong trigo, 74,000 litrong sebada, 162,000 galon ng alak at 162,000 galon ng langis.' "
2:11 "Ganito naman ang sagot ni Haring Huram: 'Dahil sa pag-ibig ni Yahweh sa kanyang bayan, kayo ang ginawa niyang hari."
2:12 Purihin siya, ang Diyos ng Israel at lumikha ng langit at lupa. Pinagkalooban niya si Haring David ng isang anak na marunong, matalino at maalam. Siya ang magpapatayo ng Templo ni Yahweh at ng palasyo para sa hari at sa kanyang mga tauhan.
2:13 At ngayon, papupuntahin ko sa inyo si Huram, isang taong matalino at dalubhasa sa lahat ng gawain.
2:14 Ang ina niya'y mula sa lipi ni Dan; taga-Tiro naman ang kanyang ama. Isa siyang mahusay na panday ng ginto, pilak, tanso at bakal. Sanay siyang gumawa ng mga sangkap na bato o kahoy man. Bihasa siyang humabi ng mga kayong purpura, hasinto, eskarlata at linong mamahalin. Magaling din siyang umukit ng lahat ng uri ng larawan. Anupat maaari niyang gawin ang anumang iutos ninyo sa kanya, kasama ng mga manggagawa ninyo at ng inyong mahal na amang si David.
2:15 Kaya ipadala na ninyo rito ang trigo, sebada, langis at alak na inyong ipinangako,
2:16 "at magpapaputol na kami ng lahat ng kahoy na kailangan ninyo. Mula sa Libano'y babalsahin namin sa dagat ang mga kahoy hanggang Joppe. Buhat naman doo'y kayo na ang magpahakot diyan sa Jerusalem.' "
2:17 Ipinakuha ni Solomon ang bilang ng lahat ng dayuhan sa Israel, tulad ng ginawa ni David. At nakabilang sila ng 153,600 katao.
2:18 Itinalaga niya ang 70,000 sa paghahakot, at ang 80,000 sa pagtitibag ng bato sa bundok. Ang 3,600 naman ay ginawa niyang tagapamahala.
3:1 ( Ang Templo sa Jerusalem ) Ang Templo sa Jerusalem ay itinayo ni Solomon sa Bundok ng Moria, sa giikan ng Jebuseong si Ornan. Ang pook na iyon ay inihanda ni David matapos pakita sa kanya si Yahweh.
3:2 Sinimulan niya ang pagpapagawa noong ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kanyang paghahari.
3:3 Ito ang sukat ng Templo sa Jerusalem: siyamnapung talampakan ang haba at tatlumpung talampakan ang luwang ayon sa matandang paraan ng pagsukat.
3:4 Ang haba ng portiko sa dakong harap ng Templo ay tatlumpung talampakan---kapantay ng luwang ng kabahayan---at labinlimang talampakan naman ang luwang.{ a} Binalutan niya ng lantay na ginto ang loob nito.
3:5 Ang Dakong Banal ay tinakpan niya ng mga tablang sipres. Pagkatapos, binalutan niya ito ng lantay na ginto at inukitan ng mga punong palma at kadenang bulaklak.
3:6 Pinalamutihan pa niya ito ng napakagagandang batong hiyas at gintong galing sa Parvaim.
3:7 Binalutan nga niya ng ginto ang buong kalakhan ng Templo: ang mga hamba, ang mga pinto at mga dingding. Pinaukitan pa niya ito ng mga larawan ng kerubin.
3:8 Ang haba naman ng Dakong Kabanal-banalan ay tatlumpung talampakan---kapantay ng luwang ng kabahayan---at tatlumpung talampakan ang luwang. Binalot din niya ito ng lantay na ginto na umabot sa 600 talento,
3:9 at limampung siklo naman ang ginawang pamako. Binalot pa rin ng ginto ang mga silid sa itaas.
3:10 Nagpagawa siya ng dalawang larawan ng kerubin sa loob ng Dakong Kabanal-banalan. Binalot din ito ng ginto.
3:11 Tatlumpung talampakan ang kabuuang haba ng mga pakpak ng dalawang kerubin, limang siko ang bawat isang pakpak. Ang dulo ng isang pakpak ng unang kerubin ay abot sa dingding at ang dulo naman ng kabilang pakpak ay abot sa dulo ng pakpak ng ikalawang kerubin.
3:12 Gayon din naman, ang dulo ng isang pakpak ng pangalawang kerubin ay abot sa kabilang dingding at ang dulo ng kabilang pakpak ay abot naman sa dulo ng pakpak ng unang kerubin. Kaya't ang nasasakop ng kanilang mga pakpak ay tatlumpung talampakan.
3:13 Nakatayo ang mga kerubin at kapwa nakaharap sa kalakhan ng Templo.
3:14 Mga telang hinabi sa lanang murado, purpura, eskarlata at mamahaling lino ang ginamit niyang tabing. Pinaburdahan pa niya ito ng mga larawan ng kerubin. ( Ang Dalawang Haliging Tanso )
3:15 Sa harap ng Templo, nagtayo siya ng dalawang haligi na limampu't dalawang talampakan ang taas at may kapitel na pitong talampakan ang taas.
3:16 Nagpagawa siya ng mga kadena at isinabit na parang kuwintas sa mga kapitel, at 100 granadang tanso na ikinabit sa mga kadena.
3:17 Itinayo niya ang mga haligi sa harap ng Templo, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ang nasa kanan ay tinawag na Jaquin at ang nasa kaliwa ay tinawag na Booz.
4:1 ( Mga Kasangkapan sa Patyo ng Templo ) Gumawa siya ng isang dambanang tanso na tatlumpung talampakan ang haba, gayon din ang luwang, at labinlimang talampakan ang taas.
4:2 Pagkatapos, ipinagawa niya ang dagat-dagatang tanso. Ito'y isang malaking kawa, labinlimang talampakan ang luwang ng labi, pitong talampakan ang lalim at apatnapu't limang talampakan ang kabilugan.
4:3 Ang gilid ng dagat-dagatan sa gawing labas ay may dalawang hanay ng mga dibuhong animo'y mga torong sunud-sunod. Ang mga ito'y binubo na kasama ng kawa.
4:4 Ang patungan ng dagat-dagatan ay labindalawang torong magkakatalikod: tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, tatlo sa kanluran at tatlo sa silangan.
4:5 Isang damak ang kapal ng kawa at ang labi nito'y hugis kopa, parang bulaklak na liryo. Ang kawa'y maaaring maglaman ng 3,000 baldeng tubig.
4:6 Nagpagawa pa rin siya ng sampung palangganang hugasan, lima sa gawing kanan at lima sa kaliwa. Doon nililinis ang mga handog na susunugin at sa dagat-dagatan naman naghuhugas ang mga saserdote.
4:7 Nagpagawa rin siya ng sampung ilawang ginto, katulad ng ipinagawa ni Yahweh kay Moises. Ipinalagay naman niya ang mga ilawang ito sa Dakong Banal, lima sa gawing kanan at lima sa kaliwa.
4:8 Pagkatapos, nagpagawa siya ng sampung lamesa at ipinalagay rin sa Dakong Banal, lima sa gawing kanan at lima sa gawing kaliwa. Nagpagawa rin siya ng 100 inumang ginto.
4:9 Ipinagawa rin niya ang patyo ng mga saserdote, at ang patyong malaki, pati ang mga pinto nito. Ang mga panakip ng pinto ay binalot niya ng tanso.
4:10 Itinayo niya ang dagat-dagatan sa gawing kanan sa dakong timog-silangan.
4:11 Gumawa rin si Huram ng mga sisidlan ng abo, mga pala at mga kalderong sahuran ng dugo. Tinapos nga ni Huram ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Haring Solomon para sa tahanan ng Diyos:
4:12 ang dalawang haliging tanso, ang mga moldura ng mga kapitel sa dulo ng mga haligi at ang dalawang hanay ng palamuti na animo'y lambat na nakapaligid sa mga kapitel;
4:13 ang 400 granadang tanso na dalawang hanay ang pagkakabit sa mga palamuting nakapaligid sa mga kapitel;
4:14 ang sampung palanggana at ang sampung patungan ng mga ito;
4:15 ang dagat-dagatang tanso at ang labindalawang torong kinapapatungan nito;
4:16 ang mga lalagyan ng abo, mga pala at mga pantusok at iba pang kasangkapan. Ang lahat ng kasangkapang ito na pawang yari sa kininis na tanso ay ginawa ni Huram para sa tahanan ni Yahweh, sa utos ni Haring Solomon.
4:17 Ipinabubo ng hari ang lahat ng ito sa kapatagan ng Jordan sa pagitan ng Sucot at Zereda.
4:18 Sa karamihan ng mga kagamitang ito, hindi na nakayang timbangin ang ginamit na tanso.
4:19 Ipinagawa rin ni Solomon ang mga kasangkapan sa loob ng tahanan ng Diyos: ang dambanang ginto, ang mga mesang pinaghahanayan ng tinapay na handog;
4:20 ang mga ilawang lantay na ginto, pati ang mga ilawang dapat sindihan sa harap ng Dakong Kabanal-banalan, ayon sa Kautusan;
4:21 ang mga palamuting bulaklak, ang mga ilawan at mga pampatay ng ilaw na pawang gintong lantay;
4:22 ang mga kutsilyo, ang mga lalagyan ng dugo, ang mga sisidlan ng kamanyang na pawang gintong lantay. Pati ang mga pinto ng Templo, ng Dakong Banal at Dakong Kabanal-banalan ay balot din ng ginto.
5:1 Nayari ang lahat ng ipinagawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh. At ipinasok niya sa taguan ang lahat ng bagay na natatalaga sa Diyos mula pa sa panahon ni David: ginto, pilak at mga kagamitang sagrado. ( Dinala sa Templo ang Kaban ng Tipan )
5:2 Ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem ang matatanda ng Israel, ang mga pangulo ng mga lipi at ang mga pinuno ng mga angkan upang kunin sa Sion, sa Lunsod ni David, ang Kaban ng Tipan.
5:3 Kaya't nagtipun-tipon ang kalalakihan ng Israel noong Pista ng mga Tolda.
5:4 Pagdating ng matatanda ng bayan, binuhat ng mga Levita ang Kaban ng Tipan
5:5 at ipinasok sa Templo. Ipinasok din ng mga saserdote at ng mga Levita ang Toldang Tipanan at ang mga kagamitang sagrado.
5:6 Pagkatapos, si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay naghandog ng napakaraming baka at tupa sa harap ng Kaban ng Tipan.
5:7 At ipinasok ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan. Inilagay nila ito sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
5:8 Nakabuka ang mga pakpak ng mga kerubin anupat nalulukuban ng mga iyon ang Kaban ng Tipan at ang mga pasanan nito.
5:9 Ang mga pasanan ay lampas sa magkabilang dulo ng Kaban at nakikita ito mula sa Dakong Banal. Ngunit hindi ito buhat sa labas ng Templo. Ganito pa rin ang ayos ng lahat ng iyon hanggang ngayon.
5:10 Walang laman ang kaban kundi ang dalawang tapyas ng batong inilagay roon ni Moises noong sila'y nasa Horeb. Ito ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng tipan na pinagtibay ni Yahweh sa bayang Israel noong umalis sila sa Egipto. ( Ang Kaningningan ni Yahweh )
5:11 Ang lahat ng saserdoteng naroon bagamat iba't ibang pangkat ay nagtalaga ng kani-kanilang sarili sa paglilingkod. At paglabas nila mula sa Templo,
5:12 nakatayo naman sa gawing silangan ng dambana ang mang-aawit na mga Levita: sina Asaf, Heman at Jedutun, kasama ang kanilang mga anak at mga kapatid. Nakadamit sila ng mamahaling lino at tumutugtog ng simbalo, alpa at lira, kasaliw ng mga trompeta na hinihipan ng 120 saserdote.
5:13 "Ang mga umiihip ng trompeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh. Sa saliw ng mga trompeta, simbalo at iba pang mga instrumento ay inaawit nila ang ganitong papuri: 'Sapagkat siya'y mabuti at ang pag-ibig niya'y walang hanggan.' At ang Templo, ang tahanan ng Diyos, ay napuno ng ulap."
5:14 Kaya't ang mga saserdote'y hindi makapanatili sa loob upang maglingkod. Lumaganap sa tahanan ng Diyos ang kaningningan ng kanyang di malirip na Kamahalan.
6:1 ( Ang Dalangin at ang Pahayag ni Solomon ) "Sinabi noon ni Solomon: 'Sinabi mo, Yahweh, na ibig mong manirahan sa makapal na ulap. "
6:2 "Ngunit ipinagtayo kita ng isang dakilang tahanan, Isang lugar na tatahanan mo habang panahon.' "
6:3 Pagkatapos, humarap siya sa bayan at binasbasan.
6:4 "Wika niya: 'Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon:"
6:5 'Mula nang hanguin ko sa Egipto ang aking bayan hanggang ngayon, hindi ako pumipili ng alinmang lunsod sa labindalawang lipi upang ipagtayo ako roon ng isang Templo na aking matitirahan. Hindi pa rin ako pumipili ng sinuman upang mamuno sa Israel.
6:6 Ngunit pinili ko ang Jerusalem upang maging tahanan ko at hinirang ko si David upang mamuno sa aking bayang Israel.'
6:7 '"Binalak ng aking ama na ipagtayo ng tahanan si Yahweh, ang Diyos ng Israel."
6:8 Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Mabuti ang binabalak mong magtayo ng isang Templo para sa akin.
6:9 Subalit hindi ikaw ang magtatayo niyon, kundi ang isa sa magiging anak mo.'
6:10 '"Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naluluklok ako sa trono ng Israel gaya ng kanyang pangako. Naitayo ko na ang Templo sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel."
6:11 "Naroon na ang Kaban ng Tipan na kinalalagyan ng Kautusang nakatitik sa bato na pinagtibay ni Yahweh sa mga anak ng Israel.' ( Ang Panalangin ni Solomon para sa Sarili )"
6:12 Pagkatapos, kaharap pa rin ang buong bayan, tumayo si Solomon sa harap ng dambana.
6:13 May ipinagawa siya na isang platapormang tanso, limang siko ang haba at luwang, gayon din ang taas. Umakyat siya roon at lumuhod na kitang-kita ng buong kapulungan ng Israel. Itinaas niya ang kanyang mga kamay
6:14 "at nanalangin ng ganito: 'Yahweh, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa ay walang Diyos na tulad mo. Tinutupad mo ang iyong pangako sa iyong mga alipin. Walang maliw ang pag-ibig na ipinadadama mo sa kanila habang sila'y nananatiling tapat sa iyo."
6:15 Tinupad mo ngayon ang iyong pangako sa aking amang si David.
6:16 Nawa Yahweh ay patuloy mong tuparin ang iyong pangako kay David na iyong alipin nang sabihin mo sa kanya: 'Hindi ko ipahihintulot na ang iyong angkan ay mawalan ng isang nakaluklok sa trono ng Israel kung ang iyong mga anak ay susunod sa kalooban ko, tulad ng ginawa mo.'
6:17 Pagtibayin mo, Diyos ng Israel, ang mga pangakong binitiwan mo sa aking amang si David na iyong alipin.
6:18 '"Subalit maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan mo, ito pa kayang hamak na Templong aking itinayo?"
6:19 Gayunman, dinggin mo ang dalangin at pagsusumamo ng iyong alipin.
6:20 Huwag mong iwaglit sa iyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang ipinangako mong maninirahan dito ang iyong pangalan. Sa gayon, maririnig mo ang mga dalangin ng iyong alipin tuwing ako'y mananalangin dito. ( Idinalangin ni Solomon ang Bayan )
6:21 '"Dinggin mo ang iyong alipin at ang iyong bayan tuwing kami'y mananalangin sa lugar na ito. Dinggin mo kami mula sa iyong luklukan sa langit at pagkarinig mo'y patawarin kami. "
6:22 '"Sakaling magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa at siya'y panumpain sa harap ng iyong dambana sa Templong ito,"
6:23 dinggin mo siya, Yahweh, buhat sa langit. Ikaw ang humatol sa kanya. Parusahan mo ang nagkasala at pagpalain ang walang sala.
6:24 '"Sakaling ang bayan mong Israel ay malupig ng kaaway dahil sa kanilang pagkakasala, sa sandaling magbalik-loob sa iyo, kumilala ng iyong kapangyarihan, dumalangin at manawagan sa Templong ito,"
6:25 dinggin mo sila at patawarin. Ibalik mo sila sa lupaing iyong ibinigay sa kanilang mga ninuno.
6:26 '"Sakaling mapinid ang langit at hindi pumatak ang ulan sapagkat nagkasala ang bayan mong Israel, kung sila'y manalangin sa Templong ito, magpuri sa iyong pangalan at magsisi sa kanilang kasalanan sa pagkakilalang iyon ang dahilan ng iyong pagpaparusa,"
6:27 dinggin mo sila. Patawarin mo ang iyong mga alipin, ang bayan mong Israel. Ituro mo sa kanila ang landas na dapat nilang tahakin. Papatakin mo na ang ulan sa lupaing ibinigay mong pamana sa iyong bayan.
6:28 '"Sakaling lumaganap sa lupain ang taggutom at salot, kung malanta at matuyo ang mga halaman, kung ang mga ito'y dagsaan ng lukton at balang, kung ang alinman sa kanilang mga lunsod ay makubkob ng kaaway, kung lumaganap ang sakit at salot,"
6:29 sa sandaling ang bayan mong Israel o sinuman sa kanila ay magsisi at iunat ang mga kamay paharap sa lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa iyo,
6:30 dinggin mo sila mula sa langit na iyong luklukan at sila'y iyong patawarin. Ibigay mo sa bawat isa ang marapat sa kanyang mga gawa, sapagkat ikaw lamang ang nakatatalastas ng puso ng tao.
6:31 Sa gayon, mananatili silang may takot sa iyo habang sila'y nabubuhay dito sa lupaing ibinigay mo sa aming mga ninuno.
6:32 Idinadalangin ko rin ang dayuhan dito sa iyong bayang Israel. Idinadalangin ko ang taga malayong lupain na magsasadya sa Templong ito upang manalangin kapag nabalitaan ang kapangyarihan mong laganap at hindi mahahadlangan.
6:33 Pakinggan mo siya mula sa langit na iyong luklukan at ipagkaloob mo sa kanya ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa lupa ang iyong pangalan. At tulad ng Israel, pupunta sila sa Templong ito upang sumamba sa iyo.
6:34 '"Sakaling dumako sa ibang lugar ang bayan mo upang makibaka bilang pagsunod sa iyong kalooban, kapag sila'y humarap sa lunsod na ito na iyong hinirang at sa Templong ito na aking ipinatayo para sa iyo at manalangin,"
6:35 dinggin mo sila mula sa langit. Pagtagumpayin mo sila.
6:36 '"Sakaling ang bayan mo'y magkasala sa iyo (sinong tao ang hindi nagkakasala) at dahil sa galit mo'y bayaan silang mabihag ng kanilang mga kaaway sa malayo o malapit man,"
6:37 kung sa lupaing pinagdalhan sa kanila'y makilala nila ang kanilang kamalian at tanggaping sila'y nagkasala at nagpakasama,
6:38 sa sandaling sila'y magsisi nang taos-puso at magbalik-loob sa iyo at mula roo'y humarap sila sa lupaing kaloob mo sa kanilang mga nuno, sa lunsod na ito na iyong hinirang at sa Templong ito na aking ipinatayo sa iyong pangalan,
6:39 dinggin mo sila mula sa langit na iyong luklukan. Dinggin mo ang kanilang pagluhog at iligtas sila. Patawarin mo ang iyong bayan sa kanilang pagkakasala sa iyo.
6:40 Lingapin mo sila, O Diyos at dinggin ang panalanging ginagawa sa lugar na ito:
6:41 'Halika na, Yahweh, sa iyong Templo. Manirahan ka rito, ikaw at ang kaban ng iyong lakas Upang maramtan ng kaligtasan ang iyong mga saserdote At ipagdiwang ng mga tapat sa iyo ang iyong kabutihan.
6:42 "Huwag mong pagkaitan, Yahweh, ang iyong hinirang. Alalahanin mo ang mga ginawa ni David na iyong alipin.''"
7:1 ( Ang Pagtatalaga sa Templo ) Nang makapanalangin si Solomon, may apoy na bumaba mula sa langit. Tinupok ang mga handog at ang Templo'y napuno ng kaningningan ni Yahweh.
7:2 Hindi makapasok sa Templo ang mga saserdote sapagkat napuno nga ito ng kaningningan ni Yahweh.
7:3 "Nasaksihan ng buong Israel ang pagbaba ng apoy at kaharap sila nang ang Templo'y mapuno ng kaningningan ni Yahweh. Kaya't nagpatirapa sila, sumamba at nagpuri. Wika nila: 'Sapagkat siya'y mabuti at ang pag-ibig niya'y hindi magmamaliw.'"
7:4 Pagkatapos, ang hari at ang bayan ay nag-alay ng mga handog kay Yahweh.
7:5 May 22,000 baka at 120,000 tupa ang inihandog ni Solomon. Sa ganitong paraan itinalaga ng hari at ng bayan ang tahanan ng Diyos.
7:6 "Magkaharap na nakatayo sa kanilang lugar ang mga saserdote at ang mga Levita habang nagpupuri kay Yahweh sa saliw ng mga instrumentong ipinagawa ni David. Wika nila: 'Ang pag-ibig niya'y walang maliw.' Ito ang awit ni David noong buhay pa siya. Humihihip naman ng trompeta ang mga saserdote samantala'y nakatayo ang buong bayang Israel. "
7:7 Itinalaga ni Solomon ang gitna ng patyo sa harap ng Templo. Doon niya inialay ang mga handog na susunugin at ang mga taba ng mga handog na pagkain sapagkat ang mga ito'y hindi magkasiya sa dambanang tanso na ipinagawa ni Solomon.
7:8 Ipinagpatuloy nga ni Solomon ang pagdiriwang na iyon ng Pista ng mga Tolda sa loob ng pitong araw. Dumalo roon ang buong bayang Israel mula sa pagpasok sa Hamat hanggang sa Batis ng Egipto.
7:9 Nang ikawalong araw, idinaos nila ang pangkatapusang pagtitipon. Pitong araw nilang ipinagdiwang ang pagbabasbas ng dambana at pitong araw ang Pista ng mga Tolda.
7:10 Kinabukasan, ikadalawampu't tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi ni Solomon ang lahat ng mga tao. Galak na galak silang lahat dahil sa masaganang pagpapala ni Yahweh kay David, kay Solomon at sa buong bayang Israel. ( Ang Diyos ay Nakipag-usap Uli kay Solomon )
7:11 Naipagawa nga ni Solomon ang Templo at ang sarili niyang palasyo. Buung-buo niyang sinunod ang lahat ng plano niya ukol dito.
7:12 "Isang gabi, sinabi sa kanya ni Yahweh: 'Narinig ko ang iyong dalangin. Itinangi ko ang lugar na ito para paghandugan ng mga alay sa akin."
7:13 Maaaring ipinid ko ang langit at hindi pumatak ang ulan. Maaaring magpadala ako ng mga balang upang salantain ang lupaing ito. Maaaring palaganapin ko sa aking bayan ang salot.
7:14 Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang kasamaan, diringgin ko sila. Patatawarin ko sila. At ibabalik ko sa kanilang lupain ang katiwasayan at kasaganaan.
7:15 Diringgin ko nga ang mga dalanging gagawin dito ngayon at magpakailanman.
7:16 Hinirang ko at itinalaga ang bahay na ito upang mamalagi rito ang aking pangalan. Pangangalagaan ko at pakamamahalin ang pook na ito magpakailanman.
7:17 Tungkol naman sa iyo, kung mananatili kang tapat sa akin gaya ng iyong amang si David, kung susundin mo ang lahat kong mga utos at tagubilin,
7:18 magiging matatag ang iyong paghahari. Naipangako ko sa kanya na hindi siya mawawalan ng supling na lalaki na maghahari sa Israel.
7:19 '"Ngunit kapag tinalikdan ninyo ako at hindi ninyo sinunod ang Kautusan at mga tagubilin na ibinigay ko sa inyo, kapag kayo'y sumamba at naglingkod sa mga diyus-diyusan,"
7:20 palalayasin ko kayo sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo. Itatakwil ko ang Templong ito na itinalaga ko sa aking pangalan anupat magiging katatawanan kayo at tampulan ng panunuya ng mga bansa.
7:21 Ang bawat magdaan sa tapat ng Templong ito na ngayo'y napakaganda ay mapapailing at ganito ang sasabihin: 'Bakit kaya ganyan ang ginawa ni Yahweh sa lupaing ito at sa templo?'
7:22 "Ito naman ang isasagot sa kanila: 'Sapagkat tinalikdan nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at humango sa kanila sa Egipto. Dumulog sila sa mga diyus-diyusan at ang mga ito ang kanilang sinamba at pinaglingkuran. Kaya naman pinarusahan sila ni Yahweh.''"
8:1 ( Ang mga Nagawa ni Solomon ) Dalawampung taon ang nagugol ni Solomon sa pagpapatayo ng Templo at ng kanyang palasyo.
8:2 Pagkatapos, ipinaayos niya ang mga lunsod na bigay sa kanya ni Huram at pinatirahan niya sa mga Israelita.
8:3 Sinalakay niya ang Hamat-soba at nasakop iyon.
8:4 Pinatibay niya ang Tadmor, lunsod sa ilang, gayon din ang mga lunsod-imbakan na itinayo niya sa Hamat.
8:5 Ginawa niyang mga lunsod-tanggulan ang Bet-horong Itaas at Bet-horong Ibaba. Pinalibutan niya ito ng muog at nilagyan ng mga pintuang may panghalang.
8:6 Pinatibay din niya ang Baalat at ang kanyang mga lunsod-imbakan at ang mga lunsod-himpilan ng kanyang mga karwahe at ng kanyang mga kabayuhan. Ipinagawa nga ni Solomon ang bawat maibigan niyang ipagawa sa Jerusalem, sa Libano at sa lahat ng panig ng kaharian.
8:7 Inalipin niya ang mga natitira sa mga bansang dinatnan doon ng bayang Israel---mga Heteo, Amorreo, Perezeo, Heveo at ang mga Jebuseo---
8:8 ang mga natira sa mga lahing hindi nilipol ng mga Israelita. Ang mga ito ang kanyang pinapagtrabaho sa mga binalangkas niyang gawain.
8:9 Hindi niya isinama ang mga Israelita sa sapilitang paggawa. Sa halip, kinuha niya ang mga ito bilang mga mandirigma: mga kawal at pinuno ng hukbo at ng kanyang kabayuhan at mga karwahe.
8:10 Sila rin ang ginawang tagapangasiwa ni Solomon para mamahala sa mga taong nagtatrabaho sa kanyang mga pagawaan, at ang bilang nila'y umabot sa 250.
8:11 "Ang asawa niyang anak ng Faraon ay ipinasundo niya mula sa Lunsod ni David at dinala sa palasyong ipinagawa niya para sa reyna. 'Hindi dapat tirhan ng asawa ko ang palasyo ni David na hari ng Israel,' wika niya. 'Iyon ay natatanging dako. Natatangi ang lahat ng lugar na sayaran ng Kaban ni Yahweh.' "
8:12 Mula noon, si Solomon ay nag-aalay kay Yahweh ng mga handog na susunugin. Ginagawa niya iyon sa dambana ni Yahweh na kanyang ipinatayo sa harap ng portiko.
8:13 Ang lahat ay ginagawa niya ayon sa mga tuntuning ibinigay ni Moises tungkol sa paghahandog sa Araw ng Pamamahinga, sa bagong buwan at sa tatlong pistang taunan: ang Pista ng mga Tinapay na Walang Lebadura, ang Pista ng mga Unang Ani at ang Pista ng mga Tolda.
8:14 Ipinagpatuloy niya ang kaayusang ginawa ni David tungkol sa paglilingkod ng mga saserdote. Gayon din ang kaayusan ng mga Levita sa pang-araw-araw na pamumuno nila sa pag-awit ng papuri at pagtulong sa mga saserdote at sa pagbabantay sa Templo. Ganyan ang tagubilin sa kanya ni David
8:15 at hindi sila suminsay kaunti man, maging sa gawain ng mga saserdote at mga Levita at maging sa pag-iingat sa kayamanan ng Templo.
8:16 Sa gayon natapos ang pagpapagawa ni Solomon, mula sa paglalagay ng pundasyon ng Templo hanggang sa kayarian nito.
8:17 Pagkatapos, pumunta si Solomon sa Ezion-geber at sa Elot na nasa baybayin ng dagat sa lupain ng Edom.
8:18 Pinadalhan siya ni Huram ng mga barko at mga bihasang mandaragat na mangangasiwa niyon. Pumunta sila sa Ofir kasama ng mga tauhan ni Solomon. Nang bumalik sila ay may uwing 450 talentong ginto na ibinigay nila kay Solomon.
9:1 ( Ang Pagdalaw ng Reyna ng Seba ) Nakarating sa pandinig ng reyna ng Seba ang kabantugan ni Solomon. Kaya't nagsadya siya sa Jerusalem upang subukin ito sa pamamagitan ng matatalinghagang katanungan. Marami siyang kasamang tauhan at kamelyong kargado ng mga pabango, ginto at mamahaling bato. Nang siya'y harapin ni Solomon, ipinahayag niya rito ang lahat niyang iniisip.
9:2 Ipinaliwanag naman ni Solomon ang lahat ng ibig malaman ng reyna. Wala itong tanong na hindi niya nasagot.
9:3 Napatunayan ng reyna ang karunungan ni Solomon at namalas niya ang palasyong ipinatayo nito.
9:4 Napansin din niya ang pagkain sa hapag ng hari at nakita ang mga pinunong naglilingkod dito, gayon din ang mga utusan at mga tagadala ng inumin at ang kasuutan nilang lahat. Nakita rin niya ang handog na iniaalay ni Solomon sa Templo. Humanga siya nang gayon na lamang sa lahat niyang nakita.
9:5 "Kaya't sinabi niya sa hari: 'Totoo nga pala ang mga narinig ko tungkol sa inyo."
9:6 Noong una'y hindi ako makapaniwala. Ngunit ngayong makita ng dalawa kong mata, wala pa pala sa kalahati ang ibinalita nila sa akin. Ang karunungan pala ninyo ay higit sa nabalitaan ko.
9:7 Mapalad ang inyong mga asawa. Mapalad ang mga tauhan ninyong ito na laging nakaririnig ng inyong karunungan.
9:8 "Purihin si Yahweh na nagpala at nagluklok sa inyo sa trono bilang hari. Sapagkat walang maliw ang pag-ibig ni Yahweh sa Israel. Ginawa niya kayong hari upang mamahala rito at magpairal ng katarungan.'"
9:9 At ang hari'y binigyan niya ng 120 talentong ginto, ng maraming pabango at mamahaling hiyas. Hindi nahalagahan sa dami ang mga pabangong ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon.
9:10 Bukod dito, ang mga tauhan ni Huram at ni Solomon na nagdadala ng ginto buhat sa Ofir ay may dala ring mamahaling bato at maraming kahoy na algum.
9:11 Ito ang kahoy na ginamit ng hari sa mga upuan sa Templo at sa kanyang palasyo at sa mga lira at alpa na ginagamit ng mga mang-aawit. Wala nang nakitang kahoy na tulad nito mula noon hanggang ngayon.
9:12 Ipinagkaloob naman ni Haring Solomon sa reyna ng Seba ang lahat ng naibigan nito, bukod pa sa kanyang kaloob bilang ganti sa pasalubong nito sa kanya. ( Ang Kayamanan ni Solomon )
9:13 Taun-taon, 666 talentong ginto ang dumarating kay Solomon.
9:14 Hindi pa kabilang dito ang buwis ng mga mangangalakal, ang tinutubo ng kanyang mga tauhang umaangkat sa ibang bansa at ang buwis ng mga hari sa Arabia at ng mga gobernador ng lalawigan.
9:15 Nagpagawa siya ng 200 malalaking kalasag na may kalupkop na 600 siklong ginto bawat isa.
9:16 Nagpagawa pa siya ng 300 maliliit na kalasag na may kalupkop namang 300 siklong ginto bawat isa. Ipinalagay ng hari ang nasabing mga kalasag sa palasyong tinatawag na Gubat ng Libano.
9:17 Nagpagawa rin siya ng isang tronong garing na may mga adornong ginto.
9:18 Balot din ng ginto ang anim na baitang na paakyat sa trono at ang tuntungan dito. May patungan ng kamay sa magkabilang tagiliran ng trono at may larawan ng nakatayong leon sa magkabila.
9:19 Labindalawang leon naman ang nakahanay sa magkabilang dulo ng anim na baitang.
9:20 Ginto ring lahat ang inuman ni Haring Solomon at ang mga kasangkapan sa Gubat ng Libano. Hindi gaanong pinahahalagahan ang pilak noon.
9:21 May mga barko siyang nagbibiyahe sa Tarsis kasama ng mga tauhan ni Huram at tuwing ikatlong taon ay dumarating na maraming dalang ginto, pilak, garing, mga unggoy at pabo real.
9:22 Kung sa karunungan at kayamanan, walang haring dadaig kay Haring Solomon.
9:23 Kaya nga't pinagsasadya siya ng mga hari buhat sa iba't ibang panig ng daigdig upang makinig sa karunungang kaloob sa kanya ng Diyos.
9:24 Bawat isa'y may dalang regalo---mga sisidlang ginto at pilak, mga damit at mga sandata, mga pabango, mga kabayo at mola. At patuloy ito sa loob ng maraming taon.
9:25 May 4,000 ang mga silungan ng mga kabayo at karwahe ni Solomon at 12,000 naman ang kanyang mangangabayo. Ang iba'y nasa mga lunsod-himpilan ng mga karwahe at ang iba nama'y sa Jerusalem, laging handa sa tawag ng hari.
9:26 Sakop niya ang lahat ng hari buhat sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa may hangganan ng Egipto.
9:27 Nang panahon ni Haring Solomon, ang pilak sa Jerusalem ay parang bato ang halaga at ang kahoy na sedro'y sindami ng sikomoro sa kapatagan.
9:28 Ang mga kabayo ni Solomon ay galing pa sa Egipto at sa iba't ibang bansa. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Solomon )
9:29 Ang iba pang kasaysayan ni Solomon buhat sa simula hanggang wakas ay nakasulat sa k Kasaysayan ni Propeta Natank* at sa k Hula ni Ahias na Taga-Siloek*. Mababasa rin iyon sa k Mga Pangitain ni Iddokend na nagsasaad din ng paghahari ni Jeroboam na anak ni Nabat.
9:30 Apatnapung taong singkad na naghari si Solomon sa buong Israel at sa Jerusalem siya nanirahan.
9:31 Nang siya'y mamatay, sa Lunsod ni David siya inilibing. Humalili sa kanya ang anak niyang si Roboam.
10:1 ( Ang Pagkahati ng Kaharian ) Pumunta sa Siquem si Roboam sapagkat doon nagkakatipon ang buong Israel upang gawin siyang hari.
10:2 Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na noo'y nasa Egipto, (doon siya nagtago sa pag-uusig ni Solomon) umuwi na siya.
10:3 Siya nga'y ipinasundo nila at pumunta sila kay Roboam kasama ng buong Israel. Sinabi nila:
10:4 '"Napakabigat po ng ipinapasan sa amin ng inyong ama. Kung maaari po ay bawasan ninyo ang pahirap na ginawa niya sa amin. Pagaanin po ninyo ang pasanin na aming dinadala at paglilingkuran namin kayo.' "
10:5 "Tinugon sila ni Roboam: 'Bumalik kayo pagkalipas ng tatlong araw.' At lumisan ang mga tao. "
10:6 Sumangguni si Roboam sa matatandang naglilingkod sa kanyang ama nang ito'y nabubuhay pa. Itinanong niya kung ano ang dapat niyang isagot sa mga tao.
10:7 "Ganito ang sabi ng matatanda: 'Kapag kayo'y naging mahinahon sa mga taong ito, pinagbigyan ninyo ang kanilang kahilingan, at sila'y kinausap ninyong mabuti, paglilingkuran nila kayo habang panahon.' "
10:8 Ngunit hindi pinahalagahan ni Roboam ang payo ng matatanda. Sa halip, nagtanong siya sa mga kabataang pinalaking kasama niya at ngayo'y naglilingkod sa kanya.
10:9 '"Ano ang dapat kong isagot sa mga taong humihiling na pagaanin ko ang pasaning ipinataw sa kanila ng aking ama?' tanong niya. "
10:10 "Ganito naman ang sagot ng mga kabataan: 'Sabihin mo sa kanila na ang kalingkingan mo'y mas matigas kaysa hita ng iyong ama."
10:11 "Dagdagan mo pa ang pahirap sa kanila. Kung latigo ang panghampas sa kanila noon, ngayon ay gawin mong tinik na bakal.' "
10:12 Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik nga si Jeroboam at ang mga tao ayon sa sinabi sa kanila ni Roboam.
10:13 Laban sa payo ng matatanda, marahas ang sagot niya sa mga tao.
10:14 "Ang sinunod niya'y ang payo ng kabataan. Sinabi niya: 'Kung mabigat ang ipinapasan sa inyo ng aking ama, daragdagan ko pa iyan. Kung hinagupit niya kayo ng latigo, tinik na bakal naman ang ihahagupit ko sa inyo.'"
10:15 Hindi nga dininig ng hari ang karaingan ng bayan. Gayon ang itinulot ng Diyos upang matupad ang sinabi ni Yahweh tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Siloe.
10:16 "Nang hindi sila pansinin ng hari, sinabi nila: 'Bakit nila tayo ginaganito? Mga anak ni Israel, umuwi na tayo. Ibagsak si David at ang kanyang sambahayan! Bahala na si Roboam sa kanyang sarili!' At umuwi nga ang sampung lipi ng Israel."
10:17 Ngunit naghari si Roboam sa mga Israelitang naninirahan sa mga lunsod ng Juda.
10:18 Sinugo ni Roboam si Adoram, ang tagapangasiwa ng sapilitang paglilingkod-bayan, sa sampung lipi ng Israel. Ngunit siya'y binato ng mga ito hanggang mamatay. Kaya't nagmamadaling sumakay sa karwahe si Roboam upang tumakas patungong Jerusalem.
10:19 At nanatiling hiwalay sa angkan ni David ang sampung lipi ng Israel hanggang ngayon.
11:1 ( Ang Pahayag ni Semaya ) Pagdating ni Roboam sa Jerusalem, tinipon niya ang mga lipi ng Juda at Benjamin. Pumili siya ng 180,000 piling mandirigma upang bakahin ang sampung lipi ng Israel at ipailalim sila sa kanyang kapangyarihan.
11:2 Ngunit sinabi ni Yahweh kay Semaya na kanyang lingkod:
11:3 '"Sabihin mo kay Roboam na hari ng Juda at sa lahat ng mga Israelitang taga-Juda at Benjamin"
11:4 "na ganito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Huwag na ninyong bakahin ang inyong mga kapatid. Hayaan na ninyo silang makauwi sa kani-kanilang tahanan. Ako ang may panukala nito.'' Sinunod nga nila ang sabi ni Yahweh. Nag-uwian na sila at hindi na nila binaka si Jeroboam. ( Pinaligiran ng Pader ang mga Lunsod )"
11:5 Sa Jerusalem tumira si Roboam. Ngunit nagtayo siya ng kuta sa ilang lunsod ng Juda:
11:6 sa Betlehem, Etam at Tecoa,
11:7 sa Bet-sur, Soco at Adullam;
11:8 sa Gat, Maresa at Zif;
11:9 sa Adoraim, Laquis at Azeca;
11:10 sa Zora, Ayalon at Hebron. Ito ang mga lunsod sa lupain ng Juda at Benjamin na kanyang ginawang kuta.
11:11 Pinatibay niya ang kanilang mga tanggulan, nilagyan ng kani-kanilang pinuno at nilaanan ng pagkain, langis at alak na nakaimbak.
11:12 Naglagay rin siya ng mga sibat at malalaking kalasag sa bawat lunsod, anupat ang mga ito'y talagang pinatibay niya. Sa gayon napanatili niya sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang Juda at Benjamin. ( Nagpunta sa Juda ang mga Saserdote at Levita )
11:13 Nagdatingan ang mga saserdote at mga Levita buhat sa lahat ng panig ng Israel at napakupkop kay Roboam.
11:14 Iniwan nila ang kanilang mga pastulan at mga ari-arian upang manirahan sa Juda at sa Jerusalem sapagkat inalis sila ni Jeroboam at ng mga anak nito sa pagka-saserdote.
11:15 Naglagay si Jeroboam ng kanyang mga saserdote para sa mga sambahan sa burol, sa mga satiro at sa mga toreteng ipinagawa niya.
11:16 Mula sa lahat ng lipi, ang lahat ng tapat na lingkod ni Yahweh ay sumunod sa kanila sa Jerusalem upang maghandog sa Diyos ng kanilang mga ninuno.
11:17 Dahil dito, pinatatag nila ang kaharian ng Juda at pinatibay ang kapangyarihan ni Roboam sa loob ng tatlong taon, sapagkat sa loob ng tatlong taong dumarating ang mga ito, sumusunod ang lahat sa magandang halimbawa ni David at ni Solomon. ( Ang Sambahayan ni Roboam )
11:18 Napangasawa ni Roboam si Mahalat na anak ni Jerimot at ni Abigail. Anak ni David si Jerimot at si Abigail naman ay anak ni Eliab na anak ni Isai.
11:19 Sina Jeus, Semarias at Zaham ang mga anak ni Roboam kay Mahalat.
11:20 Napangasawa rin ni Roboam si Maaca na anak ni Absalom at ang mga anak nila'y sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.
11:21 Mahal na mahal ni Roboam si Maaca higit sa sinuman sa kanyang mga asawa. Labing-walo ang mga asawa niya at may animnapu pang babae. Dalawampu't walo ang naging anak niyang lalaki at animnapu naman ang mga babae.
11:22 Palibhasa'y ibig ni Roboam na si Abias ang maging hari pagkamatay niya, inilagay niya itong pinuno at pangunahin sa kanyang mga kapatid.
11:23 Pinagwatak-watak ni Roboam ang kanyang mga anak na lalaki sa buong lupain ng Juda at Benjamin, sa mga lunsod na ginawang kuta. Sila'y pinaglaanan niya ng masaganang pagkain at inihanap ng mga asawa.
12:1 ( Nilusob ng Egipto ang Juda ) Nang maging matatag na ang paghahari ni Roboam, tinalikdan niya at ng buong Israel ang Kautusan ni Yahweh.
12:2 Dahil dito, ang Jerusalem ay sinalakay ni Sisac, hari ng Egipto, noong ikalimang taon ng paghahari ni Roboam.
12:3 Ang hukbo ni Sisac ay binubuo ng 1,200 karwahe, 60,000 kabayuhan at di mabilang na mga tauhan pati mga Libio, Suquio at Etiope.
12:4 Nakuha niya ang mga lunsod-tanggulan ng Juda at nakaabot siya hanggang Jerusalem.
12:5 "Dahil sa pananalakay ni Sisac, ang mga pinuno ng Israel ay nagtipon sa Jerusalem kasama ni Roboam. Siyang pagdating ni Propeta Semaya at sinabi sa kanila: 'Ganito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Pinabayaan ninyo ako, kaya naman pinabayaan ko rin kayong mahulog sa kamay ni Sisac.'' "
12:6 "Pagkarinig niyon, nagpakumbaba ang hari at ang mga pinuno ng Israel at sinabi nila: 'Makatarungan si Yahweh.' "
12:7 "Nakita ni Yahweh ang kanilang pagpapakababa, kaya sinabi niya kay Semaya: 'Nagpakababa na sila, kaya hindi ko na sila lilipulin. Ililigtas ko sila sa ganap na kasawian at hindi ko na itutuloy ang pagbubuhos ng aking galit sa Jerusalem na binalak kong gawin sa pamamagitan ni Sisac."
12:8 "Gayunman, sila'y masasakop nito upang malaman nila kung alin ang lalong mabuti: ang maglingkod sa akin o ang maglingkod sa mga hari ng mga bansa.' "
12:9 Pinasok nga ni Sisac, hari ng Egipto, ang Lunsod ng Jerusalem at sinamsam ang mga kayamanan sa Templo at sa palasyo ng hari. Kinuha niya ang lahat, pati ang mga gintong kalasag na ipinagawa ni Solomon.
12:10 Pinapalitan ni Roboam ang mga iyon ng kalasag na tanso. Pinaingatan niya ang nasabing mga kalasag sa pinuno ng mga bantay ng palasyo.
12:11 Tuwing pupunta sa Templo ang hari, inilalabas nila ang mga kalasag at pagkatapos ay ipinababalik sa silid.
12:12 Sapagkat nagpakababa si Roboam, hindi nalubos ang galit ng Diyos sa kanya. Hindi na sila nilipol nang tuluyan at naging matiwasay ang kalagayan ng Juda. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Roboam )
12:13 Naging matatag ang tayo ni Roboam sa Jerusalem kaya't nakapagpatuloy siya ng paghahari. Apatnapu't isang taon siya nang magsimulang maghari at labimpitong taon siyang naghari sa Jerusalem, ang lunsod na hinirang ni Yahweh sa lahat ng lipi ng Israel upang doon mamalagi ang kanyang pangalan. Si Naama, isang Ammonita, ang kanyang ina.
12:14 Masama ang naging buhay niya sapagkat hindi niya sinunod ang kalooban ni Yahweh.
12:15 Ang kasaysayan ni Roboam buhat sa simula hanggang sa wakas, gayon din ang talaan ng kanyang lipi, ay nasusulat sa k Kasaysayan ni Propeta Semayak* at sa k Kasaysayan ni Propeta Iddokend. Patuloy ang digmaan nina Jeroboam at Roboam sa buong paghahari nito.
12:16 Nang mamatay si Roboam, siya'y inilibing sa Lunsod ni David at si Abias na anak niya ang humalili sa kanya bilang hari.
13:1 ( Ang Digmaan nina Abias at Jeroboam ) Labingwalong taon nang naghahari si Jeroboam nang si Abias ay magsimulang maghari sa Jerusalem.
13:2 Tatlong taon siyang naghari roon. Ang kanyang ina'y si Micaya na anak ni Uriel na taga-Gabaa. Nagkaroon ng digmaan sina Jeroboam at Abias.
13:3 Ang hukbo ni Abias ay binubuo ng 400,000 mga piling kawal, samantalang ang kay Jeroboam naman ay 800,000 pawang mga pili rin.
13:4 "Humanay ang hukbo ni Abias sa may bulubundukin ng Efraim, sa tuktok ng Bundok Zemaraim. Mula roo'y sumigaw siya: 'Makinig kayo, Jeroboam at buong bayang Israel!"
13:5 Hindi ba ninyo alam na pinagtibay ni Yahweh sa pamamagitan ng isang tipan na si David at ang kanyang mga anak ang pamalagiang hari ng Israel?
13:6 Ngunit si Jeroboam na anak ni Nabat at dating alipin ni Solomon na anak naman ni David ay naghimagsik laban sa kanyang panginoon.
13:7 Sumama naman sa kanya ang mga sukab at walang kabuluhan. Hindi nila kinilala si Roboam na anak ni Solomon. Palibhasa'y bata pa noon at walang karanasan si Roboam, wala siyang nagawa.
13:8 '"Ngayo'y ibig ninyong labanan ang kaharian ni Yahweh na pinamamahalaan ng mga anak ni David, palibhasa'y marami kayo at taglay ninyo ang mga guyang ginto na ipinagawa ni Jeroboam at dinidiyos ninyo."
13:9 Bakit ninyo pinalayas ang mga saserdote ni Yahweh, ang mga anak ni Aaron at ang mga Levita? Bakit ang sinunod ninyo'y ang ugali sa ibang mga bansa sa pagpili ng mga saserdote? Ngayon, sinumang nais magtalaga ng sarili na may taglay na handog na isang toro at pitong lalaking tupa ay pinapayagan na ninyong maging saserdote ng mga diyus-diyusan.
13:10 Sa ganang amin, si Yahweh lamang ang Diyos at hindi namin siya itatakwil. Ang aming mga saserdote ay pawang mga anak ni Aaron at ang mga katulong nila sa paglilingkod kay Yahweh ay ang mga Levita.
13:11 Araw-gabi ay nag-aalay sila kay Yahweh ng mga handog na susunugin at kamanyang. Nag-aalay sila ng handog na tinapay sa harapan niya sa ibabaw ng inihandang mesang malinis. At gabi-gabi'y nagsisindi sila ng mga ilawang nasa gintong patungan. Sinusunod namin ang utos ni Yahweh, samantalang itinakwil ninyo siya.
13:12 "Kaya kasama namin siya sa labanang ito. Siya ang aming puno at ang kanyang mga saserdote ay kasama rin namin, taglay ang kanilang mga trompeta na handang hipan sa pakikilaban sa inyo. Mga anak ni Israel, huwag ninyong kalabanin si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga magulang, pagkat hindi kayo magtatagumpay.' "
13:13 Nagsugo si Jeroboam ng pangkat sa hulihan ng kalaban upang lihim na sumalakay roon. Samantala, ang karamihan ng hukbo niya'y kaharap ng hukbo ng Juda.
13:14 Nang lumingon ang mga ito, nakita nilang dalawang pangkat ang kanilang kalaban. Dumalangin sila kay Yahweh at hinipan ng mga saserdote ang kanilang trompeta.
13:15 Sumigaw ang hukbo ni Juda at sa sandaling yaon, nilansag ng Diyos ang hukbo ni Jeroboam at ng buong Israel.
13:16 Tumakas sila sa hukbo ni Abias at ng Juda. Itinulot ng Diyos na masakop sila ng Juda.
13:17 Nagtagumpay sina Abias. May 500,000 piling kawal ng Israel ang napatay.
13:18 Mula noon, ang Israel ay nasakop ng Juda. Ito'y dahil sa pagtitiwala ng Juda kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
13:19 Sa pagtatagumpay ni Abias laban kay Jeroboam, nasakop niya ang mga lunsod ng Betel, Jesana at Efron pati ang mga nayong sakop nito.
13:20 Sa panahon ni Abias, hindi na nagbalik ang kapangyarihan ni Jeroboam hanggang sa siya'y mamatay.
13:21 Naging makapangyarihan si Abias. Labing-apat ang kanyang asawa, at ang mga naging anak niya'y dalawampu't dalawang lalaki at labing-anim na babae.
13:22 Ang buong kasaysayan ni Abias, maging sinalita at ginawa, ay natala sa k Kasaysayan ni Propeta Iddokend.
14:1 ( Ang Tagumpay ni Asa Laban sa mga Etiope ) Si Abias ay namatay at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David. Pumalit sa kanya ang anak niyang si Asa. Sampung taon itong naghari at sa panahong yaon ay naging mapayapa ang Juda.
14:2 Ang kanyang ginawa'y ikinalugod ni Yahweh na kanyang Diyos.
14:3 Ipinagiba niya ang mga dambana ng mga diyus-diyusan at ang mga sambahan sa burol; ibinuwal niya ang mga haliging itinayo sa kanilang karangalan at winasak ang diyosa Ashera.
14:4 Iniutos niya sa mga taga-Juda na magbalik-loob kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at sundin ang Kautusan at mga tuntunin.
14:5 Ipinaalis din niya ang mga dambana sa burol at ang mga dambana ng kamanyang sa mga lunsod. Naging mapayapa nga ang kaharian sa panahon ng kanyang pamamahala.
14:6 Nakapagpatayo siya ng muog sa mga lunsod ng Juda sapagkat mapayapa noon ang lupain. Sa panahong iyo'y walang pagdidigmaan sapagkat si Yahweh ang nagkaloob sa kanya ng kapanatagan.
14:7 "Sinabi niya sa mga taga-Juda, 'Magtayo tayo ng mga lunsod at paligiran natin ang mga ito ng muog na may mga tore at matitibay na pintuan. Sariling-sarili natin ang mga lupain sapagkat umasa tayo kay Yahweh, ang ating Diyos. Hinanap natin siya at sa lahat ng dako'y pinagkalooban tayo ng kapanatagan.' Nagtayo nga sila ng mga lunsod ayon sa kanilang balangkas at naging maunlad ang kaharian."
14:8 Ang hukbo ni Asa ay binubuo ng magigiting na kawal. Ang 300,000 nasasandatahan ng kalasag at sibat ay buhat sa Juda at ang 280,000 na may pana at baluti ay buhat naman sa Benjamin.
14:9 Dumating ang panahon na nilusob sila ni Zera na isang Cusita. Ang hukbo nito na umabot hanggang sa Maresa ay binubuo ng isang milyong kawal at 300 karwahe.
14:10 Pagdating doo'y hinarap sila ng hukbo ni Asa at ang hanay ng labanan ay ang lambak ng Sefata at Maresa.
14:11 "Bago siya lumaban, tumawag si Asa kay Yahweh, 'Wala kang katulad Yahweh sa pagtulong maging sa dakila at hamak. Kaya tulungan mo kami sapagkat sa iyo lamang kami umaasa. Dahil sa iyo, hindi kami natakot humarap sa ganito karaming kaaway. Ikaw Yahweh ang aming Diyos: huwag mong itutulot na daigin ka ng tao.'"
14:12 Sa tulong ni Yahweh, nagahis nga ni Asa ang mga Cusita at ang mga ito ay tumakas.
14:13 Tinugis sila ni Asa at ng kanyang mga kawal hanggang Gerar. Sa tulong ni Yahweh, naubos ang kanilang mga kaaway, at marami silang nasamsam.
14:14 Winasak nila ang lahat ng lunsod sa palibot ng Gerar sapagkat dahil kay Yahweh, natakot ang lahat ng mamamayan doon. Nilooban nila ang lahat ng lunsod at napakaraming nasamsam doon.
14:15 Pinatay nila pati ang mga pastol ng kawan at ang mga tupa't kamelyo ay dinala niya sa Jerusalem.
15:1 ( Ang mga Pagbabagong Isinagawa ni Asa ) Si Azarias na anak ni Obed ay nilukuban ng Espiritu ng Diyos.
15:2 "Kaya't sinalubong niya si Asa at sinabi, 'Dinggin mo ako, Asa; makinig kayong mga taga-Juda at Benjamin: Si Yahweh ay sasainyo habang kayo ay tapat sa kanya. Masusumpungan ninyo siya kung inyong hahanapin, ngunit kung inyong itatakwil, itatakwil din niya kayo."
15:3 Matagal nang walang tunay na Diyos ang Israel, walang nangungunang saserdote at walang kautusan.
15:4 Ngunit nang dumating sa kagipitan, hinanap nila at nasumpungan si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
15:5 Mapanganib noon ang maglakbay at maghanapbuhay sapagkat walang kapanatagan saanman.
15:6 Naglaban-laban ang mga bansa, ang lunsod sa kapwa lunsod hanggang sa mawasak ang bawat lugar. Lahat ng uri ng parusa'y ipinaranas sa kanila ng Diyos.
15:7 "Ngunit huwag kang masisiraan ng loob at gagantimpalaan ka pagkatapos.' "
15:8 Nang marinig ito ni Asa, lumakas ang kanyang loob at ipinaalis ang lahat ng diyus-diyusan sa buong Juda, sa Benjamin at sa lahat ng bayang nasakop niya sa Efraim. Ipinaayos niya ang dambana ni Yahweh sa harap ng Templo.
15:9 Pagkatapos, tinipon niya ang mga taga-Juda at Benjamin at ang nanggaling sa Efraim, Manases at Simeon na nakikipamayan sa kanila. Maraming taga-Israel ang sumama kay Asa nang malaman nilang si Yahweh ay sumasakanya.
15:10 Naganap ang pagtitipong ito sa Jerusalem noong ikatlong buwan ng ika-labinlimang taon ng paghahari ni Asa.
15:11 Naghandog sila kay Yahweh ng 700 toro at 7,000 tupa buhat sa mga samsam nila.
15:12 Nangako silang buong-puso nilang hahanapin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
15:13 Isinumpa rin nilang papatayin ang sinumang hindi susunod sa kanya, maging lalaki o babae, matanda o bata.
15:14 Ito ay ipinahayag nila nang buong galak sa saliw ng mga trompeta't tambuli.
15:15 Masayang-masaya ang buong Juda sa kanilang pagkakaisa sapagkat buong puso silang nangakong hahanapin si Yahweh. Nasumpungan nga nila siya at sa lahat ng dako'y naghari ang kapayapaan.
15:16 Inalis ni Haring Asa sa pagiging reyna ang ina niyang si Maaca sapagkat ito'y nagtayo ng malaswang larawan ng diyosa Ashera. Winasak niya iyon at sinunog sa may Ilog Cedron.
15:17 Ngunit hindi niya inalis ang mga dambana sa burol. Sa buong buhay ni Asa, siya'y naging tapat.
15:18 Ang lahat ng banal na bagay na kaloob niya at ng kanyang ama tulad ng pilak at ginto, gayon din ang mga sisidlan ay dinala niya sa Templo ng Diyos.
15:19 Sa loob ng tatlumpu't limang taong pamamahala niya, hindi nagkaroon ng anumang pagdidigmaan.
16:1 ( Pagputol ng Pakikipagkaibigan sa Israel ) Nang ikatatlumpu't anim na taong paghahari ni Asa, ang Juda ay nilusob ni Baasa, hari ng Israel. Gumawa siya ng muog sa Rama upang walang makaalis o kaya'y makarating kay Asa sa Juda.
16:2 Dahil dito, si Asa'y nakipag-ugnay kay Ben-hadad, hari ng Siria na doon nakatira sa Damasco. Nagpadala siya ng pilak at ginto na kinuha niya sa bahay ni Yahweh at sa kanyang palasyo. Ganito ang sinabi niya,
16:3 '"Pinadadalhan kita ng pilak at ginto. Ibig kong magtulungan tayo tulad nang ginawa ng ating mga magulang. Kaya, sirain mo na ang kasunduan ninyo ni Baasa upang ako'y lubayan niya.'"
16:4 Sumang-ayon naman si Ben-hadad at pinasalakay niya sa mga lunsod ng Israel ang mga pinuno ng kanyang hukbo. Napasok ng mga ito ang Ijon, Dan, Abelmain at ang mga lunsod na imbakan ng Neftali.
16:5 Nang mabalitaan ito ni Baasa, ipinatigil niya ang paggawa ng muog sa Rama.
16:6 Dahil dito, tinawag ni Asa ang mga taga-Juda at ipinahakot ang lahat ng bato at kahoy sa iniwang muog at ginamit niya sa pagtatayo ng muog sa Geba at Mizpa. ( Si Propeta Hanani )
16:7 "Nagpunta noon kay Asa si Propeta Hanani at sinabi, 'Dahil sa pagtitiwala mo sa hari ng Siria sa halip na kay Yahweh, ang hukbo ng hari ng Siria ay nakatakas."
16:8 Mas malaki ang mga hukbo ng mga Cusita at Libio. Marami silang karwahe at mga mangangabayo. Ngunit sumuko sila sa iyo sapagkat nagtiwala ka kay Yahweh.
16:9 "Minamasdan niya ang buong daigdig upang tulungan at aliwin ang lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mo, mula ngayo'y lagi kang didigmain.'"
16:10 Sa sinabing ito, nagalit si Asa kay Hanani at ito'y ipinabilanggo. Ang ibang mga tao'y naramay pati sa galit ni Asa. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Asa )
16:11 Lahat ng ginawa ni Asa'y natitik sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israelkend.
16:12 Noong ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, nagkasakit siya nang malubha. Nagkaroon ng malaking kapansanan ang kanyang mga paa ngunit sa halip na kay Yahweh, sa mga manggagamot siya sumangguni.
16:13 Namatay siya nang ikaapatnapu't isang taon ng kanyang paghahari.
16:14 Inilibing siya sa Lunsod ni David sa isang libingang sadyang ipinahanda niya para sa kanya. Inilagay siya sa isang pasadyang kabaong na nilagyan ng lahat ng uri ng pabango. Bilang pagpaparangal sa kanya, ang mga tao'y gumawa ng napakalaking siga.
17:1 ( Ang Paghahari ni Josafat ) Ang pumalit kay Asa ay ang anak niyang si Josafat at pinalakas nito ang kaharian laban sa Israel.
17:2 Naglagay siya ng mga kawal sa lahat ng nakukutaang lunsod ng Juda at nagtayo ng mga kampo sa buong bansa, pati sa mga lunsod ng Efraim na nasakop ng kanyang ama.
17:3 Sinunod ni Josafat ang dating pamamahala ng kanyang ama, kaya't pinatnubayan siya ni Yahweh. Hindi siya nagtiwala sa mga Baal.
17:4 Ang inasahan niya'y ang pamamatnubay ng Diyos ng kanyang mga ninuno. Sinunod niya ang Kautusan at hindi ang gawain ng Israel.
17:5 Pinatatag ni Yahweh ang kaharian ni Josafat at ang buong Juda'y bumuwis sa kanya. Siya'y nabantog dahil sa kanyang kayamanan at kadakilaan.
17:6 Naglingkod siyang mabuti kay Yahweh; inalis niya sa buong Juda ang mga sambahan sa burol at ang mga Asheras.
17:7 Noong ikatlong taon ng kanyang pamamahala, inutusan niya ang kanyang mga prinsipeng sina Benhayil, Obadias, Zacarias, Natanael at Micaya na magturo sa mga lunsod ng Juda.
17:8 Kasama rin nila ang mga Levitang sina Semaias, Netanias, Zebedias, Asael, Semiramot, Jonatan, Adonias, Tobias, Tobadonias at ang mga saserdoteng sina Elisama at Joram.
17:9 Itinuro nila sa buong Juda ang Kautusan ni Yahweh. ( Ang Kabantugan ni Josafat )
17:10 Ang mga kaharian sa palibot ng Juda'y natakot kay Yahweh at hindi na nila dinigma si Josafat.
17:11 Nagpadala sa kanya ng mga kaloob na pilak ang mga Filisteo. Ang mga Arabe nama'y nagbigay ng 7,700 lalaking tupa at gayon din karaming barakong kambing.
17:12 Lalong nabantog si Josafat. Gumawa siya ng mga kuta at mga lunsod na tinggalan.
17:13 Napakarami ang kanyang inipong kayamanan sa mga lunsod ng Juda. Ang mga kawal na itinalaga niya sa Jerusalem ay sadyang pili at matatapang.
17:14 Ganito ang itinayo niyang mga pangkat ayon sa kanilang mga angkan---sa lipi ni Juda: 300,000 kawal. Ang pinakamataas nilang puno ay si Adna.
17:15 Ang pangalawa ay si Johanan na namahala sa pangkat na binubuo ng 280,000.
17:16 Ang pangatlo ay si Amasias na anak ni Zicri na kusang-loob na naghandog ng paglilingkod kay Yahweh. Ang pinamamahalaan naman niya'y 200,000 sanay ring kawal.
17:17 Sa lipi ni Benjamin: si Eliada, isang batikang kawal, ang namahala sa pangkat na may 200,000 na nasasandatahan ng mga pana at baluti.
17:18 Ang pangalawa niya ay si Josabad na namahala naman sa nasasandatahang 180,000 kawal.
17:19 Ang mga pangkat na ito ang naglingkod sa hari, bukod sa nakatalaga sa mga nakukutaang lunsod ng Juda.
18:1 ( Ang Babala ni Propeta Micaya kay Acab ) Si Josafat ay yumaman at napabantog. Naging magkalapit sila ni Acab dahil sa pag-aasawa ng kanilang sambahayan.
18:2 Matapos ang ilang taon, dinalaw niya si Acab sa Samaria. Masaya siyang tinanggap ni Acab. Nagpapatay ito ng maraming tupa at baka para sa kanyang mga panauhin. Sa pagkakataong iyon, hinimok ni Acab si Josafat na salakayin nila ang Ramot-galaad.
18:3 "Nang tanungin siya ni Acab tungkol dito, ang tugon niya, 'Ang akin ay iyo rin, ako at ang mga tauhan ko'y nakalaang tumulong sa iyo sa pakikidigma."
18:4 "Ngunit bago natin gawin ito'y kailangang sumangguni muna tayo kay Yahweh.' "
18:5 "Tinipon ng hari ng Israel ang 400 propeta at tinanong kung dapat salakayin ang Ramot-galaad o hindi. 'Sumalakay kayo,' ang nagkakaisang tugon nila, 'ang dakong iyo'y ibibigay ni Yahweh sa inyong kamay.'"
18:6 Ngunit tumutol si Josafat at nagtanong siya kung walang ibang propeta na maaari niyang pagsanggunian tungkol kay Yahweh.
18:7 "Sumagot ang hari ng Israel, 'Mayroon pang isa. Si Micaya na anak ni Imla. Lamang, ako'y namumuhi sa taong iyon sapagkat wala na siyang mabuting hula tungkol sa akin.' 'Huwag sanang magsalita nang gayon ang mahal na hari,' wika ni Josafat. "
18:8 Ipinatawag agad ng hari ng Israel ang isa sa mga tagapaglingkod niya at ipinasundo agad si Micaya.
18:9 Ang dalawang hari ay nakaupo sa kani-kanilang trono sa gitna ng giikan sa may pintuan ng Samaria. Nararamtan sila ng mariringal na kasuutan at sa harapan nila'y naroon ang mga manghuhula at mga propeta.
18:10 "Naroon din si Sedequias na anak ni Canaana. May dala itong mga sungay na bakal na ginawa niya at ang sabi, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Basta taglay ninyo ang mga sungay na ito, maitataboy ninyo ang mga Siro hanggang sa sila'y malipol.''"
18:11 "Ganito rin ang damdamin ng naroong mga propeta. Iisa ang payo nila, 'Salakayin ang Ramot-galaad at magtatagumpay, sapagkat ibibigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.' "
18:12 "Samantala, si Micaya ay nakita ng mga sugo ng hari. Sinabi nila, 'Ang mga propeta'y nagkaisang humula nang kasiya-siya sa hari. Sana'y maging kasiya-siya rin ang hula mo.' "
18:13 "Ngunit sinabi ni Micaya, 'Sumusumpa ako sa ngalan ni Yahweh, kung ano ang sabihin niya'y siya kong sasabihin!' "
18:14 "Pagdating ni Micaya, tinanong siya ng hari, 'Dapat ba o hindi dapat salakayin ang Ramot-galaad?' Ang tugon niya, 'Humayo kayo at magtagumpay. Ibibigay sila sa inyong kamay.' "
18:15 "Ngunit sinabi ng hari, 'Hanggang kailan ko ba sasabihin sa iyo na sa ngalan ni Yahweh ay pawang katotohanan lamang ang iyong sasabihin?' "
18:16 "At sumagot si Micaya, 'Nakita ko ang buong Israel na parang mga tupang walang pastol. Nakakalat sila sa mga bundok. Narinig ko ang sabi ni Yahweh, 'Sila'y walang tagapanguna kaya't pauwiin silang mapayapa.'' "
18:17 "Sinabi ng hari ng Israel kay Josafat, 'Tama ang sabi ko sa iyo. Ang taong iyon ay walang mabuting hula tungkol sa akin.' "
18:18 '"Makinig kayo sa salita ni Yahweh,' wika ni Micaya. 'Nakita kong nakaupo si Yahweh sa kanyang trono at ang buong hukbo ng kalangita'y nakahanay sa kana't kaliwa niya."
18:19 Nagtanong si Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Acab na sumalakay upang siya'y malupig sa Ramot-galaad?'
18:20 Isa't isa'y may kanyang sinasabi, kaya't isang espiritu ang tumayo sa harapan ni Yahweh at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kanya.'
18:21 'Paano mo iyan gagawin?' tanong ni Yahweh. 'Hahayo ako at uudyukan kong magsinungaling ang lahat niyang mga propeta,' tugon niya. 'Gawin mo iyan at magtatagumpay ka,' sabi ni Yahweh.
18:22 '"Itinulot ng Diyos na magsinungaling sa iyo ang mga propeta mo, sapagkat itinakda ka na niya sa kapahamakan.' "
18:23 "Lumapit si Sedequias kay Micaya at ito'y sinampal. Sinabi niya, 'Paano mo nalaman na iniwan ako ng espiritu ni Yahweh upang lumipat sa iyo?' "
18:24 '"Malalaman mo rin iyon pag nagtago ka sa isang silid sa loob,' tugon ni Micaya. "
18:25 Iniutos ng haring dakpin si Micaya at ibigay sa kanyang anak na si Joas at kay Gobernador Amon ng lunsod.
18:26 '"Ikulong ninyo siya at huwag pakanin kundi tinapay at tubig lamang hanggang makauwi akong maluwalhati,' wika niya. "
18:27 '"Kapag nakaligtas ka'y hindi nga ako kinausap ni Yahweh,' tugon naman ni Micaya. ( Ang Kamatayan ni Acab )"
18:28 Magkasamang lumusob sa Ramot-galaad ang hari ng Israel at si Josafat na hari ng Juda.
18:29 "Sinabi ng hari ng Israel kay Josafat, 'Ako'y magbabalat-kayo pagpunta sa labanan ngunit ikaw ay magsusuot ng damit-hari.' Gayon nga ang kanyang ginawa. "
18:30 Iniutos ng hari ng Siria sa kanyang mga pinuno ng karwahe na ang sasalakayin lamang ay ang hari ng Israel.
18:31 Nang makita nila si Josafat, inakala nilang ito na ang hari ng Israel, kaya't dinaluhong nila. Dumalangin nang malakas kay Yahweh si Josafat upang siya'y iligtas. Tinulungan naman siya at itinaboy ng Diyos ang mga kaaway.
18:32 Hindi na siya sinalakay nang malamang hindi siya ang hari ng Israel.
18:33 "Ngunit sinamang-palad ang hari ng Israel. Tinamaan siya ng isang ligaw na palaso buhat sa kaaway. Naglagos ang palaso sa dugtungan ng kanyang baluti at siya'y nasugatan. Kaya't sinabi niya sa kanyang kutsero, 'Umurong muna tayo! Malubha ang tama ko.'"
18:34 Naging mahigpit ang paghahamok nang araw na iyon. Nanatili siya sa sasakyan bilang gabay, ngunit bago dumilim ay namatay.
19:1 ( Pinagsabihan ng Propeta si Josafat ) Maluwalhating nakabalik sa Jerusalem si Josafat.
19:2 "Sinalubong siya ni Jehu, anak ng Propeta Hanani at sinabi sa kanya, 'Natutuwa ka bang tumulong sa masasama at kaibiganin ang mga kaaway ni Yahweh? Kung gayo'y pagdurusahin ka niya."
19:3 "Sabagay, hindi ka naman lubos na masama, sapagkat inalis mo ang mga diyus-diyusang Asheras at nagpasiya kang sumunod kay Yahweh.' ( Ang mga Pagbabagong Isinagawa ni Josafat )"
19:4 Sa Jerusalem tumira si Josafat. Mula sa Beer-seba hanggang sa kaburulan ng Efraim ay sinikap niyang mapanumbalik ang mga tao kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
19:5 Naglagay siya ng mga hukom sa buong lupain, isa sa bawat nakukutaang lunsod ng Juda.
19:6 "Sinabi niya sa kanila, 'Dapat kayong maging tapat sa inyong tungkulin bilang mga hukom. Ang bibigyan ninyo ng kasiyahan ay hindi ang tao kundi si Yahweh na kasama ninyo sa inyong paghatol."
19:7 "Matakot kayo sa kanya. Maging maingat kayo sa paghatol. Alalahanin ninyong hindi ikatutuwa ni Yahweh na yurakan ang katarungan o magkaroon ng kinikilingan at suhulan.' "
19:8 Hindi lamang iyon, si Josafat ay naglagay rin sa Jerusalem ng isang hukumang binubuo ng mga Levita, mga saserdote at mga pinuno ng mga angkan. Pinili niya ang mga ito upang sa ngalan ni Yahweh ay humatol sa mabibigat na usapin ng mga tao. Ginawa niya ito nang siya'y makabalik sa Jerusalem.
19:9 "Sinabi niya sa kanila, 'Gagampanan ninyo ang inyong tungkulin nang buong sikap at magkaroon kayo ng takot kay Yahweh."
19:10 Tuwing magsasakdal sa inyo ang inyong mga kapatid, pangangaralan ninyo sila kahit sila tagasaan. Ito ang gagawin ninyo kahit ang usapin nila'y tungkol sa pagdanak ng dugo o paglabag sa Kautusan at mga tuntunin. Sa gayon, mailalayo ninyo sila sa pagkakasala kay Yahweh at sila o kayo ay di niya parurusahan.
19:11 "Sa mga bagay na nauukol kay Yahweh, si Amarias na punong saserdote ang mamumuno sa hukuman. Sa mga bagay namang nauukol sa hari, si Zebadias, ang anak ni Ismael at pinuno ng angkan ni Juda ang mamumuno. Ang mga Levita naman ang magiging mga kalihim at tagapagpatupad. Magpakatatag kayo at nawa'y pagpalain ni Yahweh ang mga matuwid.'"
20:1 ( Digmaan Laban sa Edom ) Dumating ang panahong nilusob ng mga Moabita at Ammonita si Josafat.
20:2 Nabalitaan niya na isang malaking pangkat mula sa Edom ang sumasalakay sa ibayo ng lawa at nasa Hazazontamar, na tinatawag ding En-gadi.
20:3 Nabahala si Josafat at siya'y sumangguni kay Yahweh. Iniutos niya na mag-ayuno ang lahat sa buong Juda.
20:4 Nagkatipon ang buong bansa upang sumangguni kay Yahweh. Dumating sila buhat sa iba't ibang lunsod ng bansa.
20:5 Sa harap ng bagong patyo ng Templo sa pinagtitipunan ng mga taga-Juda at Jerusalem, tumayo si Josafat.
20:6 "Siya'y nanalangin: 'O Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno at ng buong kalangitan; ikaw ang namamahala sa lahat ng bansa at taglay mo ang lubos na kapangyarihan. Kaya walang makalalaban sa iyo."
20:7 O Diyos namin, ikaw ang nagpalayas sa mga tagarito upang dalhin sa lupaing ito ang bayan mong Israel. Ginawa mo iyon ayon sa pangako mo sa iyong lingkod na si Abraham.
20:8 Dito nga sila tumira at bilang pagkilala sa iyo, sila'y nagtayo ng Templong ito para sa iyo.
20:9 Ang sabi nila'y kung darating sa kanila ang sakuna tulad ng pagdidigmaan, baha, pagkakamatay o taggutom, papasok sila sa Templong ito upang sumangguni sa iyo sapagkat narito ka, Yahweh. Tatawag sila sa iyo at iyong diringgin; sa panahon ng kanilang kagipita'y ililigtas mo sila.
20:10 Ngayo'y narito't sinasalakay kami ng mga kawal mula sa Ammon, Moab at Edom, mga lugar na hindi mo ipinahintulot na pasukin ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto, kaya sila'y hindi nawasak.
20:11 Ngayo'y ito ang iginanti nila sa amin! Sinalakay nila at ibig palayasin sa lupaing itong ipinamana mo sa amin.
20:12 "Diyos namin, parusahan mo sila. Hindi namin kayang sagupain ang gayon karaming kaaway. Hindi namin malaman ang aming gagawin. Ikaw lamang ang aming pag-asa.' "
20:13 Lahat ng lalaki sa Juda kasama ang kanilang mga asawa't anak ay dumulog kay Yahweh.
20:14 Ang Espiritu nito'y bumaba kay Jahaziel na anak ni Zacarias. Siya'y apo ni Benaya na anak ni Jeiel na apo naman ni Matanias, isa sa mga Levitang anak ni Asaf.
20:15 "Sinabi niya, 'Makinig kayo, Haring Josafat, gayon din kayong mga taga-Juda at Jerusalem. Ganito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: 'Huwag ninyong sirain ang inyong loob. Huwag kayong matakot dahil sa makapal na kaaway. Ito'y ipakikipaglaban niya para sa inyo."
20:16 Harapin ninyo sila bukas sapagkat aahon sila sa Sis. Matatagpuan ninyo sila sa may duluhan ng lambak sa silangan ng ilang ng Jeruel.
20:17 "Hindi na kayo kailangang lumaban. Manatili na lamang kayo sa inyong puwesto at maghintay. Makikita ninyo ang gagawing pagliligtas sa inyo ni Yahweh sapagkat siya ang kakampi ninyo. Kaya hindi kayo dapat matakot ni masiraan ng loob. Harapin nga ninyo sila bukas sapagkat si Yahweh ang kasama ninyo!' "
20:18 Yumuko si Josafat at ang buong Juda at ang mga mamamayan sa Jerusalem ay nagpatirapa at sumamba kay Yahweh.
20:19 Tumayo naman ang mga Levita sa angkan ni Coat at Core at malakas na nagpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
20:20 "Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tecoa. Ngunit bago umalis, sinabi sa kanila ni Josafat, 'Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. Manalig kayo kay Yahweh na inyong Diyos at magiging matatag kayo. Magtiwala kayo sa kanyang mga propeta at kayo'y magtatagumpay.'"
20:21 "Matapos niyang paalalahanan ang mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit na magpupuri kay Yahweh dahil sa kanyang kahanga-hangang kabanalan. Ang mga ito'y inilagay niya sa unahan ng hukbo at habang daa'y umaawit: 'Magpasalamat kayo kay Yahweh, Sapagkat ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.' "
20:22 Nang ang kanilang awitan ay marinig ng mga kaaway, ginulo sila ni Yahweh. Bunga nito, sila-sila ang nagkagulo at tuloy nalupig.
20:23 Ang sinalakay ng mga Ammonita at Moabita ay ang kasama nilang taga-Edom at nilipol nila ang mga ito. Pagkatapos, sila-sila ang nagpatayan.
20:24 Ang mga taga-Juda'y umakyat sa bantayan sa ilang at nagmanman sa mga kaaway. Wala silang nakitang nakatakas. Lahat ay nakahandusay sa lupa.
20:25 Napakaraming nasamsam si Josafat at ang kanyang mga kasama. Halos hindi nila madala ang nasamsam nilang kawan, mga kasangkapan, damit at maraming mahahalagang bagay. Tatlong araw nila itong hinakot.
20:26 Noong ikaapat na araw, nagtipon sila sa isang lambak at nagpuri kay Yahweh. Simula noo'y tinawag na Kapatagan ng Beraca ang lugar na iyon.
20:27 Sa pangunguna ni Josafat, umuwi na ang lahat ng mga taga-Juda at Jerusalem. Tuwang-tuwa sila dahil sa tagumpay na ipinagkaloob sa kanila ni Yahweh.
20:28 Dumating sila sa Jerusalem at nagtuloy sa Templo, hatid ng tumutugtog ng mga alpa, lira at trompeta.
20:29 Mula noon, ang lahat ng kaharian at bansa ay sinidlan ng takot sa Diyos nang malaman nilang si Yahweh ang katulong ng Israel laban sa mga kaaway nito.
20:30 Naging tahimik ang buong nasasakupan ni Josafat, sapagkat ipinagsasanggalang sila ng Diyos. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Josafat )
20:31 Gayon namahala si Josafat sa Juda. Siya'y tatlumpu't limang taon nang magsimulang maghari at namahala siya sa loob ng dalawampu't limang taon. Ang ina niya'y si Azuba na anak naman ni Silhi.
20:32 Sinundan niya ang patakaran ng amang si Asa at di niya ito tinalikdan, anupat siya'y naging kalugud-lugod kay Yahweh.
20:33 Gayunman, nanatili pa rin ang mga sambahan sa burol, kaya ang mga tao'y malayo pa rin sa Diyos ng kanilang ninuno.
20:34 Ang ibang ginawa ni Josafat buhat sa simula hanggang wakas ay nakasulat sa k Kasaysayan ni Jehu na Anak ni Hananik*, na bahagi ng k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
20:35 Dumating ang panahong si Josafat ay nakipagsandugo kay Ocozias, isang masamang hari ng Israel.
20:36 Nagkaisa silang magpagawa ng mga barko sa Ezion-geber upang maglayag patungong Tarsis.
20:37 "Sa ginawang ito, si Eliezer, anak ni Dodava na taga-Maresa, ay humula laban kay Josafat. Sinabi niya, 'Dahil sa pakikiisa mo kay Ocozias, wawasakin ni Yahweh ang lahat mong ginawa.' At lahat ng mga barkong ipinagawa nila ay winasak nga ng bagyo at wala nang nakaabot sa Tarsis."
21:1 ( Si Haring Joram ng Juda ) Namatay si Josafat at inilibing sa Lunsod ni David sa libingan ng kanyang mga ninuno. Pumalit sa kanya ang kanyang anak na si Joram.
21:2 Ang iba pang mga anak na lalaki ni Haring Josafat ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias.
21:3 Pinamanahan sila ng kanilang ama ng maraming pilak, ginto at iba pang mahahalagang ari-arian. Binigyan din sila ng mga nakukutaang lunsod ng Juda, ngunit kay Joram ipinagkaloob ang paghahari sapagkat siya ang panganay.
21:4 Nang matatag na ang paghahari ni Joram, pinatay niya ang kanyang mga kapatid at ang ilan pang pinuno sa Juda.
21:5 Siya'y tatlumpu't dalawang taon nang magsimulang maghari at walong taong namahala sa Juda. Sa Jerusalem siya nanirahan.
21:6 Namuhay siyang tulad ng mga hari sa Israel mula sa sambahayan ni Acab, palibhasa'y anak nito ang napangasawa niya. Dahil dito, naging kasuklam-suklam siya sa paningin ni Yahweh.
21:7 Ngunit hindi nito winasak ang sambahayan ni David alang-alang sa kanyang tipan kay David. Ipinangako ni Yahweh na ang paghahari ay hindi niya aalisin sa angkan ni David magpakailanman.
21:8 Nang panahon ng pamamahala ni Joram, naghimagsik ang Edom laban sa Juda at naglagay ng sariling hari.
21:9 Inilabas ni Joram at ng kanyang mga pinuno ang lahat nilang karwahe at sinalakay ang Edom. Gabi nang sila'y sumalakay, ngunit napaligiran sila at nagapi.
21:10 Kaya hanggang sa panahong ito, ang Edom ay ayaw pasakop sa Juda. Pati ang Lunsod ng Libna ay naghimagsik kay Joram ng Juda dahil sa pagyurak nito kay Yahweh, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
21:11 Hindi lamang iyon, nagtayo pa siya ng mga dambana sa mga burol ng Juda at nanguna sa mga taga-Jerusalem sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Siya ang umakit sa mga taga-Juda sa paggawa ng kasamaan.
21:12 "Si Joram ay tumanggap ng isang sulat mula kay Elias na propeta. Ang sabi sa liham: 'Ito ang salita ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ama, 'Hindi mo sinundan ang bakas ng iyong amang si Josafat at ni Asang hari sa Juda."
21:13 Sa halip, ang sinunod mo'y ang ginawa ng mga hari sa Israel. Inakit mo sa masamang gawain ang Juda at ang mga taga-Jerusalem gaya ng ginawa sa Israel ng sambahayan ni Acab. Pinatay mo ang iyong mga kapatid at kasambahay na mas mabuti kaysa iyo.
21:14 Dahil dito, pagdurusahin ni Yahweh ang iyong bayan, ang iyong mga asawa't anak, at mawawasak ang lahat mong ari-arian.
21:15 "Magkakasakit ka nang mabigat at ang iyong mga bituka'y luluwa sa tindi ng hirap na daranasin mo.' "
21:16 Pinag-alab ni Yahweh laban kay Joram ang galit ng mga Filisteo at ng mga Arabeng malapit sa Etiopia.
21:17 Nilusob nila ang Juda at sinamsam na lahat ang ari-arian sa palasyo. Binihag nila ang lahat ng anak at asawa ng hari, maliban sa kanyang bunsong anak na lalaking si Joacaz.
21:18 Nang makaraan iyon, si Joram ay pinadapuan ni Yahweh ng malubhang sakit sa bituka, isang karamdamang walang lunas.
21:19 Makalipas ang dalawang taon, lumuwa ang kanyang bituka at naging kalunus-lunos ang kanyang pagpanaw. Hindi man lamang siya ipinagluksa ng kanyang mga kababayan, di tulad ng ginawa nila sa kanyang mga magulang.
21:20 Si Joram ay tatlumpu't dalawang taon nga nang magsimulang maghari, at walong taon siyang namahala. Wala isa mang nalungkot sa kanyang pagkamatay. Doon siya inilibing sa Lunsod ni David ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari.
22:1 ( Si Haring Ocozias ng Juda ) Pagkamatay ni Joram, ang bunsong anak nitong si Ocozias ang iniluklok ng mga taga-Jerusalem upang maging hari. Ang ibang mga kapatid niya ay napatay ng pangkat na sumalakay sa Juda kasama ng mga Arabe, kaya siya ang ginawang hari ng Juda.
22:2 Apatnapu't dalawang taon na si Ocozias nang magsimulang maghari at isang taon siyang namahala sa Juda. Siya'y sa Jerusalem nakatira. Ang ina niya'y si Atalia na apo ni Omri.
22:3 Ang sinunod niya'y ang gawain ng mga hari sa Israel sapagkat inakay siya ng kanyang ina sa landas ng kasalanan.
22:4 Tulad ng angkan ni Acab, ang ginawa niya'y hindi nakalugod kay Yahweh sapagkat ang mga ito ang naging tagapayo niya pagkamatay ng kanyang ama. At ito ang dahilan ng kanyang pagkapahamak.
22:5 Ang mga ito rin ang sinunod niya nang sumama siya kay Jehoram na anak ni Haring Acab ng Israel upang digmain sa Ramot-galaad si Hazael na hari ng Siria. Sa labanang iyon nasugatan si Joram.
22:6 Dahil sa nangyaring ito, ibinalik siya sa Jezreel upang doon magpagaling. Doon siya dinalaw ni Ocozias.
22:7 Kalooban ng Diyos na ang pagdalaw niyang ito ang maging pagkakataon para siya bumagsak. Sumama siya kay Joram upang makipagkita kay Jehu na anak ni Namsi. Si Jehu ang itinalaga ni Yahweh upang lipulin ang sambahayan ni Acab.
22:8 Sa pagsasakatuparan nito, natagpuan niya ang mga pinuno ng Juda at ang mga pamangkin ni Ocozias na naglilingkod dito. Kaya't pinagpapatay niya ang mga ito.
22:9 "Si Ocozias ay ipinahanap at natagpuan nila sa Samaria. Dinala nila ito kay Jehu at kanyang ipinapatay. Ipinalibing niya ito at ang sabi, 'Ito'y apo ni Josafat na tapat na naglingkod kay Yahweh.' Walang natira sa sambahayan ni Ocozias na may kakayahang maghari sa Juda. ( Si Reyna Atalia ng Juda )"
22:10 Pagkabatid ni Atalia na ang anak niyang si Ocozias ay patay na, pinagpapatay rin niya ang sambahayan ng hari ng Juda.
22:11 Ngunit naitakas ni Josabet ang anak ni Ocozias na si Joas. Itinago niya ito sa silid-tulugan kasama ng tagapag-alaga. Gayon iniligtas ni Josabet ang kanyang pamangking si Joas. Si Josabet ay asawa ng saserdoteng Joiada at kapatid ni Ocozias sapagkat sila'y anak ni Haring Joram.
22:12 Si Joas ay itinago niya sa Templo kaya hindi napatay. Anim na taon siya roon, sa buong panahong namamahala si Atalia.
23:1 ( Ang Paghihimagsik kay Reyna Atalia ) Pagkaraan ng anim na taon, nagpasiya si Joiada na umanib sa mga pinuno ng hukbo: kina Azarias na anak ni Joram, Ismael na anak ni Jeohanan, Azarias na anak ni Obed, Maasias na anak ni Adaya at Elisafat na anak ni Zicri. Sila'y mga pinuno ng mga pangkat na tig-100.
23:2 Nilibot nila ang buong Juda at tinipon sa Jerusalem ang lahat ng Levita mula sa mga lunsod ng bansa at ang mga puno ng sambahayan ng Israel.
23:3 "Nagtipun-tipon sila sa patyo ng Templo at nanumpang ipagtatanggol ang hari nang sabihin sa kanila ni Joiada: 'Narito ang anak ng yumaong hari! Dapat siyang maghari ayon sa pangako ni Yahweh kay David."
23:4 Ito ang dapat ninyong gawin: magbabantay sa mga pintung-pasukan ang ikatlong bahagi ng mga saserdote at Levita na nakatalaga sa araw ng pamamahinga, ang ikatlo'y sa palasyo
23:5 at ang natirang ikatlo'y doon naman sa Pintong Saligan. Ang karamihan ay maghihintay sa patyo ng Templo ni Yahweh.
23:6 Walang papasok sa Templo kundi ang mga saserdote at mga Levitang nakatalagang maglingkod. Hindi papasok ang mga tao gaya nang ipinag-uutos ni Yahweh.
23:7 "Sa palibot ng hari'y magbabantay ang mga Levita. Bawat isa'y may sandata at ang mangahas pumasok ay patayin. Huwag ninyong hihiwalayan ang hari.' "
23:8 Sinunod ng mga Levita at ng buong Juda ang lahat ng utos ng Saserdote Joiada. Bawat puno ay laging kasama ng kanyang mga tauhan pati ang pangkat na pamalit o papalitan sa Araw ng Pamamahinga sapagkat sila'y hindi pinauuwi ni Joiada.
23:9 Ibinigay niya sa mga pinuno ang mga sibat at mga kalasag ni Haring David na nakatago sa Templo.
23:10 Bawat isa'y may sandata at lahat ay nakabantay: sa bawat sulok mula sa timog hanggang hilaga ng palasyo at sa palibot ng dambana at ng Templo.
23:11 "Nang magawa ito, inilabas niya ang anak ng hari at pinutungan ng korona. Ibinigay sa kanya ang aklat ng Kautusan at ipinahayag siyang hari. Lumapit si Joiada at ang kanyang mga anak at pinahiran siya ng langis. Nagsigawan ang lahat, 'Mabuhay ang hari!' "
23:12 Nang marinig ni Atalia ang di magkamayaw na ingay ng mga taong bumabati sa hari, pumasok siya sa Templo.
23:13 "Nakita niyang nakatayo ang hari sa isang plataporma sa may pintuan. Lahat ay masayang umaawit, at tumutugtog ng trompeta at iba pang mga instrumento. Hinapak ni Atalia ang kanyang kasuutan at sumigaw, 'Ito'y isang kataksilan!' "
23:14 '"Ilabas ang babaing iyan!' utos ni Joiada sa mga pinuno. 'Patayin ninyo ang sinumang sumunod sa kanya.' Gayon ang utos sapagkat ayaw ng saserdote na sa loob ng Templo siya patayin. "
23:15 Dinala nila si Atalia sa palasyo sa may pintong pasukan ng mga kabayo at doon pinatay. ( Ang mga Pagbabagong Isinagawa ni Saserdote Joiada )
23:16 Pagkatapos, kasama na ang hari, gumawa sila ng pakikipagtipan kay Yahweh. Nangako silang maglilingkod sa kanya.
23:17 Lahat ay nagkaisang wasakin ang templo ni Baal kaya't dinurog nila ang mga dambana at mga larawang naroon. Pinatay pa nila si Matan, ang saserdote ni Baal.
23:18 Ang pamamahala sa mga gawain sa Templo ay ibinigay ni Joiada sa mga saserdote at mga Levita. Sila ang maghahandog ng haing susunugin ayon sa utos ni Moises, aawit at magsasaya gaya nang ginawa ni David.
23:19 Pinabantayan ni Joiada ang lahat ng pintuan ng Templo para hindi makapasok ang sinumang di marapat.
23:20 Pagkatapos, tinawag niya ang mga puno ng bawat pangkat na tig-100, ang mga maginoo, mga punongbayan at ang lahat ng mamamayan sa lupain. Inihatid nila ang hari mula sa Templo patungo sa palasyo at pinaluklok ang bagong hari sa trono.
23:21 At nagdiwang ang lahat. Naging matahimik ang lunsod nang mamatay si Atalia.
24:1 ( Si Haring Joas ng Juda ) Pitong taon lamang si Joas nang maging hari at apatnapung taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kanyang ina'y si Sibia na taga-Beer-seba.
24:2 Pawang nakalulugod sa paningin ni Yahweh ang kanyang ginawa sa buong panahon ni Saserdote Joiada.
24:3 Sa payo ni Joiada, nag-asawa siya ng dalawa at marami siyang naging anak.
24:4 Hindi nagtagal at ipinasiya ni Joas na ipaayos ang Templo.
24:5 "Kaya ipinatawag niya ang mga saserdote at mga Levita. Sinabi niya: 'Libutin ninyo ang mga lunsod ng Juda at tipunin ang taunang buwis ng mga Israelita. Dalian ninyo para maipagawa agad ang bahay ni Yahweh.' Ngunit hindi agad kumilos ang mga Levita."
24:6 "Dahil dito'y tinawag ng hari si Joiada at kanyang sinabi, 'Bakit hindi mo pa nalilikom ang buwis ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem? Dapat dalhin iyon sa Templo sapagkat iyan ang utos ni Moises sa Israel nang gawin ang Toldang Tipanan.' "
24:7 Ang Templong ito'y pinasok ng mga anak ng tampalasang si Atalia noong kanilang kapanahunan, nilimas ang lahat ng kayamanan at kasangkapan doon at ginamit para kay Baal.
24:8 Kaya iniutos ng hari na gumawa ng isang kaban at ilagay sa pagpasok ng Templo.
24:9 At ipinahayag niya sa buong Juda at Jerusalem na dalhin ang kanilang buwis para kay Yahweh gaya nang utos ni Moises nang sila'y nasa ilang.
24:10 Ang lahat, pati ang mga pangulo'y nagalak at naghulog sila sa kaban ng kani-kanilang buwis.
24:11 Tuwing mapupuno ang kahon, dinadala ito ng mga Levita sa mga kagawad ng hari at isinasalin naman ng kalihim ng hari at ng kanang kamay ng punong saserdote. Pagkatapos, ibinabalik uli ang kaban sa tabi ng pinto. Ganito ang ginagawa nila araw-araw, anupat nakatipon sila ng malaking halaga.
24:12 Ang natitipon nilang salapi ay ipinagtitiwala naman ng hari at ni Joiada sa namamahala ng pagpapagawa ng bahay ni Yahweh. Kumuha sila ng upahang mga kantero, karpintero at mga panday-bakal at tanso na magkukumpuni ng mga kasiraan doon.
24:13 Hindi nilubayan ng mga manggagawa ang kanilang gawain, anupat mabilis nilang naisauli sa dati ang bahay ni Yahweh.
24:14 Ibinalik nila sa hari at kay Joiada ang natirang salapi at ito'y ipinagpagawa naman ng mga kagamitan sa Templo. Gumawa sila ng kasangkapang gamit sa paglilingkod at panghandog, mga plato at iba pang mga sisidlang ginto at pilak. Sa buong panahong buhay si Joiada, patuloy silang naghahandog ng mga haing susunugin sa bahay ni Yahweh. ( Ang Pagbago sa mga Patakaran ni Joiada )
24:15 Humaba ang buhay ni Joiada at inabot niya ang 130 taon bago siya namatay.
24:16 Inilibing siya sa libingan ng mga hari sa Lunsod ni David sapagkat naglingkod siya nang tapat sa bahay ni Yahweh at pawang kabutihan ang ginawa niya sa bansang Israel.
24:17 Pagkamatay ni Joiada, ang mga pinuno ng Juda ay nagbigay-galang sa hari at nagharap ng mga kahilingan.
24:18 Pinagbigyan naman niya ang mga ito kaya't itinakwil nila ang bahay ni Yahweh at ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Nagbalik sila sa paglilingkod sa mga Asheras at pagsamba sa mga diyus-diyusan. Bunga nito, nagalit ang Diyos at pinarusahan ang taga-Juda at ang taga-Jerusalem.
24:19 Ngunit nagsugo si Yahweh ng mga propeta upang ang mga tao'y magbalik-loob sa kanya. Gayunma'y hindi sila nakinig.
24:20 "Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba kay Zacarias na anak ng Saserdote Joiada. Tumayo siya sa gitna ng mga tao. Sinabi niya, 'Ito ang sabi ng Diyos: 'Bakit ninyo nilabag ang mga utos ni Yahweh? Gusto ba ninyong mapahamak? Sapagkat itinakwil ninyo siya, itatakwil din niya kayo!''"
24:21 Ngunit nagkaisa ang mga tao. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias hanggang sa mamatay. Naganap ito sa looban ng bahay ni Yahweh.
24:22 "Hindi man lamang naalaala ng Haring Joas ang tapat na paglilingkod sa kanya ni Joiada na ama ni Zacarias. Bago namatay si Zacarias, ganito ang kanyang sinabi, 'Parusahan nawa kayo ni Yahweh sa ginawa ninyong ito!' "
24:23 Nang matatapos na ang taon, si Joas ay sinalakay ng hukbo ng mga Siro. Pinasok nila ang Juda at Jerusalem at pinatay ang mga pinuno ng hukbo. Lahat ng sinamsam nila'y ipinadala sa hari sa Damasco.
24:24 Maliit man ang hukbo ng mga Siro ay nagtagumpay rin laban sa malaking hukbo ng Juda sapagkat itinakwil nito si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sila ang nagparusa kay Joas dahil sa pagtataksil nito.
24:25 Iniwan ng mga Siro si Joas na may sugat na malubha. Ngunit pagkaalis nila, nagkaisa ang mga lingkod ng hari na ipaghiganti ang pagkamatay ni Zacarias. Kaya pinatay nila si Joas sa kanyang higaan. Inilibing nila ito sa Lunsod ni David ngunit hindi sa libingan ng mga hari.
24:26 Ang mga kasama sa paghihiganti ay si Sabad na anak ni Simea na isang Ammonita at si Josabad na anak ni Simrit na isang Moabita.
24:27 Lahat ng ukol sa kanyang mga anak, mga salawikaing patungkol sa kanya at ang pagkapagtayo niyang muli ng bahay ni Yahweh ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Harikend. Pumalit sa kanya ang anak niyang si Amasias.
25:1 ( Si Haring Amasias ng Juda ) Dalawampu't limang taon si Amasias nang siya'y maging hari. Dalawampu't siyam na taon siyang naghari. Doon siya tumira sa Jerusalem. Siya ay anak ni Joadan na taga-Jerusalem.
25:2 Naging kalugud-lugod sa Diyos ang kanyang mga ginawa. Ngunit hindi lubos ang pagsisikap sa pamamahala.
25:3 Nang matatag na siya sa kanyang paghahari, ipinapatay niya ang mga tauhan niyang pumatay sa kanyang ama na si Haring Joas.
25:4 "Ngunit hindi niya pinatay ang kanilang anak ayon sa utos ni Yahweh, sa Kautusan ni Moises. Ganito ang utos: 'Hindi dapat patayin ang anak dahil sa kasalanan ng ama at ang ama dahil sa kasalanan ng anak. Ang nagkasala lamang ang dapat patayin.' ( Digmaan Laban sa Edom )"
25:5 Pagkatapos, tinipon ni Amasias ang mga lalaki sa Juda at pinagbukud-bukod ayon sa kanilang angkan. Ginawa rin niya ito sa lipi ni Benjamin. Bumuo siya ng mga pangkat na manlibo at mandaan. Nilagyan niya ito ng kanya-kanyang pinuno. Pagkatapos, ibinukod niya ang mga kabataang may dalawampung taon ang gulang pataas at nakatipon siya ng 300,000. Lahat ng ito'y handang maglingkod at kayang-kayang humawak ng baluti at sibat.
25:6 Kumuha pa siya sa Israel ng 100,000 kawal na taga sa panahon at inupahan niya ang mga ito ng 100 talentong pilak.
25:7 "Ngunit may nagpayo sa kanyang isang lingkod ng Diyos. Ang sabi sa kanya, 'Mahal na hari, huwag po ninyong isasama ang hukbo ng Israel sa inyong pagsalakay sapagkat si Yahweh ay hindi nalulugod sa mga Efraimitang iyan!"
25:8 "Kapag kinatulong ninyo sila, hindi niya kayo pahihintulutang magtagumpay. Nasa kanya ang kapangyarihang papagtagumpayin kayo o ipatalo.' "
25:9 "Sinabi ni Amasias sa lingkod ng Diyos, 'Paanong gagawin ko ngayong nakapagbayad na ako ng sandaang talento sa hukbong Israel?' Sumagot ang lingkod ng Diyos, 'Huwag na po kayong manghinayang sa halagang iyon, magagawa ni Yahweh na bigyan kayo nang higit sa ibinayad ninyo.' "
25:10 Sa gayo'y pinauwi na ni Amasias ang mga kawal ni Efraim. Sa ginawang ito'y lubha silang nagdamdam at umuwing galit na galit sa mga taga-Juda.
25:11 Lumakas ang loob ni Amasias at sumalakay sila sa Lambak ng Asin at may 10,000 mga kawal ng Seir ang kanilang napatay.
25:12 Ang 10,000 pa na kanilang nabihag ay pinaakyat nila sa dalisdis at pinatalon. Lahat ay namatay na bali-bali ang buto.
25:13 Ang mga kawal naman ng Israel na pinauwi ni Amasias ay sumalakay sa Juda mula sa Samaria hanggang Bet-horon. Pinagpapatay nila ang 3,000 mamamayan doon at nag-uwi pa ng maraming samsam.
25:14 Pagkatapos nilang malupig ang mga Edomita, kinuha ni Amasias ang mga diyus-diyusan at dinala sa Jerusalem. Ito ang kinilala niyang diyos, sinamba at hinandugan ng mga handog na susunugin.
25:15 "Sa galit ni Yahweh, sinugo niya ang isang propeta at sinabi kay Amasias, 'Bakit ka naniwala sa mga diyos ng mga taong iyong sinakop? Sila ba'y naipagtanggol ng mga diyus-diyusang iyon?' "
25:16 "Nagsasalita pa ito'y sinabi sa kanya ng hari, 'Ginawa ba kitang tagapayo? Tumigil ka kung di mo gustong mapahamak.' Tumahimik nga ang propeta pagkatapos sabihin ang ganito, 'Alam kong parurusahan ka ng Diyos sa ginawa mo at sa di pakikinig sa akin.' ( Digmaan Laban sa Israel )"
25:17 Si Amasias ay tumawag ng pulong. Pagkatapos, nagpadala siya ng mga sugo kay Joas na anak ni Joacaz at apo ni Jehu. Sila'y nag-usap.
25:18 "Ang sabi ni Joas ay ito: 'Ang dawag sa Libano ay nagpasugo sa sedro ng Libano upang sabihin, 'Ang anak mong dalaga'y ipakasal mo sa aking anak.'' Ngunit may dumaang mabangis na hayop mula sa Libano at giniik ang dawag."
25:19 "Sinasabi mong nalupig mo ang Edom at ipinagmalaki mo iyon! Mabuti pa'y tumigil ka na sa bahay mo! Kung naghahanap ka ng kapahamakan, huwag mo nang idaramay pa ang Juda.' "
25:20 Ngunit hindi siya pinansin ni Amasias pagkat ito ang kalooban ng Diyos upang mahulog sa kamay ni Joas ang Juda bilang parusa sa kanilang pananalig sa mga diyos ng Edom.
25:21 Lumabas ang dalawang hari at ang kanilang hukbo'y nagsagupa sa Bet-semes na sakop ng Juda.
25:22 Nalupig ng Israel ang Juda at ang mga kawal nito'y tumakas na pauwi.
25:23 Ngunit nabihag ni Haring Joas si Haring Amasias at dinala ito sa pagsalakay sa Jerusalem. Winasak niya ang muog ng lunsod mula sa Pinto ni Efraim hanggang sa Pinto sa Sulukan, may 177 metro humigit kumulang.
25:24 Sinamsam niya ang lahat ng ginto at pilak at mga kagamitan sa bahay ni Yahweh na nasa pag-iingat ni Obed-edom. Sinamsam din niya ang mga kayamanan sa palasyo at kumuha pa siya ng mga bihag na dinala sa Samaria.
25:25 Labinlimang taon pang nabuhay ang Haring Amasias ng Juda mula nang mamatay si Joas na hari ng Israel.
25:26 Ang iba pang kasaysayan sa paghahari ni Amasias mula sa pasimula hanggang wakas ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israelkend.
25:27 Mula nang sumuway siya kay Yahweh, nagkaroon ng kilusan sa Jerusalem laban sa kanya. Sa takot niya, tumakas siyang patungong Laquis, ngunit sinundan siya at napatay doon.
25:28 Ang kanyang bangkay ay ikinarga sa kabayo at dinala sa Jerusalem. Doon siya inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David.
26:1 ( Si Haring Uzias ng Juda ) Nagkaisa ang buong Juda na si Uzias ang gawing hari kapalit ng yumao niyang amang si Amasias. Noo'y labing-anim na taong gulang siya.
26:2 Sa panahon ng kanyang paghahari, ipinatayo niya uli ang Lunsod ng Elot at ibinalik sa Juda.
26:3 Labing-anim na taon nga lamang si Uzias nang umakyat sa trono at limampu't dalawang taong namahala. Sa Jerusalem siya tumira. Ang ina niya'y si Jecolia na taga-Jerusalem.
26:4 Si Uzias ay naging kalugud-lugod kay Yahweh tulad ni Amasias.
26:5 Tinuruan siya ni Zacarias na matakot sa Diyos kaya habang nananalig siya kay Yahweh, pinauunlad naman ang kanyang kabuhayan.
26:6 Sinalakay niya ang mga Filisteo at winasak ang mga kuta sa Gat, Jabnia at Asdod. Nagtayo siya ng mga lunsod sa nasasakupan ng Asdod at ng mga Filisteo.
26:7 Tinulungan siya ng Diyos laban sa mga Filisteo at mga Arabe na namamayan sa Gurbaal at laban sa mga Meunita.
26:8 Nagbabayad sa kanya ng buwis ang mga Ammonita at nabantog siya hanggang sa Egipto dahil sa kanyang kapangyarihan.
26:9 Nagtayo rin siya ng mga kuta sa Jerusalem: isa sa may Pinto sa Sulok, isa sa Pintuan sa Lambak at isa sa Pinagkurusan ng Sion at ng Ofel.
26:10 Nagpagawa rin siya ng mga bantayan sa ilang at nagpahukay ng maraming mga balon para sa kanyang mga kawan sa Sefela at sa kapatagan. Palibhasa'y matuwain siya sa bukid, kumuha siya ng mga magsasaka sa kanyang bukirin at mga tagapag-alaga ng ubasan sa kapatagan at kataasan.
26:11 Ang nakahandang hukbo ni Uzias ay binubuo ng mga batikang mandirigma sa pamamahala ni Hananias. Ito'y nahahati sa maraming pangkat ayon sa talaang ginawa ni Kalihim Jeiel at ng tagapagtalang si Maasias.
26:12 May 2,600 ang mga puno ng sambahayan na namamahala sa kanyang hukbo.
26:13 Ito'y binubuo ng may 300,750 kawal, magigiting na mandirigmang laging handang lumaban at magtanggol sa hari.
26:14 Silang lahat ay binigyan ni Uzias ng iba't ibang sandata tulad ng baluti, sibat, helmet, pana at tirador.
26:15 Sa mga tore at mga panulukan ng Jerusalem, naglagay siya ng mga kasangkapang likha ng mga dalubhasa para ipanghagis ng sibat at malalaking bato. Dahil sa taglay niyang katalinuhan, si Uzias ay naging makapangyarihan. Anupat bantog na bantog siya sa lahat ng lugar. ( Pinarusahan si Uzias Dahil sa Kapalaluan )
26:16 Nang si Uzias ay maging makapangyarihan, naging palalo siya; ito ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang magsunog ng kamanyang sa dambana.
26:17 Sinundan siya ni Saserdote Azarias, kasama ang walumpung matatapang ding saserdote ni Yahweh.
26:18 "Nang makita siya ay sinabi nila, 'Uzias, hindi ka karapat-dapat magsunog ng kamanyang para kay Yahweh. Tungkulin lamang iyan ng mga saserdote, ng mga anak ni Aaron na itinalaga sa gayong gawain. Utang na loob, lumabas na kayo. Nagkakasala kayo sa ginagawa ninyong iyan. Hindi kalulugdan ni Yahweh ang ginagawa ninyo.'"
26:19 Ang Haring Uzias ay nagalit sa mga saserdote sapagkat hawak na niya noon ang insensaryo. Ngunit nang sandaling iyon ay nagkaroon siya ng ketong sa noo.
26:20 Nang makita ni Azarias at ng mga saserdote ang nangyari kay Uzias, pinalabas nila ito agad. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siya'y pinarusahan ni Yahweh.
26:21 Hindi na gumaling ang ketong ni Haring Uzias hanggang sa siya'y mamatay. Ibinukod siya ng tahanan, inalisan ng lahat ng katungkulan at pinagbawalang pumasok sa bahay ni Yahweh. Ang anak niyang si Joatam ang namahala sa palasyo at sa buong lupain.
26:22 Ang iba pang mga ginawa ni Uzias mula sa simula hanggang katapusan ay isinatitik ni Isaias na anak ni Amoz.
26:23 Nang siya'y mamatay, hindi siya inilibing sa libingan ng mga hari kundi sa ibang libingan sapagkat siya'y ketongin. Si Joatam na anak niya ang pumalit nga sa kanya.
27:1 ( Si Haring Joatam ng Juda ) Si Joatam ay dalawampu't limang taon nang maging hari. Labing-anim na taon siyang nanungkulan. Sa Jerusalem siya nanirahan. Siya'y anak ni Jerusa na anak ni Sadoc.
27:2 Ang mga ginawa niya'y naging kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh, tulad ng kanyang amang si Uzias bagaman hindi siya pumapasok sa Templo ni Yahweh. Ngunit patuloy ang masamang pamumuhay ng mga tao.
27:3 Ipinagawa niya ang itaas na pintuan ng Templo at pinagbuti ang muog sa Ofel.
27:4 Nagtayo siya ng mga lunsod sa kataasan ng Juda. Gumawa rin siya ng mga kuta at bantayan sa kakahuyan.
27:5 Nakipaglaban siya sa hari ng mga Ammonita at nagtagumpay naman. Nang taong iyon ay nagbayad sa kanya ang mga Ammonita ng 100 talentong pilak, 100,000 kabang trigo at 100,000 kabang sebada. Gayon din ang ibinayad sa kanya nang ika-2 at ika-3 taon.
27:6 Dahil sa kanyang pananatiling tapat kay Yahweh, si Joatam ay naging makapangyarihan.
27:7 Ang ibang mga ginawa ni Joatam sa panahon ng kanyang pamamahala, lahat niyang pakikipaglaban at ginawa sa panahon ng kapayapaan ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israel at Judakend.
27:8 Siya'y dalawampu't limang taon nga nang maghari at labing-anim na taon siyang namahala sa Jerusalem.
27:9 Napatay siya at inilibing sa Lunsod ni David. Ang anak niyang si Acaz ang humalili sa kanya.
28:1 ( Si Haring Acaz ng Juda ) Dalawampung taon naman si Acaz nang magsimulang maghari. Ang paghahari niya'y tumagal nang labing-anim na taon. Sa Jerusalem din siya tumira. Hindi siya tumulad sa kanyang nunong si David, kaya hindi siya naging kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh.
28:2 Ang sinunod niya'y ang gawain ng ibang mga hari ng Israel. Nagpagawa siya ng mga larawang metal ni Baal.
28:3 Naghain siya ng mga handog na susunugin sa kapatagan ng Ben-hinom. Pati mga anak niyang lalaki'y inihandog at sinunog bilang pagsunod sa karumal-dumal na kaugalian ng mga bansang pinalayas ni Yahweh nang dumating ang Israel.
28:4 Naghandog siya at nagsunog ng kamanyang sa mga dambana sa burol, sa mga bundok at sa lilim ng mga punongkahoy. ( Digmaan Laban sa Siria at Israel )
28:5 Napoot sa kanya si Yahweh, ang kanyang Diyos, kaya ipinalupig siya sa hari ng Siria. Maraming mamamayan ng Juda ang binihag nito at dinala sa Damasco. Nilusob din siya ng hari ng Israel at halos nilipol ang kanyang hukbo.
28:6 Sa loob lamang ng isang araw ay may 120,000 kawal ng Juda ang napatay ng mga Israelita sa pamumuno ng Haring Peca, anak ni Remalias. Sinapit nila ang gayon sapagkat itinakwil nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
28:7 Pati ang prinsipe Maasias, si Azricam na tagapamahala ng palasyo at si Elcana na kanang kamay ng hari ay napatay ni Zicri, isang kilabot na mandirigma ng Efraim.
28:8 May 200,000 babae at batang mamamayan ng Juda ang nabihag ng mga Israelita at dinala sa Samaria. Marami rin silang nasamsam na kayamanan. ( Si Propeta Obed )
28:9 "Si Obed, isang propeta ni Yahweh, ay nasa Samaria noon. Sinalubong niya ang bumabalik na hukbo at kanyang sinabi, 'Nagtagumpay kayo laban sa Juda sapagkat si Yahweh ay galit sa kanila. Ngunit pinuksa ninyo sila sa inyong galit na suko sa langit."
28:10 Ngayo'y gusto pa ninyong alipinin maging lalaki o babaing taga-Juda at Jerusalem. Akala ba ninyo'y wala kayong pananagutan kay Yahweh?
28:11 "Makinig kayo. Pabalikin na ninyo ang dala ninyong bihag sapagkat ginalit ninyo si Yahweh.' "
28:12 Nang sandaling yao'y may dumating ding ilang pinuno ng Efraim: sina Azarias na anak ni Johanan, Berequias na anak ni Mesillemot, Ezequias na anak ni Sallum at Amasa na anak naman ni Hadlai.
28:13 "Tumutol din sila sa ginawa ng Israel at ang sabi, 'Huwag ninyong ipapasok sa ating bansa ang mga bihag na iyan. Lalo tayong magkakasala at ito'y pananagutan natin sa harapan ni Yahweh. Marami na tayong kasalanan at lalong mag-aalab ang galit ng Diyos sa Israel.'"
28:14 Kaya't iniwan nga ng mga kawal ang mga bihag at ang mga samsam sa pangangalaga ng mga pinuno at mga taong-bayan.
28:15 Kumilos naman agad ang mga ito upang tulungan ang mga bihag. Ang mga bihag na wala na halos damit ay kanilang binihisan mula sa mga kasuutang nasamsam. Pinakain nila't pinainom ang mga bihag at ginamot ang mga sugatan. Ang mahihina nama'y isinakay nila sa mga asno at inihatid sa kanilang mga kasamahang nasa Jerico, ang lunsod ng mga palma. Saka sila bumalik sa Samaria. ( Si Acaz ay Nanghingi ng Saklolo sa Asiria )
28:16 Nang panahong iyo'y humingi ng tulong ang Haring Acaz sa hari ng Asiria.
28:17 Napilitan siyang gawin ito sapagkat sumalakay na naman ang mga taga-Edom at nalupig ang Juda. Marami na namang nabihag sa kanila.
28:18 Sumalakay din ang mga Filisteo. Pinasok nila ang mga lunsod ng Sefela at Negeb sa Juda. Gayon din ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo pati mga nayong nasasakupan ng mga lugar na ito, at sila ang tumira doon.
28:19 Pinarusahan ni Yahweh ang Juda dahilan sa kasamaan ni Acaz at sa di pagtatapat sa kanya.
28:20 Sa halip na tumulong, si Tiglat-pilneser na hari ng Asiria ay lumaban na rin kay Acaz.
28:21 Kaya't kinuha nito ang mga kayamanan sa Templo at sa palasyo at ibinigay sa hari ng Asiria. Ngunit hindi rin siya pinagbigyan nito. ( Ang mga Kasalanan ni Acaz )
28:22 Lalong nagpakasama si Acaz sa panahon ng kanyang kagipitan. Hindi siya nagbago at nagtiwala kay Yahweh.
28:23 "Sa halip, naghandog siya sa mga diyus-diyusan sa Damasco, ang bansang lumupig sa kanya. Sinabi ni Acaz, 'Ang diyos ng mga hari sa Siria ang tumulong sa kanila, kaya doon ako maghahandog upang ako'y tulungan din.' Ngunit lalo siyang napahamak, pati na ang buong Israel."
28:24 Ang lahat ng kagamitan sa Templo ay sinira ni Acaz at sinarhan ito. Pagkatapos, gumawa siya ng mga dambana sa lahat ng sulok ng Jerusalem.
28:25 Gumawa siya sa bawat lunsod ng Juda ng mga burol na sunugan ng kamanyang para sa ibang mga diyos. Kaya't lalong nagalit sa kanya si Yahweh, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
28:26 Ang lahat ng nangyari sa pamamahala ni Acaz at ang kanyang mga ginawa mula sa pasimula hanggang wakas ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israelkend.
28:27 Namatay siya at inilibing sa Jerusalem ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari ng Juda. Humalili sa kanya ang anak niyang si Ezequias.
28:1 ( Si Haring Acaz ng Juda ) Dalawampung taon naman si Acaz nang magsimulang maghari. Ang paghahari niya'y tumagal nang labing-anim na taon. Sa Jerusalem din siya tumira. Hindi siya tumulad sa kanyang nunong si David, kaya hindi siya naging kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh.
28:2 Ang sinunod niya'y ang gawain ng ibang mga hari ng Israel. Nagpagawa siya ng mga larawang metal ni Baal.
28:3 Naghain siya ng mga handog na susunugin sa kapatagan ng Ben-hinom. Pati mga anak niyang lalaki'y inihandog at sinunog bilang pagsunod sa karumal-dumal na kaugalian ng mga bansang pinalayas ni Yahweh nang dumating ang Israel.
28:4 Naghandog siya at nagsunog ng kamanyang sa mga dambana sa burol, sa mga bundok at sa lilim ng mga punongkahoy. ( Digmaan Laban sa Siria at Israel )
28:5 Napoot sa kanya si Yahweh, ang kanyang Diyos, kaya ipinalupig siya sa hari ng Siria. Maraming mamamayan ng Juda ang binihag nito at dinala sa Damasco. Nilusob din siya ng hari ng Israel at halos nilipol ang kanyang hukbo.
28:6 Sa loob lamang ng isang araw ay may 120,000 kawal ng Juda ang napatay ng mga Israelita sa pamumuno ng Haring Peca, anak ni Remalias. Sinapit nila ang gayon sapagkat itinakwil nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
28:7 Pati ang prinsipe Maasias, si Azricam na tagapamahala ng palasyo at si Elcana na kanang kamay ng hari ay napatay ni Zicri, isang kilabot na mandirigma ng Efraim.
28:8 May 200,000 babae at batang mamamayan ng Juda ang nabihag ng mga Israelita at dinala sa Samaria. Marami rin silang nasamsam na kayamanan. ( Si Propeta Obed )
28:9 "Si Obed, isang propeta ni Yahweh, ay nasa Samaria noon. Sinalubong niya ang bumabalik na hukbo at kanyang sinabi, 'Nagtagumpay kayo laban sa Juda sapagkat si Yahweh ay galit sa kanila. Ngunit pinuksa ninyo sila sa inyong galit na suko sa langit."
28:10 Ngayo'y gusto pa ninyong alipinin maging lalaki o babaing taga-Juda at Jerusalem. Akala ba ninyo'y wala kayong pananagutan kay Yahweh?
28:11 "Makinig kayo. Pabalikin na ninyo ang dala ninyong bihag sapagkat ginalit ninyo si Yahweh.' "
28:12 Nang sandaling yao'y may dumating ding ilang pinuno ng Efraim: sina Azarias na anak ni Johanan, Berequias na anak ni Mesillemot, Ezequias na anak ni Sallum at Amasa na anak naman ni Hadlai.
28:13 "Tumutol din sila sa ginawa ng Israel at ang sabi, 'Huwag ninyong ipapasok sa ating bansa ang mga bihag na iyan. Lalo tayong magkakasala at ito'y pananagutan natin sa harapan ni Yahweh. Marami na tayong kasalanan at lalong mag-aalab ang galit ng Diyos sa Israel.'"
28:14 Kaya't iniwan nga ng mga kawal ang mga bihag at ang mga samsam sa pangangalaga ng mga pinuno at mga taong-bayan.
28:15 Kumilos naman agad ang mga ito upang tulungan ang mga bihag. Ang mga bihag na wala na halos damit ay kanilang binihisan mula sa mga kasuutang nasamsam. Pinakain nila't pinainom ang mga bihag at ginamot ang mga sugatan. Ang mahihina nama'y isinakay nila sa mga asno at inihatid sa kanilang mga kasamahang nasa Jerico, ang lunsod ng mga palma. Saka sila bumalik sa Samaria. ( Si Acaz ay Nanghingi ng Saklolo sa Asiria )
28:16 Nang panahong iyo'y humingi ng tulong ang Haring Acaz sa hari ng Asiria.
28:17 Napilitan siyang gawin ito sapagkat sumalakay na naman ang mga taga-Edom at nalupig ang Juda. Marami na namang nabihag sa kanila.
28:18 Sumalakay din ang mga Filisteo. Pinasok nila ang mga lunsod ng Sefela at Negeb sa Juda. Gayon din ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo pati mga nayong nasasakupan ng mga lugar na ito, at sila ang tumira doon.
28:19 Pinarusahan ni Yahweh ang Juda dahilan sa kasamaan ni Acaz at sa di pagtatapat sa kanya.
28:20 Sa halip na tumulong, si Tiglat-pilneser na hari ng Asiria ay lumaban na rin kay Acaz.
28:21 Kaya't kinuha nito ang mga kayamanan sa Templo at sa palasyo at ibinigay sa hari ng Asiria. Ngunit hindi rin siya pinagbigyan nito. ( Ang mga Kasalanan ni Acaz )
28:22 Lalong nagpakasama si Acaz sa panahon ng kanyang kagipitan. Hindi siya nagbago at nagtiwala kay Yahweh.
28:23 "Sa halip, naghandog siya sa mga diyus-diyusan sa Damasco, ang bansang lumupig sa kanya. Sinabi ni Acaz, 'Ang diyos ng mga hari sa Siria ang tumulong sa kanila, kaya doon ako maghahandog upang ako'y tulungan din.' Ngunit lalo siyang napahamak, pati na ang buong Israel."
28:24 Ang lahat ng kagamitan sa Templo ay sinira ni Acaz at sinarhan ito. Pagkatapos, gumawa siya ng mga dambana sa lahat ng sulok ng Jerusalem.
28:25 Gumawa siya sa bawat lunsod ng Juda ng mga burol na sunugan ng kamanyang para sa ibang mga diyos. Kaya't lalong nagalit sa kanya si Yahweh, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
28:26 Ang lahat ng nangyari sa pamamahala ni Acaz at ang kanyang mga ginawa mula sa pasimula hanggang wakas ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israelkend.
28:27 Namatay siya at inilibing sa Jerusalem ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari ng Juda. Humalili sa kanya ang anak niyang si Ezequias.
29:1 ( Si Haring Ezequias ng Juda ) Si Ezequias ay dalawampu't limang taon nang maging hari at dalawampu't siyam na taon siyang naghari. Sa Jerusalem siya nanirahan. Ang ina niya ay si Abia na anak ni Zacarias.
29:2 Katulad ng kanyang nunong si David, gumawa siya ng kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh. ( Ipinalinis ang Templo )
29:3 Sa unang buwan pa lamang ng kanyang pamamahala, pinabuksan na niya ang mga pintuan ng Templo at ipinaayos ito.
29:4 Tinipon niya ang mga saserdote at mga Levita sa patyo sa gawing silangan ng Templo.
29:5 "Sinabi niya: 'Makinig kayo, mga Levita. Italaga ninyo ngayon ang inyong sarili at linisin ninyo ang bahay ni Yahweh."
29:6 Nagkasala ang ating mga magulang. Hindi sila naging tapat kay Yahweh na ating Diyos. Tinalikdan nila siya at ang kanyang Templo.
29:7 Ang mga pintuan sa portiko'y ipininid nila. Hindi nila sinindihan ang mga ilawan at hindi na nagsunog ng kamanyang. Hindi na rin sila nagdala ng handog na susunugin sa dambana ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
29:8 Iyan ang ikinagalit ni Yahweh sa Juda at Jerusalem. At gaya ng inyong nasasaksihan, nakahihiya, nakapangingilabot at kahambal-hambal ang kanilang kinasapitan.
29:9 Kaya naman nangasawi sa patalim ang ating mga magulang at ang ating mga anak at asawa ay nabihag ng mga kaaway.
29:10 Ang pasiya ko'y makipagtipan tayo uli sa kanya upang maglubag ang galit niya sa atin.
29:11 "Maglingkod kayo sa kanya, mag-alay ng handog at magsunog ng kamanyang, yamang kayo ang kanyang hinirang upang tumayo sa kanyang harapan.' "
29:12 Inihanda ng mga Levita ang kanilang sarili. Sa angkan ni Coat: sina Machat, anak ni Amasai at Joel, anak ni Azarias; sa angkan ni Merari: sina Cis, anak ni Abdi at Azarias, anak ni Jehaleleel; sa angkan ni Gerson: sina Joah, anak ni Zima at Eden na anak naman ni Joah.
29:13 Sa angkan naman ni Elizafan: si Simri na anak ni Jeiel; sa angkan ni Asaf: sina Zacarias at Matanias.
29:14 Sa angkan ni Heman: sina Jehiel at Simei; sa angkan ni Jedutun: sina Semaya at Uziel.
29:15 Tinipon nila ang kanilang mga kaanak at nilinis ang kanilang sarili ayon sa Kautusan upang maglinis ng Templo. Pagkatapos, pumasok sila at sinimulan ang paglilinis.
29:16 Pumasok naman sa dakong loob ng Templo ang mga saserdote at anumang kagamitan ang makitang marumi ay inilabas sa portiko. Kinukuha naman ito ng mga Levita at dinadala sa Batis ng Cedron.
29:17 Sinimulan nila ang gawain ng paglilinis noong unang araw ng unang buwan at ikawalong araw nang umabot sila sa portiko. Walong araw pa nilang nilinis ang Templo ni Yahweh at natapos nila ito sa ikalabing-anim na araw. ( Ang Muling Pagtatalaga sa Templo )
29:18 "Pagkatapos, pumunta sila sa palasyo at sinabi kay Haring Ezequias, 'Nalinis na po namin ang Templo, ang dambanang pinagsusunugan ng mga handog at ang lahat ng kagamitan doon, gayon din ang hapag ng mga tinapay na handog at ang mga kagamitan doon."
29:19 "Ang mga kasangkapan namang ikinalat ni Haring Acaz dahil sa kanyang pagtalikod sa Diyos ay tinipon namin at muling itinalaga. Naayos na po ang lahat sa dambana ni Yahweh.' "
29:20 Maagang bumangon ang Haring Ezequias at pumasok sa Templo ni Yahweh kasama ang mga pinuno ng lunsod.
29:21 May dala silang pitong toro, pitong barakong tupa, pitong kordero at pitong barakong kambing na panghandog para sa kasalanan ng kaharian, ng Templo at ng Juda. Ang lahat ng ito'y ibinigay sa mga saserdote upang ihandog sa dambana ni Yahweh.
29:22 Kaya't pinatay ang mga toro at ang dugo nito'y ibinuhos ng mga saserdote sa paanan ng dambana. Gayon din ang ginawa sa mga lalaking tupa at kordero.
29:23 Ngunit ang mga barakong kambing na panghandog para sa kasalanan ay dinala sa harapan ng hari at ng kapulungan. Ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga hayop na ito.
29:24 Pagkatapos, pinatay ng mga saserdote ang mga kambing at ang dugo nito'y dinala nila sa dambana at inihandog sa ikatutubos ng kasalanan ng buong Israel. Sapagkat utos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog para sa kasalanan ay ihahandog para sa buong Israel.
29:25 Naglagay din siya ng manunugtog sa Templo: mga Levitang tutugtog ng mga pompiyang, plauta at alpa. Ito ang utos ni David kay Gad, tagapayo ng hari at kay Propeta Natan, ayon naman sa tuntunin ni Yahweh na ibinigay sa pamamagitan ng mga propeta.
29:26 Ang mga Levita ang may hawak ng mga tugtugin ni David at mga saserdote naman ang may hawak ng mga trompeta.
29:27 Iniutos nga ni Ezequias na ihandog sa dambana ang haing susunugin. Kasabay ng paghahandog, ang mga Levita'y umawit para kay Yahweh sa saliw ng trompeta at mga tugtugin ni David.
29:28 Ang buong kapulungan naman ay nagpuri habang umaawit ang mga mang-aawit at tumutugtog ang manunugtog. Hindi sila tumitigil hanggang hindi natapos ang paghahandog.
29:29 Pagkatapos, ang hari naman at ang kanyang mga kasama ang nagpatirapa at sumamba.
29:30 Iniutos ni Ezequias at ng mga pinunong kasama niya sa mga Levita na awitin kay Yahweh ang mga awit at papuring likha ni Haring David at ng tagapayo niyang si Asaf. Buong galak na ginawa nila ito. Pagkatapos, sila naman ang nagpatirapa at sumamba.
29:31 "Dahil dito'y sinabi ni Ezequias, 'Naitalaga na ninyo ngayon ang inyong sarili kay Yahweh. Lumapit na kayo at dalhin sa Templo ang inyong mga handog ng pasasalamat kay Yahweh.' Lahat ay nagdala ng mga handog ng pasasalamat at handog na susunugin, pawang mga kusang-loob nilang handog."
29:32 Ang mga handog na susunugin para kay Yahweh ay umabot sa pitumpung toro, 100 lalaking tupa at 200 kordero.
29:33 Ang itinalagang panghandog ay umabot sa 600 toro at 3,000 tupa.
29:34 Ngunit iilan ang mga saserdote at hindi nila makayang gawin ang paghahandog sa haing susunugin. Kaya tinulungan sila ng mga Levita. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataong makapaglinis ang ibang saserdote. Naging mas masigasig sa paglilinis ang mga Levita kaysa mga saserdote.
29:35 Bukod sa mga handog na susunugin, marami rin ang taba ng mga handog na pagkain at inumin. Sa ganitong paraan, naibalik uli ang dating pagsamba sa Templo ni Yahweh.
29:36 Galak na galak si Ezequias at ang buong bayan sa ginawa ng Diyos para sa kanila sapagkat hindi nila akalaing ito'y mangyayari sa gayong kaikling panahon.
30:1 ( Ang Paghahanda sa Paskuwa ) Inanyayahan ni Ezequias sa Jerusalem ang buong Israel at Juda upang idaos ang Paskuwa ni Yahweh. Inanyayahan din niya ang mga taga-Efraim at Manases.
30:2 Pinag-usapan ng hari, ng mga pinuno at ng buong kapulungan na ito'y idaos sa ikalawang buwan
30:3 sapagkat hindi ito naidaos noong unang buwan. Ang dahilan ay sapagkat marami pang saserdote ang hindi nakapaglilinis sa sarili. At isa pa ay kakaunti ang nakadalo noon.
30:4 Nagkaisa ang hari at ang buong kapulungan sa ganoong panukala.
30:5 Kaya't nagpakalat sila ng isang pahayag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang Dan na kailangang dumalo ang lahat sa Jerusalem upang idaos ang Paskuwa ni Yahweh. Hindi pa ito naipagdiriwang ng marami gaya nang nararapat.
30:6 "Ganito ang isinasaad ng pahayag na ipinadala ng hari at ng mga pinuno: 'Mga taga-Israel, magbalik-loob kayo kay Yahweh, sa Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob upang kalingain niyang muli ang mga nalabi sa inyo na di nabihag ng mga hari sa Asiria."
30:7 Huwag ninyong manahin ang ugali ng inyong mga ninuno at mga kasamahan na pawang nagtaksil kay Yahweh. Iyan ang dahilan nang katakut-takot na kapahamakang inabot nila.
30:8 Huwag kayong gumaya sa katigasan ng kanilang ulo. Magbalik-loob na kayo kay Yahweh. Dumulog kayo sa kanyang dambana na itinalaga niyang pang walang hanggan. Sambahin ninyo si Yahweh upang mapawi ang galit niya sa inyo.
30:9 "Kung kayo'y manunumbalik sa kanya, ibabalik niya ang inyong mga kasamahang nabihag sa ibang bansa. Mahabagi't mapagbigay si Yahweh at di kayo itatakwil kung kayo'y manunumbalik sa kanya.' "
30:10 Pinuntahan ng mga sugo ang lahat ng lunsod sa lupain ng Efraim at Manases hanggang sa Zabulon ngunit pinagtawanan lang sila.
30:11 Mayroon din namang ilang lalaki mula sa Aser, Manases at Zabulon na nagpakumbaba at dumalo sa Jerusalem.
30:12 Ngunit dumalong lahat ang mga taga-Juda sapagkat niloob ng Diyos na sila'y magkaisang sumunod sa utos ng hari at ng mga pinuno nila. ( Ang Pagdiriwang sa Paskuwa )
30:13 Napakarami ng dumalo sa Jerusalem nang ikalawang buwan upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.
30:14 Bilang pagsisimula, inalis nila ang mga dambana sa Jerusalem, inalis nila ang mga dambanang sunugan ng insenso at itinapon sa Batis ng Cedron.
30:15 Pinatay nila ang korderong pampaskuwa noong ikalabing-apat ng ikalawang buwan. Napahiya naman ang mga saserdote at Levita kaya naglinis sila ng sarili at inialay ang mga handog sa Templo.
30:16 Muli nilang ginampanan ang dating tungkulin ayon sa Kautusan ni Moises. Ibinuhos ng mga saserdote sa paanan ng dambana ang dugong ibinigay sa kanila ng mga Levita.
30:17 Marami sa kapulungan ang hindi pa nakapagtatalaga ng sarili kaya ang mga Levita ang nagpatay ng mga korderong pampaskuwa na handog nila kay Yahweh.
30:18 "Marami rin ang kumain ng handog bagaman hindi pa nakapaglilinis ng sarili ayon sa Kautusan. Karamihan sa mga ito ay buhat sa Efraim, Manases, Isacar at Zabulon. Gayunman, ipinanalangin sila ni Ezequias. Ganito ang dalangin niya: 'Patawarin nawa ng maawaing si Yahweh"
30:19 "ang lahat ng nagsisikap lumapit sa kanya kahit hindi sila nakapaglilinis ng sarili ayon sa Kautusan.'"
30:20 Dininig siya ni Yahweh at pinatawad ang mga tao.
30:21 Pitong araw nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Walang puknat araw-araw ang mga saserdote at Levita sa pagpapasalamat kay Yahweh.
30:22 Pinuri ni Haring Ezequias ang mga Levita dahil sa maayos nilang paglilingkod kay Yahweh, sa pagtupad ng tungkulin. Pitong araw ngang ipinagdiwang ng bayan ang kapistahang iyon. Nag-alay sila ng mga handog pangkapayapaan, kumain ng mga handog at nagpuri kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
30:23 Nagkaisa ang kapulungan na ipagpatuloy nang pitong araw pa ang pista. Kaya, pitong araw pa silang nagsaya.
30:24 May 1,000 toro at 7,000 tupa ang kaloob ni Ezequias na hari ng Juda para sa pagtitipong iyon. Ang toro ay 1,000 at 10,000 naman ang tupang kaloob ng mga pinuno para sa mga tao. Dahil dito, maraming mga saserdote ang nagtalaga ng kanilang sarili.
30:25 Masayang-masaya ang buong Juda, ang mga saserdote at Levita. Gayon din ang lahat nang dumalo buhat sa Israel at ang mga dayuhang nakikipamayan sa Israel at sa Juda na nagsidalo rin.
30:26 Noon lamang nasaksihan ang gayong kasayahan sa Jerusalem mula noong panahon ni Solomon.
30:27 Tumayo ang mga saserdote at mga Levita at binasbasan ang mga tao. Ang dalangin nila'y dininig ni Yahweh.
31:1 Pagkatapos ng pagdiriwang na ito, ang lahat ng Israelitang dumalo ay nagpunta sa lahat ng lunsod ng Juda, pinutol ang mga sagradong haligi at dinurog ang mga larawan ni Ashera. Winasak din nila ang mga sambahan at dambana sa burol. Gayon din ang ginawa nila sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manases.
31:2 Pinagpangkat-pangkat na muli ni Ezequias ang mga saserdote at Levita at binigyan ng kanya-kanyang gawain: may sa handog na susunugin, may sa handog na pasasalamat. Ang iba'y tutulong sa pagdaraos ng pagsamba. Ang iba'y taga-awit ng pagpupuri at pasalamat at ang iba'y nangangasiwa sa mga pintuang-pasukan ng bahay ni Yahweh.
31:3 Lahat ng handog na susunugin sa umaga at gabi, sa mga Araw ng Pamamahinga, bagong buwan at mga takdang panahon ay kaloob ng hari, ayon sa itinakda ng Kautusan.
31:4 Iniutos ni Ezequias sa mga taga-Jerusalem na ibigay sa mga saserdote at Levita ang ukol sa mga ito upang ang buong panahon nila ay maiukol sa kanilang tungkulin ayon sa Kautusan ni Yahweh.
31:5 Pagkatanggap ng utos, ang mga tao'y malugod na nagbigay ng kanilang mga kaloob mula sa unang ani nilang trigo, alak, langis at pulot at iba pang buhat sa kanilang bukid. Nagbigay din sila ng ikapu ng lahat nilang kinikita.
31:6 Ang mga taga-Juda at mga Israelitang naninirahan sa mga lunsod ng Juda ay nagbigay rin ng ikapu ng kanilang mga baka, tupa at lahat ng mga inani sa kanilang lupain. Ang mga handog na ito na itinalaga kay Yahweh ay ibinunton na nila dahil sa karamihan.
31:7 Nagsimula ang pagdating ng mga kaloob noong ikatlong buwan at nagpatuloy hanggang sa ikapito.
31:8 Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga pinuno ang dami ng mga kaloob, nagpuri sila kay Yahweh at binasbasan ang buong bayan.
31:9 Tinanong ni Ezequias ang mga saserdote at Levita tungkol dito.
31:10 "Ganito ang sagot ni Azarias, punong saserdote buhat sa angkan ni Sadoc: 'Mula nang magdala ng handog sa bahay ni Yahweh ang mga tao, saganang-sagana kami sa pagkain at marami pang nalalabi. Ito ay nangyari dahil sa pagpapala ni Yahweh. "
31:11 Iniutos ni Ezequias na maghanda ng mga bodega sa bahay ni Yahweh at ganoon nga ang kanilang ginawa.
31:12 Ang mga tao'y naging tapat sa pagdadala ng kanilang mga kaloob, mga ikapu at mga bagay na kanilang itinalaga. Si Conanias na isang Levita ang ginawa nilang katiwala ng lahat ng ito, katulong niya ang kanyang kapatid na si Simei.
31:13 Ang iba pang mga katulong nila ay sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Benaya. Sila'y pinili ng Haring Ezequias at ni Azarias, ang namamahala sa bahay ni Yahweh.
31:14 Si Core naman na Levitang bantay sa pintuan sa gawing silangan ang pinamahala sa mga kusang-loob na handog. Siya ang nagbibigay sa mga saserdote ng bahagi ng handog ng pasasalamat na itinalaga kay Yahweh at ng bahagi ng handog para sa kasalanan na kakanin ng mga saserdote sa banal na lugar.
31:15 Ang katulong naman niya sa mga lunsod ng mga saserdote ay sina Eden, Minyamin, Jesua, Semaya, Amarias at Secanias. Sila ang namamahagi sa mga kapatid matanda o bata, ayon sa kanya-kanyang pangkat.
31:16 Bawat isa'y tumatanggap ng nauukol sa sarili---lahat ng lalaki mula sa gulang na tatlong taon na pumapasok sa Templo ni Yahweh upang gampanan ang kanilang tungkulin.
31:17 Ang mga saserdote ay pangkat-pangkat ayon sa sambahayan at ang mga Levita namang mula sa dalawampung taon pataas ay ayon sa kanilang tungkulin.
31:18 Itinalang kasama ng mga saserdote ang kanilang sambahayan sapagkat kailangang maging handa sila anumang oras sa pagtupad ng tungkulin.
31:19 Ang mga saserdote namang naninirahan sa mga bukiring bigay sa kanila sa iba't ibang lunsod ay nilagyan din ng hari ng mga tagapamahagi ng ukol sa bawat lalaking nakatala na kasama ng mga Levita.
31:20 Iyan ang ginawa ni Ezequias sa buong Juda; pawang mabuti, matuwid at tapat sa paningin ni Yahweh na kanyang Diyos.
31:21 Hinanap niya ang Diyos at sinunod na mabuti ang Kautusan sa paglilingkod niya sa bahay ni Yahweh. Buong-puso niyang ginawa ang lahat at siya naman ay umunlad.
32:1 ( Ang Babala ng mga Taga-Asiria Laban sa Jerusalem ) Matapos isagawa ni Ezequias ang lahat ng ito at ipakita ang kanyang katapatan sa Diyos, ang Juda ay sinalakay ni Senaquerib, hari ng Asiria. Kinubkob niya ang mga nakukutaang lunsod at humandang salakayin ang mga ito.
32:2 Nang makita ni Ezequias ang balak na paglusob na ito sa Jerusalem,
32:3 sumangguni siya sa kanyang mga pinuno. Nagkaisa-isa silang harangin ang bukal ng tubig na umaagos sa labas ng lunsod.
32:4 Tumawag sila ng maraming tao at hinarangan nga nila ang lahat ng bukal at agos ng ilog palabas sa lupain.
32:5 Ipinaayos niya ang mga sirang muog at pinatayuan niya ito ng mga toreng-bantayan. Nagpatayo siya ng isa pang muog sa labas nito at pinatatag ang Milo ng Lunsod ni David. Pagkatapos, nagpagawa siya ng maraming mga sandata at baluti.
32:6 Ang mga lalaki sa bayan ay ipinailalim niya sa mga punong kawal. Tinipon niya ang mga ito sa may pintuan ng lunsod at tinagubilinan ng ganito:
32:7 '"Magpakatapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matatakot sa mga taga-Asiria. Higit ang kapangyarihang inaasahan natin kaysa lakas na inaasahan nila."
32:8 "Sila'y umaasa lamang sa kanilang sarili samantalang nasa panig natin si Yahweh, ang ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipagbaka para sa atin.' Sa sinabing ito ni Ezequias, nabuhay ang kalooban ng mga tao. "
32:9 Nasa Laquis noon si Senaquerib kasama ang kanyang hukbo at kinukubkob ang lunsod na iyon. Nagpadala siya ng mga sugo kay Ezequias at sa mga taga-Jerusalem.
32:10 "Ganito ang sabi niya: 'Kayo'y nakukubkob na sa Jerusalem. Ano pa ang inyong iniisip?"
32:11 Sumuko na kayo para hindi kayo mamatay sa gutom at uhaw. Nililinlang lamang kayo ni Ezequias! Paano kayo maililigtas ni Yahweh sa kamay ng hari?
32:12 Hindi ba't si Ezequias ang nagpagiba ng mga dambana at sambahan sa burol at nag-utos sa inyo na sa isang dambana lamang kayo sasamba at maghahandog?
32:13 Alam ninyo ang ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga taga-ibang lupain. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos?
32:14 Ni isa sa dinidiyos ng mga bansang winasak ng aking mga ninuno ay di sila naipagsanggalang! Hindi rin kayo maililigtas ng inyong Diyos!
32:15 "Nililinlang lamang kayo ni Ezequias. Huwag kayong maniwala sa kanya. Walang diyos ng alinmang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanilang bayan sa kamay ko at sa aking mga ninuno. Hindi rin kayo maililigtas ng inyong Diyos!' "
32:16 Ang mga sinugo ni Senaquerib ay marami pang sinabi laban kay Yahweh at kay Ezequias.
32:17 "May sulat pa ang hari na lumalait kay Yahweh. Ganito ang sinasabi: 'Hindi maipagsasanggalang ng Diyos ni Ezequias ang kanyang bayan laban sa akin, tulad ng diyos ng mga bansa na walang nagawa sa akin.'"
32:18 Upang makuha nila ang lunsod, tinatakot nila ang mga taga-Jerusalem na nasa mga muog. Sinisigawan nila ang mga ito sa wikang Hebreo.
32:19 Sinasabi nila na ang Diyos ng Jerusalem ay tulad lamang ng diyus-diyusan ng ibang bansa, gawa lamang ng kamay ng tao.
32:20 Dahil dito, ang Haring Ezequias at ang Propeta Isaias ay nanalangin.
32:21 Nagsugo si Yahweh ng isang anghel. Pinatay nito ang mga pinuno at kawal ng Asiria. Kaya ang hari ng Asiria ay umuwing hiyang-hiya. Pagpasok niya sa templo ng kanyang diyos, pinatay siya sa saksak ng sarili niyang mga anak.
32:22 Gayon iniligtas ng Diyos sina Ezequias at ang mga taga-Jerusalem sa kamay ni Senaquerib at lahat ng mga kaaway. At naging matahimik ang buong bansa.
32:23 Maraming nagpunta sa Jerusalem. Naghandog sila kay Yahweh at nagkaloob ng mahahalagang bagay kay Haring Ezequias. Mula noo'y dinakila siya ng lahat ng bansa. ( Ang Pagkakasakit ni Ezequias at ang Kanyang Kapalaluan )
32:24 Di nalauna't nagkasakit nang malubha si Ezequias. Dumalangin siya sa Diyos at dininig siya sa pamamagitan ng isang tanda.
32:25 Hindi niya kinilalang utang na loob ang nangyari sa kanya. Naging palalo siya kaya naman pinarusahan siya ng Diyos, pati ang Juda at Jerusalem.
32:26 Ngunit sa wakas, nagpakumbaba rin siya at ang mga taga-Jerusalem. Dahil dito, naglubag ang galit ni Yahweh. ( Ang Kayamanan at ang Kadakilaan ni Ezequias )
32:27 Napakarami ang kayamanang natipon ni Ezequias. Kaya, nagpagawa siya ng sariling silid-taguan ng pilak, ginto, mahalagang bato, pabango, mga baluti at mahalagang kasangkapan.
32:28 Nagpagawa rin siya ng mga bodega ng trigo, alak at langis at mga kulungan ng baka at tupa.
32:29 Dumami ang kanyang kawan at tupahan. Anupat pinayaman siya ng Diyos.
32:30 Hinarangan niya ang batis ng Gihon sa gawing itaas ng lunsod at pinalihis sa gawing kanluran patungo sa Lunsod ni David. Masasabing si Ezequias ay nagtagumpay sa lahat ng bagay,
32:31 maging sa pakikitungo sa mga sugo ng hari ng Babilonia na dumating sa kanya upang magsiyasat sa nakitang tanda sa lupain. Sa pakikiharap niya'y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Ezequias )
32:32 Ang iba pang mga pangyayari sa pamamahala ni Ezequias at paglilingkod kay Yahweh ay natala sa k Ang Pangitain ng Propeta Isaias na Anak ni Amozk* at sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israel.kend
32:33 Namatay si Ezequias at inilibing sa pinakamataas na libingan ng mga anak ni David. Sa pagkamatay niya'y pinarangalan siya ng buong Juda at Jerusalem. Ang anak niyang si Manases ang pumalit sa kanya.
33:1 ( Si Haring Manases ng Juda ) Si Manases ay labindalawang taon pa lamang nang maging hari. Limampu't limang taon siyang naghari sa Jerusalem.
33:2 Hindi kinalugdan ni Yahweh ang ginawa niya sapagkat nakibagay siya sa kasamaan ng mga taong pinalayas ni Yahweh sa lupain nila nang dumating ang bayang Israel.
33:3 Itinayo niya uli ang mga dambana sa burol na winasak ng kanyang amang si Ezequias. Nagtayo rin siya ng mga dambana ni Baal, gumawa ng mga larawan ni Ashera at sumamba sa mga bituin.
33:4 "Nagtayo siya ng mga dambana sa bahay ni Yahweh, ang Diyos na nagsabi, 'Ang Ngalan ko'y mananatili sa Jerusalem.'"
33:5 Pati ang dalawang patyo ng Templo ay nilagyan niya ng mga dambana para sa mga bituin.
33:6 Ang mga anak niyang lalaki ay sinunog niya sa Libis ni Hinom bilang handog sa diyus-diyusan. Naging mahilig siya sa pangkukulam at salamangka. Sumangguni rin siya sa mga manghuhula at sa mga tumatawag sa mga espiritu ng patay. Dahil sa kasamaang ito, nagalit sa kanya si Yahweh.
33:7 "Pati ang inukit niyang larawa'y dinala niya sa bahay ng Diyos. Sa Templong iyon, sinabi ng Diyos kay David at kay Solomon: 'Ang Templong ito sa Jerusalem ay pinili ko sa buong Israel upang dito ako sambahin."
33:8 "Kung susundin nilang mabuti ang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ni Moises, hindi ko na sila aalisin sa lupaing ipinamana ko sa kanilang mga ninuno.'"
33:9 Ngunit iniligaw ni Manases ang mga taga-Juda at Jerusalem. Inakay niya ang mga ito sa kalikuan. Ang kasamaan nila'y masahol pa sa kasamaan ng mga bansang nilipol ni Yahweh nang dumating doon ang bayang Israel. ( Ang Pagsisisi ni Manases )
33:10 Pinagsabihan ni Yahweh si Manases at ang buong bayan, ngunit hindi rin nakinig.
33:11 Kaya sila'y ipinasalakay niya sa hukbo ng hari ng Asiria. Nahuli nila si Manases, ginapos ng tanikalang tanso at dinalang bihag sa Babilonia.
33:12 Sa gayong kagipita'y dumalangin siya kay Yahweh, at lubos na nagpakumbaba sa harapan nito.
33:13 Dininig naman ng Diyos ang kanyang dalangin kaya't napabalik siya sa Jerusalem at naghari uli. Noon kinilala ni Manases na si Yahweh ay siyang Diyos.
33:14 Pagkatapos nito, nagpatayo siya ng muog sa labas ng Lunsod ni David sa gawing kanluran ng batis ng Gihon patungo sa lambak hanggang sa may Pintuan ng Isda. Pinaligiran din niya ng mataas na muog ang Ofel. Naglagay din siya ng mga punong-kawal sa mga nakukutaang lunsod ng Juda.
33:15 Inalis niya sa templo ang mga diyus-diyusan ng mga bansa at ang larawan ni Ashera. Ipinaalis din niya ang mga dambanang ipinagawa niya sa bundok na kinatatayuan ng Templo sa Jerusalem at ipinatapon sa labas ng lunsod.
33:16 Ipinatayo niyang muli ang dambana ni Yahweh at naghandog siya ng handog pangkapayapaan at pampasalamat. Iniutos niya sa mga taga-Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
33:17 Hindi niya napatigil ang mga tao ng paghahandog sa mga dambana sa burol ngunit iyo'y ginagawa nila para kay Yahweh. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Manases )
33:18 Ang ibang mga ginawa ni Manases, ang panalangin niya sa Diyos at ang mga pahayag ng mga propeta na ginamit ni Yahweh upang pagsabihan siya, ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
33:19 Ang kanyang dalangin at ang tugon dito, gayon din ang mga kasalanang ginawa niya ay nakatala naman sa k Kasaysayan ng mga Propetakend. Naroon din ang tungkol sa mga ipinatayo niyang mga sambahan sa burol, ang mga ipinagawa niyang larawan ni Ashera at ang mga ipinaukit niyang mga diyus-diyusan bago siya nagbalik-loob sa Diyos.
33:20 Si Manases ay namatay at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno. Pumalit sa kanya ang kanyang anak na si Amon. ( Si Haring Amon ng Juda )
33:21 Si Amon ay dalawampu't dalawang taon nang maging hari at dalawang taon siyang naghari sa Jerusalem.
33:22 Tulad ng kanyang amang si Manases, ang ginawa niya'y hindi kinalugdan ni Yahweh. Sumamba siya at naglingkod sa mga diyus-diyusang ginawa ng kanyang ama.
33:23 Ngunit hindi siya nagpakumbaba. Nagmatigas siya sa harapan ni Yahweh kaya higit pa ang kanyang naging kasalanan.
33:24 Nagkaisa ang kanyang mga tauhan at pinatay siya ng mga ito sa palasyo.
33:25 Nagalit naman ang bayan at ang mga tauhang iyo'y pinatay din nila. Pagkatapos, ginawa nilang hari si Josias na anak ni Amon.
34:1 ( Si Haring Josias ng Juda ) Si Josias ay walong taon nang maging hari at tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem.
34:2 Tulad ng nuno niyang si David, pawang kalugud-lugod kay Yahweh ang kanyang ginawa. Namuhay siya nang matuwid.
34:3 Nang ikawalong taon ng kanyang pamamahala, bagamat bata pa, ay naglingkod na siya nang tapat sa Diyos ni David na kanyang ninuno. Kaya noong ikalabindalawang taon, sinimulan niyang alisin sa Juda at Jerusalem ang mga dambana sa burol, ang mga larawan ng diyosa Ashera at ang lahat ng diyus-diyusang kahoy o tanso.
34:4 Ipinasibak niya sa kanyang harapan ang larawan ng mga Baal. Giniba niya ang mga dambana ng kamanyang. Winasak niya ang mga larawan ni Ashera at ang mga diyus-diyusang kahoy at ginto. Ipinadurog niya ito nang pinung-pino at ipinasabog sa puntod ng mga sumamba sa kanila.
34:5 Ipinasunog niya ang mga kalansay ng kanilang mga saserdote sa ibabaw ng kanilang dambana. Sa gayon nilinis niya ang Jerusalem at ang buong Juda.
34:6 Gayon din ang ginawa niya sa mga lunsod ng Manases, Efraim at Simeon at sa mga wasak na nayon sa paligid ng Neftali.
34:7 Matapos niyang gawin ang lahat ng ito sa buong Israel, nagbalik siya sa Jerusalem.
34:8 Ang lahat ng karumal-dumal sa buong lupain at sa bahay ng Diyos ay naalis na niya. Kaya't noong ikalabing-walong taon ng pamamahala ng Haring Josias, sinugo niya si Safan na anak ni Azalias, ang puno ng lunsod na si Maasias at ang kalihim niyang si Joas na anak ni Joacaz, upang ipaayos na muli ang bahay ni Yahweh.
34:9 Ibinigay nila kay Helcias na punong saserdote ang pilak na natipon sa bahay ng Diyos. Ito ang mga kaloob ng mga angkan ni Manases, Efraim, Benjamin, Juda at iba pang mga Israelita at mga taga-Jerusalem. Tinipon ito ng mga Levitang naglilingkod sa Templo.
34:10 Ang salaping ito ay ibinigay nila sa namamahala ng gawain sa bahay ni Yahweh para sa pagpapaayos nito.
34:11 Ang iba nama'y ibinili ng bato at kahoy na gagamitin sa pag-aayos ng bubong ng Templo na nasira dahil sa kapabayaan ng mga hari ng Juda.
34:12 Pawang tapat ang mga taong katulong sa gawain. Sila'y pinamahalaan nina Jahat at Obadias, mga Levita buhat sa lipi nina Merari, Zacarias at Mesullam sa sambahayan ni Coat. Mga Levita rin na pawang bihasang manunugtog
34:13 ang nangangasiwa sa mga manggagawang naghahakot ng mga gagamitin at sa iba pang gawain. Ang ibang Levita ay ginawang kalihim, karaniwang kawani o kaya'y mga bantay.
34:14 Nang ilabas nila ang salaping natipon sa Templo, natuklasan ni Saserdote Helcias ang Aklat ng Kautusang ibinigay ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
34:15 "Tinawag niya si Safan, ang kalihim ng hari at sinabi, 'Natuklasan ko sa Templo ang Aklat ng Kautusan.'"
34:16 "Ibinigay ni Helcias kay Safan ang aklat at dinala naman nito sa hari nang siya'y mag-ulat tungkol sa ipinaaayos na Templo. Wika niya, 'Maayos po ang takbo ng lahat ng gawaing ipinagtiwala ninyo sa inyong mga lingkod."
34:17 "Tinunaw na po nila ang pilak na nakuha sa Templo at ibinigay sa namamahala ng gawain.'"
34:18 Sinabi na rin ng kalihim ang tungkol sa aklat na ibinigay sa kanya ng Saserdote Helcias at binasa sa pakinig ng hari.
34:19 Nang marinig ng hari ang nilalaman ng aklat, winahak niya ang kanyang kasuutan.
34:20 Iniutos niya agad kay Helcias, kay Ahicam na anak ni Safan, kay Abdon na anak ni Mica, kay Safan, ang kalihim at kay Asaya, ang lingkod ng hari na sumangguni kay Yahweh. Ang sabi niya,
34:21 '"Isangguni ninyo kay Yahweh kung anong kaugnayan sa buhay ko at sa buong Juda at Israel ng nilalaman ng natuklasang aklat. Galit na galit na si Yahweh sa atin dahil sa pagkukulang ng ating mga ninuno. Hindi nila sinunod ang mga utos niya ayon sa natititik sa aklat na ito.' "
34:22 Ang lahat ng inutusan, sa pangunguna ni Helcias ay sama-samang sumangguni kay Propetisa Hulda na asawa ni Sallum. Siya'y anak ni Tocat na anak naman ni Hasra na tagapag-ingat ng mga kasuutan. Siya'y pinuntahan nila sa kanyang tirahan sa bagong bahagi ng Jerusalem.
34:23 "Sinabi ng propetisa: 'Ito ang salita ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Sabihin ninyo sa nagsugo sa inyo"
34:24 na padadalhan ko ng malaking sakuna ang lugar na ito at padaranasin ng matinding hirap. Mangyayari ang lahat ng sumpang sinasabi sa aklat na binasa sa harapan ng hari ng Juda.
34:25 Matutupad iyon sapagkat ako'y kanilang itinakwil at sa ibang mga diyos sila naghandog at sumamba. Ginalit nila ako dahil sa mga diyus-diyusang ginawa nila. Kaya't hindi maglulubag ang galit ko sa bayang ito.
34:26 Ito ang sabihin ninyo sa hari ng Juda. Sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Nakita kong buong puso kang nagsisi at nagpakumbaba nang marinig mo ang kanyang salita laban sa lugar na ito at sa mamamayan dito.
34:27 Oo, nagpakumbaba ka at winahak mo ang iyong kasuutan. Nakita kong tumangis ka kaya dininig ko ang iyong dalangin.
34:28 "Kaya, hindi mo masasaksihan ang mga kapahamakang ipadaranas ko sa dakong ito. Isasama kita sa iyong mga ninuno at mamamatay kang mapayapa.' Ito ang kasagutang dinala nila sa hari. ( Ipinatigil ni Josias ang Pagsambang Pagano )"
34:29 Dahil dito'y tinawag ng hari ang mga matatanda ng bayan sa Juda at Jerusalem.
34:30 Pumunta sila sa Templo kasama ang mga saserdote, Levita at lahat ng mamamayan sa Juda at Jerusalem. Tumayo siya sa harap ng madla at binasa ang buong Aklat ng Tipan na natuklasan sa Templo.
34:31 Noon di'y ipinangako ng hari sa harapan ni Yahweh na susundin nila nang buong-puso ang Kautusan at ang lahat ng tuntunin dito.
34:32 Pagkatapos, pinapangako niya ang lahat ng taga-Jerusalem pati ang taga-Benjamin na sumunod sa tipang iyon. At gayon nga ang ginawa nila.
34:33 Inalis ni Josias sa buong nasasakupan ng Israel ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam sa Diyos at sinikap na ang bawat mamamayan ay makapaglingkod kay Yahweh habang siya ay nabubuhay.
35:1 ( Ang Pagdiriwang ng Paskuwa sa Panahon ni Haring Josias ) Iniutos ni Josias na ang Paskuwa ni Yahweh ay ipagdiwang sa Jerusalem noong ika-14 na araw ng unang buwan. Kaya't pinatay nila ang korderong pampaskuwa.
35:2 Ibinalik niya ang mga saserdote sa kani-kanilang tungkulin at tinagubilinang pagbutihin ang paglilingkod sa bahay ni Yahweh.
35:3 "Sinabi naman niya sa mga Levita na mga guro sa Israel na pawang tapat kay Yahweh: 'Dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan sa Templong ipinagawa ni Solomon. Huwag na ninyo itong dadala-dalahin ngayon. Panahon na upang paglingkuran ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos at ng bayang Israel."
35:4 Ayusin ninyo ang inyong mga pangkat na manunungkulan ayon sa kani-kanilang sambahayan batay sa mga tagubilin ni Haring David at ng anak niyang si Solomon.
35:5 Pagbukud-bukurin ninyo sa patyo ng Templo ang inyong mga kababayang hindi Levita ayon din sa sambahayan. Bawat pangkat ay pasasamahan ninyo ng isang pangkat ng mga Levita.
35:6 "Patayin ninyo ang tupang pampaskuwa, italaga ang inyong sarili at ihanda ang lahat para sa inyong mga kapatid na hindi Levita. Pagkatapos, idaos ninyo ang Paskuwa ayon sa utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.' "
35:7 Nagkaloob si Josias ng 30,000 kordero at mga bisirong kambing bilang handog na susunugin bukod pa sa 3,000 torong panghandog para pagsalu-saluhan.
35:8 Ang mga pinuno sa ilalim niya ay buong puso ring nagkaloob ng handog para sa bayan, sa mga saserdote at sa mga Levita. Ang mga punong-katiwala naman sa Templo na sina Helcias, Zacarias at Jehiel ay nagkaloob ng 2,600 tupa para sa mga saserdote at 300 toro bilang handog pampaskuwa.
35:9 Ang mga pinuno naman ng mga Levita na sina Conanias, Semaya, Natanael, Hosabias, Jehiel at Jozabad ay nagbigay ng 5,000 kordero at bisirong kambing para sa mga Levita at 500 toro bilang handog na pampaskuwa.
35:10 Matapos ihanda ang lahat, tumayo na sa kani-kaniyang dako ang mga saserdote. Ang mga Levita nama'y kasama ng kani-kanilang pangkat ayon sa utos ng hari.
35:11 Pinatay nila ang hayop na pampaskuwa at ang dugo nito'y ibinuhos ng mga saserdote sa dambana samantalang binabalatan naman ng mga Levita ang mga hayop.
35:12 Pagkatapos, kinuha nila ang taba nito at ipinamahagi sa mga tao ayon sa kani-kanilang sambahayan upang ihandog kay Yahweh ayon sa itinakda sa Aklat ni Moises. Gayon din ang ginawa nila sa mga toro.
35:13 Nilitson nila ang korderong pampaskuwa ayon sa tuntunin. Ang iba namang karneng handog ay inilaga sa mga palayok, kaldero at kawa at ipinamahagi sa mga tao.
35:14 Pagkatapos nito, naghanda ang mga Levita ng pagkain para sa kanila at sa mga saserdote. Sila rin ang naghanda ng pagkain ng mga saserdote sapagkat ang mga ito'y abalang-abala hanggang gabi sa pagsusunog ng mga handog na susunugin.
35:15 Nanatili sa kanilang lugar ang mga mang-aawit, ang mga anak ni Asaf ayon sa tuntuning binalangkas ni Haring David at ng mga lingkod niyang sina Asaf, Heman at Jedutun. Hindi na rin kailangang umalis ang mga bantay sa pinto sapagkat lahat sila'y dinadalhan ng pagkain ng mga Levita.
35:16 Ang lahat ay ginawa ayon sa tagubilin ng hari: ang pagpupuri kay Yahweh, ang pagdiriwang ng Paskuwa at ang paghahandog.
35:17 Pitong araw na ipinagdiwang ng mga Israelita ang Paskuwa, at ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.
35:18 Mula pa ng panahon ni Propeta Samuel, wala pang ganitong pagdiriwang ng Paskuwa na nagaganap sa Israel. Wala ring ibang hari sa Israel na nakagawa ng ginawang ito ni Haring Josias. Siya lamang ang nakapagtipon ng lahat ng saserdote, Levita at buong taga-Juda at taga-Israel kasama ang mga taga-Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskuwa.
35:19 Ito'y nangyari noong ikalabingwalong taon ng kanyang paghahari. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni Haring Josias )
35:20 Nang maayos na ni Josias ang lahat ng nauukol sa Templo, sinalakay ng Haring Necao ng Egipto ang Carquemis sa may Ilog Eufrates. Hindi ito nagustuhan ni Josias kaya't hinarap niya ito.
35:21 "Dahil dito, nagpasugo si Necao at sinabi, 'Wala tayong dapat pag-awayan mahal na hari ng Juda. Hindi tayo dapat maglaban. Hindi ikaw ang aking kinakalaban kundi ang aking mga kaaway. Pinagmamadali ako ng Diyos sa lakad kong ito. Huwag mo siyang hadlangan kung di mo gustong mapahamak.'"
35:22 Ngunit hindi nagbago ng isip si Josias. Ipinasiya niyang lumaban. Hindi siya naniwala sa sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Necao. Kaya hinarap ito sa kapatagan ng Meguido.
35:23 Tinudla siya ng mga mamamana at nasugatan nang malubha kaya't iniutos niya sa mga kasamang ialis siya agad.
35:24 Inilipat siya agad sa ibang sasakyan at dinala sa Jerusalem. Subalit namatay din siya at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno. Nagluksa ang buong Juda at Jerusalem dahil sa kanyang pagkamatay.
35:25 Nagluksa rin si Jeremias at lumikha pa siya ng isang awit ng panambitan sa pagkamatay ni Josias. Ito'y inaawit pa hanggang ngayon ng mga mang-aawit sa pag-aalaala sa kanya. Ito'y naging kaugalian na sa Israel at ang malungkot na awiting ito'y matatagpuan sa Aklat ng Panambitan.
35:26 Ang iba pang mga nangyari sa paghahari ni Josias at ang kanyang paglilingkod sa Diyos, pagsunod sa Kautusan ni Yahweh,
35:27 mula sa pasimula hanggang wakas ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israel at Judakend.
36:1 ( Si Haring Joacaz ng Juda ) Nagkaisa ang bayan na si Joacaz, anak ng yumaong Haring Josias, ang ipalit na hari sa Jerusalem.
36:2 Dalawampu't tatlong taon siya nang umakyat sa trono. Tatlong buwan lamang siyang naghari.
36:3 Binihag siya ni Haring Necao ng Egipto at pinabuwis niya ng 100 talentong pilak at isang talentong ginto ang Juda.
36:4 Ang ipinalit kay Joacaz upang maghari sa Juda at Jerusalem ay ang kapatid nitong si Eliaquim na tinawag na Joaquim. Si Joacaz ay dinala nga sa Egipto. ( Si Haring Joaquim ng Juda )
36:5 Dalawampu't limang taon si Joaquim nang umakyat sa trono at labing-isang taon itong naghari sa Jerusalem.
36:6 Ang ginawa niya'y hindi naging kalugud-lugod sa mata ni Yahweh, ang kanyang Diyos. Dahil dito, dumating si Nabucodonosor, binihag siya at dinala sa Babilonia.
36:7 Kinuha niya pati mga kagamitan sa bahay ni Yahweh at inilipat sa kanyang palasyo.
36:8 Ang iba pang mga pangyayari sa panahon ni Joaquim, pati mga kasamaang ginawa niya at ibang dahilan ng kanyang mga pagkakasala ay natala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israel at Judak*. Ang pumalit sa kanya ay ang anak niyang si Joaquin. ( Si Haring Joaquin ng Juda )
36:9 Walong taon si Joaquin nang umakyat sa trono at pawang kasamaan din ang ginawa niya. Tatlong buwa't sampung araw lamang siyang namahala sa Jerusalem.
36:10 Pagtatapos ng taon, ipinakuha siya ng Haring Nabucodonosor pati ang mahahalagang kagamitan sa Templo at dinala sa Babilonia. Ang ipinalit sa kanya bilang hari ay si Sedequias na kanyang kapatid. ( Si Haring Sedequias ng Juda )
36:11 Dalawampu't isang taon si Sedequias nang umakyat sa trono at labing-isang taon siyang namahala sa Jerusalem.
36:12 Masama rin ang ginawa niya sa paningin ni Yahweh na kanyang Diyos. Hindi niya sinunod ang payo ni Propeta Jeremias, ang tagapagsalita ni Yahweh. ( Ang Pagbagsak ng Jerusalem )
36:13 Naghimagsik siya laban sa Haring Nabucodonosor na pinangakuan niyang kanyang susundin. Nagmatigas siya laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel at ayaw niyang magbalik-loob.
36:14 Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, ang mga saserdote at ang mamamayan. Nakigaya sila sa nakaririmarim na gawain ng ibang bansa. Pati bahay ni Yahweh na itinalaga niya sa Jerusalem ay kaniyang itinakwil.
36:15 Gayunman, dahil sa habag ni Yahweh sa kanila at sa pagmamalasakit sa kanyang Templo, lagi niyang pinadadalhan sila ng mga sugo.
36:16 Ngunit hinahamak lamang nila ang mga ito at ang mga propeta at pinagtatawanan sa anumang sabihin. Kaya, umabot na sa sukdulan ang poot ni Yahweh.
36:17 Dahil dito, ginamit niya ang hari ng mga Caldeo upang patayin sa tabak sa loob ng santwaryo ang kanilang mga kabataan. Wala itong iginalang maging binata o dalaga, pati matatanda. Ipinaubaya sila ng Diyos sa kapangyarihan ng hari.
36:18 Lahat ng sisidlan, malalaki at maliliit sa loob ng Templo, pati ang kayamanang naroon, gayon din ang sa hari at mga kagawad nito at dinala sa Babilonia.
36:19 Sinunog nila ang bahay ni Yahweh, winasak ang muog ng Jerusalem at ang malalaking gusali. Ang mahahalagang ari-arian doon ay tinupok din, anupat ang lahat ay iniwan nilang wasak.
36:20 Ang naligtas sa patalim ay dinala nilang bihag sa Babilonia. Doo'y inalipin sila ng hari at ng kanyang mga anak hanggang ang Babilonia'y masakop ng Persia.
36:21 Sa gayon natupad ang hula ni Jeremias na ang lupai'y nakapamahinga sa loob ng pitumpung taong singkad.
36:22 Upang matupad ang salita niyang ito sa pamamagitan ni Jeremias, pinukaw ni Yahweh ang kalooban ni Ciro, hari ng Persia noong unang taon ng kanyang paghahari. Nagpalabas ang haring ito ng isang pahayag sa buong kaharian na ganito ang isinasaad:
36:23 '"Ito ang pahayag ng Haring Ciro ng Persia: 'Ipinaubaya sa akin ni Yahweh, Diyos ng Kalangitan, ang lahat ng kaharian sa daigdig at inutusan niya akong magtayo para sa kanya ng templo sa Jerusalem ng Juda. Kaya, ang sinuman sa inyo na kabilang sa kanyang bayan ay pinahihintulutan kong pumunta sa Jerusalem. Samahan nawa siya ni Yahweh, ang kanyang Diyos.''"
|