|
05. Deuteronomio
1:1 ( Sinariwa ni Moises ang Pangako ni Yahweh ) Ang buong Israel ay tinagubilinan ni Moises nang sila'y nasa ilang sa kabila ng Jordan, sa Araba. Ito ay nasa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran at Tofel, at Laban, Hazerot at Di-zahab.
1:2 Ang layo ng Horeb sa Cades-barnea ay labing-isang araw na lakbayin kung sa kaburulan ng Seir dadaan.
1:3 Nang unang araw ng ika-11 buwan ng ika-40 taon mula nang sila'y umalis sa Egipto, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang mga utos na ibinigay sa kanya ni Yahweh.
1:4 Nalupig na niya noon ang mga haring Amorreo na sina Sehon ng Hesbon at Og ng Basan, nakatira sa Astarot at Edrei.
1:5 Nang sila'y nasa kabila ng Jordan, sa lupain ng Moab, ipinaliwanag ni Moises ang mga tuntuning ito. Ang sabi niya,
1:6 '"Nang tayo'y nasa Horeb, ang sabi sa atin ni Yahweh, na ating Diyos: 'Matagal-tagal na rin kayong nakatigil dito."
1:7 Magpatuloy na kayo ng paglalakbay papunta sa kaburulang tinitirhan ng mga Amorreo at sa mga karatig na lugar sa Araba. Sakupin ninyo ang kaburulan, ang kapatagan, ang Negeb at ang baybay-dagat, samakatwid ang buong lupain ng Canaan at Libano hanggang sa Ilog Eufrates.
1:8 "Iyan ay inihanda ko para sa inyo. Iyan ang lupaing ipinangako ko sa mga ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.'' ( Ang Paghirang ng mga Hukom )[ (Exo. 18:13-27) ]"
1:9 "Patuloy pa ni Moises, 'Sinabi ko sa inyo noon na hindi ko na kayo kayang pamahalaang mag-isa."
1:10 Sa pagkukupkop ni Yahweh, ngayon ay sindami na kayo ng bituin sa langit.
1:11 Nawa'y pagpalain niya kayo, at tulad ng kanyang pangako, paramihin nawa niya kayo ng makapupong ulit.
1:12 Hindi ko na nga kayo kayang pamahalaang mag-isa dahil sa dami ninyo at sa dami ng mga usaping inilalapit ninyo sa akin.
1:13 Kaya, pinapili ko kayo ng mga taong matalino, maunawain at may karanasan upang italaga kong tagapamahala ninyo.
1:14 Sumang-ayon naman kayo sa akin.
1:15 Kaya't humirang kayo noon ng mga lalaking kilala sa inyong mga lipi, mga lalaking may talino at sapat na karanasan. Sila'y inilagay kong tagapamahala sa libu-libo, sa daan-daan, sa lima-limampu, sa sampu-sampu. Naglagay rin ako ng mga pinuno ng bawat lipi.
1:16 '"Itinagubilin ko sa kanila noon na pag-aralan nilang mabuti ang usaping ilalapit sa kanila ng kanilang mga kapatid, at igawad ang kaukulang hatol nang walang kinikilingan, maging sa katutubong Israelita o sa dayuhan."
1:17 Huwag rin silang magtatangi ng tao; igagawad nila ang katarungan sa lahat, maging dakila o aba. Huwag silang matatakot kaninuman pagkat ang ihahatol nila ay mula sa Diyos. Kung inaakala nilang mabigat ang usapin, dalhin nila sa akin at ako ang hahatol.
1:18 Sinabi ko rin sa inyo noon ang lahat ng dapat ninyong gawin. ( Sinugo ang mga Tiktik )[ (Bil. 13:1-33) ]
1:19 '"Ayon sa utos ni Yahweh, nagpatuloy tayo ng paglalakbay mula sa Horeb. Pinasok natin ang malawak at nakatatakot na kagubatan bago tayo nakarating sa kaburulan ng mga Amorreo. At narating nga natin ang Cades-barnea."
1:20 Sinabi ko sa inyo noon, 'Narito na tayo sa kaburulan ng mga Amorreo, sa lupaing ibinigay sa atin ni Yahweh.
1:21 Ang lupaing ito'y inihanda na niya sa atin. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. Sakupin na natin agad tulad ng tagubilin sa atin ng Diyos ng ating mga magulang. Huwag kayong matakot.'
1:22 Ngunit hiniling ninyo na magpadala muna tayo ng mga tiktik upang pag-aralan kung paano natin papasukin ang lugar na yaon.
1:23 Nagustuhan ko ang sinabi ninyo, kaya pumili ako ng labindalawang tao, isa sa bawat lipi.
1:24 Pumunta sila sa kaburulang iyon at nakarating sa lambak ng Escol.
1:25 Nang sila'y magbalik, may dala silang mga prutas mula roon, at sinabi nilang mainam ang lupaing ibinigay sa atin ni Yahweh.
1:26 '"Ngunit hindi kayo nagpunta; sa halip ay nilabag ninyo ang utos ni Yahweh."
1:27 Lihim kayong nag-usap-usap sa inyong mga tolda. Ang sabi ninyo: 'Marahil ay galit sa atin si Yahweh kaya niya tayo inialis sa Egipto at dinala rito upang ipapatay sa mga Amorreo.
1:28 Paano tayo makapupunta sa lupaing iyon. Nakatatakot palang pumunta roon. Malalaki pala kaysa atin ang mga tao roon, malalaki ang lunsod, at ang pader ay sagad sa langit; may mga higante pa roon!'
1:29 '"Ang sabi ko naman sa inyo: 'Huwag kayong matakot sa kanila"
1:30 pagkat si Yahweh ang mangunguna sa inyo at ipaglalaban niya kayong tulad ng nakita ninyong ginawa niya sa Egipto
1:31 at sa ilang. Dinala niya kayo rito, at inalagaan tulad ng dapat gawin ng ama sa kanyang anak.'
1:32 Hindi pa rin kayo lubos na nagtiwala sa kanya
1:33 gayong siya ang nanguna sa inyo. Pinatnubayan niya kayo sa pamamagitan ng haliging apoy kung gabi, at haliging ulap kung araw, at itinuro sa inyo ang inyong daraanan at ang inyong hihimpilan. ( Pinarusahan ng Diyos ang Israel )[ (Bil. 14:20-35) ]
1:34 '"Narinig ni Yahweh ang usapan ninyo, at siya'y nagalit. Dahil dito, isinumpa niya:"
1:35 'Isa man sa inyo ay hindi makararating sa lupaing aking ipinangako sa inyong mga magulang,
1:36 maliban kay Caleb na anak ni Jefone. Siya lamang ang makapapasok doon. Ibibigay ko sa kanya at sa kanyang magiging lahi ang lupaing maaabot niya sapagkat lubusan siyang sumunod sa akin.'
1:37 Nagalit din sa akin si Yahweh dahil sa inyo. Sinabi niya, 'Moises, hindi ka rin makararating doon.
1:38 Ang kanang-kamay mong si Josue ang papasok doon. Palakasin mo ang kanyang loob pagkat siya ang mangunguna sa Israel sa pagsakop nila sa lupaing yaon.'
1:39 '"Sinabi rin niya, 'Ang makararating lamang doon ay ang inyong mga mahal sa buhay na sinasabi ninyong mabibihag sa labanan, at ang maliliit ninyong anak na hindi pa nakaaalam ng masama't mabuti. Ibibigay ko sa kanila ang lupain upang kanilang tirahan."
1:40 Ngunit kayo'y ibabalik sa ilang papuntang Dagat ng mga Tambo. ( Ang Pagkalupig ng Israel sa Horma )[ (Bil. 14:39-45) ]
1:41 '"Sinabi naman ninyo sa akin noon, 'Nagkasala kami kay Yahweh. Pupunta na kami roon at makikipaglaban tulad ng iniutos niya sa amin.' At kayong lahat ay dali-daling nagsakbat ng sandata pagkat akala ninyo'y madali lamang ang paglusob sa kaburulan ng mga Amorreo. "
1:42 '"Ipinapigil kayo sa akin ni Yahweh pagkat hindi niya kayo papatnubayan, at malulupig lamang kayo ng inyong sasalakayin."
1:43 Ngunit hindi kayo nakinig sa akin. Sinuway ninyo ang utos ni Yahweh at nagpatuloy kayo sa inyong paglusob.
1:44 Ngunit parang pukyutang dumagsa sa inyo ang mga Amorreo at nalupig nila kayo at tinugis hanggang Horma.
1:45 Dumaing kayo kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo dininig.
1:46 Kaya, napilitan kayong tumigil nang matagal sa Cades.
2:1 ( Ang Paglalakbay sa Ilang ) '"Tulad ng utos sa akin ni Yahweh, nagbalik tayo sa ilang, tungo sa Dagat ng mga Tambo. Matagal din tayong naglakbay sa kaburulan ng Seir. "
2:2 '"Doon, sinabi sa akin ni Yahweh:"
2:3 'Matagal na rin kayong nagpapaikut-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, dumiretso na kayo papuntang hilaga.
2:4 Dadaan kayo sa Seir, ang lupain ng mga kamag-anak ninyo, ang lahi ni Esau. Takot sila sa inyo ngunit mag-ingat din kayo.
2:5 Huwag ninyo silang didigmain pagkat kapiraso man ng lupain nila'y hindi ko ibibigay sa inyo; ibinigay ko na sa kanila ang kaburulan ng Seir.
2:6 Babayaran ninyo ang pagkain at inuming kukunin ninyo sa kanila.'
2:7 '"Pinagpala kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong gawain, at hindi niya kayo hiniwalayan sa inyong paglalakbay sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Anupat hindi kayo kinulang sa anumang pangangailangan. "
2:8 '"Kaya dumaan lamang tayo sa kanilang lupain at nagpatuloy sa paglalakbay palayo sa Araba, Elat at Ezion-geber. Pinuntahan natin ang ilang ng Moab. "
2:9 '"At sinabi sa akin ni Yahweh: 'Huwag rin ninyong guguluhin o sasalakayin ang mga Moabita pagkat kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo. Ang lupain ng Ar ay ibinigay ko na sa lahi ni Lot.'' ("
2:10 Ang dating nakatira roon ay ang mga Emita. Sila'y marami at malalaking tulad ng lahi ni Anac.
2:11 Tulad ng mga Anaceo, kilala rin sila sa tawag na Refaim, ngunit Emita ang tawag sa kanila ng mga Moabita.
2:12 Dati, nakatira rin sa Seir ang mga taga-Hor, ngunit pinuksa sila ng mga anak ni Esau, at sila ang tumira roon, tulad ng ginawa ng mga Israelita sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh.)
2:13 '"'Ngayon nga'y magpatuloy kayo; tumawid kayo sa batisan ng Zared.' At gayon nga ang ginawa natin."
2:14 Tatlumpu't walong taon ang nakalipas mula nang umalis tayo sa Cades-barnea hanggang sa pagtawid natin sa Zared. Tulad ng isinumpa ni Yahweh, walang natira sa mga mandirigma ng salinlahing iyon.
2:15 Silang lahat ay nilipol niya.
2:16 '"Nang wala na ngang natitira sa mga mandirigma ng lahing iyon,"
2:17 sinabi sa akin ni Yahweh,
2:18 'Ngayon ay tumawid na kayo sa Ar, sa hangganan ng Moab.
2:19 "Pagdaan ninyo sa lupain ng mga anak ni Ammon, huwag ninyo silang guguluhin o didigmain pagkat kapiraso man ng lupa nila'y hindi ko ibibigay sa inyo; iyon ay ibinigay ko na sa mga anak ni Lot.'' ("
2:20 Ang lupaing yaon ay dating sakop ni Refaim, na ang tawag ng mga anak ni Ammon ay Zomzomeo.
2:21 Marami rin sila at malalaking tulad ng lahi ni Anac. Ngunit ipinalupig sila ni Yahweh; itinaboy sila ng mga anak ni Ammon upang ang mga ito ang tumira roon.
2:22 Gayon din ang ginawa niya para sa mga anak ni Esau nang ang mga ito'y magpunta sa Seir; itinaboy niya ang mga taga-Hor at ang mga anak ni Esau ang pinatira roon.
2:23 Ang mga taga-Avim naman sa Gaza ay itinaboy ng mga taga-Caftor at sila ang tumira roon.)
2:24 '"At sinabi roon ni Yahweh, 'Magpatuloy kayo; tumawid kayo sa batis ng Arnon. Mabibihag ninyo si Sehon, ang hari ng mga Amorreo sa Hesbon, at masasakop ninyo ang kanyang lupain. Simulan na ninyo ang pagsakop sa lupain niya."
2:25 Sisidlan ko ng takot sa inyo ang lahat ng bansa sa daigdig. Mabalitaan lamang kayo'y manginginig na sila sa takot.' ( Nalupig ng Israel si Haring Sehon )[ (Bil. 21:21-30) ]
2:26 '"At mula sa ilang ng Quedemot, nagpadala ako ng sugo kay Haring Sehon at aking ipinasabi:"
2:27 'Makikiraan kami sa iyong lupain. Hindi kami lilihis ng daan.
2:28 Babayaran namin sa iyo ang aming kakanin at iinumin. Kung maaari'y paraanin mo lang kami
2:29 tulad ng ginawa ng mga anak ni Esau sa Seir at ng mga Moabita sa Ar. Makikiraan lamang kami para makarating sa kabila ng Jordan, sa lupaing ibinigay sa amin ni Yahweh, na aming Diyos.'
2:30 '"Ngunit hindi niya tayo pinahintulutan. Siya'y pinagmatigas ni Yahweh para ipalupig sa atin at makuha natin ang kanyang lupain na hanggang ngayon ay sakop natin. "
2:31 '"At sinabi sa akin ni Yahweh, 'Ito na ang simula ng pagkahulog ni Haring Sehon sa inyong mga kamay; sakupin na ninyo ang kanyang lupain.'"
2:32 Hinarap niya tayo sa Jahaz.
2:33 Ngunit siya at ang kanyang mga tauhan ay nalupig natin sa tulong ni Yahweh.
2:34 Nasakop natin ang kanyang mga lunsod; giniba natin ang mga ito at walang itinira isa man sa mga tagaroon.
2:35 Ang kanilang mga hayop at ari-arian ay sinamsam natin.
2:36 Walang lunsod na hindi natin napasok, mula sa Aroer hanggang Galaad; lahat ay nasakop natin sa tulong ni Yahweh.
2:37 Ngunit hindi natin ginalaw ang lupain ng mga anak ni Ammon, ang baybayin ng Ilog Jaboc, at ang kaburulan, sapagkat yaon ang kabilin-bilinan ni Yahweh.
3:1 ( Nalupig ng Israel si Haring Og )[ (Bil. 21:31-35) ] '"Nagpatuloy tayo papuntang Basan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Basan."
3:2 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Huwag kayong matakot sa kanya pagkat malulupig ninyo sila tulad ng ginawa ninyo kay Haring Sehon at sa mga Amorreo.'
3:3 '"Nalupig nga natin si Haring Og at ang buong Basan; wala tayong itinira isa man sa kanila."
3:4 Nasakop natin ang animnapu nilang lunsod sa Argob, ang buong kaharian ni Og,
3:5 ang maraming maliliit na nayon, at ang malalaki nilang lunsod.
3:6 Tulad ng ginawa natin kay Haring Sehon ng Hesbon, nilipol natin sila pati mga bata.
3:7 Ang itinira lamang natin ay ang mga hayop at iba pang ari-arian nilang sinamsam natin.
3:8 '"Nang araw na yaon, nasamsam natin ang lupain ng dalawang haring Amorreo, ang lupain nila sa ibayo ng Jordan, mula sa Ilog Arnon hanggang sa bulubundukin ng Hermon. ("
3:9 Sirion ang tawag ng mga taga-Sidon sa Bundok ng Hermon at Senir naman ang tawag doon ng mga Amorreo.)
3:10 "Nasakop din natin ang mga lunsod sa kapatagan, ang buong Galaad, ang Basan, hanggang Salca at Edrei, na pawang sakop ni Haring Og.' ("
3:11 Si Haring Og lamang ang natira sa mga taga-Refaim. Ang kabaong niyang bato ay labing-apat na talampakan ang haba at anim ang luwang. Ito ay nasa Lunsod ng Rabba, sa lupain ng Ammon, hanggang ngayon.) ( Ang mga Liping Nanirahan sa Silangan ng Juda )[ (Bil. 32:1-42) ]
3:12 '"Nang masakop natin ang bansang iyon, ibinigay ko sa lipi nina Ruben at Gad ang lupain mula sa Aroer na nasa tabi ng Ilog Arnon, at ang kalahati ng Galaad."
3:13 "Ang kalahati naman ng Galaad, ang Basan, samakatwid ang buong Argob ay ibinigay ko sa kalahating lipi ni Manases.' (Ang buong Basan ay tinatawag na lupain ni Refaim."
3:14 Ang buong lupain nga ng Argob, at ang Basan, hanggang sa hangganan ng mga Gesureo at Maacateo, ay nauwi kay Jair na anak ni Manases. Hanggang ngayon, may ilang nayon doon na tinatawag na Bayan ni Jair, sunod sa pangalan niya.)
3:15 '"Ang Galaad naman ay ibinigay ko kay Maquir."
3:16 Sa mga lipi naman nina Ruben at Gad ay ibinigay ko ang lupain mula sa Galaad hanggang sa kalagitnaan ng Ilog Arnon. Ang Ilog Arnon ang hangganan nito sa timog at ang Ilog Jaboc naman sa hilaga. Dito naman nagsimula ang lupain ng mga anak ni Ammon.
3:17 Sa kanluran ang lupain nila'y abot sa Ilog Jordan, mula sa Cineret hanggang Dagat na Patay. Abot naman sa Bundok Pisga sa gawing silangan.
3:18 '"Sinabi ko sa kanila noon: 'Ang lupaing ito ang ibinibigay sa inyo ni Yahweh, ngunit ang lahat ng mandirigma ay makikipagbaka munang kasama ng ibang Israelita."
3:19 Maiiwan dito ang mga mahal ninyo sa buhay at ang inyong mga hayop (pagkat alam kong marami kayong alagang hayop).
3:20 Hindi kayo babalik dito hanggang ang mga kapatid ninyong Israelita ay hindi napapanatag sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh.'
3:21 '"Ito naman ang sinabi ko kay Josue: 'Nakita mo ang ginawa ni Yahweh sa dalawang haring Amorreo; ganoon din ang gagawin ni Yahweh sa mga hari ng lupaing pupuntahan ninyo."
3:22 Huwag kang matatakot sa kanila pagkat si Yahweh ang makikipaglaban para sa inyo.' ( Hindi Pinahintulutang Makarating ng Canaan si Moises )
3:23 '"Namanhik ako noon kay Yahweh. Ang sabi ko,"
3:24 'Yahweh, aming Diyos, pinasimulan mo nang ipamalas sa akin ang iyong kapangyarihan. Sinong diyos sa langit o sa lupa ang makagagawa ng iyong ginagawa?
3:25 Ipinamamanhik ko sa iyong ako'y tulutan mong makatawid sa Jordan upang makita ko ang maganda at masaganang lupaing yaon, ang kaburulan at ang Bundok Libano.'
3:26 '"Ngunit hindi niya ako dininig pagkat nagalit nga siya sa akin dahil sa inyo. Ang sagot niya sa akin: 'Tumigil ka na! Huwag mo nang mabanggit-banggit sa akin iyan."
3:27 Umakyat ka na lamang sa ituktok ng Pisga at igala mo ang iyong paningin sa paligid pagkat hinding-hindi ka makatatawid ng Jordan.
3:28 Ituro mo kay Josue ang dapat niyang gawin, at palakasin mo ang kanyang loob pagkat siya ang mangunguna sa Israel sa pagsakop sa lupaing ipatatanaw ko sa iyo.'
3:29 '"At nanatili tayo sa kapatagan sa tapat ng Bet-peor."
4:1 ( Nanawagan si Moises na Maging Masunurin ang Israel ) '"Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo."
4:2 Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang.
4:3 Nakita ninyo ang ginawa ni Yahweh sa Baal-peor; nilipol niya ang lahat ng sumamba kay Baal
4:4 ngunit kayong nanatiling tapat sa kanya ay buhay pa hanggang ngayon.
4:5 '"Ngayon nga'y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin."
4:6 Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayon, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: 'Ang bansang ito'y matalino at may malawak na pagkaunawa.'
4:7 '"Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban kay Yahweh?"
4:8 Aling bansa ang may tuntuning kasing inam ng mga tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon?
4:9 Ngunit kaiingat kayo. Ang mga bagay na inyong nasaksihan ay huwag ninyong kalilimutan o ipagwawalang-bahala habang kayo'y nabubuhay; ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.
4:10 Huwag ninyong kalilimutan ang sinabi ni Yahweh nang kayo'y nasa harap ng Bundok ng Horeb: 'Tipunin mo sa harapan ko ang buong bayan. Ituturo ko sa kanila ang aking mga utos upang magkaroon sila ng takot sa akin habang sila'y nabubuhay; ituturo naman nila ito sa kanilang mga anak.'
4:11 '"At kayo'y nagtipon sa paanan ng bundok; ito'y naglagablab nang suko sa langit. Pagkatapos, nabalot ito ng ulap."
4:12 Mula sa gitna ng apoy, nagsalita sa inyo si Yahweh; narinig ninyo ang kanyang tinig ngunit hindi ninyo siya nakita.
4:13 Ipinahayag niya ang mga tuntunin ng kanyang pakikipagtipan sa inyo, ang sampung utos na isinulat niya sa dalawang tapyas ng bato.
4:14 Noon, iniutos niya sa akin na ituro sa inyo ang mga tuntunin na inyong susundin sa lupaing titirhan ninyo. ( Ang Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyusan )
4:15 '"Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Horeb, wala kayong nakitang anyo,"
4:16 kaya, kaiingat kayo. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao,
4:17 hayop sa ibabaw ng lupa, ibon,
4:18 ng anumang gumagapang o ng anumang isda.
4:19 Ni huwag ninyong sasambahin ang araw, buwan, bituin o alinmang buntala na nilalang ni Yahweh para sa tao.
4:20 Hinango kayo ni Yahweh sa pagkaalipin sa Egipto upang maging kanya lamang.
4:21 Nagalit nga sa akin si Yahweh dahil sa inyo, at isinumpa niyang di ako makararating sa masaganang lupaing ibibigay niya sa inyo.
4:22 Hindi ninyo ako makakasama sa kabila ng Jordan. Dito na ako mamamatay ngunit kayo'y magpapatuloy upang sakupin ang lupaing yaon.
4:23 Mag-ingat kayo. Huwag ninyong kalilimutan ang tipan sa inyo ni Yahweh. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, gaya ng ipinagbawal niya sa inyo.
4:24 Si Yahweh ay apoy na nakatutupok at ayaw niyang may kaagaw siya sa inyong pagmamahal.
4:25 '"Kahit gaano katagal ang abutin ninyo roon, kahit kayo magkaanak at magkaapo, huwag kayong gagawa ng mga larawan upang sambahin pagkat magagalit sa inyo si Yahweh."
4:26 Pag nilabag ninyo ang utos na ito, ngayon pa'y sinasabi ko na sa inyo na hindi kayo magtatagal sa lupaing yaon sa kabila ng Jordan pagkat malilipol kayo.
4:27 Kayo'y pangangalatin ni Yahweh sa iba't ibang dako at kaunti lamang ang matitira sa inyo.
4:28 At sa lugar na pagtatapunan sa inyo ay maglilingkod kayo sa diyus-diyusang kahoy at bato, mga gawa ng tao. Sila'y hindi nakakikita, nakaririnig, nakaaamoy ni nakakakain.
4:29 Magkagayunman, masusumpungan ninyong muli si Yahweh kung siya'y buong sikap at taimtim ninyong hahanapin.
4:30 Kapag nangyari na ang lahat ng ito, anupat kayo'y nasa matinding kahirapan, matututo kayong manumbalik at sumunod sa kanya.
4:31 Siya ay mahabagin. Hindi niya kayo pababayaang malipol pagkat hindi niya kalilimutan ang kanyang tipan sa inyong mga ninuno.
4:32 '"Isipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig."
4:33 Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay?
4:34 Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ni Yahweh sa Egipto?
4:35 Ang mga pangyayaring ito'y ipinamalas niya sa inyo upang maniwala kayo na walang ibang Diyos maliban sa kanya.
4:36 Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo'y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy.
4:37 At dahil sa pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, hinirang niya kayo, at sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay inilabas kayo sa Egipto.
4:38 Pinuksa niya ang mga bansang mas malakas sa inyo upang maluwag kayong makapanirahan sa lupaing ibinigay niya sa inyo ngayon.
4:39 Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa'y walang ibang diyos liban kay Yahweh.
4:40 "Kaya nga, dapat ninyong sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayon, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.' ( Ang mga Lunsod na Taguan sa Silangan ng Jordan )"
4:41 Pagkasabi noon, pumili si Moises ng tatlong lunsod sa kabila ng Jordan
4:42 upang maging taguan ng sinumang makamatay nang di sinasadya. Kapag ito'y nakapasok sa alinman sa mga lunsod na iyon, ligtas na ito sa paghihiganti ng mga kamag-anak ng namatay.
4:43 Ito ang mga lunsod na ibinukod niya: ang Bezer sa ilang, sa kataasan, para sa lipi ni Ruben; ang Ramot sa Galaad para sa lipi ni Gad, at ang Golan sa Basan para sa lipi ni Manases. ( Paunang Salita Tungkol sa Kautusan )
4:44 Ito ang kautusang ibinigay ni Moises sa mga Israelita,
4:45 mga batas at tuntuning ipinahayag niya nang sila'y makalabas na sa Egipto.
4:46 Sila noon ay nasa silangan ng Jordan sa kapatagan ng Bet-peor, sakop ni Haring Sehon ng mga Amorreo. Si Haring Sehon ay nilupig nga nina Moises.
4:47 Sinakop nila ang lupain nito, pati ang lupain ni Haring Og.
4:48 Ang lupaing nasakop nila noon ay mula sa Aroer, sa tabi ng Ilog Arnon hanggang Bundok ng Sirion o Hermon,
4:49 sakop din ang buong Araba sa silangan ng Jordan, hanggang sa baybayin ng Dagat na Patay sa paanan ng Bundok ng Pisga.
5:1 ( Ang Sampung Utos )[ (Exo. 20:1-17) ] "Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi, 'Mga Israelita, dinggin ninyo ang Kautusan at ang mga tuntuning ilalahad ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong mabuti at tupdin ang mga ito."
5:2 Si Yahweh ay nakipagtipan sa atin sa Bundok ng Horeb.
5:3 Siya'y hindi lamang sa ating mga ninuno nakipagtipan kundi pati sa atin na nabubuhay ngayon.
5:4 Tuwiran siyang nakipag-usap sa inyo sa bundok mula sa naglalagablab na apoy.
5:5 Habang inilalahad niya ang kanyang mga utos, nakatayo ako sa pagitan ninyo at ni Yahweh pagkat natatakot kayo sa ningas at hindi kayo maaaring umakyat sa bundok. Sinabi niya,
5:6 '"'Ako si Yahweh, ang Diyos na humango sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto. "
5:7 '"'Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa akin. "
5:8 '"'Huwag kayong gagawa ng larawan ng anumang nasa langit, nasa lupa, o nasa dagat upang sambahin."
5:9 Huwag ninyo silang paglilingkuran ni yuyukuran pagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Ang kasalanan ng mga magulang na namumuhi sa akin ay sisingilin ko sa kanilang mga anak hanggang sa ika-3 at ika-4 na salinlahi.
5:10 Ngunit ipadarama ko ang aking pag-ibig at pagkalinga sa lahat ng umiibig sa akin at sumusunod sa aking mga utos.
5:11 '"'Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhang usapan ang aking pangalan; tiyak na parurusahan ko ang gagawa nito. "
5:12 '"'Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, tulad ng utos ko sa inyo."
5:13 Anim na araw kayong gagawa ng inyong mga gawain
5:14 ngunit ang ika-7 ay para sa akin; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyo'y huwag kayong magtatrabaho. Huwag din ninyong pagtatrabahuhin ang inyong mga anak, alipin, o alinman sa inyong mga hayop, ni ang mga nakikipamayan sa inyo. Ang inyong alipin, lalaki man o babae ay kailangang mamahingang tulad ninyo.
5:15 Alalahanin ninyong naging alipin din kayo sa Egipto at mula roo'y inilabas ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Kaya iniutos ko sa inyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga.
5:16 '"'Igalang ninyo ang inyong ama't ina tulad ng iniutos ko sa inyo. Sa gayon, hahaba ang inyong buhay at mapapanuto kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo. "
5:17 '"'Huwag kayong papatay. "
5:18 '"'Huwag kayong mangangalunya. "
5:19 '"'Huwag kayong magnanakaw. "
5:20 '"'Huwag kayong sasaksi nang walang katotohanan. "
5:21 '"'Huwag ninyong pagnanasaan ang asawa ng inyong kapwa. Huwag ninyong pag-iimbutan ang kanyang bahay, bukid, alila, baka, asno o alinmang ari-arian niya.' "
5:22 '"Ang mga ito'y sinabi sa inyo ni Yahweh doon sa bundok, mula sa naglalagablab na apoy at makapal na usok. Liban doon, hindi na siya nagsalita sa inyo. Pagkatapos, isinulat niya ang mga ito sa dalawang tapyas na bato at ibinigay sa akin. ( Pinagharian ng Takot ang Lahat )[ (Exo. 20:18-21) ]"
5:23 '"Nang marinig ninyo ang kanyang tinig mula sa pusikit na kadiliman, habang nagliliyab ang bundok, lumapit sa akin ang puno ng bawat angkan at ang inyong matatanda."
5:24 Sinabi nila, 'Ipinamalas sa atin ni Yahweh ang kanyang kaningningan, at ipinarinig sa atin ang kanyang tinig. Nakipag-usap siya sa atin nang harapan ngunit hindi tayo namatay.
5:25 Bakit natin hihintaying mamatay tayo rito? Lalamunin tayo ng apoy na ito at tiyak na mamamatay tayo pag nagsalita pa siya sa atin.
5:26 Sinong tao ang nanatiling buhay matapos marinig ang tinig ni Yahweh?
5:27 Ikaw na lang ang makipag-usap sa kanya. Sabihin mo na lamang sa amin ang lahat ng sasabihin niya sa iyo, at susundin namin.'
5:28 '"Narinig ni Yahweh ang sinabi ninyo noon at ito naman ang kanyang sinabi sa akin: 'Narinig ko ang sinabi nila sa iyo at tamang lahat iyon."
5:29 Sana nga'y manatili ang takot nila sa akin at lagi nilang sundin ang aking mga utos upang mapanuto sila at ang kanilang mga anak habang panahon.
5:30 Magbalik ka sa kanila at pauwiin mo na sila.
5:31 Ngunit mananatili ka rito at sasabihin ko sa iyo ang aking kautusan at mga tuntunin. Ituturo mo ito sa kanila upang kanilang sundin sa lupaing ibibigay ko sa kanila.'
5:32 '"Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos sa inyo ni Yahweh."
5:33 Mamuhay kayo ayon sa kanyang mga utos. Sa gayon, mapapanuto kayo at hahaba ang buhay ninyo sa lupaing titirhan ninyo.
6:1 ( Ang Pangunahing Utos ) '"Ito nga ang Kautusan at mga tuntuning ibinigay niya sa akin, at siya ninyong susundin sa lupaing inyong sasakupin."
6:2 Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh at sa inyong magiging supling upang magkaroon kayo ng takot sa kanya. Kung ito'y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay.
6:3 Kaya nga, dinggin ninyo ito at sunding mabuti. Kung magkagayo'y mapapanuto kayo, at lalaki ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyo, sa lupaing sagana sa lahat ng bagay.
6:4 '"Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos."
6:5 Ibigin ninyo siya nang buong puso, kaluluwa at lakas.
6:6 Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong isip.
6:7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon.
6:8 Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo,
6:9 isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan. ( Babala Laban sa Pagsuway )
6:10 '"Kayo'y malapit nang dalhin ni Yahweh sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Maninirahan kayo sa malalaki at magagandang lunsod na hindi ninyo itinayo."
6:11 Titira kayo sa mga tahanang husto sa lahat ng bagay ngunit hindi ninyo pinaghirapan. Iinom kayo ng tubig na galing sa mga balong hindi ninyo hinukay. Mamimitas kayo sa mga ubasan at sa mga olibong hindi ninyo itinanim. Kung kayo'y naroon na at nananagana sa lahat ng bagay,
6:12 huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na nag-alis sa inyo sa bansang Egipto.
6:13 Magkaroon kayo ng takot sa kanya, paglingkuran ninyo siya at mamuhay kayo nang tapat.
6:14 Huwag kayong maglilingkod sa diyus-diyusan ng mga bayang pupuntahan ninyo.
6:15 Si Yahweh ay mapanibughuin; baka magalit siya sa inyo at kayo'y lipulin.
6:16 '"Huwag na ninyong gagalitin si Yahweh, tulad ng ginawa ninyo sa Masa."
6:17 Sundin ninyong mabuti ang kanyang Kautusan at mga tuntunin.
6:18 Yaong nararapat lamang sa kanyang kalooban ang gagawin ninyo upang kayo'y mapanuto. Sa gayon, masasakop ninyo ang lupaing ipinangako niya sa inyong mga magulang;
6:19 mapalalayas ninyo ang inyong mga kaaway, tulad ng pangako niya sa inyo.
6:20 '"Kung dumating ang araw na itanong ng inyong mga anak kung bakit kayo binigyan ni Yahweh ng Kautusan at mga tuntunin,"
6:21 ganito ang sabihin ninyo: 'Noong araw, inalipin kami ng Faraon sa Egipto. Inialis kami roon ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
6:22 Nasaksihan namin ang maraming kababalaghang ginawa niya laban sa Faraon at sa mga Egipcio.
6:23 Inialis niya kami sa Egipto upang dalhin sa lupaing ipinangako niya sa ating mga ninuno.
6:24 Ibinigay niya sa amin ang Kautusan at mga tuntuning ito upang magtaglay kami ng takot sa kanya. Sa gayon, kami'y mapapanuto at iingatan niyang tulad ng ginagawa niya sa atin ngayon.
6:25 Kalulugdan niya tayo kung susundin natin nang buong katapatan ang Kautusang ibinigay niya sa atin.'
7:1 ( Bayang Itinalaga kay Yahweh )[ (Exo. 34:11-16) ] '"Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pitong bansang nauna sa inyo roon---Heteo, Gergeseo, Amorreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo---mga bansang mas malakas at malaki kaysa inyo,"
7:2 lipulin ninyo silang lahat. Huwag ninyo silang kaaawaan at huwag kayong makikipagkaisa sa kanila.
7:3 Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong mga anak ang mga anak nila
7:4 pagkat tiyak na hihikayatin nila ang inyong mga anak upang tumalikod kay Yahweh, at sumamba sa kanilang diyus-diyusan. Kapag nagkagayon, magagalit sa inyo si Yahweh at kayo'y kanyang lilipulin agad.
7:5 Gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang rebulto, ibagsak ang kanilang Asera, at sunugin ang mga imahen.
7:6 Kayo ay bansang nakatalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanya.
7:7 '"Pinili niya kayo at inibig hindi dahil sa dami, pagkat kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat."
7:8 Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
7:9 Alalahanin ninyo na si Yahweh ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig at sumusunod sa kanya at ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi.
7:10 Nililipol niya ang lahat ng sumusuway sa kanya; hindi makaliligtas sa kanyang parusa ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya.
7:11 "Kaya, sundin ninyo ang Kautusan at mga tuntuning ito.' ( Ang Bunga ng Pagsunod )[ (Deut. 28:1-14) ]"
7:12 '"Kung susundin ninyo ang mga Kautusang ito, tutupdin naman ni Yahweh ang kanyang pangako, at patuloy niya kayong iibigin,"
7:13 pagpapalain at pararamihin. Bibigyan niya kayo ng masaganang ani, inumin at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga magulang.
7:14 Kayo'y pagpapalain niya nang higit sa alinmang bansa. Walang magiging baog sa inyo, maging tao, maging hayop.
7:15 Ilalayo niya kayo sa mga karamdaman. Alinman sa mga sakit na ipinaranas sa mga Egipcio ay hindi niya padadapuin sa inyo kundi sa inyong mga kaaway.
7:16 Pupuksain ninyo ang lahat ng bansang ipasasakop niya sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan. Huwag din ninyong sasambahin ang kanilang mga diyus-diyusan. Iyan ang patibong na naghihintay sa inyo roon.
7:17 '"Huwag ninyong ikabahala kung paano ninyo malulupig ang mga bansang ito."
7:18 Huwag kayong matatakot sa kanilang dami at lakas. Alalahanin na lamang ninyo ang ginawa ni Yahweh sa Faraon at sa buong Egipto,
7:19 ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinamalas niya nang ialis niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo.
7:20 Sila'y paghaharian ng matinding takot hanggang sa malipol pati yaong mga nakapagtago sa inyo.
7:21 Hindi kayo dapat matakot sa kanila pagkat kasama ninyo si Yahweh, ang dakila at makapangyarihang Diyos.
7:22 Unti-unti silang lilipulin ni Yahweh. Hindi sila uubusin agad at baka hindi ninyo makaya ang mababangis na hayop.
7:23 Ngunit tiyak na ipasasakop sila sa inyo ni Yahweh. Sila'y lilituhin niya sa matinding takot hanggang sa lubusang malipol.
7:24 Ipabibihag niya sa inyo ang kanilang mga hari. Isa man sa kanila'y walang makalalaban sa inyo.
7:25 Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyusan. Huwag ninyong pag-iimbutan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon pagkat siyang magiging patibong na inyong kahuhulugan dahil iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh.
7:26 Huwag kayong mag-uuwi ng anumang bagay na kasuklam-suklam pagkat iyon ang magiging dahilan ng pagsumpa niya sa inyo. Lahat ng tulad noon ay sinumpa, kaya, dapat ituring na kasuklam-suklam.
8:1 ( Ang Masaganang Lupain ) '"Sundin ninyong mabuti ang mga Kautusang ito na ibinigay ko sa inyo ngayon upang humaba ang inyong buhay, dumami ang inyong lahi, at kayo'y makarating sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno."
8:2 Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya.
8:3 Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipakilala sa inyo na ang tao'y hindi lamang nabubuhay sa pagkain kundi sa salita rin naman ni Yahweh.
8:4 Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo naubusan ng kasuutan ni hindi kumapal sa kalalakad ang inyong mga talampakan.
8:5 Itanim ninyo sa inyong isipan na kayo'y itinutuwid niya kung paanong itinutuwid ng ama ang anak.
8:6 Kaya, matakot kayo sa kanya at sundin ang kanyang mga utos,
8:7 pagkat kayo'y dadalhin niya sa isang mainam na lupain, lupaing sagana sa tubig, maraming batis at bukal na umaagos sa mga burol at mga kapatagan.
8:8 Sagana rin doon sa trigo, sebada, ubas, igos, granada, olibo at pulot.
8:9 Doon ay hindi kayo magkukulang ng pagkain o anumang pangangailangan. Ang mga bato roon ay makukunan ng bakal at makukunan ng mga tanso ang mga burol.
8:10 Mananagana kayo roon sa lahat ng bagay, at pupurihin ninyo si Yahweh dahil sa mga ginawa niya sa inyo. ( Babala Laban sa Pagtalikod kay Yahweh )
8:11 '"Huwag ninyong kalilimutan si Yahweh. Sundin ninyo ang kanyang mga utos."
8:12 Kung kayo'y namumuhay na nang sagana, nakatira na sa magagarang tahanan,
8:13 at marami nang alagang hayop, at marami nang natipong pilak at ginto,
8:14 huwag kayong magmamataas. Huwag nga ninyong kalilimutan si Yahweh na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin ng bansang Egipto.
8:15 Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakatatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato.
8:16 Kayo'y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing di ninyo kilala. Pinaranas niya kayo ng hirap para kayo'y subukin, at turuang magpakumbaba; ang lahat ng iyo'y sa ikabubuti rin ninyo.
8:17 Kaya, huwag ninyong isasaloob na ang kayamanan ninyo'y bunga ng sariling lakas at kakayahan.
8:18 Alalahanin ninyong siya ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang managana kayo, at ito'y bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.
8:19 Kapag siya'y tinalikdan ninyo at sumamba kayo sa diyus-diyusan, ngayon pa'y sinasabi kong malilipol kayo balang araw.
8:20 Kung hindi ninyo diringgin ang kanyang tinig, malilipol kayo tulad ng nangyari sa mga bansang ipinalipol sa inyo ni Yahweh.
9:1 ( Itataboy ni Yahweh ang mga Taga-Canaan ) '"Dinggin ninyo, mga Israelita: Ngayong araw na ito, tatawid kayo ng Jordan upang sakupin ang mga bansang malakas kaysa inyo at ang mga lunsod na napaliligiran ng matataas na pader."
9:2 Malalaki at matataas ang mga tagaroon, mga lahi ni Anac. Hindi kaila sa inyo ang kasabihang: 'Walang makalulupig sa angkan ni Anac.'
9:3 Ngunit alamin ninyo na si Yahweh ang nangunguna sa inyo. Siya'y parang apoy na nakatutupok at sila'y pupuksain niya. Kaya, madadaig ninyo sila at maitataboy, tulad ng kanyang pangako.
9:4 '"Kung sila'y maitaboy na ni Yahweh, huwag ninyong isasaloob man lamang na sila'y itinaboy dahil sa kayo'y matuwid. Ang totoo'y itinaboy sila ni Yahweh pagkat sila'y masama."
9:5 Hindi dahil sa kayo'y matuwid kaya ninyo kakamtan ang lupaing yaon. Itinaboy nga sila ni Yahweh dahil sa kanilang kasamaan, at bilang pagtupad pa rin sa pangako niya sa mga ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. ( Naghimagsik ang Israel nang Sila'y nasa Horeb )
9:6 '"Dapat ninyong malamang ibinigay sa inyo ang lupaing ito hindi dahil sa kayo'y mabuti; ang totoo'y lahi kayo ng matitigas ang ulo."
9:7 Huwag ninyong kalilimutan kung bakit nagalit sa inyo si Yahweh nang kayo'y nasa ilang. Mula nang umalis kayo sa Egipto hanggang ngayon, wala na kayong ginawa kundi magreklamo.
9:8 Noong kayo'y nasa Horeb, ginalit ninyo nang labis si Yahweh at talagang pupuksain na niya kayo.
9:9 Nang ako'y umahon sa bundok at ibigay niya sa akin ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng kanyang tipan sa inyo, nanatili ako roon sa loob ng apatnapung araw at gabi. Hindi ako kumain ni uminom.
9:10 Ibinigay niya sa akin ang dalawang tapyas ng batong sinulatan niya ng lahat ng kanyang sinabi sa inyo mula sa naglagablab na apoy nang kayo'y nagkakatipon sa may paanan ng bundok.
9:11 Pagkalipas ng apatnapung araw at gabing pananatili ko sa bundok, ibinigay niya sa akin ang nasabing mga tapyas ng bato.
9:12 '"Sinabi niya sa akin, 'Puntahan mo agad ang bayan mo pagkat sila'y nagpapakasama. Lumihis sila sa daang itinuro ko sa kanila. Gumawa sila ng larawan at iyon ang sinasamba nila.' "
9:13 '"Sinabi pa sa akin ni Yahweh, 'Talagang matigas ang ulo ng mga taong ito."
9:14 Lilipulin ko sila para mapawi na ang alaala nila dito sa lupa at sa iyo ko na pagmumulain ang isang bagong bansa na malaki at makapangyarihan kaysa kanila.'
9:15 '"Bumaba ako mula sa nagliliyab na bundok, dala ang dalawang tapyas ng bato."
9:16 Nang dumating ako sa inyo, nakita ko ang pagkakasalang ginawa ninyo kay Yahweh. Gumawa kayo ng guyang ginto, at lumihis sa daang ipinatutunton niya sa inyo.
9:17 Dahil dito, ipinukol ko sa lupa ang dalawang tapyas ng batong dala ko, at nagkadurug-durog iyon sa harapan ninyo.
9:18 Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh sa loob ng apatnapung araw at gabi. Sa buong panahong yaon, hindi ako tumikim ng pagkain o inumin dahil sa mga kasalanan ninyo na labis na ikinagalit ni Yahweh.
9:19 Natakot ako na baka sa tindi ng galit niya'y puksain kayo. Mabuti na lamang at dininig niya ako.
9:20 Galit na galit din siya kay Aaron, at ibig na rin niyang patayin, kaya idinalangin ko rin siya.
9:21 Pagkatapos, kinuha ko ang guyang ginawa ninyo. Sinunog ko ito at dinurog na parang alabok saka ko ibinuhos sa batis na nagmumula sa bundok.
9:22 '"Muli ninyong ginalit si Yahweh nang kayo'y nasa Tabera, Masa, at Kibrot-hataava."
9:23 Nang kayo'y pinalalakad na niya mula sa Cades-barnea upang sakupin ang lupaing ibinigay niya sa inyo, naghimagsik na naman kayo. Hindi ninyo siya pinaniwalaan ni pinakinggan man.
9:24 Anupat sa simula pa lamang ay lagi ninyo siyang sinusuway.
9:25 '"Nagpatirapa nga ako sa kanyang harapan sa loob ng apatnapung araw at gabi pagkat sinabi nga sa aking kayo'y pupuksain niya."
9:26 Ito ang dalangin ko sa kanya: 'Yahweh, huwag ninyong pupuksain ang bayang iniligtas ninyo at inialis sa Egipto sa pamamagitan ng walang kapantay na kapangyarihan.
9:27 Alalahanin na lamang ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Huwag na ninyong pansinin ang katigasan ng ulo ng mga taong ito ni ang kanilang kasamaan o kasalanan sa inyo.
9:28 Kapag sila'y pinuksa ninyo, sasabihin ng mga taong ipasasakop ninyo sa kanila na ang mga Israelita'y dinala ninyo sa ilang upang puksain; hindi ninyo sila maihatid sa lupaing ipinangako ninyo, kaya napopoot kayo sa kanila.
9:29 Sila'y inyo pagkat kayo ang nag-alis sa kanila sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.'
10:1 ( Ang Ikalawang Pagsulat sa Kautusan )[ (Exo. 34:1-10) ] '"Noon ay sinabi sa akin ni Yahweh, 'Magtapyas ka ng dalawang bato, tulad noong una, at gumawa ka ng kabang yari sa kahoy. Pagkatapos, umakyat ka sa bundok."
10:2 Isusulat ko sa dalawang tapyas ng bato ang nakasulat sa unang dalawang tapyas na binasag mo. Pagkatapos, itatago mo sa kaban.'
10:3 '"Kaya gumawa ako ng kabang yaring akasya, tumapyas ng dalawang bato tulad noong una at ako'y umakyat sa bundok."
10:4 Isinulat nga ni Yahweh ang sampung utos sa dalawang tapyas ng batong dala ko saka ibinigay sa akin. Ang sampung utos na ito ang sinabi niya sa inyo mula sa naglalagablab na apoy samantalang kayo'y nagkakatipon sa paanan ng bundok.
10:5 "At ako'y nagbalik mula sa bundok at inilagay ko sa kaban ang dalawang tapyas ng bato tulad ng utos sa akin ni Yahweh.' ("
10:6 Ang mga Israelita'y naglakbay mula sa Jaacan hanggang Mosera. Doon namatay at inilibing si Aaron. Ang anak niyang si Eleazar ang pumalit sa kanya bilang saserdote.
10:7 Mula roo'y nagtuloy sila sa Gudgoda, at sa Jotbata, isang lugar na may maraming batis.
10:8 Noon pinili ni Yahweh ang mga Levita upang maging tagabuhat ng Kaban ng Tipan, makatulong sa paglilingkod sa kanya, at magpuri sa kanya tulad ng ginagawa nila ngayon.
10:9 Dahil dito, wala silang kaparti sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh. Ang para sa kanila ay si Yahweh, tulad ng pangako niya.)
10:10 '"Tulad noong una, apatnapung araw at gabi akong nanatili sa bundok at dininig naman ako ni Yahweh. Dahil dito, hindi na niya itinuloy ang balak na pagpuksa sa inyo."
10:11 Sinabi niya sa akin na pangunahan kayo sa paglalakbay at pagsakop sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno. ( Ang Nais ni Yahweh )
10:12 '"Bayang Israel, ito ang nais sa inyo ni Yahweh: Magkaroon kayo ng takot sa kanya, lumakad sa kanyang mga daan, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa,"
10:13 at sundin ang kanyang Kautusan at mga tuntunin. Ito naman ay sa ikabubuti rin ninyo.
10:14 Isipin na lang ninyo na ang langit, ang daigdig at lahat ng narito ay kay Yahweh.
10:15 Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna ng maraming bansa.
10:16 Kaya nga, buksan ninyo ang inyong mga puso at alisin ninyo ang katigasan ng inyong mga ulo.
10:17 Pagkat si Yahweh ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot. Pantay-pantay ang tingin niya sa mga tao at hindi napasusuhol.
10:18 Iginagawad niya ang katarungan sa mga ulila at balo; nilulukuban niya ng pagmamahal ang mga taga-ibang bayan at binibigyan ng kanilang pangangailangan.
10:19 Ibigin ninyo ang mga taga-ibang bayan pagkat kayo ma'y naging taga-ibang bayan sa Egipto.
10:20 Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh. Paglingkuran ninyo siya, huwag kayong hihiwalay sa kanya, at ipahayag ninyo ang kanyang pangalan.
10:21 Siya lamang ang dapat ninyong pag-ukulan ng pagpupuri, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-kilabot na mga bagay na inyong nasaksihan.
10:22 Pitumpu lamang ang inyong mga ninuno nang pumunta sila sa Egipto ngunit ngayo'y marami na kayo, sindami ng bituin sa langit.
11:1 ( Ang Kadakilaan ni Yahweh ) '"Kaya nga, ibigin ninyo si Yahweh; sundin ninyong lagi ang kanyang mga tuntunin at Kautusan."
11:2 Dili-dilihin ninyo ang kanyang mga tuntunin upang matuto kayo. Alam ninyo ito pagkat nasaksihan ninyo, di tulad ng inyong mga anak na walang nalalaman tungkol dito. Nakita ninyo ang kanyang kadakilaan at kapangyarihan,
11:3 ang mga kababalaghan, at lahat ng ginawa niya sa Faraon at sa buong Egipto.
11:4 Nasaksihan din ninyo ang ginawa niya sa buong hukbo ng Egipto pati sa kanilang mga sasakyan; nilunod sila ni Yahweh sa Dagat ng mga Tambo nang kayo'y tugisin nila.
11:5 Hindi rin kaila sa inyo ang ginawa niya nang kayo'y nasa ilang hanggang sa lugar na ito.
11:6 Nakita ninyo ang ginawa niya kina Datan at Abiram, mga anak ni Eliab at apo ni Ruben. Pinabuka ni Yahweh ang lupa at ipinalamon sila nang buhay, pati ng kanilang mga kasama at sambahayan, at lahat ng bagay na kaugnay ng kanilang ginawa.
11:7 Ito'y kitang-kita ninyong nangyari. Hindi nga kaila sa inyo ang lahat ng ito. ( Ang mga Pagpapala sa Lupang Pangako )
11:8 '"Kailangang sundin ninyo ang lahat ng utos niya na ipinaaalaala ko sa inyo ngayon para magkaroon kayo ng lakas sa pagsakop sa lupaing tinutungo ninyo."
11:9 Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, at sa kanilang magiging lahi---ang lupaing sagana sa lahat ng pangangailangan.
11:10 Ang lupaing titirhan ninyo ay di tulad ng lupaing iniwan ninyo sa Egipto. Doon, ang hinahasikan ninyo ay kailangang diligin tulad ng hardin.
11:11 Ngunit ang lupaing pupuntahan ninyo ay laging inuulan, maraming burol at malawak ang mga kapatagan.
11:12 Ang lupaing 'yon ay inalagaan ni Yahweh, tinitingnan sa lahat ng sandali.
11:13 '"Kaya nga, sundin ninyo ang utos na sinasabi ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Panginoong Diyos at paglingkuran ng buong puso't kaluluwa."
11:14 Kung magkagayon, pauulanan niya sa kapanahunan sa lupaing iyon, at mananagana kayo sa pagkain, inumin at langis.
11:15 Pananatilihin niyang sariwa ang damo para sa inyong mga hayop upang kayo'y managana sa lahat ng bagay.
11:16 Ngunit mag-iingat lang kayo. Huwag kayong padadaya at huwag tatalikod kay Yahweh. Huwag kayong sasamba ni maglilingkod sa mga diyus-diyusan.
11:17 Kapag tinalikdan ninyo siya, kapopootan niya kayo; sasarhan niya ang pinto ng langit at hindi pauulanin. Kung magkagayon, mamamatay ang inyong mga pananim, at kayo'y malilipol sa lupaing ibinigay niya sa inyo.
11:18 '"Kailangan ngang ang mga utos na ito'y itanim ninyo sa inyong mga puso't isipan. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, at itali sa inyong noo."
11:19 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak: sa loob at labas ng inyong bahay, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon.
11:20 Isulat ninyo ito sa inyong mga pintuan
11:21 upang kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay nang matagal sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
11:22 '"Kapag sinunod ninyong mabuti ang kanyang mga utos, inibig siya nang tapat, tinalunton ang kanyang mga landas, at nanatili kayo sa kanya,"
11:23 palalayasin niya ang mga tao sa lugar na titirhan ninyo. Anupat maaagawan ninyo ng lupain ang mga bansang malalaki at malalakas kaysa inyo.
11:24 Kung magkagayon, ibibigay niya sa inyo ang lahat ng lupang matapakan ninyo; masasakop ninyo mula sa ilang hanggang Libano, at mula sa Ilog Eufrates hanggang dagat Mediteraneo sa gawing kanluran.
11:25 Walang makagagapi sa inyo. Tulad ng pangako niya, sisidlan ng matinding takot ang lahat sa lupaing pupuntahan ninyo.
11:26 '"Sa araw na ito, itatakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa."
11:27 Pagpapalain niya kayo kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos,
11:28 ngunit susumpain niya kayo kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos.
11:29 Pagdating ninyo sa lupaing ipasasakop niya sa inyo, ang pagpapala ay bibigkasin ninyo sa bundok ng Gerizim at ang sumpa'y sa bundok ng Ebal.
11:30 Ang mga ito'y nasa ibayo ng Jordan, sa tapat ng Gilgal, sa tabi ng Encinar ng More, sa lansangang pakanluran, sa lupain ng mga Cananeo sa Araba.
11:31 Malapit na kayong tumawid ng Jordan upang sakupin ang lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh. Pagdating ninyo roon,
11:32 sundin ninyong mabuti ang Kautusan at ang mga tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo.
12:1 ( Ang Tanging Dako ng Pagsamba ) '"Ito nga ang mga tuntunin na kailangan ninyong sundin sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh upang ariin ninyo habang panahon."
12:2 Gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagdarausan nila ng pagsamba sa kanilang mga diyus-diyusan: sa itaas ng mga bundok, sa mga burol, at sa lilim ng mga punongkahoy.
12:3 Gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang mga sagradong haligi, sunugin ang kanilang mga Asera, durugin ang kanilang mga diyus-diyusan, at alisin sa lugar na yaon ang anumang bakas nila.
12:4 '"At sa pagsamba ninyo kay Yahweh, huwag kayong tutulad sa kanila na sumasamba sa kanilang mga diyus-diyusan kahit saan maibigan."
12:5 Sa halip, hanapin ninyo ang lugar na pipiliin niya sa lupain ng isa sa inyong mga lipi; doon lamang niya ipapahayag ang kanyang pangalan at iyon ang ituturing niyang tahanan.
12:6 Doon ninyo siya sasambahin at doon ihahain ang inyong mga handog na susunugin at iba pang handog tulad ng ikapu, handog mula sa inyong ani, pangakong handog, kusang handog, ang mga unang bunga ng pananim, at ang panganay na anak ng inyong mga hayop.
12:7 Doon din kayo magsasalu-salo sa harapan ni Yahweh bilang pasasalamat sa mga pagpapala niya sa inyo.
12:8 '"Hindi na ninyo magagawa roon ang ginagawa ninyo rito ngayon. Nagagawa ninyo ngayon ang anumang maibigan ninyo,"
12:9 sapagkat wala pa kayo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh.
12:10 Ngunit pagkatawid ninyo ng Jordan, kapag kayo'y nasa lupaing inyong pupuntahan, nalipol na ninyo ang inyong mga kaaway, at panatag na ang inyong pamumuhay, iba na ang inyong gagawin.
12:11 Ihain ninyo sa lugar na pipiliin ni Yahweh ang inyong mga handog na susunugin at iba pang handog, tulad ng ikapu, handog mula sa inyong mga ani, at mga pangakong handog.
12:12 Magdiriwang kayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang inyong mga anak at mga alipin. Isama rin ninyo ang mga Levita, yamang sila'y hindi ninyo kasama sa partihan.
12:13 Ngunit huwag na huwag kayong magsusunog ng handog kahit saan ninyo maibigan.
12:14 Doon lamang ninyo ihahain ang mga handog na susunugin at gagawin ang lahat ng iniuutos ko sa inyo sa lugar na pipiliin ni Yahweh mula sa lupain ng isa sa inyong mga lipi.
12:15 '"Kahit saan ay maaari kayong magpatay ng hayop at maaaring kumain ng karne nito hanggang gusto ninyo, paris ng pagkain ng usa. Maaaring kumain nito pati ang mga itinuturing na marumi."
12:16 Ngunit huwag na huwag ninyong kakanin ang dugo; ito ay kailangang patuluin sa lupa.
12:17 Ang mga ito ang hindi ninyo maaaring kanin sa inyong mga lugar: ang ikapu ng inyong mga ani, alak at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang pangakong handog, kusang handog, at iba pang handog.
12:18 Ang mga ito ay maaari lamang ninyong kanin sa harapan ni Yahweh, sa lugar na pipiliin niya. Maaari ninyong makasalo ang inyong mga anak, mga alipin at ang mga Levita bilang pagdiriwang dahil sa pagpapala sa inyo ni Yahweh.
12:19 Huwag ninyong pababayaan ang mga Levita.
12:20 '"Kapag napalawak na ni Yahweh ang lupaing nasasakop ninyo at ibig na ninyong kumain ng karne, maaari kayong kumain hanggang gusto ninyo."
12:21 Kung kayo'y malayo sa lugar na pinili niya, maaari ninyong patayin ang isa sa mga hayop ninyo,
12:22 at kainin tulad ng pagkain ng usa. Lahat ay maaari nang kumain, maging ang itinuturing na malinis o marumi.
12:23 Ngunit huwag ninyong kakanin pati dugo pagkat naroon ang buhay; ang buhay ay di dapat kanin.
12:24 Huwag ninyong kakanin ang dugo, sa halip ay patuluin sa lupa.
12:25 Huwag ninyong kakanin iyon; mapapanuto kayo at ang inyong mga anak kung gagawin ninyo ang naaayon sa kalooban ni Yahweh.
12:26 Ang lahat ng handog na dapat ninyong ibigay at ang inyong pangakong handog ay dadalhin ninyo sa lugar na pipiliin niya.
12:27 Ang inyong mga handog na susunugin, laman at dugo, ay ihahain ninyo sa altar niya. Ibubuhos ninyo sa altar ang dugo, at ang laman ay maaari ninyong kanin.
12:28 Sundin ninyong mabuti ang mga tagubilin ko sa inyo at mapapanuto kayo habang panahon. ( Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyusan )
12:29 '"Kapag napalayas na ni Yahweh ang mga tao sa lupaing iyon at kayo na ang nakatira roon,"
12:30 huwag ninyong tutularan ang kasuklam-suklam nilang gawain. Ni huwag ninyong ipagtatanong ang ginagawa nilang pagsamba sa kanilang mga diyus-diyusan.
12:31 Huwag ninyong gagawin kay Yahweh ang karumal-dumal na gawain nila sa pagsamba sa kanilang diyus-diyusan: ang pagsusunog ng kanilang anak bilang handog.
12:32 '"Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniutos ko sa inyo, walang labis walang kulang."
13:1 '"Kung sa inyo'y may lumitaw na propeta o nagbibigay ng kahulugan sa panaginip,"
13:2 at pagkatapos magpakita ng kababalaghan at hikayatin kayong maglingkod sa mga diyus-diyusan,
13:3 huwag kayong makikinig sa kanila kahit magkatotoo ang kanilang hula. Yaon ay pagsubok lamang sa inyo ni Yahweh kung talagang iniibig ninyo siya nang buong puso't kaluluwa.
13:4 Siya lamang ang inyong sundin. Magkaroon kayo ng takot sa kanya at sundin ninyo ang kanyang mga utos. Paglingkuran ninyo siya, at manatili kayong tapat sa kanya.
13:5 At ang propetang yaon o ang nagbibigay ng kahulugan sa panaginip ay dapat patayin pagkat inuudyukan niya ang mga tao upang maghimagsik kay Yahweh na siyang nagligtas sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto; hinihikayat nila kayong iwan ang daang itinuro niya sa inyo. Iyan ay masama at dapat ninyong iwasan.
13:6 '"Kung sinuman ay lalapitan ng kanyang kapatid, anak, asawa, o matalik na kaibigan upang lihim na hikayating sumamba at maglingkod sa mga diyus-diyusan"
13:7 sa lupaing pupuntahan ninyo, maging malapit o malayo,
13:8 huwag ninyo siyang pakikinggan. Huwag ninyo siyang kaaawaan, pagpapasensiyahan, o pagtatakpan.
13:9 Sa halip, patayin ninyo siya. Ang nilapitan ang unang magbubuhat ng kamay sa kanya, pagkatapos ay ang mga tao.
13:10 Batuhin ninyo siya hanggang mamatay pagkat hinikayat niya kayong tumalikod kay Yahweh na humango sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto.
13:11 Pag ito'y nabalita sa buong Israel, walang mangangahas gumawa ng gayon, bagkus ay magkakaroon ng takot ang lahat.
13:12 '"Kapag nabalitaan ninyo na sa alinman sa mga lunsod na ibinigay sa inyo ni Yahweh"
13:13 ay may manlilinlang, at nanghihikayat sa mga tagaroon upang sumamba at maglingkod sa mga diyus-diyusan,
13:14 siyasatin ninyo itong mabuti. Kapag napatunayan ninyong totoo,
13:15 patayin ninyong lahat ang tagaroon, pati mga hayop nila.
13:16 Ang lahat ng masamsam ninyo roon ay tipunin ninyo sa liwasan at sunugin pati ang buong lunsod upang maging handog kay Yahweh. Ang lugar na yaon ay hahayaan ninyong gayon; huwag itatayo uli.
13:17 Huwag kayong kukuha ng anumang ipinagbabawal sa inyo para hindi siya mapoot sa inyo. Mahahabag siya sa inyo, at kayo'y kanyang pararamihin, tulad ng pangako niya sa inyong mga ninuno,
13:18 kung didinggin ninyo ang kanyang tinig, susundin ang kanyang mga utos, at patuloy na gagawa ayon sa kanyang kalooban.
14:1 ( Maling Kaugalian ng Pagdadalamhati sa Patay ) '"Kayo ay mga anak ni Yahweh. Huwag ninyong susugatan ang inyong sarili ni aahitan ang inyong noo dahil sa isang mahal sa buhay na namatay."
14:2 Kayo ay lahing nakatalaga sa kanya, pinili mula sa mga bansa sa daigdig para maging kanya. ( Ang Malinis at ang Karumal-dumal na mga Hayop )[ (Lev. 11:1-47) ]
14:3 '"Huwag kayong kakain ng anumang bagay na karumal-dumal."
14:4 Ito ang mga hayop na maaari ninyong kanin: baka, tupa, kambing,
14:5 usa, gacela, kambing bundok, antilope, at tupang bundok.
14:6 Maaari rin ninyong kanin ang lahat ng hayop na biyak ang paa at ngumunguya pagkain.
14:7 Ngunit huwag ninyong kakanin ang mga hayop na biyak ang kuko ngunit di ngumunguya pagkain. Huwag din ninyong kakanin yaong ngumunguya ngunit di biyak ang kuko, tulad ng kamelyo, kuneho, liyebre at daman. Ang mga ito ay karumal-dumal.
14:8 Huwag din ninyong kakanin ang baboy ni sasalingin ang kanilang karne pagkat biyak man ang paa, ngunit hindi naman ngumunguya pagkain.
14:9 '"Sa lahat ng naninirahan sa tubig, ito ang makakain ninyo: lahat ng may palikpik at kaliskis."
14:10 Huwag nga ninyong kakanin ang mga walang kaliskis at palikpik.
14:11 '"Maaari ninyong kanin ang malilinis na ibon."
14:12 Ito ang mga ibon na huwag ninyong kakanin: agila, buwitre, agilang dagat;
14:13 azor, halcon, at lahat ng uri ng milano;
14:14 lahat ng uri ng uwak;
14:15 ang avestrus, kuwago, gaviota, at lahat ng uri ng lawin;
14:16 lahat ng uri ng kuwago, cisnes,
14:17 pelicano, buwitre, somormujo;
14:18 lahat ng uri ng tagak, abudilla, at kabag-kabag.
14:19 '"Huwag din ninyong kakanin ang lahat ng kulisap na may pakpak."
14:20 Maaari ninyong kanin ang lahat ng ibon liban sa mga nabanggit.
14:21 '"Huwag ninyong kakanin ang anumang hayop na namatay nang kusa pagkat kayo'y nakatalaga kay Yahweh ninyong Diyos. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga nakikipamayan sa inyo pagkat hindi ito bawal sa kanila. 'Huwag ninyong iluluto ang bisirong kambing na hindi pa awat. ( Ang Tuntunin Tungkol sa Ikapu )"
14:22 '"Kukunan ninyo ng ikapu ang inyong ani taun-taon."
14:23 Ang ikapu ng inyong ani, alak, langis, at ang panganay ng inyong mga hayop ay doon ninyo kakanin sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang matuto kayong matakot sa kanya.
14:24 Kung malayo ang lugar na pipiliin niya at magiging mahirap dalhin doon ang ikapu ng inyong ani,
14:25 ipagbili ninyo iyon, at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili niya.
14:26 Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak, o inuming nais ninyo at siya ninyong pagsalu-saluhang mag-anak sa harapan ni Yahweh.
14:27 Ngunit huwag ninyong kalilimutang bigyan ang mga Levita sa inyong lugar, yamang sila'y walang kaparti sa lupaing minana ninyo.
14:28 '"Tipunin ninyo ang ikapu ng inyong ani tuwing ika-3 taon."
14:29 Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparti sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga taga-ibang bayang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Sa gayon, pagpapalain kayo ni Yahweh.
15:1 ( Ang Taon ng Pagpapatawad ) '"Ang bawat ika-7 taon ay gagawin ninyong taon ng pagpapatawad sa mga may utang sa inyo."
15:2 Ganito ang inyong gagawin: huwag na ninyong sisingilin ang kababayan ninyong may utang sa inyo, pagkat ito'y taon ng pagpapatawad na itinakda ni Yahweh.
15:3 Ang mga dayuhan lamang ang sisingilin ninyo, huwag ang inyong mga kababayan.
15:4 Ang totoo, walang maghihirap sa inyo sa lupaing ibinigay niya sa inyo pagkat pagpapalain niya kayo
15:5 kung didinggin ninyo ang kanyang tinig at susundin ang kanyang mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon.
15:6 Nangako siyang kayo'y pagpapalain kaya hindi kayo mangungutang kaninuman, bagkus ay magpapautang kayo sa maraming bansa. Hindi kayo masasakop ng sinuman, bagkus ay sasakupin ninyo ang maraming bayan.
15:7 '"Pagdating ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kapatid ninyong nangangailangan."
15:8 Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.
15:9 Ngunit huwag ninyong tatanggihan ang inyong kapatid tuwing nalalapit ang ika-7 taon, ang taon ng pagpapatawad. Kapag sila'y tinanggihan ninyo at dumaing sila sa akin, ito'y ibibilang na kasalanan ninyo.
15:10 Pahiramin ninyo sila nang maluwag sa inyong kalooban. Sa gayon, pagpapalain niya kayo.
15:11 Kailanma'y hindi kayo mawawalan ng mga kapatid na mangangailangan, kaya sinasabi ko sa inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila. ( Ang mga Tuntunin Tungkol sa mga Alipin )[ (Exo. 21:1-11) ]
15:12 '"Kapag nakabili kayo ng kapwa ninyo Hebreo bilang alipin, maging babae o lalaki, anim na taon siyang maglilingkod sa inyo. Pagdating ng ika-7 taon, palalayain na ninyo siya"
15:13 ngunit huwag ninyo siyang paaalisin nang walang dala.
15:14 Sa halip, bibigyan ninyo siya ng tupa, trigo, inumin at langis, mula sa mga ipinagkaloob sa inyo ni Yahweh.
15:15 Alalahanin ninyong naging alipin din kayo sa Egipto at mula roo'y pinalaya kayo ni Yahweh, kaya iniuutos ko ito ngayon sa inyo.
15:16 Ngunit kung magustuhan na niyang manatili dahil sa pagmamahal niya sa inyo at sa inyong sambahayan,
15:17 dalhin ninyo siya sa may pintuan at butasan ang kanyang tainga. Sa gayon, siya'y magiging alipin ninyo habang buhay. Ganito rin ang gagawin ninyo sa mga aliping babae.
15:18 Hindi kayo dapat manghinayang sa ibibigay ninyo sa kanya kung aalis siya pagkat ang ibibigay ninyo'y katumbas lamang ng upa sa isang manggagawang nagtrabaho nang tatlong taon; kayo ay pagpapalain ni Yahweh. ( Ang Pagbubukod sa mga Panganay )
15:19 '"Lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop ay ibubukod ninyo para kay Yahweh; huwag ninyong ipagtatrabaho ni gugupitan."
15:20 Ito ay kakanin ninyo sa harapan ni Yahweh, sa lugar na pipiliin niya.
15:21 Ngunit kung may kapansanan ang panganay na hayop, bulag o pilay, huwag ninyo itong ihahandog kay Yahweh.
15:22 Ito'y maaaring kanin sa bahay, tulad ng pagkain ng usa. Pati ang itinuturing na marumi ay maaaring kumain nito.
15:23 Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; sa halip ay bayaang tumulo sa lupa.
16:1 ( Ang Tatlong Kapistahan )[ (Exo. 12:1-20) ] '"Ipagdiwang ninyo ang buwan ng Abib at ganapin ang inyong Paskuwa para kay Yahweh, pagkat buwan ng Abib nang ialis niya kayo sa Egipto."
16:2 Mag-aalay kayo ng handog na pampaskuwa sa lugar na pipiliin niya.
16:3 Sa pagkain ninyo ng handog na ito, huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may lebadura; sa loob ng pitong araw, ang kakanin ninyo ay tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagtitiis. Gagawin ninyo ito bilang pag-alaala sa madalian ninyong pag-alis sa Egipto noon.
16:4 Sa loob ng pitong araw na yaon, ni huwag magkakaroon ng lebadura sa nasasakupan ng inyong lupain. Huwag din ninyong pababayaang umagahin ang kahit kapiraso ng inihandog ninyo sa gabi.
16:5 Ang paghahandog ay huwag ninyong gagawin sa loob ng inyu-inyong bayan,
16:6 kundi sa lugar lamang na pipiliin ni Yahweh. Ito'y ihahain ninyo paglubog ng araw, sa araw ng pag-alis ninyo sa Egipto.
16:7 Doon ninyo ito iluluto at kakanin sa lugar na pipiliin niya. Kinaumagahan, babalik na kayo sa inyu-inyong tolda.
16:8 Anim na araw na hindi kayo kakain ng tinapay na may lebadura. Sa ika-7 araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong; sinuma'y huwag magtatrabaho sa araw na yaon.
16:9 '"Pagkalipas ng pitong linggo mula sa unang araw ng paggapas,"
16:10 ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Linggo. Sa araw na yaon, dalhin ninyo kay Yahweh ang inyong kusang handog mula sa inyong ani, ayon sa biyaya niya sa inyo.
16:11 Kasama ninyo sa pagdiriwang ang inyong sambahayan, mga alipin, ang mga Levitang kasama ninyo, ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga babaing balo; ito'y gaganapin ninyo sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
16:12 Huwag ninyong kalilimutang kayo'y naging alipin din sa Egipto, at sundin ninyong mabuti ang kanyang mga tuntunin.
16:13 '"Pitong araw na ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Kubol, matapos iligpit sa bangan ang inyong inani at mailagay sa imbakan ang katas ng ubas."
16:14 Isasama ninyo sa pagdiriwang na ito ang inyong mga anak, mga alipin, ang mga Levita, taga-ibang bayan, mga ulila, at mga babaing balo.
16:15 Pitong araw kayong magpipista sa lugar na pipiliin ni Yahweh; pagpapalain niya ang inyong mga pananim at lahat ng inyong gagawin para kayo'y makapagdiwang na lahat.
16:16 '"Ang inyong kalalakihan ay tatlong beses isang taon na haharap kay Yahweh: tuwing Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, Pista ng mga Linggo, at Pista ng mga Kubol. Magdadala sila ng handog tuwing haharap,"
16:17 ayon sa kanilang makakaya, ayon sa biyayang tinanggap ninyo sa kanya. ( Ang Pagsasakatuparan ng Katarungan )
16:18 '"Humirang kayo ng mga hukom at ng iba pang pamunuan para sa inyu-inyong bayan, ayon sa kanya-kanyang angkan. Sila ang mamamahala sa inyo at maggagawad ng katarungan."
16:19 Huwag ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol pagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.
16:20 Ang katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh.
16:21 '"Huwag kayong magtatayo ng haligi bilang Ashera sa tabi ng altar na gagawin ninyo para kay Yahweh."
16:22 At huwag kayong gagawa ng rebulto pagkat yaon ay kasuklam-suklam sa kanya.
17:1 '"Huwag kayong maghahandog ng baka o tupang may kapintasan o kapansanan pagkat iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh. "
17:2 '"Sinuman sa inyo ang gumawa ng di marapat sa kalooban ni Yahweh o sumira sa kanyang tipan,"
17:3 maglingkod at sumamba sa mga diyus-diyusan, sa araw, sa buwan o mga bituin
17:4 ay siyasatin ninyong mabuti sa sandaling may magsabi sa inyo o kahit mabalitaan lamang ninyo. Sinumang mapatotohanang
17:5 gumawa ng alinman sa mga ito ay dadalhin sa pintuang bayan, at babatuhin hanggang mamatay.
17:6 Ang hatol na kamatayan ay igagawad kung may dalawa o tatlong saksi na nagpapatotoo; hindi sapat ang patotoo ng isang saksi.
17:7 Ang mga saksi ang unang babato sa nagkasala, saka ang bayan. Aalisin ninyo sa inyong kapulungan ang mga kasamaang tulad nito.
17:8 '"Kung sa pook ninyo ay may mabigat na usapin at hindi ninyo kayang lutasin, tulad ng patayan, pang-aapi o pananakit, dalhin ninyo sa lugar na pinili ni Yahweh."
17:9 Iharap ninyo ito sa mga Levita o hukom na nanunungkulan sa panahong yaon, at sila ang hahatol.
17:10 Tanggapin ninyo ang anumang ihatol nila sa inyo at sunding lahat.
17:11 Kung ano ang sabihin nila, siya ninyong gawin; huwag kayong lalabag sa anumang itatagubilin nila sa inyo.
17:12 Papatayin ang sinumang hindi susunod sa turo ng saserdote o sa hatol ng hukom. Huwag ninyong pahihintulutan ang gayong kasamaan sa inyong kapulungan.
17:13 Kapag ito'y nabalitaan ng lahat, matatakot na silang gumawa ng gayon. ( Ang Paglalagay ng Hari )
17:14 '"Kapag kayo'y naroon na at naninirahan nang maayos sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, maaaring magustuhan ninyong magkaroon ng hari, tulad ng mga bansa sa paligid ninyo."
17:15 Maaari kayong maglagay ng hari, ngunit ang ilalagay ninyo ay yaon lamang kalahi ninyo at pinili ni Yahweh.
17:16 Ang ilalagay ninyong hari ay hindi maaaring magkaroon ng maraming kabayo; hindi rin niya maaaring iutos sa iba na magbalik sa Egipto para ikuha siya ng maraming kabayo, pagkat ipinagbabawal niya ang magbalik pa roon.
17:17 Hindi siya dapat mag-asawa ng marami at baka siya makalimot kay Yahweh; ni hindi siya dapat magpayaman sa panahon ng panunungkulan.
17:18 Kapag siya'y nakaluklok na sa trono, gagawa siya ng isang kopya ng mga kautusang ito na nasa pag-iingat ng mga saserdote.
17:19 Ito ay para sa kanya at babasahin niya araw-araw upang magkaroon siya ng takot kay Yahweh.
17:20 Sa gayon, hindi siya magmamalaki sa kanyang mga kababayan, at hindi lilihis sa mga tuntuning ito. Kung magkagayon, siya at ang kanyang mga anak ay mamamahala nang matagal sa Israel.
18:1 ( Ang Kaparti ng mga Saserdote ) '"Ang mga saserdote, at ang lipi ni Levi ay walang kaparti sa lupain ng Israel. Ang mauuwi sa kanila ay ang mga handog kay Yahweh."
18:2 Wala nga silang kaparti sa lupain. Ang mauuwi sa kanila ay ang lahat ng nauukol kay Yahweh, tulad ng pangako niya.
18:3 Ang mga ito ang mauuwi sa mga saserdote mula sa handog kay Yahweh, maging baka o tupa: ang mga paypay, ang mga pisngi at ang labot;
18:4 ang unang ani ng mga pananim, unang tulo ng alak at langis, at ang unang pinagupitan ng inyong mga tupa.
18:5 Sa mga saserdote mapupunta ito pagkat sila ang pinili ni Yahweh upang maglingkod sa kanya habang panahon.
18:6 '"Sakaling may Levita mula sa alinmang bayan ng lupain na kusang magpunta sa dakong pinili ni Yahweh,"
18:7 maaari siyang maglingkod doon na kasama ng kapwa niya Levita.
18:8 Siya ay bibigyan doon ng kanyang kaparting kasindami ng ibibigay sa mga Levita na dating naglilingkod doon, bukod sa kaparti niya mula sa mana ng kanyang ama. ( Babala Laban sa Pagsunod sa Kaugalian ng mga Pagano )
18:9 '"Kapag kayo'y naroon na sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, huwag kayong makikiisa sa kasuklam-suklam na gawain ng mga tao roon."
18:10 Sinuman sa inyo'y huwag magsusunog ng kanyang anak bilang handog. Huwag maging manghuhula, huwag gagawin ang ginagawa ng mga mananawas,
18:11 ng mga mangkukulam, at ng mga sumasangguni sa mga espiritu ng mga patay.
18:12 Sinumang gumawa ng gayon ay kasusuklaman ni Yahweh. Iyan ang dahilan kaya niya itataboy ang mga nakatira sa lupaing pupuntahan ninyo.
18:13 Kailangang magpakatapat kayo sa kanya.
18:14 Huwag nga ninyong tutularan ang gawain ng mga tagaroon. ( Ang Diyos ay Magpapadala ng mga Propeta )
18:15 '"Mula sa inyo, pipili si Yahweh ng propetang tulad ko, siya ang inyong pakikinggan."
18:16 Ito'y katugunan sa hiling ninyo kay Yahweh nang kayo'y nagkakatipon sa Horeb. Ang sabi ninyo, 'Huwag mo nang iparinig uli sa amin ang tinig ni Yahweh ni ipakita pa ang kakila-kilabot na apoy na ito pagkat tiyak na mamamatay kami.'
18:17 Sinabi naman niya sa akin, 'Tama ang sabi nila,
18:18 kaya pipili ako ng propetang tulad mo. Sa kanya ko ipasasabi ang ibig kong sabihin sa kanila.
18:19 Sinumang hindi makinig sa kanya ay mananagot sa akin.
18:20 Ngunit tiyak na mamamatay ang propetang mangangahas magsalita sa pangalan ko nang hindi ko pinahihintulutan o magsalita sa pangalan ng alinmang diyus-diyusan.'
18:21 '"Upang matiyak ninyo kung ang sinabi ng propeta ay galing kay Yahweh o hindi,"
18:22 ito ang palatandaan: kapag hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi niya, yaon ay hindi mula kay Yahweh; sarili niyang katha iyon. Huwag ninyo siyang papansinin.
19:1 ( Ang mga Taguang Lunsod )[ (Bil. 35:9-28; Jos. 20:1-9) ] '"Kapag nalipol na ni Yahweh ang mga tagaroon sa lupaing ibinigay niya sa inyo, at kayo na ang nakatira roon,"
19:2 magbukod kayo ng tatlong lunsod.
19:3 Igagawa ninyo iyon ng mga daan. Hatiin ninyo sa tatlo ang buong lupaing ibibigay niya sa inyo. Sa bawat bahagi ay maglagay kayo ng taguang lunsod na siyang tatakbuhan ng sinumang makamatay nang hindi sinasadya.
19:4 '"Ito ang tuntunin ukol sa sinumang makamatay nang di bunga ng away o hindi sinasadya."
19:5 Halimbawa: nagpuputol ng kahoy sa gubat, tumapon ang ulo ng kanyang palakol, at tinamaan ang kasama niya. Kung namatay ang tinamaan, ang nakamatay ay maaaring magtago sa isa sa mga lunsod na ito.
19:6 Kung hindi siya makapagtatago agad, baka siya ay mapatay ng kamag-anak ng namatay bilang paghihiganti dahil sa bugso ng damdamin. Ang nakamatay sa ganitong paraan ay di dapat patayin pagkat di naman bunga ng alitan at hindi rin sinasadya ang pagpatay.
19:7 Iyan ang dahilan kaya ko kayo pinagbubukod ng tatlong lunsod.
19:8 Kapag malaki na ang nasakop ninyong lupain sa dakong ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno,
19:9 maaari pa kayong magbukod ng tatlong lunsod kung susundin ninyong mabuti ang kanyang Kautusan, at iibigin siya nang tapat.
19:10 Sa gayon, maiiwasan ang pagbubo ng dugo ng mga taong walang kasalanan. Ang kamatayan ng walang sala ay pananagutan ninyo kay Yahweh.
19:11 '"Kung ang pagpatay ay binalak o bunga ng alitan at ang nakamatay ay magtago sa isa sa mga lunsod na ito,"
19:12 siya ay ipadarakip ng mga matatanda ng kanyang bayan at ibibigay sa pinakamalapit na kamag-anak ng napatay upang patayin din.
19:13 Huwag ninyo siyang kaaawaan. Kailangang alisin sa Israel ang mamamatay-taong tulad nito. Sa gayon, mapapanuto kayo.
19:14 '"Huwag ninyong babaguhin ang mga hangganang matagal nang nakatayo sa lupaing ipasasakop sa inyo ni Yahweh. ( Mga Tuntunin Tungkol sa Pagsaksi )"
19:15 '"Huwag ninyong pahahalagahan ang patotoo ng isang saksi laban sa isang tao; ang patotoo lamang ng dalawa o tatlong saksi ang inyong pahahalagahan."
19:16 Kapag ang isang tao'y nagbintang nang hindi totoo sa kanyang kapwa dahil lamang sa masamang hangad,
19:17 silang dalawa'y pupunta sa lugar na pinili ni Yahweh at haharap sa mga saserdote at sa mga hukom na nanunungkulan.
19:18 Sisiyasatin silang mabuti ng mga hukom at kapag napatunayang kabulaanan ang bintang,
19:19 ang parusang hinahangad niya sa kanyang pinagbintangan ay sa kanya igagawad. Ang ganyang kasamaan ay alisin ninyo sa inyong kapulungan.
19:20 Kapag ito'y nabalitaan ng lahat, matatakot silang gumawa ng gayon.
19:21 Huwag kayong maaawa. Kung ano ang inutang, yaon din ang kabayaran; buhay sa buhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, at paa sa paa.
20:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Pakikidigma ) '"Kung kayo'y makikipagdigma, huwag kayong matatakot kahit na mas malaki ang hukbong kalaban ninyo at mas marami ang kanilang kabayo at karwahe, pagkat kasama ninyo si Yahweh, ang Diyos na nag-alis sa inyo sa Egipto."
20:2 Kapag nasa larangan na kayo, ang saserdote'y tatayo sa unahan at sasabihin niya
20:3 ang ganito: 'Makinig ka, Israel! Sa araw na ito ay makikipagdigma ka. Lakasan mo ang iyong loob, huwag kang matatakot
20:4 pagkat kasama mo si Yahweh sa pakikibaka; ikaw ay magtatagumpay.'
20:5 Ganito naman ang sasabihin ng mga punong kawal: 'Sinuman ang may bagong bahay at hindi pa nakalilipat doon ay maaari nang umuwi; baka siya'y mamatay sa labanan at iba pa ang tumira sa bahay niya.
20:6 Sinuman ang may bagong ubasan at hindi pa nakatitikim ng bunga niyon ay maaari nang umuwi; baka mapatay siya sa labanan at iba ang makinabang sa kanyang ubasan.
20:7 Sinuman sa inyo ang nakipagkasundong pakasal ngunit hindi pa nagsasama ay maaari nang umuwi; baka mapatay siya sa digmaang ito at ang mapapangasawa niya ay mapunta sa iba.
20:8 Sinuman sa inyo ang natatakot o pinanghihinaan ng loob ay maaari nang umuwi at baka magaya pa ang iba.'
20:9 Matapos itong sabihin ng mga punong kawal, itatalaga ang mga mangunguna sa hukbo.
20:10 '"Bago ninyo salakayin ang isang lunsod, alukin muna ninyo sila ng pakikipagkasundo."
20:11 Kapag sila'y pumayag, magiging alipin ninyo sila.
20:12 Kung ayaw nilang makipagkasundo at sa halip ay lumaban, sakupin ninyo sila.
20:13 Kapag sila'y nalupig na ninyo sa tulong ni Yahweh, patayin ninyo ang lahat ng lalaki roon.
20:14 Bihagin ninyo ang mga babae at ang mga bata, at samsamin ang mga hayop at lahat ng maaari ninyong makuha. Yaon ay para sa inyo. Maaari ninyong kunin pagkat ipinagkaloob sa inyo ni Yahweh.
20:15 Ganyan ang gagawin ninyo sa mga lunsod na malayo sa inyo.
20:16 Ngunit huwag ninyong gagawin ito sa mga lunsod sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh. Huwag kayong magtitira ng anumang may buhay.
20:17 Lipulin ninyo ang mga Heteo, Amorreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, tulad ng utos sa inyo ni Yahweh.
20:18 Kailangang gawin ninyo ito para hindi nila kayo maakit sa kasuklam-suklam nilang pagsamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Sa gayo'y makaiiwas kayo sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban ni Yahweh.
20:19 '"Kapag nagtagal ang pagkubkob ninyo sa isang lunsod, huwag ninyong papatayin ang mga punongkahoy doon ngunit maaari ninyong kanin ang mga bunga. Ang mga punongkahoy ay hindi dapat lipuling kasama ng mga tao."
20:20 Ang mga puno na hindi makakain ang bunga ang siya ninyong puputulin kung kailangan ninyo sa pagkubkob.
21:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Di-kilalang Mamamatay-tao ) '"Halimbawang naroon na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh. Pag may nakita kayong bangkay sa kaparangan at hindi malaman kung sino ang pumatay,"
21:2 ipagbigay-alam ninyo iyon sa matatanda at mga hukom. Susukatin nila ang layo ng mga lunsod sa paligid.
21:3 Pagkatapos, ang matatanda ng pinakamalapit na lunsod ay kukuha ng isang dumalagang baka na hindi pa naisisingkaw.
21:4 Dadalhin nila ito sa may agos ng tubig, sa isang lugar na hindi pa nabubungkal ni natatamnan. Pagdating doon, babaliin ang leeg ng baka.
21:5 Pagkatapos, lalapit ang mga saserdoteng Levita pagkat sila ang pinili ni Yahweh upang maglingkod sa kanya at magpuri sa kanyang pangalan. Sila ang magpapasya sa mga usapin.
21:6 Ang matatanda ng lunsod na malapit sa pinangyarihan ng krimen ay lalagay sa tabi ng baka upang maghugas ng kamay sa tapat nito.
21:7 Sasabihin nila: 'Hindi kami ang pumatay. Hindi rin namin alam kung sino ang gumawa nito.
21:8 Tanggapin mo, Yahweh, ang hain ng bayang Israel na iyong iniligtas. Huwag mong ibilang na ito'y kasalanan namin. Huwag mo kaming panagutin sa pagkamatay ng taong ito.'
21:9 Ang Israel ay hindi mananagot sa mga ganitong pangyayari kung gagawin ninyo ang nararapat sa kanyang kalooban. ( Mga Tuntunin Tungkol sa mga Bihag na Babae )
21:10 '"Kung sa pakikipagdigma ninyo'y pagtagumpayin kayo ni Yahweh"
21:11 at ang sinuman sa inyo ay mabighani ng isa sa inyong mga bihag na babae, anupat magustuhan siyang maging asawa,
21:12 maaari itong iuwi. Pagdating ng bahay, ipaahit ang kanyang buhok, ipaputol ang mga kuko,
21:13 at pagbibihisin. Mananatili siya sa tahanan noong lalaki at babayaang ipagluksa ang kanyang mga magulang sa loob ng isang buwan. Pagkaraan, maaari na siyang sipingan.
21:14 Kung ang lalaki'y hindi masiyahan sa kanya, palalayain siya. Hindi siya maaaring ipagbili ni ituring na alipin pagkat nadungisan na ang kanyang puri. ( Tuntunin Tungkol sa Karapatan ng Panganay )
21:15 '"Kung ang isang tao ay may dalawang asawa, anupat mahal yaong isa kaysa isa, ngunit kapwa may anak at ang panganay niyang anak ay sa hindi niya gaanong mahal,"
21:16 huwag aalisin sa kanya ang karapatan bilang panganay upang ilipat sa anak ng asawa na kanyang minamahal.
21:17 Ang kikilalaning panganay ay ang una niyang supling at dito ibibigay ang dalawang bahagi ng kanyang ari-arian, kahit siya anak ng hindi gaanong mahal. ( Tuntunin Tungkol sa Anak na Matigas ang Ulo )
21:18 '"Kung ang isang anak ay matigas ang ulo, at ayaw makinig sa payo ng mga magulang,"
21:19 siya ay dadalhin ng kanyang mga magulang sa pintuang-bayan at ihaharap sa matatanda.
21:20 Ang sasabihin nila, 'Matigas ang ulo ng anak naming ito; lagi kaming sinusuway at ayaw makinig sa amin. Siya ay lasenggo at nilulustay ang aming kayamanan.'
21:21 Pagkatapos, babatuhin siya ng taong-bayan hanggang sa mamatay. Ganyan ang inyong gagawin sa masasamang tulad niya; kung mabalita ito sa Israel, matatakot silang tumulad doon. ( Iba't ibang Tuntunin )
21:22 '"Kapag ibinitin ninyo ang bangkay ng isang taong pinatay bilang parusa sa nagawang kasalanan,"
21:23 kailangan siyang ilibing sa araw ring yaon. Huwag ninyong hahayaang magdamag na nakabitin ang bangkay, pagkat ang binitay ay kasuklam-suklam kay Yahweh. Pag hindi ninyo inilibing agad, madudungisan ang lupaing ibinigay niya sa inyo.
22:1 '"Kapag nakita ninyong nakakawala ang baka o tupa ng inyong kapwa, huwag ninyo itong pababayaan; hulihin ninyo at dalhin sa may-ari."
22:2 Kung malayo ang tirahan ng may-ari o kung hindi ninyo alam kung kanino, ito'y iuuwi muna ninyo at hihintaying hanapin ng may-ari.
22:3 Ganyan din ang gagawin ninyo sa asno, damit o anumang bagay na inyong mapulot; ibalik ninyo sa may-ari.
22:4 '"Kapag nakita ninyong nadapa o nabuwal ang baka o asno ng inyong kapwa, tulungan ninyong ibangon iyon. "
22:5 '"Ang mga babae ay huwag magsusuot ng kasuutang panlalaki o ang mga lalaki ng kasuutang pambabae. Sinumang magsuot ng hindi niya likas na kasuutan ay kasuklam-suklam kay Yahweh. "
22:6 '"Kung may makita kayong pugad ng ibon, sa lupa o sa kahoy, na may itlog o inakay, huwag ninyong huhulihin ang inahin."
22:7 Maaari ninyong kunin ang inakay o ang itlog ngunit pawawalan ang inahin. Sa gayon, mapapanuto kayo at mabubuhay nang matagal.
22:8 '"Lalagyan ninyo ng barandilya ang bubong ng bahay na gagawin ninyo para hindi kayo managot sakaling may mahulog mula roon. "
22:9 '"Huwag ninyong tatamnan ng ibang binhi ang inyong ubasan; kapag yao'y tinamnan ninyo ng ibang binhi, ang bunga ng ibang binhi at ng inyong ubas ay dadalhing lahat sa santwaryo. "
22:10 '"Huwag ninyong pagtutuwangin sa araro ang baka at ang asno. "
22:11 '"Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa lana at lino. "
22:12 '"Lagyan ninyo ng palawit ang apat na sulok ng inyong balabal. ( Mga Tuntunin Tungkol sa Puri ng Isang Babae )"
22:13 '"Kung ang isang lalaki ay mag-asawa, at pagkatapos magsiping ay"
22:14 siraan ng puri ang babae, at ipamalitang hindi na ito dalaga,
22:15 ang magulang ng babae ay dudulog sa matatanda ng bayan, taglay ang katibayan na dalaga ang kanyang anak nang ito'y mag-asawa.
22:16 Ganito ang sasabihin ng ama, 'Ang anak kong babae'y pinahintulutan kong mapangasawa ng lalaking ito ngunit pinagbintangan ng masama matapos sipingan.
22:17 Ipinamamalita niyang hindi na dalaga ang aking anak. Narito po ang katunayan ng kanyang pagka-dalaga.' At ilalagay niya sa harapan ng matatanda ang damit na may bahid ng dugo ng babae.
22:18 Kung magkagayon, ang lalaki'y ipahahampas ng matatanda ng bayan.
22:19 Bukod doon, siya ay pagmumultahin ng 100 putol na pilak at ibibigay sa ama ng babae dahil sa ginawa niyang paninira sa isang dalaga sa Israel. At sila'y mananatiling mag-asawa, ang babae'y di maaaring hiwalayan ng lalaki.
22:20 '"Ngunit kung totoo ang bintang, at walang makitang katunayan ng pagiging dalaga,"
22:21 ang babae'y ilalabas ng bahay. Babatuhin siya roon ng mga kalalakihan ng lunsod, hanggang sa mamatay pagkat gumawa siya ng malaking kasalanan sa bahay mismo ng kanyang ama, at ito'y kasuklam-suklam na gawain sa Israel. Sa ganyang paraan ninyo aalisin ang gayong kasamaan sa inyong kapulungan.
22:22 '"Kapag ang isang lalaki'y nahuling kasiping ng asawa ng iba, pareho silang papatayin. Sa ganyang paraan ninyo aalisin ang gayong kasamaan sa Israel. "
22:23 '"Kapag ang isang dalagang nakatakda nang ikasal ay ginahasa sa loob ng lunsod, at hindi siya napasaklolo,"
22:24 ilalabas sila ng bayan at babatuhin hanggang mamatay pagkat hindi napasaklolo ang babae, at ang lalaki naman ay lumapastangan ng isang babaing malapit nang ikasal. Sa ganyang paraan ninyo aalisin ang gayong kasamaan sa inyong kapulungan.
22:25 '"Kapag ang isang dalagang nakatakda nang ikasal ay ginahasa sa labas ng lunsod, ang lalaki lamang ang papatayin."
22:26 Ang babae ay hindi aanuhin pagkat wala siyang kasalanan. Ang lalaki lamang ang may kasalanan pagkat para na niyang sinalakay at pinatay ang kanyang kapwa.
22:27 Ang babae ay ginahasa sa ilang na dako at walang makaririnig humingi man ito ng saklolo.
22:28 '"Kapag ang isang dalagang hindi pa nakatakdang ikasal ay ginahasa ng isang lalaki at ang nanggahasa ay nahuli,"
22:29 bibigyan niya ng limampung putol na pilak ang ama ng babae, at pakakasalan niya ang babae pagkat inilugso niya ang puri nito. Ang babae ay di maaaring hiwalayan ng lalaki.
22:30 '"Hindi dapat sipingan ng anak ang alinmang asawa ng kanyang ama. Hindi niya dapat ilagay sa kahihiyan ang kanyang ama."
23:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Pakikisama sa Kapulungan ) '"Ang isang lalaking kinapon o naputulan ng pag-aari ay di maaaring makisama sa kapulungan ni Yahweh. "
23:2 '"Sinumang anak sa labas ay di maaaring makisama sa kapulungan ni Yahweh, hanggang sa ika-10 salin ng kanyang lahi. "
23:3 '"Ang isang Ammonita o Moabita ay hindi maaaring makisama sa kapulungan ni Yahweh, hanggang sa ika-10 salin ng kanilang lahi,"
23:4 pagkat di nila kayo binigyan ng pagkain at inumin sa daan nang kayo'y naglalakbay mula sa Egipto. Bukod dito, inupahan pa nila si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor, Mesopotamia para kayo'y sumpain.
23:5 Gayunman, hindi siya dininig ni Yahweh. Sa halip, pinagpala niya kayo pagkat mahal niya kayo.
23:6 Huwag ninyo silang gagawan ng mabuti kahit kailan.
23:7 '"Huwag ninyong kasusuklaman ang mga Edomita pagkat sila'y mga kapatid ninyo; gayon din ang mga Egipcio pagkat kayo'y nanirahan sa kanilang lupain."
23:8 Maaaring makisama sa kapulungan ni Yahweh ang ika-3 salin ng kanilang lahi. ( Mga Tuntunin Tungkol sa Kalinisan ng Kampamento )
23:9 '"Sa panahon ng digmaan, huwag kayong gagawa ng anumang karumihan sa loob ng inyong kampamento. "
23:10 '"Kapag may nilabasan ng sariling binhi sa kanyang pagtulog, lalabas siya ng kampamento at hindi muna babalik."
23:11 Maliligo siya sa dapit hapon. Paglubog ng araw, saka lamang siya babalik sa kampamento.
23:12 '"Maglalaan kayo ng isang lugar na mapagdudumihan sa labas ng kampo."
23:13 Huhukayin ninyo ang inyong dudumihan at tatabunan pagkatapos
23:14 pagkat si Yahweh ay naglilibot sa inyong kampamento upang iligtas kayo sa mga kaaway at sila'y ipalupig sa inyo. Kailangang manatiling malinis ang inyong kampamento; baka pabayaan niya kayo kapag nakitang marumi ang kampo. ( Iba't ibang Tuntunin )
23:15 '"Ang isang aliping lumipat sa inyo ay huwag ninyong ibabalik sa dati niyang amo."
23:16 Mananatili siya sa inyo at bayaan siyang tumira kung saan niya ibig sa loob ng inyong bayan; huwag ninyo siyang aapihin.
23:17 '"Sinumang Israelita, babae o lalaki man ay hindi pahihintulutang maging patutot sa loob ng Templo."
23:18 Ang salaping kinita sa mahalay na paraan ay huwag ninyong ipagkakaloob sa templo pagkat yaon ay kasuklam-suklam kay Yahweh.
23:19 '"Huwag kayong magpapahiram nang may tubo sa inyong kapwa, maging salapi, pagkain o anumang maaaring pagtubuan."
23:20 Maaari ninyong pagtubuan ang mga taga-ibang bayan ngunit huwag ang inyong kapwa Israelita. Sa gayon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa inyong mga gawain pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
23:21 '"Huwag na hindi ninyo tutuparin ang panata ninyo kay Yahweh. Tiyak na sisingilin niya kayo kapag hindi ninyo tinupad iyon."
23:22 Kung ayaw ninyong mangako, hindi kayo nagkakasala.
23:23 Ngunit kailangang tuparin ang anumang pangako ninyo kay Yahweh.
23:24 '"Kung kayo'y papasok sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain ng bunga niyon hanggang ibig ninyo ngunit huwag kayong mag-uuwi."
23:25 Kung sa triguhan naman, maaari kayong mangitil ngunit huwag gagamit ng panggapas.
24:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa ) '"Kung ang isang tao'y mag-asawa ngunit hindi naging kasiya-siya sa kanya ang babae dahil may natuklasan siyang hindi mabuti, maaari siyang gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay, at paalisin ang babae pagkatapos."
24:2 Kung ang babaing hiniwalayan ay mag-asawa sa iba
24:3 at hiniwalayan uli matapos bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay o namatay ang ika-2 asawa,
24:4 ang babae ay ituturing nang marumi. Hindi na siya maaaring pakisamahan ng unang asawa. Magiging kasuklam-suklam kay Yahweh kung pakikisamahan pa niya ang babae. Hindi ninyo dapat dungisan ang lupaing ibibigay niya sa inyo. ( Iba't ibang Tuntunin )
24:5 '"Ang lalaking bagong kasal ay di maaaring maglingkod sa hukbo o anumang gawaing-bayan sa loob ng isang taon; pababayaan muna siyang makapiling ng kanyang asawa. "
24:6 '"Huwag ninyong kukuning sangla ang gilingan o ang kabiyak nito pagkat ito ang ipinaghahanap-buhay ng may-ari niyon. "
24:7 '"Sinumang dumukot sa kapwa niya Israelita, upang alipinin o ipagbili ay papatayin upang mawala sa inyo ang ganyang kasamaan sa inyong kapulungan. "
24:8 '"Tungkol sa mga ketong, sundin ninyong mabuti ang sasabihin sa inyo ng mga Levita, pagkat yaon ang tagubilin ko sa kanila."
24:9 Alalahanin ninyo ang ginawa ni Yahweh kay Miriam nang kayo'y naglalakbay mula sa Egipto.
24:10 '"Kung kayo'y magpapautang sa inyong kapatid, huwag kayong papasok sa bahay niya para kunin ang sangla;"
24:11 maghintay kayo sa labas upang doon tanggapin ang sangla ng nangutang.
24:12 Kung balabal ang sangla ng isang mahirap na nangutang sa inyo, huwag ninyong palilipasin ang gabi na nasa inyo ang sangla.
24:13 Dapat mabalik iyon sa kanya paglubog ng araw, pagkat yaon lamang ang gagamitin niya sa pagtulog. Sa gayon, tatanaw siya ng utang na loob sa inyo at kalulugdan kayo ni Yahweh.
24:14 '"Ibigay ninyo agad ang upa ng inyong manggagawa, maging siya'y kapwa Israelita o taga-ibang bayan lalo na kung mahirap."
24:15 Bago lumubog ang araw, ibigay na ninyo sa kanya ang upa niya sa maghapon pagkat yaon lamang ang inaasahan niya sa buhay; kapag hindi ninyo ibinigay agad, at dumaing siya kay Yahweh, yao'y ituturing na kasalanan ninyo.
24:16 '"Ang ama ay di dapat pagdusahin sa kasalanan ng anak ni ang anak sa kasalanan ng ama; kung sino ang may sala ay siyang dapat magdusa. "
24:17 '"Huwag ninyong ipagkakait ang katarungan sa mga taga-ibang bayan o sa mga ulila; huwag ninyong kukuning sangla ang balabal ng babaing balo."
24:18 Iniuutos ko ito sa inyo pagkat dapat ninyong alalahaning naging alipin din kayo sa Egipto.
24:19 '"Kung sa pagliligpit ng ani ay may maiwan kayong bigkis ng uhay, huwag na ninyong babalikan; bayaan na ninyong mapulot ng mga taga-ibang bayan, ulila at babaing balo. Sa gayon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ninyong gawain."
24:20 Kapag napitasan na ninyong minsan ang inyong mga olibo, huwag na ninyong babalikan ang natira; bayaan na ninyo iyon sa mga taga-ibang bayan, ulila at babaing balo.
24:21 Kapag naani na ninyo ang inyong ubas, huwag na ninyong babalikan ang natira; bayaan na ninyo yaon sa mga taga-ibang bayan, ulila at babaing balo.
24:22 Alalahanin ninyong kayo'y naging alipin din sa Egipto. Iyan ang dahilan kaya ko iniuutos ito sa inyo.
25:1 '"Kapag may usaping iniharap sa hukuman, pagpapasyahan ito ng mga hukom: pawawalang-sala ang walang kasalanan at hahatulan ang may sala."
25:2 Kung ang angkop na parusa ay palo, padadapain ng mga hukom ang may sala, at papaluin ayon sa bigat ng kasalanan.
25:3 Apatnapung palo ang pinakamaraming ibibigay sa may sala, ang higit dito ay paghamak na sa pinarurusahan.
25:4 '"Huwag ninyong tatalian ang bibig ng bakang gumigiik. ( Ang Pag-aasawa Uli ng Babaing Balo )"
25:5 '"Kung mamatay na walang anak ang isang lalaking may asawa, ang balo niya ay di maaaring mag-asawa sa iba; dapat siyang pakasalan ng kapatid ng namatay at ito ang tutupad sa tungkulin ng kapatid na namatay."
25:6 Ang unang anak nila ay isusunod sa pangalan ng namatay upang hindi mawala sa Israel ang pangalan nito.
25:7 Kung ayaw ng kapatid ng namatay na pakasalan ang balo, dudulog ito sa matatanda ng bayan. Sasabihin niya, 'Ayaw niyang panatilihin ang pangalan ng kanyang kapatid. Ayaw niyang gawin sa akin ang tungkulin ng kanyang kapatid.'
25:8 Kung magkagayon, ang kapatid ng yumao ay ipatatawag ng matatanda at pagpapayuhan. Kapag tumanggi pa rin,
25:9 lalapitan siya ng balo, hahablutin ang sandalyas nito saka lulurhan sa mukha, sabay sabi, 'Ganyan ang dapat gawin sa taong tumatangging panatilihin ang pangalan ng kanyang kapatid.'
25:10 At ang sambahayan nito'y makikilala sa buong Israel sa tawag na, Ang Sambahayan ng Inalisan ng Sandalyas. ( Iba Pang Tuntunin )
25:11 '"Kapag may dalawang lalaking nag-aaway at ang asawa ng isa ay lumapit upang tulungan ang kanyang asawa at hawakan ang ari ng kalaban,"
25:12 puputulin ang kamay ng babaing yaon; hindi siya dapat kaawaan.
25:13 '"Huwag kayong mag-iingat ng dalawang uri ng pabigat sa timbangan, isang mabigat at isang magaan."
25:14 Huwag din kayong mag-iingat ng dalawang takalan, isang malaki at isang maliit.
25:15 Ang tamang pabigat ang gagamitin ninyo sa timbangan, at ang gagamiting takalan ay yaong husto sa sukat upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh ninyong Diyos.
25:16 Lahat ng nagdaraya ay kasuklam-suklam sa kanya. ( Ang Paglipol sa Angkan ni Amalec )
25:17 '"Huwag ninyong kalilimutan ang ginawa ni Amalec sa inyo nang kayo'y nasa daan mula sa Egipto."
25:18 Sinalakay niya kayo nang kayo'y lupaypay sa hirap, at pinuksa ang mga kasamahan ninyo sa hulihan; kawalan iyon ng paggalang sa Diyos.
25:19 Kapag nalupig na ninyo ang inyong mga kaaway at panatag na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, patayin ninyong lahat ang mga Amalecita roon.
26:1 ( Ang mga Tuntunin Tungkol sa Ikapu at Unang Bunga ng Pananim ) '"Kapag nasakop na ninyo ang lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, at matiwasay na kayong naninirahan doon,"
26:2 kumuha kayo ng unang bunga ng inyong mga pananim. Ilagay ninyo iyon sa isang basket at dalhin sa lugar na pipiliin niya upang maging dako ng pagpupuri sa kanya.
26:3 Haharap kayo sa saserdoteng nakatalaga roon at inyong sasabihin: 'Ipinababatid ko kay Yahweh na kami'y narito na sa lupaing ipinangako niya sa aming mga ninuno.'
26:4 '"Kukunin naman ito ng saserdote at ilalagay sa harap ng altar."
26:5 Pagkatapos ay saysayin ninyo ito sa harapan ni Yahweh: 'Isang pagala-galang Arameo ang aming ninuno. Maliit ang kanyang sambahayan nang magpunta sila sa Egipto upang doon makipamayan. Ngunit dumating ang panahon na ang angkan niya'y naging malaki at makapangyarihang bansa.
26:6 Hindi mabuti ang ginawang pakikitungo sa amin ng mga Egipcio. Pinahirapan nila kami at inalipin.
26:7 Kaya, dumulog kami sa inyo Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno. At dininig ninyo kami. Nakita ninyo ang aming pagdurusa, ang kahirapan at kaapihang dinaranas.
26:8 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, ng mga kakila-kilabot na gawa at mga kababalaghan, inialis ninyo kami sa Egipto
26:9 at dinala sa lupaing itong sagana sa lahat ng bagay.
26:10 "Kaya, narito ngayon, Yahweh, ang unang bunga ng aming mga pananim sa lupaing ibinigay mo sa amin.' 'Pagkasabi noon, ang dala ninyo'y ilalapag sa harap ng altar, saka kayo luluhod upang sambahin si Yahweh."
26:11 Dahil sa kabutihan niya sa inyo, kayong lahat ay magdiriwang, kasama ang buong sambahayan, ang mga Levita, at ang mga nakikipamayan sa inyo.
26:12 '"Sa ika-3 taon, ibubukod ninyo ang ika-10 bahagi ng inyong ani upang ibigay sa mga Levita, sa mga taga-ibang bayan at sa mga ulila. Kapag nagawa na ito,"
26:13 sasabihin ninyo: 'Yahweh, naibukod na po namin ang bahaging nakatalaga sa inyo, at naibigay na namin sa mga Levita, sa mga taga-ibang bayan, at sa mga ulila, ayon sa utos ninyo sa amin. Hindi namin nilabag ni bahagya ang inyong utos.
26:14 Hindi namin binawasan ang ikapu kahit sa panahon ng kahirapan. Hindi namin ito dinala mula sa aming bahay nang hindi kami malinis; hindi namin iniambag sa patay ang bahagi nito. Dininig namin ang inyong tinig, sinunod naming lahat ang iniutos ninyo sa amin.
26:15 Kaya nga, isinasamo namin na mula sa inyong banal na luklukan sa langit ay tunghayan kami. Pagpalain ninyo ang bayang Israel at ang lupaing ibinigay ninyo sa amin ayon sa pangako ninyo sa aming mga ninuno, ang lupaing sagana sa lahat ng bagay.' ( Bayang Natatalaga kay Yahweh )
26:16 '"Ngayon ay ibinigay nga sa inyo ni Yahweh ang mga tuntuning ito; sundin ninyo ito nang buong puso't kaluluwa."
26:17 Ipinahayag ninyo ngayon na si Yahweh ang inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang kanyang mga tuntunin at didinggin ang kanyang tinig.
26:18 Ipinahayag naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayan, tulad ng kanyang pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin.
26:19 "Palalakihin niya kayo higit sa ibang bansa upang maging kapurihan niya, karangalan, at kaluwalhatian. At tulad ng sabi niya, kayo ay isang bansa na natatalaga sa kanya.'"
27:1 ( Ang Kautusang Isusulat sa Bundok ng Ebal ) "Ganito naman ang tagubilin ni Moises at ng matatanda ng bayan: 'Sundin ninyong mabuti ang kautusang ibinigay namin sa inyo ngayon."
27:2 Pagkatawid ninyo sa ibayo ng Jordan at papasok na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, maglagay kayo ng malalaking bato, at inyong sementuhan sa ibabaw.
27:3 At isusulat ninyo roon ang mga kautusang ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyo sa lupaing sagana sa lahat ng bagay.
27:4 Ilagay ninyo iyon sa Bundok ng Ebal at latagan ng apog, tulad ng sinasabi ko ngayon.
27:5 Magtayo kayo ng altar doon para sa kanya; huwag ninyo itong gagamitan ng bakal.
27:6 Panay na batong hindi tinapyas ang gagamitin ninyo sa altar at doon ninyo susunugin ang inyong mga handog.
27:7 Dito rin ihahain ang handog na pangkapayapaan at sa harap nito kayo magsasalu-salo sa panahon ng inyong pagdiriwang sa kanya.
27:8 "At sa ibabaw ng mga batong yaon, isusulat ninyo nang malinaw ang bawat kataga ng Kautusan.' "
27:9 "Sinabi pa ni Moises at ng mga Levita: 'Tumahimik kayo at makinig, mga kababayan. Mula ngayon, kayo'y bayan ni Yahweh."
27:10 "Kaya, dinggin ninyo ang kanyang tinig at sundin ang mga tuntuning ibinibigay ko sa inyo ngayon.' ( Ang mga Sumpa )"
27:11 Nang araw ring yaon, ganito ang itinagubilin ni Moises sa buong Israel,
27:12 '"Pagkatawid ninyo ng Jordan, ang mga lipi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin ay tatayo sa tapat ng Bundok ng Gerizim upang bigkasin ang pagpapala."
27:13 Ang mga lipi naman nina Ruben, Gad, Aser, Zabulon, Dan, at Neftali ay tatayo sa tapat ng Bundok ng Ebal upang bigkasin ang sumpa.
27:14 Ganito naman ang isisigaw ng mga saserdote:
27:15 '"'Sumpain ang sinumang gumawa ng anumang larawan upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.' 'Ang kapulungan ay sasagot ng: 'Amen.' "
27:16 '"'Sumpain ang sinumang hindi marunong gumalang sa kanyang mga magulang.' 'Ang sagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:17 '"'Sumpain ang sinumang magbago sa muhon ng lupang kanyang kahangga.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:18 '"'Sumpain ang sinumang magligaw sa bulag.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:19 '"'Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga taga-ibang bayan, ulila at babaing balo.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:20 '"'Sumpain ang sinumang sumiping sa asawa ng kanyang ama, pagkat sa gayo'y ibinibilad niya ito sa kahihiyan.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:21 '"'Sumpain ang sinumang sumiping sa anumang uri ng hayop.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:22 '"'Sumpain ang sumiping sa kanyang kapatid na babae, kahit yao'y kapatid lamang sa ama o sa ina.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:23 '"'Sumpain ang sinumang sumiping sa kanyang biyenang babae.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:24 '"'Sumpain ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:25 '"'Sumpain ang sinumang magpapaupa sa pagpatay ng kapwa.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.' "
27:26 '"'Sumpain ang sinumang hindi pasasakop at susunod sa kautusang ito.' 'Ang isasagot ng kapulungan: 'Amen.'"
28:1 ( Ang mga Pagpapala )[ (Lev. 26:3-13; Deut. 7:12-24) ] '"Kapag dininig ninyo ang tinig ni Yahweh at sinunod ang kanyang Kautusan, ibabantog niya kayo sa gitna ng mga bansa."
28:2 Magaganap nga sa inyo ang mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang kanyang mga utos.
28:3 '"Kayo'y pagpapalain niya sa loob at labas ng inyong mga bayan. "
28:4 '"Pagpapalain niya ang inyong mga anak, lupain, pati mga hayop. Pararamihin niya ang inyong mga baka, at iba pang mga hayop. "
28:5 '"Lagi kayong magiging sagana sa pagkain, at di mawawalan ng laman ang inyong masahan ng harina. "
28:6 '"Pagpapalain niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. "
28:7 '"Ang mga kaaway na magtatangkang lumaban sa inyo ay ipalulupig sa inyo ni Yahweh, lalaban sila sa inyo ngunit magkakanya-kanyang takas. "
28:8 '"Pagpapalain niya ang inyong mga bangan at lahat ng inyong gagawin; pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. "
28:9 '"Tulad ng pangako ni Yahweh, kayo'y gagawin niyang isang bansang matatag at nakatalaga sa kanya kung susundin ninyo siya at tatalima sa kanyang mga tuntunin."
28:10 Sa gayon makikita ng lahat ng bansa na kayo'y kanyang bayan, at matatakot sila sa inyo.
28:11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Pararamihin niya ang inyong anak, at mga hayop, at pasasaganain ang ani ng inyong bukirin.
28:12 Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. Dahil dito, hindi kayo mangungutang. Bagkus kayo pa ang magpapahiram.
28:13 Gagawin niya kayong pangunahin ng mga bansa, hindi tagasunod; uunlad kayo at di mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang Kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon.
28:14 Huwag ninyong lalabagin ang alinman sa sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong lilihis sa kanan o sa kaliwa. Huwag kayong tatalikod kay Yahweh ni sasamba o maglingkod sa mga diyus-diyusan. ( Ang Ibubunga ng Pagsuway )[ (Lev. 26:14-46) ]
28:15 '"Sa kabilang dako, kung hindi ninyo didinggin ang tinig niya at hindi susundin ang kanyang mga utos at mga tuntunin, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito: "
28:16 '"Hindi niya kayo pagpapalain kahit saan kayo magpunta. "
28:17 '"Susumpain niya ang inyong mga tanim at ang inihahanda ninyong pagkain. "
28:18 '"Hindi niya pagpapalain ang inyong mga anak o ang inyong lupain, at ang inyong mga hayop at kawan. "
28:19 '"Mabibigo kayo sa lahat ng inyong gagawin. "
28:20 '"Padadalhan niya kayo ng kahirapan, kaguluhan, at kabiguan sa lahat ng inyong gagawin hanggang sa kayo'y malipol. Gagawin niya ito dahil sa pagtalikod ninyo sa kanya."
28:21 Hindi niya kayo aalisan ng salot hanggang sa maubos kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
28:22 Lilipulin niya kayo sa pamamagitan ng sakit na pagkatuyo, nag-aapoy na lagnat, pamamaga ng katawan, matinding init, tagtuyot, agihap at iba pang sakit sa balat. Hindi kayo titigilan ng mga ito hanggang hindi kayo nalilipol.
28:23 Ipagkakait sa inyo ang ulan at dahil dito, magiging parang bakal ang lupa dahil sa pagkatigang.
28:24 Kayo ay pauulanan niya ng alikabok sa halip na tubig hanggang sa kayo'y lubusang mapuksa.
28:25 '"Ipalulupig niya kayo sa inyong mga kaaway. Lalaban kayo sa kanila ngunit magkakanya-kanya kayo ng takbo. Dahil dito, labis kayong katatakutan ng lahat ng bansa."
28:26 Ang inyong mga bangkay ay kakainin ng mga ibon at mga hayop, walang mag-aabalang bumugaw.
28:27 Pahihirapan kayo sa pamamagitan ng bukol, gaya ng ginawa ni Yahweh sa mga Egipcio. Tatadtarin niya kayo ng pigsa, buni at galis na hindi mapagagaling.
28:28 Masisiraan kayo ng isip, mabubulag kayo at malilito.
28:29 Mag-aapuhap kayo sa katanghaliang-tapat, parang bulag na nangangapa sa kadiliman. Hindi ninyo makikita ang daan. Anuman ang inyong gawi'y hindi kayo magtatagumpay. Patuloy kayong sisikilin, at sasamsaman ng ari-arian ngunit walang sasaklolo sa inyo.
28:30 '"Mag-aasawa kayo ngunit iba ang sisiping sa kanya. Magtatayo kayo ng bahay ngunit iba ang titira, at magtatanim ng ubas ngunit iba ang makikinabang."
28:31 Ang baka ninyo'y kakatayin sa harapan ninyo ngunit hindi ninyo matitikman. Aagawin sa inyo ang inyong asno at hindi na ibabalik. Ang mga tupa ninyo'y sasamsamin ng kaaway at di na ninyo makukuha uli.
28:32 Ang inyong mga anak ay kitang-kita ninyong ibibigay sa ibang tao, ngunit wala kayong magagawa.
28:33 Isang bansang di ninyo kilala ang makikinabang sa ani ng inyong lupain at sa bunga ng inyong pagpapagod. Kayo'y sisikilin nila at patuloy na pahihirapan
28:34 hanggang sa masira ang inyong isip dahil sa inyong nararanasan.
28:35 Pahihirapan kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng bukol sa tuhod at binti. Ito'y hindi ninyo mapagagaling, bagkus ay kakalat mula ulo hanggang paa.
28:36 '"Kayo at ang inyong hari ay ipabibihag niya sa isang bansang hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Maglilingkod kayo sa kanilang diyos na yari sa kahoy at bato."
28:37 Ang kalagayan ninyo'y pagtatakhan ng lahat, laging pag-uusapan, at pagtatawanan.
28:38 '"Maghahasik kayo ng marami ngunit kaunti lamang ang maaani pagkat sisirain ng lukton."
28:39 Magtatanim kayo ng ubas at masinop ninyo itong aalagaan ngunit hindi kayo makatitikim ng bunga o katas nito pagkat sisirain ng uod.
28:40 Magkakaroon nga kayo ng maraming punong olibo sa inyong lupain ngunit hindi kayo makakukuha ng langis pagkat malalagas ang mga bunga nito.
28:41 Magkakaanak kayo ngunit hindi mananatili sa inyo pagkat mabibihag ng kaaway.
28:42 Uubusin ng lukton ang inyong mga punongkahoy at pananim.
28:43 '"Uunlad ang kabuhayan ng mga makikipamayan sa inyo ngunit ang kabuhayan ninyo'y hindi."
28:44 Sila ang magpapautang sa inyo at hindi kayo ang magpapautang sa kanila. Sila ang mamamahala sa inyo.
28:45 '"Kapag hindi ninyo dininig ang kanyang tinig at hindi sinunod ang kanyang mga utos at mga tuntunin, magaganap sa inyo ang mga sumpang ito hanggang kayo'y lubusang mapuksa."
28:46 Sa gayon, ito'y magiging aral sa inyo at sa inyong magiging lahi.
28:47 Hindi ninyo pinaglingkuran nang buong kasiyahan at kagalakan si Yahweh sa panahon ng inyong kasaganaan.
28:48 Kaya, ipasasakop niya kayo sa inyong mga kaaway. Sila ang paglilingkuran ninyo sa gitna ng kagutuman, kauhawan, kahubaran at pangangailangan sa lahat ng bagay. Pahihirapan nila kayo hanggang kayo ay malipol.
28:49 Ipalulusob niya kayo sa isang bansa mula sa kabilang panig ng daigdig. Ang bansang ipadadala niya ay simbilis ng agila sa pagsila ng kaaway at di ninyo alam ang kanilang wika.
28:50 Matitigas ang kalooban ng mga taong iyon, at walang iginagalang, matanda man o bata.
28:51 Uubusin nila ang inyong mga hayop, pati ang ani ng inyong lupain. Wala silang ititira sa inyong ani, inumin, langis, baka o kawan, hanggang sa kayo'y malipol.
28:52 Kukubkubin nila ang inyong mga bayan hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader sa buong lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh.
28:53 '"Sa panahon ng pagkubkob sa inyo ng inyong mga kaaway, kakanin ninyo ang inyong mga anak sa tindi ng inyong gutom."
28:54 Magiging maramot pati ang pinakamabait na tao. Hindi niya bibigyan ng pagkain pati kanyang kapatid, asawa o ang nalalabi niyang anak.
28:55 Sinuman sa kanila'y hindi niya bibigyan ng kinakain niyang laman ng kanyang anak sa takot na mawalan siya ng makakain. Ganyan ang aabutin ninyo sa panahon ng pagkubkob sa inyo ng inyong mga kaaway.
28:56 Maging ang pinakamabait at pinakamaselang babae sa Israel na dati'y hindi tumutuntong ng lupa ay magiging maramot pati sa asawa't mga anak.
28:57 Maging ang inunan ng sanggol na kanyang isinilang ay ipagmamaramot. Lihim niya itong kakainin at pagkaubos ay ang sanggol ang isusunod. Ganyan nga ang aabutin ninyo sa panahon ng pagkubkob sa inyo ng inyong mga kaaway.
28:58 '"Kapag hindi ninyo sinunod ang mga utos sa aklat na ito at hindi ninyo iginalang si Yahweh,"
28:59 kayo at ang inyong kaapu-apuhan ay padadalhan niya ng matinding kahirapan na walang katapusan.
28:60 Ipararanas niya sa inyo ang kinatatakutan ninyong sakit na ipinadala niya sa Egipto. Hindi ito maaalis sa inyo.
28:61 Padadalhan din niya kayo ng iba pang karamdamang hindi natatala sa aklat na ito ng Kautusan hanggang sa kayo'y mapuksa.
28:62 At ang bilang ninyo ngayon na sindami ng bituin sa langit ay mababawasan nang malaki. Anupat kakaunti lamang ang matitira pagkat di ninyo dininig ang tinig ni Yahweh.
28:63 Kung gaano kalaki ang kanyang kasiyahan sa pagpapala at pagpapaunlad sa inyo, gayon din kalaki ang kasiyahan niyang madarama sa pagwasak at pagpuksa sa inyo. Bubunutin niya pati ang pinakaugat ng inyong lahi sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
28:64 '"Pangangalatin niya kayo sa lahat ng panig ng daigdig at kayo'y sasamba sa diyos na yari sa kahoy at bato, sa diyus-diyusang hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno."
28:65 Hindi kayo mapapanatag doon. Laging kakaba-kaba ang inyong dibdib. Mamumuhay kayo sa kabiguan at matinding kalungkutan.
28:66 Para kayong laging nasa balag ng alanganin. Wari'y katapusan na ang bawat sandali at walang katiyakan ang buhay.
28:67 Dahil sa malaking takot na likha ng inyong nakikita, kung araw ay sasabihin ninyong sana'y gumabi na, at kung gabi naman sana'y mag-umaga na.
28:68 "Kayo'y ibabalik ni Yahweh sa Egipto bagamat naipangako niyang hindi na kayo pababalikin doon. Gagawin niya ito sa inyo upang ipagbili kayo bilang alipin ngunit walang bibili sa inyo.'"
29:1 ( Ang Tipan ni Yahweh sa Israel sa Bundok ng Horeb ) Ito ang mga tuntunin ng Tipan na ibinigay ni Yahweh kay Moises upang sabihin sa mga Israelita nang sila'y nasa lupain ng Moab, bukod sa tipang ginawa niya sa Horeb.
29:2 "Tinipon ni Moises ang mga Israelita at sinabi, 'Hindi kaila sa inyo ang ginawa ni Yahweh kay Faraon, sa kanyang mga tauhan at sa buong Egipto."
29:3 Nakita ninyo ang kapangyarihan ni Yahweh at ang mga tanda at kababalaghang ginawa niya.
29:4 Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya kayo binibigyan ng sapat na pang-unawa, linaw ng paningin at talas ng pandinig.
29:5 Apatnapung taon ko kayong pinangunahan sa ilang. Hindi nasira ang inyong kasuutan ni napudpod ang inyong panyapak.
29:6 Wala tayong pagkain o inumin ngunit binigyan tayo ni Yahweh upang malaman nating siya ang ating Diyos.
29:7 Pagdating natin dito, dinigma tayo ni Haring Sehon ng Hesbon at ni Haring Og ng Basan. Ngunit nalupig natin sila.
29:8 Nasakop natin ang kanilang lupain at yaon ang ibinigay natin sa lipi nina Ruben, Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.
29:9 Kaya, sundin ninyong mabuti ang mga tuntunin ng Tipang ito upang mapabuti kayo sa lahat ng inyong gagawin.
29:10 '"Ngayo'y narito tayong lahat sa harapan ni Yahweh---ang puno ng bawat lipi, ang matatanda, ang mga pinuno, ang mga mandirigma ng Israel,"
29:11 ang ating mga mahal sa buhay, at ang mga nakikipamayan sa atin---
29:12 upang manumpa sa pangalan ni Yahweh at makipagtipan sa kanya.
29:13 Sa pamamagitan ng tipang ito, magiging kanya tayo. Siya ang kikilalanin nating Diyos ayon sa pangako niya sa mga nuno nating sina Abraham, Isaac at Jacob.
29:14 At ang tipang ito'y hindi lamang para sa ating narito ngayon
29:15 kundi pati sa mga wala rito.
29:16 '"Hindi kaila sa inyo ang naging buhay natin sa Egipto, at sa mga bansang nadaanan natin sa paglalakbay."
29:17 Nakita ninyo ang kasuklam-suklam nilang gawain, ang mga diyos nilang yari sa bato, kahoy, pilak at ginto.
29:18 Mag-ingat nga kayo at baka sa inyo'y may isang lalaki, babae, sambahayan o angkang tumalikod kay Yahweh upang maglingkod sa diyus-diyusan ng mga bansang yaon. Baka sa inyo'y may lumitaw na isang taong katulad ng punongkahoy na mapait at nakalalason ang bunga.
29:19 Baka kung marinig niya ang mga tuntunin ng tipang ito ay sabihin niya sa kanyang sariling hindi siya mapapahamak kahit sundin ang hilig ng kanyang katawan, ito ang magdadala ng kapahamakan sa lahat.
29:20 Ang gayong tao ay hindi patatawarin ni Yahweh. Manapa, magagalit siya sa taong yaon. Mangyayari sa kanya ang sumpang nakatala sa aklat ng Kautusan at ang pangalan niya'y mapaparam sa ibabaw ng daigdig.
29:21 Ihihiwalay siya ni Yahweh mula sa kapulungan ng Israel upang ibuhos ang sumpang nakatala sa aklat na ito.
29:22 '"Makikita ng lahing susunod sa atin, at ng mga nakikipamayan sa atin ang mabigat na parusa ni Yahweh."
29:23 Makikita nila ang lupaing tinupok sa pamamagitan ng asupre, tinabunan ng asin. Anupat di mabubuhay roon ang anumang pananim, gaya ng nangyari sa Sodoma at Gomorra, Adma at Zeboim nang ibagsak niya rito ang kanyang matinding poot.
29:24 At sasabihin ng lahat ng nakakita nito: 'Bakit ginanito ni Yahweh ang lupaing ito? Bakit matindi ang naging galit niya sa kanila?'
29:25 Ang isasagot ay: 'Pagkat hindi nila pinahalagahan ang kanilang tipan kay Yahweh, sa Diyos ng kanilang mga ninuno at nag-alis sa kanila sa Egipto.
29:26 Sila'y naglingkod at sumamba sa mga diyus-diyusang hindi nila kilala bagamat yao'y ipinagbawal sa kanila.
29:27 Iyan ang dahilan kaya nagalit sa kanila si Yahweh at ibinagsak sa kanila ang sumpang nakasulat sa aklat na ito.
29:28 At dahil sa matindi niyang galit, sila'y pinaalis ni Yahweh sa kanilang lupain at itinapon sa ibang lugar. Naroon sila ngayon.'
29:29 '"May mga bagay na mananatiling lihim at yaon ay para kay Yahweh lamang. Ngunit ang Kautusan ay nahayag sa atin at sa ating mga anak upang ating sundin."
30:1 ( Ang mga Pasubali Upang Muling Tipunin at Pagpalain ) '"Kapag nangyari na sa inyo ang mga sumpang ito, at ang mga bagay na ito ay nadili-dili ninyo sa lugar na kinatapunan ninyo,"
30:2 at kayo'y nagpasiyang manumbalik kay Yahweh upang buong puso't kaluluwang sundin ang kanyang mga utos,
30:3 ibabalik niya kayo sa magandang kalagayan. Muli niyang ipadarama sa inyo ang kanyang pag-ibig at muli kayong titipunin.
30:4 Kahit saang sulok ng daigdig kayo napatapon, kakaunin niya kayo.
30:5 Ibabalik niya kayo sa lupain ng inyong mga magulang upang inyo namang ariin. Kayo'y higit niyang pasasaganain kaysa inyong mga ninuno.
30:6 Babaguhin niya ang inyong puso upang siya'y ibigin nang buong katapatan. Sa gayon mabubuhay kayo nang matagal.
30:7 At ang mga sumpang ito'y ibabaling ni Yahweh sa inyong mga kaaway na nagpahirap sa inyo.
30:8 Muli ninyong diringgin ang kanyang tinig at susundin ang kanyang mga utos.
30:9 Pagpapalain niya ang lahat ng inyong gagawin. Pararamihin niya ang inyong mga anak at mga hayop at pasasaganain ang ani ng inyong lupain. Muli siyang malulugod sa inyo at pagpapalain niya kayo, tulad ng ginawa niya sa inyong mga ninuno.
30:10 Ngunit kailangan ninyong dinggin ang kanyang tinig at buong puso't kaluluwang sundin ang kanyang mga utos.
30:11 '"Ang Kautusang ibinibigay ko ngayon sa inyo ay madaling sundin at unawain."
30:12 Ito'y wala sa langit, kaya hindi ninyo masasabing walang aakyat doon at kukuha sa Kautusan upang marinig ninyo at maisakatuparan.
30:13 Ni wala ito sa ibayong dagat kaya di ninyo masasabing walang tatawid sa dagat para kunin ang Kautusan at nang marinig ninyo at maisagawa.
30:14 Ang Kautusan ay di malayo sa inyo: nasa inyong bibig, nasa inyong puso, kaya magagawa ninyo.
30:15 '"Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan."
30:16 Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig si Yahweh, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo nang matagal at kanyang pararamihin kayo.
30:17 Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos,
30:18 ngayon pa'y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo. Hindi kayo magtatagal sa lupaing tatahanan ninyo sa ibayo ng Jordan.
30:19 Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal.
30:20 "Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.'"
31:1 ( Si Josue, ang Kahalili ni Moises ) Nagpatuloy pa si Moises sa pagsasalita sa mga Israelita.
31:2 "Ang sabi niya, 'Ako'y 120 taon na ngayon at hindi na ako makagawa, tulad ng dati. Bukod dito, sinabi sa akin ni Yahweh na hindi ninyo ako makakasama sa ibayo ng Jordan."
31:3 Siya mismo ang mangunguna sa inyo sa pamamagitan ni Josue. Pupuksain ni Yahweh ang mga bansang daraanan ninyo upang mapasainyo ang lupain nila,
31:4 tulad ng ginawa niya sa mga haring Amorreo na sina Sehon at Og, at sa kani-kanilang kaharian.
31:5 Sila'y ipabibihag niya sa inyo at gagawin naman ninyo sa kanila ang sinabi ko sa inyo.
31:6 "Magpakatapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila pagkat sasamahan kayo ni Yahweh. Hindi niya kayo pababayaan.' "
31:7 "Ipinatawag ni Moises si Josue at sa harapan ng kapulungan ng Israel ay sinabi ang ganito: 'Magpakalakas ka at magpakatapang pagkat ikaw ang mangunguna sa Israel sa pagsakop sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa ating mga ninuno."
31:8 "Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya pababayaan, kaya't huwag kang matatakot ni panghihinaan ng loob.' ( Ang mga Tuntuning Dapat Basahin Tuwing Ikapitong Taon )"
31:9 Isinulat ni Moises ang mga utos at ibinigay ito sa mga saserdoteng tagadala ng Kaban ng Tipan, at sa matatanda ng bayan.
31:10 "Sinabi niya, 'Sa Pista ng mga Kubol tuwing katapusan ng ika-7 taon na siyang taon ng pagpapatawad,"
31:11 basahin ninyo ang Kautusang ito pagharap ng Israel kay Yahweh sa lugar na pipiliin niya.
31:12 Titipuning lahat: lalaki, babae, bata, pati ang mga nakikipamayan sa inyo upang marinig nila ang Kautusang ito. Sa gayon, magkakaroon sila ng takot kay Yahweh at susundin nila ang kanyang mga utos.
31:13 "Pati ang inyong mga anak na di pa nakaaalam nito ay magkakaroon ng takot kay Yahweh habang sila'y nabubuhay sa lupaing titirhan ninyo sa ibayo ng Jordan.' ( Ang Huling Tagubilin ni Yahweh kay Moises )"
31:14 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Malapit ka nang mamatay. Tawagin mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan upang maitalaga siya.' Gayon nga ang ginawa nila."
31:15 Si Yahweh ay bumaba sa Toldang Tipanan sa anyong haliging ulap at tumayo sa pintuan.
31:16 "Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 'Nalalapit na ang iyong kamatayan. Pag nangyari na ito, ang Israel ay magpapakasama at maglilingkod sa mga diyus-diyusan sa lupaing pupuntahan nila. Tatalikod sila sa akin at sisira sa aming Tipan."
31:17 Kung magkagayon, magagalit ako sa kanila. Itatakwil ko sila't tatalikdan, at sila'y madaling mabibihag ng kaaway. Masusuong sila sa mga kaguluhan at kapahamakan hanggang sa mapag-isip-isip nilang ito'y dahil sa akong Diyos nila ay hindi nila kasama.
31:18 Tatalikdan ko nga sila dahil sa pagsamba nila sa mga diyus-diyusan.
31:19 Kaya nga, isulat mo ang awiting ito at ituro sa bansang Israel upang maging tagapagpaalaala sa kanila.
31:20 Kapag sila'y nadala ko sa lupaing sagana sa lahat ng bagay, tulad ng aking pangako sa inyong mga ninuno, mamumuhay na sila nang sagana at tiwasay. Ngunit sasamba sila at maglilingkod sa mga diyus-diyusan. Tatalikod sila sa akin at sisira sa aming Tipan.
31:21 "Kung dumating na sa kanila ang matinding kahirapan at kaguluhan, ang awit na ito ang siyang susumbat sa kanila pagkat matatanim ito sa isipan ng magiging lahi nila. Hindi ko pa sila nadadala sa lugar na ibibigay ko sa kanila ay alam ko na ang kanilang binabalak.' "
31:22 Nang araw ring yaon, sinulat niya ang awit at itinuro sa mga Israelita.
31:23 "Si Josue ay itinalaga ni Yahweh. Sinabi niya, 'Tibayan mo ang loob mo. Magpakatapang ka pagkat ikaw ang mangunguna sa Israel sa pagpunta nila sa lupaing ipinangako ko sa kanila. Hindi kita pababayaan.' "
31:24 Matapos sulatin ni Moises ang Kautusan
31:25 sinabi niya sa mga saserdote,
31:26 '"Dalhin ninyo ang aklat na ito at itabi sa Kaban ng Tipan upang maging babala sa inyo."
31:27 Alam kong kayo'y mapaghimagsik. Kung ngayong buhay pa ako ay lagi kayong naghihimagsik kay Yahweh, di lalo na kung patay na ako.
31:28 Pupulungin ko ang inyong matatanda at ang inyong mga pinuno. Ipaliliwanag ko sa kanila ang mga bagay na ito, at gagawin kong saksi ang langit at lupa laban sa kanila.
31:29 "Pagkat natitiyak kong kayo'y magpapakasama pagkamatay ko, lilihis kayo sa daang itinuro ko sa inyo. Darating ang araw na magagalit sa inyo si Yahweh dahil sa gagawin ninyong di marapat sa kanyang kalooban.' ( Ang Awit ni Moises )"
31:30 Ito ang awit ni Moises na ipinarinig niya sa mga Israelita:
32:1 '"Dinggin mo ako, o langit, Pakinggan mo ako, o lupa. "
32:2 Itong aking mga aral Matulad nawa sa ulan Nagpapasariwa sa damo. Bumubuhay sa halaman.
32:3 Ang ngalan ni Yahweh, Ay aking pupurihin At ang inyong itutugon, 'Dakila ang Diyos namin!'
32:4 '"Siya ang Bato, manlilikha. Walang kapintasan ang lahat niyang gawa, Matuwid ang lahat niyang kilos. Siya ay tapat, walang pagkukulang, Makatarungan at matwid. "
32:5 Sila'y nagpakasama. Dahil dito'y di na sila marapat tawaging anak, Isang lahing tampalasan at balakyot.
32:6 Iyan pa ba ang igaganti ninyo kay Yahweh, Kayong mga haling at mga walang isip? Di ba siya ang ama ninyong lumikha sa inyo, At gumawa sa inyong isang bansa?
32:7 '"Alalahanin ninyo ang mga nakaraang araw, Ang panahon ng inyong mga ninuno. Itanong n'yo sa inyong ama, at ilalahad sa inyo. Gayon din sa matatanda, at kanilang isasaysay. "
32:8 Nang hatiin ng Diyos itong sangkalupaan At pagbukud-bukurin ang mga bayan, At nang itakda niya ang mga hanggahan, Nasaisip na niya ang Israel na kanyang bayan.
32:9 Pagkat ito ang bayan na kanyang hinirang. Si Jacob na itinanging maging kanya lamang.
32:10 '"Sila'y natagpuan niya sa ilang, Lupaing halos walang mabuhay na halaman. Sila'y kinandili at pinatnubayan Nang buong tiyaga at pagmamahal. "
32:11 Sila'y parang mga inakay, tinuruang lumipad, Sinusubaybayan mula sa itaas, Minsa'y sinasalo ng makapang- yarihang pakpak, Tulad ng ginagawa ng agila sa kanyang mga anak.
32:12 Tanging si Yahweh ang pumatnubay, At walang ibang diyos na tumulong sa kanila.
32:13 '"Sila ang pinamahala sa mga kaburulan. Sa ani ng lupain, sila ang nakikinabang, Sila'y pinagtatamasa niya ng pulot at saganang langis mula sa batuhan. "
32:14 Sa kanilang kawan ng kambing at baka Masaganang gatas ang nakukuha, Ang lalong mainam na baka, kambing at tupa, masarap na alak at mainam na trigo ang pagkain nila.
32:15 '"Ngunit nang sila'y mabusog, umunlad ang buhay, Sila'y naging palalo't Ang Diyos tinalikdan Hinamak nila at Itinakwil ang kanilang Tagapagligtas. "
32:16 Siya'y pinapanibugho nila; Sumamba sila sa mga diyus-diyusan. Kaya't napoot sa kanila ang Diyos dahil sa kasuklam-suklam nilang gawain.
32:17 Sa demonyo sila naghandog at sa mga diyus-diyusan sumamba, Sa mga bagong diyus-diyusang di nila kilala At ni hindi pinansin ng kanilang mga ninuno.
32:18 Tinalikdan nila ang Diyos na lumikha sa kanila, Ang Diyos na sa kanila'y nagbigay-buhay.
32:19 '"Nasaksihan niya ang pagsamba nila sa diyus-diyusan Kaya't kanyang itinakwil, Sila na itinuring niyang mga anak. "
32:20 Sinabi niya, 'Tatalikdan ko sila, Tingnan ko lang kung ano ang kanilang sapitin, pagkat sila'y isang lahing masama, mga anak na suwail.
32:21 Pinapanibugho nila ako nang sambahin nila yaong hindi Diyos. Ginalit nila ako dahil sa kanilang diyus-diyusan. Kaya, paninibughuin ko rin sila at gagalitin, Sa pamamagitan ng bansang di kumikilala sa akin.
32:22 Ang poot ko'y mag-aalab na parang apoy upang sunugin ang lahat sa daigdig. Bababa ako sa Sheol at pati paanan ng mga bundok ay aking wawasakin.
32:23 '"'Pahihirapan ko sila nang sunud-sunod. Ang mga palaso ko'y uubusin sa kanila. "
32:24 Mamamatay sila sa gutom at mataas na lagnat at salot na walang tigil. Ipakakain ko sila sa mga halimaw at ipatutuklaw sa mga ahas na makamandag.
32:25 Magkakaroon ng digmaan kaya't ang lansangan ay mapupuno ng bangkay. At sa mga tahanan maghahari'y katakutan, dahil sa tabak ng kaaway Binata at dalaga'y di nila patatawarin Mga batang pasusuhin, pati matandang ubanin.
32:26 Ipinasya ko nang sila'y lipulin At pawiin sa alaala ng madla.
32:27 "Ngunit di ko tutulutan ang kanilang kaaway Ay maghambog at sabihing: 'Kami ang lumupig sa kanila, At hindi ang Diyos nila.' ' "
32:28 '"Mahina ang pang-unawa ng Israel At sila'y maituturing na bansang mangmang. "
32:29 Hindi nila maunawaan kung bakit sila nagapi Di malaman ang dahilan ng kanilang sinapit.
32:30 Paanong ang 1,000 ay matutugis ng isang tao At mapipigilan ng dalawa ang 10,000? Sila'y pinabayaan ng Diyos na si Yahweh, Itinakwil na sila ng kanilang dakilang Diyos.
32:31 Pagkat ang mga diyus-diyusan ng mga kaaway Ay di tulad ng ating Diyos. Mga kaaway rin natin ang makapagpapatotoo nito.
32:32 Sila'y masasamang tulad ng Sodoma't Gomorra, Tulad ng ubas na mapakla ang bunga.
32:33 Na ang katas na nakukuha, ay tulad ng mabagsik na kamandag ng ahas.
32:34 '"Alam ni Yahweh ang lahat ng gawa ng kaaway Naghihintay lang ng takdang oras upang sila'y parusahan; "
32:35 Darating ang araw ng aking paniningil at paghihiganti, Hanggang sa sila'y humapay at mabuwal Pagkat ang wakas nila ay malapit na.
32:36 Ililigtas ni Yahweh ang kanyang bayan Kung makita niyang sila'y nanlulupaypay. Siya'y mahahabag sa mga naglilingkod sa kanya Kung kanyang makitang iilan na sila.
32:37 Kung magkagayon, tatanungin niya ang bayan, 'Nasaan ang inyong mga diyos na pinagtiwalaan?
32:38 Sila ang umubos sa taba ng inyong handog At sumaid sa handog ninyong inumin. Bakit hindi ninyo sila tawagin at patulong, Hilinging kayo'y kanilang ipagtanggol?
32:39 '"'Malalaman ngayong ako ay ako nga, At maliban sa akin, wala nang Diyos. Ako'y pumapatay at maaaring bumuhay, Napagagaling ko ang aking sinusugatan, At anumang gawin ko'y walang makahahadlang. "
32:40 Isinusumpa ko, At ito'y hindi magkakabula.
32:41 Ihahasa ko itong aking tabak At ang katarunga'y aking igagawad Ang parusa'y ibabagsak ko sa mga kaaway At sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam.
32:42 Ang aking mga palaso'y matitigmak ng dugo nila, Sa aking tabak ay mamamatay sila; Sinumang lumalaba'y di ko igagalang, Maging ang bilanggo't sugata'y papanaw.'
32:43 '"Mga bansa, makipagdiwang kayo sa kanyang bayan--- Ang pumatay sa kanila ay parurusahan; Siya ay gaganti sa kanilang mga kaaway, At magpapatawad sa kanyang bayan.' "
32:44 Ito nga ang inawit nina Moises at Josue sa harapan ng mga Israelita.
32:45 Pagkatapos umawit,
32:46 "sinabi ni Moises, 'Itanim ninyo sa isip ang mga salitang narinig ninyo sa akin, ituro ninyo sa inyong mga anak, at ipasunod sa kanila."
32:47 "Ito'y mahalaga pagkat dito nakasalalay ang inyong buhay. Kung susundin ninyong mabuti, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing pupuntahan ninyo sa kabila ng Jordan.' ( Ipinatanaw kay Moises ang Canaan )"
32:48 Nang araw ring yaon, sinabi ni Yahweh kay Moises,
32:49 '"Umahon ka sa Abarim, sa Bundok ng Nebo na sakop ng Moab, sa tapat ng Jerico, at malasin mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita."
32:50 Doon ka mamamatay sa bundok na iyon tulad ng nangyari kay Aaron sa Bundok ng Hor.
32:51 Mangyayari iyan sa iyo pagkat sinuway ninyo ako sa harapan ng bayang Israel noong sila'y nasa tabi ng tubig sa Meriba-cades sa ilang ng Zin. Hindi ninyo ako binigyang-karangalan sa harapan nila.
32:52 "Ang lupaing ibibigay ko sa Israel ay matatanaw mo ngunit hindi mo mararating.'"
33:1 ( Binasbasan ni Moises ang mga Lipi ng Israel ) Ito naman ang pagpapalang binigkas ni Moises na lingkod ng Diyos, bago siya pumanaw.
33:2 '"Si Yahweh ay napakita mula sa Sinai. Nagliwanag sa Seir. Sa Bundok ng Paran, may apoy na nagniningas, hawak ng kanang kamay. Kasama niya ang laksa-laksang banal. "
33:3 Tunay na mahal ni Yahweh ang kanyang bayan Pinagpapala niya ang sa kanya'y tapat Natitipon sila sa kanyang paanan, Naghihintay ng kanyang tagubilin.
33:4 Ang Kautusan ay ibinigay ni Moises sa atin Nang tayo ay magkatipon sa harapan ni Yahweh.
33:5 Mula noon, nagkaroon ng hari ang Israel Nang ang mga pinuno nitong bayan ay magkatipon At magkaisa ang lahat ng naroon.
33:6 '"Bayaang manatili ang angkan ni Ruben Ngunit ang bilang niya'y huwag pararamihin.' "
33:7 "Tungkol kay Juda ay ganito ang sinabi: 'Dinggin mo, Yahweh, ang daing nitong Juda, Ibalik mo siya sa piling ng kanyang bayan. At tulungan siya sa pakikipag- laban.' "
33:8 "Tungkol kay Levi ay kanyang sinabi: 'Ang Tumim ay kay Levi, ang Urim ay sa tapat mong alipin; Sa kanya na iyong sinubok sa Masa at sa may tubig ng Meriba. "
33:9 Hindi niya pinangibabaw ang kaugnayan sa ama o ina, Hindi niya pinahalagahan ang kapatid o anak Masunod lang ang tinig mo, maging tapat sa tipanan.
33:10 Kaya't sila ang magtuturo ng iyong mga tuntunin, Ang iyong Kautusa'y iaaral nila sa Israel; Sila ang magsusuob sa iyo ng kamanyang, Maghahandog ng hain sa harap ng altar.
33:11 "Pagpalain mo, Yahweh, ang kanyang kalakasan. Paglilingkod niya'y iyong pahalagahan. Mga kaaway niya ay iyong puksain Upang di na makabangon magpakailanman.' "
33:12 "Tungkol naman kay Benjamin, ganito ang sinabi: 'Mahal siya ni Yahweh, Lagi siyang nasa lilim ng kanyang mga pakpak. Kinukupkop sa tuwina at ipinagsasanggalang.' "
33:13 "Tungkol kay Jose ay sinabi: 'Lupain niya'y pagpapalain ni Yahweh, Laging didiligin ng hamog at ulan, At ng saganang tubig mula sa mga bukal. "
33:14 Mananagana siya sa bungang hinog sa panahon Na aanihin niya sa bawat pagkakataon.
33:15 Pinakamainam na biyaya sa mga bundok ay tatamasahin At ang kasaganaang buhat sa mga burol.
33:16 Bibiyayaan siya ng pinakamainam na bunga ng lupain. Lagi siyang kakandilihin ni Yahweh Na naninirahan sa nagniningas na punongkahoy; Ang lahat ng ito'y magkakatotoo kay Jose, Sa pangunahing anak ni Israel.
33:17 "Ang panganay niya ay magiging makapangyarihan; Lakas na tataglayin, parang lakas ng toro. Ang mga bansa'y sama-samang itataboy Hanggang dulo ng daigdig. Ganyan ang kapangyarihan ng laksa-laksang kawal ni Efraim Sa ganyan matutulad libu-libong kawal ni Manases.' "
33:18 "Tungkol kina Zabulon at Isacar ay sinabi: 'Magtatagumpay kayo sa pangangalakal, Zabulon at Isacar. "
33:19 "Ang ibang mga bansa ay dadalo sa paghahain ninyo sa mga bundok, Pagkat ang yaman nila'y buhat sa dagat at sa buhanginan sa baybay nito.' "
33:20 "Tungkol kay Gad ay sinabi: 'Purihin si Yahweh na nagbigay ng malawak na lupain kay Gad. Si Gad ay nakahigang parang leon at handang sakmalin ang kamay, pati koronang nakaputong. "
33:21 "Pinili niya ang pinakamainam na lupain, Lupaing nababagay sa isang pinuno. Sumama siya sa pinuno ng Israel. Nanguna siya sa pagsunod sa kalooban ni Yahweh, At sa kanyang panukala para sa Israel.' "
33:22 "Tungkol kay Dan ay sinabi: 'Si Dan ay isang batang leon Na biglang sumusulpot mula sa Basan.' "
33:23 "Tungkol kay Neftali ay sinabi: 'Si Neftali ay nanagana sa kagandahang-loob At pagpapala ng Diyos na si Yahweh. Ang mana niya'y abot sa timog at sa dagat.' "
33:24 "Tungkol kay Aser ay sinabi: 'Pinagpala sa lahat ng anak si Aser. Higit siyang pinagpala kaysa kanyang mga kapatid. Ang kanyang lupai'y sagana sa langis. "
33:25 Ang bayan niya'y naliligid ng muog na matibay Nawa'y manatili siya sa kapanatagan.
33:26 '"Walang katulad ang Diyos, O Israel Siya na namamahala sa langit, makapangyarihan, Laging handa sa pagtulong sa kanyang bayan. "
33:27 Siya ang Diyos na sa mula't mula pa Ay iyong kanlungan. Siya ang nagtaboy sa iyong mga kaaway, At nag-utos sa inyo na sila'y puksain.
33:28 Kaya ang Israel ay tiwasay, Nananahan sa lupaing sagana sa lahat ng bagay At hindi natutuyuan ng hamog ng kalangitan.
33:29 "Mapalad ka, O Israel, wala kang katulad, Isang bansang si Yahweh ang nagligtas. Kaaway mo'y lulupigin at pupuksain, Kaya sila ay lalapit sa iyo at susuko.'"
34:1 ( Ang Kamatayan ni Moises ) Si Moises ay umahon sa Bundok ng Nebo, sa ituktok ng Pisga, sa gawing silangan ng Jerico. Doon ipinakita sa kanya ni Yahweh ang buong lupain. Mula sa Galaad hanggang Dan,
34:2 ang buong Neftali, ang lupain ng Efraim at Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa kanluran,
34:3 ang Negeb at ang kapatagan, samakatwid ay ang kapatagan ng Jerico. Ang lunsod ng mga palaspas, hanggang Zoar.
34:4 "Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Iyan ang lupain na aking ipinangako sa iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinakita ko ito sa iyo ngunit hindi mo mararating.' "
34:5 At si Moises na lingkod ni Yahweh ay namatay sa lupain ng Moab, ayon sa salita ni Yahweh.
34:6 Inilibing siya ni Yahweh sa isang lambak sa Moab sa tapat ng Bet-peor, ngunit ngayo'y walang nakaaalam ng tiyak na lugar.
34:7 Siya'y 120 taon nang mamatay ngunit hindi lumabo ang kanyang paningin. Ni hindi nanghina ang kanyang pangangatawan.
34:8 Tatlumpung araw siyang ipinagluksa ng Israel.
34:9 Si Josue ay puspos ng kaalaman at kakayahan sa pamamahala pagkat ipinatong sa kanya ni Moises ang mga kamay nito. At sinunod siya ng mga Israelita. Ginawa nila ang lahat ng utos ni Yahweh.
34:10 Sa Israel ay wala nang lumitaw na propetang tulad ni Moises na naging tapat at nakakausap nang tuwiran kay Yahweh.
34:11 Wala ring nakagawa ng mga kababalaghang tulad ng ipinagawa sa kanya ni Yahweh sa Egipto, sa harapan ng Faraon at ng mga lingkod nito.
34:12 Wala ring nakagawa ng makapangyarihan at pambihirang mga gawa tulad ng ginawa ni Moises sa harapan ng bayang Israel.
|