|
22. Ang Awit ng Mga Awit
1:1 Ito ang pinakamagandang awit ni Solomon: ( Ang Unang Awit (p k Babaek* )
1:2 Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; Ang dulot ng pag-ibig mo ay walang
kasintamis.
1:3 Ang taglay mong halimuyak, saan kaya itutulad? Simbango ng pangalan mong ang samyo ay
malaganap, Kaya lahat ng dalaga ay iyo ngang nabibihag.
1:4 Ako ngayon ay narito, isama mo kahit saan, At ako ay iyong dalhin sa silid mong
pahingahan. Tiyak akong liligaya ngayong ikaw ay narito, Ang nais ko ay madama ang alab ng
pag-ibig mo; Pagsinta mo'y mas gusto ko kaysa alinmang inumin; Hindi ako nagkamali na ikaw
nga ang ibigin.
1:5 Dalaga sa Jerusalem ang ganda ko'y kayumanggi, Katulad ko'y mga toldang sa Kedar pa
niyayari, Tulad ko ri'y mga tabing sa palasyo ng hari.
1:6 Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay, Pagkat itong aking balat ay nasunog
lang sa araw. Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan, Nagkaisa silang ako'y
pagbantayin ng ubasan. Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman, Anupat ang sarili ay
kusa kong napabayaan.
1:7 Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, Sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong
kawan; Saan sila dinadala? Pahingahan nila'y saan Sa akin ay ituro mo nang ako ay di
maligaw. (p k Mangingibigkend
1:8 Kung ibig mong maalaman, O babaing sakdal ganda, Ang dapat lang na gawin mo ay sundan
ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan Sa tabi ng mga tolda ng pastol
ng aking kawan.
1:9 Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung
pagmasdan!
1:10 Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit, Na lalo pang pinaganda ng pahiyas
na naglawit. Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong dikit, Lalo na nga kung may
kuwintas na doon ay nakasabit.
1:11 Ikaw'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, Palamuting ikakabit ay pilak na
dinalisay. (p k Babaekend
1:12 Habang siya'y nakahimlay, tila hari ang katulad, Ako nama'y magsasabog ng mabangong
halimuyak.
1:13 Ang samyo ng aking mahal ay katulad nitong mira, Habang siya sa dibdib ko'y nakahilig
na masaya.
1:14 Ang kawangis ng mahal ko'y isang kumpol ng bulaklak Sa ubasan ng En-gadi, magiliw
kong pinamitas. (p k Lalakikend
1:15 Maganda ka, aking sinta, ang mata mo'y mapupungay, Nagniningning, nang-aakit habang
aking minamasdan. (p k Babaekend
1:16 Makisig ka, aking mahal, anong kisig, anong inam, Ang magiging himlayan ta'y laging
kulay na luntian.
1:17 At sedro ang barakilan nitong ating tatahanan Mga kilo'y pinong pili, kahoy manding
maiinam.
2:1 Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw Sa dalisdis nitong bundok, isang ligaw
na halaman. (p k Lalakikend
2:2 Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan, Namumukod ka sa lahat, bukod-tangi,
aking hirang. (p k Babaekend
2:3 Sa gitna ng kagubatan katulad n'ya ay mansanas, Sa lahat ng mga tao, s'ya'y walang
makatulad; Ako'y laging nananabik sa lilim n'ya'y maglumagak, Ang tamis ng bunga niya kung
kanin ko'y anong sarap.
2:4 Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag, Sa piling niya'y nadama ko ang
pag-ibig niyang tapat.
2:5 Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas, At magiliw na binusog ng matamis na
mansanas At ang uhaw na puso ko'y nakatagpo niyong lunas.
2:6 Ang kaliwa niyang bisig ay siya kong inuunan, Habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang
kamay.
2:7 Ipangako n'yo sa akin, dalaga sa Jerusalem, Sa ngalan ng mga usa't mga hayop na
matutulin, Ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. ( Ang Ikalawang Awit (p k
Babaek* )
2:8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig, Mga gulod, tinatahak upang ako'y
makaniig.
2:9 Itong aking mangingibig ay katulad niyong usa, Mabilis kung kumilos, ang katawan ay
masigla. Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya, Sumisilip sa bintana para ako ay
makita.
2:10 "Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang tinuran: 'Sa akin ay sumama ka, halika na,
aking mahal. "
2:11 Lumipas na ang taglamig sa buong lupain At ang tag-ulan ay natapos na rin.
2:12 Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad na, Ito na nga ang panahon upang tayo ay
magsaya, Sa bukid, ang mga ibo'y humuhuni, kumakanta.
2:13 Yaong mga bungang igos ay hinog nang para-para, At ang mga punong ubas, sa bulaklak
ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
2:14 Ikaw'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan, Halika at ang ganda mo ay nais kong
mapagmasdan, At nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
2:15 "Asong-gubat ay hulihin, maninira ng pananim, Baka masok sa ubasan, mga puno ay
sirain.' (p k Babaekend "
2:16 Talisuyo ko ay akin at ako nama'y kanya, Sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan
n'ya.
2:17 Hanggang dilim ay maparam, ganito ang ginagawa, Sa pag-ihip ng amihang umaga ang
siyang badya. Magbalik ka, aking sinta magmadali ka, aking mahal Tulad ng pagtakbo ng usa
sa kaburulan.
3:1 Gabi-gabi, sa higaan ang mahal ko'y hinahanap, Ngunit hindi masumpungan kahit na sa
pangarap.
3:2 Akong ito'y bumabangon, sa lunsod ay naglalakad, Ang lansangan sa paligid ay aking
ginagalugad; Ngunit hindi matagpuan ang sinta kong nililiyag.
3:3 "Sa akin ngang paglalakad, nakita ko'y mga bantay, Nagmamanman, naglilibot, sa
paligid, sa lansangan. Sa kanila ang tanong ko, 'Mahal ko ba ay nasaan?' "
3:4 Nang kami ay maghiwalay ng nasabing mga tanod, Bigla na lang na nakita ang mahal kong
iniirog. Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan, Hanggang siya'y madala ko sa bahay
kong sinilangan.
3:5 Ipangako ninyo sa akin, dalaga sa Jerusalem Sa ngalan ng mga usa at hayop na
matutulin, Ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain. ( Ang Ikatlong Awit (p k
Babaek* )
3:6 Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan? Wari'y pumapailanlang usok ng mira at
kamanyang, Na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal.
3:7 Dumarating si Solomon, sa palangkin n'ya nakaupo Ang kasamang mga bantay ay mayroong
animnapu Pangunahing mga kawal, matatapang, matitipuno.
3:8 Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan, Nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa
paglaban.
3:9 Ang magandang palangkin nitong haring si Solomon Pawang yari sa mainam at piniling mga
kahoy.
3:10 Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak, Ang habong naman nito'y may adornong
gintong payak, Yaon namang mga kutson, purpura ang nakabalat; Dalaga sa Jerusalem ang
humabi at naggayak.
3:11 Mga dilag nitong Sion, masdan ninyo si Solomon, Nagputong ng korona niya ay ang
kanyang inang mahal Sa oras ng pagdiriwang, sa oras ng kanyang kasal.
4:1 Kay ganda mo, aking mahal, ang mata mo'y mapupungay! Ang buhok mong anong haba,
pagkilos mo'y nagsasayaw Parang kawang naglalaro sa gitna ng kaburulan.
4:2 Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis, Walang kulang kahit isa, maganda
ang pagkaparis.
4:3 Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata, Kapag ikaw'y nangungusap lalo itong
gumaganda, Aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula.
4:4 Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam, Parang tore ni David, na ligid ng
mga kawal.
4:5 Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo, Masayang kumakain sa gitna ng mga
liryo.
4:6 Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway, Hanggang sa mapawi ang pusikit na karimlan,
Sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay, Pagkat ito ay simbango ng mira at ng kamanyang.
4:7 Kay ganda mo, aking sinta, kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay
mong kagandahan.
4:8 Halika na, aking mahal, sa akin ay sumama ka, Lisanin ta ang Libano at ang Bundok ng
Amana, Iwan mo na ang Bundok ng Senir at ng Hermon, Ang taguan niyong mga leopardo at mga
leon.
4:9 Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag, Ng mata mong mapang-akit at leeg mo
na may kuwintas.
4:10 Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng 'yong pag-ibig, Ikaw'y walang kasinsarap,
kasintamis na umibig, Halimuyak ng bango mo ay walang makakaparis.
4:11 Ang labi mo, aking hirang, sintamis ng mga pulot, Ang dila mo'y waring gatas, ligaya
ang siyang dulot, Yaong bango ng Libano ay tila nasa iyong suot.
4:12 Katulad ng isang hardin itong aking minamahal, Na may bakod sa palibot at sarili
yaong bukal.
4:13 Halaman ay magaganda, waring hardin ng granada, Namumukod, natatangi ang kaniyang mga
bunga--- Mahalimuyak ang mga nardo, mababango yaong hena.
4:14 Nardo, at safro, mabangong kanela at kalamo, At lahat ng punongkahoy ay may samyo ng
insenso, Mira, at aloe na pangunahing pabango.
4:15 Ang tubig na ginagamit na pandilig nitong hardin, Ay ang agos noong tubig, sa Libano
nanggagaling. (p k Babaekend
4:16 Umihip ka hanging timog, sa hilaga ay gayon din, Nang masamyo ko ang bango na buhat
sa aking hardin. Bayaang ang aking sinta'y magpunta sa hardin niya, Upang pumitas at
kumain ng kanyang mga bunga.
5:1 Nasa hardin ako ngayon, aking mahal, aking sinta, At ako ay nangunguha ng balsamo at
ng mira, Nilalasap ko ang tamis nitong pulot ng pukyutan, Iniinom ko ang gatas at alak na
malinamnam. (p k Mga Babaek* Kumain na at uminom, kayong mga mangingibig, Hanggang kayo ay
malango sa tamis ng pag-ibig. ( Ang Ikaapat na Awit (p k Babaek* )
5:2 "Kahit na nga sa pangarap kung ako ay natutulog, Naririnig ang mahal ko, sa pintua'y
kumakatok. (p k Mangingibigk* 'Ako'y iyong papasukin, aking mahal, aking sinta, Na tulad
ng kalapati, ubod linis at maganda, Basang-basa ang ulo ko nitong hamog sa umaga.' (p k
Babaekend "
5:3 Muli pa bang magbibihis, gayong ako'y naghubad na? Akin bang dudumhan uli, nilinis
kong mga paa?
5:4 Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto, Damdamin ko ay sumigla, lumundag ang
aking puso.
5:5 Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan Binasa ko ng mira itong aking mga kamay At
ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay.
5:6 Ngunit nang s'ya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan. Hinanap ko nang hinanap ngunit
hindi natagpuan. Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan, Tinawag ko nang tinawag
ngunit walang kasagutan.
5:7 Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay, Hanggang ako ay mahuli mga tanod
nitong bayan. Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan, Balabal ko ay hinatak, pinunit
pa at ginutay.
5:8 "Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akin Kung mahal ko ay makita sa kanya sana
ay sasabihin, 'Akong ito ay maysakit, nahihibang sa paggiliw.' (p k Mga Babaekend "
5:9 O babaing sakdal ganda, bakit di mo ilarawan Hinahanap mong lalaki na sabi mo'y iyong
minamahal? Sa amin ay sabihin mo kaiba niyang katangian, Na dahilan ng bilin mo't mahigpit
na panambitan. (p k Babaekend
5:10 Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan, Sa sanlibo ay siya lang ang may gayong
katangian.
5:11 Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintab Mahal pa 'yon kaysa ginto, kulay
uwak ang katulad.
5:12 Mata niya'y mapupungay parang ibon sa may batis, Kalapati ang katulad at gatas pa ang
panlinis.
5:13 Yaong kanyang mga pisngi'y simbango ng isang hardin, Mga labi'y parang liryo,
nakasasabik na simsimin.
5:14 Kamay niya ay maganda, O kay inam na pagmasdan, Suot niyang mga singsing, na ang
bato'y kay mamahal; Wari'y garing ang katulad ng buo niyang katawan, Naliligid ng pahiyas
na sapirong makikinang.
5:15 Mga hita niya't binti'y yaong marmol ang kabagay, Na ang mga patungan ay gintong
dinalisay, Makapigil ng hininga, parang Bundok ng Libano. Kung baga sa mga kahoy, katulad
ay mga sedro.
5:16 Mga labi ay maalab, matamis kung humalik Buo niyang katauhan ay balaning umaakit.
Iyan ang ayos at larawan nitong aking iniibig.
6:1 O babaing sakdal ganda, saang gawi s'ya nagpunta? Ikaw'y aming tutulungan sa paghanap
mo sa kanya. (p k Babaekend
6:2 Ang mahal kong kasintahan ay nagpunta do'n sa hardin, Sa hardin na ang halama'y
mababango yaong tanim Upang kawan ay bantayan at ang liryo ay pitasin.
6:3 Ang irog ko'y akin lamang, at sa kanya naman ako Sa kanya na nagpapastol ng kawan sa
mga liryo. ( Ang Ikalimang Awit (p k Lalakik* )
6:4 Katulad ng Jerusalem ang ganda mong tinataglay, Tila Tirsang may pang-akit ang iyong
kagandahan.
6:5 Sa aki'y huwag mong ititig ang mata mong mapupungay Pagkat ako'y nabibihag, hindi ako
mapalagay, Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y sumasayaw Parang kawang naglalaro sa
gitna ng kaparangan.
6:6 Ang ngipin mo'y kasimputi nitong tupang bagong linis, Walang kulang kahit isa, maganda
ang pagkaparis.
6:7 Ang ganda mo'y di magawang maitago nang lubusan Nasisinag sa belo mo kagandahang
tinataglay.
6:8 Ang reyna ko'y animnapu, walumpu ang kalaguyo Bukod doo'y marami pang di mabilang na
kasuyo.
6:9 "Ngunit ang tangi kong mahal ay isang-isa lamang. Kalapati ang katulad ng taglay
niyang kagandahan Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal, Kaya siya'y mahal nito
nang higit sa kaninuman. 'Tunay na s'ya ay mapalad,' may dalagang nagsasabi Mga reyna't
kalaguyo sa kanya ay pumupuri. "
6:10 '"Sino itong sa tingin ko ay tila bukang-liwayway, Kasing ganda niyong buwan, kasing
ningning nitong araw?' "
6:11 Yaong hardin ng almendro ay akin nang pinuntahan Upang tingnan sa lambakin, bagong
sipot na halaman. Pati yaong mga ubas, baka ibig nang magbunga At saka ang mga puno nitong
kahoy na granada.
6:12 Kay laki ng pananabik na ikaw ay makatalik Katulad ko'y mandirigma, labanan ang
siyang nais. (p k Mga Babaekend
6:13 Magsayaw ka, magsayaw ka, O babaing Sulamita, Upang ikaw'y mapagmasdan, O dalagang
sakdal ganda. (p k Babaekend Ano't inyong ninanais na masdan ang Sulamita Na tulad ng
mananayaw sa panahon noong una?
7:1 Ang paa mong makikinis, O babaing tila reyna, Ang hugis ng iyong hita, parang likha
ng artista.
7:2 Ang pusod mo'y anong dikit, mabilog na tila kopa, Laging puno niyong alak na matamis
yaong lasa. Balakang mo'y mapang-akit, bigkis-trigo ang kapara, Ang paligid ay tulad ng
mga liryong kay gaganda.
7:3 Ang dibdib mo ay mayaman, parang usang magkakambal, Malulusog, masisigla, punung-puno
niyong buhay.
7:4 Ang leeg mo ay katulad niyong toreng yaring marmol, Mga mata'y nagniningning, parang
batis sa may Hesbon, Ilong mo ay ubod tangos, parang tore ng Libano Nakatindig,
nakabantay, sa may Lunsod ng Damasco.
7:5 Mabikas kang magdala ng ulo mong pagkaganda, Ang buhok mong tinirintas, kasing ganda
ng purpura. Kaya naman pati hari'y nabihag mo't nahalina.
7:6 Kay ganda mo, aking mahal, kay ganda mo, aking sinta, Sa akin ay nagdudulot ng galak
at ng ligaya.
7:7 Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palma, Ang dibdib mong ubod yaman ay tulad
ng buwig niya.
7:8 Puno niya'y aakyatin upang bunga ay pitasin. Sa tingin ko ang dibdib mo'y b'wig ng
ubas ang kahambing, Hininga mo ay mabango, mansanas nga ang katuring.
7:9 Ang tamis ng iyong labi ay katulad ng inumin, Dahan-dahang tumatalab habang ito'y
sinisimsim. (p k Babaekend
7:10 Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan, Sa akin siya'y nananabik, lagi akong
inaasam.
7:11 Halika na, aking mahal, tayo na ro'n sa may parang Ang gabi ay palipasing magkasalo
sa ubasan.
7:12 At pagdating ng umaga, isa-isa nating tingnan Kung ang puno'y nagsusupling, bulaklak
ay lumilitaw, Ganoon din ang granada, tingnan natin ang bulaklak, At doon ay lasapin mo
ang pag-ibig kong matapat.
7:13 Ang bango ng m[안내]태그제한으로등록되지않습니다-ondragora ay iyo ngang masasamyo, Bungangkahoy na masarap ay naroon sa
'yong pinto Ito'y aking inihanda, inilaan ko sa iyo, At lahat ng kaaliwan, maging luma
maging bago.
8:1 Bakit kaya ikaw'y hindi naging isa kong kapatid? Inaruga ng ina ko, lumaki sa kanyang
dibdib, Upang kahit sa lansangan, kung sa iyo ay humalik Ay di tayo papansinin, pagkat
tayo'y magkapatid.
8:2 Sa bahay ng aking ina ikaw'y aking dadalhin Upang doon ituro at ipadama ang paggiliw
Dudulutan ka ng alak, ng masarap na inumin.
8:3 Sa kaliwa niyang kamay ang ulo ko'y nakaunan Habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang
kamay.
8:4 Ipangako n'yo sa akin dalaga sa Jerusalem, Ang aming paglalambingan ay di n'yo
gagambalain. ( Ang Ikaanim na Awit (p k Mga Babaek* )
8:5 Sino itong dumarating na buhat sa kaparangan Hawak-hawak pa ang kamay ng kanyang
minamahal? (p k Babaekend Sa puno ng mansanas, ikaw'y aking pinukaw Doon mismo sa lugar na
iyong sinilangan.
8:6 Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man
ay gayon. Sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.
8:7 Kahit baha ay di kaya na pigilin ang paggiliw, Buhusan man nitong tubig, di makuhang
palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin Baka pa nga ang mangyari ay
ikaw pa ang tuyain. (p k Mga Kapatid na Lalakikend
8:8 Kami ay mayro'ng kapatid, dibdib niya ay maliit, Ano kayang dapat gawin kung sa
kanya'y may mangibig?
8:9 Kung pader lang sana siya, toreng pilak ay lalagyan At kung pintuan lamang siya,
tatakpan ng tablang sedar. (p k Babaekend
8:10 Ako'y isang batong muog, dibdib ko'y siyang tore Sa piling ng aking mahal ay panatag
ang sarili. (p k Mangingibigkend
8:11 May ubasan si Solomon sa dako ng Baal-hamon Mga taong tumitingin, magsasakang
tagaroon Buwis nila'y libong pilak, bawat isa taun-taon.
8:12 Kung si Haring Solomon ay mayroong libong pilak At ang mga magsasaka'y may
dalawandaang hawak Ako naman ay mayroong taniman ng mga ubasan.
8:13 Bawat isang kasama ko'y malaon nang nananabik, Na magmula ro'n sa hardin, ang tinig
mo ay marinig. (p k Babaekend
8:14 Halika aking sinta, madali ka aking mahal, Tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan na
punung-puno ng mababangong halaman.
|