|
18. Job
1:1 ( Sinubok ni Satanas si Job ) May isang lalaking Job ang pangalan at nakatira sa lupain ng Uz. Mabuti siyang tao. Malinis ang kanyang pamumuhay. May takot siya sa Diyos at hindi gumagawa ng masama.
1:2 Pito ang anak niyang lalaki at tatlo ang babae.
1:3 Marami siyang alila at siya ang pinakamayaman sa buong silangan. Ang tupa niya ay 7,000; 3,000 ang kamelyo; 1,000 ang baka; at 500 ang inahing asno.
1:4 Ang mga anak niyang lalaki ay hali-haliling naghahanda sa kani-kanilang bahay at tuwina'y inaanyayahan nila ang mga kapatid nilang babae.
1:5 Tuwing matatapos ang alinmang handaan, maagang nagbabangon si Job kinabukasan upang ipaghandog ang kanyang mga anak sa pagbabaka-sakaling lihim na nilalapastangan ng mga ito ang Diyos.
1:6 Dumating ang panahon na ang mga anghel{ a} ng Diyos ay humarap kay Yahweh, at kasama si Satanas.
1:7 "Tinanong ito ni Yahweh, 'Ano ang gawain mo ngayon?' 'Nagpaparoo't parito sa lahat ng sulok ng daigdig,' sagot ni Satanas. "
1:8 '"Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?' tanong uli ni Yahweh. 'Wala siyang katulad sa daigdig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya'y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama,' dugtong pa ni Yahweh. "
1:9 "Sumagot si Satanas, 'Si Job kaya ay matatakot sa iyo nang walang dahilan?"
1:10 Bakit nga hindi siya matatakot sa iyo gayong pinagpala mo siya? Iniingatan mo pati ang kanyang sambahayan at ari-arian.
1:11 "Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.' "
1:12 "Sinabi ni Yahweh kay Satanas, 'O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lamang siyang sasaktan.' At si Satanas ay umalis sa harapan ni Yahweh. ( Nalipol ang mga Anak ni Job at Naubos ang Kanyang Kayamanan )"
1:13 Isang araw, ang mga anak ni Job ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng pinakamatanda sa magkakapatid.
1:14 "Di kaginsa-ginsa, humahangos na dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, 'Kasalukuyan po naming ipinag-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno,"
1:15 "nang may dumating na mga Sabeo. Kinuha po nila ang mga baka at asno. Pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lamang po ang nakatakas.' "
1:16 "Hindi pa ito nakatatapos sa pagbabalita nang may dumating pang isa. Sinabi naman nito kay Job, 'Ang mga tupa at mga pastol ay tinamaan po ng kidlat at namatay na lahat; ako lamang po ang nakaligtas.' "
1:17 "Umuugong pa halos ang salita nito'y may dumating na naman. Ang sabi, 'Sinalakay po kami ng tatlong pangkat ng mga Caldeo. Kinuha nila ang lahat ng kamelyo at pinatay ang mga pastol. Ako lamang po ang nakatakas.' "
1:18 "Hindi pa siya halos nakatatapos magsalita, may dumating pang isa at ang sabi, 'Habang ang mga anak ninyo ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng pinakamatanda nilang kapatid,"
1:19 "hinampas ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po silang lahat at namatay. Ako lamang po ang natirang buhay.' "
1:20 Tumindig si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya sa lupa at nagpuri sa Diyos.
1:21 "Ang sabi niya: 'Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina, hubad din akong babalik sa alabok. Si Yahweh ang nagbibigay, siya rin ang kukuha. Purihin si Yahweh!'"
1:22 Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job; hindi niya sinisi si Yahweh.
2:1 ( Sinubok Uli ni Satanas si Job ) Muling humarap kay Yahweh ang mga anghel,{ a} kasama si Satanas.
2:2 "Tinanong ito ni Yahweh, 'Saan ka nanggaling?' Sumagot si Satanas, 'Nagparoo't parito sa buong daigdig.' "
2:3 '"Nasubok mo na ba ang lingkod kong si Job?' tanong ni Yahweh. 'Walang tutulad sa kanya sa daigdig: malinis ang pamumuhay, mabuting tao, may takot sa akin, at di gumagawa ng masama. Ipinapinsala ko na siya sa iyo nang walang dahilan, gayunma'y nanatiling tapat sa akin,' sabi pa. "
2:4 "Sumagot si Satanas, 'Anumang bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay."
2:5 "Subukin mong galawin ang kanyang katawan kung di ka niya sumpain.' "
2:6 "Sinabi ni Yahweh, 'Kung gayon, ikaw na ang bahala sa kanya, huwag mo lamang siyang papatayin.' "
2:7 Umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh. Pinuntahan niya si Job at pinagsugat niya ang buong katawan nito mula ulo hanggang talampakan.
2:8 Nang magkagayon, si Job ay naupo sa tabi ng basurahan at kinukuskos niya ng bibinga ng palayok ang kanyang mga sugat.
2:9 "Sinabi ng kanyang asawa, 'Hindi ka pa ba magbabago? Sumpain mo na ang Diyos nang mamatay ka na!' "
2:10 "Ang sagot ni Job, 'Hindi mo nalalaman ang iyong sinasabi. Kaginhawahan lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos at hindi pati kahirapan?' Sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi rin nagkasala si Job, kahit sa salita. ( Dinalaw si Job ng Kanyang mga Kaibigan )"
2:11 Ang kalagayan ni Job ay nabalitaan ng tatlo niyang kaibigang sina Elifaz na Temanita, Bildad na Suhita, at Zofar na Naamatita. Nag-usap silang tatlo upang dalawin si Job.
2:12 Malayo pa sila'y nakita na nila si Job ngunit hindi nila ito nakilala. Nang makilala nila ito, buong pagkahabag silang napaiyak. Pinunit nila ang kanilang kasuutan at nagbuhos ng abo sa ulo.
2:13 Nakiumpok sila kay Job nang pitong araw at pitong gabi. Ngunit di sila kumibo kaunti man pagkat nakita nila ang malaking hirap na tinitiis nito.
3:1 ( Ang mga Daing ni Job ) Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.
3:2 Ito ang kanyang sinabi:
3:3 '"Hindi na sana ako ipinanganak At sana'y hindi ipinaglihi. "
3:4 Nabalot sana ng kadiliman ang araw na yaon, O Diyos, Huwag nang alalahanin, sana'y lubos nang malimot.
3:5 Nanatili sana ito sa lambong ng kadiliman, Nabalot ng ulap, hindi sinikatan ng araw.
3:6 Sana'y nalagas ito sa tangkay ng panahon, At hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.
3:7 Ang gabing yao'y ibilang sa wala,
3:8 Sumpain ito ng mga salamangkero Na nakapagpapabait ng mga dambuhala.
3:9 Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga, Sana ang gabi'y hindi na naging umaga.
3:10 Sumpain ang araw ng aking pagsilang Na naghatid sa akin ng ganitong kahirapan.
3:11 '"Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, O kaya, noong ako ay isilang niya? "
3:12 Bakit kaya ako ay ipinaghele pa, Inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya?
3:13 Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, Mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa.
3:14 Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw, Na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan.
3:15 Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak Ng ginto at nakatipon ng maraming pilak,
3:16 O tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak.
3:17 Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan, At ang mga taong pagal ay nagpapahingalay.
3:18 Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig, Wala ang mga sigaw at utos na mabalasik.
3:19 Ang mga aba at mga dakila ay sama-sama na roon, Wala nang alipin, wala na ring panginoon.
3:20 '"Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang? At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan? "
3:21 Kamataya'y hinahanap ngunit hindi masumpungan, Hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan.
3:22 Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
3:23 Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan? Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.
3:24 Ang kinakain ko'y hirap at tiisin, Ang aking inumi'y mga daing na di mapigil.
3:25 Pagkat ang iniwasan ko ang siyang nangyari sa akin, Ang dumating sa buhay ko'y ayaw kong sapitin.
3:26 "Hindi ako matahimik at hindi mapalagay, Di rin makatulog, kahit na sandali lang.'"
4:1 ( Ang Unang Sagutan ) Sinabi ni Elifaz na Temanita:
4:2 '"Huwag isusukal ng loob itong aking sasabihin, Di na ako makatiis, ako'y di na makapigil. "
4:3 Di iilang tao ang iyong napayuhan, Daming nangangailangan ang iyong natulungan.
4:4 Salita mo'y nagpalakas sa nanlulupaypay, Sa mahina, ang aral mo'y may dulot na katatagan.
4:5 Bakit ngayong dumaranas ng matinding kahirapan, Ay tila ka nanghihina, wari'y ibig mabuwal?
4:6 Ikaw ay matapat at may takot sa Diyos, Dapat sana'y manatiling matatag ang iyong loob.
4:7 '"Isip-isipin mo, sinong tapat ang nasawi, At sino ang matuwid na hindi niya kinandili? "
4:8 Ang nalalaman ko, yaong gumawa ng kalikuan, At naghasik ng kasamaan, ang ani ay kasawian.
4:9 Kaya naman itong Diyos sa tindi ng kagalitan, Sa bugso ng kanyang galit, silang lahat ay pinatay.
4:10 Mga taong masasama'y parang leong umuungal, Ngunit sa harapan ng Diyos, hindi sila makagalaw.
4:11 Parang leong walang makain, namamatay sila, At ang mga anak nila'y nangangalat, nawawala.
4:12 '"Minsan, ako ay may naulinig, Parang bulong na pumasok sa aking pandinig. "
4:13 Parang ako'y nanaginip sa lalim ng hatinggabi, Parang ako ay pinukaw, ginising na di mawari.
4:14 Ako ay sinakmal ng takot na matindi, Nanginginig, nangangaykay ang buo kong sarili.
4:15 Dumampi sa mukha ko ang malamig na amihan, Balahibo ko'y nangalisag, ako ay kinilabutan.
4:16 Sa wari ko'y may nakikita ako sa kadiliman, Ngunit di ko mapagsino kahit ito ay pagmasdan. Maya-maya, narinig ko ang isang tinig na marahan:
4:17 'Ang tao ba ay matuwid sa paningin ng Diyos? Sa harapan ng Maylalang, malinis ba ang kanyang loob?
4:18 Kung sa kanyang mga anghel, di lubusang nagtiwala Sapagkat ang mga ito'y may pagkukulang ding nagawa,
4:19 Paano siya magtitiwala sa taong mula sa alabok, Tulad ng gamu-gamo, ito ay marupok?
4:20 Ang tao, buhay ngayon; mamaya ay aywan ko nga, Baka bangkay nang malamig, di pa alam nitong madla.
4:21 Ang lahat ng taglay niya, mapaparam, mawawala, At siya ay mamamatay, wala pa ring pang-unawa.'
5:1 '"Dumaing ka kung ibig mo, at tingnan mo kung sasagot Kahit na ang mga anghel o sinuman sa sinukob. "
5:2 Ang pagkabalisa'y pumapatay sa mangmang, At walang kabuluhan yaong pagdaramdam.
5:3 May mga taong mangmang, maunlad ang pamumuhay, Ngunit biglang gumuho ang kanilang katatagan.
5:4 Walang matakbuhan ang kanilang mga anak, Binubugbog, hinahampas, ngunit walang nagliligtas.
5:5 Ang kanilang ani'y kinakain ng iba. Kahit nasa tinikan, inaagaw sa kanila, Ninanasa ng mga hidhid ang kayamanan nila.
5:6 Ang kahirapa'y di sa alabok mula Ni ang kapanglawa'y singaw sa lupa.
5:7 Ang tao ay tiyak na daranas ng kahirapan, Kung paanong may alipato na galing sa apuyan.
5:8 '"Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, At ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. "
5:9 Ang ginagawa niya'y di kaagad malilirip, Kababalaghang di mabilang, di maabot nitong isip.
5:10 Siya ang nagbubuhos ng ulan sa buong daigdig, Itong bukid, itong lupa, ay kanyang dinidilig.
5:11 Ang nagpapakumbaba ay kanyang itinataas, Ang mga nalulungkot dinudulutan ng galak.
5:12 Binibigo niya ang balak ng mga taong sukab, Kaya anumang gawin nila'y kabiguan yaong wakas.
5:13 Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa patibong, Pakana ng mga lilo ay di niya pinayayabong.
5:14 Lakad nila'y kadiliman sa liwanag nitong araw, Nag-aapuhap at nangangapa kahit katanghalian.
5:15 Ngunit itong ulila ay kanyang inililigtas, Tulong niya'y laging laan sa mga mahihirap.
5:16 Ang mga maralita, binibigyan ng pag-asa, Ngunit ang masasama'y pinatatahimik niya.
5:17 '"Mapalad ang taong sinasaway nitong Diyos, Pagtutuwid niya sa iyo'y huwag isama ng iyong loob. "
5:18 Pagkat ang sinugatan niya'y kanyang pinagagaling, Ang pinahirapan niya ay kanya ring inaaliw.
5:19 Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, Upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo.
5:20 Sa panahon ng taggutom, di ka n'ya babayaan, Digmaan man ang dumating ay hindi ka iiwan.
5:21 Ikaw'y kanyang ilalayo sa dilang sanga-sanga, Kahirapan ma'y danasin, di ka dapat na mangamba.
5:22 Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan, Mga halimaw sa paligid, di mo katatakutan.
5:23 Pagkat magiging kapanig mo, mga bato sa kabukiran, At magiging kaibigan ang hayop sa kaparangan.
5:24 Ang iyong sambahayan ay ligtas at panatag, Sa iyong mga kawan, isa ma'y di mababawas.
5:25 Ang lahi mo ay di mapipigil sa paglaki Tulad ng mga damo, ang supling mo ay darami.
5:26 Tatamasahin mo ang mahabang buhay, Katulad ng bungang hinog pagdating ng anihan.
5:27 "Mga ito'y siniyasat at pawang katotohanan, Kaya ito'y tanggapin mo para sa iyong kabutihan.'"
6:1 ( Sinisi ni Job ang mga Kaibigan ) Ang sagot ni Job:
6:2 '"Suliranin ko't paghihirap, kung titimbanging lahat, "
6:3 Magiging mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; Kaya huwag kayong mabigla sa aking pangungusap.
6:4 Ako'y tinadtad ng palaso ng Makapangyarihan sa lahat, Tumatagos sa laman ko ang taglay nitong kamandag, Sa akin ay ibinuhos ang parusa niyang marahas.
6:5 Iyang asno'y walang kibo kung sa damo ay sagana, At ang baka ay tahimik kung may dayaming nginunguya.
6:6 Ang pagkaing walang asin, may sarap bang idudulot? Ano ang magiging lasa ng puti nitong itlog?
6:7 Sa lahat ng iyan nawala ang aking gana, Sapagkat kung kanin ko man, pilit ko ring isusuka.
6:8 '"Bakit hindi ang ibig ko ang sa akin ay ibigay? Bakit ayaw dinggin ng Diyos itong aking karaingan? "
6:9 Higit ko pang nanaisin at aking ikagagalak Ang buhay na taglay ko ay bigyan na n'ya ng wakas.
6:10 Pag nagkagayon, ako ay matitiwasay, Sa gitna ng pagdurusa, lulundag sa katuwaan. Nalalaman kong ang Diyos ay tunay na banal, Kaya sa bawat utos niya, wala akong sinusuway,
6:11 Ang lakas ko ay ubos na, di na ako makatagal, Kung wala rin lang pag-asa ay bakit pa maghihintay?
6:12 Ang buhay ko ay di bato, hindi tanso ang aking katawan.
6:13 Ako'y wala nang magawa upang iligtas ang sarili, Ni walang mapuntahang sa akin ay kakandili.
6:14 '"Sa ganitong kalagayan, kailangan ko'y kaibigan, Tumalikod man ako o hindi sa Diyos na Maykapal. "
6:15 Ngunit kayo, masasabing di tapat na kaibigan, Parang kanal na natuyo, putik lang ang naiwan.
6:16 Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo, Pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito; Natutuyo yaong ilog, walang laman kahit ano.
6:17 (*papuloy)
6:18 Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay, At sa gitna ng disyerto ay doon na mamamatay.
6:19 Ang mga manlalakbay na taga-Seba at Tema,
6:20 Walang tubig na mainom pagkat batisan ay tuyo na.
6:21 Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo; Kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo.
6:22 Sa inyo ba kahit minsan ako ay napatulong? Kahit kailan ba'y nanghingi ako ng pansuhol?
6:23 Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo? Minsan man ba'y hiniling kong tubusin ninyo ako?
6:24 '"Sige, turan ninyo kung ako ay nagkasala, Mataman kong pakikinggan ang lahat ng ibabadya. "
6:25 Kung tama ang sasabihin agad akong sasang-ayon, Ngunit walang katuturan ang sinasabi ninyo ngayon.
6:26 Kung ang aking sinasabi, sa inyo ay walang saysay, Bakit ninyo pinupuna itong aking karaingan?
6:27 Kayong mga walang habag, pati ulila'y inaapi, Kaibigan ma'y dadayain, yumaman lang ang sarili.
6:28 Pagmasdan ninyo ako, sa mukha ko ay bakasin Kung sa aking sinabi ako'y nagsisinungaling.
6:29 Labis-labis na ang inyong kawalang katarungan, Huwag ninyo akong sumpain, ako'y nasa katwiran.
6:30 Hanggang ngayon, akala n'yo salita ko'y hindi tama, Na hindi ko mapagwari ang mabuti at masama.
7:1 ( Nagreklamo si Job ) '"Ang buhay ng tao'y sagana sa hirap, Batbat ng tiisin at lungkot na dinaranas. "
7:2 Siya'y tulad ng alipin, pahinga ang hinahangad, Para siyang manggagawa, naghihintay ng kanyang bayad.
7:3 Maraming buwan na ang lumipas, walang layon ang buhay ko, At tuwing sasapit ang gabi ay namimighati ako.
7:4 Ang gabi ay matagal, wari'y wala nang umaga, Di mapanatag sa higaan at palaging balisa.
7:5 Itong buo kong katawan ay tadtad ng mga sugat, Inuuod, kumikirot, ang nana ay di maampat.
7:6 Mga araw ng buhay ko'y mabilis na nalalagas, Pag-asa ko'y lumalabo, at matuling tumatakas.
7:7 '"O Diyos, iyong alalahaning ang buhay ko'y parang hangin, Ang ligaya ng buhay ko'y napalitan na ng lagim. "
7:8 Kaunting panahon na lang at ako ay papanaw, Di na ninyo makikita, di na ninyo mamamasdan.
7:9 Kung paanong ang ulap ay napaparam, napapalis, Pag pumanaw ang tao, di na siya magbabalik.
7:10 Hindi na siya makauuwi kailanman, At ang kanyang alaala ay ganap nang mapaparam.
7:11 Ako'y hindi mapipigil na magbuka nitong bibig, Upang aking ibulalas ang laman ng aking dibdib.
7:12 Ako ba ay alon o isang dambuhala, Upang ako ay bantayan na animo'y maninila?
7:13 Ako ay nahihiga upang ako'y mamahinga, Upang kahit na sandali ay mapawi ang balisa.
7:14 Ngunit maging sa pagtulog ako'y iyong tinatakot, Masasamang panaginip, kung minsan pa ay bangungot.
7:15 Kaya, nais ko pang ako ay sakalin at mamatay, Kaysa patuloy na mabuhay sa ganitong kalagayan.
7:16 Ako'y hirap na hirap na, ayaw ko nang mabuhay; Iwan mo na ako, wala rin lang kabuluhan.
7:17 '"Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan, Ano't binabantayan mo ang lahat ng kanyang galaw? "
7:18 Siya'y iyong sinisiyasat tuwing umaga, At sinusubok bawat saglit kung gaano ang makakaya.
7:19 Kahit saglit, ilayo mo sa akin ang iyong tingin, Nang magkapanahon akong ang laway ko ay lunukin.
7:20 Kung ako'y nagkamali, gaano ang kasalanan ko? Ikaw na nakasisiyasat sa puso ng mga tao, Bakit ba ako pa ang napag-iitingan mo?
7:21 "Bakit di pa ipatawad ang aking kasalanan, Bakit di mo patawarin ang nagawang pagkukulang, Yamang ako'y pauwi na sa huli kong hantungan? Iyo akong hahanapin ngunit di masusumpungan.'"
8:1 ( Makatarungan ang Diyos ) Ang sagot ni Bildad:
8:2 '"Hanggang kailan ka magsasalita ng ganyan, Ng salitang masasakit at walang kabuluhan? "
8:3 Bawat gawin ng Diyos ay makatarungan, At hindi niya binabaluktot ang katwiran.
8:4 Maaaring ang iyong mga anak ay nagkasala, Kaya nararapat lamang ang parusa sa kanila.
8:5 Ang marapat mong gawin, ang Diyos ay hanapin, Sa kanya'y dumulog ka at ikaw ay dumaing.
8:6 Kung ikaw ay taong tapat, matuwid at malinis, Tutulungan ka ng Diyos, sambahayan mo'y ibabalik.
8:7 Kung magkagayon, ang dati mong kayamanan Ay maliit na di hamak kaysa kanyang ibibigay.
8:8 '"Magtanung-tanong ka sa matatanda, At dili-dilihin ang taglay nilang unawa. "
8:9 Buhay natin ay maigsi, walang nalalaman, Mga anino lamang tayo sa balat ng daigdigan.
8:10 Dili-dilihin mo ang kanilang mga aral, Ang kanilang sinasabi, ulinigin at pakinggan.
8:11 '"Ang halaman sa tubigan ay di mabubuhay Kundi sa matubig at malamig na lugar. "
8:12 Kapag tubig ay nawala, ito'y unang matutuyo, Kahit na kasibulan at ang daho'y malalago.
8:13 Ganyan ang katulad ng mga taong walang Diyos, Pag-asa ay mawawala kapag ang Diyos ay nilimot.
8:14 Ang kanyang pananalig ay sindupok niyong sapot,
8:15 Kapag ito'y nasandigan, agad itong nalalagot, Katulad din ng sinulid na sa tibay ay kapos.
8:16 '"Mabilis at di mapigil ang pagdami ng masama, Parang damo sa hardin, sa halama'y sumisira. "
8:17 Ang kanilang mga ugat gumagapang sa batuhan, Bawat isa'y yumayakap sa batong makapitan.
8:18 Ngunit sa sandaling sila ay bunutin, Ganap silang nalilimot at hindi na napapansin.
8:19 Ganyan ang takbo ng may masamang pamumuhay, Pag nawala siya ngayon, may kukuha ng kanyang lugar.
8:20 '"Hindi pababayaan ng Diyos ang taong matuwid, Ngunit ang masasama, tulong niya'y di makakamit. "
8:21 Balang araw, pupuspusin ka niya ng galak, Hihiyaw ka sa tuwa, sasayaw at lulundag.
8:22 "Mga kaaway mo'y malalagay sa kahihiyan, At ang masasama sa mundo ay mapaparam.'"
9:1 ( Walang Maisagot si Job sa Diyos ) Ang sagot ni Job:
9:2 '"Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, Ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? "
9:3 Sino ang sa kanya'y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man.
9:4 Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, Sino kaya ang sa kanya ay makalalaban?
9:5 Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, Sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog.
9:6 Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig, At nauuga niya ang saligan ng daigdig.
9:7 Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan.
9:8 Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, At sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway.
9:9 "Ang 'Malaking Diper' at 'Orion' ay siya ang may lalang, Pati na ang Pleyades at mga kumpol ng bituin sa timugan. "
9:10 Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, Ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang.
9:11 Siya'y nagdaraan ngunit di ko mamalas, Siya'y hindi ko makita, bagaman at naglalakad.
9:12 Anuman ang gawin niya ay walang makahahadlang, Ni makapagtatanong, 'Bakit mo ginawa iyan?'
9:13 '"Ang poot ng Diyos, hindi maglulubag Sa mga tumulong sa dambuhalang Rahab. "
9:14 Anong aking isasagot sa kanyang katanungan?
9:15 Kahit ako walang sala, ang tangi kong magagawa'y Sa harap ng Diyos na hukom manikluhod akong tunay.
9:16 Kahit niya bayaang ako'y makapagsalita, Di ko rin natitiyak kung ako'y diringgin kaya.
9:17 Matinding hirap at tiisin ang sa aki'y ibinigay, Bagamat wala siyang masasabing dahilan.
9:18 Halos itong hininga ko ay kanyang pugtuin, Panay na kapaitan ang idinulot niya sa akin.
9:19 Walang tatalo sa kanya kung sa lakas dadaanin, Siya'y wala ring katulad sa katwiran man batakin.
9:20 Ako'y walang kasalanan at tapat na namumuhay, Ngunit bawat sabihin ko ay laban sa katauhan.
9:21 'Wala akong sala,' ang aking sinasabi, Walang halaga yaring buhay, muhi ako sa sarili.
9:22 Kaya't nasabi ko, 'Lahat ng bagay, iisa ang uuwian.' Mabuti at masama'y kanyang pinahihirapan.
9:23 Kung ang taong matuwid ay biglang namatay, Nagtatawa itong Diyos na hari ng santinakpan.
9:24 Itinulot n'yang ang daigdig ay pagharian ng masama, Tinatakpan niya ang paningin ng namamahala. Kung hindi siya ang may gawa, sino pa nga kaya?
9:25 '"Ang aking mga araw ay matuling nalalagas, Mga araw ko'y masama, panay na pahirap. "
9:26 Parang binta, sumisibat sa gitna ng tubig, Parang agila kung dumagit mula sa himpapawid.
9:27 Kung ipagwalang-bahala ko ang aking hinaing At aking ikagalak, dinaranas na tiisin,
9:28 Nangangamba ako na inyong ipalagay, Na ang kasawian ko ay bunga ng kasalanan.
9:29 Kung ako ay nagkasala di na ako maghahangad Wala na ring mangyayari kahit ako ay magsikap nang magsikap.
9:30 Anuman ang aking gawin, hindi ako malilinis,
9:31 Pagkatapos na ako ay ihagis sa putik, Pinandidirihan, walang ibig na lumapit.
9:32 Kung ang Diyos ay tao lang, siya'y aking sasagutin, Umabot man sa hukuman o saanman makarating.
9:33 Ngunit sa aming dalawa'y walang mamagitan, Upang kami'y paglapitin, iwaksi ang pag-aaway.
9:34 Sana ang pamalo ng Diyos ay ilayo na sa akin, At huwag na niya akong labis na takutin.
9:35 Aking ihahayag ang gusto kong sabihin, Pagkat aking nababatid ang sarili kong damdamin.
10:1 ( Idinaing ni Job ang Kanyang Kalagayan ) '"Ako'y nagsasawa na sa aking buhay, Sasabihin ko nang lahat, ang laman ng kalooban. "
10:2 Aking Diyos, ako sana'y huwag mo munang hatulan, Sa akin ay sabihin mo yaong aking kasalanan.
10:3 Marapat ba na ako ay agad pagmalupitan, Parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay? At ang gawain ng masama ay siyang katutuwaan?
10:4 Ang iyo bang nakikita'y tulad ng aming napapansin?
10:5 Ang iyo bang buhay ay sing-igsi ng sa amin?
10:6 Ako ay pilit mong hinahanapan ng kasamaan, Pilit akong inuusig kung ako'y may kasalanan.
10:7 Wala akong sala, ito'y iyong nalalaman, At sa aki'y walang makapagliligtas sa iyong mga kamay.
10:8 '"Ikaw ang sa akin ay lumalang At ngayo'y ikaw rin ang sa aki'y pumapatay. "
10:9 Alalahanin mong ako ay sa putik mo kinuha, Ako ba'y pupulbusin, dudurugin mong minsan pa?
10:10 Niloob mo na ako'y manggaling sa aking ama, Inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.
10:11 Nilagyan mo ng litid at ng laman pagkatapos, Sinangkapan mo ng buto at ng balat na maayos.
10:12 Ako'y binigyan mo ng buhay, at wagas na pagmamahal, At ang aking hininga ay iyong iningatan.
10:13 Ngunit ngayon ko nalaman ang tunay mong damdamin, Mayroon kang binabalak, na tila ba isang lihim.
10:14 Kapag ako'y nagkasala, iyo akong tatandaan, Upang hindi patawarin sa taglay kong kasalanan.
10:15 Kapag ako'y nagkasala, ang katumbas ay parusa, Kung gumawa ng mabuti, bahagya ma'y di mapuna. Ako'y batbat nitong hirap, kahihiya'y nadarama.
10:16 Kung ako'y magtagumpay, tutugisin mong parang leon, Gumagamit ka ng himala upang ako'y maparool.
10:17 Hindi ka nawawalan ng saksing inihaharap, Ang poot mo sa aki'y tumitindi bawat oras.
10:18 '"Bakit mo pa itinulot na ako ay isilang, Di sana'y walang mata na sa aki'y nakatunghay. "
10:19 Bago ako isinilang sana ako'y namatay na, Sa libingan na ang tuloy at nang hindi na nakita.
10:20 Ang buhay ko'y maigsi na at malapit nang pumanaw, Lubayan mo na ako, at sa aking huling araw Madama ko ang ginhawa kahit ilang saglit lamang.
10:21 Ako'y malapit nang pumanaw, hindi na magbabalik At ang aking tutunguhi'y ang madilim na daigdig.
10:22 "Doon sa lupain ng lagim at kaguluhan, Wala kahit na silahis, na sa dilim ay tatanglaw.'"
11:1 ( Ang Sabi ni Zofar Tungkol kay Job ) Sumagot si Zofar:
11:2 '"Dapat bang di tugunin, marami mong sinalita? Ang tao ba na madaldal ay lagi nang siyang tama? "
11:3 Akala mo'y di masasagot ang mga sinabi mo, At kami'y di na kikibo sa mga panunuya mo.
11:4 Ipinipilit mong tama ang iyong binabanggit At sa harap ng Diyos, ikaw ay matuwid.
11:5 Sana'y ang Diyos ang sumagot sa sinasabi mo
11:6 Upang masabi sa iyong maraming lihim ang karunungan, Na may mga bagay na di abot ng iyong isipan, At hindi niya pinapansin ang iba mong kasalanan.
11:7 '"Ang mga hiwaga ba ay iyong matatarok, O madadalumat ang kapangyarihan ng Diyos? "
11:8 Ang kadakilaan ng Diyos mataas pa sa langit, Malalim pa kaysa Sheol ang kanyang iniisip.
11:9 Malawak na di hamak sa daigdig natin, Higit pa sa kalawakan ng dagat na malalim.
11:10 Kung ikaw ay usigin niya sa harap ng hukuman, Sino kaya ang sa kanya ay maaari pang humadlang?
11:11 Pagkat nalalaman niya ang taong walang saysay, Di nalilingid sa kanya ang alinmang kasamaan.
11:12 Ang mangmang ay maaaring maging matalino Kapag napabait na ang mailap na asno.
11:13 '"Ang iyong puso, Job, sa Diyos mo ibigay, At sa kanya ay iabot ang iyong mga kamay. "
11:14 At iyong iwaksi na ang lahat ng kasalanan, Sambahayan mo'y linisin sa lahat ng kasamaan.
11:15 Pagkatapos, harapin mo ang buong daigdig, May bagong pag-asa na at wala ni ligalig.
11:16 Sa gayon, balisa mo ay malilimutan, At masasabi mong yao'y pangarap lamang.
11:17 Liliwanag ang buhay mo, magniningning na di hamak, Ang buhay mo na nagdilim ay pamuling liliwanag.
11:18 Ikaw ay mapapanatag at mapupuno ng pag-asa, Iingatan ka ng Diyos, mawawala ang balisa.
11:19 Ang takot sa kaaway ay lubusang maaalis, Marami ang patutulong at sa iyo ay lalapit.
11:20 "Ngunit sa masama, maghahari ang balisa, Walang kaligtasan kahit saan sila magpunta, Anupat kamatayan lang ang tangi nilang pag-asa.'"
12:1 ( Inilahad ni Job ang Kapangyarihan at ang Kaalaman ng Diyos ) Ang sagot ni Job:
12:2 '"Walang duda na ikaw nga ang tinig ng mga tao Ngunit itong kaalama'y papanaw na kasama mo. "
12:3 Ako ma'y may pang-unawa na tulad mo rin, Di mo masasabing higit ka kaysa akin, Lahat ng sinabi mo'y di mo maililihim.
12:4 Ako'y pinagtatawanan ngayon ng mga kaibigan Kahit ako ay matuwid at walang kasalanan, Nagtatawa sila kahit ako'y walang kapintasan.
12:5 Mabuti ngayon ang tayo mo kaya iyong kinukutya, Akong iyong hinahampas ay babagsak na sa hina.
12:6 Samantalang ang masama'y namumuhay na panatag, Bagaman at ang diyos nila ay ang taglay nilang lakas.
12:7 '"Ang ibon at mga hayop ay marunong pa sa iyo, Sa kanila ay magtanong at ikaw ay matututo. "
12:8 Subukin mo na tanungin mga bagay na nilalang, At iyong matatarok ang kanilang kaalaman.
12:9 Alam nila na ang Diyos ang sa kanila ay lumalang.
12:10 Ang Diyos ang nagpapalakad sa lahat ng bagay, Ang buhay ng bawat isa ay hawak ng kanyang kamay.
12:11 Nalalasahan ng dila ang mga pagkain, Nauulinig ng tainga ang salitang dumarating.
12:12 '"Ang mga may edad na'y may taglay na kaalaman, Makapangyarihan ang Diyos bukod pa sa karunungan. "
12:13 Ngunit likas sa Diyos ang kaalama't kapangyarihan, At bukod sa karununga'y mayroon pang kakayahan.
12:14 Walang nakabubuo sa anumang wasakin niya, Walang nakapagpapalaya sa sinumang ikulong niya.
12:15 Kapag di niya pinaulan, matutuyo ang lupain, Kapag ula'y ibinuhos, ay baha ang dumarating.
12:16 Kapangyariha'y nasa kanya kaya siya'y matagumpay, Lolokohi't manloloko'y nasa kanyang mga kamay.
12:17 Kaalaman ng mga hari ay kanyang naaalis, Pati na ang mga hukom, nasisira n'ya ang isip.
12:18 Naiaalis pati hari sa pamamahala, At ginagapos niya ng mga tanikala.
12:19 Maging mga saserdote'y naaalis sa tungkulin, Walang lakas na sa kanya'y maaari na pumigil
12:20 Mga pangunahing tao'y kanyang pinatatahimik, Talino ng matatanda'y kanya ring naaalis.
12:21 Mga pinuno'y nagagawa niyang maging hamak, Ang matitipuno'y naaalisan niya ng lakas.
12:22 Pinakamalalim na hiwaga'y kanyang inihahayag, Pusikit na kadilima'y napapalitan ng liwanag.
12:23 Ang mga bansa ay kanyang nagagawang malakas, Ngunit kung kailanga'y kanyang nawawasak.
12:24 Karunungan ng mga hari'y napawawalang kabuluhan, Sa paggawa'y nalilito't di malaman ang puntahan.
12:25 Sa dilim sila'y nangangapa, sa paglakad naliligaw, Animo ay mga lasing, sa daan ay sumusuray.
13:1 ( Ipinilit ni Job na Wala Siyang Kasalanan ) '"Ang anumang sabihin mo, pawang narinig ko na rin, "
13:2 Ang alam mo'y alam ko na, di ka hihigit sa akin.
13:3 Kausap ko'y hindi ikaw kundi ang Diyos sa Kalangitan, Sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan.
13:4 Ngunit ikaw'y taong mangmang at sinungaling, Katulad mo'y manggagamot, walang kayang magpagaling.
13:5 Ang mabuti pa sana ikaw ay manahimik, Upang hindi mahalata na ikaw ay walang isip.
13:6 Halina't iyong dinggin ang aking sasabihin, At ang aking panig ay iyong unawain.
13:7 Bakit ka ba nagsasabi ng kabulaanan? Makatutulong ba sa Diyos ang iyong kasinungalingan?
13:8 Ikaw ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Ikaw ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan?
13:9 Kung siyasatin ka ng Diyos ay ano ang makikita, Siya ba'y iyong madadayang tulad ng iba?
13:10 Tiyak na siya'y magagalit, pagwiwikaan niya ikaw, Kahit mo itago pa ang pagkamuhi mong taglay,
13:11 Sasakmalin ka ng takot pagkat s'ya'y makapangyarihan.
13:12 Ang mga salita mo'y parang abo ang katulad, Di mo kayang ipagtanggol iyang iyong binibigkas.
13:13 '"Manahimik ka na lamang at ako ay pakinggan, Kung anumang ibubunga'y huwag ka nang makialam. "
13:14 '"Nahahanda akong itaya ang aking buhay. "
13:15 Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, Maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.
13:16 Sa ganitong gagawin ko, maliligtas akong tikis, Pagkat walang masasamang sa Diyos ay makalapit.
13:17 Dinggin mong mabuti itong aking sasabihin, Itong aking ibabadya ay iyong ulinigin.
13:18 Malakas ang loob kong ilalahad ang katwiran Pagkat natitiyak kong wala akong kasalanan.
13:19 '"O Diyos, lalapit ka ba para ako'y usigin? Kung gayon, handa akong manahimik at malibing. "
13:20 May dalawang kahilingan na aking ikabubuti Kung papayagan mo'y di na ako magkukubli.
13:21 Itigil mo na ang pagpaparusa sa akin, O Diyos, At huwag mo akong patayin sa takot.
13:22 '"Magsalita ka, Panginoon, at aking sasagutin, O kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin. "
13:23 Gaano ba karami ang aking pagsuway? Ano ba ang aking nagawang kasalanan?
13:24 '"Bakit ako'y tinalikdan at ayaw mong harapin? Ako ba ay kaaway na iyong itinuturing? "
13:25 Para akong dahong tuyo, huwag mo na akong takutin, Ang kawangis ko'y ipang tinatangay ng hangin.
13:26 Kay bigat ng iyong hatol na sa aki'y iginawad, Ang sala ko noong bata'y ibinilang mo pang lahat.
13:27 Itong aking mga paa'y nilagyan pa ng pabigat, Bawat kilos tinitingnan, sinusuri pati bakas.
13:28 Ang nangyari para akong kahoy na nabubulok, Parang damit na nasisira, unti-unting nauubos.
14:1 ( Maikli ang Buhay ng Tao ) '"Ang buhay ng tao'y maikli at batbat ng hirap, "
14:2 Natutuyong parang damo, namumukadkad na parang bulaklak, Naglalahong parang bula, parang aninong lumilipas.
14:3 Ang gayon bang tao'y iyong minamasdan Upang iharap sa iyong hukuman?
14:4 Mayroon bang malinis na lilitaw mula sa taong marumi?
14:5 Sa simula pa'y may takda na ang kanyang araw, Kung gaano kahaba ang itatagal ng kanyang buhay, Nilagyan mo siya ng hanggahan, di niya ito malalampasan.
14:6 Lubayan mo na siya at iwang nag-iisa, Upang ligaya sa gitna ng hirap ay kanyang madama.
14:7 '"Pagkat ang kahoy man ay may pag-asa, Kahit na putulin, ito ay magsasanga. "
14:8 Kahit na ang ugat nito ay matanda na, At mamatay ang puno sa kinatatamnan niya,
14:9 Kapag ito ay nadilig magsusupling kapagdaka.
14:10 Ngunit ang tao, pagkamatay ay lubos na napaparam, Pagkalagot ng hininga'y mapupunta kaya saan?
14:11 '"Darating ang araw, ang ilog ay titigil sa pag-agos, At ang dagat ay matutuyong lubos. "
14:12 Ngunit, ang tao kapag namatay Ay di na magbabangon hangga't may kalangitan.
14:13 Ibig ko pang malibing na nang buhay Hanggang sa ang poot mo'y mapawing lubusan, Bago mo gunitain ang aking kalagayan.
14:14 Kung mamatay ang tao, siya kaya'y mabubuhay? Ngunit sa ganang akin, ako'y maghihintay, Hanggang sa ang araw ng kahirapan ay maparam.
14:15 Sa araw na yaon, kapag ikaw ay tumawag Sa abang lingkod mo, ikaw ay magagalak.
14:16 Kung magkagayon, bawat hakbang ko'y iyong babantayan, Di mo na sisilipin ang aking kasalanan.
14:17 Ang mga kasalanan ko'y iyong ipatatawad, Lahat kong kasamaa'y papawiing lahat.
14:18 '"Darating ang araw na guguho ang kabundukan, Naglalakihang bato'y malilipat ng lugar, "
14:19 Mga batong ito sa tubig ay naaagnas, Ang lupa ng daigdig sa baha ay natitibag, Gayon ang pag-asa ng tao, pag sinira at winasak.
14:20 Nilulupig mo ang tao at tuluyang ilalayo, Nagmumukhang bangkay siya sa kanyang anyo.
14:21 Anak man niya'y parangalan, hindi na niya ito alam, Hindi na rin nalalaman kung tamuhi'y kahihiyan.
14:22 "Ang kanya lang nadarama ay ang hirap ng katawan, Ang lagi ng nasa isip ay ang kanyang kalungkutan.'"
15:1 ( Pinagsabihan ni Elifaz si Job ) Ang sagot ni Elifaz:
15:2 '"Mga salita mo'y pawang kamangmangan, Ang sinasabi mo'y walang kabuluhan. "
15:3 Ang sinasabi mo'y salita ng mangmang, Di ka maipagtatanggol pagkat walang saysay.
15:4 Bakit waring ang takot mo sa Diyos ay naparam na At ibig mong hadlangan pa ang lumalapit sa kanya?
15:5 Salita mo'y nagbabadya ng taglay mong kasamaan Na nais mong ikubli pa gayong batid na ng tanan.
15:6 Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako, Salita mong binibigkas ang humatol sa iyo.
15:7 '"Akala mo ba ay ikaw ang siyang unang isinilang? Iniluwal na ba ikaw bago pa ang kaburulan? "
15:8 Ikaw ba ay kaharap sa pagpaplano ng Diyos, At ang madlang kaalaman, isip mo ba'y iyong lubos?
15:9 Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman, O ang natatalastas mong di namin nauunawaan?
15:10 Ang aming karunungan sa amin ay kaloob Ng mga matanda nang may uban na yaong buhok.
15:11 '"Inaaliw ka ng Diyos ngunit ayaw mong pansinin Ang banayad naming payo na sa puso nanggagaling. "
15:12 Bakit nagmamatigas ka, nagpipilit ang sarili? Mga mata'y nanlilisik, kapag tinitingnan kami.
15:13 Bakit baga ang galit mo'y ibinubunton sa Diyos At sa kanya iniuukol ang salitang walang taros?
15:14 '"Sino ba ang walang sala, dili kaya ay malinis? At sino ang isinilang na matuwid sa daigdig? "
15:15 Kung doon sa mga anghel, tiwala niya'y di lubusan Kahit na ang mga ito'y di masabing nagkukulang.
15:16 Gaano pa kaya ang taong nahirati sa masama, Parang laging nauuhaw sa gawaing hindi tama.
15:17 '"Makinig ka at sa iyo ay tapat kong sasabihin, Ang lahat ng nakita ko, napagmasdan ng paningin. "
15:18 Mga taong may talino ang sa akin ay nagturo, Mga bagay na totoo buhat sa kanilang mga nuno.
15:19 Sa lupain nila noo'y walang tao na umakay Upang sila ay ilayo sa paanan ng Maykapal.
15:20 '"Ang taong mapang-api at puno ng kasamaan, Ay lagi na sa ligalig habang siya'y nabubuhay. "
15:21 Lagi siyang inuusig ng sarili niyang budhi Sa panahong matahimik, lulusubin siyang lagi.
15:22 Hindi siya makatatakas sa lagim ng kamatayan Pagkat may handang tabak na sa kanya'y nag-aabang.
15:23 Mga buwitre naghihintay upang bangkay ay kainin, Ang kanyang hinaharap alam niya na madilim.
15:24 Takot yaong naghahari sa buo n'yang katauhan Parang laging hinahabol noong maykapangyarihan.
15:25 '"Ganito ang sasapitin niyong taong naghahambog At ang laging hinahamon, ang Makapangyarihang Diyos. "
15:26 Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuway At palaging yaong hawak ay baluting pananggalang,
15:27 At ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal.
15:28 Siya ay nanakop ng maraming bayan, Mga bahay na nilisan ay kanyang sinasamsam, Ngunit yao'y mawawasak pagdating ng labanan.
15:29 Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal Maging ang buhay niya'y madali ring papanaw.
15:30 Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, Siya'y matutulad sa punongkahoy na sunog Na ang bulaklak ay tinatangay ng unos.
15:31 Pagkat ang tiwala niya'y sa masama nakalagak Kaya naman ang hantungan ay malagim na wakas.
15:32 Maaga n'yang tatanggapin ang kanyang kabayaran Pagkat siya'y mamamatay sa kanyang kasibulan.
15:33 Ubas na di makahinog ang kanyang nakakatulad At bulaklak ng olibo na di makapamukadkad.
15:34 Ang masama ay papanaw walang lahing maiiwan, Masusunog yaong bahay na natayo sa suhulan.
15:35 "Ganyan ang mga taong balangkas ay kasamaan, Pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.'"
16:1 ( Idinaing ni Job ang Ginagawa sa Kanya ng Diyos ) Ang sagot naman ni Job:
16:2 '"Ang lahat ng iyan ay akin nang napakinggan Ngunit lalong nakabigat sa halip na makagaan. "
16:3 Di ka na ba magsasawa sa iyong kasasalita? Ibig mo bang palitawing ikaw na lang yaong tama?
16:4 '"Akin ding masasabi ang lahat ng tinuran mo Kapag ikaw ang inabot ng lagay kong ito. Matatambakan din kita ng maraming payo May kibit na ng balikat, may iling pa nitong ulo. "
16:5 Ngunit ang sasabihin ko'y pampalakas lang ng loob, Ang idudulot sa iyo'y pawang kaaliwang lubos.
16:6 '"Kung ako ay magsalita hirap ko'y di maaalis Kung magsawalang-kibo ako'y naroon din ang tinitiis. "
16:7 Pinanlupaypay ng Diyos ang aba kong katauhan At nilipol pa nga niya pati aking sambahayan.
16:8 Nakadikit na sa buto at kulubot ang aking balat, Larawan ng mga hirap na aking dinaranas; Ako raw ay nagkasala, ang sabi-sabi ng lahat.
16:9 Dahil sa matinding poot n'ya sa akin Halos ako'y kanyang pagputul-putulin; Mga mata'y nanlilisik, kung sa akin ay itingin, Sa tindi ng kanyang poot, nagliliyab mandin.
16:10 Sa laki ng galit nila, mga tao'y nanggigigil; Sa aki'y nakapaligid, pagsampal ay walang tigil.
16:11 Ipinaubaya na ako ng Diyos sa masasama, Ibinigay sa mga taong walang habag, walang awa.
16:12 Sa aking pananahimik, ako'y kanyang sinambilat. Ipinaghampasang ubos-lakas, leeg ko ang kanyang hawak.
16:13 Ang pagtudla ng palaso, walang tigil, walang likat, Kaya buong katawan ko ay tadtad ng mga sugat. Gayunman, sa akin, ang Diyos ay hindi nahabag.
16:14 Pahirap na ginagawa sa akin ay walang patlang, Tulad niya'y mandirigmang nagagalit sa kaaway.
16:15 '"Kasuutan ko ay luksa nang dahil sa kahirapan, Nakagulong ako sa alabok, sa gitna ng lansangan. "
16:16 Mapula na ang mata ko sa pagluhang walang lubay, Mugtung-mugto at halos ay mawala na ang pananaw.
16:17 Bagamat wala akong masamang nagagawa, Panalangin ko ay tapat, walang halong pandaraya.
16:18 '"Lupa, huwag mong tabunan ang kasamaang ginawa sa 'kin At yaong katarunga'y huwag bayaang masiil! "
16:19 Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, Na siyang magsasabing ako'y tunay na mabuti.
16:20 Dito ako'y hinahamak nitong mga kaibigan Sa Diyos ko idudulog itong aking katayuan.
16:21 '"Mayro'n sanang makaisip na ako ay idalangin, Tulad noong dapat gawin ng kaibigan kong tambing. "
16:22 "Pagkat ilang taon na lang itong aking itatagal, Ako'y ihahatid na roon sa huli kong hantungan. 'Gulung-gulo ang isip ko, nabibilang na ang araw;"
17:1 Sa akin ay naghihintay ang pintuan ng libingan.
17:2 Nasa kabi-kabila ang sa aki'y kumukutya, Waring ako'y ibig nilang paasahin sa wala.
17:3 Diyos ko, ako'y tapat, walang pagkakasala; Ikaw lang ang pag-asa kong magpapatunay sa kanila.
17:4 Isip nila'y sinarhan mo upang di makaunawa; Laban sa akin, huwag pagtagumpayin kanilang nasa.
17:5 Pagkat siyang naglililo sa sariling kaibigan, Parusa ay ilalapat sa mahal niya sa buhay.
17:6 Ako ngayo'y siya na lang laging paksa ng usapan, Tampulan pa ng paglibak, laging pinagtatawanan.
17:7 Sa tindi ng kalungkutan, paningin ko'y nagdidilim; Dati, ako ay malusog, ngayo'y isa nang patpatin.
17:8 Nagulat pa silang lahat na nagkukunwang mga tapat; Sa katayuan ko ngayon, humahatol silang lahat.
17:9 Kaya ang mga matuwid ay lalong naniniwala At lalo pang nagtumibay na sila nga ang tama.
17:10 Ngunit silang lahat, humarap man sa akin Wala akong mapipili na may dunong na angkin.
17:11 '"Ako'y wala nang pag-asa, araw ko ay lumilipas Mga balak ko sa buhay, sa wala rin napasadlak. "
17:12 Sabi nila, ang gabi sa buhay ko'y siyang araw, Ipinipilit pang liwanag itong kadiliman.
17:13 Ang libingan ko ang tahanang naghihintay Doon ako malilibing sa dilim na walang hanggan.
17:14 Kung ang kamatayan ko ang tiyak kong uuwian At ang mga uod ang sa aki'y naghihintay.
17:15 Ang pag-asa ko kaya ay saan matatagpuan?
17:16 "Ito ba'y madadala ko sa aking libingan, Doon sa alabok na patutunguhan?'"
18:1 ( Inilarawan ni Bildad ang Wakas ng Masama ) Sumagot si Bildad:
18:2 '"Kay rami naman ng iyong idinaldal, Bakit di ka tumahimik at kami ay pakinggan? "
18:3 Bakit itinuring mo kaming parang mga hayop, Walang isip, walang bait, at mangmang na lubos?
18:4 Dahil sa galit mo, sa sarili ang nananaig, Iniisip mong ang tao'y alisin sa daigdig At ang mga bundok ay ibago ng panig?
18:5 '"Ang ilaw ng masasama'y tiyak na papatayin Aalisan ng liwanag upang hindi na magningning. "
18:6 Ang liwanag niyang taglay, papalitan ng karimlan Sa sandaling ang ningas ng ilaw niya ay mamatay.
18:7 Ang matatag niyang hakbang ngayon naman ay mabuway, Pagbagsak n'ya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.
18:8 Di niya namamalayang sa bitag s'ya pupunta.
18:9 Kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.
18:10 Isang silo ang sa kanya'y inihanda, iniumang Ang bitag ay nakahanda sa kanyang daraanan.
18:11 '"Saanman s'ya sumuling, kaakibat niya'y takot; Waring siya'y hinahabol kahit saan pa sumuot. "
18:12 Dati siyang mariwasa ngunit ngayon ay hikahos, Sa kanya ang naghihintay ay tiisi't pagdarahop.
18:13 Siya ngayon ay may sakit na halos ay ikamatay, Katawan niya'y nauubos, unti-unting naluluray.
18:14 Dati, siya ay panatag, ngayo'y takot ang kaakbay; Siya ngayon ay kaladkad sa kay Haring Kamatayan.
18:15 May iba nang nakatira doon sa dati niyang bahay, Nang mabomba na ng gamot at malinis nang lubusan.
18:16 Ang kanya ngang mga ugat ay namatay at natuyot At ang kanyang mga sanga ay nalanta at nabulok.
18:17 Lahat niyang karangalan ay napawi nang lubusan; Kahit bakas ay wala na, pangalan niya ay naparam.
18:18 At mula nga sa liwanag, inihulog sa karimlan, Itinapon, inialis, dito sa sandaigdigan.
18:19 Isang anak man o apo ay wala siyang naiwan, Walang-wala ngang natira sa kanyang sambahayan.
18:20 Ang lahat ng makarinig sa sinapit niyang kasawian Ay pawang nanghilakbot, lahat sila'y natilihan.
18:21 "Ganyan ang sasapitin noong taong walang Diyos; Ang buhay ng masasama ay ganyan ang maaabot.'"
19:1 ( Naniniwala si Job na Pawawalang-sala Siya ng Diyos ) Ang sagot ni Job:
19:2 '"Sa pagdaragdag sa tiisin at hirap kong tinataglay, Kayo ba'y di na nagsawa, ako ba'y di n'yo titigilan? "
19:3 Ulit-ulit na ako ay pinagsasabihan At wala kayong pakundangan na ilagay sa kahihiyan.
19:4 Ipalagay nating ako'y nagkamali, nagkasala; 1 Ako ang s'yang mananagot, hindi kayo, hindi iba.
19:5 Inaakala ninyong kayo'y mas mabuti kaysa akin, Ang akala ninyo ako'y higit na salarin; Ang batayan ninyo ay ang taglay kong tiisin.
19:6 Dapat ninyong malamang ang may gawa nito'y ang Diyos Inumangan niya ako ng bitag sa palibot.
19:7 Akong ito ay tumutol sa ganitong karahasan; Humingi ng katarungan ngunit hindi pinakinggan.
19:8 Hinarangan ang landas ko, hindi ako makaraan; Binalot ng kadiliman ang landas kong lalakaran.
19:9 Itong aking karangala'y inalis n'ya at tinanggal, Inalis din ang putong ko pati aking kayamanan.
19:10 Sa magkabi-kabila, ako'y kanyang hinahampas, Parang kahoy na binunot at iniwang nakabagsak.
19:11 Galit niya ay matindi, ang poot ay nag-aalab; Sa akin ang turing niya ay kaaway, isang sukab.
19:12 Ang hukbo n'ya ay tinipon at ako ay kinubkob, Sa labas ng tahanan ko, may mga kawal sa palibot.
19:13 '"Mga kapatid ko'y lumayo, sa akin ay humiwalay; Mga dating kakilala, isa-isang nag-alisan. "
19:14 Pati aking kamag-anak, akong ito ay iniwan; Lahat sila ay wala na, pati mga kaibigan.
19:15 Di na ako makilala ng sa aki'y nanuluyan; At sa mga alila ko, ako'y taga-ibang bayan.
19:16 Ang utos ko sa alila'y hindi na rin pinapansin, Kahit ako makiusap, ayaw pa rin akong sundin.
19:17 Pati na ang asawa ko sa akin ay nandidiri; Mga kapatid ko na sa laman, ayaw akong makatabi.
19:18 Sa akin ay kumukutya pati mga batang paslit, Kapag ako ay nakita, hinahamak, nilalait.
19:19 Kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam, At lumayo na sa akin pati aking minamahal.
19:20 Nakalitaw na ngang lahat itong aking mga buto Hawak na ni kamatayan itong hibla ng buhay ko.
19:21 Aking mga kaibigan, ako'y inyong kahabagan; At sa galit nitong Diyos, ako'y kanyang ibinuwal.
19:22 Bakit ako inuusig, waring kayo itong Diyos? Di ba kayo magsasawang pahirapan akong lubos?
19:23 '"Sana ang sinabi ko'y maitala't maisulat At ito ay magawang isang buong aklat. "
19:24 At sa bato'y maiukit itong mga salita ko Upang sa habang panaho'y mabasa ng mga tao.
19:25 Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas Na sa aki'y magtatanggol pagdating noong wakas.
19:26 Pagkatapos na maluray itong aking buong balat, Ang Diyos ko'y mamamalas kahit laman ay maagnas.
19:27 Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang makikita Ng sariling mga mata at di ng sinumang iba. Ang puso ko'y nananabik na mamasdan ko na siya.
19:28 '"Kung ako ay patuloy at lagi ninyong uusigin Pagkat iniisip ninyong ang sala ay nasa akin, "
19:29 "Kayo sana ay mag-ingat sa tulis ng aking tabak, Pagkat bunga nitong poot ay parusang walang puknat. Saka ninyo malalamang may huhukom nga sa wakas.'"
20:1 ( Inilarawan ni Zofar ang Bahagi ng Masama ) Sinabi ni Zofar:
20:2 '"May isang bagay mandin na pumasok sa isipan Kaya ako'y napilitang makihalo sa usapan. "
20:3 May narinig yata ako na sa akin ay paghamak Kaya heto ang tugon ko, akin ngayong ihahayag.
20:4 '"Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula Nang ang tao ay ilagay sa ibabaw nitong lupa, "
20:5 Na dito'y di mamamalagi ang taong masasama?
20:6 Kahit hanggang langit siya ay tumaas At ang kanyang ulo'y sumuko sa ulap.
20:7 Tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam; Ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman.
20:8 Siya'y parang panaginip, maglalaho sa karimlan, Para siyang pangitain, hinahabol, di abutan.
20:9 Di na siya makikita ng dating kasama niya; At sa dating tirahan anino man ay wala na.
20:10 Sasama sa mahihirap yaong kanyang mga anak; Kayamanang hinuthot ibabalik niyang lahat.
20:11 Ang lakas at ang sigla niya na dati ay tinataglay, Kasama n'yang malilibing sa alabok na hantungan.
20:12 Ang lasa sa kasamaan ay tulad ng matamis, Ninanamnam sa dila n'ya, samantalang nasa bibig.
20:13 Itong kanyang kasamaan ay hindi n'ya maiwan; Anong sarap na pagkain, kaya't ayaw nang bitiwan.
20:14 Ngunit ito nang lunukin, dumaan sa lalamunan, Wala itong kasimpait, lason lang ang kabagay.
20:15 Kayamanang kinamkam n'ya, kanya ngayong isusuka; Palalabasin nga ng Diyos mula sa sikmura niya.
20:16 Ang lunukin ng masama ay katulad ng kamandag Na sa kanya ay papatay, parang tuklaw noong ahas.
20:17 Ang mga ilog at batis na dinadaluyan Ng pulot-pukyutan at gatas ay di niya mamamasdan.
20:18 Di rin n'ya pakikinabangan ang pinaghirapan; Iluluwa niyang lahat ang kanyang kayamanan,
20:19 Pagkat itong mahihirap, siniil n'ya at ginipit; Sinamsam ang mga bahay na di siya ang nagtindig.
20:20 '"Pagkat kanyang pagkagahaman ay walang kasiyahan. "
20:21 Wala siyang itinira, lahat-lahat ay kinuha, Kaya't lahat ng yaman niya'y mawawala sa kanya.
20:22 Sa kanyang kasaganaan, darating ang kagipitan At siya ay dadagsaan ng matinding kahirapan.
20:23 Sa kanya ay igagawad ang parusa nitong Diyos! Siyang pinakapagkain n'ya, sa kanya ay ibubuhos.
20:24 Kung siya ma'y makaligtas sa tabak na yaring bakal, Ang palaso namang tanso ang sa kanya'y magbubuwal.
20:25 Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok; Kung makita niya ito, manginginig s'ya sa takot.
20:26 Pusikit na kadiliman ang sa kanya'y naghihintay; Masusunog s'ya sa apoy na may ningas habang araw. Wala ring malalabi sa kanyang sambahayan.
20:27 Ang langit at ang lupa man, sa sama niya'y naghahayag Dahil doon sa parusang sa kanya ay inilapat.
20:28 Ang lahat sa bahay n'ya'y para-parang iaalis Kung ibuhos na ng Diyos ang matindi niyang galit.
20:29 '"Ganoon ang mapapala ng lahat ng masasama, Siyang pasya nitong Diyos, sa kanila'y itinakda.'"
21:1 ( Pinatunayan ni Job na Masagana ang Buhay ng Masama ) Ang sagot ni Job:
21:2 '"Pakinggan ninyong mabuti itong aking sasabihin; Ituturing ko nang ito ang sa akin ay pang-aliw. "
21:3 Itong aking ibabadya'y inyo muna sanang dinggin, Pagkatapos na marinig, saka ako ay tuyain.
21:4 '"Di laban sa kapwa-tao itong aking hinanakit, At may sapat na dahilan, bakit hindi makatiis. "
21:5 Makinig kayong mabuti, lahat kayo'y magugulat; Baka di na makakibo't walang salitang maapuhap.
21:6 Tuwing ito'y lilimiin, ang isip ko'y nagugulo; Sa takot ay nanginginig ang buo kong pagkatao.
21:7 Bakit kaya ang masama'y nabubuhay nang matagal, Tumatanda, lumalakas, nagiging makapangyarihan?
21:8 Anak nila'y masagana, matatag ang kabuhayan, At ang buong lahi nila'y maginhawang namumuhay.
21:9 Sambahayan nila'y ligtas sa mga alalahanin; Ang pamalo noong Diyos sa kanila'y malayo rin.
21:10 Ang kanilang mga hayop, ang pagdami ay mabilis Ang inahin nilang baka'y nasa ayos kung magbuntis.
21:11 Marami ang anak nila, masayang naghahabulan, Masisiglang naglalaro, at mayroon pang sayawan.
21:12 Umaawit sa saliw ng lira at pandereta, Umiindak, nagsasayaw sa tugtugin nitong plauta.
21:13 Yaong buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan; Hindi sila naghihirap, pagharap sa kamatayan.
21:14 Sinasabi nila sa Diyos na huwag silang pakialaman; Hindi nila kailangan ang kanyang mga aral!
21:15 Sino ba ang Diyos para sambahin nila? Kung sa kanya ay maglingkod, ano raw ang makukuha?
21:16 Ang akala nila sa sarili'y nananagana, Ngunit di ako ayon sa kanilang paniwala.
21:17 '"Ilawan ba ng masama'y makailan nang pinatay? Sila ba ay dumanas kahit bahagyang kahirapan, At ang parusa ng Diyos, sa kanila'y ipinataw? "
21:18 Itinulad ba sa dayaming nililipad niyong hangin O ipang walang laman, tinatangay sa kung saan?
21:19 '"Sinasabi ninyong ang anak ay pinarusahan Dahil sa sala ng ama niyang minamahal. Bakit hindi ang magdusa ay ang may kasalanan? "
21:20 Sa gayo'y makikita nila ang kahirapang sasapitin; Sa parusa ng Diyos, sila ang pagdanasin.
21:21 Ano pa ang pakialam niya sa sambahayang maiiwan, Sa sandaling siya sa daigdig ay pumanaw?
21:22 Sino ang makapagsasabi ng nararapat gawin ng Diyos, Sa kanya na makapangyarihan sa buong sansinukob?
21:23 '"Isang tao ang namatay sa gitna ng kasaganaan, Panatag ang katayuan, maginhawa nga ang buhay. "
21:24 Katawan niya ay mabilog, larawan ng katabaan, Malangis ang balat niya, patunay ng kalusugan.
21:25 Mayroon namang ibang namatay sa kahirapan, Ni hindi nakalasap ng bahagyang kabutihan.
21:26 Ngunit sila ay parehong sa alabok nahihimlay At kapwa inuuod ang kanilang katawan.
21:27 '"Alam ko kung ano ang binabalak ninyong gawin At kung ano ang masamang iniisip n'yo sa akin. "
21:28 Tiyak na itatanong ninyo ang magagarang tahanan Ng mga taong nabubuhay sa lusak ng kasamaan.
21:29 '"Di ba ninyo naririnig sa mga manlalakbay At ang sinasabi nila'y di ba n'yo pinaniniwalaan? "
21:30 Sa panahon ng kahirapan at kasawiang-palad, Di ba't ang masama ay laging naliligtas?
21:31 Sa kanyang kasamaa'y walang nagpapamukha, Walang naniningil sa masama niyang gawa.
21:32 Kapag siya ay namatay at inihatid sa hukay, Marami nang tanod, marami pang patnubay.
21:33 Sa kanya ay matamis ang ihatid sa libingan Dahil sa malabis na sa kanya ay parangal.
21:34 '"Ngunit kayo! Salita ay walang kabuluhan, Pagkat lahat ng sinabi ninyo'y pawang kasinungalingan!'"
22:1 ( Ang Bintang ni Elifaz kay Job ) Ang sagot ni Elifaz:
22:2 '"Ang tao ba'y may maitutulong sa Manlilikha, Kahit marunong siya o kaya ay dakila? "
22:3 Sa Diyos ba'y may halaga kung ikaw ay matuwid, May pakinabang ba siya kung ikaw man ay malinis?
22:4 Di dahil sa mabuti ka, kaya ka niya sinasaway; Ang parusa niya sa iyo'y di dahil sa kabutihan.
22:5 Napakalaki ng iyong kasamaan, walang kapantay, Kaya ikaw ay kanyang pinarurusahan.
22:6 Mga kababayan mo'y iyong hinuhubaran Bilang sangla sa kanilang mga utang.
22:7 Di mo binigyan ng inumin ang mga nauuhaw; Ang mga nagugutom, pinagkaitan ng tinapay.
22:8 Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam; Ang pinipili mo pa'y yaong pinakamainam.
22:9 Mga babaing balo'y iyong ipinagtatabuyan, Ang mga ulila'y isinasadlak sa kawawang kalagayan.
22:10 Kaya naman sa landas mo, ang patibong ay nagkalat At ito ang sa iyo'y magdudulot nga ng sindak.
22:11 Mata mo'y nadirimlan kaya di ka makakita Kaya't tubig nitong baha ay natatabunan ka.
22:12 '"Ang Diyos ay naroon sa kalangitan At ang mga tala ay pinanununghan. "
22:13 Gayunma'y sabi mo, 'Diyos ay walang nalalaman Kaya hindi makahatol mula sa langit na luklukan.'
22:14 Pagkat siya'y nasa likod ng makapal na ulap, Kaya naman akala mo'y di ka niya mamamalas.
22:15 '"Tingnan mo na lang ang daang nilakaran ng masama; Tutularan mo ba iyon pati ng kanilang gawa? "
22:16 Silang lahat ay pumanaw nang wala sa panahon; Nang tangayin niyong agos, nangasira ang pundasyon.
22:17 Sila yaong mga taong sa Diyos ay tumalikod, Paniwala'y walang buting idudulot itong Diyos.
22:18 Samantalang ang lahat na sa kanila'y ibinigay, Kaya ang dahilan nila ay hindi ko mawatasan.
22:19 Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalak Kapag nakita nilang ang masama'y napahamak.
22:20 Sabi nila: 'Ang mga kaaway nati'y bumagsak, At nilamon pa ng apoy ari-ariang di nawasak.'
22:21 '"Pahinuhod ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya; Ang buhay mo'y sasagana at magiging maginhawa. "
22:22 Iyong dinggin at namnamin kanyang mga pangungusap, Sa isip mo at damdami'y itanim na lahat-lahat.
22:23 Manumbalik ka sa Diyos, ikaw ay magpakumbaba, At layuan mo nang lubos ang lahat ng masasama.
22:24 Ang lahat mong kayamanan ay ituring na alabok At ang ginto mong mahusay ay itapon na sa ilog.
22:25 Ang ituring mong yaman ay ang Makapangyarihan, At itulad din sa pilak na mahalagang kayamanan.
22:26 Kung ito'y magawa mo, malalapit ka sa Diyos; Nakataas ang noo mo at may lakas ka ng loob.
22:27 Ang iyong dalangin ay kanya nang diringgin, At ang naging panata mo'y iyo namang tutuparin.
22:28 Lagi kang magtatagumpay sa iyong adhikain At magiging maningning ang iyong landasin.
22:29 Ang mga palalo'y ibinabagsak nga ng Diyos Ngunit iniingatan yaong may mababang-loob.
22:30 "Kanyang inililigtas ang mga walang sala Kung malinis ang kamay mo ay ililigtas ka niya.'"
23:1 ( Nais ni Job na Iharap sa Diyos ang Kanyang Kalagayan ) Ang sagot naman ni Job:
23:2 '"Hanggang ngayon masama pa itong aking nasa loob, Pagkat napakabigat ang parusa sa akin ng Diyos. "
23:3 Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan, Siya'y aking hahanapin, aking pupuntahan.
23:4 Idudulog ko sa kanya ang aking kalagayan At aking ilalahad ang mga katwiran.
23:5 Ibig kong marinig ang kanyang sasabihin Nang aking malaman ang kanyang gagawin.
23:6 Kapangyarihan n'ya kaya'y pairalin? Hindi! Ang gayon, sa aki'y di niya gagawin.
23:7 Ako ay matuwid na haharap sa kanya Upang patunayang wala akong sala.
23:8 '"Sa dakong silangan, hindi siya matagpuan; Wala rin siya sa gawing kanluran. "
23:9 Di ko rin makita sa dakong hilagaan, Sa bandang timog, wala ni bakas man.
23:10 Ngunit batid ng Diyos ang aking bawat hakbang; Kahit na subukin n'ya, ako'y parang gintong lantay.
23:11 Pagkat tinalunton ko ang kanyang tuntunin, At sa ibang landas, hindi ako bumaling.
23:12 Ako'y hindi lumalabag sa Kautusan ng Diyos, At ang kanyang kalooban ang aking sinusunod.
23:13 '"Walang makababago sa kanyang adhika Ang iniisip niya ay siyang ginagawa. "
23:14 Ang pinasimulan niya sa 'kin ay lulubusin, Ang marami niyang balak ay kanyang gagawin.
23:15 Kaya ako'y natatakot humarap sa kanya; Maisip ko lamang, ako ay takot na.
23:16 Pinapanghihina ng Diyos itong aking loob, Sa makapangyarihan, malaki ang aking takot.
23:17 Sapagkat kadiliman ang nasa aking palibot Lambong ng dilim sa mukha ko ay bumalot.
24:1 ( Idinaing ni Job ang Ginagawa ng Masama ) '"Bakit di pa itakda ng Diyos ang kanyang paghuhukom Upang masaksihan ng mga matuwid ang kanyang paghatol? "
24:2 '"Binabago ng masama ang hangganan ng lupain, Nagnanakaw ng mga hayop at kanilang inaangkin. "
24:3 Tinatangay nila yaong mga asno ng ulila Kinakamkam sa mga biyuda alaga nilang mga baka.
24:4 Ang mahirap ay itinataboy sa gitna ng lansangan, Kaya ito'y nagtatago nang dahil sa katakutan.
24:5 Ang mahirap ay natulad sa mga asnong ilap Na ang hinahalughog ay yaong mga gubat, Sa paghanap ng pagkain ng kanilang mga anak.
24:6 Nabubuhay tuloy sila sa ani ng bukid na di kanila, Tirang ubas ng masama ang kanilang kinukuha.
24:7 Ang katawan nilang yayat ay walang-walang balot; Kahit gabi ay malamig, wala man lang silang saplot.
24:8 Sa kabundukan sila'y nababasa nitong ulan; Siwang sa kabatuhan ang tangi nilang kanlungan.
24:9 '"Inaalipin ng masama ang mga ulila; Mga anak ng may utang ay kanilang kinukuha. "
24:10 Ang mahirap kung naglalakad ay lagi nang nakahubad; Dumaranas ng gutom habang sila'y gumagapas.
24:11 Sila yaong kumakatas ng ubas at olibo, Ngunit hindi makatikim ng alak na buhat dito.
24:12 Sa loob nitong lunsod, ang pagdaing ay laganap, Ngunit ayaw dinggin ng Diyos, kahit sila naghihirap.
24:13 '"May mga taong nagtatakwil sa liwanag; Di nila ito maunawa ni ayaw ritong lumantad. "
24:14 Kapag madaling-araw na, naglalakad ang papatay, At ang mahihirap ang kanyang pinapaslang; Pagka naman gumabi na, siya ay nagnanakaw.
24:15 Ang nangangalunya'y naghihintay na dumilim, At pilit na nagtatago upang walang makapansin.
24:16 Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw, At sila ay nagtatago pag sikat na yaong araw.
24:17 "Pagkat sa liwanag sila'y pawang natatakot, Ngunit pag madilim na'y panatag na yaong loob.' "
24:18 "Sinabi mo: 'Ang masama'y parang yagit sa ibabaw ng tubig, Sinumpa ang kanilang pook na narito sa daigdig; Sa ubasan nila'y ni walang mangahas lumapit. "
24:19 Kung paanong ang yelo ay nawawala pag mainit, Gayon din ang masama, nawawala sa daigdig.
24:20 Siya'y nalilimot kahit ng ina n'yang nagsilang; Alaala sa kanya ay napaparam nang lubusan.
24:21 Mangyari, ang babaing walang anak ay kanyang hinamak, Masama ang pakitungo niya sa biyudang walang anak.
24:22 Winawasak nitong Diyos ang buhay ng malalakas; Kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas.
24:23 Sila'y tinutulungan niya, sa panatag inilalagay. Ngunit sa lahat ng sandali, kanyang binabantayan.
24:24 Umuunlad ang masama saka biglang napaparam, Natutuyo ring kagaya ng bulaklak ng halaman, Parang bungkos ng pananim na binunot sa taniman.
24:25 "Sino ang makatututol sa lahat kong sinasabi? Sa mga inilahad ko ay sino nga ang tatanggi?'"
25:1 ( Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos ) Ito ang sagot ni Bildad:
25:2 '"Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang katakutan; Naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan. "
25:3 Ang mga lingkod niyang anghel ay hindi mabibilang, At wala nang hihigit pa sa kanyang kaningningan.
25:4 Masasabi ba ng tao na siya nga ay matuwid Gayong walang isinilang na sa daigdig ay malinis?
25:5 Sa paningin nitong Diyos, ang buwan ma'y walang ningning, At kabilang na marumi pati ang mga bituin.
25:6 "Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod, May halaga kaya siya sa paningin nitong Diyos?'"
26:1 ( Inihayag ni Job ang Kapangyarihan ng Diyos ) Ang sagot ni Job:
26:2 '"Yaon palang mahina ay iyong natulungan, At doon sa walang lakas, saklolo ay ibinigay. "
26:3 Ang walang muwang ay iyo bang naturuan At nabahaginan mo kaya ng wastong kaalaman?
26:4 Sa palagay mo'y sino ang makikinig sa iyo? At kaninong espiritu ang sinasabi mo?
26:5 '"Sa takot ay nanginginig maging yaong kalaliman, Ganoon din itong dagat at ang doo'y nananahan. "
26:6 Lantad sa mata ng Diyos ang daigdig ng mga patay; Walang maikukubli sa kanyang pananaw.
26:7 Ang langit sa hilaga'y iniladlad na mahusay; Ibinitin ang daigdig sa gitna ng kalawakan.
26:8 Ang tubig ay tinitipon sa balumbon ng mga ulap, Pinipigil niya ito kahit na anong bigat.
26:9 Ang buwang kabiluga'y magagawa n'yang magdilim Kapag ang mukha nito'y tinakpan ng panginorin.
26:10 Itong lupa at ang langit nilagyan n'ya ng tagpuan, Ang dilim at liwanag, tinakdaan ng hanggahan.
26:11 Mga tukod nitong langit ay nanginginig sa takot, Nauuga, nayayanig kapag tinangnan ng Diyos.
26:12 Sa kanyang kapangyarihan, napatatahimik ang dagat; Sa kanyang karunungan, nagapi ang dambuhalang si Rahab.
26:13 Sa pamamagitan ng hininga niya'y umaaliwalas ang langit, Pinuksa ng kamay n'ya ang dambuhalang tumalilis.
26:14 "Maliit na bahagi lang ito ng kanyang kapangyarihan Na hindi pa rin natin maunawa nang lubusan. Sino kaya ang tatarok sa tunay niyang lakas?'"
27:1 ( Ipinaliwanag ni Job ang Bahagi ng Masama ) Ang sagot ni Job:
27:2 '"Dinig ng Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan, Ng Makapangyarihan, dulot sa aki'y kapaitan. "
27:3 Habang ako'y nabubuhay
27:4 Sa labi ko'y di namutawi yaong kasinungalingan, Ang aking sasabihin ay pawang katapatan.
27:5 Hindi ko matatanggap na kayo ang may katwiran Igigiit kong ako ay walang kasalanan.
27:6 Ipaglalaban ko itong aking karapatan, Malinis ang aking budhi, walang dungis kaunti man.
27:7 '"Nawa ang lahat ng sa akin ay lumalaban Siyang parusahan, tulad ng makasalanan. "
27:8 Ang makasalana'y wala nang pag-asa Kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya.
27:9 Dinggin kaya ng Diyos ang kanyang panawagan, Kapag siya'y sumapit sa hirap at kaguluhan?
27:10 Siya kaya ay manalig sa Makapangyarihan At humibik sa kanya sa lahat ng araw?
27:11 '"Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin At aking ihahayag ang ibig niyang gawin. "
27:12 "Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman Gayunman, salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.' Ang sagot ni Zofar: "
27:13 '"Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos Sa mararahas ay itong ganting iaabot: "
27:14 Magkakaanak sila ng marami ngunit papatayin sa tabak At daranas ng gutom ang kanilang mga anak.
27:15 Ang buhay na matitira, salot naman ang papatay, Ang kanilang mga balo, hindi sila tatangisan.
27:16 Kahit siya makatipon ng malaking kayamanan O kaya ay magkaroon ng maraming kasuutan,
27:17 Isa man sa mga yao'y di niya pakikinabangan Mapupunta sa matuwid ang lahat n'yang kayamanan.
27:18 Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay. O para lamang silungan noong mga bantay.
27:19 Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang Pagkat ari-arian niya ay hindi na magigisnan.
27:20 Kasawiang sunud-sunod ang sa kanya ay daratal Tatangayin ng ipu-ipo sa gitna ng kadiliman.
27:21 Matinding hangin sa silangan ang sa kanya ay tatangay, Mawawala tuloy siya at di na matatagpuan.
27:22 Patuloy s'yang babayuhin nang walang pakundangan, Hindi s'ya makatatakas kahit na gustuhin man.
27:23 Sa kanyang mga kamay siya hahawakan Kahit ano ang mangyari ay hindi bibitiwan.
28:1 ( Papuri sa Karunungan ) '"May lugar kung saan ang pilak ay madudulang At dako kung saan ang ginto'y dinadalisay. "
28:2 Sa lupa naman ang bakal ay nahuhukay At ang tanso'y makukuha sa batong nilulusaw.
28:3 Ang dilim sa kalalima'y sinaliksik ng tao Sa kalaliman ng lupa, hanap nila yaong bato.
28:4 Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan Na hindi pa naaabot ng alinmang manlalakbay. Nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan.
28:5 Sa ibabaw ay may tanim, halamang namumunga, Samantalang sa ilalim patuloy ang pagmimina.
28:6 At doon ay nasa bato ang mamahaling safiro Na kahalo ng alabok yaong ginto ng minero.
28:7 Kalalimang di na abot noong ibong mandaragit, Ng matalas mang agila ay hindi na nasisilip
28:8 Hindi ito nayapakan kahit hayop na mabangis. Hindi rin nadaanan niyong leon kahit saglit.
28:9 '"Hinuhukay pa ng tao yaong batong matitigas, Pati loob noong bundok ay kanilang tinitibag. "
28:10 Ang kalalima'y unti-unting binubutas, Upang batong mamahalin ay kanila ngang matuklas.
28:11 At kanilang sinasarhan bawat lugar na may tagas, Ang makitang kayamana'y iniaahon sa liwanag.
28:12 Ngunit itong kaalaman, saan kaya madudulang? At yaon ngang unawa'y saan masusumpungan?
28:13 '"Ang landas ng kaalaman ay hindi matatagpuan Pagkat ang halaga nito'y hindi nila nalalaman. "
28:14 Ang sabi ng kalaliman: 'Wala sa 'kin ang kaalaman.' Ganito rin yaong badya nitong buong karagatan.
28:15 Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, Hindi ito matatamo palitan man nitong pilak.
28:16 Kahit ginto o alahas na mainam pa sa lahat Sa halaga ng unawa'y hindi rin maitutumbas.
28:17 Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng kaalaman, Mahalaga sa alahas o ginto mang dinalisay.
28:18 Kung halaga ang batayan higit ito kaysa koral, Ang kristal o ang perlas man dito'y di maiaagapay.
28:19 Kahit na ang topasyo pa dito'y di maipapantay At hindi rin mahihigtan kahit gintong dalisay.
28:20 '"Kung gayon nga, kaalama'y saan kaya nagbubuhat Saan kaya galing ito at paano matutuklas? "
28:21 Kaalama'y nakukubli sa paningin ng nilalang Maging yaong mga ibon, wala silang nalalaman.
28:22 Kahit na ang maninira, kahit na ang kamatayan, Wala silang katiyakan, natanggap ay balita lang.
28:23 '"Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakaaalam Kung saan nga naroroon ang tunay na karunungan. "
28:24 Pagkat abot-tanaw niya bawat panig ng daigdig. Nakikita niya lahat ang ibaba nitong langit.
28:25 Ang hangin ay kanyang binigyan ng lakas. Hinati ang tubig sa kanya-kanyang sukat.
28:26 Itinakda kung saan papatak yaong ulan, At pati na yaong kidlat, tinakdaan n'ya ng daan.
28:27 Dito niya tiningnan at sinubok ang kaalaman Kanya yaong itinatag dahil sa kahalagahan.
28:28 '"At sinabi niya sa tao: 'Matakot ka kay Yahweh't magtatamong kaalaman. Magiging matalino ka kung ang sama'y lalayuan.''"
29:1 ( Sinariwa ni Job ang Maliligaya Niyang Araw ) Nagpatuloy si Job sa pagsasalita:
29:2 '"Kung maibabalik ko lang yaong mga unang araw Noong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay. "
29:3 Nang ang liwanag niya sa aki'y pumapatnubay Sa paglakad ko sa dilim, siya ang sa aki'y tanglaw.
29:4 Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay, Iniingatan ng Diyos ang buo kong sambahayan.
29:5 Noon, ang Diyos sa akin ay nakamasid, anong lapit, At ang aking mga anak lagi sa aking paligid.
29:6 Masagana yaong gatas mula sa aking kawan Lumalago ang olibo kahit na sa kabatuhan.
29:7 Sa pagtungo ko noon sa pook ng kapulungan Upang makipagpulong sa matatanda ng bayan,
29:8 Makita lang nila ako, tayuan ang kabataan Yaon namang matatanda sa akin ay nagpupugay.
29:9 Ito namang mga puno'y titigil na ng usapan Hindi sila makakibo, ang bibig ay tinatakpan.
29:10 Pati mga maharlika'y nauumid at tahimik Hindi sila makakibo ni hindi nga makaimik.
29:11 '"Silang lahat ay sang-ayon basta ako ay marinig At lahat ng makakita ay agad na pumapanig. "
29:12 Pag lumapit yaong dukha, tinutulungan ko kaagad Ang ulila't walang-wala ay akin ding nililingap.
29:13 Pinupuri ako niyong dumanas ng kasawian Natulungang mga balo tuwa'y hindi magkamayaw.
29:14 Ang lagi kong sinisikap ang katwiran ay umiral.
29:15 Yaong bulag, mga pilay ay akin ngang natulungan.
29:16 Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap, Kahit di ko kilala ay aking nililingap.
29:17 Ang lakas ng masasama ay akin ding sinisira Mga taong bihag nila'y sinisikap mapalaya.
29:18 '"Matatag ang pag-asa kong hahaba ang aking buhay At di ako maghihirap sa oras ng kamatayan. "
29:19 Katulad ko'y punongkahoy na sagana sa patubig Pati na ang mga dahon ay palaging nadidilig.
29:20 Akala ko'y di kukupas yaong aking katanyagan Ganoon din naman itong taglay na kapangyarihan.
29:21 Sa mga payo ko sila'y nananabik At buong taimtim silang nakikinig.
29:22 Anuman ang sabihin ko sa isip ay natatanim, Agad itong nakukuha, di na dapat pang ulitin.
29:23 Sa anumang sasabihin lagi silang naghihintay Salita ko'y wari bagang ulan sa tag-araw.
29:24 At ang aking mga ngiti'y pampalakas-loob nila Sa saya ng aking mukha sila'y pawang nahahawa.
29:25 Parang hari nitong hukbo na s'yang laging nagpapasiya Umaaliw sa may hapis, katulad ng isang ama.
30:1 ( Idinaing ni Job ang Kanyang Kalagayan ) '"Ngayon ako'y tinutuya ng mga bata kaysa akin, Sila ang mga anak ng mga taong di ko pansin. Ni hindi ko itinulot, di ko sila pinayagang Sumama sa mga asong nagbantay sa aking kawan. "
30:2 Matipuno nilang bisig ay hindi ko maasahan Ngayong itong lakas nila ay wala na at naparam.
30:3 Sa tindi ng gutom nila'y napipilitang kumain Noong tuyong mga ugat ng halaman sa bukirin at mga dakong ilang, sa gitna ng dilim.
30:4 Nangunguha sila noong usbong ng halaman sa dawagan At ugat ng mga tambo ang panlaman nila sa tiyan.
30:5 Ang mga taong ito'y itinakwil ng lipunan At ang turing sa kanila'y mga taong magnanakaw.
30:6 Mga bangi't mga kanal ang kanilang tinitirhan Ang iba nama'y yungib, at ang iba'y sa batuhan.
30:7 Ungol nila'y naririnig mula roon sa dawagan Sila'y nagyayakap-yakap sa gitna ng katinikan.
30:8 Sila'y parang mga yagit, mga walang kabuluhan Pagkat mula sa lupain, sila'y ipinagtatabuyan.
30:9 '"Ngayo'y ako ang kanilang binabalingan Siyang laging binibiro at paksa ng usapan. "
30:10 Iniiwasan nila ako at kanilang kinukutya At maging sa harapan ay kanilang tinutuya.
30:11 Inalis ng Diyos ang lakas ko't kakayahan Ako'y kanyang inilagay sa kawawang kalagayan.
30:12 Dinaluhong nila ako nang walang pakundangan Kinubkob kabi-kabila at ni walang matakasan.
30:13 Pilit akong sinusukol upang ako'y pahirapan Sa ginagawa nila'y wala man lang na humadlang.
30:14 Isang muog na gumuho ang wangis ng aking buhay Sinalakay nila ako at kanilang dinagsaan.
30:15 Ang buo kong pagkatao ay sinaklot niyong takot Karangalan ko'y naglaho parang bulang nagsiputok At ang yamang natitipon parang ulap na sumabog.
30:16 '"Halos ay mapugto ang aking hininga Dahil sa hirap ko na walang kapara. "
30:17 Sa buong magdamag, katawan ko ay masakit Ginhawa'y di madama kahit na lang isang saglit.
30:18 Dinaklot ni Yahweh ang damit kong suot Anupat sa katawan ko ito ay pumulupot.
30:19 Pagkatapos noon, ako'y inihagis Lumubog sa putik, parang isang yagit.
30:20 '"Dumaing ako sa Diyos ngunit di niya dininig Hindi niya pansin ang dalangin ko at hibik. "
30:21 Bakit ako'y iyong pinagmamalupitan Sa aki'y inuubos iyong kapangyarihan?
30:22 Bakit binayaang ang buhay kong angkin Ay bayuhin ng bagyo at malakas na hangin?
30:23 Alam kong isasadlak mo ako sa kamatayan, Ang hantungan ng lahat ng iyong nilalang.
30:24 Ngunit bakit akong ito'y waring ayaw pang lubayan Gayong ako'y lupaypay na at wala nang kakayahan?
30:25 Di ba ako ay dumamay sa nangangailangan, At nagmalasakit din sa mahihirap ang buhay?
30:26 Yaong ligaya at galak siyang inaasam-asam Subalit ang nasumpunga'y tiisin at kahirapan.
30:27 Kahirapa't madlang sakit ang kayakap ko sa buhay At waring di maaalis, tila hindi mapaparam.
30:28 Ang landas ko ay madilim at walang kapanatagan; Ako'y nagmamakaawa sa lahat kong kababayan.
30:29 Ang tinig ko'y namamaos, walang sigla, walang buhay, Parang boses ng uwak, parang unga ng kalabaw.
30:30 Ang balat ko'y nangingitim dahil sa sikat ng araw, Inaapoy pa ng lagnat itong buo kong katawan.
30:31 Matatamis na awitin ang dati kong naririnig Ngayon ito ay panaghoy, panambitan at panangis.
31:1 ( Ipinilit ni Job ang Kanyang Katapatan ) '"Ako ay nangako sa aking sarili Di pagnanasaan sinumang babae. "
31:2 Anong ginagawa ng Diyos sa atin? Anong ganti niya sa ating gawain?
31:3 Sa madlang masama'y mga kasawian, At pinararanas ng hirap sa buhay.
31:4 Di lingid sa kanya ang lahat kong gawa, Anumang hakbang ko'y di maikakaila.
31:5 '"Anumang masama'y di ako gumawa, At kahit na isa ay walang dinaya. "
31:6 Ako sana'y timbangin sa maayos na timbangan Nang makita ng Diyos itong aking katapatan.
31:7 Kung ako lang ay lumihis sa landas ng katwiran, Dili kaya ay naakit gumawa ng kalikuan O kahit na bahagya'y natukso ng kasamaan,
31:8 Di bale nang magpagal at iba ang makinabang, At bunga ng itinanim ay di man lamang matikman.
31:9 '"Kung ako ay naakit ng ibang kagandahan, O sa dilim ng gabi, kahit minsan ay nag-abang, "
31:10 Ay di baling asawa ko'y sa iba magsilbi, At pagpasasaan ng ibang lalaki.
31:11 Ang pakikiapid ay kasamaang walang kapantay, Na nararapat hatulan ayon sa Kautusan.
31:12 Pagkat yao'y mapanuksong apoy na di mamamatay, At siya ang tutupok sa buo kong kabuhayan.
31:13 '"Kung sana'y inapi ko sinuman sa 'king utusan, Dahil doo'y naghain sila ng karaingan. "
31:14 Di ako kikibo ako ma'y parusahan, Siyasatin man ako'y walang tugong ibibigay.
31:15 Pagkat ang Diyos na sa akin ay lumalang Ay siya ring lumikha sa aking utusan.
31:16 '"Di ako nagkait ng tulong kailanman, Sa babaing balo at nangangailangan. "
31:17 Di ko tinitiis ang mga ulila, Kapag ako'y kumain, kakain din sila.
31:18 Sa buong buhay ko sila'y tinulungan.
31:19 '"Ang makita kong walang damit pagkat walang maibili, "
31:20 Ay binibigyan ko ng damit na lana Buong puso naman ang pasalamat nila.
31:21 '"Kung ang mga walang sala'y pinagbuhatan ko ng kamay, Pagkat iniisip kong may kasabwat ako sa hukuman, "
31:22 Ay mabuti pang mga paypay ko ay tanggalin, At mga braso ko'y pagbali-baliin.
31:23 Pagkat nangingilabot ako sa parusa ng Diyos, Di ako gagawa ng masama dahil nga sa takot.
31:24 '"Kung ako ay umasa sa aking kayamanan, At ako ay nanalig sa ari-arian. "
31:25 Kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang O nagpalalo dahil sa yamang kinakamal;
31:26 Kung naakit akong sumamba sa araw O kaya naman ay dito sa buwan,
31:27 Kung ako'y nabihag kahit lihim man lang, O nagpugay kaya sa sarili kong kamay,
31:28 Ay nagkasala nga ako at dapat na hatulan, Pagkat sa aking Diyos, ako'y nagbulaan.
31:29 '"Hindi ko ikinatuwa ang pagdurusa ng kaaway, Ni hindi ko ninais ang kanilang kapahamakan. "
31:30 Kahit minsa'y di ko idinalangin na sila'y mamatay.
31:31 Mapatutunayan ng aking mga kasamahan, Mabuti ang tanggap ko sa taga-ibang bayan;
31:32 Pinatutuloy ko sila sa aking tahanan, At di binabayaang matulog sa lansangan.
31:33 Mayroong nagkakaila sa kanilang mga sala, Ang sa aki'y tinatanggap, may lakip pang pagtitika.
31:34 Ang sasabihin ng iba'y di ko inalintana, Di ako nanahimik ni nagtago sa balana, Hindi ako natakot na alipustain nila.
31:35 '"Paniwalaan sana ang aking sinasabi, Pagkat ito ay totoo, pawang walang pasubali, Diyos na rin ang makapagsasabi Kung ang bintang ng kaaway ay isa-isang isusulat, "
31:36 Ito'y akin ngang kukunin at akin pang ikukuwintas, Upang ang mga iyon ay makita ng lahat.
31:37 Sasabihin ko sa Diyos ang lahat ng ginawa ko, Wala akong ililihim o itatago kahit ano.
31:38 '"Kung ang lupa kong binubungkal ay inagaw sa iba Kahit ayaw ng may-ari'y sapilitan kong kinuha. "
31:39 O kung sa ani rito ako'y nagpasasa Kahit na ang may-ari makain man ay wala.
31:40 "Kung gayon ay bayaang damo't dawag ang tumubo, Sa halip na sebada o trigo ang pumuno.' Dito nagwakas ang mga pangungusap ni Job."
32:1 ( Ang Salita ni Eliu ) Hindi na kumibo ang tatlong kausap ni Job pagkat ipinipilit nitong wala siyang kasalanan,
32:2 at sinisisi pa ang Diyos. Dahil dito, hindi na nakapagpigil si Eliu na anak ni Barakel, apo ni Bus at buhat sa angkan ni Ram.
32:3 Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job pagkat hindi nila pinabulaanan ang sinabi nito. Dahil doon, lumitaw ngang ang Diyos pa ang may kasalanan.
32:4 Pinakabata si Eliu sa mga naroon kaya hinintay niyang makapagsalita ang lahat.
32:5 Nagalit nga siya nang hindi na kumibo ang tatlo
32:6 "kaya sinabi niya: 'Bata ako kaysa inyo at bantulot magsalita. "
32:7 Palagay ko'y nararapat na kayo ang mangusap, Ang alam ninyong matatanda ay inyo ngang ilahad.
32:8 Ngunit ang karunungan ay saan nagbubuhat? Di ba sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat?
32:9 Hindi pala lahat ng matanda'y may pang-unawa, Hindi ngayo't may edad na'y alam na ang tama.
32:10 Kayo ngayon ay makinig sa aking sasabihin, Itong aking ibabadya ay sandali ninyong dinggin.
32:11 '"Mataman kong pinakinggan ang inyong pagbabadya, Sa pag-asang makapulot ng salitang magaganda. "
32:12 Ngunit sa aking narinig, ako'y tunay na nalungkot, Hindi ninyo natutulan ang sinabi nitong si Job.
32:13 Nahan ngayon yaong inyong sinasabing karunungan? Sa sinabi nitong si Job ay Diyos ang magpabulaan.
32:14 Kayo ang kausap nitong lalaking si Job, Kaya iba sa ginawa n'yo itong aking isasagot.
32:15 '"Job, hindi sila makakibo at wala nang masabi, "
32:16 Sila ay natitigilan, hindi makapagsalita, Mananatili kaya akong naghihintay sa wala?
32:17 Hindi! Aking sasagutin ang lahat mong tinuran, Sasabihin ko sa iyo ang laman ng aking isipan.
32:18 Di na ako makapigil na sa iyo'y di sabihin, Nagpipiglas ang loob kong ibulalas ang damdamin.
32:19 Kapag ang nasa loob ko ay hindi naibulalas, Ang dibdib ko ay puputok, laman nito'y sasambulat.
32:20 Hindi na nga maaari na ako ay maghintay pa Di na ako makatiis kaya ako'y nangusap na.
32:21 Sa inyong usapan ay wala akong papanigan, Ang sinuman sa inyo ay hindi ko papupurihan.
32:22 Ang labis na papuri ay hindi ko ugali Pag ito'y ginawa ko, parurusahan akong dagli.
33:1 ( Pinagsabihan ni Eliu si Job ) '"At ngayon, Job, sarili mo ay ihanda, Makinig kang mabuti sa aking ibabadya. "
33:2 Ang laman ng isipan ay aking sasabihin.
33:3 Lahat ng ilalahad ay puspos ng katapatan, Lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan.
33:4 Dahil sa Espiritu ng Diyos ako'y naging ako, Nagkaroon ng buhay, tumanda nang ganito.
33:5 '"Kung kaya mo ay sagutin itong aking sasabihin. "
33:6 Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin, Tayo'y kapwa alabok lang nang kanyang lalangin.
33:7 Kaya sa aki'y wala kang dapat na ipangamba, Huwag mong isiping ikaw'y aking makakaya.
33:8 '"Ganito ang narinig ko na iyong sinabi: "
33:9 'Wala akong kasalanan ni nagawang kasamaan, Di ako gumawa ng mali, kaunti mang pagkukulang.
33:10 Nagdahilan lamang ang Diyos upang ako'y parusahan, Akong ito ay ituring at ibilang na kaaway.
33:11 Ako'y kanya pang ginapos, Binabantayan bawat kilos.'
33:12 '"Ngunit sinasabi kong maling-mali ka, Job, Sapagkat sa sinumang tao'y higit itong Diyos. "
33:13 Bakit ang Diyos ay pinagbibintangang Di marunong makinig sa daing ng sinuman?
33:14 Magsalita man siya sa iba't ibang paraan, Walang makikinig sa kanyang isasaysay.
33:15 Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain, Sa kalaliman ng gabi, pag ang tao ay mahimbing.
33:16 Ipinauunawa niya ang kanyang saloobin, Pinaghahari niya ang takot sa kanilang damdamin.
33:17 Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilin Sa paggawa ng masama at sa pagmamagaling.
33:18 Hindi nais ng Diyos na sila'y mapahamak, Mula sa kamatayan, sila'y kanyang ililigtas.
33:19 '"Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit Upang sa pamamagitan ng kirot siya ay maituwid. "
33:20 Ang taong maysakit ay walang panlasa, Masarap man ang pagkain ay wala ring gana.
33:21 Siya'y namamayat, parang buto't balat.
33:22 Waring naghihintay ng oras, ng kanyang pahimakas.
33:23 '"O baka siya'y tulungan ng isa sa libong anghel, Na nagpapaalaala sa tao ng kanyang mga tungkulin. "
33:24 Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, Ay magsabi ng ganito: 'Siya ay pawalan, Hindi siya dapat humantong sa libingan, Narito ang bayad ng kanyang kalayaan.'
33:25 Siya ay gagaling, muling lalakas; Magmumukhang bata, masiglang lalakad.
33:26 Ang kanyang dalangi'y diringgin ng Diyos, Ang pagsamba niya sa puso ay taos, Muli siyang ilalagay sa katayuang namumukod.
33:27 Sasabihin niya sa madla: 'Sa Diyos ako'y nagkasala, Walang matuwid na nagawa gayunma'y pinatawad niya.'
33:28 Hindi pa itinulot na siya'y mamatay, Magpahanggang ngayon siya'y nabubuhay.
33:29 Hindi miminsang ginawa ng Diyos
33:30 Na iligtas ang tao sa pagkakalugmok, At ang buhay nito'y puspusin ng lugod.
33:31 '"Job, tumahimik ka at pakinggan nang mabuti Dinggin at unawain itong aking sinasabi. "
33:32 Kung mayroon ka namang ibig na sabihin, Huwag mag-atubili't aking diringgin, At kung may katwiran ka'y aking tatanggapin.
33:33 "Kung wala naman, makinig ka na lang, Ikaw ay manahimik, ikaw'y aking tuturuan.'"
34:1 ( Ipinagtanggol ni Eliu ang Diyos ) Sinabi pa ni Eliu:
34:2 '"Makinig kayo, matatalinong tao, Itong sinasabi ko ay pakinggan ninyo. "
34:3 Kung masarap ang pagkain, nasasabi pag natikman, Bakit di n'yo maunawa pangungusap na mainam?
34:4 Ating talakayin ito ngang usapin, Kung sino ang tama ay ating alamin.
34:5 Ayon dito kay Job ay wala siyang sala, At itong katarunga'y ikinakait daw sa kanya.
34:6 Kahit daw siya matuwid ay ayaw paniwalaan, Ipinipilit niyang siya'y walang kasalanan, Gayunma'y sinugatang halos ikamatay.
34:7 '"May nakita na ba kayong tulad nitong si Job? Kaunti man ay wala siyang paggalang sa Diyos. "
34:8 Panay na masama ang kanyang kasamahan, Nakikihalubilo sa mga makasalanan.
34:9 Sinabi niya na walang mabuting idudulot Ang paglakad at pagsunod sa nais ng Diyos.
34:10 '"Ako'y dinggin n'yo, at inyong sagutin, Ang Diyos ba'y mabubuyo sa gawaing linsil? "
34:11 Ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa gawa, Iginagawad sa kanila ay yaon lamang akma.
34:12 Ang dakilang Diyos ay di gumagawa ng masama, Wala siyang inaapi o inaalipusta.
34:13 May nagbigay ba sa Diyos ng kapangyarihan? At sinong nagtagubilin sa kanya nitong sanlibutan?
34:14 Kapag binawi ng Diyos ang hininga ng tao,
34:15 Siya'y mamamatay, sa alabok ang tungo.
34:16 '"Kung matalino kayo, ako ay pakinggan. "
34:17 Di ba makatarungan ang Diyos na banal, Bakit hinahatulan siya na parang makasalanan?
34:18 Sa mga hari ay siya ang nagpaparusa, Kung sila'y masama at walang halaga.
34:19 Siya na lumikha sa sangkatauhan, Walang itinatangi, mayaman o mahirap man.
34:20 Sa isang kisapmata, ang tao'y mamamatay, Ang hampasin ng Diyos, bigla na lamang papanaw Kahit siya malakas o makapangyarihan.
34:21 Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya,
34:22 Kahit gaano kadilim ay kanyang nakikita, Di maililihim ng tao ang taglay na sala.
34:23 Hindi kailangan ng Diyos na magtakda ng panahon, Upang sa tao ay igawad ang kanyang hatol.
34:24 Hindi na rin kailangang siya'y magsiyasat Upang mga pinuno'y alisin at palitang lahat.
34:25 Alam na alam niya ang kanilang gawain, Sila'y ihahagis sa gitna ng dilim.
34:26 Pinarurusahan ang masasama nang nakikita ng lahat,
34:27 Dahil sa pagsuway sa kanyang mga atas.
34:28 Ang mahihirap ay napipilitang dumaing sa kanya, Kaya naman sila'y dinirinig niya.
34:29 '"Kung ipasiya ng Diyos na manahimik, Mayroon pa kayang maaaring umimik? Kung kanyang talikdan ang sangnilikha, Ang tao kaya ay may magagawa? "
34:30 Walang magagawa ang alinmang bansa Upang makaiwas sa punong masasama.
34:31 '"Job, ang sala mo ba'y nasabi na sa Diyos, At nangakong lalayo na sa gawang baluktot? "
34:32 Hiniling mo na bang sa iyo'y ipaunawa Ang lahat ng iyong masasamang gawa? Nangako ka na bang titigil na nga Sa gawang di tumpak at isipang lisya?
34:33 Pagkat sa Diyos ikaw ay lumalaban, Ibibigay kaya niya ang iyong kailangan? Ikaw ang magsabi't sa ami'y isaysay, Sabihin mong lahat ang iyong nalalaman.
34:34 '"Ang taong mayroong taglay na talino, Ang makarinig sa aki'y magsasabi ng ganito: "
34:35 'Ang salita ni Job ay bunga ng kamangmangan, At lahat ng sabihin niya ay walang kabuluhan.'
34:36 Ang sinasabi niya'y isipin ninyong lubos, Masasabi rin ninyo na wala siyang Diyos.
34:37 "Paggawa ng masama'y ayaw niyang tigilan, Sa harap ng madla ang Diyos ay inuuyam.' "
35:1 Nagpatuloy pa si Eliu:
35:2 '"Ikaw, Job, ay walang anumang katwiran, Di mo masasabing wala kang kasalanan "
35:3 O sabihin sa Diyos na wala siyang pakialam, Yamang ikaw'y nagdurusa gumawa man ng kabutihan.
35:4 Ikaw'y aking tutugunin sa sinabi mong ito, Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo.
35:5 '"Tumingin ka sa itaas at igala ang paningin, At tingnan mo yaong mataas na panginorin. "
35:6 Sa kasalanan mo'y di nahahawa ang Diyos, Gaano man karami, hindi siya kasangkot.
35:7 Wala kang naitulong sa kanyang pagiging matuwid, Wala kang naibigay kahit bagay na maliit.
35:8 Kung nagkakasala ka'y nadadawit yaong iba, Sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.
35:9 '"Kapag ang tao'y inaapi, sila ay dumaraing, Sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin. "
35:10 Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos, Na nagbibigay ng pag-asa kung naghahari ay lungkot.
35:11 Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay ng karunungan, Higit sa taglay ng ibon o ng hayop man.
35:12 Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi dinirinig, Pagkat sila'y mga hambog at masasama ang hilig.
35:13 Walang kabuluhan ang kanilang pagtawag, Ang tulong ng Diyos sa kanila'y di igagawad.
35:14 '"Ikaw na rin ang nagsabing Diyos ay di mo nakikita, Maghintay ka na lang pagkat kalagayan mo'y alam niya. "
35:15 Akala mo'y hindi siya marunong magparusa, At ang kasamaa'y ipinagwawalang-bahala n'ya.
35:16 "Tumigil ka na riyan ng kasasalita Ang sinasabi mo'y wala namang diwa.'"
36:1 ( Ipinahayag ni Eliu ang Kadakilaan ng Diyos ) Sinabi pa ni Eliu:
36:2 '"Magtiyaga ka pa nang kaunti at makinig sa akin, Pagkat tungkol sa Diyos itong aking sasabihin. "
36:3 Ang lahat ng alam ko'y aking ibubuhos Upang patunayang makatarungan ang Diyos.
36:4 Lahat ng sasabihin ko ay katotohanan, Pagkat akong kausap mo'y malawak ang kaalaman.
36:5 '"Ang Diyos ay dakila at di nagtatakwil ng sinuman, At nalalaman niya ang lahat ng bagay. "
36:6 Hindi niya pinanatiling buhay ang makasalanan, Ang mahihirap ay binibigyang-katarungan.
36:7 Ang matuwid ay iniingatan, ginagawang parang hari, Binibigyang-karangalan sa lahat ng sandali.
36:8 Pag ang tao'y nagagapos o natatanikalaan O kaya'y nagdurusa sa nagawang kasalanan,
36:9 Ipinamumukha ng Diyos ang kanilang kasamaan, At ang naghaharing hambog na isipan.
36:10 Sila'y kanyang sinasaway, pinaaalalahanan, Inuutusang magsilayo sa daan ng kasamaan.
36:11 Kung sila ay makinig at sa Diyos ay sumunod, Buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot.
36:12 Kapag sila'y di nakinig at hindi rin tumalima, Buhay nila ay kukunin, kikitlin ang hininga.
36:13 '"Poot ang naghahari sa dibdib ng masama, Parusahan man ng Diyos, ayaw pa ring magmakaawa. "
36:14 Sa kanilang kasibulan sila ay pumapanaw, At sila'y namamatay sa kahiya-hiyang kalagayan.
36:15 Ang tao'y pinaghihirap ng Diyos upang bigyang-aral, At kanyang pinagdurusa upang mabuksan ang pananaw.
36:16 Inialis ka ng Diyos sa kabalisahan, Binigyan ng payapa't saganang pamumuhay.
36:17 Ngunit ngayon, ikaw'y pinarurusahan Bilang katumbas ng iyong kasamaan.
36:18 Huwag mong pabayaang suhulan ka ng sinuman, Mag-ingat ka't nang di mailigaw ng mga kayamanan.
36:19 Dumaing ka man nang dumaing ay wala ring mangyayari, Ang taglay mong kalakasan ngayo'y wala na ring silbi.
36:20 Huwag mong hilingin ang maagang pagdatal Nitong kamatayan ng lahat ng kinapal.
36:21 Huwag mong isiping ikaw'y magpakasama, Pinarurusahan ka lang upang pabutihin nga.
36:22 '"Alalahanin mong siya ang makapangyarihan, Pinakadakilang guro sa lahat ng bagay. "
36:23 Walang makapagsasabi ng dapat gawin ng Diyos, Sa kanya'y walang kasamaan na maaaring isurot.
36:24 Ang kanyang mga gawa'y pinupuri ng tanan, Magpuri ka rin sana, sila ay iyong tularan.
36:25 Ang mga gawa niya'y nakikita ng lahat, Kahuluga'y di maunawa, hindi madalumat.
36:26 Di malilirip ng tao ang kanyang kadakilaan, At ang mga taon niya'y hindi rin mabibilang.
36:27 '"Ang tubig sa lupa'y kanyang itinataas, Upang gawing ulan at sa daigdig ay ibagsak. "
36:28 Ang mga ulap ay ginagawa ng ulan, At ibinubuhos sa sangkalupaan.
36:29 Walang makauunawa sa lakad ng mga ulap, Ni makatatarok sa kulog na malalakas.
36:30 Nagliliwanag sa kidlat ang kalawakan, Ngunit nagdidilim ang pusod ng karagatan.
36:31 Hinahatulan niya ang tao sa ganyang paraan, Masaganang pagkain ay kanyang ibinibigay.
36:32 Ang kidlat ay kanyang hinahawakan, At ibinabagsak sa ibig n'yang patamaan.
36:33 Ibinababala ng kidlat ang pagdating ng bagyo, Kaya alam ng mga hayop ang pagdatal nito.
37:1 '"Balisang-balisa ako kapag bumabagyo, At hindi ko malaman ang gagawin ko. "
37:2 Pakinggan ninyo ang tinig ng Diyos Sa pamamagitan ng malalakas na kulog.
37:3 Ang kidlat ay kanyang pinaguguhit sa kalangitan, Mula sa gilid ng daigdig hanggang doon sa hangganan.
37:4 Tinig niya'y umuugong, parang dagundong ng kulog, Ang salimbayan ng kidlat ay hindi malagut-lagot.
37:5 Sa isang salita niya ang milagro'y nangyayari, Na di kayang unawain, kahit isiping mabuti.
37:6 Pinauulan niya ng yelo sa ibabaw ng daigdig, Ibinubuhos niya sa lupa ang ulang walang patid.
37:7 Ang tao ay kanyang pinipigil sa paggawa, Upang malaman nilang sila'y kanyang nilikha.
37:8 Ang maiilap na hayop ay nasa kanilang mga taguan.
37:9 Ang malalakas na hangi'y nanggagaling sa timugan, At sa hilaga nagmumula ang simoy na pagkaginaw.
37:10 Sa pag-ihip ng Diyos nabubuo itong tubig, Nabubuo at nagiging yelong ubod nang lamig.
37:11 Mula sa mga ulap, kumikislap ang mga kidlat
37:12 Na sa buong paligid, salimbayang walang likat. Ito'y bilang pagsunod sa utos ng ating Diyos, Sumusunod kahit saang panig nitong sansinukob.
37:13 Ang ulang ibinubuhos ng dakilang Diyos, Maaaring parusa o kagandahang-loob.
37:14 Tumigil ka sandali, Job, at iyong limiin, Ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing.
37:15 Alam mo ba kung paano siya nag-uutos, Alam mo ba kung paano nagpapakidlat ang Diyos?
37:16 Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang? Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay.
37:17 Hindi mo alam iyan! Nadarama mo lamang ang matinding init, Kapag ang hangin mula sa timog ay umiihip.
37:18 Ang langit ba'y mailalatag mo tulad ng ginawa niya Parang metal na makinis at walang kapara?
37:19 Ituro mo sa amin ang dapat sabihin, O Diyos, Isip nami'y walang laman, nakaguwang ang loob.
37:20 Di ko hahangarin na makipag-usap sa Diyos, Pagkat baka ako ay lalo lamang mabugbog.
37:21 '"Ngayon ang langit ay nalinis na ng hangin, At nakasisilaw ang kanyang luningning. "
37:22 May gintong silahis sa gawing hilaga, Yaon ay luningning ng Diyos na dakila.
37:23 Kay lawak ng taglay niyang kapangyarihan, Kaya walang makalapit sa kanyang kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan Sa pakikitungo sa sangkatauhan.
37:24 "Di kataka-takang siya'y igalang ng lahat, At di niya pinahahalagahan ang nagkukunwang pantas.'"
38:1 ( Ang Tugon ng Diyos kay Job ) Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job:
38:2 '"Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan. "
38:3 Tumindig ka riyan at magpakalalaki, Tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.
38:4 Ikaw ba ay tao na nang gawin ko ang mundo? Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo.
38:5 Sino ang nagpasiya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat? Iya'y di kaila sa iyo.
38:6 Sino ang may hawak ng pundasyon ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato?
38:7 Noon ay umawit ang mga tala sa umaga, At ang mga anghel{ a} ay nagdiwang at nagsaya.
38:8 '"Sino ang humarang sa agos ng dagat, Nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat? "
38:9 Ang dagat ay tinakpan ko ng makapal na ulap Kaya ang karimlan doo'y lumaganap.
38:10 Ang tubig ay aking nilagyan ng hangganan, Upang ito'y manatili sa likod ng mga harang.
38:11 Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang, Huwag nang lalampas ang along naglalakihan.
38:12 Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway?
38:13 Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw, Upang ang masasama'y mabulabog sa taguan?
38:14 Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat, Parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag.
38:15 Sa liwanag ng araw natatakot ang masama, Pagkat ang karahasa'y hindi nila magagawa.
38:16 '"Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal? Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan? "
38:17 May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan Na ang hantungan ay madilim na hukay?
38:18 Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo? Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo.
38:19 '"Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, O ang kadiliman, kung saan nagbubuhat? "
38:20 Masasabi mo ba kung saan sila dapat humangga, O sa pinanggalingan kaya'y mapababalik mo sila?
38:21 Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya, Pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay bata na.
38:22 '"Ang taguan ko ba ng niyebe ay nakikita mo O ang aking imbakan ng pauulaning yelo? "
38:23 Ito'y inihahanda ko sa pangangailangan, Sa panahon ng digma at ng kaguluhan.
38:24 Napunta ka na ba sa sikatan ng araw O sa pinagmumulan ng hanging silangan?
38:25 '"Sino nga ba ang gumawa ng daanan ng baha? Ang landasin ng kulog ay sino ang lumikha? "
38:26 Sino ang nagbibigay ng ulan sa ilang Kahit na walang taong doo'y tumatahan?
38:27 Sino ang dumidilig sa tigang na lupa Upang ito ay sibulan ng damong sariwa?
38:28 Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama?
38:29 Ang yelong malamig, mayroon bang ina?
38:30 Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas, Nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat.
38:31 '"Ang Pleyades{ b} ba'y iyong matatalian, O ang Orion kaya'y mapaghihiwalay? "
38:32 Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, O maituturo ang daan ng malaki at maliit na diper?
38:33 Alam mo ba ang tuntunin ng sangkalangitan, Ito ba'y maiaangkop mo sa sangkalupaan?
38:34 '"Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan Na sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan? "
38:35 Kung utusan mo ang kidlat na ito'y kumislap, Sumunod naman kaya sa iyong mga atas?
38:36 Sino ang nakapag-uutos sa mga panginorin, At nakapagsasabi sa ulap ng dapat nilang gawin?
38:37 Sinong makabibilang sa ulap na makapal, O makapagtataob nito upang bumuhos ang ulan
38:38 Ang ulan na pag sa alabok ay bumasa At pag ito ay natuyo, nagiging matigas na lupa.
38:39 '"Maihahanap mo ba ng pagkain ang leon Upang mapawi ang kanilang gutom, "
38:40 Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, At wari bagang pagkai'y hinihintay?
38:41 Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon Kung sila'y walang makain at nagugutom, At ingit ng inakay ay halos buhul-buhol?
39:1 '"Panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan O ang usa ay kailan magsisilang? "
39:2 Bilang mo ba ang araw ng anak niya sa tiyan, Nalalaman mo ba kung kailan ito isisilang?
39:3 Kung sila ay gumagapang sa matinding hirap, Sa pagbubukas ng bahay-bata upang isilang ang anak?
39:4 Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang At pagka malaki na ay tuluyang lumilisan.
39:5 '"Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno? Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino? "
39:6 Tirahang ibinigay ko ay yaong kaparangan, At doon sa mga dakong maalat na kapatagan.
39:7 Siya'y lumalayo sa lunsod na maingay Walang makapagpaamo kaya di mapakinabangan.
39:8 Ang daigdig niya'y ang mga kaburulan, Kanyang hinahanap ay sariwang mga bagay.
39:9 '"Ang lakas ng torong mailap iyo kayang pakinabangan, Maitali kaya siyang isang gabi sa labangan? "
39:10 Siya kaya'y maisingkaw para lakas niya'y magamit, Sa paghila niyong suyod sa gitna ng iyong bukid?
39:11 Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya? Mabibigat mong gawai'y maipagtitiwala ba sa kanya?
39:12 Umaasa ka ba na siya ay magbabalik Upang sa ani mo ay siya ang gumiik?
39:13 '"Ang pakpak ng avestrus buong gandang kumakampay, Yaon kaya'y nagbabadya kahit bahagyang pagmamahal? "
39:14 Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, Ito'y binabayaang sa lupa ay mainitan.
39:15 Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, Baka ito madapurak ng mailap na halimaw.
39:16 Sa mga inakay n'ya siya ay malupit, Hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit.
39:17 Sapagkat nitong pang-unawa siya ay di binigyan, Di siya hinatian ng talino kaunti man.
39:18 Mabilis na tumatakas kapag hinahabol siya, Walang magawa ang sinumang naghahangad sa kanya.
39:19 '"Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo, Ikaw ba ang naglagay ng magandang kiling nito? "
39:20 Ikaw ba ang nagpapalukso na parang balang, Kapag humuni ay kinatatakutan?
39:21 Gilas ay ipinamamalas sa pagkamot n'ya sa lupa, At pagtakbong ubod bilis, papalaot sa digma.
39:22 Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, Sa tabak mang nakaumang, hindi siya nanginginig.
39:23 Ang mga palaso niya'y nakasukbit sa tagiliran, Ganoon din ang diyabelin, at sibat na kumikinang.
39:24 Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, Hindi siya mapakali pag trompeta ay umugong.
39:25 Ang tunog ng trompeta'y sinasagot niya ng 'Aha'! Ang ingay ng digmaan ay dinig niya malayo pa, Pati utos ng kapitan at hiyawan ng balana.
39:26 '"Magagawa mo bang mapalipad ang lawin, At pagbuka niyong pakpak ay timog ang tutunguhin? "
39:27 Agila ba'y naturuang makalipad nang mataas, Sa taas na di maabot, gumawa ng kanyang pugad?
39:28 Pagitan ng mga bato ang tirahan niya't pugad, Doon sa mga siwang ng batong malalapad.
39:29 Ang kanyang biktima'y doon niya hinihintay, Na kahit malayo pa ay kanyang natatanaw.
39:30 "Sa kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay, At tiyak na naro'n siya kung saan mayroong bangkay.' "
40:1 Sinabi ni Yahweh kay Job:
40:2 '"Ang isa bang mamimintas ay mangangatwiran, At sa Makapangyarihan ay makikipaglaban? Sinumang nagnanais na sa Diyos ay umusig, Dapat na sumagot sa tanong ng kanyang bibig.' "
40:3 Ang sagot ni Job:
40:4 '"Narito, ako'y hamak, walang kabuluhan, Wala akong isasagot, bibig ay tatakpan. "
40:5 "Sa panig ko'y nasabi na ang lahat ng sasabihin, Ako'y di na kikibo, nasabi'y di na uulitin.' ( Ang Kapahayagan ng Kapangyarihan ng Diyos )"
40:6 Buhat sa ipu-ipo, sumagot si Yahweh:
40:7 '"Tumatag ka at humandang parang tunay na lalaki, Ikaw'y aking tatanungin, sa akin nga ay magsabi. "
40:8 Ako pa ba ang ibig mong ilagay na masama Upang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama?
40:9 Lakas mo ba ay katulad ng lakas nitong Diyos? Tinig mo ba'y umuugong na katulad ng kulog?
40:10 Balutin muna ang sarili ng kadakilaa't karangalan, Ikaw muna ay mag-angkin ng luwalhati't kaningningan.
40:11 Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot, At subukin kung kaya mong ibagsak ang hambog.
40:12 Subukin mo kung kaya mong ibagsak ang palalo, Tingnan mo kung ang masama ay iyong maigugupo.
40:13 Kung magagawa mong sila'y itago sa alabok, O maibabaon kaya sa ilalim ng sinukob,
40:14 Kung iyan ay magawa mo, maniniwala ako sa iyo Na kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo.
40:15 '"Ang dambuhalang Behemot isip-isipin mo, Isa sa mga nilikha ko dito sa mundo Ay parang baka kung kumain ng damo. "
40:16 Ang lakas niya'y natitipon sa kanyang baywang, Ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang tiyan.
40:17 Ang tigas ng buntot niya ay sedro ang kabagay, Ang kanyang mga hita'y matipuno ang laman.
40:18 Buto niya'y parang tanso na hinubog na mahusay, Ang kanyang mga braso'y katulad niyong bakal.
40:19 '"Siya ay pangunahin sa mga nilikha, Ngunit di hihigit doon sa lumikha. "
40:20 Siya'y nanginginain sa lugar ng mga bundok, Doon sa tirahan ng kapwa niya mga hayop.
40:21 Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan, Nakatago sa gitna ng mga tambo sa latian.
40:22 Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip Sa kanya ay nakaligid sa tabi nitong batis.
40:23 Kahit baha itong tubig hindi siya natatakot, Kahit tubig ay malalim banayad din kung kumilos.
40:24 Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng isang kawil, Ilong kaya ay makawit, kahit bitag ang gamitin?
42:1 ( Kinilala ni Job ang Kanyang Pagkakamali ) Ang sagot naman ni Job kay Yahweh:
42:2 '"Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, Anumang balakin mo'y walang makahahadlang. "
42:3 'Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?' Kaya ako ay humatol nang walang katuturan, Na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay.
42:4 'Ikaw ay makinig sa aking sasabihin, At iyong ibadya ang sagot mo sa akin.'
42:5 Nakilala kita sa balita lamang, Ngunit ngayo'y akin nang namasdan.
42:6 "Kaya ako'y nagsisisi nang buong taimtim, At ang sarili ko'y aking itinatakwil.' "
42:7 "Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya, 'Ang poot ko'y nag-aalab laban sa iyo at sa dalawa mong kaibigan pagkat di ninyo sinabi kay Job ang katotohanan tungkol sa akin."
42:8 "Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Isama ninyo si Job at sunugin ninyo ang mga ito bilang handog at kayo'y ipananalangin niya. Siya lamang ang pakikinggan ko para hindi na kayo singilin sa inyong kamangmangan, dahil sa di ninyo paglalahad ng buong katotohanan sa kanya.' "
42:9 Ganoon nga ang ginawa nina Elifaz, Bildad, at Zofar. At ang panalangin ni Job ay dininig ni Yahweh. ( Ibinalik ang Dating Kabuhayan ni Job )
42:10 Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. Dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.
42:11 Lahat ng kapatid nito, kamag-anak at kakilala ay dumalaw sa kanya at nagsalu-salo sila. Bawat isa'y nakiramay sa nangyari sa kanya at nagbigay ng salapi at singsing na ginto.
42:12 Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ni Yahweh. Binigyan niya ito ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 2,000 baka at 1,000 inahing asno.
42:13 Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae,
42:14 na ang mga pangala'y Jemima, Kesia, Keren-hapuc.
42:15 Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki.
42:16 Si Job ay nabuhay pa nang 140 taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi
42:17 bago siya namatay.
|