|
11. 1 Mga Hari
1:1 ( Si David nang Matanda na ) Matandang-matanda na noon si Haring David. Kahit kumutan ng makapal, giniginaw pa rin siya.
1:2 "Kaya't sinabi ng kanyang mga tagapag-alaga: 'Kung ipahihintulot po ninyo, Kamahalan, ihahanap namin kayo ng isang dalaga na dito titira at mag-aalaga sa inyo. Sa kanyang kandungan kayo hihimlay upang kayo'y bigyan ng init.'"
1:3 Naghanap nga sila sa buong Israel, at nakakita sa Sunam ng isang magandang dalaga na Abisag ang pangalan, at siya'y kanilang dinala sa hari.
1:4 Siya'y ubod ng ganda. Tumira siya sa piling ng hari at inalagaan ito. Ngunit hindi siya ginalaw ng hari. ( Binalak ni Adonias na Maging Hari )
1:5 Samantala, ipinamamalita ni Adonias na anak ni Haguit na siya ang hahaliling hari. May inihanda na siyang mga karwahe, mga mangangabayo at limampung tagatakbo sa kanyang unahan.
1:6 Minsan ma'y hindi siya pinagsabihan o sinumbatan ng hari sa ginagawa niyang iyon. Si Adonias ay kapatid na bata ni Absalom, at napakakisig ding tulad nito.
1:7 Kinausap na niya si Joab na anak ni Sarvia at ang saserdoteng si Abiatar, at nangako ang mga ito na siya'y tutulungan.
1:8 Ngunit hindi pumanig sa kanya si Saserdote Sadoc at si Propeta Natan, gayon din si Benaya na anak ni Joiada, sina Simei at Rei at ang magigiting na pansariling bantay ni David.
1:9 Naghandog si Adonias ng maraming tupa, baka at pinatabang bulo sa Bato ng Zohelete, na malapit sa En-rogel. Inanyayahan niya roon ang kanyang mga kapatid---ang mga anak ng hari---at ang mga pinuno ng hukbo mula sa lipi ni Juda.
1:10 Ngunit hindi niya inanyayahan si Propeta Natan, si Benaya at ang mga sariling bantay ng hari at ang kapatid niyang si Solomon.
1:11 "Kaya kinausap ni Natan si Bat-seba na ina ni Solomon. Wika niya, 'Hindi ba ninyo alam na lingid kay Haring David ay ipinamamalita na ni Adonias na siya ang hari?"
1:12 Ang mabuti'y ito ang inyong gawin upang maligtas kayo at ang inyong anak na si Solomon.
1:13 Pumunta agad kayo sa hari at ipaalaala sa kanya ang pangako niyang si Solomon ang maghaharing kahalili niya. Itanong ninyo kung bakit si Adonias ang naging hari.
1:14 "At samantalang nakikipag-usap kayo sa hari ay papasok ako at patutunayan ko ang inyong sinabi.' "
1:15 Pumunta nga si Bat-seba sa silid ng hari. Ito'y matandang-matanda na at si Abisag, ang dalagang Sunamita, ang may alaga sa kanya.
1:16 "Yumuko si Bat-seba at nagpatirapa sa harapan ng hari. 'Ano ang kailangan mo?' tanong ng hari. "
1:17 "Sumagot siya: 'Mahal kong hari, ipinangako ninyo sa ngalan ni Yahweh na ang anak kong si Solomon ang maghaharing kahalili ninyo."
1:18 Ngayon po, naghahari na si Adonias nang hindi ninyo nalalaman.
1:19 Nagpatay po siya ng maraming baka, tupa at pinatabang bulo. Inanyayahan po niya sa pagdiriwang na iyon ang mga anak ng hari, ang Saserdote Abiatar at si Joab, ang pinakamataas na pinuno ng hukbo. Ngunit hindi niya inanyayahan ang inyong lingkod na si Solomon.
1:20 Kaya po, mahal na hari, hinihintay ng buong bayang Israel na sabihin ninyo kung sino nga ang hahalili sa inyo bilang hari.
1:21 "At kung hindi, pagkamatay po ninyo, manganganib ang buhay ko at ng anak kong si Solomon.' "
1:22 Samantalang nakikipag-usap sa hari si Bat-seba, dumating naman ang Propeta Natan.
1:23 May nagsabi sa hari na ito'y naghihintay, kaya't kanyang ipinatawag. Lumapit ang propeta, nagpatirapa sa harapan ng hari,
1:24 "at ang wika: 'Mahal na hari, ipinahayag na po ba ninyo na si Adonias ang hahalili sa inyo?"
1:25 Ngayon po'y nasa labas siya ng lunsod at nagpapatay ng maraming baka, tupa't pinatabang bulo. Inanyayahan po niya ang mga anak ng hari, si Joab na pinakamataas na pinuno ng hukbo at ang saserdoteng si Abiatar. Naroon po sila't nagkakainan at nag-iinuman, at ang isinisigaw ay: 'Mabuhay ang Haring Adonias!'
1:26 Ngunit ang inyo pong lingkod, si Saserdote Sadoc, si Benaya na anak ni Joiada, at ang anak ninyong si Solomon, ay hindi niya inanyayahan.
1:27 "Ito po ba'y utos ng mahal na hari? Bakit po walang nagsabi sa inyong lingkod kung sino ang luluklok sa trono bilang kahalili ninyo?' "
1:28 "Nagsalita noon si Haring David: 'Tawagin ninyo si Bat-seba.' Paglapit ni Bat-seba"
1:29 "ay sinabi ng hari: 'Saksi ko si Yahweh, ang Diyos ng Israel na nagligtas sa akin sa lahat kong mga kaaway!"
1:30 "Nanumpa ako noon sa ngalan niya, na ang anak mong si Solomon ang siyang hahalili sa akin. Tutuparin ko ngayon ang aking pangako.' "
1:31 "Nagpatirapa si Bat-seba sa harapan ng hari bilang paggalang. 'Mabuhay ang Haring David magpakailanman,' wika niya. "
1:32 "Pagkatapos, sinabi ni Haring David: 'Tawagin ninyo si Saserdote Sadoc, si Propeta Natan at si Benaya.' Lumapit ang mga tinawag."
1:33 "Sila naman ang inutusan ng hari: 'Isama ninyo ang aking mga sariling bantay, pasakayin ninyo ang anak kong si Solomon sa aking sariling mola at samahan ninyo siyang patungo sa Gihon."
1:34 Papahiran siya roon ng langis bilang hari ng Israel. Ito'y gagampanan nina Saserdote Sadoc at Propeta Natan. Hipan ninyo ang trompeta at isigaw: 'Mabuhay ang Haring Solomon!'
1:35 "Samahan uli ninyo siyang parito at paluklukin sa aking trono, sapagkat siya ang maghaharing kahalili ko. Siya ang aking hinirang na hari sa Israel at sa Juda.' "
1:36 "Sumagot si Benaya, 'Matutupad po! At pagtibayin nawa ito ni Yahweh, ang Diyos ng mahal kong hari."
1:37 "At kung paanong pinagpala ni Yahweh ang mahal kong hari, nawa'y pagpalain din niya si Solomon. Lalo nawang dumakila ang kanyang trono kaysa trono ng mahal kong Haring David.' "
1:38 Lumakad nga sina Saserdote Sadoc, Propeta Natan at Benaya at ang mga Kereteo at Peleteo. Pinasakay nila si Solomon sa mola ni Haring David at dinala sa Gihon.
1:39 "Kinuha ng Saserdote Sadoc sa tolda ang sungay na lalagyan ng langis, at pinahiran si Solomon bilang hari. Hinipan ang trompeta at nagsigawan ang lahat: 'Mabuhay ang Haring Solomon!'"
1:40 Inihatid siya ng mga tao pabalik sa lunsod. Habang daa'y nagsisigawan sila sa tuwa at nagtutugtugan ng mga plauta, anupat halos mayanig ang lupa sa lakas ng ingay.
1:41 "Tapos nang kumain noon ang mga panauhin ni Adonias, at narinig nilang lahat ang ingay. Narinig din ni Joab ang tunog ng trompeta, kaya naitanong niya: 'Ano iyon? Bakit maingay sa lunsod?'"
1:42 "Nagsasalita pa siya nang dumating si Jonatan, anak ni Saserdote Abiatar. 'Halika rito,' sabi ni Adonias. 'Narito ang isang lalaking marangal, at tiyak na maganda ang dala niyang balita.' "
1:43 '"Hindi po gayon!' sagot ni Jonatan. 'Isinalin na po ni Haring David kay Solomon ang pagkahari."
1:44 Pinapunta ng hari sina Saserdote Sadoc, Propeta Natan, si Benaya na anak ni Joiada at ang mga Kereteo at Peleteo kay Solomon at pinasakay nila ito sa mola ng hari.
1:45 Napahiran na siya ng langis bilang hari. Ito'y ginawa nina Saserdote Sadoc at Propeta Natan sa Gihon. Siya ay inihatid nila sa lunsod at nagsisigawan sa tuwa ang mga tao. Iyon po ang ingay na naririnig ninyo.
1:46 At ngayon po, nakaluklok na si Solomon sa trono.
1:47 Pati ang mga pinuno ng mga sariling bantay ng hari ay pumunta na po kay Haring David at siya'y binati. Sabi po nila: 'Loobin nawa ng inyong Diyos na ang pangalan ni Solomon ay maging higit na dakila kaysa inyong pangalan. At ang trono niya'y maging higit na marilag kaysa inyong trono.' Yumuko ang hari sa kanyang pagkakahiga,
1:48 "at ganito ang sinabi: 'Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, sapagkat minarapat niyang makita ko sa araw na ito ang isa sa aking mga supling na naluluklok sa aking trono.'' "
1:49 Pagkarinig nito, natakot ang lahat ng panauhin ni Adonias at nagkanya-kanyang takas.
1:50 Natakot din si Adonias kay Solomon, kaya't tumakbo siya sa dambana at kumapit sa mga sungay nito.
1:51 "May nagsabi kay Solomon: 'Takot na takot po sa Inyong Kamahalan si Adonias. Nakakapit siya sa mga sungay ng dambana at ipinasasabi na hindi siya aalis doon kung hindi muna kayo mangangako na hindi ninyo siya papatayin.' Sumagot si Solomon:"
1:52 '"Kung mapapatunayan niyang siya'y tapat, buhok man niya'y hindi magagalaw. Ngunit kung hindi, siya'y mamamatay.'"
1:53 "Kaya't pinapuntahan siya ng Haring Solomon at ipinakuha sa dambana. Paglapit, nagpatirapa si Adonias sa harapan ni Haring Solomon. Sinabi naman sa kanya ni Solomon: 'Umuwi ka na sa inyo.'"
2:1 ( Mga Huling Habilin ni Haring David ) "Nang sa pakiramdam ni David ay nalalapit na ang kanyang pagpanaw, sinabi niya kay Solomon: 'Malapit na akong mamayapa.{ a}"
2:2 Magpakatatag ka at magpakalalaki.
2:3 Tuparin mo ang iyong tungkulin kay Yahweh na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayon, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain,
2:4 at tutuparin ni Yahweh ang pangako niya sa akin: 'Kapag ang iyong mga anak at inapo ay nanatiling tapat sa akin at sumunod sa akin nang buong puso't kaluluwa, hindi mapapatid ang iyong lahi sa trono ng Israel.'
2:5 '"Alam mo ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Sarvia, at sa dalawang pinakamataas na pinuno ng hukbo ng Israel: kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter. Pinatay niya ang dalawang ito, at ipinaghiganti sa panahon ng kapayapaan ang dugong dumanak sa panahon ng digmaan. Sa gayo'y dinungisan niya ang aking pangalan bilang marangal na mandirigma."
2:6 Gawin mo sa kanya ang inaakala mong mabuti. Huwag mo lang hahayaang humaba ang kanyang buhay at mamatay siyang mapayapa.
2:7 '"Ipagpatuloy mo ang magandang pakikisama sa angkan ni Barzilai na taga-Galaad. Ipaglaan mo sila ng upuan sa iyong hapag, sapagkat tinangkilik nila ako nang ako'y tumatakas sa kapatid mong si Absalom. "
2:8 '"Huwag mo ring kalilimutan si Simei na taga-Bahurim---ang anak ni Gera at lipi ni Benjamin. Sinumpa niya ako nang katakut-takot noong ako'y umalis patungo sa Mahanaim. Nang masalubong ko siya sa Jordan, aking naipangako sa ngalan ni Yahweh na hindi ko siya papatayin."
2:9 "Ngunit ikaw ay walang pangakong masisira kung parusahan mo siya. Ikaw ay matalino, at alam mo na kung paano ipararanas sa kanya ang lupit ng kamatayan.' "
2:10 Namatay nga si Haring David at inilibing siya sa Lunsod ni David.
2:11 Apatnapung taon siyang naghari: pito sa Hebron at tatlumpu't tatlo sa Jerusalem. ( Ang Pagkamatay ni Adonias )
2:12 Nang makaluklok na si Solomon sa trono ni David at panatag na ang kanyang paghahari,
2:13 "lumapit si Adonias na anak ni Haguit kay Bat-seba, ang ina ni Solomon. 'Kapayapaan ba ang layon mo?' tanong ni Bat-seba. 'Opo! Kapayapaan po!' tugon ni Adonias,"
2:14 "at idinugtong niya: 'May sasabihin po ako sa inyo!' 'Sabihin mo na,' sagot ni Bat-seba. "
2:15 '"Alam po naman ninyo,' sabi uli ni Adonias, 'na ako sana ang naging hari; ito ang inaasahan ng bayan. Ngunit lumayo sa akin ang korona at napasaaking kapatid, sapagkat iyan ang hatol ni Yahweh."
2:16 "Mayroon po akong hihilingin sa inyo. Huwag ninyo sanang ipagkakait sa akin!' 'Sabihin mo,' wika uli ni Bat-seba. "
2:17 "At nagpatuloy si Adonias: 'Yamang hindi siya makatatanggi sa inyo, mangyari pong hingin ninyo sa Haring Solomon na ipagkaloob sa akin na maging asawa ko si Abisag, ang dalagang taga-Sunam.' "
2:18 '"Sige! Kakausapin ko ang hari,' sagot ni Bat-seba. "
2:19 Kaya't pumunta si Bat-seba kay Haring Solomon upang sabihin ang kahilingan ni Adonias. Tumayo ang hari upang siya'y salubungin, yumuko sa kanya, at saka naupo sa kanyang trono. Nagpakuha ng isa pang trono, inilagay sa kanyang kanan at doon pinaupo ang ina.
2:20 '"Mayroon akong isang maliit na kahilingan sa iyo, anak! Huwag mo akong tatanggihan,' sabi ng ina. Sumagot ang hari: 'Mahal kong ina, sabihin ninyo! Alam ninyong hindi ko kayo matatanggihan!' "
2:21 "Kaya't nagpatuloy si Bat-seba: 'Ipahintulot mong si Abisag, ang dalagang taga-Sunam, ay maging asawa ng kapatid mong si Adonias.' "
2:22 "Sumagot si Haring Solomon: 'At bakit ina---bakit ninyo hiniling si Abisag para kay Adonias? Para na ninyong hiniling na ibigay ko sa kanya ang trono, sapagkat siya'y matanda kong kapatid, at ang saserdoteng si Abiatar, gayon din si Joab na anak ni Sarvia ay nasa kanyang panig.'"
2:23 "Nanumpa noon si Haring Solomon: 'Parusahan na ako ni Yahweh kapag sa ginawa niyang ito'y pinatawad ko ang buhay ni Adonias."
2:24 "Saksi ko si Yahweh na nagluklok sa akin sa trono ng aking amang si David, at nangakong mananatiling maghahari sa Israel ang isa sa aming lahi: sa araw ding ito'y mamamatay si Adonias.' "
2:25 At pagdaka'y iniutos niya kay Benaya na patayin si Adonias, at gayon nga ang nangyari. ( Ang Parusa kay Abiatar )
2:26 "Tungkol naman kay Abiatar na saserdote, siya'y pinagsabihan ng hari: 'Humayo ka sa lupain mo sa Anatot. Dapat ka sanang mamatay. Ngunit hindi kita ipapapatay sa araw na ito alang-alang sa pagkapagdala mo ng Kaban ng Tipan sa unahan ng ama kong si David, at sa pagkapagtiis mong kasama niya ng mga hirap na kanyang dinanas.'"
2:27 Ngunit tinanggal ni Solomon si Abiatar sa pagkasaserdote ni Yahweh. Sa gayon, natupad ang hula laban sa angkan ni Eli na nangyari sa Silo. ( Ang Pagkamatay ni Joab )
2:28 Ang lahat ng ito'y nabalitaan ni Joab. Sapagkat pumanig siya kay Adonias, bagaman hindi siya pumanig kay Absalom, kaya't nagtago siya sa Tolda ni Yahweh at kumapit sa mga sungay ng dambana.
2:29 Nang malaman ni Haring Solomon na nagtago si Joab sa Tolda ni Yahweh sa tabi ng dambana, pinapunta roon si Benaya upang siya'y patayin.
2:30 "Pumunta nga si Benaya sa Tolda ni Yahweh at tinawag si Joab, 'Iniuutos ng hari: bumaba ka riyan.' Ngunit sumagot si Joab: 'Hindi ako lalabas dito; dito ako mamamatay.' At sinabi ni Benaya sa hari ang sagot ni Joab."
2:31 "Kaya't iniutos ng hari: 'Gawin mo ang sinabi niya. Patayin mo siya at ibaon. Sa gayon, aalisin mo sa lahi ng aking ama ang sumpa ng dugong walang malay na ibinubo niya."
2:32 Siya na rin ang sisisihin ni Yahweh sa kanyang sariling pagkamatay, sapagkat pumatay siya ng dalawang lalaking higit na mabuti kaysa kanya, si Abner na anak ni Ner at si Amasa na anak ni Jeter. Pinatay niya sa pamamagitan ng patalim ang dalawang pinunong ito ng hukbo ng Israel nang hindi nalalaman ng ama kong si David.
2:33 "Ang sumpa ng kanilang dugo ay dadalhin ni Joab at ng kanyang lahi magpakailanman. At patatagin nawa ni Yahweh si David at ang kanyang mga inapo, ang kanyang lahi at ang kanyang trono magpakailanman.' "
2:34 Pinuntahan nga ni Benaya si Joab at pinatay; siya'y inilibing sa kanyang tirahan na malapit sa ilang.
2:35 Si Benaya na anak ni Joiada ang inihalili ng hari kay Joab bilang pinakamataas na pinuno ng hukbo. At si Saserdote Sadoc ang ihinalili kay Abiatar. ( Ang Pagkamatay ni Simei )
2:36 "Pagkatapos, ipinasundo ng hari si Simei at sinabi sa kanya: 'Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem, dito ka tumira, at huwag kang aalis."
2:37 "At tandaan mo ito: Pag tumawid ka ng batis ng Cedron, mamamatay ka; at ikaw na rin ang magiging dahilan ng iyong pagkamatay.' "
2:38 "Sumagot si Simei: 'Maaasahan po ninyo! Susundin ko po ang inyong utos.' At mahabang panahon ngang nanirahan si Simei sa Jerusalem. "
2:39 Ngunit pagkalipas ng tatlong taon, may dalawang alipin si Simei na tumakas at pumunta kay Aquis na anak ni Maaca, hari ng Gat. At may nagsabi sa kanya na ang mga alipin niya'y nasa Gat.
2:40 Pagdaka'y ipinahanda ang kanyang asno at pumunta kay Aquis upang kunin ang kanyang mga alipin. Nakuha nga niya sa Gat ang kanyang mga alipin at siya'y bumalik na.
2:41 Nabalitaan ni Solomon na si Simei ay umalis ng Jerusalem at nanggaling sa Gat.
2:42 "Ipinatawag siya ng hari at sinabi sa kanya: 'Hindi ba't pinapanumpa kita sa ngalan ni Yahweh at binalaan pa kita na mamamatay ka pag nagpunta ka ng ibang lugar? Di ba't ang sagot mo'y susunod ka?"
2:43 "Bakit di mo iginalang ang sumpa mo kay Yahweh at ang utos ko sa iyo?'"
2:44 "At idinagdag pa ng hari: 'Alam mo ang mga kasamaang ninasa mo para sa aking amang si David. Ngayon, sa iyong ulo ibinabagsak ni Yahweh ang lahat ng iyon."
2:45 "Ngunit pagpapalain niya si Haring Solomon, at sa tulong niya'y magiging matatag ang trono ni David.' "
2:46 Iniutos ng hari kay Benaya na patayin si Simei, at gayon nga ang nangyari. Sa gayon naging lubusang matatag ang paghahari ni Solomon.
3:1 ( Ang Karunungan ni Solomon ) Naging magkaanib si Solomon at ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa yari ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang muog ng Jerusalem.
3:2 Ngunit ang mga tao'y patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sambahan sa burol, sapagkat hindi pa noon naitatayo ang bahay ni Yahweh.
3:3 Iniibig ni Solomon si Yahweh, at tinatalima niya ang mga tagubilin ng kanyang amang si David. Gayunman, nag-aalay din siya ng handog at nagsusunog ng kamanyang sa mga sambahan sa burol.
3:4 Minsan, pumunta si Solomon sa Gabaon upang maghandog, sapagkat iyon ang pangunahing sambahan sa burol. Nag-alay na siya roon ng daan-daang handog na susunugin noong una.
3:5 "Kinagabihan, samantalang siya'y naroon pa sa Gabaon, napakita sa kanya si Yahweh sa panaginip. 'Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!' wika sa kanya. "
3:6 "Sumagot si Solomon: 'Kinahabagan ninyo at puspusang minahal ang aking amang si David na naging tapat sa inyo, matuwid at malinis ang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong pagkalinga sa kanya nang marapatin ninyong paluklukin sa kanyang trono ang isa niyang anak."
3:7 Yahweh, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako'y bata pa't walang karanasan.
3:8 Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami.
3:9 "Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?' "
3:10 Ikinalugod ni Yahweh ang hiling ni Solomon.
3:11 "Kaya't sinabi sa kanya: 'Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo'y pagkaunawa at katalinuhang humatol,"
3:12 ipinagkakaloob ko sa iyo ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo.
3:13 At bibigyan pa kita ng mga bagay na hindi mo hiningi: kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.
3:14 "At kung mamumuhay ka ayon sa kalooban ko, kung susundin mo ang aking mga batas at mga utos, tulad ng ginawa ng iyong amang si David, pagkakalooban pa kita ng mahabang buhay.' "
3:15 Nagising si Solomon at noon niya nabatid na siya'y kinausap ni Yahweh sa panaginip. Pagbalik niya sa Jerusalem, pumunta siya sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh, at nag-alay ng mga handog na susunugin at mga handog para sa kapayapaan. Naghanda rin siya ng isang piging para sa kaniyang mga tauhan. ( Ang Hatol ni Solomon )
3:16 Pagkatapos, may dumulog sa hari na dalawang babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
3:17 "Ang sabi ng isa: 'Mahal na hari, kami po ng babaing ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak po ako,"
3:18 at pagkalipas ng tatlong araw nanganak din ang babaing ito. Wala po kaming ibang kasama roon.
3:19 Isang gabi ay nadaganan po niya ang kanyang anak at ito'y namatay.
3:20 Bumangon po siya sa kalaliman ng gabi, samantalang ako'y natutulog. Kinuha niya sa tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang higaan, at inilagay sa aking piling ang kanyang anak na patay.
3:21 "Kinaumagahan, bumangon po ako upang pasusuhin ang aking anak, ngunit natagpuan ko na lamang na patay. Subalit nang pagmasdan ko pong mabuti nakilala kong hindi iyon ang aking anak.' "
3:22 "Tumutol naman ang pangalawa at ang wika: 'Hindi totoo iyan! Anak ko ang buhay at ang iyo'y patay.' Lalo namang iginiit ng una: 'Anak mo ang patay at akin ang buhay!' At nagtalo sila nang ganito sa harapan ng hari. "
3:23 "Kaya't sinabi ni Solomon sa isa: 'Sinasabi mong iyo ang buhay na bata at kanya ang patay;' at sa ikalawa, 'Ang sabi mo nama'y iyo ang buhay at kanya ang patay.'"
3:24 Kaya iniutos niya sa isang kawal na kumuha ng isang tabak. At dinala nga sa kanya ang isang tabak.
3:25 "Sinabi ng hari: 'Hatiin ang batang buhay at ibigay ang kalahati sa bawat isa.' "
3:26 "Nabagbag ang puso ng tunay na ina ng batang buhay at napasigaw: 'Huwag po, Kamahalan. Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang hatiin.' Sabi naman noong isa: 'Hatiin ang bata!' "
3:27 "Kaya sinabi ni Solomon: 'Huwag nang hatiin ang bata. Ibigay ninyo sa una; siya ang tunay niyang ina.' "
3:28 Nabalita sa buong Israel ang hatol na iginawad ng hari at nagkaroon ang lahat ng magalang na pagkatakot sa kanya. Napatunayan nila na sumasakanya ang karunungan ng Diyos upang humatol nang makatarungan.
4:1 ( Ang mga Pinuno ni Solomon ) Narito ang mga pangunahing kagawad ni Solomon nang siya'y hari ng buong Israel. Si Azarias na anak ng Saserdote Sadoc, ang saserdote.
4:2 (*papuloy)
4:3 Sina Elihoref at Ahias, mga anak ni Sisa, ang mga kalihim ng pamahalaan. Si Josafat na anak ni Ahilud, ang kalihim at tagapag-ingat ng tatak.
4:4 Si Benaya na anak ni Joiada ang inilagay niyang pinakamataas na pinuno ng hukbo; sina Sadoc at Abiatar ang mga saserdote.
4:5 Tagapamahala sa mga punong-lalawigan si Azarias na anak ni Natan; si Saserdote Zabud na anak ni Natan ang kanyang kasamahin at tagapayo.
4:6 Ang katiwala naman ng palasyo ay si Ahisar; at si Adoniram ang tagapangasiwa sa sapilitang paglilingkod-bayan.
4:7 Naglagay din si Solomon ng labindalawang punong-lalawigan. Bawat buwan, isa sa kanila ang nagtitipon at nagpapadala ng pagkain para sa hari at kanyang sambahayan.
4:8 Ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur, sa kabundukan ng Efraim;
4:9 si Ben-dequer ang sa Macaz, Saalbim, Bet-semes, at Elon-behanan;
4:10 si Ben-hessed, sa Arubot; sa kanya rin ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.
4:11 Sa kataasan ng Dor, si Ben-abinadab, na manugang ni Solomon---asawa ni Tafat.
4:12 Si Baana, anak ni Ahilud, ang sa Taanac at Meguido, kabila ng Jocneam. Sakop din niya ang buong Bet-sean sa ibaba ng Jezreel, buhat sa Bet-sean hanggang sa Abel-mehola na nasa tabi ng Zaretan.
4:13 Si Ben-geber ang sa Ramot-galaad. Kanya ang mga kampamento ni Jair na anak ni Manases sa lupain ng Galaad. Kanya rin ang sakop ng Argob sa lupain ng Basan---60 bayang ligid ng muog at may kandadong tanso.
4:14 Sa Mahanaim naman ay si Ahinadab na anak ni Iddo,
4:15 at si Ahimaaz, asawa ni Basemat na anak ni Solomon ang sa Neftali.
4:16 Si Baana na anak ni Husai, ang sa Aser at sa Alot
4:17 at si Josafat na anak ni Parua ang sa Isacar.
4:18 Sa Benjamin ay si Simei na anak ni Ela,
4:19 samantalang si Geber na anak ni Uri ay inilagay niya sa Galaad, sa lupain ni Sehon, hari ng mga Amorreo, at ni Og, hari ng Basan. At mayroon pang isang pinuno sa mga sariling lupain ng hari. ( Ang Kayamanan at Karunungan ni Solomon )
4:20 Di na mabilang sa dami ang mga mamamayan sa Juda at Israel---para nang buhangin sa karagatan. Sagana sila sa pagkain at inumin at namumuhay sila nang maligaya.
4:21 Nasa ilalim ng kapangyarihan ni Solomon ang lahat ng kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hangganan ng Egipto. Bumubuwis sila at naglilingkod sa kanya habang siya'y nabubuhay.
4:22 Katakut-takot ang dami ng pagkaing nauubos ni Solomon at ng kanyang mga tauhan araw-araw. Harinang mainam, 150 kaban; harinang karaniwan, 300 kaban;
4:23 pinatabang baka, sampung ulo; bakang galing sa paligawan, dalawampung ulo; tupa, 100 ulo, bukod pa ang mga usang malalaki at maliliit, mga kambing bundok at mga ibong matataba.
4:24 Sakop niya ang lahat ng lupain sa kanluran ng Ilog Eufrates buhat sa Tifsa hanggang sa Gaza, at pinapanginoon siya ng lahat ng hari sa kanluran ng ilog. Kaya't walang gumagambala sa kanyang kaharian.
4:25 Habang nabubuhay si Solomon ay matiwasay ang buong Juda at Israel. Mula sa Dan hanggang sa Beer-seba bawat angkan ay may sariling punong ubas at punong igos.
4:26 Umaabot sa 12,000 ang mga kabayong sasakyan ni Solomon; 40,000 naman ang mga panghila ng karwahe.
4:27 Ang mga punong-lalawigan ang nagpapadala ng mga pagkain at lahat ng kailangan ni Solomon at ng mga tauhang pinakakain niya, bawat isa'y isang buwan. Kailanma'y hindi sila nagkulang.
4:28 Sila rin ang bahala sa sebada at dayami para sa mga kabayong sasakyan at pangkarwahe; ipinadadala nila iyon kung saanman kailangan.
4:29 Walang kapantay ang katalinuhan at pagkaunawang ipinagkaloob ni Yahweh kay Solomon. Walang kaparis ang kanyang karunungan.
4:30 Anupat ang karunungan niya'y higit sa karunungan ng lahat ng taga-silangan at ng buong Egipto.
4:31 Mas marunong siya kaysa sinumang tao. Talo pa niya si Etan na Ezrahita, sina Heman, Calcol, Darda, na mga anak ni Machol. Nabantog siya sa lahat ng bansa sa paligid.
4:32 Bumigkas siya ng tatlong libong salawikain; kumatha siya ng isang libo't limang mga awit.
4:33 Nakapagpapaliwanag siya tungkol sa lahat ng uri ng halaman: mula sa cedro ng Libano hanggang sa isopong tumutubo sa pader; tungkol sa mga hayop na lumalakad o gumagapang sa lupa; tungkol sa mga ibon at mga isda.
4:34 Lahat ng lahi ng tao'y nagpupunta sa kanya upang siya'y mapakinggan. Tumatanggap siya ng mga alaala buhat sa lahat ng hari sa lupa na nakabalita tungkol sa kanyang karunungan.
5:1 ( Ipinasiya ni Solomon na Itayo ang Templo ni Yahweh ) Matagal nang magkaibigan si Hiram na hari ng Tiro, at si Haring David. Kaya't nang mabalitaan niyang si Solomon ay pinahiran ng langis bilang hari, at siyang kahalili ng kanyang amang si David, nagpadala agad siya ng mga sugo kay Solomon.
5:2 Nagsugo rin sa kanya si Solomon at ganito ang ipinasabi:
5:3 '"Talastas ng inyong Kamahalan na ang ama kong si David ay di nakapagtayo ng Templo para kay Yahweh. Panay ang digmaang hinarap niya sa lahat ng panig hanggang sa malupig niya ang lahat niyang mga kaaway sa tulong ng Diyos."
5:4 Ngunit minarapat ngayon ni Yahweh na maging mapayapa ang buong kaharian. Wala na akong kaaway at wala nang panganib na dapat katakutan.
5:5 Kaya binalak kong ipagtayo ng isang Templo si Yahweh, ang aming Diyos. Gayon ang pangako niya sa aking ama: 'Ang anak mo, na paluluklukin ko sa iyong trono bilang kahalili mo ang siyang magtatayo ng aking Templo.'
5:6 "Kaya hinihiling ko sa inyong Kamahalan na bigyan ako ng mga tauhang mamumutol ng mga cedro sa Libano. Babayaran ko sila sa halagang itakda ninyo. Tutulong na lang sa kanila ang mga tauhan ko sapagkat hindi sila sanay magbuwal ng kahoy tulad ng mga taga-Sidon.' "
5:7 "Lubos na ikinatuwa ni Hiram ang gayong kahilingan. Kaya't sinabi niya: 'Purihin si Yahweh sapagkat binigyan niya si David ng isang anak na marunong mamahala sa kanyang bayang dakila.'"
5:8 "Sinagot ni Hiram si Solomon: 'Tinanggap ko ang iyong pasabi. Nakalaan akong bigyan kayo ng lahat ng kahoy na cedro at pino na inyong kailangan."
5:9 "Ilulusong ng aking mga tauhan ang mga troso buhat sa Libano hanggang sa dagat. Buhat naman doon ay babalsahin hanggang sa daungan na inyong mapili. Pagdating doon, saka paghihiwa-hiwalayin upang inyong ipahakot. Bilang kapalit, bibigyan naman ninyo ako ng mga pagkain para sa aking mga tauhan.' "
5:10 Kaya't pinadalhan ni Hiram si Solomon ng lahat ng kahoy na cedro at pino na kailangan nito.
5:11 Pinadalhan naman ni Solomon si Hiram ng 100,000 panegang trigo at 110,000 galong langis ng olibo para sa kanyang mga tauhan.
5:12 Si Solomon nga'y pinagkalooban ni Yahweh ng karunungan ayon sa kanyang pangako. Maganda ang pagtitinginan nina Solomon at Hiram, at ito'y pinagtibay nila sa isang kasunduan.
5:13 Iniutos ni Solomon sa buong Israel ang sapilitang paglilingkod-bayan ng 30,000 katao.
5:14 Ipinadadala niya sa Libano ang mga tao, 10,000 bawat pangkat. Isang buwan sila sa Libano, at dalawang buwan sa kani-kanilang tahanan. Si Adoniram ang tagapamahala ng sapilitang paggawang ito.
5:15 Ang kanyang tagahakot ay 70,000 katao, at ang naglalabra naman ng bato sa bundok ay 80,000.
5:16 Umabot sa 3,300 naman ang mga kapatas na namamahala sa mga manggagawa.
5:17 Sa utos ng hari, nagtitipak sila ng malalaking bato at nilalabra nila upang gamiting pundasyon ng Templo ni Yahweh.
5:18 Katulong din ng mga tauhan ni Solomon at ni Hiram ang mga taga-Biblos sa pagtitipak at paglalabra ng bato at ng kahoy na ginamit sa pagtatayo ng Templo.
6:1 ( Ipinagawa ni Solomon ang Templo ni Yahweh ) Sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng Templo noong ika-480 taon buhat nang umalis sa Egipto ang bayang Israel. Ikaapat namang taon ng kanyang paghahari, buwan ng Zif, ikalawang buwan ng taon.
6:2 Ang Templong ipinagawa ni Solomon ay siyamnapung talampakan ang haba, tatlumpung talampakan ang luwang at apatnapu't lima ang taas.
6:3 Sa harapan ng Templo, pahalang sa takbo ng kabahayan, ay may pasilyo na tatlumpung talampakan ang haba, at labinlima naman ang luwang.
6:4 Ang mga bintana ng Templo'y may bastidor at mga rehas.
6:5 Pinadatigan din niya ang magkabilang panig ng Dakong Banal at Dakong Kabanal-banalan, gayon din ang likuran ng Templo. Kaya nga't ito'y naliligid ng tatlong patong ng mga silid sa likuran at dalawang tagiliran.
6:6 Pito't kalahating talampakan ang luwang ng unang palapag, siyam ang pangalawa at sampu't kalahati ang pangatlo. Ganito ang nangyari sapagkat sa gawing labas, ang pader ng Templo ay pakapal nang pakapal ng isang siko sa bawat palapag, mula sa itaas na pababa. Anupat ang mga tahilan ng bawat palapag ay nakapatong lamang sa pader at hindi iniukit dito.
6:7 Tinabas na sa pinagtibagan ang mga batong ginamit sa Templo, kaya't walang narinig na pukpok ng martilyo, piko o anumang kasangkapang bakal nang ginagawa iyon.
6:8 Nasa kanang sulok ng Templo ang pintuang papasok sa unang palapag. Buhat naman dito'y may hagdang paikid-ikid paakyat sa ikalawang palapag, at gayon din buhat sa ikalawa paakyat sa ikatlo.
6:9 Nang maitayo ang mga pader ng Templo binubungan ito ng mga biga at makakapal na tablang cedro.
6:10 Pito't kalahating talampakan ang taas ng bawat palapag ng datig na nakapaligid sa kabahayan ng Templo. Bawat palapag ay nakakabit sa kabahayan sa pamamagitan ng mga bigang cedro.
6:11 Sinabi ni Yahweh kay Solomon:
6:12 '"Kung susundin mo ang aking kalooban, kung tatalimahin mo ang aking mga utos at magiging tapat ka sa aking mga tagubilin, tutuparin ko ang aking pangako sa iyong amang si David."
6:13 "Mananahan ako sa Israel, sa Templong ito na iyong itinatayo, at hindi ko siya pababayaan.' "
6:14 Tinapos ni Solomon ang pagpapagawa ng Templo. ( Ang Yari ng Loob ng Templo )
6:15 Binalot niya ng tabla ang loob niyon: tablang cedro ang ibinalot sa pader buhat sa sahig hanggang sa kisame; tablang cipres naman ang inilatag na sahig.
6:16 Diningdingan niya ang tatlumpung talampakan mula sa kaloob-looban ng Templo, at ito'y tinawag na Debir, o Dakong Kabanal-banalan. Ang lugar na ito'y binalot ng tablang cedro mula sa sahig hanggang sa kisame.
6:17 Ang animnapung talampakang natira matapos dingdingan ang Dakong Kabanal-banalan ay tinawag namang Hekal, o Dakong Banal.
6:18 May ukit na mga bulaklak na bagong bukad at mga tapayan ang tablang cedro na ibinalot sa pader ng Templo.
6:19 Ang Debir o Dakong Kabanal-banalan na siyang kaloob-looban ng Templo ay inihanda niya upang paglagyan ng Kaban ng Tipan.
6:20 Tatlumpung talampakan ang haba, luwang at taas ng Dakong Kabanal-banalan, at ito'y binalot niya ng lantay na ginto.
6:21 Sa harap ng Dakong Kabanal-banalan, nagtayo siya ng isang dambana na yari sa tablang cedro at ito'y binalot din niya ng lantay na ginto.
6:22 Binalot din ni Solomon ng lantay na ginto ang buong loob ng Templo, pati ang dambana sa makalabas ng Dakong Kabanal-banalan.
6:23 Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan, nagpalagay siya ng dalawang kerubin, imaheng nililok sa kahoy na olibo. Labinlimang talampakan ang taas ng bawat isa.
6:24 Pito't kalahating talampakan naman ang haba ng bawat pakpak, kaya't labinlimang talampakan ang sukat ng mga pakpak buhat sa magkabilang dulo.
6:25 Gayon din ang sukat ng pangalawang kerubin, iisa ang sukat at hugis ng dalawa.
6:26 Labinlimang talampakan din ang taas ng bawat kerubin.
6:27 Inilagay niya ang mga kerubin sa gitna ng Debir o Dakong Kabanal-banalan. Nakabuka ang kanilang mga pakpak, anupat sa gawing labas ay abot sa dingding ng silid ang tig-isa nilang pakpak. Sa gawing loob naman, ang mga dulo ng tig-isa nilang pakpak ay panagpo sa gitna ng silid.
6:28 Balot din ng gintong lantay ang dalawang kerubin.
6:29 Ang buong dingding ng Templo, maging sa Dakong Kabanal-banalan, maging sa Dakong Banal ay may ukit na mga kerubin, punong palma at mga bulaklak.
6:30 Ang sahig ng Templo buhat sa Dakong Kabanal-banalan hanggang sa Dakong Banal ay may latag na gintong lantay.
6:31 Pentagonal ang pinto ng Dakong Kabanal-banalan, at kahoy na olibo ang mga hamba niyon.
6:32 Tablang olibo rin ang dalawang panara, at may ukit itong imahen ng mga kerubin, punong palma at mga bulaklak. Ang mga panara'y may kalupkop na gintong kapit na kapit sa mga nakaukit na larawan.
6:33 Parihaba naman ang pintuan ng Dakong Banal. Kahoy na olibo ang mga hamba ng pintong iyon,
6:34 at tablang cipres naman ang mga panara. Bawat panara ay may tigalawang panig na natitiklop.
6:35 May ukit ding mga kerubin, punong palma at mga bulaklak ang mga panara, at may kalupkop na gintong lapat na lapat sa mga ukit.
6:36 Ang patyong panloob sa harap ng Templo ay binakuran ni Solomon ng pader na may tatlong hanay na batong tinabas, at isang hanay na bigang cedro.
6:37 Ikaapat na taon ng paghahari ni Solomon, buwan ng Zif, ikalawang buwan ng taon nang ilagay ang mga saligang-bato ng Templo. Ikalabing-isa naman ng kanyang paghahari, buwan ng Bal, ikawalong buwan ng taon nang mayari.
6:38 Naipatapos ni Solomon ang Templo nang tamang-tama sa plano, sa loob ng pitong taon.
7:1 ( Ang Palasyo ni Solomon ) Labintatlong taon ang ginugol ni Solomon sa pagpapagawa ng kanyang palasyo.
7:2 Ang gusaling tinatawag na Gubat ng Libano ay may 150 talampakan ang haba, pitumpu't limang talampakan ang luwang at apatnapu't limang talampakan ang taas. Ang gusaling ito ay may tatlong{ a} hanay na haliging cedro, na siyang kinapapatungan ng mga tahilang cedro din.
7:3 Cedro din ang bubong ng mga silid na nakapatong sa apatnapu't limang haligi.
7:4 Tatlong hanay ang mga bintana, at ang mga ito'y magkakatapat.
7:5 Parisukat ang mga bastidor ng mga pinto at bintana, at pawang magkakatapat.
7:6 Nagpagawa rin siya ng isang malaking patyo na ligid ng mga haligi. Pitumpu't limang talampakan ang haba ng patyo, at apatnapu't limang talampakan ang luwang. Sa pagpasok nito ay may isang pasilyong may bubong.
7:7 Nagpagawa rin siya ng isang sala at doon niya itinayo ang kanyang trono. Ito rin ang kanyang silid Hukuman, at dito siya humahatol. Tinakpan niya ng tablang cedro ang mga pader ng silid na ito mula sa sahig hanggang sa bubong.
7:8 Sa likod naman ng patyo ay nagpagawa siya ng kanyang tirahan, at ang yari nito'y tulad ng silid Hukuman. Ang kanyang reyna, ang anak ng Faraon, ay ipinagtayo rin niya ng tirahan, at ito'y katulad ng sa kanya.
7:9 Ang lahat ng gusali ay yari sa naglalakihang bato na tinabas ng lagari sa likod at harap.
7:10 May labindalawang talampakan ang sukat ng mga batong ginamit sa pundasyon, at mayroon pang labinlima.
7:11 Sa paitaas naman, mamahaling batong tinabas at mga trosong cedro ang ginamit.
7:12 Gaya ng portiko at patyo ng Templo, ang patyo ng palasyo ay naliligid ng tatlong hanay na batong tinabas at isang hanay na trosong cedro. ( Ang mga Kagamitan sa Templo )
7:13 Ipinatawag ni Solomon sa Tiro si Hiram,
7:14 anak ng isang balo mula sa lipi ni Neftali na napangasawa ng isang manggagawa ng mga kagamitang tanso na taga-Tiro. Si Hiram ay matalinong manggagawa, at mahusay gumawa ng anumang kagamitang tanso. Siya nga ang ipinatawag ni Haring Solomon upang gumawa ng lahat ng kagamitang yari sa tanso. ( Ang mga Haliging Tanso )
7:15 Nagbubo siya ng dalawang haliging tanso. Dalawampu't pitong talampakan ang taas ng mga ito at labingwalong talampakan ang sukat sa pabilog.
7:16 Ang bawat haligi ay nilagyan niya ng kapitel na tanso rin na tigpipito't kalahating talampakan ang taas.
7:17 Gumawa pa siya ng dalawang palamuting animo'y kadena na pinalawit niya sa dakong ibaba ng kapitel, pitong likaw bawat kapitel.
7:18 Nagbubo pa siya ng mga granadang tanso na inilagay niya sa ibaba at itaas ng palamuting kadena, dalawang hanay bawat kapitel.
7:19 Ang paitaas naman ng kapitel ay hugis bulaklak ng liryo at anim na talampakan ang taas.
7:20 Sa ibaba nito nakapaligid ang mga granadang tanso, 200 bawat kapitel.
7:21 Ang mga haliging ito ay itinayo sa pasilyong nasa harap ng Templo, sa magkabilang tabi ng pinto. Ang kanan ay tinawag na Jaquin at ang kaliwa'y Boaz.
7:22 Sa gayon nayari ang mga haligi sa harapan ng Templo. ( Ang Dagat na Tanso )
7:23 Gumawa siya ng isang malaking kawa na pinangalanang Dagat na Tanso. Labinlimang talampakan ang luwang ng labi nito, pito't kalahating talampakan ang lalim at apatnapu't limang talampakan ang sukat sa pabilog.
7:24 May dalawang hanay na palamuting hugis upo ang gilid nito sa dakong labas, sampu sa bawat isang talampakan at kalahati. Ang mga upo ay binubong kasama ang kawa.
7:25 Ang Dagat na Tanso ay ipinatong sa gulugod ng labindalawang torong tanso, na magkakatalikuran: tatlo ang nakaharap sa silangan, tatlo sa kanluran, tatlo sa hilaga at tatlo sa timog.
7:26 Tatlong pulgada ang kapal ng kawa at ang labi nito'y parang labi ng saro, hugis bulaklak ng liryo. Ang lulan ng Dagat na Tanso ay 10,000 galong tubig. ( Ang mga Patungan ng Hugasan )
7:27 Gumawa pa siya ng sampung patungang tanso para sa mga hugasan. Bawat isa'y anim na talampakan ang haba at lapad; apat at kalahating talampakan naman ang taas.
7:28 Ganito ang yari ng mga patungan: nakahinang sa bastidor ang mga ohas na tanso na nakatakip sa apat na tagiliran.
7:29 Ang bawat ohas ay may mga ukit na larawan ng mga leon, baka, kerubin at punongkahoy. Ang gilid namang itaas at ibaba ay may ribeteng bula-bulaklak na nakaukit din.
7:30 Ang bawat patungan ay may apat na gulong na tanso at mga eheng tanso. Mula sa apat na sulok ng patungan ay may apat na tukod na tanso na siyang may hawak sa salalayan ng hugasan.
7:31 Ang salalayang ito ay parang korona na nakaangat ng isa't kalahating talampakan sa ibabaw ng patungan. Ang butas ng korona ay bilog at may dalawampu't limang pulgada ang lalim. Ngunit parisukat ang ibabaw ng patungan, at ito'y may mga dibuhong nakaukit.
7:32 Ang mga ehe ng gulong at ang bastidor ay iisang piyesa. Ang mga gulong naman ay nasa ilalim ng mga dingding. Dalawampu't limang pulgada ang taas ng mga gulong,
7:33 at ang mga ito'y parang mga gulong ng karwahe: ang mga ehe, masa, rayos at yantas ay yaring lahat sa tansong binubo.
7:34 Ang mga tukod naman sa apat na sulok at ang bastidor ay iisang piyesa.
7:35 Ang ibabaw ng patungan ay may leeg na pabilog, siyam na pulgada ang taas. Dito nakasalalay ang labi ng hugasan. Ang leeg, ang kanyang patigas at ang ibabaw ng patungan ay iisang piyesa lamang,
7:36 at ito'y may mga dibuhong kerubin, leon, baka at mga punong palma.
7:37 Ganyan ang kayarian ng sampung patungang tanso: iisa ang pagkakabubo, iisang sukat at iisang hugis.
7:38 Gumawa rin siya ng sampung hugasang tanso, tig-isa ang bawat patungan. Anim na talampakan ang luwang ng labi, at naglalaman ang bawat isa ng 200 galong tubig.
7:39 Inilagay niya ang lima sa gawing kaliwa at ang lima'y sa gawing kanan ng Templo. Samantala, ang Dagat na Tanso ay nasa gawing kanan ng Templo, sa sulok na timog-silangan.
7:40 Gumawa rin si Hiram ng mga kalderong sisidlan ng abo, mga pala at mga mangkok. Nayari nga niyang lahat ang mga ipinagawa sa kanya ni Haring Solomon:
7:41 ang dalawang haliging tanso, ang mga kapitel nito at mga kadenang nakapalamuti sa kapitel;
7:42 ang 400 granada na nakapaligid nang dalawang hanay sa puno ng kapitel;
7:43 ang sampung hugasan at ang kani-kanilang mga patungan;
7:44 ang Dagat na Tanso at ang labindalawang toro na kinapapatungan niyon;
7:45 ang mga kaldero, pala at mangkok. Ang lahat ng nasabing kagamitan na ipinagawa ni Haring Solomon kay Hiram ay pawang lantay na tanso.
7:46 Ipinabubo niya ang lahat ng iyon sa kapatagan ng Jordan sa lupang lagkit na nasa pagitan ng Succot at Zaretan.
7:47 Sa dami ng mga kagamitang ipinagawa niya ay hindi na matimbang ang tansong kinailangan.
7:48 Si Solomon din ang nagpagawa ng mga kagamitang ginto na nasa tahanan ni Yahweh: ang dambanang sunugan ng kamanyang, ang lamesang patungan ng tinapay na handog;
7:49 ang mga patungan ng ilawan sa harap ng Dakong Kabanal-banalan---lima sa kanan at lima sa kaliwa; ang mga palamuting bulaklak, ang mga ilawan at pang-ipit ng mitsa;
7:50 ang mga sarong lalagyan ng langis, ang mga pamutol ng mitsa, ang mga mangkok, ang mga sisidlan ng kamanyang at lalagyan ng apoy; at ang mga paikutan ng mga pinto ng Dakong Kabanal-banalan, at gayon din ng mga pinto ng Dakong Banal.
7:51 Nayari ngang lahat ang mga ipinagawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh. Tinipon din niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitang inihandog ng kanyang amang si David, at itinago sa lalagyan ng kayamanan ng Templo.
8:1 ( Dinala sa Templo ang Kaban ng Tipan ) Ang matatanda ng Israel at ang mga puno ng mga angkan ay ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem upang kunin ang Kaban ng Tipan sa Sion, ang kuta ni David.
8:2 Kaya nagpunta kay Solomon ang mga pinuno sa Israel noong kapistahan ng buwan ng Etanim, ikapitong buwan ng taon.
8:3 Nang naroon na ang lahat, binuhat ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan.
8:4 Tinulungan sila ng mga Levita sa pagdadala ng Tolda, at mga kagamitang naroroon.
8:5 Hindi mabilang ang mga baka at tupang inihandog ni Solomon at ng buong Israel sa harap ng Kaban ng Tipan.
8:6 Pagkatapos, ipinasok ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
8:7 Nakabuka ang pakpak ng mga kerubin, kaya't nalulukuban ng mga iyon ang Kaban ng Tipan at ang mga pasanan nito.
8:8 Lampasan sa Kaban ang mga dulo ng pasanan, kaya't kitang-kita sa Dakong Banal, sa harap ng Dakong Kabanal-banalan; ngunit hindi nakikita sa labas. Naroon pa ang mga pasanan hanggang sa panahong ito.
8:9 Walang ibang laman ang Kaban kundi ang mga tablang bato na kinasusulatan ng Tipan ni Yahweh sa bayang Israel. Ang mga tablang bato ay inilagay roon ni Moises nang sila'y nasa Horeb, matapos silang ilabas sa lupain ng Egipto. ( Ang Templo'y Napuno ng Kaningningan ni Yahweh )
8:10 Pagkalabas ng mga saserdote, ang Templo'y napuno ng ulap;
8:11 anupat hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kagilagilalas na kaningningan ni Yahweh.
8:12 "Kaya nga't sinabi ni Solomon: 'O Yahweh, kayo ang naglagay ng araw sa langit Ngunit minabuti ninyong manirahan sa makapal na ulap. "
8:13 "Ipinagtayo ko kayo ng isang magarang Templo, Isang bahay na titirhan ninyo habang panahon.' ( Nagpuri si Solomon kay Yahweh )"
8:14 Pagkatapos, humarap si Solomon sa buong bayan at sila'y binasbasan.
8:15 "Wika niya: 'Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon,"
8:16 'Mula pa nang hanguin ko sa Egipto ang aking bayang Israel hanggang ngayon, hindi ako pumili ng alinmang lunsod sa labindalawang lipi upang ipagtayo ako ng Templo na pamamalagian ng aking pangalan. Ngunit hinirang ko si David upang mamuno sa aking bayan.'
8:17 '"Binalak ng aking ama na ipagtayo ng Templo si Yahweh, ang Diyos ng Israel."
8:18 Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh: 'Maganda ang balak mong magtayo ng Templo para sa akin,
8:19 subalit hindi ikaw ang magtatayo niyon. Ang iyong magiging anak ang siyang magtatayo ng Templo sa ikararangal ng aking pangalan.'
8:20 Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naluklok sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
8:21 "Naglaan ako roon ng lugar para sa Kaban na kinalalagyan ng Tipan na ibinigay ni Yahweh sa ating mga ninuno nang sila'y mahango sa Egipto.' ( Panalangin ni Solomon para sa Sarili )"
8:22 Pagkatapos nito, kaharap pa rin ang buong bayan, tumindig si Solomon sa harap ng dambana. Itinaas niya ang mga kamay,
8:23 "at nanalangin ng ganito: 'Yahweh, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa'y walang ibang Diyos na tulad ninyo. Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong mga alipin; walang maliw ang pag-ibig na ipinadadama ninyo sa kanila habang sila'y nananatiling tapat sa inyo."
8:24 Tinupad ninyo ang inyong pangako sa aking amang si David; ang ipinangako ninyo noon ay tinupad ninyo ngayon.
8:25 Kaya nga Yahweh, ipagpatuloy ninyong tuparin ang inyong pangako kay David na habang panahon ay sa mga anak niya magmumula ang maghahari sa Israel, kung sila'y mananatiling tapat sa inyo gaya ng ginawa niya.
8:26 Pagtibayin ninyo, Diyos ng Israel, ang mga pangakong binitiwan ninyo sa aking amang si David na inyong alipin.
8:27 '"Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na tahanang aking itinayo!"
8:28 Gayunman, dinggin ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aming Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.
8:29 "Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang kayo ang may sabi na ang pangalan ninyo'y mamamalagi rito. Sa gayon maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing mananalangin sa pook na ito.' ( Idinalangin ni Solomon ang Bayan )"
8:30 '"Dinggin ninyo ang inyong alipin at ang inyong bayan tuwing kami'y mananalangin sa lugar na ito. Dinggin ninyo kami buhat sa inyong luklukan sa langit at patawarin ninyo kami! "
8:31 '"Kapag nagkasala sa kanyang kapwa ang isang tao, at siya'y pinapanumpa sa harap ng inyong altar sa Templong ito,"
8:32 pakinggan ninyo sila buhat sa langit at kayo ang humatol sa kanila. Parusahan ninyo ang nagkasala at pagpalain ninyo ang walang kasalanan.
8:33 '"Kapag nalupig ng kanilang mga kaaway ang bayan ninyong Israel dahil sa pagtalikod nila sa inyo, sa sandaling magbalik-loob sila sa inyo, kumilala sa inyong kapangyarihan, dumalangin at nanawagan sa inyo sa Templong ito,"
8:34 pakinggan ninyo sila at patawarin. Ibalik ninyo sila sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.
8:35 '"Kapag ang langit ay nagkait ng ulan sapagkat nagkasala sa inyo ang bayang Israel, kung sila'y manalangin sa Templong ito at magpuri sa inyong pangalan, kapag sila'y nagsisi sa kanilang kasalanan sa pagkakilalang iyon ang dahilan ng inyong pagpaparusa,"
8:36 dinggin ninyo sila, Yahweh. Patawarin ninyo ang inyong mga alipin, ang bayang Israel. Ituro ninyo sa kanila ang landas na dapat nilang lakaran. Papatakin na ninyo ang ulan sa lupaing ibinigay ninyo sa inyong bayan.
8:37 '"Kung lumaganap sa lupain ang gutom at salot, kung malanta at matuyot ang mga halaman, kung ang mga ito'y salantain ng lukton at balang, kapag ang alinman sa kanilang lunsod ay napaligiran ng kaaway,"
8:38 dinggin ninyo ang kanilang dalangin. Sa sandaling sila'y nagsisisi at iunat ang kanilang mga kamay paharap sa lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa inyo,
8:39 dinggin ninyo sila mula sa langit na inyong tahanan at patawarin. Ibigay ninyo sa kanila ang nararapat sa kanilang mga gawa, sapagkat kayo lamang ang nakatatalastas sa puso ng tao.
8:40 Sa gayon, mananatili silang may takot sa inyo habang sila'y nabubuhay dito sa lupaing ibinigay ninyo sa aming mga ninuno. ( Mga Dagdag na Panalangin )
8:41 '"Idinadalangin ko rin ang dayuhan sa bayang ito, ang taong magmumula sa malayong lupain alang-alang sa inyong pangalan."
8:42 (Kilala kayo sa lahat ng dako, at marami ang nakakarinig tungkol sa kapangyarihan ninyo.) Kapag ang dayuhang iya'y nagsadya sa Templong ito upang manalangin,
8:43 pakinggan ninyo siya buhat sa langit na inyong luklukan, at ipagkaloob ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa lupa ang inyong pangalan at sila'y sasamba sa inyo, tulad ng Israel. Matatalos nilang ang pangalan ninyo'y sinasamba sa Templong ito.
8:44 '"Saanman naroon ang bayan ninyo sa pakikibaka sa kanilang mga kaaway bilang pagsunod sa inyong kalooban, kapag sila'y humarap sa lunsod na ito na inyong hinirang, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong karangalan,"
8:45 dinggin ninyo sila at pakamtan ninyo sa kanila ang tagumpay.
8:46 '"Kung ang bayang ito'y magkasala sa inyo---(sinong tao ang hindi nagkakasala?)---at dahil sa galit ninyo'y bayaan ninyo silang mabihag ng kanilang mga kaaway sa malayo o malapit man,"
8:47 kung sa lupaing pinagdalhan sa kanila'y makilala nila ang kanilang kamalian at tanggapin nilang sila nga'y naging masama at nagkasala sa inyo nang lubha,
8:48 sa sandaling sila'y magsisi at magbalik-loob sa inyo, at mula doo'y humarap sila sa lupaing kaloob sa kanilang mga ninuno, sa lunsod na ito na inyong hinirang, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong pangalan,
8:49 dinggin ninyo sila at iligtas.
8:50 Patawarin ninyo ang inyong bayan sa kanilang pagkakasala sa inyo. Loobin ninyong kahabagan sila ng mga kaaway na bumihag sa kanila,
8:51 yamang ito ang bayang hinirang ninyo at hinango sa Egipto, sa apoy na tunawan ng bakal.
8:52 '"Lagi ninyong lingapin ang bayang Israel; lagi ninyong pakinggan ang kanilang panawagan."
8:53 "Kayo at walang iba ang humirang sa kanila mula sa lahat ng mga bansa sa lupa, upang sila'y maging inyo. Ito, O Yahweh, aming Diyos, ang sinabi ninyo sa pamamagitan ni Moises nang hanguin ninyo sa Egipto ang aming mga ninuno.' ( Pagbabasbas sa Bayan )"
8:54 Nakaluhod si Solomon sa harap ng dambana ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nananalangin. Nang matapos ang kanyang pananawagan kay Yahweh,
8:55 tumindig siya at malakas na binasbasan ang buong Israel na nagkakatipon doon.
8:56 '"Purihin si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng katahimikan ang bayan niyang Israel. Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira."
8:57 Sumaatin nawang lagi si Yahweh, ang ating Diyos, gaya ng ginawa niya sa ating mga ninuno. Huwag nawa niya tayong pabayaan o itakwil kailanman.
8:58 Tulungan nawa niya tayong maging tapat sa kanya, upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban, at sundin ang kanyang mga batas, tuntunin at hatol, gaya ng ipinag-utos niya sa ating mga ninuno.
8:59 Manatili nawa araw-gabi sa harapan ni Yahweh itong aking panalangin upang sa bawat araw ay pagkalooban niya ng katarungan ang kanyang alipin, at ang kanyang bayang Israel ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
8:60 Sa gayon, malalaman ng lahat ng tao sa balat ng lupa na Diyos si Yahweh, at liban sa kanya'y wala nang iba.
8:61 "Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon.' ( Mga Handog sa Araw ng Pagpapasinaya )"
8:62 Sa pagtitipong ito nag-alay si Solomon at ang buong Israel ng napakaraming handog.
8:63 Nagpatay sila ng 22,000 baka at 120,000 tupa bilang handog na pinagsasaluhan. Sa gayong paraan ginawa ni Solomon at ng buong Israel ang pagtatalaga ng Templo ni Yahweh.
8:64 Nang araw ring iyon, itinalaga ni Solomon ang patyo sa harap ng Templo. Doon niya inihain ang handog na susunugin, ang mga handog na bunga at ang mga taba ng handog na pinagsasaluhan. Ang dambanang tanso sa harapan ni Yahweh ay napakaliit para sa gayong karaming handog na susunugin, handog na bunga at taba ng mga handog na pinagsasaluhan.
8:65 Kaya nga't nang taong iyon, natipon sa Jerusalem ang buong Israel mula sa Paso ng Hamat hanggang sa Batis ng Egipto. Sa pamumuno ni Solomon, ipinagdiwang nila ang Pista ng mga Tolda sa loob ng pitong araw.
8:66 Sa ikawalong araw, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umalis ang mga ito na masasaya, nagpupuri sa hari. Totoo nilang ikinagalak ang mga pagpapalang ipinagkaloob ni Yahweh kay David na kanyang alipin, at sa kanyang bayang Israel.
8:1 ( Dinala sa Templo ang Kaban ng Tipan ) Ang matatanda ng Israel at ang mga puno ng mga angkan ay ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem upang kunin ang Kaban ng Tipan sa Sion, ang kuta ni David.
8:2 Kaya nagpunta kay Solomon ang mga pinuno sa Israel noong kapistahan ng buwan ng Etanim, ikapitong buwan ng taon.
8:3 Nang naroon na ang lahat, binuhat ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan.
8:4 Tinulungan sila ng mga Levita sa pagdadala ng Tolda, at mga kagamitang naroroon.
8:5 Hindi mabilang ang mga baka at tupang inihandog ni Solomon at ng buong Israel sa harap ng Kaban ng Tipan.
8:6 Pagkatapos, ipinasok ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
8:7 Nakabuka ang pakpak ng mga kerubin, kaya't nalulukuban ng mga iyon ang Kaban ng Tipan at ang mga pasanan nito.
8:8 Lampasan sa Kaban ang mga dulo ng pasanan, kaya't kitang-kita sa Dakong Banal, sa harap ng Dakong Kabanal-banalan; ngunit hindi nakikita sa labas. Naroon pa ang mga pasanan hanggang sa panahong ito.
8:9 Walang ibang laman ang Kaban kundi ang mga tablang bato na kinasusulatan ng Tipan ni Yahweh sa bayang Israel. Ang mga tablang bato ay inilagay roon ni Moises nang sila'y nasa Horeb, matapos silang ilabas sa lupain ng Egipto. ( Ang Templo'y Napuno ng Kaningningan ni Yahweh )
8:10 Pagkalabas ng mga saserdote, ang Templo'y napuno ng ulap;
8:11 anupat hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kagilagilalas na kaningningan ni Yahweh.
8:12 "Kaya nga't sinabi ni Solomon: 'O Yahweh, kayo ang naglagay ng araw sa langit Ngunit minabuti ninyong manirahan sa makapal na ulap. "
8:13 "Ipinagtayo ko kayo ng isang magarang Templo, Isang bahay na titirhan ninyo habang panahon.' ( Nagpuri si Solomon kay Yahweh )"
8:14 Pagkatapos, humarap si Solomon sa buong bayan at sila'y binasbasan.
8:15 "Wika niya: 'Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon,"
8:16 'Mula pa nang hanguin ko sa Egipto ang aking bayang Israel hanggang ngayon, hindi ako pumili ng alinmang lunsod sa labindalawang lipi upang ipagtayo ako ng Templo na pamamalagian ng aking pangalan. Ngunit hinirang ko si David upang mamuno sa aking bayan.'
8:17 '"Binalak ng aking ama na ipagtayo ng Templo si Yahweh, ang Diyos ng Israel."
8:18 Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh: 'Maganda ang balak mong magtayo ng Templo para sa akin,
8:19 subalit hindi ikaw ang magtatayo niyon. Ang iyong magiging anak ang siyang magtatayo ng Templo sa ikararangal ng aking pangalan.'
8:20 Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naluklok sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
8:21 "Naglaan ako roon ng lugar para sa Kaban na kinalalagyan ng Tipan na ibinigay ni Yahweh sa ating mga ninuno nang sila'y mahango sa Egipto.' ( Panalangin ni Solomon para sa Sarili )"
8:22 Pagkatapos nito, kaharap pa rin ang buong bayan, tumindig si Solomon sa harap ng dambana. Itinaas niya ang mga kamay,
8:23 "at nanalangin ng ganito: 'Yahweh, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa'y walang ibang Diyos na tulad ninyo. Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong mga alipin; walang maliw ang pag-ibig na ipinadadama ninyo sa kanila habang sila'y nananatiling tapat sa inyo."
8:24 Tinupad ninyo ang inyong pangako sa aking amang si David; ang ipinangako ninyo noon ay tinupad ninyo ngayon.
8:25 Kaya nga Yahweh, ipagpatuloy ninyong tuparin ang inyong pangako kay David na habang panahon ay sa mga anak niya magmumula ang maghahari sa Israel, kung sila'y mananatiling tapat sa inyo gaya ng ginawa niya.
8:26 Pagtibayin ninyo, Diyos ng Israel, ang mga pangakong binitiwan ninyo sa aking amang si David na inyong alipin.
8:27 '"Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na tahanang aking itinayo!"
8:28 Gayunman, dinggin ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aming Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.
8:29 "Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang kayo ang may sabi na ang pangalan ninyo'y mamamalagi rito. Sa gayon maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing mananalangin sa pook na ito.' ( Idinalangin ni Solomon ang Bayan )"
8:30 '"Dinggin ninyo ang inyong alipin at ang inyong bayan tuwing kami'y mananalangin sa lugar na ito. Dinggin ninyo kami buhat sa inyong luklukan sa langit at patawarin ninyo kami! "
8:31 '"Kapag nagkasala sa kanyang kapwa ang isang tao, at siya'y pinapanumpa sa harap ng inyong altar sa Templong ito,"
8:32 pakinggan ninyo sila buhat sa langit at kayo ang humatol sa kanila. Parusahan ninyo ang nagkasala at pagpalain ninyo ang walang kasalanan.
8:33 '"Kapag nalupig ng kanilang mga kaaway ang bayan ninyong Israel dahil sa pagtalikod nila sa inyo, sa sandaling magbalik-loob sila sa inyo, kumilala sa inyong kapangyarihan, dumalangin at nanawagan sa inyo sa Templong ito,"
8:34 pakinggan ninyo sila at patawarin. Ibalik ninyo sila sa lupaing ibinigay ninyo sa kanilang mga ninuno.
8:35 '"Kapag ang langit ay nagkait ng ulan sapagkat nagkasala sa inyo ang bayang Israel, kung sila'y manalangin sa Templong ito at magpuri sa inyong pangalan, kapag sila'y nagsisi sa kanilang kasalanan sa pagkakilalang iyon ang dahilan ng inyong pagpaparusa,"
8:36 dinggin ninyo sila, Yahweh. Patawarin ninyo ang inyong mga alipin, ang bayang Israel. Ituro ninyo sa kanila ang landas na dapat nilang lakaran. Papatakin na ninyo ang ulan sa lupaing ibinigay ninyo sa inyong bayan.
8:37 '"Kung lumaganap sa lupain ang gutom at salot, kung malanta at matuyot ang mga halaman, kung ang mga ito'y salantain ng lukton at balang, kapag ang alinman sa kanilang lunsod ay napaligiran ng kaaway,"
8:38 dinggin ninyo ang kanilang dalangin. Sa sandaling sila'y nagsisisi at iunat ang kanilang mga kamay paharap sa lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa inyo,
8:39 dinggin ninyo sila mula sa langit na inyong tahanan at patawarin. Ibigay ninyo sa kanila ang nararapat sa kanilang mga gawa, sapagkat kayo lamang ang nakatatalastas sa puso ng tao.
8:40 Sa gayon, mananatili silang may takot sa inyo habang sila'y nabubuhay dito sa lupaing ibinigay ninyo sa aming mga ninuno. ( Mga Dagdag na Panalangin )
8:41 '"Idinadalangin ko rin ang dayuhan sa bayang ito, ang taong magmumula sa malayong lupain alang-alang sa inyong pangalan."
8:42 (Kilala kayo sa lahat ng dako, at marami ang nakakarinig tungkol sa kapangyarihan ninyo.) Kapag ang dayuhang iya'y nagsadya sa Templong ito upang manalangin,
8:43 pakinggan ninyo siya buhat sa langit na inyong luklukan, at ipagkaloob ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa lupa ang inyong pangalan at sila'y sasamba sa inyo, tulad ng Israel. Matatalos nilang ang pangalan ninyo'y sinasamba sa Templong ito.
8:44 '"Saanman naroon ang bayan ninyo sa pakikibaka sa kanilang mga kaaway bilang pagsunod sa inyong kalooban, kapag sila'y humarap sa lunsod na ito na inyong hinirang, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong karangalan,"
8:45 dinggin ninyo sila at pakamtan ninyo sa kanila ang tagumpay.
8:46 '"Kung ang bayang ito'y magkasala sa inyo---(sinong tao ang hindi nagkakasala?)---at dahil sa galit ninyo'y bayaan ninyo silang mabihag ng kanilang mga kaaway sa malayo o malapit man,"
8:47 kung sa lupaing pinagdalhan sa kanila'y makilala nila ang kanilang kamalian at tanggapin nilang sila nga'y naging masama at nagkasala sa inyo nang lubha,
8:48 sa sandaling sila'y magsisi at magbalik-loob sa inyo, at mula doo'y humarap sila sa lupaing kaloob sa kanilang mga ninuno, sa lunsod na ito na inyong hinirang, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong pangalan,
8:49 dinggin ninyo sila at iligtas.
8:50 Patawarin ninyo ang inyong bayan sa kanilang pagkakasala sa inyo. Loobin ninyong kahabagan sila ng mga kaaway na bumihag sa kanila,
8:51 yamang ito ang bayang hinirang ninyo at hinango sa Egipto, sa apoy na tunawan ng bakal.
8:52 '"Lagi ninyong lingapin ang bayang Israel; lagi ninyong pakinggan ang kanilang panawagan."
8:53 "Kayo at walang iba ang humirang sa kanila mula sa lahat ng mga bansa sa lupa, upang sila'y maging inyo. Ito, O Yahweh, aming Diyos, ang sinabi ninyo sa pamamagitan ni Moises nang hanguin ninyo sa Egipto ang aming mga ninuno.' ( Pagbabasbas sa Bayan )"
8:54 Nakaluhod si Solomon sa harap ng dambana ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nananalangin. Nang matapos ang kanyang pananawagan kay Yahweh,
8:55 tumindig siya at malakas na binasbasan ang buong Israel na nagkakatipon doon.
8:56 '"Purihin si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng katahimikan ang bayan niyang Israel. Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira."
8:57 Sumaatin nawang lagi si Yahweh, ang ating Diyos, gaya ng ginawa niya sa ating mga ninuno. Huwag nawa niya tayong pabayaan o itakwil kailanman.
8:58 Tulungan nawa niya tayong maging tapat sa kanya, upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban, at sundin ang kanyang mga batas, tuntunin at hatol, gaya ng ipinag-utos niya sa ating mga ninuno.
8:59 Manatili nawa araw-gabi sa harapan ni Yahweh itong aking panalangin upang sa bawat araw ay pagkalooban niya ng katarungan ang kanyang alipin, at ang kanyang bayang Israel ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
8:60 Sa gayon, malalaman ng lahat ng tao sa balat ng lupa na Diyos si Yahweh, at liban sa kanya'y wala nang iba.
8:61 "Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon.' ( Mga Handog sa Araw ng Pagpapasinaya )"
8:62 Sa pagtitipong ito nag-alay si Solomon at ang buong Israel ng napakaraming handog.
8:63 Nagpatay sila ng 22,000 baka at 120,000 tupa bilang handog na pinagsasaluhan. Sa gayong paraan ginawa ni Solomon at ng buong Israel ang pagtatalaga ng Templo ni Yahweh.
8:64 Nang araw ring iyon, itinalaga ni Solomon ang patyo sa harap ng Templo. Doon niya inihain ang handog na susunugin, ang mga handog na bunga at ang mga taba ng handog na pinagsasaluhan. Ang dambanang tanso sa harapan ni Yahweh ay napakaliit para sa gayong karaming handog na susunugin, handog na bunga at taba ng mga handog na pinagsasaluhan.
8:65 Kaya nga't nang taong iyon, natipon sa Jerusalem ang buong Israel mula sa Paso ng Hamat hanggang sa Batis ng Egipto. Sa pamumuno ni Solomon, ipinagdiwang nila ang Pista ng mga Tolda sa loob ng pitong araw.
8:66 Sa ikawalong araw, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umalis ang mga ito na masasaya, nagpupuri sa hari. Totoo nilang ikinagalak ang mga pagpapalang ipinagkaloob ni Yahweh kay David na kanyang alipin, at sa kanyang bayang Israel.
9:1 ( Muling Napakita kay Solomon si Yahweh ) Nang maipagawa na ni Solomon ang Templo ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng binalak niyang ipatayo,
9:2 napakita uli sa kanya si Yahweh, tulad ng nangyari sa Gabaon.
9:3 "Sinabi sa kanya: 'Ipinagkakaloob ko ang lahat mong hiniling sa iyong panalangin. Pinababanal ko ang Templong ito at lalagi rito ang aking pangalan magpakailanman. Lilingapin ko at mamahalin ang pook na ito habang panahon."
9:4 Kung ikaw naman ay mananatiling tapat sa akin, gaya ng iyong amang si David, kung gagawin mong lahat ang mga ipinagagawa ko sa iyo, at susundin mo ang aking mga utos at tuntunin,
9:5 pananatilihin ko sa trono ng Israel ang iyong angkan. Iyan ang aking ipinangako sa iyong amang si David.
9:6 Ngunit kung ikaw, o ang iyong mga anak, ay tatalikod sa akin at hindi susunod sa aking mga kautusan at batas; kapag kayo'y dumulog, sumamba at naglingkod sa ibang diyos,
9:7 palalayasin ko ang bayang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila. Itatakwil ko ang Templong ito na aking pinabanal at itinalagang pamamalagian ng aking pangalan. Ang Israel ay magiging paksa ng usapan ng lahat ng bansa.
9:8 Iguguho ang templong ito, at sinumang maparaan dito'y manghihilakbot. Mawiwika nila: 'Bakit ganyan ang ginawa ni Yahweh sa bansang ito at sa Templong ito?'
9:9 "At ganito ang magiging sagot: 'Sapagkat tinalikdan nila si Yahweh, ang kanilang Diyos na humango sa kanilang mga ninuno sa pagkaalipin sa Egipto. Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga diyos kaya pinabayaan sila ni Yahweh sa ganitong kapahamakan.'' ( Ang Kasunduan ni Solomon at ni Hiram )"
9:10 Dalawampung taon ang nagugol ni Solomon sa pagpapatayo ng kanyang palasyo at ng Templo ni Yahweh.
9:11 Si Hiram, hari ng Tiro, ang nagpadala ng mga kahoy na cedro at abeto at ginto na ginamit doon. Dahil dito, siya'y binigyan ni Solomon ng dalawampung lunsod sa lupain ng Galilea bilang kapalit.
9:12 Ngunit nang dumating si Hiram mula sa Tiro upang tingnan ang mga lunsod na bigay sa kanya ni Solomon, hindi siya lubos na nasiyahan.
9:13 "Kaya nasabi niya: 'Kapatid, bakit naman ganito ang mga lunsod na ibinigay mo sa akin?' At tinawag na Lupa ng Cabul{ a} ang mga lunsod na iyon magpahanggang ngayon."
9:14 Nagpadala si Hiram kay Solomon ng 120 talentong ginto. ( Iba pang mga Ipinagawa ni Solomon )
9:15 Ito ang ulat ng sapilitang paggawa na ipinataw ni Solomon sa taong bayan upang kanyang maipagawa ang kanyang palasyo at ang Templo ni Yahweh, mapatibay ang Milo at maipatayo ang muog ng Jerusalem, ng Hazor, ng Meguido at ng Gezer. (
9:16 Ang Gezer ay lunsod ng mga Cananeo. Sinalakay ito ng Faraon, hari ng Egipto, nilupig, tinupok at pinuksa ang mga tagaroon. Ibinigay ng Faraon ang lunsod na ito kay Solomon bilang dote ng kanyang anak na naging reyna ni Solomon;
9:17 at muling ipinatayo ni Solomon ang Gezer.) Ipinagawa rin niya ang Bet-horong Timog;
9:18 ang Baalat, ang Tadmor sa ilang
9:19 at ang mga lunsod at bayang himpilan ng kanyang mga kabayo at karwahe. Ipinagpatuloy niya ang lahat niyang binalak ipagawa sa Jerusalem, sa Libano at sa lahat ng lupaing kanyang sakop.
9:20 Pinapagtrabaho ni Solomon bilang mga alipin ang mga Amorreo, Heteo, Perezeo, Heveo at Jebuseo na natitira sa lupain.
9:21 Ito ang mga inanak at inapo ng mga naligtas sa utos ni Yahweh sa mga Israelita na lipulin ang lahat ng lahi na daratnan nila sa lupain ng Canaan.
9:22 Hindi niya isinama sa sapilitang paggawa ang mga Israelita. Sa halip ang mga ito'y ginawa niyang mandirigma: mga kawal at pinuno ng hukbo, ng kanyang kabayuhan, at ng kanyang mga karwahe.
9:23 Ang bilang ng mga tagapangasiwa ni Solomon na pinamahala niya sa mga manggagawa ay 550 katao.
9:24 Nang mayari na ang palasyong ipinagawa niya para sa reyna na anak ng Faraon, pinalipat niya ito mula sa Kuta ni David. Pagkatapos, ipinagawa niya ang Milo.
9:25 Taun-taon, tatlong beses na naghahandog si Solomon sa dambanang itinayo niya para kay Yahweh. Nag-aalay siya ng mga handog na susunugin at mga handog na pinagsasaluhan, at nagsusunog din siya ng kamanyang kay Yahweh. At sinikap niyang maging maayos na lagi ang tahanan ni Yahweh.
9:26 Nagtipon si Solomon ng maraming barko sa Ezion-geber. Ang lunsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Aqaba, sa lupain ng Edom---malapit sa Elot.
9:27 Upang tulungan ang mga tauhan ni Solomon, pinadalhan siya ni Hiram ng sarili niyang mga tauhan, mga sanay na mandaragat.
9:28 Pumunta sila sa Ofir, at pagbalik ay nag-uwi sila ng anim na toneladang ginto na isinulit nila kay Solomon.
10:1 ( Ang Pagdalaw ng Reyna ng Seba ) Nakarating sa pandinig ng reyna ng Seba ang mga balita tungkol kay Solomon. Kaya't nagsadya siya upang subukin ito sa pamamagitan ng malalalim na katanungan.
10:2 Dumating nga siya sa Jerusalem, na may kasamang maraming abay at may dalang katakut-takot na kayamanan: mga kamelyo na may kargang iba't ibang uri ng pabango, napakaraming ginto at batong hiyas. At nang makaharap na siya ni Solomon, sinabi niya ang kanyang pakay.
10:3 Sinagot naman ni Solomon ang lahat niyang tanong---at wala isa mang hindi nito naipaliwanag.
10:4 Humanga ang reyna sa karunungan ni Solomon at sa palasyong ipinagawa nito.
10:5 Napansin niya ang pagkain sa hapag ng hari, ang mga tirahan ng kanyang mga pinuno at ang kaayusan ng kanyang mga tauhan. Napansin din niya ang kanyang kasuutan, ang mga tagadulot niya ng inumin, ang handog na iniaalay niya sa Templo. Hangang-hanga ang reyna sa kanyang nakita.
10:6 "Kaya't sinabi niya sa hari: 'Totoo nga pala ang lahat nang narinig ko tungkol sa inyo."
10:7 Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinasabi nila sa akin tungkol sa inyo. Ngunit ngayong makita ko ang lahat, ay napatunayan kong wala pa pala sa kalahati ang ibinalita nila sa akin. Sapagkat ang inyong karunungan ay talagang higit kaysa iniulat nila sa akin.
10:8 Mapalad ang inyong mga asawa! Mapalad ang inyong mga tauhan sapagkat lagi nilang naririnig ang inyong karunungan!
10:9 "Purihin si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagpala sa inyo at nagpaluklok sa trono ng Israel. Dahil sa walang katapusang pag-ibig ni Yahweh sa Israel, ginawa niya kayong hari upang mamahala dito at magpairal ng katarungan.' "
10:10 At ang hari'y binigyan niya ng halos limang toneladang ginto, at napakaraming pabango at batong hiyas. Kailanma'y hindi natumbasan sa dami ang pabangong iyon na bigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon.
10:11 Bukod dito, ang mga barko ni Hiram na nagdadala ng ginto buhat sa Ofir ay may dala ring mga batong hiyas at napakaraming kahoy na algum.
10:12 Ito ang kahoy na ginamit sa mga upuan sa Templo at sa palasyo ng hari at sa mga lira at alpa ng mga manunugtog. Wala na uling dumating o nakita pang kahoy na tulad nito mula noon hanggang ngayon.
10:13 Ipinagkaloob naman ng Haring Solomon sa reyna ng Seba ang bawat maibigan nito---ang lahat niyang hinihingi---bukod pa sa kanyang kusang ipinagkaloob sa reyna. At ito'y umuwi na, pati ang kanyang mga utusan. ( Ang mga Kayamanan ni Solomon )
10:14 Ang gintong dumarating kay Solomon taun-taon ay umaabot sa dalawampu't limang tonelada.
10:15 Hindi pa kabilang dito ang nasisingil sa aduwana, ang tinutubo sa pangangalakal sa labas ng bansa, at ang buwis na galing sa mga hari ng Arabia at sa mga gobernador ng mga lalawigan.
10:16 Nagpagawa ang Haring Solomon ng 200 malalaking kalasag na may kalupkop na ginto. Umabot sa labinlimang librang ginto ang nagamit na pangkalupkop sa bawat isa.
10:17 Nagpagawa pa siya ng 300 maliliit na kalasag na may kalupkop ding ginto. Halos apat na librang ginto ang nagamit sa pagkakalupkop sa bawat isa. Ipinalagay ng hari ang mga nasabing kalasag sa palasyo, sa bulwagang tinatawag na Gubat ng Libano.
10:18 Nagpagawa rin siya ng isang tronong garing na may mga labor na gintong lantay.
10:19 Anim na baitang ang paakyat sa trono. May ulo ng bisirong baka ang ulunan ng trono, at may dantayan ng bisig sa dalawang tagiliran. May dalawang leon na nakatayo sa tabi nito,
10:20 at labindalawa naman sa magkabilang dulo ng mga baitang. Kailanma'y wala pang ginawang trono na tulad nito sa alinmang kaharian.
10:21 Gintong lahat ang mga inuman ng Haring Solomon, at gayon din ang mga kasangkapan sa bulwagang tinatawag na Gubat ng Libano. Walang kagamitang pilak dahil sa di gaanong pinahahalagahan ito noong panahon ni Solomon.
10:22 May mga barko siya sa karagatan, kasama ng mga barko ni Hiram, at tuwing ikatlong taon ay dumarating ang mga barkong ito, kargado ng ginto, pilak, garing, mga unggoy at pabo real.
10:23 Sa karunungan at sa kayamana'y nangunguna ang Haring Solomon sa lahat ng mga hari sa lupa.
10:24 Pinagsasadya siya ng mga tao buhat sa lahat ng dako sa daigdig upang marinig ang karunungang kaloob sa kanya ng Diyos.
10:25 At ang bawat isa'y may dalang pasalubong: mga sisidlang ginto at pilak, mga damit at mga sandata, mga pabango at mga kabayo at mola. At nagpatuloy ito sa loob ng maraming taon. ( Mga Sasakyan ni Solomon )
10:26 Nagtatag si Haring Solomon ng isang malaking hukbo na binubuo ng 12,000 kabayuhan at 1,400 karwahe. Inilagay niya ang mga ito sa mga bayang itinalagang himpilan. Naglagay din siya sa Jerusalem, malapit sa hari.
10:27 Sa Jerusalem, ang pilak ay naging parang bato sa dami, at ang cedro'y naging kasindami ng sikomoro sa kapatagan.
10:28 Galing pa sa Cilicia ang mga kabayo ni Solomon. May mga mangangalakal siyang tagapamili doon sa tiyak na halaga.
10:29 Bumibili din sila ng mga karwahe sa Egipto sa halagang 600 pirasong pilak bawat isa at sa 150 piraso naman ang bawat kabayo. Ang mga ito'y ipinagbibili ng mga mangangalakal ni Solomon sa mga haring Heteo at Arameo.
11:1 ( Ang mga Asawa ni Solomon ) Umibig si Solomon sa maraming babaing tagaibang bansa. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Edomita, Sidonio at Heteo.
11:2 "Ipinagbawal ni Yahweh sa mga Israelita ang mag-asawa ng mga taga bansang ito. 'Huwag kayong mag-aasawa sa mga lahing iyan sapagkat tiyak na ililigaw nila kayo at hihikayating sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan,' wika niya. Ngunit labis na nabuhos ang loob ni Solomon sa mga babaing ito."
11:3 Ang mga asawa niyang mula sa lipi ng mga hari ay 700, at ang kanya namang mga asawang-alipin ay 300.
11:4 Nang matanda na si Solomon, nahikayat siya ng mga ito na sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Hindi siya nanatiling tapat kay Yahweh; hindi niya sinundan ang halimbawa ni David na kanyang ama.
11:5 Sumamba siya kay Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Nicom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita.
11:6 Ginawa nga ni Solomon ang ipinagbabawal ni Yahweh, at hindi niya sinundan ang halimbawa ng kanyang amang si David, na naglingkod nang buong katapatan kay Yahweh.
11:7 Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagtayo siya ng mga sambahan: para kay Cemos, ang karumal-dumal na diyus-diyusan ng Moab, at para kay Moloc, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita.
11:8 Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga dambana ang mga diyus-diyusan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito'y nagsuob doon ng kamanyang at naghain ng mga handog.
11:9 Nagalit si Yahweh kay Solomon dahil sa ginawa niyang ito. Dalawang beses na napakita sa kanya si Yahweh
11:10 at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyusan. Ngunit hindi niya pinansin si Yahweh.
11:11 "Kaya nga't sinabi nito sa kanya: 'Dahil sa hindi mo paggalang sa aking tipan at hindi mo pagsunod sa aking mga tagubilin, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay ko sa isang alipin mo."
11:12 Ngunit alang-alang kay David na iyong ama, hindi ko gagawin ito sa panahon mo, kundi sa panahon ng iyong anak.
11:13 Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanya alang-alang kay David na aking lingkod, at alang-alang sa Jerusalem, ang lunsod na aking hinirang. ( Ang mga Kaaway ni Solomon )
11:14 Ipinahintulot ni Yahweh na may lumitaw na isang kalaban si Solomon: ang Edomitang si Hadad, buhat sa lipi ng mga hari ng Edom.
11:15 Nang magapi ni David ang Edom, pumunta roon si Joab, ang pinakapuno ng hukbo, upang ipalibing ang mga nasawi sa labanan.
11:16 Anim na buwan siyang nanatili sa Edom, kasama ang buong hukbo ng Israel, at hindi sila umalis hanggang di nila naubos patayin ang mga lalaki roon.
11:17 Subalit si Hadad na bata pa noon ay nakatakas patungo sa Egipto sa tulong ng ilang Edomitang tauhan ng kanyang ama.
11:18 Buhat sa Midian nagtungo sila sa Paran, at doo'y nakakuha sila ng ilan pang mga lalaki na isinama nila sa Egipto. Tinanggap siya ng Faraon, ang hari ng Egipto, binigyan ng bahay, lupa at lahat ng kailangan.
11:19 Napamahal si Hadad sa Faraon, at napangasawa niya ang hipag nito, ang kapatid na babae ni Reyna Tapnes.
11:20 Nagkaanak sila ng isang lalaki na tinawag nilang Genubat. Matapos awatin, ito'y kinuha ng reyna at pinalaki sa palasyo, kasama ng mga anak ng Faraon.
11:21 "Nang mabalitaan ni Hadad na namayapa na si David at namatay na rin si Joab, ang pinakapuno ng hukbo ng Israel, nagpaalam siya sa Faraon. 'Ipahintulot po ninyong umuwi ako sa aming bayan,' wika niya. "
11:22 '"Kinukulang ka pa ba rito ng anuman at ibig mong umuwi sa inyo?' tanong ng Faraon. 'Hindi po naman,' sagot ni Hadad. 'Ngunit ipahintulot po ninyong makauwi muna ako sa amin.' "
11:23 May isa pang kaaway na pinalitaw si Yahweh laban kay Solomon: si Rezon na anak ni Eliada. Tumakas siya sa kanyang amo, si Hadadezer na hari ng Zoba.
11:24 Nagtipon siya ng mga tauhan at naging pinuno ng isang pangkat ng mga tulisan. Naagaw niya ang Damasco at naghari siya roon.
11:25 Naging kaaway siya ng Israel sa buong panahon ng paghahari ni Solomon. Naparagdag pa ito sa pamiminsalang ginagawa ni Hadad na naghimagsik sa Israel at naghari sa Edom. ( Ang Pag-aaklas ni Jeroboam )
11:26 Isa pa sa mga lumaban kay Solomon ay isa ring tauhan niya, si Jeroboam na anak ng Efrateong si Nabat na taga-Sereda. Ang ina niya'y isang balo na ang pangalan ay Serua.
11:27 Ito ang kasaysayan ng kanyang pagkapag-aklas. Ipinagagawa ni Solomon ang muog ng Milo at pinatatakpan ang guwang sa muog ng Lunsod ng Jerusalem.
11:28 Itong si Jeroboam ay isang lalaking makapangyarihan. Nang makita ni Solomon ang kanyang kakayahan, inilagay siyang tagapamahala ng lahat ng gawaing bayan sa lupain ng angkan ni Jose.
11:29 Isang araw, lumabas ng Jerusalem si Jeroboam at nasalubong niya si Ahias, ang propetang taga-Silo. Ito'y nag-iisa, at bago ang dalang balabal.
11:30 Walang anu-ano'y inalis ni Ahias ang kanyang balabal at pinagpunit-punit sa labindalawang piraso.
11:31 "Sabi niya kay Jeroboam: 'Kunin mo ang sampung piraso sapagkat ganito ang ipinasasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Hahatiin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay ko sa iyo ang sampung lipi."
11:32 Matitira sa kanya ang isang lipi, alang-alang kay David na aking lingkod at alang-alang sa Jerusalem, ang lunsod na aking hinirang sa lahat ng lipi ng Israel.
11:33 Ginawa ko ito sapagkat tinalikdan niya ako upang maglingkod kay Astarte, ang diyus-diyusan ng mga Sidonio, kay Cemos, ang diyus-diyusan ng Edom at kay Moloc, ang diyus-diyusan ng mga Ammonita. Hindi siya namuhay nang ayon sa kalooban ko. Hindi niya ginawa ang gusto ko, at hindi niya sinunod ang aking mga utos at tuntunin. Hindi nga niya sinundan ang halimbawa ni David.
11:34 Ngunit hindi ko aalisin sa kanya ang kaharian habang siya'y nabubuhay. Pananatilihin ko siyang hari alang-alang kay David, ang aking lingkod na tumupad ng aking mga utos.
11:35 Sa kanyang anak ko kukunin ang isang bahagi ng kaharian---ang sampung lipi---at ibibigay ko sa iyo.
11:36 Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanyang anak. Sa gayon, ang lingkod kong si David ay laging magkakaroon ng isang inapong maghahari sa Jerusalem, ang lunsod na hinirang ko upang pamalagian ng aking pangalan.
11:37 Ikaw nga ang maghahari sa Israel at ilalagay ko sa ilalim ng iyong pamamahala ang lahat ng lupaing maibigan mo.
11:38 Kung tatalimahin mo ang aking mga utos, kung mamumuhay ka ayon sa aking kalooban; kung ang iyong mga gawa'y magiging kalugud-lugod sa aking paningin at susundin mo ang aking mga batas at tuntunin, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod, ako'y sasaiyo. Pananatilihin ko ang iyong angkan tulad ng ginawa ko kay David. Ibibigay ko sa iyo ang Israel,
11:39 "at parurusahan ko ang mga anak at apo ni David, ayon sa nararapat sa kanila. Gayunman, ito'y hindi panghabang-panahon.' "
11:40 Dahil dito, sinikap ni Solomon na ipapatay si Jeroboam. Ngunit ito'y nakatakas at napakupkop kay Sisac, hari ng Egipto, at nanatili siya doon hanggang sa namatay si Solomon. ( Wakas ng Paghahari ni Solomon )
11:41 Ang iba pang kasaysayan ni Solomon, ang kanyang mga ginawa at mga karunungan ay pawang nasusulat sa k Aklat ng mga Gawa ni Solomonkend.
11:42 Naghari siya sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
11:43 Nang siya'y mamatay, inilibing ang kanyang bangkay sa Lunsod ni David na kanyang ama. Humalili sa kanya ang anak niyang si Roboam.
12:1 ( Ang Pagtitipan sa Siquem ) Pumunta sa Siquem si Roboam sapagkat doon nagtipun-tipon ang buong Israel upang siya'y kilanling hari.
12:2 (Nasa Egipto pa noon si Jeroboam na anak ni Nabat; doon siya nagtago nang kasalukuyang inuusig ni Solomon.) Nang mabalitaan ni Jeroboam ang mga pangyayari, umuwi siya mula sa Egipto.
12:3 [Siya'y kanilang ipinasundo mula doon.] Humarap nga kay Roboam si Jeroboam at ang buong Israel at sinabi sa kanya:
12:4 '"Napakabibigat po ang mga dalahing ipinapasan sa amin ng inyong ama. Bawasan po ninyo ang pahirap na ginawa niya sa amin; pagaanin ninyo ang pasanin na aming dinadala at paglilingkuran namin kayo.' "
12:5 "Sumagot si Roboam, 'Bigyan ninyo ako ng tatlong araw upang mapag-aralan ang bagay na ito, at pagkatapos bumalik kayo.' Kaya umalis muna ang mga tao. "
12:6 Sumangguni si Roboam sa matatandang naglilingkod kay Solomon nang ito'y nabubuhay pa. Itinanong niya sa kanila kung ano ang dapat niyang gawin.
12:7 "At ganito ang sabi sa kanya ng matatanda: 'Kapag pinagbigyan ninyo ang kanilang kahilingan at ipinakita ninyong handa kayong maglingkod sa kanila, kapag sila'y inyong pinakitunguhang mabuti, maglilingkod sila sa inyo habang panahon.' "
12:8 Ngunit pinawalang-halaga ni Roboam ang payo ng matatanda. Sa halip, nagtanong siya sa mga kababata niya na ngayo'y naglilingkod sa kanya,
12:9 '"Ano ang dapat kong isagot sa mga taong humihiling na pagaanin ko ang pasaning ipinataw sa kanila ng aking ama?' "
12:10 "Ganito naman ang payo nila: 'Sabihin mo sa mga taong dumaraing sa bigat ng pasaning ipinataw sa kanila ng iyong ama na ang kalingkingan mo'y mas matigas kaysa hita ng iyong ama;"
12:11 "na dadagdagan mo pa ang pahirap na kanyang ipinapasan sa kanila; at kung sila'y hinagupit niya ng latigo, hahagupitin mo naman sila ng mga panghampas na may tinik na bakal.' "
12:12 Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao, ayon sa iniutos sa kanila ng hari.
12:13 Laban sa payo ng matatanda, marahas ang sagot na ibinigay ni Roboam sa mga tao.
12:14 "Ang sinunod niya'y ang payo ng kabataan, kaya't sinabi niya: 'Kung mabigat ang dalahing ipinapasan sa inyo ng aking ama, dadagdagan ko pa iyan. Kung hinagupit niya kayo ng latigo, panghampas na may tinik na bakal ang ihahagupit ko sa inyo.'"
12:15 Hindi nga nilimi ng hari ang karaingan ng bayan. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Ahias kay Jeroboam na anak ni Nabat nang sila'y magsalubong sa Silo.
12:16 "Nang makita ng bayan na hindi sila pinansin ng hari ay sinabi nila: 'Ano ang mahihita natin kay David? Wala tayong pakialam sa anak ni Jesse. Umuwi na tayo, mga anak ni Israel. David, buhat ngayo'y bahala ka na sa iyong sambahayan.' Umuwi na nga sa kani-kanilang tahanan ang sampung lipi ng Israel."
12:17 Yaon lamang mga naninirahan sa mga lunsod ng Juda ang natira kay Roboam.
12:18 Pagkatapos, pinapunta niya sa sampung lipi si Adoram, ang tagapangasiwa ng sapilitang paglilingkod-bayan, ngunit ito ay binato nila hanggang mamatay. Kaya't nagmamadaling sumakay si Roboam sa kanyang karwahe at tumakas patungo sa Jerusalem.
12:19 Buhat noon hanggang ngayon humiwalay ang sampung lipi ng Israel sa paghahari ng angkan ni David. ( Paghiwalay sa Pamahalaan )
12:20 Nang marinig ng matatanda ng Israel na bumalik na si Jeroboam, siya'y ipinatawag nila sa kapulungan ng bayan at ginawang hari ng sampung lipi ng Israel. Ang lipi lamang ni Juda ang nanatili sa angkan ni David.
12:21 Pagdating ni Roboam sa Jerusalem, tinipon niya ang mga lipi ni Juda at ni Benjamin. Nakatipon siya ng 180,000 mga sanay na mandirigma upang bakahin ang sampung lipi ni Israel at bawiin ang kanyang kaharian.
12:22 Subalit sinabi ni Yahweh kay Ahias na kanyang lingkod:
12:23 '"Sabihin mo kay Roboam na anak ni Solomon at hari ng Juda"
12:24 "na huwag na niyang bakahin ang sampung lipi ng Israel. Bayaan na niyang makauwi ang bawat isa sa kanya-kanyang tahanan sapagkat ako ang may panukala sa nangyari.' ( Paghiwalay sa Pagsamba )"
12:25 Pinatibay ni Jeroboam ang Siquem sa kabundukan ng Efraim at doon siya tumira. Pagkatapos, lumipat siya sa Penuel.
12:26 Sumaisip ni Jeroboam na kung magpapatuloy ang dating kaugalian ng kanyang mga nasasakupan, malamang na manumbalik ang mga iyon sa angkan ni David. Ito ang sabi niya sa sarili:
12:27 '"Kapag ang mga taong ito'y hindi tumigil ng pagpunta sa Templo ni Yahweh sa Jerusalem upang mag-alay ng mga handog, mahuhulog uli ang kanilang loob sa dati nilang panginoon, si Roboam na hari ng Juda, at ako'y kanilang papatayin.' "
12:28 "Kaya nga, matapos mapagkuru-kuro ang bagay na ito, gumawa siya ng dalawang toreteng ginto at sinabi sa bayan: 'Huwag na kayong mag-abalang umahon sa Jerusalem. Narito, bayang Israel, ang inyong Diyos na humango sa inyo sa Egipto.'"
12:29 Inilagay niya ang isa sa Betel at ang isa nama'y sa Dan; at ang bagay na ito'y naging sanhi ng pagkakasala ng Israel.
12:30 May mga pumunta sa Betel upang sambahin iyong una; mayroon namang nagtungo sa Dan upang sambahin ang ikalawa.
12:31 Nagtayo pa siya ng mga sambahan sa burol at naglagay ng mga saserdoteng hindi mula sa lipi ni Levi, kundi mga karaniwang tao lamang.
12:32 Ginawa niyang pista ang ikalabinlimang araw ng ikawalong buwan ng taon, katulad ng kapistahang ipinagdiriwang sa Juda. Naghandog siya sa dambana sa Betel sa mga toreteng ginto na kanyang ginawa roon at pinapaglingkod niya roon ang mga saserdoteng inilagay niya sa mga sambahan sa burol.
12:33 Pumunta nga siya sa dambanang kanyang ipinatayo sa Betel noong ikalabinlimang araw ng ikawalong buwan---buwan na siya ang pumili. Iyo'y ginawa niyang pista sa sampung tribu ng Israel, at siya mismo'y umakyat sa dambana at nagsunog ng kamanyang.
13:1 ( Sinumpa ang Dambana sa Betel ) Samantalang nakatayo si Jeroboam sa harap ng dambana sa Betel upang maghandog, dumating mula sa Juda ang isang lingkod ng Diyos. Pinaparoon siya ni Yahweh
13:2 "upang sumpain ang dambanang iyon. Wika niya: 'Dambana, o dambana, pakinggan mo ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Sisilang sa angkan ni David ang isang lalaki na panganganlang Josias. Papatayin niya rito ang mga saserdote ng sambahan sa burol na naghahandog ng mga hain sa ibabaw mo. Pagsusunugan ka niya ng mga buto ng tao."
13:3 "Ito ang tanda na si Yahweh ang nagpapasabi nito: Magkakadurug-durog ang dambanang ito at sasambulat ang mga abo na nasa ibabaw ng dambana.'' "
13:4 "Nang marinig ni Haring Jeroboam ang sumpang iyon laban sa dambana ng Betel, itinuro niya ang lingkod ng Diyos at pasigaw na iniutos: 'Dakpin ang taong iyan!' Ngunit biglang nanigas ang kanyang kamay na itinuro sa lingkod ng Diyos, anupat hindi niya maikilos iyon."
13:5 Noon di'y nagkadurug-durog ang dambana at sumambulat nga ang mga abo na nasa ibabaw ng dambana, gaya ng sinabi ng lingkod ng Diyos.
13:6 "Namanhik ang hari sa lingkod ng Diyos: 'Ihingi mo ako ng tawad sa Diyos at ipanalangin upang manauli ang aking kamay.' Ginawa naman ng lingkod ng Diyos ang hiniling ng hari, at pagdaka'y gumaling ang kamay nito."
13:7 Inanyayahan ng hari ang lingkod ng Diyos na sumama sa kanya at kumain sa kanyang bahay at pinangakuan pang bibigyan ng isang alaala.
13:8 "Ngunit tumanggi ang lingkod ng Diyos. 'Kahit na po ibigay ninyo sa akin ang kalahati ng inyong kayamanan, hindi ako sasama sa inyo. Hindi rin ako kakain ng anuman dito,"
13:9 "sapagkat sinabi sa akin ni Yahweh na huwag akong kakain o iinom ng anuman, at pag-uwi ko'y huwag akong magbabalik sa aking dinaanan.'"
13:10 Nag-iba nga ng daan ang lingkod ng Diyos at hindi dumaan sa dinaanan niyang patungo sa Betel. ( Ang Matandang Propeta sa Betel )
13:11 Nang panahong iyon, may isang matandang propetang nakatira sa Betel. Dumating ang kanyang mga anak na lalaki at ibinalita ang mga nangyari sa Betel nang araw na iyon. Isinalaysay nila ang ginawa ng lingkod ng Diyos at ang nangyari sa hari.
13:12 '"Saan siya dumaan pag-alis?' tanong ng ama. Itinuro ng mga anak ang dinaanan ng lingkod ng Diyos na mula sa Juda."
13:13 '"Ihanda ninyo ang asnong sasakyan ko,' utos ng ama. Inihanda nga ng mga anak ang asno at sumakay ang propeta."
13:14 "Hinabol niya ang lingkod ng Diyos at inabot niyang namamahinga sa lilim ng isang kahoy na sagrado. 'Kayo po ba ang lingkod ng Diyos na dumating dito mula sa Juda?' tanong niya. 'Ako nga po,' sagot naman nito. "
13:15 '"Sumama kayo sa akin sa aming tahanan upang makakain,' anyaya ng propeta. "
13:16 "Sumagot naman ang lingkod ng Diyos: 'Hindi po ako maaaring sumama sa inyong pabalik; hindi rin po ako maaaring kumain o uminom ng anuman dito."
13:17 "Sapagkat ganito ang utos sa akin ni Yahweh: 'Huwag kang kakain o iinom ng anuman doon, at huwag ka ring babalik sa iyong dinaanan.'' "
13:18 '"Ako rin po ay isang propeta at sinabi sa akin ng isang anghel na inutusan ni Yahweh: 'Ibalik mo siya sa iyong bahay, pakanin mo at painumin,'' wika ng propeta. Ngunit hindi totoo ang kanyang sinasabi. "
13:19 Sumama nga sa kanya ang lingkod ng Diyos. Kumain siya at uminom sa bahay ng propeta.
13:20 Habang sila'y kumakain, dumating sa propeta ang Espiritu ni Yahweh,
13:21 "at sinabi sa lingkod ng Diyos na galing sa Juda, 'Ganito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Sinuway mo ang aking utos;"
13:22 "bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa pook na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga ninuno.'' "
13:23 Nang sila'y makakain, naghanda ang propeta ng asnong masasakyan ng lingkod ng Diyos at ito'y lumisan.
13:24 Nasalubong siya ng isang leon sa daan at siya'y pinatay. Nahandusay ang kanyang bangkay sa tabi ng daan at binantayan ng leon at ng asno.
13:25 May mga tao namang naparaan doon, at nakita nila ang bangkay sa tabi ng daan at ang leong nakabantay. Ibinalita nila sa bayan ang kanilang nakita, at nakaabot ang balita sa matandang propeta.
13:26 "Pagkarinig niya sa nangyari ay kanyang sinabi: 'Iyon ang lingkod ng Diyos na lumabag sa iniutos sa kanya ni Yahweh. Kaya't pinabayaan ni Yahweh na mapatay siya ng leon.'"
13:27 At inutusan niya ang kanyang mga anak na lalaki na ipaghanda siya ng asnong masasakyan.
13:28 Pumunta nga siya at nadatnan niya ang bangkay sa tabi ng daan. Nakabantay sa tabi ng bangkay ang asno at ang leon. Hindi nito kinain ang bangkay at hindi rin inano ang asno.
13:29 Isinakay niya ang bangkay sa kanyang asno at ibinalik sa bayan upang ilibing at ipagluksa.
13:30 "Sa sariling libingan ng propeta napalibing ang bangkay ng lingkod ng Diyos. 'Kawawa ka naman, kapatid!' panaghoy niya."
13:31 "Nang mailibing ang bangkay, sinabi ng propeta sa kanyang mga anak na lalaki: 'Pag ako'y namatay, dito rin ninyo ako ililibing, kasama ng kanyang buto."
13:32 "Sapagkat matutupad ang mga sinabi niya, sa utos ni Yahweh, laban sa dambana ng Betel at laban sa lahat ng sambahan sa mga burol ng Samaria.' ( Itinakwil ni Yahweh ang Sambahayan ni Jeroboam )"
13:33 Sa kabila ng ganitong mga pangyayari, hindi tumigil si Jeroboam sa kanyang masamang gawain. Patuloy pa rin siya sa paglalagay ng mga saserdoteng hindi mula sa lipi ni Levi. Sinumang may gusto ay ginagawa niyang saserdote ng mga sambahan sa burol.
13:34 Dahil sa mga ginawang ito ni Jeroboam, kinamuhian ng Diyos ang kanyang sambahayan. Ito ang naging sanhi ng hindi niya pananatili sa pagkahari.
14:1 ( Ang Pagkamatay ng Anak ni Jeroboam ) Nang panahong iyon, nagkasakit si Abias na anak ni Jeroboam.
14:2 "Kaya't sinabi ni Jeroboam sa kanyang asawa, 'Magbalat-kayo ka para hindi makilalang asawa ng hari, at pumunta ka sa Silo. Puntahan mo si Ahias, ang propetang nagsabi sa akin na maghahari ako sa bayang ito."
14:3 "Magdala ka ng sampung tinapay at isang garapong pulot. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.' "
14:4 Gayon nga ang ginawa ng babae. Nagtungo siya sa Silo at pumunta sa bahay ni Ahias. Matandang-matanda na noon si Ahias at malabo ang paningin.
14:5 "Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Pupunta rito ang asawa ni Jeroboam at itatanong sa iyo kung ano ang mangyayari sa kanyang anak na maysakit. Ganito't ganito ang sasabihin mo sa kanya. Magbabalat-kayo siya upang di mo siya makilala.' "
14:6 "Kaya nga't nang maramdaman ni Ahias na nasa may pintuan na ang babae sinabi niya: 'Pasok kayo, mahal na reyna: Bakit pa kayo nagkukunwari? Malungkot na balita ang sasabihin ko sa inyo."
14:7 Bumalik kayo kay Jeroboam at sabihin ninyo: 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Hinirang kita sa karamihan at ginawang pinuno ng aking bayang Israel.
14:8 Inalis ko sa sambahayan ni David ang malaking bahagi ng kaharian at ibinigay sa iyo. Ngunit hindi ka tumulad kay David na aking lingkod. Tinupad niya ang lahat kong iniutos, sinunod niya ako nang buong-puso, at wala siyang ginawa kundi ang kalugud-lugod sa aking paningin.
14:9 Higit ang ginawa mong masama kaysa nagawa ng lahat ng mga nauna sa iyo. Hinamon mo ako nang magpagawa ka ng sarili mong diyus-diyusan---mga larawang yari sa tinunaw na metal. Tumalikod ka sa akin.
14:10 Dahil dito parurusahan ko ang iyong angkan. Lilipulin ko silang lahat, matanda at bata. Wawalisin ko sa Israel ang buong angkan mo, Jeroboam, gaya ng duming winawalis nang said.
14:11 Sinuman sa kanila ang mamatay sa bayan ay kakanin ng mga aso; ang mamatay naman sa bukid ay kakanin ng mga uwak.' Ito ang sabi ni Yahweh.
14:12 '"Ngayon, umuwi na kayo. Sa sandaling sumapit kayo sa inyong bayan, mamamatay ang bata."
14:13 Tatangisan siya ng buong Israel at ihahatid sa kanyang libingan. Siya lamang sa buong angkan ni Jeroboam ang malilibing sapagkat siya lamang ang kinalugdan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
14:14 Ang Israel ay bibigyan ng Diyos ng ibang hari na siyang magwawakas sa paghahari ng angkan ni Jeroboam.
14:15 Parurusahan ni Yahweh ang bayang Israel hanggang sa ito'y manginig na parang tambong nasa tubig na pinapaspas ng hangin. Bubuagin niya ang bayang Israel sa masaganang lupaing ito na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno. Mangangalat sila sa mga lupaing nasa kabila ng ilog sapagkat ginalit nila si Yahweh nang gumawa sila ng mga larawan ni Ashera.
14:16 "Pababayaan ni Yahweh ang Israel dahil sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam at sa mga kasalanang ipinagawa nito sa taong bayan.' "
14:17 Nagmamadaling umalis ang asawa ni Jeroboam at nagbalik sa Tirsa. Pagtuntong niya sa pintuan ng kanilang bahay, namatay ang batang si Abias.
14:18 Siya'y inilibing at tinangisan ng buong bayang Israel, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ng Propeta Ahias. ( Ang Pagkamatay ni Jeroboam )
14:19 Ang nalalabi sa kasaysayan ni Jeroboam---ang kanyang mga pakikidigma at ang kanyang pamamalakad sa kaharian ay nasusulat sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
14:20 Naghari siya sa loob ng dalawampu't dalawang taon, at namahinga sa piling ng kanyang mga nuno. Hinalinhan siya ng kanyang anak na si Nadab. ( Ang Paghahari ni Roboam )
14:21 Naghari naman sa Juda si Roboam na anak ni Solomon. Apatnapu't isang taon ang kanyang gulang nang siya'y lumuklok sa trono. Labimpitong taon siyang naghari sa Jerusalem, sa lunsod na hinirang ni Yahweh sa lahat ng mga lipi ng Israel upang pamalagian ng kanyang pangalan. Ang pangalan ng kanyang ina ay Naama, isang taga-Ammon.
14:22 Hindi naging kalugud-lugod kay Yahweh ang pamumuhay ng mga taga-Juda. Ang mga kasamaang ginawa nila ay higit pa sa ginawa ng kanilang mga ninuno.
14:23 Nagtayo sila ng mga sambahan, mga haliging bato, at mga larawan ni Ashera sa ibabaw ng bawat burol at sa lilim ng bawat mayabong na punongkahoy.
14:24 Higit sa rito: may mga lalaking mahalay sa mga sambahang nagkalat sa buong lupain. Anupat ginaya ng mga tao ang lahat ng mga kasuklam-suklam na kasalanan ng mga bansang pinuksa ni Yahweh nang dumating doon ang bayang Israel.
14:25 Nang ikalimang taon ng paghahari ni Roboam, sinalakay ni Sisac na hari ng Egipto ang Lunsod ng Jerusalem.
14:26 Kinuha niya ang mga kayamanan sa Templo ni Yahweh at sa palasyo ng hari. Sinamsam niyang lahat, pati ang mga kalasag na ginto na ipinagawa ni Solomon.
14:27 Pinalitan ni Roboam ang mga iyon ng mga kalasag na tanso, at inilagay sa pag-iingat ng mga pinuno ng bantay sa hari na nagbabantay sa pintuan ng palasyo.
14:28 Tuwing pupunta ang hari sa Templo ni Yahweh, dala ng mga bantay ang mga kalasag na iyon. Pagkatapos, ibinabalik ang mga kalasag sa himpilan ng mga bantay.
14:29 Ang ibang mga pangyayari noong hari si Roboam ay natatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.kend
14:30 Patuloy ang labanan ni Roboam at ni Jeroboam.
14:31 Namahinga si Roboam na kasama ng kanyang mga ninuno, at inilibing siya sa kanilang libingan sa Kuta ni David. (Ang ina niya'y isang Ammonita na ang pangala'y Naama.) Humalili sa kanya si Abiam na kanyang anak.
15:1 Noong ikalabingwalong taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nabat, naging hari naman ng Juda si Abiam
15:2 na anak ni Roboam kay Maaca na anak ni Absalom. Tatlong taon siyang naghari, at sa Jerusalem siya nanirahan.
15:3 Ang sinundan niya'y ang masamang bakas ng kanyang ama na hinalinhan niya, at hindi ang halimbawa ni David na kanyang nuno. Hindi siya naging tapat kay Yahweh na kanyang Diyos.
15:4 Gayunman, alang-alang kay David, ang kanyang angkan ay pinapanatili ni Yahweh na maghari sa Jerusalem: pinagkalooban siya ng anak na lalaki na hahalili sa kanya, at iningatan sa kaaway ang Jerusalem.
15:5 Ginawa ito ni Yahweh sapagkat pawang matuwid sa paningin niya ang mga gawa ni David. Sa buong buhay niya, hindi siya lumabag sa mga utos ni Yahweh, liban sa ginawa niya kay Urias na Heteo.
15:6 Nanatiling kaaway ni Jeroboam si Abiam habang ito'y nabubuhay.
15:7 Ang iba pang mga pangyayari sa kanyang paghahari ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.kend
15:8 Nang mamatay si Abiam, siya'y inilibing sa Kuta ni David. Hinalinhan siya ng anak niyang si Asa. ( Paghahari ni Asa sa Juda )
15:9 Noong ikadalawampung taon ng paghahari ni Jeroboam, naging hari naman ng Juda si Asa.
15:10 Naghari siya sa loob ng apatnapu't isang taon, at sa Jerusalem siya nanirahan. Si Maaca na anak ni Absalom ay siya pa ring inang-reyna ng panahong iyon.
15:11 Namuhay si Asa nang matuwid sa paningin ni Yahweh, paris ng kanyang ninunong si David.
15:12 Pinalayas niya sa kaharian ang mahahalay na lalaking naglilingkod sa mga sambahan ng mga diyus-diyusan, at winasak ang mga larawan ng mga diyus-diyusang ipinagawa ng mga haring nauna sa kanya.
15:13 Pati ang kanyang lolang si Maaca ay inalis niya sa pagkainang-reyna, sapagkat nagpagawa ito ng isang masagwang larawang ginagamit sa pagsamba kay Ashera. Ipinagiba niya ang larawang ito at ipinasunog sa batis ng Cedron.
15:14 Bagaman hindi niya naipagiba ang mga sambahan sa burol, si Asa'y nanatiling tapat kay Yahweh habang buhay.
15:15 Ipinasok niya sa Templo ang mga handog ng kanyang ama kay Yahweh, gayon din ang kanyang sariling handog na ginto, pilak at mga kasangkapang sagrado.
15:16 Patuloy ang pakikipag-alitan ni Asa kay Baasa na hari ng Israel habang sila'y nabubuhay.
15:17 Pinasok ni Baasa ang lupain ng Juda at nagtayo ng kuta sa Rama upang harangan ang daan papunta kay Asa.
15:18 Kaya't tinipon ni Asa ang nalalabing ginto't pilak sa kabang-yaman ng Templo at ng palasyo. Ipinadala iyon sa Damasco, kay Ben-hadad na anak ni Tabrimon at apo ni Hezion at hari ng Siria. Ganito ang kanyang ipinasabi:
15:19 '"Nais kong maging magkakampi tayo tulad ng ating mga magulang. Tanggapin mo ang mga alaalang ito. Hinihiling kong putulin mo ang iyong pakikipagkaibigan kay Baasa na hari ng Israel upang mapilitan siyang umalis sa aking lupain.' "
15:20 Pumayag naman si Ben-hadad at nagpadala ng dalawang heneral laban sa Israel. Sinakop nila ang mga bayan ng Ijon, Dan, Abel-bet-maaca at ang lupain ng Cineret na karatig ng Neftali.
15:21 Nang ito'y mabalitaan ni Baasa, itinigil ang pagpapagawa ng Rama at umurong sa Tirsa.
15:22 Iniutos naman ni Asa sa lahat ng lalaki sa Juda na kunin ang mga bato at kahoy na ginamit ni Baasa sa pagtatayo ng kuta sa Rama, at ginamit iyon sa paggawa ng kuta sa Geba at Mizpa, sa lupain ng Benjamin.
15:23 Ang ibang kasaysayan ni Asa, ang kanyang kagitingan at mga nagawa ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.kend Ngunit nang siya'y matanda na, nagkasakit siya sa paa
15:24 at namatay; siya'y inilibing sa Kuta ni David. Hinalinhan siya ni Josafat na kanyang anak. ( Paghahari ni Nadab sa Israel )
15:25 Nang ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari naman sa Israel si Nadab na anak ni Jeroboam, at dalawang taon siyang naghari sa Israel.
15:26 Hindi naging kalugud-lugod kay Yahweh ang kanyang pamumuhay. Nagpakasama siya tulad ng kanyang ama, at ibinulid ang bayang Israel sa mga kasalanan gaya nang panahon ng kanyang ama.
15:27 Umaklas laban sa kanya si Baasa na anak ni Ahias, mula sa lipi ni Isacar. Samantalang sinasalakay niya at ng buong Israel ang Gibeton, isang lunsod na naagaw ng mga Filisteo, pinatay siya ni Baasa.
15:28 Ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda nang patayin ni Baasa si Nadab at agawan ng paghahari.
15:29 Inusig ni Baasa ang buong angkan ni Jeroboam at pinatay na lahat, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.
15:30 Ganito ang sinapit ng angkan ni Jeroboam sapagkat napoot sa kanya si Yahweh dahil sa kanyang mga kasalanan, at sa mga kasalanang ginawa ng bayang Israel dahil sa kanya.
15:31 Ang ibang mga pangyayari sa paghahari ni Nadab ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
15:32 Patuloy ang alitan ni Asa, hari ng Juda at ni Baasa, hari ng Israel habang sila'y nabubuhay. ( Paghahari ni Baasa sa Israel )
15:33 Ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda nang maghari sa Israel si Baasa, na anak ni Ahias. Dalawampu't apat na taon siyang naghari, at sa Tirsa nanirahan.
15:34 Sinundan din niya ang masamang halimbawa ni Jeroboam, at ibinulid sa pagkakasala ang Israel tulad nang panahon ni Jeroboam.
16:1 Sinugo ni Yahweh si Propeta Jehu na anak ni Hanani kay Baasa at ganito ang ipinasabi:
16:2 '"Hinango kita sa putik at ginawang hari ng bayan kong Israel. Ngunit sinundan mo ang halimbawa ni Jeroboam. Ibinulid mo ang bayan ko sa pagkakasala."
16:3 Kaya't itatakwil din kita, at ang iyong angkan, gaya nang ginawa ko kay Jeroboam.
16:4 "Sinuman sa iyong angkan ang mamatay sa bayan ay kakanin ng mga aso; at sinumang mamatay sa bukid ay kakanin ng mga uwak.' "
16:5 Ang iba pang mga pangyayari sa paghahari ni Baasa, ang kanyang katapangan at mga nagawa ay nasusulat sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
16:6 Nang mamatay si Baasa, inilibing siya sa Tirsa. Humalili sa kanya ang anak niyang si Ela.
16:7 Sinugo ni Yahweh si Propeta Jehu upang ipahayag kay Baasa ang kanyang hatol laban dito. Sapagkat bukod sa kanyang pagsunod sa mga kasalanan ni Jeroboam, nilipol niya ang buong angkan nito. ( Naputol kay Ela ang Paghahari ng Angkan ni Baasa )
16:8 Naging hari ng Israel si Ela na anak ni Baasa noong ika-26 na taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Dalawang taon siyang naghari at sa Tirsa nanirahan.
16:9 Pinagtaksilan siya ni Zimri na pinuno ng kalahati ng hukbong gumagamit ng karwahe. Samantalang lasing si Ela sa bahay ni Arsa na tagapamahala ng palasyo sa Tirsa,
16:10 pumasok si Zimri at siya'y pinatay. Ika-27 taon ng paghahari ni Asa sa Juda nang agawin ni Zimri kay Ela ang paghahari sa Israel.
16:11 Kapagdaka'y inusig ni Zimri ang buong sambahayan ni Baasa. Wala siyang itinirang lalaki sa angkan nito, mga kamag-anak at kaibigan.
16:12 Nilipol nga niya ang buong angkan ni Baasa ayon sa sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Jehu.
16:13 Napoot si Yahweh kina Baasa at Ela sapagkat ibinulid nila ang Israel sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
16:14 Ang kasaysayan ni Ela, ang buo niyang paghahari ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelk*. ( Ang Paghahari ni Zimri )
16:15 Naging hari ng Israel si Zimri noong ika-27 taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Sa Tirsa siya tumira, at pitong araw lamang siyang naghari. Nasa Gibeton noon ang hukbo ng Israel sa pamumuno ni Omri, at kinukubkob nila ang lunsod na iyon ng mga Filisteo.
16:16 Nabalitaan nila ang pagtataksil ni Zimri at ang pagkamatay ng hari. Kaya't noon di'y pinagkaisahan nilang gawing hari si Omri, ang pinuno ng hukbo.
16:17 Iniwan nga nila ang Gibeton, at sinalakay ang Tirsa.
16:18 Nang makita ni Zimri na mahuhulog na ang bayan sa kamay ng kalaban, nagkulong siya sa kastilyo ng palasyo at sinindihan iyon. Kaya't kasama siyang natupok.
16:19 Nangyari ito sapagkat hindi rin kinalugdan ni Yahweh ang gawa ni Zimri. Ibinulid niya ang Israel sa pagkakasala tulad ng ginawa ni Jeroboam.
16:20 Ang buong kasaysayan ni Zimri, lalo na ang kanyang pakikipagsabwatan upang agawin ang kaharian, ay natatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israel.k* ( Ang Paghahari ni Omri )
16:21 Pagkamatay ni Zimri, nahati ang Israel sa dalawang pangkat. Pumanig ang isa kay Omri, ngunit si Tibni na anak ni Ginat ang pinili ng ikalawa.
16:22 Sa wakas, nagtagumpay ang pangkat ni Omri. Napatay si Tibni at si Omri ang naging hari.
16:23 Si Omri'y naging hari ng Israel noong ika-31 taon ng paghahari ni Asa sa Juda at labindalawang taon siyang naghari. Tumira siya sa Tirsa sa loob ng anim na taon.
16:24 Pagkatapos, binili niya kay Semer ang isang bundok sa halagang 151 librang pilak. Nagtayo siya roon ng isang lunsod na tinawag niyang Samaria, hango sa salitang Semer, pangalan ng binilhan niya ng bundok.
16:25 Hindi naging kalugud-lugod kay Yahweh ang buhay ni Omri---naging masahol pa siya sa mga nauna sa kanya.
16:26 Tumulad siya kay Jeroboam na anak ni Nabat. Ibinulid din niya ang mga Israelita sa pagsamba sa mga diyus-diyusan, kaya't nagalit sa kanila si Yahweh.
16:27 Ang kasaysayan ng paghahari ni Omri, ang kanyang katapangan at mga nagawa, ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israel.kend
16:28 Nang mamatay si Omri, sa Samaria siya inilibing. Humalili sa kanya bilang hari ang anak niyang si Acab. ( Pasimula ng Paghahari ni Acab )
16:29 Nagsimulang maghari sa Israel si Acab na anak ni Omri noong ika-38 taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari sa loob ng dalawampu't dalawang taon.
16:30 Higit sa lahat ng nauna sa kanya ang kasamaang ginawa niya sa paningin ni Yahweh.
16:31 Hindi pa siya nasiyahang ipagpatuloy ang ginawa ni Jeroboam. Pinakasalan pa niya si Jezebel na anak ni Et-baal, hari ng Sidon. At mula noon, naglingkod siya at sumamba kay Baal.
16:32 Nagpatayo siya ng templo para kay Baal sa Samaria. Nagpagawa siya ng dambana at ipinasok doon.
16:33 Gumawa siya ng rebulto ni Ashera. Anupat ang mga pagkakasalang ginawa niya'y higit na di hamak sa ginawa ng mga haring nauna sa kanya.
16:34 Sa panahon niya, muling itinayo ni Hiel ang mga muog ng Jerico. Ngunit nang ilagay ang pundasyon nito, buhay ng panganay niyang si Abiram ang kanyang ibinuwis. At nang itayo ang pintuan, buhay naman ng kanyang bunsong si Segub ang naging kabayaran. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun.
17:1 ( Sinugo ng Diyos si Elias ) "Nagsalita kay Acab si Elias na taga-Tisbe: 'Isinusumpa ko, sa ngalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel na pinaglilingkuran ko: hindi uulan, ni hindi man lamang magkakahamog sa mga darating na taon hanggang hindi ko sinasabi.' "
17:2 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias:
17:3 '"Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan."
17:4 "Makaiinom ka ng tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.' "
17:5 Gayon nga ang ginawa niya: lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.
17:6 Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain. Sa batis naman siya umiinom. ( Pinapunta si Elias sa Sarepta )
17:7 Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.
17:8 Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh:
17:9 '"Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang balo na magpapakain sa iyo roon.'"
17:10 "Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang balo na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae: 'Maaari po bang makiinom?'"
17:11 "Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin: 'Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kaunting pagkain.' "
17:12 "Sumagot ang babae: 'Alam po ni Yahweh na iyong Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at kapatak na langis. Namumulot nga ako ng maigatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.' "
17:13 "Sinabi sa kanya ni Elias: 'Huwag kang mag-alala. Humayo ka at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang munting tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo."
17:14 "Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan At hindi rin matutuyo yaong langis sa tapayan Hanggang hindi sumasapit ang talagang takdang araw Na ang ula'y marapating papatakin ng Maykapal.' "
17:15 Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at sila'y kumain---si Elias at silang mag-ina.
17:16 At hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng pangako ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias. ( Binuhay ni Elias ang Anak ng Balo )
17:17 Hindi nagtagal at nagkasakit ang anak ng balo. Lumubha ang sakit ng bata hanggang sa ito'y mamatay.
17:18 "Kaya't sinabi ng babae kay Elias: 'Anong ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang ako'y sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?' "
17:19 '"Akin na ang bata,' wika ni Elias. At kinuha niya ang bata, ipinanhik sa itaas, sa silid na kanyang tinutuluyan. Inilagay niya ang bata sa kanyang higaan"
17:20 "at dumalangin: 'Yahweh, aking Diyos, ganito po ba ang inyong igaganti sa babaing nagpatuloy sa akin?'"
17:21 "Makaitlo niyang hiningahan ang bata kasunod ang ganitong dalangin: 'Yahweh, aking Diyos, hinihiling ko po na mangyaring ibalik ninyo ang buhay ng batang ito.'"
17:22 Dininig ni Yahweh ang dalangin ni Elias at nabuhay ang bata.
17:23 "Inakay siya ni Elias at ibinalik sa kanyang ina. Wika niya, 'Narito ang anak mo, buhay na siya.' "
17:24 "At ganito ang naitugon ng babae: 'Ngayon ko napatunayang kayo nga ay lingkod ng Diyos, at pawang katotohanan ang sinabi ninyo sa ngalan ni Yahweh.'"
18:1 ( Si Elias at ang mga Propeta ni Baal ) "Pagkatapos ng mahabang panahon, sinabi ni Yahweh kay Elias: 'Pumunta ka na kay Acab. Malapit na akong magpadala ng ulan sa lupaing ito.'"
18:2 At nagpunta nga si Elias kay Acab. Noong katindihan ng taggutom sa Samaria,
18:3 ipinatawag ni Acab si Abdias, ang tagapangasiwa ng palasyo. (Si Abdias ay may takot kay Yahweh.
18:4 Nang kasalukuyang inuusig ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, nailigtas niya ang 100 sa mga ito. Itinago niya ang mga ito sa isang yungib, tiglilimampu ang bawat pangkat, at binibigyan ng pagkain at inumin.)
18:5 "Sinabi ni Acab kay Abdias: 'Tayo na! Galugarin natin ang buong lupain at tingnan ang bawat ilog at lambak. Baka makakita tayo roon ng sapat na damo upang huwag mamatay sa gutom ang ating mga kabayo, mola at baka.'"
18:6 Naghiwalay sila sa paggalugad sa kaharian: si Acab sa isang panig at si Abdias naman sa kabila.
18:7 "Sa paglalakbay ni Abdias, nasalubong niya si Elias. Kaya't nagpatirapa siya at ang wika: 'Kayo nga ba, iginagalang kong Elias?' "
18:8 '"Ako nga,' tugon naman nito. 'Pumunta ka sa iyong panginoong si Acab at sabihin mong narito ako.' "
18:9 "Tumanggi naman si Abdias: 'Ano pong kasalanan ang nagawa ko sa inyo at ako'y ibig ninyong ipapatay kay Acab?"
18:10 Saksi ko si Yahweh na inyong Diyos. Ginagalugad niya ang lahat ng bansa sa paghanap sa inyo. At pag may nagsabing wala kayo roon, ayaw niyang maniwala hanggang hindi sila nanunumpa na kayo'y talagang hindi nila nakita.
18:11 At ngayo'y pinapupunta ninyo ako sa kanya para sabihing narito kayo?
18:12 Ano ngayon ang mangyayari? Sa sandaling ako'y umalis upang sabihin kay Acab na narito kayo, dadalhin naman kayo ng Espiritu ni Yahweh sa lugar na di ko alam. At pag hindi nila kayo nakita, ako ang kanyang papatayin... Maawa kayo sa akin, sapagkat ako po naman ay may takot kay Yahweh sapul sa pagkabata.
18:13 Hindi po ba ninyo nababalitaan na may 100 propeta ni Yahweh ang aking nailigtas noong sila'y pinag-uusig ni Jezebel? Itinago ko sila sa isang yungib, tiglilimampu bawat pangkat, at dinalhan doon ng pagkain at inumin.
18:14 "At ngayon, pinapupunta ninyo ako kay Acab upang sabihing narito kayo? Tiyak na papatayin niya ako.' "
18:15 "Ngunit sinabi sa kanya ni Elias: 'Isinusumpa ko sa ngalan ni Yahweh! Haharap ako kay Acab sa araw na ito.' "
18:16 Hinanap nga ni Abdias si Acab at sinabi ang lahat ng ipinasasabi ni Elias. At lumakad si Acab upang salubungin ang propeta.
18:17 "Pagkakita ni Acab kay Elias ay sinabi nito: 'Ikaw nga ba, salot ng Israel?' "
18:18 '"Hindi ako ang namiminsala sa Israel, kundi kayo at ang angkan ng inyong ama. Sapagkat sinuway ninyo ang mga utos ni Yahweh at ang pinaglingkuran ninyo'y si Baal."
18:19 "Ngunit tipunin ninyo ang buong Israel at ang 450 propeta ni Baal at 400 propeta ni Ashera na pinakakain ni Jezebel, at maghaharap kami sa Bundok ng Carmelo,' tugon ni Elias. "
18:20 Tinipon nga ni Acab sa Bundok ng Carmelo ang buong bayang Israel at ang kanyang mga propeta.
18:21 "Lumapit si Elias at sinabi sa bayan: 'Hanggang kailan pa kayo mag-aalinlangan? Kung si Yahweh ang tunay na Diyos, siya ang sundin ninyo; at kung si Baal naman, kay Baal kayo maglingkod.' Hindi umimik ang bayan."
18:22 "Muling nagsalita si Elias: 'Ako na lamang ang natitira sa mga propeta ni Yahweh. Samantala, may 450 ang mga propeta ni Baal."
18:23 Bigyan ninyo kami ng dalawang toro. Pumili sila ng isa, katayin at ipatong sa ibabaw ng kahoy na sinalansan, ngunit hindi sisindihan. Ihahanda ko rin ang ikalawa sa ibabaw ng kahoy na sinalansan at hindi ko rin sisindihan.
18:24 "Tawagin ninyo ang inyong diyos at tatawagin ko naman si Yahweh. Ang tumugon sa pamamagitan ng apoy, iyon ang tunay na Diyos.' At sumagot ang bayan: 'Sang-ayon kami!' "
18:25 "Sa gayon, sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal: 'Sapagkat kayo ang marami, pumili na kayo ng isang toro at ihanda na ninyo. Pagkatapos, tawagin ninyo ang inyong diyos, ngunit huwag kayong magpaparikit ng apoy.' "
18:26 "Kinuha nga nila ang isa sa mga toro at inihandog. Mula sa umaga hanggang tanghali, tinawagan nila si Baal. 'Baal, Baal, pakinggan mo kami,' sigaw nila, samantalang pasayaw-sayaw sa paligid ng dambana. Ngunit walang sumasagot. "
18:27 "Nang katanghalian na'y nilibak na sila ni Elias. Wika niya, 'Lakasan pa ninyo! Alam naman ninyo ang inyong diyos! Baka may ginagawa, o may pinuntahan! O baka naman natutulog. Kaya't kailangang gisingin!'"
18:28 Lalo nga nilang inilakas ang kanilang sigaw. Sinugatan ang sarili sa pamamagitan ng sibat at tabak---tulad ng kanilang kinaugalian---hanggang sa sila'y maligo sa dugo.
18:29 Lumampas ang tanghali at oras na ng paghahandog ng hain ngunit wala pa ring tugon kahit ano.
18:30 "Nagsalita noon si Elias sa buong bayan: 'Lumapit-lapit kayo,' wika niya. At nagsilapit ang lahat. Inayos niya ang dambana roon ni Yahweh na matagal nang gumuho."
18:31 Pumili siya ng labindalawang bato katumbas ng bilang ng mga lipi ni Jacob na binigyan ni Yahweh ng pangalang Israel.
18:32 Ang mga bato'y ginawa niyang dambana para kay Yahweh. Pinaligiran niya iyon ng isang kanal na may lamang dalawang baldeng tubig.
18:33 Isinalansan niya ang kahoy, kinatay ang toro at ipinatong sa kahoy.
18:34 "Pagkatapos, nag-utos siya: 'Kumuha kayo ng apat na bangang tubig at ibuhos sa handog at sa kahoy.' Gayon nga ang ginawa nila. 'Busan pa ninyo,' sabi ni Elias. At binusan nila. 'Minsan pa,' utos uli ni Elias. Makaitlo nga nilang binusan ang handog hanggang sa"
18:35 umagos ang tubig sa paligid ng dambana at umapaw sa kanal.
18:36 "Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng dambana at nanalangin: 'Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito pagkat ito ang inyong utos."
18:37 "Dinggin ninyo ako, Yahweh, upang matalastas ng bayang ito na kayo lamang ang Diyos at sila'y inyong pinapagbabalik-loob.' "
18:38 Noon di'y nagpababa ng apoy si Yahweh at tinupok ang handog, ang kahoy at ang mga bato at lupa sa paligid. Pati ang tubig sa kanal ay natuyo.
18:39 "Pagkakita sa nangyari, nagpatirapa ang buong bayan at sumigaw: 'Si Yahweh ang Diyos! Si Yahweh lamang ang Diyos!' "
18:40 "Iniutos ni Elias: 'Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal, huwag bayaang may makatakas kahit isa.' Dinakip nga sila ng mga tao, at dinala ni Elias sa batis ng Cison, at pinagpapatay. "
18:41 "Sinabi ni Elias kay Acab: 'Lumakad ka na. Maaari ka nang kumain at uminom. Naririnig ko na ang lagunos ng ulan.'"
18:42 Samantalang si Acab ay kumakain at umiinom, umakyat si Elias sa taluktok ng Carmelo, sumubsob sa lupa.
18:43 "Sinabi niya sa kanyang utusan: 'Tumaas ka pa nang kaunti at tumanaw ka sa dagat.' Umakyat nga ang utusan at tumanaw sa dagat. 'Wala po akong makitang anuman,' wika ng utusan. 'Ulitin mong makapito,' utos ni Elias."
18:44 "Sa ikapitong pagtanaw, napasigaw ang utusan: 'May nakikita po akong gapalad na ulap na pumapailanglang mula sa dagat.' 'Madali ka!' sabi ni Elias. 'Sabihin mo kay Acab na singkawan ang karwahe at lumusong kaagad. Baka siya'y hindi makaalis dahil sa ulan.' "
18:45 Kapagdaka'y nagdilim ang langit sa kapal ng ulap at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumakay si Acab sa karwahe at nagmamadaling nagtungo sa Jezreel.
18:46 Kinasihan si Elias ng kapangyarihan ni Yahweh. Inililis niya ang damit at tumakbo sa unahan ng karwahe ng hari hanggang sa pagpasok sa Jezreel.
19:1 ( Nagpunta si Elias sa Horeb ) Nagngitngit sa galit si Reyna Jezebel nang isalaysay sa kanya ni Acab ang ginawa ni Elias pati ang pagkamatay ng mga propeta ni Baal.
19:2 "Kaya't nagpadala siya ng isang sugo upang sabihin kay Elias: 'Ito rin, at higit pa sa rito ang iparusa sa akin ng mga diyos kapag bukas ng ganitong oras ay hindi kita napatay, tulad ng ginawa mo sa kanila.'"
19:3 Natakot si Elias, kaya't umalis siya at nagpunta sa Beer-seba, sa lupain ng Juda. Iniwan niya roon ang kanyang utusan
19:4 "at mag-isang pumunta sa ilang. Pagkatapos ng maghapong paglalakad ay naupo siya sa lilim ng isang puno ng retama at nanalangin nang ganito: 'Yahweh, kunin na po ninyo ako. Ako po'y hirap na hirap na. Nais ko na pong mamatay.' "
19:5 "Pagkatapos, nahiga siya at nakatulog. Ngunit dumating ang isang anghel, kinalabit siya at ang sabi: 'Gising na at kumain ka!'"
19:6 Nang siya'y lumingon, nakita niya sa may ulunan ang isang tinapay na niluto sa ibabaw ng mainit na bato, at tubig sa isang sisidlan. Kumain nga siya at uminom. Pagkatapos ay nahiga uli.
19:7 "Ngunit bumalik ang anghel ni Yahweh, kinalabit siya uli at sinabi: 'Bumangon ka at kumain. Napakahaba pa ang lalakarin mo.'"
19:8 Kumain nga siya uli at uminom at siya'y lumakas. Sa tulong ng pagkaing iyon, naglakbay siyang apatnapung araw at apatnapung gabi, hanggang sa Horeb, ang Bundok ng Diyos. ( Kinausap ni Yahweh si Elias )
19:9 "Pumasok siya sa isang yungib at doon nagpalipas ng gabi. Walang anu-ano'y nagsalita sa kanya si Yahweh: 'Bakit ka narito, Elias?' "
19:10 "Sumagot si Elias: 'Dahil po sa aking pagmamalasakit para sa inyo, Yahweh, Diyos ng mga hukbo. Tinalikdan po ng bayang Israel ang inyong tipan, winasak nila ang inyong mga dambana, at pinatay ang inyong mga propeta. Ako na po lamang ang natitira, at pinaghahanap nila ako upang patayin din.' "
19:11 "Ganito ang sagot sa kanya: 'Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.' Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh."
19:12 Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.
19:13 "Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng yungib. Narinig niya ang isang tinig na nagsabi: 'Elias, bakit ka naririto?' "
19:14 "Sumagot siya: 'Dahil po sa aking malaking pagmamalasakit para sa inyo, Yahweh, Diyos ng mga hukbo. Tinalikdan ng bayang Israel ang inyong tipan, winasak ang inyong mga dambana, pinagpapatay ang inyong mga propeta. Ako na lamang ang natitira, at hinahanap nila ako upang patayin.' "
19:15 "Sinabi sa kanya ni Yahweh: 'Bumalik ka sa iyong dinaanan, sa ilang na patungong Damasco. Pagdating mo ng lunsod, pahiran mo ng langis si Jazael, bilang hari ng Siria,"
19:16 at si Jehu na anak ni Namsi bilang hari ng Israel. Pahiran mo rin ng langis si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola, bilang propetang hahalili sa iyo.
19:17 Ang makaligtas sa tabak ni Jazael ay papatayin ni Jehu. Ang makaligtas naman sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.
19:18 "Ngunit 7,000 tao sa Israel ang ililigtas ko, ang mga hindi nanikluhod kay Baal at hindi sumamba sa kanya.' ( Ang Pagtawag kay Eliseo )"
19:19 Umalis si Elias at natagpuan niya si Eliseo na nag-aararo. Labindalawang pares ng toro ang ginagamit niya, at kaagapay siya ng huling pares. Pagdaan ni Elias sa tapat ni Eliseo, isinuklob niya rito ang kanyang balabal.
19:20 "Pagdaka'y iniwan ni Eliseo ang mga toro, humabol kay Elias at nakiusap: 'Magpapaalam po muna ako sa aking ama't ina, at pagkatapos ay sasama na ako sa inyo.' Sumagot naman si Elias: 'Sige, umuwi ka muna.' "
19:21 Umuwi nga si Eliseo. Nagpatay siya ng isang pares na toro at iniluto. Ginamit niyang panggatong ang mga pamatok at mga araro. Ipinakain niya ito sa mga tao, at sumunod kay Elias at naging katulong nito.
20:1 ( Kinubkob ang Samaria ) Tinipon ni Ben-hadad ang kanyang hukbo upang salakayin ang Samaria. Kasama sa hukbong ito ang tatlumpu't dalawang haring sakop niya, at ang kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma.
20:2 Nagpadala siya ng mga sugo kay Acab, hari ng Israel at ipinasabi ang ganito:
20:3 '"Ibigay mo sa akin ang iyong ginto't pilak; iyo na ang iyong mga asawa't anak!' "
20:4 "Sumagot ang hari ng Israel: 'Masusunod po ang sabi ninyo, mahal kong hari at panginoon. Ako at ang lahat ng sa akin ay inyo.' "
20:5 "Ngunit bumalik kay Acab ang mga sugo at ganito naman ang sabi: 'Ipinasasabi ni Ben-hadad na ibigay mo sa kanya ang iyong ginto at pilak, gayon din ang iyong mga asawa at anak."
20:6 "Tandaan mo, bukas sa ganitong oras, darating ang kanyang mga tauhan upang halughugin ang iyong palasyo, at ang mga bahay ng mga tauhan mo. Kukunin nila ang kanilang magustuhan.' "
20:7 "Tinipon ng hari ng Israel ang lahat ng matatanda sa kaharian at sinabi: 'Tingnan ninyo! Maliwanag na tayo'y ibig lipulin ng taong iyan. Matapos na pumayag akong ibigay sa kanya ang lahat kong ginto't pilak, hinihingi naman ngayon ang aking mga asawa't anak.' "
20:8 "Sumagot ang matatanda at ang buong bayan: 'Huwag po kayong papayag. Huwag ninyo siyang pansinin.' "
20:9 "Kaya't ganito ang sagot niya sa mga sugo ni Ben-hadad: 'Sabihin ninyo sa mahal na hari: Lahat ng iniutos ninyo noong una sa inyong alipin ay gagawin ko. Ngunit itong huli ay hindi ko magagawa.' At umalis ang mga sugo, dala ang gayong sagot."
20:10 "Sa gayon, nagpasabi uli si Ben-hadad: 'Ganito rin, at higit pa rito ang iparusa sa akin ng mga diyos, kapag sa Samaria'y may natira kahit tig-iisang dakot na abo para sa aking mga tauhan.' "
20:11 "At sumagot ang hari ng Israel: 'Huwag mong bilangin ang sisiw hanggang hindi napipisa ang itlog.'{ a} "
20:12 "Nasa kanyang tolda noon si Ben-hadad at nakikipag-inuman sa mga haring kasama niya. Pagkarinig ng gayong sagot ay sumigaw siya: 'Salakayin! Salakayin ang kaaway!' At humanda ang bawat isa sa pakikilaban. ( Nagtagumpay ang Israel )"
20:13 "Dumating noon ang isang propeta at sinabi kay Acab na hari ng Israel: 'Ipinasasabi ni Yahweh: 'Nakikita mo ang katakut-takot na kawal na iyan? Ngunit sinasabi ko sa iyo: Sa araw ring ito papagtagumpayin kita laban sa kanila, at makikita mong ako nga si Yahweh.'' "
20:14 '"Sa paanong paraan?' tanong ni Acab. At sumagot ang propeta: 'Sa pamamagitan ng mga kabataang kawal na nasa ilalim ng mga punong-lalawigan.' 'At sino ang mamumuno sa labanan?' tanong uli ni Acab. 'Kayo!' tugon ng propeta. "
20:15 Tinipon nga ni Acab ang mga kabataang kawal ng mga punong-lalawigan---may 232 lahat-lahat. Pagkatapos, tinipon din niya ang hukbo ng Israel na may 7,000.
20:16 Pagdating ng tanghaling tapat, samantalang si Ben-hadad at ang tatlumpu't dalawang hari na kasama niya'y nag-iinuman sa kanilang tolda,
20:17 "lumusob ang mga Israelita sa pangunguna ng mga kabataang kawal. May nagsabi kay Ben-hadad: 'May lumalabas pong mga lalaki mula sa Samaria.'"
20:18 "At sumagot siya: 'Hulihin sila nang buhay, anuman ang kanilang paksa---kapayapaan man o labanan!' "
20:19 Sumalakay nga mula sa lunsod ang mga kabataang kawal, kasunod ang buong hukbo ng Israel.
20:20 Sa unang sagupaan ay napatay ng bawat isa ang kanyang kalaban, kaya't nagtakbuhan ang mga Sirio. Tinugis naman sila ng mga Israelita, ngunit nakatakas si Ben-hadad kasama ng ilang kawal na kabayuhan.
20:21 Lumabas naman si Haring Acab at tumulong sa pagtugis. Pinuksa nila ang mga Sirio, at napakaraming kabayo at karwahe ang kanilang nasamsam. ( Panibagong Pagsalakay ng mga Sirio )
20:22 "Matapos ang labanang iyon, sinabihan uli ng propeta ang hari ng Israel. Wika niya: 'Magdagdag pa kayo ng tauhan, ihandang mabuti ang inyong hukbo. Balaking mabuti ang dapat gawin, sapagkat paglipat ng taon, muling sasalakay ang hari ng Siria.' "
20:23 "Pinayuhan din ng kanyang mga ministro ang hari ng Siria. 'Diyos ng kabundukan ang kanilang diyos,' wika nila. 'Kaya tayo natalo. Ngunit labanan natin sila sa kapatagan at tiyak na matatalo sila."
20:24 Ganito po ang inyong gawin: alisin ninyo sa kanilang tungkulin sa hukbo ang mga haring kasama ninyo, at palitan ninyo ng mga punong-kawal.
20:25 "Bumuo kayo ng isang hukbong sinlaki ng dati, na may gayon ding dami ng kabayo at karwahe. Sa kapatagan natin sila labanan at tiyak na tayo'y magtatagumpay.' Nakinig ang hari sa kanilang payo at gayon nga ang ginawa. ( Tagumpay sa Afec )"
20:26 Paglipat ng taon, tinipon ni Ben-hadad ang hukbo ng Siria at nagtungo sa Afec upang lusubin ang Israel.
20:27 Nagtipun-tipon din naman ang mga mandirigma ng Israel at sinalubong ang kalaban. Nagdalawang pangkat sila, at nagtayo ng kampamento sa tapat ng mga iyon. Animo'y dalawang kawan lamang ng kambing ang hukbo ng Israel, samantalang halos matakluban ng hukbo ng Siria ang pook na iyon.
20:28 "Lumapit uli sa hari ng Israel ang lingkod ng Diyos at sinabi sa kanya: 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Sapagkat sinabi ng mga taga-Siria na ako ay Diyos ng kabundukan at hindi Diyos ng kapatagan, ipalulupig ko sa iyo ang hukbong iyan sa kabila ng kanilang dami at lakas. Makikita ninyo ngayon na ako nga si Yahweh.''"
20:29 Pitong araw silang nagmanman sa isa't isa. Nagsimula ang labanan sa ikapitong araw, at sa araw na iyon 100,000 kawal ang napatay sa hukbo ng Siria. Tumakas ang natira at pumasok sa Lunsod ng Afec.
20:30 Ngunit gumuho ang muog ng lunsod at 27,000 pa ang natabunan. Nakatakas uli si Ben-hadad at nagtago sa isang silid sa loob ng kuta.
20:31 "Sa gayong kalagayan, nasabi ng isa niyang tauhan, 'Balita po namin ay maawain ang mga hari ng Israel. Magsusuot po kami ng sako at magtatali ng lubid sa aming leeg, at haharap sa hari ng Israel. Baka sakaling kaawaan kami at hindi na kayo ipapatay.'"
20:32 "At gayon nga ang ginawa nila. Humarap sila sa hari ng Israel at nagmakaawa. 'Hinihingi na po ng inyong aliping si Ben-hadad ang kanyang buhay.' 'Buhay pa ba siya? Buhay pa ba ang kapatid kong hari?' tanong ng hari ng Israel. "
20:33 "Sinamantala ng mga sugo ang gayong magandang pahiwatig kaya't agad sinambot, 'Opo, buhay pa po siya! Buhay pa.' 'Madali! Kaunin ninyo siya,' utos ni Acab. Pagdating ni Ben-hadad, pinasakay siya ni Acab sa kanyang karwahe."
20:34 "Sinabi noon ni Ben-hadad: 'Isasauli ko sa inyo ang mga lunsod na inagaw ng aking ama sa inyong ama. Maaari kayong magtayo ng pamilihan sa Damasco, tulad ng itinayo ng aking ama sa Samaria.' Sagot naman ni Acab: 'Sa ganitong kondisyon, pinalalaya ko na kayo.' Nayari nga ang kasunduan at pinalaya nga sila ni Acab. "
20:35 "Sa utos ni Yahweh, hiniling ng isang alagad ng mga propeta sa isa niyang kasamahan: 'Sugatan mo ako.' Subalit tumanggi ito."
20:36 "Kaya sinabi niya: 'Sapagkat hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh, pag-alis mo rito'y kakanin ka ng leon.' Hindi pa nakalalayo ang sinabihan ay nasalubong nga siya ng isang leon at napatay. "
20:37 "Nakakita ng ibang kasamahan ang alagad ng mga propeta at ito naman ang kanyang pinakiusapan. 'Sugatan mo ako,' wika niya, at ginawa naman ng pinakiusapan ang hinihiling sa kanya."
20:38 Nagtuloy ang alagad ng mga propeta at saka naghintay sa daraanan ng hari matapos bendahan ang kanyang mga mata upang hindi siya makilala.
20:39 "Sumigaw siya pagdaan ng hari at ganito ang sinabi: 'Kamahalan, nang ako po'y nasa labanan, lumapit po sa akin ang isang kawal at iniwan sa akin ang isang bihag. Wika po niya: 'Alagaan mo ang bihag na ito. Pag siya'y nakatakas, buhay mo ang kapalit, o magmumulta ka ng 3,000 salaping pilak.'"
20:40 "Ako po lamang ay nakalingat ay biglang nawala ang bihag.' Sinabi sa kanya ng hari: 'Ikaw na rin ang nagbigay ng iyong hatol. Mamamatay ka o magmumulta.' "
20:41 Bigla niyang inalis ang bendang nakatakip sa mga mata at nakilala ng hari na siya pala'y isang alagad ng mga propeta.
20:42 "At sinabi niya sa hari: 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Sapagkat pinakawalan mo ang isang taong ayon sa utos ko'y dapat mamatay, buhay mo ang kapalit ng kanyang buhay, at bayan mo ang kapalit ng kanyang bayan.'' "
20:43 Bumalik sa Samaria ang hari na malungkot at masama ang loob.
21:1 ( Ang Ubasan ni Nabat ) Hindi nagtagal at ito naman ang nangyari kay Acab, hari ng Samaria. Sa tabi ng kanyang palasyo sa Jezreel ay may isang ubasan. Ito'y pag-aari ng isang tagaroon na ang pangala'y Nabat.
21:2 "Nagustuhan ni Acab ang ubasan, kaya't sinabi niya kay Nabat: 'Ibigay mo na sa akin ang iyong ubasan at gagawin kong taniman ng gulay pagkat malapit sa aking palasyo. Papalitan ko ng mas mainam na ubasan, o babayaran sa iyo.' "
21:3 "Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabat: 'Patawarin ako ni Yahweh, ngunit hindi ko po maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno.' "
21:4 Umuwi si Acab na malungkot at masama ang loob dahil sa sagot ni Nabat. Nagkulong siya sa kanyang silid, hindi makausap at ayaw kumain.
21:5 "Nilapitan siya ni Reyna Jezebel at tinanong: 'Ano ba ang isinasama ng loob mo at di ka makakain?' "
21:6 "Sumagot ang hari: 'Kinausap ko si Nabat na taga-Jezreel, at inalok ko siyang papalitan o babayaran ang kanyang ubasan. Ngunit tinanggihan ako, at ang sabi'y hindi raw niya maaaring ibigay sa akin ang kanyang ubasan.' "
21:7 "Wika sa kanya ni Jezebel: 'Halika na! Kumain ka at huwag ka nang malungkot! Ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat.' "
21:8 Gumawa ang reyna ng ilang sulat sa ngalan ng hari, tinatakan ng pantatak ng hari, at ipinadala sa mga matatanda at namumuno sa lunsod na tinitirahan ni Nabat.
21:9 "Ganito ang sabi niya sa sulat: 'Ipag-utos ninyo ang isang pangkalahatang pag-aayuno. Patayuin ninyo si Nabat sa harapan ng karamihan."
21:10 "Kumuha kayo ng dalawang upahang saksi{ a} na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: 'Tinungayaw niya ang Diyos at ang hari.' Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lunsod at batuhin hanggang mamatay.' "
21:11 Tinupad ng matatanda at ng mga pinuno ng lunsod ang utos ni Jezebel.
21:12 Ipinag-utos nila ang isang pangkalahatang pag-aayuno at iniharap sa madla si Nabat.
21:13 "Lumabas ang dalawang saksi na inupahan at siya'y pinaratangan ng ganito: 'Tinungayaw ni Nabat ang Diyos at ang hari.' Kaya't si Nabat ay inilabas ng lunsod at binato hanggang mamatay."
21:14 "Nagpasabi agad sila kay Jezebel: 'Patay na po si Nabat na taga-Jezreel.' "
21:15 "Pagkatanggap ng gayong balita, nagpunta si Jezebel kay Acab at sinabi rito: 'Hayan! Kunin mo na ang ubasang hindi mo mabili kay Nabat. Hindi na siya makatututol.{ b} Patay na siya.'"
21:16 Nang malaman ni Acab na patay na si Nabat, pumunta siya sa ubasan upang angkinin iyon.
21:17 Sinabi ni Yahweh kay Elias na taga-Tisbe:
21:18 '"Madali ka! Puntahan mo si Haring Acab. Makikita mo siya sa Jezreel, sa ubasan ni Nabat. Naparoon siya upang kamkamin iyon."
21:19 "Sabihin mo sa kanya: 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: Isa kang mamamatay-tao. Ngayon nama'y pangangamkam ang ginagawa mo. Kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabat, doon din hihimurin ng mga aso ang iyong dugo.'' "
21:20 "Sinabi ni Acab kay Elias: 'Narito ka na naman, mahigpit kong kaaway?' Sagot naman sa kanya ni Elias: 'Oo! Hinanap kita uli sapagkat nagumon ka sa kasamaan!"
21:21 Malagim na parusa ang babagsak sa iyo. Ganito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Itatakwil kita! Lilipulin ko ang mga anak mong lalaki, matanda at bata.
21:22 Parurusahan kita tulad ng ginawa ko sa angkan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at sa angkan ni Baasa na anak ni Ahias sapagkat ako'y ginalit mo at ibinulid mo ang Israel sa pagkakasala.'
21:23 Ito naman ang sumpa laban kay Jezebel: Kakanin siya ng mga aso sa nasasakupan ng Jezreel.
21:24 "Sinuman sa angkan ni Acab ang mamatay sa bayan ay kakanin ng mga aso; sinumang mamatay sa bukid ay kakanin ng mga uwak.' "
21:25 (Dahil sa mga sulsol ni Jezebel nagumon{ c} si Acab sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.
21:26 Sumamba rin siya sa mga diyus-diyusan, gaya ng mga Amorreo na pinalayas ni Yahweh pagdating ng bayang Israel sa lupaing iyon.)
21:27 Nang marinig ni Acab ang mga sinabi ng propeta, ginawak niya ang kanyang damit, nagsuot ng sako at di hinubad iyon kahit sa pagtulog. Nag-ayuno siya bilang tanda ng malaking kalungkutan!{ d}
21:28 Kaya't sinabi ni Yahweh kay Elias:
21:29 '"Hindi mo ba napansin kung paano nagpapakababa sa harapan ko si Acab? Sapagkat nagpakababa siya, hindi ko itutuloy ang parusa sa kanya habang siya'y nabubuhay. Ngunit pagkamatay niya, parurusahan ko ang kanyang angkan.'"
22:1 ( Balak ni Acab Bawiin ang Ramot-galaad ) Tatlong taon nang walang labanan ang Israel at ang Siria.
22:2 Ngunit sa ikatlong taon ay dumalaw sa hari ng Israel si Josafat na hari ng Juda.
22:3 "Nasabi na noon ng hari ng Israel sa kanyang mga pinuno: 'Alam ninyo na ang Ramot-galaad ay atin. Ngunit wala tayong ginagawang hakbang upang mabawi iyon sa hari ng Siria.'"
22:4 "Ngayon nama'y si Josafat ang kanyang hinimok. Ang sabi niya: 'Samahan mo naman kami sa paglusob sa Ramot-galaad.' Sumagot si Josafat: 'Kasama mo ako, at dala ko ang aking tauhan, at ang aming mga kabayo at kasangkapan."
22:5 "Ngunit sumangguni ka muna kay Yahweh.' ( Ang Hula ng mga Bulaang Propeta )"
22:6 "Ipinaiipon nga ni Haring Acab ng Israel ang kanyang mga propeta---may 400 na silang lahat---at itinanong: 'Dapat ko bang salakayin ang Ramot-galaad?' 'Salakayin ninyo! Tutulungan kayo ni Yahweh at malulupig ninyo ang kaaway,' sagot ng mga propeta. "
22:7 "Ngunit iginiit ni Josafat: 'Wala na ba kahit isang propeta ni Yahweh na maaari nating pagsanggunian?' "
22:8 '"Mayroon pang isa: si Micaya na anak ni Imla. Ngunit galit ako sa kanya, sapagkat lagi na lamang masama ang hula niya sa akin---wala nang mabuti-buti,' sabi ni Acab. 'Huwag kang magsalita ng ganyan, kapatid kong hari!' tutol ni Josafat. "
22:9 "Ipinatawag ng hari ng Israel ang isa niyang eunuko at inutusan: 'Puntahan mo at dalhin dito si Micaya na anak ni Imla.' "
22:10 Nasa isang patag na lugar sa makalabas ng pintuan ng Samaria ang hari ng Israel at si Josafat. Nakaupo silang dalawa sa kanya-kanyang luklukan, nakabihis ng damit-hari. Samantala, nasa kanilang harapan ang mga propeta at sama-samang nanghuhula.
22:11 "Naglagay ng mga sungay na bakal si Sedequias na anak ni Canaana, tumayo at ganito ang sinabi kay Acab, 'Sa pamamagitan nito'y lilipulin ninyo ang mga taga-Siria.'"
22:12 "Pinangalawahan naman ng lahat ng propeta ang kanyang sinabi. Wika nila: 'Mahal na hari, salakayin po ninyo ang Ramot-galaad at malulupig ninyo sila. Magtatagumpay kayo, sa tulong ni Yahweh.' ( Ang Hula ni Micaya )"
22:13 "Sinabi ng sugong pinapunta kay Micaya: 'Iisa ang lahat ng mga sabi ng mga propeta: magtatagumpay ang hari. Ganoon din ang sabihin mo.' "
22:14 "Sumagot si Micaya: 'Buhay si Yahweh! Kung ano ang sabi niya'y siya ko namang ipahahayag.' "
22:15 "Pagdating niya sa harapan ng hari, siya'y tinanong, 'Micaya, sasalakayin ba namin ang Ramot-galaad?' 'Salakayin po ninyo at magwawagi kayo. Magtatagumpay kayo, sa tulong ni Yahweh.' "
22:16 "Ngunit siya'y muling tinanong ng hari: 'Ilang ulit ba kitang panunumpain upang wala kang sabihin sa ngalan ni Yahweh kundi ang buong katotohanan at pawang katotohanan lamang?' "
22:17 "Kaya't nangusap noon si Micaya: 'Nakita kong nagkawatak-watak ang hukbo ng Israel Nagkalat sa kabundukan parang tupang walang pastol! Kaya't sabi ni Yahweh: 'Wala rito ang may-ari Bayaan mo silang lahat sa kanila'y magsiuwi.'' "
22:18 "Kaya't sinabi ng hari ng Israel kay Josafat: 'Di ba't sinabi ko na sa iyo na kailanma'y hindi niya ako binigyan ng mabuting pahayag---lagi na lamang masama.' "
22:19 "Ngunit nagpatuloy si Micaya: 'Pakinggan ninyo si Yahweh; nakita ko siyang nakaupo sa kanyang luklukan. Nasa kanyang harapan, sa kaliwa at sa kanan, ang buong hukbo ng langit."
22:20 Nagtanong siya: 'Sino ang hihikayat kay Acab na salakayin ang Ramot-galaad?' Kanya-kanyang sagot ang mga espiritu.
22:21 Ngunit mayroong isang tumayo at nagsalita ng ganito: 'Ako po ang hihikayat kay Acab.' 'Sa paanong paraan?' tanong ni Yahweh.
22:22 "'Pupunta po ako roon at magiging espiritung sinungaling na magsasalita sa pamamagitan ng kanyang mga propeta,' sagot ng espiritu. 'Ikaw ang humikayat sa kanya at magtatagumpay ka,' sabi ni Yahweh.' "
22:23 "At patuloy ni Micaya: 'Hayan, kita mo kung paanong nagsalita ang espiritu ng kasinungalingan sa bibig ng iyong mga propeta. Ngunit si Yahweh ang nagtakda ng iyong kapahamakan.' "
22:24 "Nang marinig ito, lumapit si Sedequias at sinampal si Micaya. Wika niya: 'Sa paanong paraan ako iniwan ng espiritu upang lumipat sa iyo?' "
22:25 "Sumagot si Micaya: 'Malalaman mo ang sagot diyan pagdating ng araw na magpapatagu-tago ka sa mga silid.' "
22:26 "Ipinag-utos ng hari: 'Ibalik siya sa gobernador ng lunsod, kay Ammon, at kay Prinsipe Joas."
22:27 "Sabihin ninyo sa kanila na ibilanggo ang taong ito, at huwag pakanin kundi tinapay at tubig hanggang sa aking maluwalhating pagbabalik.' "
22:28 "Sinabi ni Micaya: 'Kapag kayo'y nakabalik nang buhay, hindi nga si Yahweh ang nagsalita sa pamamagitan ko.' ( Napatay si Acab sa Ramot-galaad )"
22:29 Pumunta nga sa Ramot-galaad ang hari ng Israel at si Josafat na hari ng Juda.
22:30 "Sinabi ng hari ng Israel kay Josafat, 'Magbabalatkayo ako papunta sa labanan. Ngunit ikaw ay maaaring magpatuloy na nakadamit-hari, kung ibig mo.' At nagbalatkayo nga ang hari ng Israel patungo sa labanan.' "
22:31 "Iniutos ng hari ng Siria sa mga pinuno ng mga kawal na sakay sa karwahe: 'Huwag ninyong pag-aabalahan ang kung sinu-sino lamang! Ang hari ng Israel ang inyong haharapin.'"
22:32 Kaya't nang makita nila si Josafat, inakala nilang ito ang hari ng Israel, at siyang tinugis. Ngunit pagsigaw niya ng kanyang sigaw pandigma,
22:33 nakilala ng mga pinuno ng Siria na hindi siya ang hari ng Israel. At hindi na nila itinuloy ang pagtugis.
22:34 "Subalit may isang kawal na tumudla nang pabaka-sakali at natamaan ang hari ng Israel. Tumusok ang palaso sa pagitan ng pinaghugpungan ng baluti. Kaya't iniutos niya sa kawal na nagpapatakbo ng karwahe: 'Ipihit mo ang karwahe! Ilayo mo ako sa labanan. May tama ako.' "
22:35 Mahigpit ang labanan nang araw na iyon at ang hari'y nanatiling nakatindig sa kanyang karwahe sa tapat ng mga Cireo hanggang sa siya'y mamatay nang lumulubog na ang araw. Dumanak ang dugo niya sa sahig ng karwahe.
22:36 "Paglubog ng araw, umalingawngaw sa hanay ng Israel ang sigaw: 'Tumakas na kayo.' "
22:37 Namatay nga ang hari at dinala nila ang bangkay sa Samaria upang doon ilibing.
22:38 Nang hugasan ang karwahe ng hari sa Batis ng Samaria, hinimod ng mga aso ang kanyang dugo. Samantala, may mahahalay na babaing naliligo sa batis, at naipaligo nila ang tubig na iyon. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Yahweh.
22:39 Ang iba pang nauukol kay Acab, ang buo niyang paghahari, ang ipinagawa niyang palasyong garing, ang mga lunsod na kanyang itinayo ay nakatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend.
22:40 Pagkamatay ni Acab, humalili sa kanya ang kanyang anak na si Ocozias. ( Paghahari ni Josafat sa Juda )
22:41 Naging hari ng Juda si Josafat na anak ni Asa noong ikaapat na taon ng paghahari ni Acab sa Israel.
22:42 Tatlumpu't limang taon ang gulang niya noong siya'y maluklok sa trono ng Juda, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampu't limang taon. Siya'y anak ni Ayuba at apo ni Silhi.
22:43 Tinularan niya ang halimbawa ng kanyang amang si Asa; matuwid ang gawa niya sa paningin ni Yahweh.
22:44 Subalit hindi niya naipaalis ang mga sambahan sa burol. Patuloy pa rin ang mga tao ng paghahandog doon ng mga alay, at pagsusuob ng kamanyang. Nanatiling mapayapa ang pakikitungo ni Josafat sa hari ng Israel.
22:45 Ang iba pang ginawa ni Josafat, ang kanyang ipinakitang kagitingan, ang mga digmaang kanyang pinagtagumpayan, ay nasusulat sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Judakend.
22:46 Siya ang nagpalayas sa mga lalaking nakatalaga sa mahahalay na pagsamba na natitira pa sa kaharian---mga nakaligtas noong panahon pa ni Asa na kanyang ama.
22:47 Walang hari noon sa Edom; ang namamahala dito'y isang Kinatawan{ a} ni Josafat.
22:48 Nagpagawa siya ng mga barko sa Tarsis upang maglayag patungo sa Ofir at mag-uwi ng ginto. Ngunit hindi nakaalis ang mga iyon, sapagkat nawasak sa Ezion-geber.
22:49 "Iminungkahi pa ni Ocozias kay Josafat: 'Pagsamahin natin ang ating mga tauhan sa pagpapalakad ng ating mga barko.' Ngunit hindi pumayag si Josafat."
22:50 Nang mamatay si Josafat, inilibing siya sa Kuta ni David na kanyang ninuno. Humalili sa kanya si Joram bilang hari. ( Paghahari ni Ocozias sa Israel )
22:51 Nang ikalabimpitong taon ng paghahari ni Josafat sa Juda, naghari naman sa Israel si Ocozias na anak ni Acab. Dalawang taon siyang naghari.
22:52 Hindi kinalugdan ni Yahweh ang kanyang mga gawa. Sinundan niya ang masamang halimbawa ng kanyang ama't ina, at ni Jeroboam na anak ni Nabat. Ibinulid niya ang Israel sa pagkakasala.
22:53 Naglingkod siya at sumamba kay Baal. Ginalit niya si Yahweh, ang Diyos ng Israel, tulad ng ginawa ng kanyang ama noong una.
|