//
06. Jusua 1:1 ( Paghahanda sa Pananakop ) Pagkamatay ni Moises, sinabi ni Yahweh kay Josue na anak ni Nun at dating kanang-kamay ni Moises, 1:2 '"Patay na ang lingkod kong si Moises. Pahandain mo ang buong Israel at tumawid kayo ng Ilog Jordan, patungo sa lupaing ipinagkakaloob ko sa inyo." 1:3 Gaya ng aking pangako kay Moises, ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing inyong maaabot. 1:4 Ito ang magiging hangganan ninyo: sa hilaga, ang Bundok ng Libano; sa timog, ang ilang; sa silangan, ang malaking Ilog Eufrates; at sa kanluran, mula sa lupain ng mga Heteo hanggang sa Dagat Mediteraneo. 1:5 Hindi ka matatalo ninuman habang ikaw ay nabubuhay. Kung paanong sinubaybayan ko si Moises, gayon din ang gagawin ko sa iyo. Hindi kita pababayaan. 1:6 Magpakatatag ka, at lakasan mo ang iyong loob. Ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa pananakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno. 1:7 Ngunit dapat kang magpakatatag at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag mong susuwayin ang anumang itinatagubilin doon, at magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin. 1:8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon. Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay. 1:9 "Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa. Ako, si Yahweh, ang iyong Diyos, ay sasaiyo saan ka man pumunta.' " 1:10 Kaya't ipinag-utos ni Josue sa mga pinuno ng bayan: 1:11 '"Libutin ninyo ang buong kampamento at pahandain ang mga tao. Sa loob ng tatlong araw, tatawid tayo ng Ilog Jordan upang sakupin ang lupaing ibinibigay sa atin ni Yahweh.' " 1:12 Sinabi naman ni Josue sa mga lipi nina Ruben, Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases: 1:13 '"Alalahanin ninyo ang sinabi sa inyo ni Moises: 'Ibibigay sa inyo ni Yahweh ang lupaing ito upang dito kayo manirahan.'" 1:14 Maiiwan sa lupaing ito sa silangan ng Jordan sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises, ang mga kababaihan, ang inyong mga anak at mga hayop. Ngunit ang mga mandirigma ay tatawid, taglay ang inyong sandata at mangunguna sa iba ninyong mga kapatid upang tumulong sa kanila sa pakikibaka. 1:15 "Kapag nasakop na rin nila ang mga lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh, makababalik na kayo rito sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises.' " 1:16 "Sumagot sila kay Josue, 'Gagawin namin ang lahat ng sinabi mo, at pupunta kami saan mo man ibig." 1:17 Kung paanong sinunod namin si Moises, susundin ka rin namin kung sasaiyo si Yahweh, tulad ng ginawa niya kay Moises. 1:18 "Ang sinumang tututol o susuway sa utos mo ay dapat mamatay. Ngunit ang hiling lamang namin sa iyo ay magpakatatag ka at magpakatapang.'" 2:1 ( Pinatiktikan ni Josue ang Jerico ) "Buhat sa kampamento ng Sitim ay nagpadala si Josue ng dalawang tiktik na pinagbilinan niya ng ganito: 'Pumunta kayo sa Jerico at manmanang mabuti ang kabayanan at kabukiran.' Pumunta nga sila sa Jerico at nakituloy sa bahay ni Rahab, isang babaing nagbibili ng panandaliang aliw." 2:2 Nakaabot sa hari ng Jerico ang balita na may mga tiktik na Israelitang nakapasok sa bayan nang gabing iyon. 2:3 "Nagpasugo kay Rahab ang hari at ipinasabi: 'Ilabas mo ang mga lalaking nakituloy sa iyo. Naparito ang mga iyan upang maniktik.' " 2:4 "Ngunit itinago ni Rahab ang dalawa, at pagkatapos ay ganito ang isinagot: 'Mayroon nga pong mga lalaking nakituloy sa akin, ngunit hindi ko po alam kung tagasaan sila." 2:5 "Umalis po sila nang ipipinid na ang pintuan ng lunsod bago kumagat ang dilim. Hindi ko po nausisa kung saan sila paroroon, ngunit kung hahabulin ninyo agad ay aabutin ninyo.' " 2:6 Sa itaas ng bubong niya dinala ang dalawang tiktik, at tinabunan ng mga tangkay ng lino na naitambak niya roon. 2:7 Hinabol nga ng mga tauhan ng hari ang dalawang tiktik hanggang sa tawiran ng Ilog Jordan. Pagkalabas ng mga humahabol, ipininid ang pinto ng lunsod. 2:8 Bago natulog ang mga tiktik, umakyat si Rahab sa bubong, 2:9 "at sinabi sa kanila: 'Alam ko na ipinagkaloob sa inyo ni Yahweh ang lupaing ito, at ang mga tagarito'y gulung-gulo dahil sa inyo. Gayon din ang lahat ng mga naninirahan sa paligid." 2:10 Nabalitaan namin kung paanong pinatuyo ni Yahweh ang Dagat ng mga Tambo nang kayo'y tumawid galing sa Egipto. Nalaman din namin na nilupig ninyo sina Haring Sehon at Og ng mga Amorreo sa ibayo ng Jordan, at pinuksa ang kanilang mga hukbo. 2:11 Nagulat kami nang marinig ang mga balitang iyon. Natakot kaming humarap sa inyo, sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng langit at lupa. 2:12 Ipangako ninyo sa ngalan ni Yahweh na tutulungan ninyo ang aking angkan alang-alang sa pagtulong kong ito sa inyo, at bigyan ninyo ako ng isang katibayan. 2:13 "Iligtas ninyo ang aking ama, ina, mga kapatid at ang kanilang sambahayan. Huwag ninyo kaming hahayaang mapatay.' " 2:14 "Sinabi sa kanya ng mga tiktik: 'Ang buhay namin ang garantiya sa buhay ninyo. Huwag mo lamang sasabihin sa maykapangyarihan na kami'y naririto, hindi kayo maaano pag ibinigay na sa amin ni Yahweh ang lupaing ito.' " 2:15 Dikit sa muog ng Jerico ang bahay ni Rahab, kaya't buhat sa kanyang bintana'y inihugos niya sa labas ng lunsod ang dalawang tiktik. 2:16 "Ngunit bago sila umalis, sila'y pinagbilinan niya ng ganito: 'Bagtasin ninyo ang kaburulan nang hindi kayo masalubong ng mga tauhan ng hari. Magtago kayo roong tatlong araw. Pag nakabalik na sa lunsod ang mga humahabol sa inyo, saka kayo magpatuloy ng inyong lakad.' " 2:17 "Sinabi naman sa kanya ng dalawa: 'Pinananagutan namin ang aming pangako, ngunit kailangang gawin mo ang sumusunod:" 2:18 Pagbalik namin para sakupin ang inyong lunsod, ilawit mo ang pulang lubid na ito sa bintanang aming lalabasan; tipunin mo sa iyong bahay ang iyong ama, ina, mga kapatid at ang buo nilang angkan. 2:19 Ang lalabas ng bahay ay di namin pananagutan kung mapatay man, ngunit kami ang mananagot pag may napinsala sa sinumang nasa loob. 2:20 "At kapag isiniwalat mo itong ating pinag-usapan, huwag mo nang aasahan ang pangako namin sa iyo.' " 2:21 "Sumagot ang babae: 'Sang-ayon ako.' Ihinugos nga niyang palabas ang dalawa. Pagkatapos, itinali niya sa bintana ang lubid na pula nang nakalawit sa labas ang dulo. " 2:22 Binagtas ng dalawa ang kaburulan at nagtago roon samantalang sila'y pinaghahanap ng mga tauhan ng hari. Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik na ang mga ito sa lunsod nang sila'y hindi makita. 2:23 Bumaba naman mula sa kaburulan ang mga tiktik, tumawid ng ilog at nagbalik kay Josue. Iniulat nila kay Josue ang buong pangyayari. 2:24 '"Ibinigay na sa atin ni Yahweh ang lupaing iyon,' wika nila. 'Mabanggit lamang ang pangalan nati'y nangangatog na sa takot ang mga tagaroon.'" 3:1 ( Tumawid ng Jordan ang mga Israelita ) Maagang-maaga pa'y gumising na si Josue at ang buong Israel. Nilisan nila ang Sitim patungong Ilog Jordan, at humimpil sila sa tabi nito bago tumawid. ( Paghahanda sa Pagtawid ) 3:2 Pagkalipas ng tatlong araw, naglibot sa kampamento ang mga pinuno 3:3 "at sinabi sa mga tao: 'Kapag nakita ninyong dala ng mga saserdoteng Levita ang Kaban ng Tipan, sumunod na kayo." 3:4 "Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan, sapagkat hindi pa kayo napupunta rito kahit kailan. Ngunit huwag kayong pakalalapit sa Kaban ng Tipan; paunahin ninyo ito nang mahigit na kalahating kilometro.' " 3:5 "Sinabi naman ni Josue sa mga tao: 'Ihanda ninyo ang inyong sarili sa pagharap kay Yahweh, sapagkat bukas siya'y gagawa ng mga kababalaghan na inyong masasaksihan.'" 3:6 "Pagkatapos ay inutusan niya ang mga saserdoteng Levita: 'Buhatin na ninyo ang Kaban ng Tipan at mauna kayo sa mga tao.' At gayon nga ang ginawa nila. ( Mga Dagdag na Tagubilin )" 3:7 "Sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Sa araw na ito'y padadakilain kita sa paningin ng buong Israel. Sa ganito makikilala nilang ako'y sumasaiyo, tulad ng ginawa ko kay Moises." 3:8 "Sabihin mo sa mga saserdoteng Levita na magdadala ng Kaban ng Tipan na magtuloy na sila sa Ilog Jordan, ngunit hihinto pagtuntong ninyo ng tubig.' " 3:9 "At tinawag ni Josue ang mga tao: 'Halikayo at pakinggan ninyo ang ipinasasabi ni Yahweh, ang inyong Diyos.'" 3:10 "At sinabi niya sa mga tao: 'Dito ninyo malalaman na sumasainyo ang Diyos na buhay. Pagdating ninyo roon, lilipulin niya ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang mga Heveo, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amorreo, at ang mga Jebuseo." 3:11 Ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng sangkalupaan ay mauunang itatawid ng Ilog Jordan. 3:12 Pumili kayo ng labindalawang lalaki, isa sa bawat lipi ng Israel. 3:13 "Kapag ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan ay tumuntong sa tubig, titigil ng pag-agos ang Ilog Jordan. Ang tubig ay matitipon sa isang lugar sa hulo.' ( Ang Pagtawid )" 3:14 Sa pangunguna ng mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, umalis ng kampamento ang bayang Israel upang tumawid sa ilog. 3:15 Malaki ang tubig ng Jordan sa panahon ng tag-ani. Nang sumapit sa Ilog Jordan ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, 3:16 tumigil ang agos sa hulo, at ang tubig ay natipon sa tapat ng bayan ng Adam, lunsod na nasa tabi ng Sartan. Samantala, ang agos na pababa sa Dagat na Patay, sa Araba, ay nagpatuloy hanggang sa natuyo ang ilog at nakatawid ang buong Israel. Malapit sa Jerico ang kanilang tinawiran. 3:17 Nanatili sa gitna ng natuyong ilog ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, samantalang tumatawid sa ibayo ang buong bayan; tuyo ang nilalakaran nila. 4:1 ( Bantayog sa Gitna ng Ilog ) Nang makatawid na sa Ilog Jordan ang buong bayan, sinabi ni Yahweh kay Josue: 4:2 '"Pumili ka ng labindalawang lalaki, isa sa bawat lipi." 4:3 "Pakunin mo sila ng tig-iisang bato sa gitna ng ilog, doon sa tinayuan ng mga saserdote, at ipadala mo sa kanilang hihimpilan ngayong gabi.' " 4:4 Tinawag nga ni Josue ang labindalawang lalaking pinili niya, 4:5 "at sinabi sa kanila: 'Mauna kayo sa Kaban ng Tipan. Pagdating ninyo sa gitna ng ilog, kumuha kayo ng tig-iisang bato, isa para sa bawat lipi ng Israel," 4:6 at gawin ninyong isang bantayog bilang alaala sa mga nasaksihan ninyong ginawa ni Yahweh. Kung sa panahong darating ay itanong ng inyong mga anak kung ano ang kahulugan ng mga batong iyan, 4:7 "sabihin ninyong tumigil ang agos at nahati ang tubig ng Ilog Jordan nang itawid ang Kaban ng Tipan. Ang mga batong iyon ay magpapaalaala sa Israel ng mga pangyayaring ito habang panahon.' " 4:8 Ginawa nga ng labindalawa ang iniutos sa kanila ni Josue. Tulad ng sinabi ni Yahweh kay Josue, kumuha sila ng labindalawang bato sa gitna ng ilog, isa para sa bawat lipi ng Israel. Dinala nila ang mga bato sa kanilang himpilan, at inilagay roon. 4:9 Naglagay rin si Josue ng labindalawang bato sa gitna ng Ilog Jordan, sa lugar na tinayuan ng mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan. Naroon pa hanggang ngayon ang nasabing mga bato. 4:10 Nanatili sa gitna ng Ilog Jordan ang mga saserdote hanggang sa maisagawa ng mga tao ang lahat ng mga iniutos ni Yahweh kay Josue. Natupad ang lahat ayon sa iniutos ni Moises kay Josue. Nagmamadaling tumawid ang mga tao. 4:11 Pagkatapos nila, itinawid din ang Kaban ng Tipan, at ang mga saserdote'y muling umuna sa mga tao. 4:12 Tumawid din at nanguna sa bayan ang mga lalaking sandatahan buhat sa lipi nina Ruben, Gad at kalahati ng lipi ni Manases. 4:13 May 40,000 mandirigma ang nagdaan sa harapan ni Yahweh patungo sa kapatagan ng Jerico. 4:14 Sa araw na iyon, dinakila ni Yahweh si Josue sa paningin ng buong bayan. At siya'y iginalang nila habang nabubuhay, tulad ng ginawa nila kay Moises. 4:15 Iniutos ni Yahweh kay Josue: 4:16 '"Sabihin mo sa mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan na umahon na sila sa Jordan.'" 4:17 Gayon nga ang ginawa ni Josue. 4:18 Nang makaahon ang mga saserdote, muling umagos ang ilog at umapaw sa pampang ang tubig. 4:19 Ika-10 ng unang buwan ng taon, nang tumawid ng Ilog Jordan ang bayang Israel. Humimpil sila sa Gilgal, sa silangan ng Jerico. 4:20 Doon ipinalagay ni Josue ang labindalawang bato na ipinakuha niya sa Jordan. 4:21 "Pagkatapos, sinabi niya sa buong bayan: 'Mga magulang, pag itinanong sa inyo ng inyong mga anak kung ano ang kahulugan ng mga batong iyan," 4:22 sasabihin ninyo sa kanila na lumakad sa tuyong lupa ang bayang Israel nang tumawid sa Ilog Jordan. 4:23 Sabihin din ninyo na pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Jordan habang kayo'y tumatawid, tulad ng ginawa niya sa Dagat ng mga Tambo. 4:24 "Sa ganitong paraan, kikilanlin ng lahat ng tao sa daigdig ang kapangyarihan ni Yahweh, at pararangalan ninyo siya sa habang panahon.'" 5:1 ( Ang Pagtutuli at ang Pagdiriwang ng Paskuwa sa Gilgal ) Nabalitaan ng mga haring Amorreo sa kanluran ng Jordan at ng mga haring Cananeo sa baybayin ng Dagat Mediteraneo na pinatuyo ni Yahweh ang Ilog Jordan nang tumawid ang bayang Israel. Dahil doo'y nasindak silang lahat, at nasiraan sila ng loob sa pagdating ng mga Israelita. 5:2 "Sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Kumuha ka ng batong matalim, gawin mong panghiwa, at tuliin mo ang mga kalalakihan ng Israel.'" 5:3 Gayon nga ang ginawa ni Josue---tinuli niya ang mga lalaki sa Bundok ng Pagtutuli. 5:4 Ginawa niya ito sapagkat namatay nang lahat sa panahon ng paglalakbay ang mga lalaking may sapat na gulang upang gumamit ng sandata noong sila'y umalis sa Egipto. 5:5 Ang mga iyon ay pawang tuli na, ngunit ang mga isinilang sa panahon ng paglalakbay ay hindi pa. 5:6 Apatnapung taon na naglakbay sa ilang ang bayang Israel---hanggang sa namatay na lahat ang mga lalaking may sapat na gulang upang gumamit ng sandata nang sila'y umalis sa Egipto. Hindi sila tumalima kay Yahweh, kaya sinabi niya sa kanila na hindi nila makikita ang lupang masagana na ipinangako sa kanilang mga ninuno. 5:7 Ang kanilang mga anak na lalaki na humalili sa kanila ang tinuli ni Josue, sapagkat hindi sila tinuli nang panahon ng paglalakbay. 5:8 Matapos tuliin ang lahat ng kalalakihan, nanatili sa kampamento ang buong bayan hanggang sa gumaling ang kanilang mga sugat. 5:9 "At sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.' Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal{ a} magpahanggang ngayon. " 5:10 Samantalang nasa Gilgal sa kapatagan ng Jerico ang mga Israelita, ipinagdiwang nila ang Paskuwa noong hapon ng ika-14 ng unang buwan. 5:11 Kinaumagahan, araw pa rin ng Paskuwa, kumain sila ng mga pagkaing inani nila sa lupaing yaon: sinangag na trigo at tinapay na walang lebadura. 5:12 Pagkakain nila ng pagkaing inani sa lupaing iyon, tumigil na ang pag-ulan ng manna. Kaya't mula nang taong iyon, pagkaing inaani sa Canaan ang kanilang ikinabuhay. ( Si Josue at ang Pinuno ng Hukbo ni Yahweh ) 5:13 "Minsa'y napadako si Josue sa Jerico, nang biglang pakita sa kanya ang isang lalaking may hawak na tabak. Nilapitan siya ni Josue at tinanong: 'Ikaw ba'y isa sa aming mga kawal, o isang kaaway ' " 5:14 '"Hindi,' sagot ng lalaki. 'Ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.' Nagpatirapa si Josue at siya'y sinamba. Wika niya: 'Ano po ang ipinag-uutos ni Yahweh sa kanyang alipin ' " 5:15 "Sumagot ang pinuno ng hukbo ni Yahweh: 'Alisin mo ang iyong mga panyapak sapagkat lupang banal ang iyong tinutuntungan.' At ginawa nga ni Josue ang iniutos sa kanya." 6:1 ( Ang Pagbagsak ng Jerico ) Ipininid ang mga pintuan ng Jerico upang huwag makapasok ang mga Israelita. Ipinagbawal na lumabas o pumasok ang sinuman. 6:2 "Sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Pakinggan mo ito! Ipalulupig ko sa inyo ang Jerico, sampu ng kanyang hari at magigiting na kawal." 6:3 Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa loob ng anim na araw. 6:4 Pauunahin mo sa Kaban ng Tipan ang pitong saserdoteng may dalang mga tambuli. Sa ika-7 araw, makapito kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga saserdote ang dala nilang tambuli. 6:5 "Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, sisigaw kayong lahat nang ubod-lakas. Sa sandaling iyon, babagsak ang muog at walang sagabal na makapapasok sa lunsod ang lahat.' " 6:6 "Kaya't tinawag ni Josue ang mga saserdote at sinabi sa kanila: 'Dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan; mauna ang pitong saserdoteng may dalang mga tambuli.'" 6:7 "At sinabi naman niya sa mga tao: 'Lumakad na kayo. Lumigid kayo sa lunsod, at paunahin ninyo sa Kaban ni Yahweh ang mga kawal na pambungad.' " 6:8 Tulad ng sinabi ni Josue, lumakad na sa unahan ng Kaban ng Tipan ang pitong saserdoteng may dalang tambuli, at habang daa'y hinihipan nila ang mga ito. 6:9 Nauuna sa mga saserdote ang mga kawal na pambungad. Kasunod naman ng Kaban ng Tipan ang mga kawal na panghuling hanay. Samantala, walang tigil ang tunog ng mga tambuli. 6:10 "Ngunit sinabi ni Josue sa mga tao: 'Huwag kayong sisigaw, o magsasalita kaputok man, hanggang hindi ko kayo binibigyan ng hudyat.'" 6:11 Sa utos nga ni Josue, iniligid nilang minsan sa lunsod ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Pagkatapos, bumalik sila sa kampamento at doon sila nagparaan ng gabi. 6:12 Kinabukasan, maagang gumising si Josue. Binuhat ng mga saserdote ang Kaban ng Tipan, 6:13 at muling nauna rito ang pitong saserdote na walang tigil ng pag-ihip ng dala nilang tambuli. Muling lumagay sa unahan nila ang mga kawal na pambungad, samantalang ang mga panghuling hanay ay lumagay sa likuran ng Kaban ng Tipan. Patuloy ang tunog ng mga tambuli. 6:14 Niligid nga nilang minsan ang lunsod noong ika-2 araw, at pagkatapos ay bumalik silang muli sa kampamento. Ganito ang ginawa nila araw-araw sa loob ng anim na araw. 6:15 Sa ika-7 araw, bumangon sila nang magbukang-liwayway, at lumigid nang makapito sa lunsod. Noon lamang nila ito niligid nang makapito. 6:16 "Sa ika-7 ligid, hinipan ng mga saserdote ang mga tambuli at iniutos ni Josue sa mga tao: 'Sigaw kayo! Ibinigay na sa inyo ni Yahweh ang lunsod." 6:17 Ang buong lunsod at ang anumang matatagpuan doon ay tutupukin bilang handog kay Yahweh. Si Rahab lamang at ang kanyang mga kasambahay ang maliligtas sapagkat itinago niya ang ating mga tiktik na sinugo roon. 6:18 At huwag na huwag kayong kukuha ng anumang bagay roon; lahat ay tutupukin. Kapag kumuha kayo ng anuman, kayo ang magiging sanhi ng pagkapahamak ng buong Israel. 6:19 "Ngunit ang lahat ng bagay na yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal ay para kay Yahweh, at dapat ilagay sa kabang-yaman.' " 6:20 Hinipan nga ng mga saserdote ang mga tambuli at nagsigawan ang mga tao nang marinig iyon. Bumagsak ang mga muog ng lunsod at sumalakay sila. Nakapasok sila nang walang sagabal at naagaw nila ang lunsod. 6:21 Pinagpapatay nila ang lahat ng tao sa lunsod---lalaki't babae, matanda't bata---at pati ang mga asno, baka at tupa. 6:22 "Sinabi ni Josue sa dalawang tiktik na sinugo niya: 'Pumunta kayo sa bahay ng babaing inyong tinuluyan. Ilabas ninyo siya at ang buo niyang angkan, ayon sa inyong pangako sa kanya.'" 6:23 Pumunta nga sila at inilabas si Rahab, ang kanyang ama't ina, mga kapatid at mga kasambahay. Inilabas din nila pati ang kanyang mga kamag-anak at dinalang lahat sa kampamento ng Israel. 6:24 Sinunog nila ang lunsod at tinupok ang lahat ng bagay na naroon, liban sa mga yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal. Ang mga ito'y inilagay sa kabang-yaman ni Yahweh. 6:25 Iniligtas ni Josue si Rahab, ang kanyang angkan, at pati mga kamag-anak sapagkat itinago niya ang mga lalaking sinugo niya upang maniktik sa Jerico. Ang kanyang mga inanak at inapo ay namumuhay sa Israel magpahanggang ngayon. 6:26 "Noon di'y pinapanumpa ni Josue ang buong bayan sa ngalan ni Yahweh. 'Sumpain ang sinumang magta- tayong muli ng lunsod na ito ng Jerico. Mamatay ang anak na panganay ng sinumang muling maglalagay ng mga saligan nito. Mamatay ang anak na bunso ng magbabangong muli ng kanyang mga pintuan.' " 6:27 Hindi hiniwalayan ni Yahweh si Josue, at nabantog ang kanyang pangalan sa lupaing iyon. 7:1 ( Ang Kasalanan ni Acan ) Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha ng anuman sa Jerico sapagkat yao'y tutupukin bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Carmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh. 7:2 Nagsugo si Josue ng ilang tao buhat sa Jerico upang maniktik sa lunsod ng Hai, sa silangan ng Betel at malapit sa Bet-aven. 7:3 "Pagbabalik nila'y sinabi nila kay Josue: 'Hindi na po kailangang pumaroon ang lahat. Magpadala lamang kayo ng 2,000 hanggang 3,000 mandirigma upang sumalakay sa lunsod ng Hai. Huwag na ninyong pagurin ang lahat, sapagkat maliit lamang ang lunsod na iyon.'" 7:4 Kaya't 3,000 Israelita lamang ang sumalakay sa Hai, at sila'y naitaboy ng mga tagaroon. 7:5 Tinugis sila buhat sa pintuan ng lunsod hanggang sa tibagan ng batong silyar. Maraming napatay sa kanilang pag-urong na pababa sa bundok. Nalagasan sila ng tatlumpu't anim, kaya't nasiraan sila ng loob. 7:6 Winahak ni Josue ang kanyang kasuutan sa matinding paghihinagpis, at nagpatirapa sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din ng abo sa ulo at nagpatirapang kasama ni Josue ang mga pinuno ng Israel hanggang sa lumubog ang araw. 7:7 "At nangusap si Josue ng ganito: 'Yahweh, aming Diyos, bakit pa ninyo kami pinatawid ng Ilog Jordan kung ipalulupig din lamang sa mga Amorreo Mabuti pa'y nanatili na kami sa kabila ng Jordan!" 7:8 Anong gagawin ko, ngayong umurong sa kaaway ang bayang Israel 7:9 "Mababalitaan ito ng mga Cananeo at ng iba pang mga taga lupaing ito, at pagtutulung-tulungan nila kaming lipulin sa balat ng lupa. Wala po ba kayong gagawin upang ibangon ang inyong pangalan ' " 7:10 "Ganito ang tugon ni Yahweh: 'Tumindig ka! Bakit ka nagpapatirapa nang ganyan 7:11 Nagkasala ang bayang Israel! Nilabag nila ang aking utos. Kumuha sila ng mga bagay na iniutos kong tupukin. May inumit sila, inilihim at isinama sa kanilang mga ari-arian. 7:12 Iyan ang dahilan kaya hindi sila makaharap sa kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipulin. Hindi ko na kayo tutulungan hanggang hindi ninyo isinusuko ang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. 7:13 Tumindig ka at sabihin mo sa bayan na maghanda sila bukas sa pagharap sa akin, sapagkat ito ang sasabihin ko sa kanila: 'Ikaw rin, Israel, ay dapat tupukin sapagkat may nag-iingat sa inyo ng mga bagay na ipinag-utos kong tupukin. Hindi kayo makahaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi naaalis sa inyo ang mga bagay na iyan. 7:14 Kaya bukas ng umaga, haharap kayo sa akin ayon sa inyu-inyong lipi. Ang liping mapili ko sa pamamagitan ng sapalaran ay hahanay ayon sa kani-kanilang angkan. Ang angkan naman na mapili ko ay hahanay rin ayon sa kani-kanilang sambahayan. At ang sambahayang mapili ko ay hahanay na isa-isa. 7:15 "Ang kakitaan ng mga bagay na ipinag-utos kong tupukin ay siyang ihahagis sa apoy, sampu ng kanyang sambahayan at mga ari-arian. Hindi niya iginalang ang pakikipagtipan sa akin at nagdulot ng napakalaking kahihiyan sa buong Israel.'' " 7:16 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue at pinahanay ang buong Israel ayon sa kani-kanilang lipi, at napili ang lipi ni Juda. 7:17 Tinawag ang lipi ni Juda at napili sa sapalaran ang angkan ni Zera. Tinawag ang angkan ni Zera at napili ang sambahayan ni Zabdi. 7:18 Tinawag ang sambahayan ni Zabdi at napili si Acan, na anak ni Carmi at apo ni Zabdi, na anak ni Zera. 7:19 "Kaya't sinabi ni Josue kay Acan: 'Anak, nasa harapan ka ni Yahweh, ang Diyos ng Israel! Magsabi ka ng totoo. Huwag kang magkakaila ng anuman! Ano ang ginawa mo ' " 7:20 "Sumagot si Acan: 'Nagkasala po ako kay Yahweh, ang Diyos ng Israel." 7:21 "Sa mga bagay na nasamsam ko sa Jerico, may nakita akong isang mamahaling damit na yari sa Babilonia, halos walong librang pilak, at isang barang ginto na mahigit pang dalawang libra. Kinuha ko ang mga iyon at ibinaon sa lupa, sa loob ng aking tolda. Nasa kailaliman po ang pilak.' " 7:22 Nagsugo si Josue ng dalawang tao na patakbong pumunta sa tolda ni Acan. Nakabaon nga roon ang damit at nasa ilalim nito ang pilak. 7:23 Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh. 7:24 Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayon din ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Lambak ng Kapighatian. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian. 7:25 "At sinabi ni Josue: 'Ipinahamak mo kami! Kaya't ikaw naman ngayon ang pahihirapan ni Yahweh.' At pinagpupukol nila ng bato hanggang mamatay si Acan at ang buo niyang sambahayan. Sinunog silang lahat sampu ng kanilang ari-arian." 7:26 Pagkatapos, tinabunan nila ng mga bato. Naroon pa hanggang ngayon ang mga batong iyon. Naglubag ang galit ni Yahweh. Mula noon, ang pook na iyo'y tinawag na Lambak ng Kapighatian. 8:1 ( Paglupig at Pagwawasak sa Lunsod ng Hai ) "At sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Huwag ka nang matakot, lakasan mo ang iyong loob. Tipunin mo ang lahat mong mga kawal at salakayin ninyo ang lunsod ng Hai. Magtatagumpay na kayo! Ibibigay ko sa inyo ang hari ng Hai, ang kanyang mga tauhan, lunsod at mga lupain." 8:2 "Gagawin ninyo sa Hai ang ginawa ninyo sa Jerico. At wala kayong maaaring angkinin doon kundi ang kanilang mga bakahan at mga ari-arian. Maghanda kayo at salakayin ninyo ang lunsod buhat sa likuran.' " 8:3 Inihanda nga ni Josue ang lahat niyang kawal upang salakayin ang Hai. Pumili siya ng 30,000 magigiting na mga kawal, at pinalabas ng kampamento sa kalaliman ng gabi. 8:4 "Ganito ang tagubilin niya sa kanila: 'Kumubli kayo sa dakong likuran ng lunsod, doon sa hindi kalayuan, at humanda kayong sumalakay sa anumang oras." 8:5 Kami ng mga kasama ko ay sasalakay sa harapan. Pag tinugis kami ng mga taga lunsod, uurong kami gaya nang ginawa natin noong nakaraan. 8:6 Aakalain nilang natakot kami tulad noong una, kaya hahabulin nila kami hanggang sa sila'y mapalayo sa lunsod. 8:7 Lalabas naman kayo sa inyong pinagtataguan. Papasukin ninyo ang lunsod at ito'y ibibigay sa inyo ni Yahweh. 8:8 "Matapos lupigin, susunugin ninyo ang lunsod, gaya ng sinabi ni Yahweh.'" 8:9 Pinalabas nga sila ni Josue, at sila'y kumubli sa dakong likuran ng Hai---sa pagitan nito at ng Betel. Samantala, nanatili si Josue sa kampamento kasama ng ibang tauhan ng Israel. 8:10 Kinabukasan, maaga pa'y bumangon na si Josue at tinipon ang buong bayan. Siya at ang mga pinuno ng Israel ang nangunang patungo sa Hai. 8:11 Pumunta sila sa bukana ng lunsod at nagtayo ng kampamento sa harap niyon, sa gawing hilaga. Isang lambak ang nasa pagitan nila at ng lunsod ng Hai. 8:12 Nagbukod si Josue ng 5,000 mandirigma na pinapangubli niya sa kanluran ng lunsod---sa pagitan nito at ng Betel. 8:13 Ganito ang hanay ng mga kawal sa simula ng labanan: ang bayang Israel, sa harapan sa dakong hilaga; ang mga nakakubling mandirigma, sa gawing kanluran. Sa lambak na iyon nagparaan ng gabi si Josue. 8:14 Hindi nag-aksaya ng panahon ang hari at ang mga taga-Hai nang makita ang pangkat ni Josue. Lumabas sila ng lunsod at sinagupa ang hukbo ng Israel sa Lambak ng Jordan, sa dating pinaglabanan nila. Wala silang malay na may sasalakay sa kanilang likuran. 8:15 Si Josue naman at ang mga kasama niya'y nagkunwaring napipilan at umurong na patungo sa ilang. 8:16 Kaya't tinugis sila ng lahat ng kalalakihan ng Hai hanggang sa mapalayo nang mapalayo sila sa lunsod. 8:17 Lahat ng lalaki sa Hai{ a} ay sumama sa pagtugis sa mga Israelita at naiwang walang bantay ang lunsod. 8:18 "Noon sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Ituro mo sa Hai ang iyong sibat. Ito'y ibinibigay ko sa inyo ngayon.' Gayon nga ang ginawa ni Josue." 8:19 Pagkataas ng kanyang kamay, naglabasan ang mga tauhan niya sa kanilang pinagtataguan. Pinasok nila ang lunsod at sinunog iyon. 8:20 Nang lumingon ang mga taga-Hai, nakita nilang abot sa langit ang usok na nagmumula sa lunsod. Hindi naman sila makasulong o makaurong; bigla silang hinarap ng mga Israelitang tinutugis nilang patungo sa ilang. 8:21 Sapagkat nang makita ni Josue at ng mga Israelita na ang mga kasama nilang nakakubli'y pumasok na sa lunsod at ito'y natutupok na, pumihit sila at dinaluhong ang mga taga-Hai. 8:22 Dumagsa rin buhat sa lunsod ang mga Israelitang pumasok doon, kaya't ganap na napagtalikupan ang mga taga-Hai. Namatay silang lahat, at walang nakaligtas o nakatakas isa man. 8:23 Ang hari lamang ang binihag nilang buhay at dinala kay Josue. 8:24 Napatay nga ng mga Israelita ang lahat ng humabol sa kanila. Pagkatapos, binalingan nila ang lunsod at nilipol din ang lahat ng naiwan doon. 8:25 Nang araw na iyon ay pinuksa nila ang lahat ng tao sa Hai, at may 12,000 ang namatay. 8:26 Patuloy na itinuro ni Josue sa Hai ang kanyang sibat hanggang sa mapatay ang lahat ng tagaroon. 8:27 Walang kinuha ang mga Israelita sa nalupig na lunsod kundi ang mga baka at mga ari-arian, ayon sa sinabi ni Yahweh kay Josue. 8:28 Sinunog ni Josue ang Hai at iniwang tiwangwang habang panahon, tulad ng makikita sa kasalukuyan. 8:29 Ipinabitay niya ang hari sa isang punongkahoy, at binayaan doon ang bangkay hanggang sumapit ang dilim. Paglubog ng araw, ipinababa niya ang bangkay at ipinatapon sa may pintuan ng lunsod. Pinabuntunan niya ng isang malaking talumpok ng bato na makikita pa roon magpahanggang ngayon. ( Pagbasa ng Kautusan sa Bundok ng Ebal ) 8:30 Nagtayo si Josue ng isang dambana sa Bundok ng Ebal upang parangalan si Yahweh, ang Diyos ng Israel. 8:31 Mga batong di tinapyas ng kasangkapang bakal ang ginamit niya sa dambana ayon sa tagubilin ni Moises at nasasaad sa Kautusan. Sa ibabaw ng dambanang iyon ay nag-alay sila kay Yahweh ng mga handog na susunugin at mga handog na pinagsasaluhan. 8:32 Sa pook na iyon, sa harapan ng buong Israel, iniukit ni Josue sa mga bato ng dambana ang Kautusang isinulat ni Moises. 8:33 Lahat ng Israelita, kasama ang mga matatanda, ang mga pinuno, at ang mga hukom---at pati ang mga dayuhang nakikipamayan sa kanila---ay tumayo sa magkabilang panig ng Kaban ng Tipan, paharap sa mga saserdoteng Levita na may dala niyon. Ang kalahati ng baya'y tumayo sa tapat ng Bundok ng Gerizim, at ang kalahati'y sa tapat ng Bundok ng Ebal. Ganito ang utos ni Moises na gagawin nila pagsapit ng panahong tatanggapin na nila ang pagbabasbas. 8:34 Sa sandaling iyo'y binasa ni Josue ang Kautusan---ang mga pagpapala at ang mga sumpa---ayon sa nasusulat sa Aklat ng Kautusan. 8:35 Isa-isang binasa ni Josue ang mga Kautusan sa lahat ng taong naroon, pati sa mga babae at mga bata, at sa mga dayuhang nakikipamayan sa kanila. 9:1 ( Pakikipagkasundo ng Taga-Gabaon sa Israel ) Ang mga tagumpay ng Israel ay nabalitaan ng lahat ng mga hari sa kanluran ng Jordan: sa kaburulan, sa kapatagan, at sa baybayin ng Mediteraneo hanggang sa Libano, sa dulong hilaga. Ang mga haring ito ng mga Heteo, ng mga Amorreo, ng mga Cananeo, ng mga Perezeo, ng mga Heveo, at ng mga Jebuseo 9:2 ay nagsama-sama upang lusubin si Josue at ang bayang Israel. 9:3 Ngunit nang mabalitaan ng mga taga-Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai, 9:4 umisip sila ng paraan upang malinlang si Josue. Nagdala sila ng pagkain. Kinargahan nila ang kanilang mga asno ng mga sakong lumang-luma, at mga sisidlang-balat na tagpian. 9:5 Nagsuot sila ng mga pudpod at butas-butas na panyapak, at damit na gula-gulanit. Matigas na at amagin pa ang baon nilang tinapay. 9:6 "Pumunta sila kay Josue sa kampamento ng Israel sa Gilgal. Ganito ang sabi nila kay Josue at sa kasama niyang mga pinuno ng Israel: 'Kami po'y galing pa sa malayong lupain; nais po naming makipagkasundo sa inyo!' " 9:7 "Ngunit sumagot ang mga pinuno ng Israel: 'Baka kayo'y mga tagarito Hindi kami maaaring makipagtipan sa inyo.' " 9:8 "Nagmakaawa sila kay Josue: 'Handa po kaming maglingkod sa inyo!' Tinanong sila ni Josue: 'Sino ba kayo Saan kayo galing 9:9 "At ganito ang kanilang salaysay: 'Buhat po kami sa napakalayong lupain. Nagsadya po kami sa inyo sapagkat nabalitaan namin ang tungkol kay Yahweh, na inyong Diyos. Narinig po namin ang ginawa niya sa Egipto." 9:10 Nalaman din po namin ang ginawa niya sa dalawang haring Amorreo sa silangan ng Jordan: kay Sehon, hari ng Hesbon at kay Og, hari ng Basan, na nakatira sa Astarot. 9:11 Kaya't sinugo po kami ng aming matatanda at mga kababayan. Nagdala po kami ng baon at naglakbay hanggang dito upang makipagkita sa inyo at paabutin sa inyo na kami'y handang maglingkod sa inyo! Marapatin po sana ninyong makipagtipan sa amin. 9:12 Tingnan po ninyo ang tinapay na baon namin. Mainit pa po iyan nang umalis kami sa amin. Ngunit ngayo'y matigas na at amagin. 9:13 "Bago pa rin ang mga sisidlang-balat na iyan nang aming lamnan. Tingnan po ninyo! Sira-sira na ngayon at batbat ng tagpi. Gula-gulanit na po itong aming kasuutan at pudpod na itong aming panyapak sa kalayuan ng aming nilakbay.' " 9:14 Tinikman ng mga pinuno ng Israel ang mga pagkain na hindi sumangguni muna kay Yahweh. 9:15 Kaya't nakipagkasundo sa kanila si Josue at nangako na hindi sila papatayin. Nangako rin ang mga pinuno ng Israel. 9:16 Tatlong araw pagkatapos mapagtibay ang kasunduan, nalaman ng mga Israelita na hindi pala taga malayo ang mga taong iyon, kundi sa mga lupain ding iyon nakatira. 9:17 Kaya lumakad sila, at pagkatapos ng tatlong araw ay natagpuan nila ang mga tinitirahan ng mga taong iyon: ang mga lunsod ng Gabaon, Cafira, Beerot at Kiryat-jearim. 9:18 Ngunit hindi mapatay ng mga Israelita ang mga taong iyon sapagkat ang mga pinuno ng Israel ay nanumpa sa kanila sa ngalan ni Yahweh. At nagbulung-bulungan ang bayan laban sa gayong pangyayari. 9:19 "Kaya't nagpaliwanag ang mga pinuno: 'Nakipagtipan kami sa kanila sa ngalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Hindi natin sila maaaring galawin ngayon." 9:20 Kailangang igalang natin ang kanilang buhay; kung hindi, baka tayo parusahan ng Diyos dahil sa sumpang aming binitiwan sa kanila. 9:21 "Hayaan ninyo silang mabuhay. Gagawin natin silang tagapangahoy at tagaigib.' " 9:22 "Ipinatawag naman ni Josue ang mga taga-Gabaon at kanyang sinabi: 'Bakit ninyo kami nilinlang Bakit ninyo sinabing kayo'y taga malayo, gayong tagarito pala kayo 9:23 "Dahil sa ginawa ninyo, sinusumpa kayo ng Diyos. Buhat ngayon, magiging alipin namin kayo, tagapangahoy at tagaigib sa bahay ng Diyos.' " 9:24 "Sumagot sila: 'Ginawa po namin iyon sapagkat napatunayan namin na talagang iniutos ni Yahweh, na inyong Diyos, sa lingkod niyang si Moises na ipamahagi sa inyo ang mga lupaing ito at lipulin ang lahat ng taong nakatira dito. At ngayong kayo nga'y dumating na, natatakot po kaming baka kami'y lipulin ninyo." 9:25 "Kami po'y nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ngayon. Gawin po ninyo sa amin ang inyong marapatin.'" 9:26 Kaya't ipinagtanggol ni Josue ang mga taong iyon at hindi pinabayaang patayin ng mga Israelita. 9:27 Subalit sila'y ginawa niyang mga alipin: tagapangahoy at tagaigib sa bahay ni Yahweh. Nananatili sila sa kalagayang iyon hanggang ngayon, at naglilingkod sa bahay ni Yahweh saanman sila kailanganin. 10:1 ( Nalupig ang mga Amorreo ) Nabalitaan ni Adonizedec, hari ng Jerusalem, na nilupig at tinupok ni Josue ang lunsod ng Hai. Nabalitaan din niya ang ginawa ni Josue sa hari at sa mga taga-Hai, at ang ginawa niya sa hari ng Jerico at sa mga tagaroon. Nalaman din niya na ang mga taga-Gabaon ay nakipagtipan at nakikipamayan ngayon sa mga Israelita. 10:2 Labis itong ikinabahala ng mga taga-Jerusalem, sapagkat ang Gabaon ay kasinlaki ng mga lunsod na may sariling hari, higit na malaki kaysa Hai, at magigiting ang kanyang mga mandirigma. 10:3 Kaya nagpasugo si Adonizedec kay Hoham, hari ng Hebron; kay Piream, hari ng Jarmut; kay Jafia, hari ng Laquis; at kay Debir, hari ng Eglon. 10:4 "Ganito ang kanyang panawagan: 'Kailangan namin ang inyong tulong. Kailangang salakayin natin ang Gabaon sapagkat ang mga tagaroon ay nakipagkasundo kay Josue at sa mga Israelita.'" 10:5 Nagkaisa-isa nga ang limang haring Amorreo; ang mga hari ng Jerusalem, ng Hebron, ng Jarmut, ng Laquis at ng Eglon, at pinaligiran nila at sinalakay ang Gabaon. 10:6 "Nagpasabi naman kay Josue sa kampamento ng Gilgal ang mga taga-Gabaon: 'Huwag po ninyong pabayaan itong inyong mga abang alipin. Pumarito po kayong madali upang kami'y saklolohan. Iligtas ninyo kami. Pinagtutulung-tulungan po kami ng lahat ng mga haring Amorreong naninirahan sa kaburulan.'" 10:7 Kaya nga't sumaklolo si Josue buhat sa Gilgal, kasama ang lahat niyang mga kawal na pawang magigiting na mandirigma. 10:8 "Sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Huwag kang matakot sa kanila. Ako ang bahala sa inyo. Magtatagumpay kayo laban sa kanila. Wala isa man sa kanilang makalalaban sa inyo.'" 10:9 Umahon si Josue buhat sa Gilgal nang gabi ring iyon at dinatnan niyang hindi handa ang mga kaaway. 10:10 Niloob ng Diyos na masindak ang mga ito pagkakita sa hukbo ng Israel. Pinuksa sila ng mga Israelita simula pa sa Gabaon; tinugis sila sa paglusong ng Bet-horon hanggang sa Azeca at sa Maceda. 10:11 Samantalang tumatakas sila sa pag-uusig ng mga Israelita, pinaulanan sila ni Yahweh ng malalaking butil na yelo buhat sa langit, at napakaraming namatay. Marami pa ang namatay sa bagsak ng yelo kaysa patalim ng mga Israelita. 10:12 "Noong araw na ang mga Israelita'y papagtagumpayin ni Yahweh laban sa mga Amorreo, nakipag-usap si Josue kay Yahweh. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong bayan: 'Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gabaon, At ikaw rin, Buwan, sa Lambak ng Ayalon.' " 10:13 Tumigil nga ang araw at di kumilos ang buwan hanggang sa malupig ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway. Nasusulat ito sa k Aklat ni Jaserkend. Tumigil ang araw sa rurok ng langit at hindi lumubog sa buong maghapon. 10:14 Kailanma'y hindi pa nangyari---at hindi na muling mangyayari---na si Yahweh ay sumunod sa isang tao at nakipaglaban sa panig ng Israel. 10:15 Bumalik sa Gilgal si Josue at ang mga tauhan niya. 10:16 Nakatakas ang limang hari at nagtago sa yungib ng Maceda. 10:17 Ngunit may nakaalam na doon sila nagtago, at ito'y ipinasabi kay Josue. 10:18 "Kaya't iniutos ni Josue: 'Takpan ninyo ng malalaking bato ang bunganga ng yungib at inyong pabantayan." 10:19 "Ngunit huwag kayong titigil doon. Habulin ninyo ang kaaway, unahan at harangin upang huwag makapasok sa kani-kanilang lunsod. Inilagay na sila ni Yahweh sa inyong kapangyarihan.'" 10:20 At sila nga'y pinuksa ni Josue at ng kanyang mga kawal hanggang sa halos naubos na lahat. Ang ilang di napatay ay nakapasok sa loob ng lunsod. 10:21 Bumalik na lahat sa kampamento sa Maceda ang mga kawal ni Josue. Buhat noon, wala nang nangahas gumawa ng anuman laban sa mga Israelita. 10:22 "Iniutos ni Josue sa kanyang mga tauhan: 'Alisin ninyo ang takip na bato sa bunganga ng yungib, kunin ninyo ang limang haring iyon at iharap sa akin.'" 10:23 Gayon nga ang ginawa nila. Inilabas sa yungib ang mga hari ng Jerusalem, ng Hebron, ng Jarmut, ng Laquis, at ng Eglon. 10:24 "Nang nasa harapan na ni Josue ang limang hari, tinipon niya ang kanyang mga mandirigma, at iniutos sa mga pinuno, 'Halikayo! Tapakan ninyo sa batok ang mga haring ito.' At gayon nga ang ginawa nila." 10:25 "Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: 'Huwag na kayong matatakot o panghihinaan ng loob. Ganito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ninyong mga kaaway.'" 10:26 Ang limang hari ay ipinapatay ni Josue at hanggang hapong ipinabitin sa limang punongkahoy. 10:27 Nang lulubog na ang araw, ipinababa sila sa pagkakabitin at ipinatapon sa yungib na pinagtaguan nila. Ang bunganga ng yungib ay pinatakpan ng malalaking bato na naroroon pa magpahanggang ngayon. 10:28 Nang araw ring iyon, nasakop ni Josue ang Maceda at pinatay ang hari roon. Nilipol din niya ang buong bayan at wala siyang itinirang buhay isa man. Ginawa niya sa hari ng Maceda ang ginawa niya sa hari ng Jerico. 10:29 Buhat sa Maceda, nagtuloy sa Libna si Josue at ang mga Israelita at sinalakay iyon. 10:30 Ibinigay rin ni Yahweh sa kanilang kapangyarihan ang hari at ang lahat ng mamamayan doon. Pinatay nilang lahat ang mga tagaroon, at walang natira isa man. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico. 10:31 Pagkatapos ng Libna, pinuntahan naman nina Josue at ng mga Israelita ang Laquis. Pinaligiran nila ito at sinalakay. 10:32 Sa ika-2 araw ng labanan, muli silang pinapagtagumpay ni Yahweh. Nilipol din nila ang lahat ng tagaroon tulad ng ginawa nila sa Libna. 10:33 Si Horam, na hari ng Gezer, ay sumaklolo sa taga-Laquis. Ngunit hinarap sila ni Josue at walang itinirang buhay sa kanyang mga tauhan. 10:34 Buhat sa Laquis, nagtungo si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinaligiran nila iyon at sinalakay. 10:35 Sa araw ring iyon, nalupig nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng tagaroon, paris ng ginawa nila sa Laquis. 10:36 Pagkatapos ng Eglon, si Josue at ang buong hukbo ng Israel ay umahon sa mga lupaing bulubundukin at sinalakay nila ang Hebron. 10:37 Nasakop nila ang lunsod at pinatay ang lahat ng tagaroon, buhat sa hari hanggang sa kahuli-hulihang mamamayan. Gayon din ang ginawa nila sa mga bayang nasasakupan ng Hebron. Tinupok nila ang lunsod at walang iniwang buhay, gaya nang ginawa nila sa Eglon. 10:38 Binalingan naman ni Josue at ng buong hukbo ng Israel ang Debir. 10:39 Nilupig nila ang lunsod at ang mga bayang nasasakop nito. Pinatay nila ang hari at nilipol ang lahat ng mamamayan. Ginawa rin nila sa Debir ang ginawa nila sa Hebron, sa Libna, at sa kanilang mga hari. 10:40 Nilupig nga ni Josue ang lahat ng lupain sa dakong timog; ang mga kaburulan, ang Negeb, ang kapatagan, at ang mga gulod. Nilupig nila ang kanilang mga hari at pinuksa ang lahat ng mamamayan, ayon sa utos ni Yahweh. 10:41 Nilupig niya silang lahat buhat sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, ang buong lupain ng Gosen hanggang sa Gabaon sa dakong hilaga. 10:42 Sinakop niya ang lahat ng mga lupain at mga kahariang ito sa loob lamang ng isang tuluy-tuloy na pananalakay sapagkat si Yahweh na kanilang Diyos, ay katulong ng Israel sa kanilang pakikilaban. 10:43 Pagkatapos, bumalik si Josue at ang buong hukbo ng Israel sa kampamento ng Gilgal. 11:1 ( Nabigo si Jabin at mga Kasama ) Nang mabalitaan ni Jabin, hari ng Hazor, ang ganitong mga pangyayari, nagpasabi siya kay Jobab, hari ng Madon, at sa mga hari ng Simron at Acsaf. 11:2 Pinabalitaan din niya ang mga hari sa kaburulan sa dakong hilaga, sa Lambak ng Jordan, sa timog ng Cineret, at sa kapatagan hanggang sa baybayin ng Dor sa gawing kanluran. 11:3 Nagpasabi rin siya sa mga Cananeo sa magkabilang panig ng Ilog Jordan, sa mga Amorreo, Heteo at Perezeo. Nagpasugo pa rin siya sa mga Jebuseo na naninirahan sa kaburulan, at sa mga Heveo na naninirahan sa paanan ng Bundok Hermon, sa lupain ng Mizpa. 11:4 Dumalong lahat ang mga haring iyon, kasama ang kanilang mga mandirigma. Napakarami ang kanilang mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Anupat nakabuo sila ng isang napakalaking hukbo.{ a} 11:5 Nagkaisa ang mga haring iyon na pagsama-samahin ang kanilang mga lakas at magtagpu-tagpo sa may batisan ng Merom upang salakayin ang Israel. 11:6 "Ngunit sinabi ni Yahweh kay Josue: 'Huwag kang matakot sa kanila. Asahan mo, bukas sa ganito ring oras ay lilipulin ko silang lahat alang-alang sa Israel. Lalagutan ninyo ng litid ang kanilang mga kabayo at susunugin ang kanilang mga karwahe.'" 11:7 Kaya't sila'y biglang sinalakay ni Josue at ng kanyang mga kawal sa may batisan ng Merom. 11:8 Pinapagtagumpay ni Yahweh ang mga Israelita. Tinugis nila ang mga kaaway hanggang sa Dakilang Sidon at sa Misrefot-mayim sa gawing hilaga, at hanggang sa Lambak ng Mizpa sa gawing silangan. Wala silang itinirang buhay. 11:9 Ginawa sa kanila ni Josue ang utos ni Yahweh, nilagutan ng litid ang mga kabayo at sinunog ang kanilang mga karwahe. 11:10 Pagkatapos, bumalik si Josue, sinakop ang Hazor at pinatay ang hari roon. (Nang panahong iyon, ang Hazor ang kinikilalang punong-lunsod ng mga kahariang iyon.) 11:11 Sinunog nila ang lunsod at pinatay ang lahat ng tagaroon---walang itinira isa man. 11:12 Nalupig din ni Josue ang lahat ng mga haring iyon at sinakop ang kanilang mga lunsod. Pinatay niyang lahat ang mga tao, gaya ng iniutos ni Moises. 11:13 Ngunit hindi sinunog ng mga Israelita ang mga lunsod na iyon, at ngayon ay nananatili pang nakatayo sa kani-kanilang burol. 11:14 Sinamsam ng mga Israelita ang kanilang mahahalagang kagamitan at mga bakahan. Ngunit pinatay nila ang mga tao roon at walang itinirang buhay. 11:15 Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises, at ibinigay naman ni Moises kay Josue. Tinupad ni Josue ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Moises. ( Sinakop ni Josue ang Buong Lupain ) 11:16 Sinakop nga ni Josue ang buong lupaing iyon: ang kaburulan, ang sakop ng Negeb, ang buong saklaw ng Gosen, ang kapatagan, ang Lambak ng Jordan, ang mga bulubundukin, at kapatagan ng Israel. 11:17 Buhat sa Bundok Halac paahon sa Seir hanggang sa Baal-gad sa Lambak ng Libano, sa may paanan ng Bundok Hermon, ay nasakop na lahat ni Josue at pinatay ang kanilang mga hari. 11:18 Mahabang panahong binaka niya ang mga bansang ito. 11:19 Walang nakipagkasundo sa Israel kundi ang mga Heveo na naninirahan sa Gabaon. 11:20 Ipinahintulot ni Yahweh na mahigpit silang makipaglaban sa mga Israelita, nang sa gayon ay mapuksa silang lahat at matupok ang kanilang mga lunsod, ayon sa sinabi ni Yahweh kay Moises. 11:21 Nang panahon ding iyon, sinalakay ni Josue ang lahi ng mga higante na tinatawag na mga Anaceo sa kaburulan---sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa lahat ng kaburulan ng Juda at Israel. Sila'y nilipol niya, 11:22 anupat walang natirang Anaceo sa lupain ng Israel. Sa Gaza, sa Gat at sa Asdod lamang may natirang ilan. 11:23 Sinakop nga ni Josue ang buong lupaing iyon, tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises, at ipinamahagi sa bawat lipi ng Israel, upang paghati-hatian ng lahat ng bumubuo ng bawat lipi. Sa wakas naghari ang kapayapaan sa lupaing iyon. 12:1 ( Ang mga Haring Nalupig ni Moises ) Nasakop ng mga Israelita ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan, buhat sa batis ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon at nalupig nila ang mga hari roon. 12:2 Ang una'y ang hari ng Amorreo, si Sehon, na naninirahan sa Hesbon. Sakop niya buhat sa bayan ng Aroer sa pampang ng Arnon, pati ang kalahati ng lambak nito, hanggang sa Batis ng Jabok sa may hangganan ng mga Ammonita. Samakatwid, sakop niya ang kalahati ng Galaad, 12:3 gayon din ang Araba sa gawing silangan ng Jordan, buhat sa gilid ng Lawa ng Galilea patungo sa Bet-jesimot sa pasilangan, hanggang sa Dagat na Patay tuloy sa paanan ng Bundok ng Pisga papuntang timog. 12:4 Nalupig din niya si Haring Og ng Basan, isa sa ilang natira sa lahi ng mga higante.{ a} Naninirahan ang haring ito sa Astarot at sa Edrei. 12:5 Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Salca, ang buong Basan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Galaad, karatig ng lupain ni Sehon na hari ng Hesbon. 12:6 Ang dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases. ( Ang mga Haring Nilupig ni Josue ) 12:7 Sa pamumuno ni Josue, nalupig ng mga Israelita ang mga hari sa kanluran ng Ilog Jordan: buhat sa Baal-gad, sa kapatagan ng Libano hanggang sa Halac, sa pag-ahon ng Bundok Seir. Ang kanilang mga lupai'y pinaghati-hati ni Josue sa mga lipi ng Israel upang maging pag-aari ng mga ito habang panahon. 12:8 Saklaw ng mga lupaing iyon ang kaburulan, ang mga kapatagan, ang Araba, ang paanan ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb. Doon naninirahan ang mga Heteo, Amorreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo. 12:9 Ito ang talaan ng mga haring nalupig ng Israel sa pamumuno ni Josue: ang mga hari ng Jerico at ng Hai; 12:10 ang mga hari ng Jerusalem at Hebron; 12:11 ng Jarmut at ng Laquis; 12:12 ng Eglon at ng Gezer; 12:13 ng Debir at ng Geder; 12:14 ng Horma at ng Arad; 12:15 ng Libna at ng Adullam; 12:16 ng Maceda at ng Betel; 12:17 ng Tapua at ng Hefer; 12:18 ng Afec at ng Lasaron; 12:19 ng Madon at ng Hazor; 12:20 ng Simron-meron at ng Acsaf; 12:21 ng Taanac at ng Meguido; 12:22 ng Cades at ng Jocneam sa Carmelo; 12:23 ng Dor sa kaburulan ng Dor, ang hari ng mga Goim sa Gilgal, 12:24 at ang hari ng Tirsa. Tatlumpu't isang hari lahat-lahat. 13:1 ( Ang mga Lupaing Hindi pa Nasasakop ) "Matanda na noon si Josue. Sinabi sa kanya ni Yahweh: 'Matanda ka na at malaki pang bahagi ng lupaing ito ang hindi pa ninyo nasasakop." 13:2 Ito ang mga natitira: ang lupain ng mga Filisteo at ang lupain ng mga Gesureo; 13:3 (buhat sa batis ng Sihor sa tabing silangan ng Egipto hanggang sa Ecron ay itinuturing na lupain din ng mga Cananeo bagaman ito'y sakop ng mga haring Filisteo na nakatira sa Gaza, sa Asdod, sa Ascalon, sa Gat, at sa Ecron) ang lupain ng mga Aveo 13:4 sa dakong timog, at ang lupain ng mga Cananeo, buhat sa Mehara na tinitirahan ng mga Sidonio hanggang sa Afec, sa may hangganan ng mga Amorreo; 13:5 ang lupain ng mga Gibalita at ang buong silangan ng Libano, buhat sa Baal-gad sa paanan ng Bundok ng Hermon hanggang sa pagpasok ng Hamat. 13:6 Kasama rin dito ang lupain ng mga Sidoniong naninirahan sa kaburulan ng Libano hanggang sa Misrefot-mayim. Pagdating ninyo roon, palalayasin kong lahat ang mga naninirahan doon. Hatiin mo na sa mga Israelita ang mga lupaing ito, ayon sa sinabi ko sa iyo. 13:7 "Ipamahagi mo na ngayon ang lupaing ito sa siyam na lipi at sa kalahati ng lipi ni Manases.' ( Mga Lupaing Napabigay sa mga Lipi nina Ruben, Gad at Manases )" 13:8 Ang mga lipi nina Ruben, Gad at ang kalahati ng lipi ni Manases ay binigyan na ni Moises ng kanilang lupain sa gawing silangan ng Jordan. 13:9 Ang saklaw nila'y mula sa Aroer, na nasa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa bayang nasa gitna ng lambak patungo sa hilaga, kasama ang buong kapatagan ng Medeba hanggang Dibon. 13:10 Saklaw rin ang lahat ng lunsod na sakop ni Haring Sehon ng mga Amorreo, na nakatira sa Hesbon, tuloy sa hangganan ng Ammon. 13:11 Sakop pa rin ang Galaad, ang lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo; ang kabundukan ng Hermon at ang buong Basan hanggang Salca. 13:12 Saklaw rin ang kaharian ni Og na hari ng Astarot at Edrei. Ang haring ito ang kaisa-isang natitira sa lahi ng mga higante na nilupig ni Moises at pinalayas sa lupaing iyon. 13:13 Ngunit hindi pinalayas ng mga Israelita ang mga Gesureo at mga Maacateo. Nakikipamayan pa ang mga ito sa Israel hanggang ngayon. 13:14 Ang lipi ni Levi ay hindi binigyan ni Moises ng bahagi sa lupain. Sa halip, ang tatanggapin nila'y ang bahaging kukunin sa mga handog ng bayan kay Yahweh, ayon sa sinabi nito kay Moises. 13:15 Binigyan na ni Moises ng kani-kanilang bahagi sa lupain ang lipi ni Ruben, ayon sa kani-kanilang angkan. 13:16 Sakop nila ang lunsod ng Aroer na nasa pampang ng Arnon, ang bayang nasa gitna ng lambak, at ang buong kapatagan ng Medeba. 13:17 Sakop din nila ang Hesbon at ang lahat ng lunsod sa kapatagan: Dibon, Bamot-baal, Bet-baal-meon, 13:18 Jahaz, Quedemot, Mefaat, 13:19 Kiryataim, at Sibma. Kasama pa rin ang lunsod ng Zaret-sahar na nasa burol sa gitna ng lambak, 13:20 ang lunsod ng Bet-peor, ang mga libis ng Pisga, at ang Bet-jesimot; 13:21 ang lahat ng lunsod sa kapatagan at ang lahat ng bayang saklaw ni Haring Sehon na hari ng Hesbon. Nilupig siya ni Moises gayon din ang mga hari ng Madian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba. Ang mga haring ito ay sakop ni Haring Sehon at naninirahan sa lupaing iyon. 13:22 Kabilang din sa mga pinatay roon ng mga Israelita ang manghuhulang si Balaam na anak ni Beor. 13:23 Ang Ilog Jordan ang hangganan ng lupaing napapunta sa lipi ni Ruben, ayon sa kani-kanilang angkan. Ito ang mga lunsod at mga bayang nauwi sa kanila nang magsapalaran. 13:24 Binigyan na rin ni Moises ng kani-kanilang bahagi sa lupain ang bawat angkan sa lipi ni Gad. 13:25 Nauwi sa kanila ang Jazer, ang buong Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga Ammonita hanggang sa Aroer na katapat ng Rabba. 13:26 Saklaw nila ang mga lupain buhat sa Hesbon hanggang Ramot-mizpa at Betonim; at buhat sa Mahanaim hanggang sa mga tabihan ng Lodebar. 13:27 Sa Lambak ng Jordan ang sakop nila'y ang mga lunsod ng Bet-haram, Bet-nimra, Sucot, Zafon at ang nalalabi sa kaharian ni Sehon na hari ng Hesbon. Saklaw nga nila ang buong lupain sa gawing silangan buhat sa Ilog Jordan, at tuloy sa Lawa ng Galilea sa gawing hilaga. 13:28 Ito ang mga lunsod at bayang nauwi sa mga angkan ng lipi ni Gad. 13:29 Binigyan na rin ni Moises ng bahagi sa lupain ang mga angkan ng kalahati ng lipi ni Manases. 13:30 Saklaw nila ang Mahanaim at ang buong nasasakop ni Haring Og sa lupain ng Basan. Kasama rin ng lupain nila ang animnapung bayan ng Basan na sakop ng Jair. 13:31 Saklaw pa rin nila ang kalahati ng Galaad at ang mga lunsod ng Astarot at Edrei sa kaharian ni Og sa Basan. Ito ang mga lupaing napapunta sa mga angkang bumubuo ng kalahati ng angkan ni Maquir na anak ni Manases. 13:32 Ganito ipinamahagi ni Moises ang mga lupain sa silangan ng Jerico at ng Ilog Jordan. Naganap ito sa kapatagan ng Moab. 13:33 Ngunit hindi niya binigyan ng lupain ang lipi ni Levi sapagkat ang bahagi nila ay si Yahweh, ang Diyos ng Israel. 14:1 ( Paghahati ng Canaan ) Ang saserdoteng si Eleazar at si Josue, katulong ang mga pinuno ng angkan ng bawat lipi, ang naghati ng lupang Canaan sa mga Israelita. 14:2 Ang paghahati'y dinaan sa sapalaran, ayon sa utos ni Yahweh kay Moises. Siyam at kalahating lipi lamang ang binigyan nila ng kani-kanilang bahagi sa lupain. 14:3 Ang dalawang lipi at kalahati'y nabigyan na ni Moises ng kanilang bahagi sa silangan ng Jordan. Hindi rin kabilang sa siyam na lipi at kalahati ang mga Levita. 14:4 Hindi sila binigyan ng lupain. Sa halip, binigyan sila ng mga lunsod na matitirahan at mga kaparangan sa paligid para sa kanilang mga bakahan at mga kawan. Sa kabilang dako, ang mga inanak ni Jose ay pinagdalawang lipi: ang lipi ni Manases at ang lipi ni Efraim. 14:5 Pinaghati-hatian nga ng mga Israelita ang lupaing iyon ayon sa utos ni Yahweh kay Moises. ( Ibinigay kay Caleb ang Hebron ) 14:6 "Lumapit noon kay Josue sa Gilgal ang ilan sa lipi ni Juda. Sinabi sa kanya ni Caleb na anak ni Jefone, ang Cenizeo: 'Natatandaan mo pa ba ang sinabi ni Yahweh kay Moises tungkol sa ating dalawa nang tayo'y nasa Cades-barnea 14:7 Apatnapung taon pa lamang ako noon. Sinugo niya tayo buhat sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupaing ito, at iniulat ko ang buong katotohanan. 14:8 Samantalang ang bayan ay tinakot ng ibang kasama natin, nanatili akong tapat kay Yahweh na ating Diyos. 14:9 Kaya't ipinangako sa akin noon ni Moises na dahil sa aking katapatan, magiging bahagi ko at ng aking mga anak ang lupaing masayaran ng aking mga paa. 14:10 Apatnapu't limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises. Noo'y naglalakbay pa sa ilang ang bayang Israel. Walumpu't limang taon na ako ngayon 14:11 ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako'y suguin ni Moises upang tiktikan ang lupaing ito. Kaya ko pa ang makidigma at magparoo't parito. 14:12 "Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulan na ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante{ a} ang nakatira doon at matitibay ang muog ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng pangako niya.' " 14:13 Binasbasan nga ni Josue si Caleb at ibinigay sa kanya ang Hebron. 14:14 Ang lupain ng Hebron ay nananatili hanggang ngayon sa angkan ni Caleb na anak ni Jefone, sapagkat naglingkod siya nang tapat kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 14:15 Noong una'y Kiryat-arba ang pangalan ng Hebron, bilang alaala kay Arba, ang pinakadakila sa mga Anaceo. At natapos ang digmaan sa lupaing iyon. 15:1 ( Ang Lupang Kaparti ng Lipi ni Juda ) Kanugnog ng Edom sa gawing timog at hanggang sa ilang ng Zin sa kaduluhan ang lupaing napapunta sa lipi ni Juda. Ito ang pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. 15:2 Nagmula ang hangganan ng lupaing ito sa timog ng Dagat na Patay,{ a} 15:3 nagtuloy sa Landas ng Acrabim, at lumampas na patungo sa ilang ng Zin. Buhat doo'y umahon sa Cades-barnea, nagdaan ng Hezron, nagtuloy sa Adar at lumikong patungo sa Carca. 15:4 Matapos tahakin ang Asmona, tinunton ang batis ng Egipto at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog. 15:5 Sa gawing silangan ang hangganan ng lupaing ito'y ang Dagat na Patay hanggang sa bunganga ng Jordan. Dito naman nagsimula ang hangganang hilaga. 15:6 Umahon ito sa balikat ng Bet-holga, dumaan sa hilaga ng Bet-araba at nagtuloy sa Bato ni Bohan, na anak ni Ruben. 15:7 Buhat sa Lambak ng Kapighatian{ b} umahon sa Debir at nagtuloy sa hilaga. Lumiko patungong Gilgal na nasa tapat ng Pag-ahon sa Adumim sa timog ng lambak. Bumagtas ng tubig ng En-semes at nagtuloy sa Batis ng En-rogel. 15:8 Buhat dito'y paahong tinahak ang Lambak ng Ben Hinom na nasa timog ng Bundok Jebuseo, na kinatatayuan ng Jerusalem. Umahon uli patungo sa taluktok ng bundok na nasa tapat na kanluran ng Lambak ng Ben Hinom at sa dulong hilaga ng Lambak ng Refaim. 15:9 Buhat sa taluktok ng bundok ay lumikong patungo sa Batis ng Neftoa, at lumabas sa mga lunsod sa Bundok ng Efron, at bumaling na papuntang Baala o Kiryat-jearim. 15:10 Umikot sa kanluran ng Baala patungo sa Bundok ng Seir, nagdaan sa libis na hilaga ng Bundok Jearim, o Kesalon, lumusong na patungong Bet-semes, at nagtuloy sa Timna. 15:11 Buhat naman dito, umahon sa libis ng Bundok sa hilaga ng Ecron at bumaling na papuntang Sicron. Tinahak ang Bundok ng Baala, lumabas sa Jabneel, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. 15:12 Ang hangganan naman sa kanluran ay ang Dagat Mediteraneo. Ito ang mga hangganan ng lupaing napapunta sa lipi ni Juda na pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. ( Sinakop ni Caleb ang Hebron at Debir ) 15:13 Gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue, isang bahagi ng lupaing kaparte ng lipi ni Juda ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefone. Ibinigay sa kanya ang lunsod ng Arba{ c} na noong una'y tinatawag na Hebron. 15:14 Pinalayas ni Caleb sa lupaing iyon ang tatlong anak na lalaki ni Anac: sina Sesai, Ahiman at Talmai. 15:15 Pagkatapos, nilusob niya ang Debir, na noong una'y tinatawag na Lunsod ng Sefer. 15:16 "At sinabi ni Caleb: 'Ipakakasal ko ang anak kong si Acsa sa sinumang makalulupig at makasasakop sa Sefer.'" 15:17 Si Otniel na anak ni Kenaz na kapatid ni Caleb ang nakagawa niyon, kaya't si Acsa'y ipinakasal ni Caleb kay Otniel. 15:18 "Nang makasal na ang dalawa, sinabi ni Otniel sa asawa na humingi ng isang bukirin kay Caleb na kanyang ama. Pumunta nga si Acsa kay Caleb, at pagkaibis sa asnong sinasakyan, tinanong siya ni Caleb: 'Anong kailangan mo ' " 15:19 "Sumagot si Acsa: 'Bigyan mo po ako ng makukunan ng tubig, sapagkat lupang tigang ang ibinigay mo sa akin.' Kaya't ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga batis sa itaas at ibaba. ( Ang mga Lunsod ng Juda )" 15:20 Ito ang mga lupaing napapunta sa lipi ni Juda, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. 15:21 Ang mga lunsod na nasa kadulu-duluhang timog, sa may hangganan ng Edom: Cabzeel, Eder at Jagur; 15:22 Cina, Dimona at Adada; 15:23 Cades, Hazor at Itnan; 15:24 Zif, Telem at Bealot; 15:25 Hazor-hadata, Kiryot-hesron (o Hazor); 15:26 Amam, Sema at Molada; 15:27 Hazar-gada, Hesmon at Bet-pelet; 15:28 Hazar-sual, Beer-seba at Bezjo-teya; 15:29 Baala, Iyim at Ezem; 15:30 Eltolad, Cesil at Horma; 15:31 Siclag, Madmana at Sansana; 15:32 Lebaot, Silhim, Ayin at Rimon; dalawampu't siyam na lahat, kasama ang mga nayon sa palibot. 15:33 Ang mga lunsod sa kapatagan ay ang sumusunod: Estaol, Zora at Asena; 15:34 Zanoa, En-ganim, Tapua at Enam; 15:35 Jarmut, Adullam, Soco at Azeca; 15:36 Saaraim, Aditaim, Gedera at Gederotaim. Lahat-lahat, labing-apat na lunsod at ang mga nayong nasa paligid. 15:37 Kasama pa rin ang mga sumusunod: Zenan, Hadasa at Migdal-gad; 15:38 Dilan, Mizpa at Jocteel; 15:39 Laquis, Bozcat at Eglon; 15:40 Cabon, Lahman at Kitlis; 15:41 Gederot, Bet-dagon, Naama at Maceda; labing-anim na lunsod, kasama ang mga nayon na nasa paligid. 15:42 Kabilang pa rin ang Libna, Eter at Asan; 15:43 Jefte, Asena at Nezib; 15:44 Ceila, Aczib at Maresa---siyam na lunsod at ang kanilang mga nayon. 15:45 Gayon din ang lunsod ng Ecron at ang mga bayan at nayon sa paligid; 15:46 ang lahat ng mga lunsod sa malapit sa Asdod buhat sa Ecron hanggang sa dagat. 15:47 Kasama rin ang mga lunsod ng Asdod at Gaza, at ang mga bayan at nayong sakop nila, hanggang sa batis ng Egipto at baybayin ng Dagat Mediteraneo. 15:48 Sa kaburulan naman ay ang mga lunsod ng Samir, Jatir, Soco; 15:49 Dana, Kiryat-sana o Debir, 15:50 Anab, Estemoa at Anim; 15:51 Gosen, Holon at Gilo---labing-isang lunsod, kasama pati ang kanilang mga nayon. 15:52 Gayon din ang Arab, Duma at Esan, 15:53 Ianum, Bet-tapua at Afeca; 15:54 Humata, Kiryat-arba o Hebron at Sior---siyam na lunsod kasama ang mga nayon sa paligid. 15:55 Kabilang pa rin ang Maon, Carmelo, Zif at Juta; 15:56 Jezreel, Jocdeam at Zanoa, 15:57 Cain, Gabaa at Timna---sampung lunsod at ang mga bayan sa paligid. 15:58 Halhul, Bet-sur at Gedor, 15:59 Meara, Bet-anot at Eltecon---anim na lunsod, kasama ang kanilang mga nayon. 15:60 Kasama rin ang Kiryat-baal o Kiryat-jearim, at ang Rabba---dalawang lunsod kasama ang kanilang mga nayon. 15:61 Sa ilang naman, ang Bet-araba, Midin at Secaca; 15:62 Nibsan, ang Lunsod ng Asin at En-gadi---anim na lunsod, kasama pati ang mga nayon sa paligid nila. 15:63 Ngunit hindi napalayas ng lipi ni Juda ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem. Nakatira pa sila hanggang ngayon sa Jerusalem kasama ng lipi ni Juda. 16:1 ( Ang Lupaing Nauwi kina Efraim at Manases ) Ang lupaing nauwi sa angkan ni Jose ay nagsisimula sa Jordan sa tapat ng Jerico---sa silangan ng batisan ng Jerico; umulos na papunta sa ilang, at umahon sa kaburulan hanggang sa Betel; 16:2 buhat sa Betel ay nagtuloy sa Luz at namaybay sa Atarot na lupain ng mga Arquita; 16:3 lumusong na pakanluran sa lupain ng mga Jaflatitas, nagdaan sa hangganan ng Timog Bet-horon, tumuloy ng Gezer, at nagwakas sa Dagat Mediteraneo. 16:4 Ito ang lupaing nauwi sa angkan ni Jose---sa mga lipi ni Efraim at Manases. 16:5 Ang hangganang silangan ng lupaing napunta sa lipi ni Efraim ay ang Atarot-adar, hanggang sa Hilagang Bet-horon. 16:6 Buhat doon ay namaybay sa timog ng Micmetat, at nagtungo sa Dagat Mediteraneo. Sa gawing silanga'y lumikong patungo sa Taanat-silo, at buhat doo'y nagtuloy sa Janoa. 16:7 Lumampas ng Janoa at bumaba sa Atarot at Naara, nagdaan sa tabi ng Jerico at nagtapos sa Jordan. 16:8 Pumakanluran buhat sa Tapua, namaybay ng batis ng Cana, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang lupaing nauwi sa lipi ni Efraim, 16:9 bukod sa mga bayan at nayong ibinigay sa kanila sa nalolooban ng lupain ng lipi ni Manases. 16:10 Hindi na nila pinalayas ang mga Cananeong nakatira sa Gezer, kaya may mga Cananeong nakikipamayan sa Efraim hanggang ngayon. Subalit napilitan ang mga itong maglingkod bilang mga alipin. 17:1 Isang bahagi ng lupain ang ibinigay sa lipi ni Manases, sapagkat siya'y panganay ni Jose. Ibinigay ang Galaad at Basan kay Maquir na ama ni Galaad,{ a} anak na panganay ni Manases, sapagkat siya'y isang mandirigma. 17:2 Binigyan din ng kani-kanilang bahagi sa lupain ang mga angkan nina Abiezer, Helec, Asriel, Siquem, Hefer at Semida. Sila ang mga anak na lalaki ni Manases, at puno ng kani-kanilang angkan. 17:3 Ngunit si Zelofehad na anak ni Hefer, at apo ni Galaad na anak naman ni Maquir at apo ni Manases, ay walang anak na lalaki. Panay babae ang anak niya, at ang pangalan nila'y Mahla, Noa, Hogla, Milca at Tirsa. 17:4 "Lumapit sila kay Eleazar na saserdote, kay Josue, at sa mga pinuno ng bayan at sinabi: 'Iniutos ni Yahweh kay Moises na bigyan din kami ng lupain, gaya ng ginawa niya sa iba naming kapatid.' Kaya't binigyan sila ng bahagi tulad ng kanilang mga amain." 17:5 Ito ang dahilan kung bakit ang lipi ni Manases ay tumanggap pa ng sampung parte, bukod sa Galaad at Basan sa kabila ng Jordan. 17:6 Binigyan din ng kanilang kaparti ang mga anak na babae. Ang Galaad ay nauwi sa ibang mga anak na lalaki ni Manases. 17:7 Ang lupain ng lipi ni Manases ay mula sa Aser{ b} hanggang sa Micmetat na nasa tapat ng Siquem. Buhat doon, nagtuloy ang hangganan sa En-tapua. 17:8 Talagang bahagi ng Manases ang lupain ng Tapua, ngunit ang bayan ng Tapua na nasa gilid ng hangganan ng Manases ay kabilang sa mga bayang napapunta sa lipi ni Efraim. 17:9 Ang hanggana'y nagtuloy sa Ilog ng Cana, namaybay rito, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Bahagi ng Efraim ang mga lunsod na nasa timog ng batis, bagaman malapit sa mga lunsod ng Manases. 17:10 Anupat ang lupain ng Efraim ay nasa timog ng batis at ang lupain ng Manases ay nasa hilaga. Ang Dagat Mediteraneo ang hangganan nila sa kanluran. Kahangga ng lipi ni Manases ang Aser sa dulong hilaga, at ang Isacar sa dakong silangan. 17:11 Sa loob ng lupain ng Isacar at Aser ay may mga lunsod pa ring napunta sa lipi ni Manases: ang mga lunsod ng Bet-sean at Ibleam, pati ang mga nayon sa paligid, gayon din ang mga naninirahan sa Dor, Endor, Taanac at Mequido, at sa kanilang mga nayon sa paligid. 17:12 Ngunit hindi lubusang nalupig ng mga taga- Manases ang mga naninirahan sa mga nasabing lunsod, kaya't nanatili roon ang mga Cananeo. 17:13 Kahit noong maging mas makapangyarihan ang mga Israelita, hindi na nila pinalayas ang mga Cananeo. Inalipin na lamang nila ang mga ito. 17:14 "Lumapit kay Josue ang mga lipi ni Jose at kanilang sinabi: 'Bakit iisang bahagi ang ibinigay mo sa amin, gayong napakarami namin sapagkat pinagpala kami ni Yahweh ' " 17:15 "Sumagot si Josue: 'Kung hindi sapat sa inyo ang kaburulan ng Efraim, magbukas kayo ng inyong matitirahan sa kagubatan sa lupain ng mga Perezeo at mga Refaita.' " 17:16 "Tumutol pa ang mga lipi ni Jose: 'Hindi pa rin sapat sa amin ang kaburulan. Hindi naman namin kaya ang mga Cananeo sa kapatagan sapagkat sila'y may mga karwaheng bakal; gayon din ang mga Cananeo sa Bet-sean, sa mga nayon sa paligid, at sa Lambak ng Jezreel.' " 17:17 "Sumagot uli si Josue: 'Kayo'y napakarami at makapangyarihan. Hindi iisa ang kaparti ninyo." 17:18 "Mapapasainyo ang kaburulan. Bagamat kagubatan pa ngayon, mahahawan ninyo at matitirhan ang buong kalawakan niyon. Mapalalayas ninyo ang mga Cananeo kahit na sila makapangyarihan at may mga karwaheng bakal.'" 18:1 ( Ang Paghahati sa Lupain ) Matapos nilang sakupin ang lupaing iyon, ang buong Israel ay nagtipon sa Silo, at nagtayo roon ng tabernakulo. 18:2 Pitong lipi ni Israel ang hindi pa tumatanggap ng kanilang kaparti sa lupain. 18:3 "Kaya sinabi sa kanila ni Josue: 'Kailan pa ninyo sasakupin ang lupaing ibinigay ni Yahweh sa inyong mga ninuno 18:4 Pumili kayo ng tatlong lalaki sa bawat lipi. Papupuntahin ko sila sa mga lupaing iyon upang pag-aralan kung paano papartihin sa mga lipi. Pagbabalik nila, 18:5 hahatiin sa pito ang buong lupain. Ngunit hindi magagalaw ang bahagi ni Juda sa timog ni ang bahagi ni Jose sa hilaga. 18:6 Gagawa kayo ng plano at ilalagay roon ang kani-kanilang hangganan. Ibibigay sa akin ang plano at gagawin ko ang sapalaran ayon sa utos ni Yahweh. 18:7 "Hindi tatanggap ng bahagi ang mga Levita sapagkat ang bahagi nila'y ang paglilingkod kay Yahweh bilang mga saserdote. Ang mga lipi naman nina Gad at Ruben, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay matatag na sa lupaing ibinigay sa kanila ni Moises sa ibayo ng Jordan.' " 18:8 "Nang humarap sa kanya ang mga napili, sinabi sa kanila ni Josue: 'Lumakad na kayo at tingnan ninyo ang lupain. Gumawa kayo ng ulat at ibigay sa akin sa inyong pagbabalik. Ako ang gagawa ng sapalaran dito sa Silo para sa inyo, ayon sa utos ni Yahweh.'" 18:9 Sinuri nga nila ang buong lupain, at hinati sa pito. Itinala nila ang mga lunsod at bayang saklaw ng bawat bahagi. Pagkatapos, bumalik sila kay Josue sa Silo. 18:10 Ginawa nga ni Josue ang sapalaran ayon sa utos ni Yahweh, at sa pamamagitan nito'y binigyan niya ang bawat lipi ng kani-kanilang kaparti sa lupain. ( Ang Lupang Nauwi sa Lipi ni Benjamin ) 18:11 Nasa pagitan ng lupain ng lipi ni Juda at ni Jose ang lupaing nauwi sa lipi ni Benjamin. 18:12 Sa hilaga, ang hangganan nito'y nagsimula sa Ilog Jordan; umahon sa hilaga ng Jerico, napakanluran sa kaburulan, at nagtapos sa ilang ng Bet-aven. 18:13 Buhat dito'y nagtungo sa gulod, sa gawing timog ng Luz na ngayo'y tinatawag na Betel. Nagtuloy sa Atarot-adar, na nasa kabundukan sa timog ng Bet-horong ibaba. 18:14 Buhat naman sa kanluran ng bundok na nasa timog ng Bet-horon ay lumiko papuntang timog, at nagtapos sa Kiryat-baal, na ngayo'y Kiryat-jearim, isang lunsod ng lipi ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran. 18:15 Sa timog, ang hangganan ng lupaing ito'y nagsimula sa gilid ng Kiryat-jearim at nagtapos sa batisan ng Neftoa. 18:16 Lumusong na patungo sa paanan ng bundok na nasa silangan ng Lambak ng Hinom at hilaga ng Lambak ng Refaim, tinahak ang Lambak ng Hinom na nasa timog ng Bundok ng Jebuseo, at nagtuloy sa En-rogel. 18:17 Buhat dito'y lumusong na pahilaga patungo sa En-semes. Nagtuloy ng Gelilot na nasa tapat ng tawiran ng Adumim, at lumusong sa Bato ni Bohan na anak ni Ruben. 18:18 Dumaan sa hilagang gulod ng Bundok ng Bet-araba, at lumusong sa Araba. 18:19 Dumaan sa hilaga ng Bundok ng Bet-hogla at nagtapos sa pinagtagpuan ng Dagat na Patay at ng Ilog Jordan. Ito ang hangganan sa timog. 18:20 Ang Ilog Jordan naman ang hangganan sa gawing silangan. Ito ang mga hangganan ng lupaing napabigay sa lipi ni Benjamin. 18:21 Ito ang talaan ng mga lunsod na nauwi sa lipi ni Benjamin: Jerico, Bet-hogla at Emec-casis; 18:22 Bet-araba, Zemaraim at Betel; 18:23 Avim, Para at Ofra; 18:24 Kefar-haammoni, Ofni at Geba. Labindalawang lunsod kasama ang kanilang mga saklaw na bayan. 18:25 Gabaon, Rama at Beerot; 18:26 Mizpa, Cefira at Moza; 18:27 Requem, Irpeel at Tarala. 18:28 Zela, Elef at Jebus (ito ang naging Jerusalem), Gibeat, at Kiryat-jearim---labing-apat na lunsod kasama ang kanilang mga saklaw na bayan. Ito ang bahagi ni Benjamin ayon sa kani-kanilang mga angkan. 19:1 ( Ang Bahagi ng Lipi ni Simeon ) Pangalawang lumabas sa sapalaran ang bahagi ng lipi ni Simeon. Nasa gitna ng lupain ng Juda ang lupaing napabigay sa kanila. 19:2 Saklaw nito ang Beer-seba, Seba at Molada; 19:3 Hazar-sual, Bala at Ezem; 19:4 Eltolad, Betul at Horma; 19:5 Siclag, Bet-marcabot at Hazar-susa; 19:6 Bet-lebaot at Saruhen---labintatlong lunsod at bayan ang sakop nila. 19:7 Kasama rin ang apat na lunsod ng Ayin, Rimon, Eter at Asan at ang mga bayang sakop nito. 19:8 Saklaw pa rin ang mga bayan sa paligid hanggang Baalat-beer o Rama ng Negeb. Iyan ang lupaing napunta sa lipi ni Simeon bilang bahagi nila. 19:9 Kapiraso lamang ito ng lupain ni Juda, sapagkat ang lipi ni Juda ay tumanggap nang higit sa kanilang kinakailangan. Ito ang dahilan kung bakit ang bahagi ng lipi ni Simeon ay nasa gitna ng lupain ni Juda. ( Ang Bahagi ng Lipi ni Zabulon ) 19:10 Pangatlong lumabas sa sapalaran ang bahagi ng lipi ni Zabulon. Ang lupaing napunta sa kanila ay abot sa Sarid.{ a} 19:11 Buhat dito ang kanyang hanggana'y umahong pakanluran patungo sa Marala, nagtuloy sa Dabeset, at sa batisang nasa silangan ng Jocneam. 19:12 Buhat din sa Sarid, ang hanggana'y pumasilangan hanggang sa Kislot-tabor, lumabas na patungong Deberat, at umahon sa Jafia. 19:13 Buhat doon, nagpatuloy sa Gat-hefer, nagdaan ng Itcazin, lumabas sa Rimon, at lumikong patungo sa Nea. 19:14 Sa hilaga naman, ang hanggana'y lumikong patungo sa Hanaton, at nagtapos sa Lambak ng Jefte-el. 19:15 Ito ang mga lunsod ng Zabulon: Catat, Nahalal, Simron, Idala, Betlehem---labindalawang lunsod kasama ang mga bayan na kanilang saklaw. 19:16 Ang mga lunsod na ito at ang mga bayang sakop nila ang napapunta sa lipi ni Zabulon. ( Ang Bahagi ng Lipi ni Isacar ) 19:17 Nauwi sa lipi ni Isacar ang pang-apat na bahagi. 19:18 Saklaw nito ang Jezreel, Kesulot at Sunem; 19:19 Hafaraim, Shion at Anaharat; 19:20 Rabit, Cision at Ebez; 19:21 Remet, En-gannim, En-hada at Bet-pazez. 19:22 Abot sa Tabor, sa Sahazima at Bet-semes ang kanyang mga hangganan, at nagtapos sa Ilog Jordan. Labing-anim na lunsod, kasama ang kanilang mga sakop na bayan, ang nasasaklaw ng lupaing ito. 19:23 Ang mga lunsod at bayang ito ang bahaging nauwi sa lipi ni Isacar. ( Ang Bahagi ng Lipi ni Aser ) 19:24 Nauwi naman sa lipi ni Aser ang ika-5 bahagi. 19:25 Saklaw nito ang Helcat, Hali, Beten at Acsaf; 19:26 ang Alamelec, Amad at Misal; abot sa Carmelo at sa Sihor-libnat ang hangganan sa kanluran. 19:27 Sa pasilangan naman, ang hanggana'y nagtungo sa Bet-dagon, at sa pahilaga, nagdaan sa gilid ng Zabulon at sa Lambak ng Jefte-el patungong Bet-emec at Neiel at nagtuloy sa Cabul. 19:28 Saklaw pa rin sa gawing hilaga ang Ebron, Rehob, Hamon, Cana at hanggang sa Dakilang Sidon. 19:29 Pagkatapos, ang hanggana'y lumikong patungo sa Rama, at nagtuloy sa tanggulang lunsod ng Tiro;{ b} lumiko uli na patungong Hosa, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Kasama sa hilagang-silangan ng lupaing iyon ang Mahalab, Aczib, 19:30 Uma, Afec at Rehob---dalawampu't dalawang lunsod, kasama ang mga bayan na kanilang sakop. 19:31 Ang mga lunsod at bayang ito ang naging bahagi ng mga angkang bumubuo ng lipi ni Aser. ( Ang Bahagi ng Lipi ni Neftali ) 19:32 Nauwi naman sa lipi ni Neftali ang ika-6 na bahagi. 19:33 Buhat sa Helef, sa gubat ng mga roble sa Zaananim, ang hangganan nito'y nagtungo sa Adamineceb, lumampas ng Jabneel, nagtuloy sa Lacum at nagtapos sa Jordan. 19:34 Sa pakanluran naman, ang hanggana'y nagtungo sa Aznot-tabor at lumampas na papuntang Hucoca. Anupat kanugnog ng lupaing ito sa timog ang lupain ng Zabulon, sa kanluran ang lupain ng Aser, at sa silangan ang Juda sa kabila ng Jordan.{ c} 19:35 Ito ang mga lunsod ng Neftali na may mga kuta: Sidim, Ser, Hamat, Racat, Cineret, 19:36 Adama, Rama, Hazor, 19:37 Cades, Edrei, En-hazor, 19:38 Jiron, Migdal-el, Horem, Betanat at Bet-semes; labinsiyam na lunsod kasama ang mga bayang sakop nila. 19:39 Ang mga lunsod at bayang ito ang naging bahagi ng lipi ni Neftali. ( Ang Bahagi ng Lipi ni Dan ) 19:40 Napapunta sa lipi ni Dan ang ika-7 bahagi. 19:41 Saklaw nito ang mga sumusunod: Zora, Estaol, Ir-semes, 19:42 Saalabin, Ayalon, Itla, 19:43 Elon, Timna, Ecron, 19:44 Elteque, Gibeton, Baalat, 19:45 Jehud, Bene-berac, Gat-rimon, 19:46 Me-jarcon, Racon at ang lupaing nasa tapat ng Joppe. 19:47 May mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, nilupig at pinuksa ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang nuno. 19:48 Ang mga lunsod at bayang ito ang naging bahagi ng lipi ni Dan, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. ( Ang Lupaing Ibinigay kay Josue ) 19:49 Matapos tanggapin ng mga Israelita ang kani-kanilang bahagi ng lupain, binigyan naman nila si Josue na anak ni Nun ng para sa kanya. 19:50 Ayon sa ipinag-utos ni Yahweh, ibinigay nila sa kanya ang lunsod na kanyang hiniling: ang Timnat-sera na nasa lupain ng Efraim. Muli itong itinayo ni Josue at doon siya nanirahan. 19:51 Ginawa ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun ang pagbabahagi ng lupain sa pamamagitan ng sapalaran. Ginawa nila ito sa Silo, sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Katulong ang mga pinuno ng mga angkan. At diyan natapos ang pagbibigay sa bawat lipi ng kani-kanilang bahagi sa lupain. 20:1 ( Mga Lunsod-taguan ) Sinabi ni Yahweh kay Josue: 20:2 '"Sabihin mo sa bayang Israel na pumili sila ng mga lunsod-taguan ayon sa sinabi ko kay Moises." 20:3 Ang makamatay nang di sinasadya o hindi niya nalalaman ay maaaring magtago roon upang makaligtas sa paghihiganti ng namatayan. 20:4 Maaari siyang tumakbo sa isa sa mga lunsod na ito, humarap sa hukuman na nasa pagpasok ng lunsod, at ipaliwanag sa matatanda ang nangyari. Papapasukin siya, at doon muna patitirahin. 20:5 Pag sinundan siya roon ng mga nagnanais maghiganti, hindi siya ibibigay ng mga tagaroon. Siya'y ipagtatanggol nila sapagkat nakamatay siya ng kapwa Israelita nang di sinasadya---hindi dahil sa galit. 20:6 "Mananatili siya roon hanggang sa mahatulan sa harapan ng bayan, at hanggang hindi namamatay ang Punong Saserdote na nanunungkulan nang panahong iyon.' " 20:7 Pinili nga nila ang Cades, sa Galilea, sa kaburulan ng Neftali, ang Siquem sa kaburulan ng Efraim, at ang Kiryat-arba o Hebron sa kaburulan ng Juda. 20:8 Sa ibayo naman ng Jordan, sa kaburulang nasa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer sa lipi ni Ruben; ang Ramot sa Galaad, sa lipi ni Gad; at ang Golan sa Basan, sa lipi ni Manases. 20:9 Ito ang mga lunsod-taguan na itinalaga para sa mga Israelita at para sa sinumang dayuhang nakikipamayan sa kanila. Ang makamatay nang di sinasadya ay maaaring magtago roon hanggang sa siya'y hatulan sa harapan ng buong bayan, upang huwag patayin ng mga kamag-anak ng namatay. 21:1 ( Ang mga Lunsod ng mga Levita ) Ang mga pinuno ng mga angkan sa lipi ni Levi ay lumapit kay Eleazar na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng buong Israel. 21:2 "Nasa Silo pa sila noon, sa lupain ng Canaan. Anila: 'Ipinag-utos sa pamamagitan ni Moises na kami'y bigyan ng mga lunsod na matitirhan at mga kaparangan sa palibot para sa aming mga kawan.'" 21:3 Dahil dito, ang mga anak ni Levi ay binigyan nga ng mga Israelita ng mga lunsod at kaparangan mula sa kani-kanilang bahagi. 21:4 Unang tumanggap ng mga lunsod ang mga sambahayan sa angkan ni Coat. Labintatlong lunsod mula sa mga lipi ni Juda, Simeon at Benjamin ang ibinigay sa mga angkan ng mga saserdote sa lahi ni Aaron. 21:5 Ang ibang mga sambahayan sa angkan ni Coat ay tumanggap ng sampung lunsod mula sa lipi ni Efraim, ni Dan at sa kalahati ng lipi ni Manases. 21:6 Ang mga sambahayan sa angkan ni Gerson ay binigyan ng labintatlong lunsod mula sa mga lipi ni Isacar, ni Aser, ni Neftali at sa kalahati ng lipi ni Manases na nasa Basan. 21:7 Ang mga sambahayan sa angkan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lunsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad at Zabulon. 21:8 Sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa iniutos ni Yahweh, binigyan ng mga Israelita ang mga anak ni Levi ng mga lunsod at kaparangang mapagpapastulan. 21:9 Ito ang mga pangalan{ a} ng mga lunsod na galing sa mga lipi ni Simeon at ni Juda, na ibinigay sa 21:10 mga anak ni Aaron, mula sa angkan ni Coat na anak ni Levi. Sila ang unang nabigyan ayon sa sapalaran. 21:11 Tinanggap nila ang Kiryat-arba (si Arba ang nuno ng mga Anaceo) na ngayo'y tinatawag na Hebron sa kaburulan ng Juda. Kasama nito ang mga pastulan sa palibot. 21:12 Ngunit ang mga bukirin ng bayan at ng mga nayon ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefone, bilang kanyang bahagi sa lupain. 21:13 Ito pa ang mga lunsod na ibinigay sa mga anak ng saserdoteng si Aaron: ang Hebron (isa sa mga lunsod-taguan), at ang mga pastulang sakop nito; ang Libna, kasama rin ang kanyang mga pastulan; 21:14 ang Jatir, Estemoa, 21:15 Holon, Debir, 21:16 Ayin, Juta at Bet-semes, kasama ang kanilang mga pastulan. Siyam na lunsod ang galing sa mga lipi ni Simeon at ni Juda. 21:17 Mula naman sa lipi ni Benjamin, tinanggap nila ang Gabaon, Geba, 21:18 Anatot, at Almon---apat na lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:19 Lahat-lahat, ang mga angkang ito buhat sa lahi ni Aaron ay tumanggap ng labintatlong lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:20 Ang ibang mga Levita sa angkan ni Coat ay tumanggap ng ilang lunsod mula sa lipi ni Efraim. 21:21 Napasakanila ang Siquem, isang lunsod-taguan sa kaburulan ng Efraim, kasama ang kanyang mga pastulan. Ibinigay rin sa kanila ang Gezer, 21:22 Kibzaim at Bet-horon, gayon din ang kanilang mga pastulan. Apat na lunsod ang galing sa lipi ni Efraim. 21:23 Binigyan din sila ng apat na lunsod mula sa lipi ni Dan: Elteque, Gibeton, 21:24 Ayalon, at Gat-rimon, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:25 Dalawa naman ang galing sa kalahating lipi ni Manases sa kanluran ng Jordan: Taanac at Gat-rimon kasama rin ang kanilang mga pastulan. 21:26 Lahat-lahat, sampung lunsod pati ang kanilang mga pastulan, ang napabigay sa mga sambahayan sa angkan ni Coat. 21:27 Ang mga sambahayan sa angkan ni Gerson na anak ni Levi ay tumanggap naman ng dalawang lunsod buhat sa kalahating lipi ni Manases sa silangan ng Jordan. Napabigay sa kanila ang Golan na sakop ng Basan at isang lunsod-taguan, gayon din ang Beestera, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:28 Buhat naman sa lipi ni Isacar, tumanggap sila ng apat na lunsod: Cision at Daberat, 21:29 Jarmut at En-ganim, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:30 Apat ding lunsod ang tinanggap nila sa lipi ni Aser: Misal, Abdon, 21:31 Helcat, at Rehob, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:32 Tatlong lunsod ang tinanggap nila sa lipi ni Neftali: Cades sa Galilea, isang lunsod-taguan, Hamot-dor at Cartan, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:33 Lahat-lahat, labintatlong lunsod ang napabigay sa mga Levitang buhat sa angkan ni Gerson. 21:34 Ang mga lunsod na ito mula sa lipi ni Zabulon ay tinanggap ng mga natirang Levita, mga angkang buhat sa lahi ni Merari: Jocneam, Carta, 21:35 Dimna, at Nahalal---apat na lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:36 Buhat naman sa lipi ni Ruben, tinanggap nila ang Bezer, Jahaz, 21:37 Quedemot, at Mefaat---apat na lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:38 At buhat sa lipi ni Gad, tinanggap nila ang Ramot sa Galaad, isang lunsod-taguan, Mahanaim, 21:39 Hesbon, at Jazer---apat na lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan. 21:40 Labindalawang lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan, ang tinanggap ng mga sambahayan sa angkan ni Merari. 21:41 Lahat-lahat, apatnapu't walong lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan, ang binawas sa lupain ng labing-isang lipi ni Israel at ibinigay sa mga Levita. 21:42 May kanya-kanyang pastulan ang bawat lunsod. ( Ang Pamamayani ng Israel sa Buong Lupain ) 21:43 Ibinigay nga ni Yahweh sa bayang Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Kaya't nang masakop na nila ang buong lupain, doon na sila nanirahan. 21:44 Nagtamasa sila ng kapayapaan, ayon sa ipinangako sa kanila ni Yahweh. Hindi sila nagapi kailanman ng kanilang mga kaaway, sapagkat pinapagtatagumpay sila ni Yahweh laban sa lahat ng kaaway. 21:45 Tinupad ni Yahweh ang lahat ng pangako niya sa kanyang bayang Israel. 22:1 ( Ang Dambana sa Tabi ng Jordan ) Pagkatapos, tinipon ni Josue ang mga mandirigma ng lipi ni Ruben, ni Gad at kalahati ng lipi ni Manases. 22:2 "Sinabi niya: 'Tinupad ninyo ang lahat ng tagubilin sa inyo ni Moises, at sinunod ninyo ang bawat utos ko." 22:3 Hanggang sa panahong ito'y hindi ninyo pinabayaan ang mga kapwa ninyo Israelita. Tinupad ninyong mabuti ang lahat ng ipinag-utos ni Yahweh na inyong Diyos. 22:4 At ngayon, nakamtan na ng inyong mga kapatid ang kapayapaang ipinangako ni Yahweh. Kaya bumalik na kayo sa inyong mga tahanan sa kabila ng Jordan, sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises. 22:5 "Huwag lamang ninyong kalilimutang sundin ang mga tagubilin at kautusang ibinigay niya sa inyo: 'Ibigin ninyo si Yahweh na inyong Diyos. Sundin ninyo ang kanyang kalooban at tuparin ang kanyang mga utos. Maging tapat kayo sa kanya at paglingkuran ninyo siya nang buong puso't kaluluwa.'" 22:6 Binasbasan sila ni Josue, at sila'y umuwi na. 22:7 Ang kalahati ng lipi ni Manases ay binigyan ni Moises ng lupain sa Basan; ang kalahati pa ay sa kanluran ng Jordan, kasama ng pitong lipi. Nang sila'y pauwi na, binasbasan sila ni Josue 22:8 "at sinabi sa kanila: 'Mayayaman kayong babalik sa inyo---maraming bakahan, ginto, pilak, tanso, bakal at mga damit. Bahaginan naman ninyo ng mga nasamsam ninyo sa mga kaaway ang inyong mga kapatid.'" 22:9 Umuwi na nga ang mga mandirigma ng lipi ni Ruben, ni Gad at kalahati ng lipi ni Manases. Iniwan nila sa Canaan ang ibang mga Israelita at bumalik sila sa Galaad, sa lupaing naging bahagi nila ayon sa iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises. 22:10 Pagdating nila ng Jordan na nasa panig ng Canaan, nagtayo sila ng isang mataas at malaking dambana sa tabi ng ilog. 22:11 "Nalaman ito ng ibang mga Israelita at ganito ang kumalat na usap-usapan: 'Alam ninyo, nagtayo ang mga lipi ni Ruben, ni Gad at ng kalahati ng lipi ni Manases ng isang dambana sa hangganan ng Canaan bago tumawid ng Jordan.'" 22:12 Pagkarinig nito'y nagtipun-tipon sila sa Silo at humandang digmain ang nasabing mga lipi. 22:13 Sinugo ng bayang Israel si Finees na anak ng saserdoteng si Eleazar, mula sa lipi ni Ruben, ni Gad at kalahati ng lipi ni Manases sa Galaad. 22:14 May kasama siyang sampung pinuno ng mga angkang buhat sa bawat lipi ni Israel. Bawat isa sa kanila ay pinuno ng mga angkan sa kani-kanilang mga lipi. 22:15 Pagdating sa Galaad, sinabi nila sa mga lipi ni Ruben, ni Gad at kalahati ng lipi ni Manases: 22:16 '"Ito ang ipinasasabi sa inyo ng buong bayan ni Yahweh: 'Bakit ninyo ginawa ang ganitong pagtataksil sa Diyos ng Israel Si Yahweh ang inyong kinalaban nang magtayo kayo ng sariling dambana. Hindi na ninyo siya sinusunod." 22:17 Nalimutan na ba ninyo ang kasalanan natin sa Peor Heto nga't nagtitiis pa tayo sa parusang iginawad ni Yahweh sa atin! Hindi pa ba sapat iyon, 22:18 at ngayo'y nangahas pa kayong talikuran siya Pag sumuway kayo sa kanya sa araw na ito, bukas naman, ang buong Israel ang babagsakan ng kanyang galit. 22:19 Kaya, kung ang inyong lupain ay di angkop sa pagsamba sa kanya, tumawid kayo sa gawi namin, sa kinaroroonan ng kanyang tabernakulo. Doon na kayo manirahan, huwag lamang kayong magtayo ng ibang dambana maliban sa dambana ni Yahweh na ating Diyos, sapagkat iyan ay paghihimagsik laban sa kanya at sa amin. 22:20 "Nakalimutan na ba ninyo si Acan na anak ni Zara Nang sumuway siya sa utos na sunugin ang lahat ng nakuha sa kaaway, kasama niyang naparusahan ang buong Israel! Hindi lamang siya ang namatay dahil sa kanyang kasalanan.'' " 22:21 Sumagot ang mga lipi ni Ruben, ni Gad at kalahati ng lipi ni Manases sa mga pinuno ng mga angkan ng Israel: 22:22 '"Si Yahweh ay Diyos ng mga diyos! Si Yahweh ang Makapangyarihan sa lahat. Siya lamang ang Diyos! Alam niya kung bakit ginawa namin ito, at dapat din ninyong malaman! Kung kami'y sumuway, kung kami'y nagtaksil kay Yahweh, huwag na niya kaming patawarin sa araw na ito." 22:23 Kung nagtayo kami ng sariling dambana upang suwayin si Yahweh, kung nag-alay kami ng handog na susunugin, o handog na mga butil, o handog na pinagsasaluhan, siya na rin ang magparusa sa amin! 22:24 '"Ginawa namin ito sa takot na baka dumating ang araw na sabihin ng inyong mga anak sa aming mga anak: 'Ano ang pakialam ninyo kay Yahweh, sa Diyos ng Israel 22:25 Siya na rin ang nagtalaga na ang Ilog Jordan ay maging hangganang maghahati sa atin. Kayong mga lipi ni Ruben at ni Gad ay walang bahagi kay Yahweh na Diyos ng Israel.' Sa gayon, ang aming mga anak ay maaaring hadlangan ng inyong mga anak sa pagsamba kay Yahweh. 22:26 Ang totoo, itinayo namin ang dambanang ito, hindi upang pagsunugan o pag-alayan ng mga handog. 22:27 Itinayo namin ito upang maging bantayog para sa amin, para sa inyo, at para sa ating mga inanak---upang maging katibayan na talagang sinasamba natin si Yahweh sa pamamagitan ng mga handog na susunugin, mga alay at handog na pinagsasaluhan. Sa gayon, hindi masasabi ng inyong mga anak sa aming mga anak, 'Wala kayong pakialam kay Yahweh.' 22:28 At kung sakaling ito'y mangyari, masasabi ng aming mga anak: 'Hayan! Nagtayo ang aming mga ninuno ng isang dambanang katulad ng dambana ni Yahweh, hindi upang pagsunugan o pag-alayan ng mga handog, kundi upang maging saksi para sa amin at para sa inyo.' 22:29 "Hindi namin inisip kailanmang sumuway kay Yahweh o tumalikod sa kanya. Hindi kami nagtayo ng iba pang dambanang pagsusunugan ng handog, o pag-aalayan ng handog na butil, o handog na pinagsasaluhan, bukod sa dambana ni Yahweh---sa dambanang nasa harap ng kanyang tabernakulo.' " 22:30 Narinig ni Finees at ng mga pinuno ng mga angkan ng Israel na kasama niya, ang sinabi ng mga lipi nina Ruben, Gad at Manases, at nasiyahan sila. 22:31 "Kaya, sinabi sa kanila ni Finees: 'Alam na namin ngayon na sumasaatin si Yahweh sa araw na ito. Hindi kayo nagtaksil kay Yahweh, kaya hindi niya ibabagsak sa Israel ang kanyang parusa.' " 22:32 Iniwan ni Finees at ng mga pinuno ng mga angkan ang mga lipi ni Ruben at ni Gad sa lupain ng Galaad. Nagbalik na sila sa Canaan at iniulat ang lahat ng nangyari sa Israel. 22:33 Natuwa ang mga Israelita at nagpasalamat sa Diyos. Hindi na uli nabanggit ang paglusob at pananalanta sa lupain nina Gad at Ruben. 22:34 "Ang dambanang iyon ay tinawag na 'Saksi' sapagkat sabi ng mga lipi nina Gad at Ruben, 'Saksi ito para sa ating lahat na si Yahweh ay siyang Diyos.'" 23:1 ( Nagsalita si Josue sa mga Tao ) Marami nang taon ang lumipas buhat nang pairalin ni Yahweh sa bayang Israel ang kapayapaan. Hindi na sila ginagambala ng mga kaaway na nasa palibot nila. Matandang-matanda na si Josue, 23:2 "kaya tinipon niya ang buong Israel: ang matatanda, ang mga pinuno ng mga angkan, at ang mga tagapangasiwa sa bayan. Sinabi niya: 'Ako'y matanda na!" 23:3 Nasaksihan ninyo ang ginawa ni Yahweh sa lahat ng bansang ito, dahil sa inyo. Si Yahweh ang nakipaglaban sa inyong mga kaaway. 23:4 Kaya, makinig kayo! Ibinibigay ko sa inyong lahat, bilang bahagi ng inyong mga lipi, ang buong lupaing nasa pagitan ng Ilog Jordan sa gawing silangan, at ng Dagat Mediteraneo sa kanluran: ang lupain ng mga bansang nalupig ko na, gayon din ang mga lupaing hindi pa nasasakop. 23:5 Si Yahweh na inyong Diyos ang siyang magpapalayas sa kanila pagdating ninyo roon. Sila'y palalayasin niya sa kanilang mga lupain upang kayo ang mamayan doon, gaya ng ipinangako sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. 23:6 Magpakatatag kayo. Sundin ninyo at tuparing lahat ang nasusulat sa aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag kayong sumuway kahit bahagya sa kanyang mga iniuutos. 23:7 Huwag kayong makikisalamuha sa mga bansang natitira pa sa gitna ninyo. Huwag kayong mananalangin sa kanilang mga diyus-diyusan; huwag kayong manumpa sa pangalan ng mga ito, at huwag din kayong sasamba o maglilingkod sa kanila. 23:8 Manatili kayong tapat kay Yahweh na inyong Diyos, gaya ng ginagawa ninyo hanggang ngayon. 23:9 Dahil diyan, itinaboy niya pagdating ninyo ang maraming malalaki at malalakas na bansa, at wala pang nakasupil sa inyo isa man. 23:10 Ang isa sa inyo'y nakapagpasuko sa sanlibong kaaway sapagkat si Yahweh ang siyang nakikipaglaban para sa inyo, tulad ng kanyang ipinangako. 23:11 Huwag kayong makalilimot umibig kay Yahweh na inyong Diyos. 23:12 Pag tinalikdan ninyo siya, at nakipagkaibigan kayo sa mga lahing natitira pa sa gitna ninyo, pag nag-asawa kayo o nakisalamuha sa kanila, 23:13 hindi na palalayasin ni Yahweh ang mga lahing ito. Sa halip, sila'y magiging parang bitag para sa inyo, malupit na latigo sa inyong gulugod, tinik na tutusok sa inyong mga mata, hanggang sa kayo ang palayasin sa lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Yahweh. 23:14 '"Malapit na akong mamatay. Nakamtan na ninyo ang lahat ng ipinangako sa inyo ni Yahweh. Tinupad niya ang lahat ng ito at walang nasira kahit isa." 23:15 "Ngunit kapag hindi naman kayo tumupad sa inyong kasunduan, at kayo'y sumamba at naglingkod sa mga diyus-diyusan, parurusahan niya kayo hanggang sa malipol kayong lahat sa masaganang lupaing ito na ibinigay niya sa inyo.'" 23:16 (*papuloy) 24:1 ( Nagsalita si Josue sa mga Tao sa Siquem ) Tinipon ni Josue sa Siquem ang lahat ng lipi. Pagkatapos, tinawag niya ang matatanda, ang mga hukom, ang mga pinuno at mga tagapangasiwa sa Israel, at sila'y humarap kay Yahweh. 24:2 "Sinabi niya: 'Ito ang ipinasasabi sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Noong una, ang inyong mga ninuno ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates. Isa sa mga ito si Tare na ama ni Abraham at ni Nacor. Sumasamba sila sa ibang diyus-diyusan." 24:3 Tinawag ko si Abraham buhat sa lupaing iyon at dinala ko siya at pinatnubayan sa buong kalawakan ng Canaan. Pinagkalooban ko siya ng maraming inanak at inapo. Naging anak niya si Isaac, 24:4 at naging anak naman nito si Esau at si Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kaburulan ng Seir bilang bahagi niya. Ngunit si Jacob at ang kanyang mga anak ay nagpunta sa Egipto. 24:5 Sinugo ko si Moises at si Aaron, at sa tulong ng mga himala'y pinahirapan ko nang katakut-takot ang mga Egipcio. Sa gayong paraan ay hinango ko kayo roon. 24:6 Inilabas ko sa Egipto ang inyong mga ninuno at nakarating sila sa Dagat ng mga Tambo. Hinabol sila ng mga Egipcio at itinaboy papunta sa dagat. 24:7 Ang inyong mga ninuno'y nanalangin sa akin, at pinalatag ko ang dilim sa pagitan nila at ng mga Egipcio. Pinauho ko sa mga ito ang nahating dagat at sila'y natabunan ng tubig. Nasaksihan ninyo ang mga ginawa ko sa mga Egipcio. At matagal kayong nanirahan sa ilang. 24:8 '"'Pagkatapos, dinala ko kayo sa lupain ng mga Amorreo sa silangan ng Jordan. Binaka nila kayo, at pinapagtagumpay ko kayo sa kanila. Pinuksa ko sila at nasakop ninyo ang kanilang lupain." 24:9 Nilabanan kayo ng hari ng Moab, ni Balac na anak ni Zipor at sinugo niya si Balaam na anak ni Beor upang sumpain kayo. 24:10 Ngunit hindi ko dininig si Balaam, sa halip pinagpala niya kayo. Sa gayon, iniligtas ko kayo sa kamay ni Balac. 24:11 Tumawid kayo ng Jordan at sumapit sa Jerico. Nilabanan kayo ng mga taga-Jerico at ng mga Amorreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo, at Jebuseo. At sila'y nalupig ninyo sa tulong ko. 24:12 Ipinasalakay ko sa mga pukyutan ang dalawang haring Amorreo at pinalayas ko sila bago kayo dumating. Walang kinalaman sa pangyayaring iyon ang inyong mga tabak at pana. 24:13 Binigyan ko kayo ng lupaing hindi ninyo binungkal. Pinatira ko kayo sa mga bayang hindi kayo ang nagtayo. Kumakain kayo ngayon ng ubas at olibo na galing sa mga punong hindi kayo ang nagtanim.' 24:14 '"Kaya naman ngayon, sambahin ninyo si Yahweh at paglingkuran ninyo siya nang tapat. Kalimutan na ninyo ang mga diyus-diyusang dating sinasamba ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia at sa Egipto. Si Yahweh lamang ang inyong paglingkuran." 24:15 "At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, sabihin ninyo kung kanino kayo maglilingkod: sa diyus-diyusang sinamba ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o sa mga diyus-diyusan ng mga Amorreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinatahanan. Ngunit ako at ang aking angkan ay kay Yahweh lamang maglilingkod.' " 24:16 "Sumagot ang bayan: 'Wala kaming balak na talikuran si Yahweh at maglingkod sa mga diyus-diyusan." 24:17 Si Yahweh, na ating Diyos ang siyang humango sa atin sa pagkaalipin sa Egipto. Nasaksihan din namin ang mga kababalaghang ginawa niya upang tayo'y maingatan saanman tayo mapadako at mailigtas sa mga kaaway na ating nadaanan. 24:18 "Pagdating natin, pinalayas niya sa lupaing ito ang mga Amorreo, ang lahing nakatira dito. Kaya't kami rin ay kay Yahweh maglilingkod. Siya ang ating Diyos.' " 24:19 "Muling nangusap si Josue sa bayan: 'Hindi kayo makapaglilingkod kay Yahweh sapagkat siya'y isang Diyos na banal at ayaw ng nahahating paglilingkod. Hindi niya ipahihintulot ang inyong mga pagsuway at pagkakasala." 24:20 "Kapag tinalikuran ninyo siya at naglingkod kayo sa mga diyus-diyusan, mapopoot siya sa inyo at parurusahan niya kayo. Hindi niya panghihinayangang lipulin kayo sa kabila ng maraming pagpapalang ginawa na niya sa inyo.' " 24:21 "Sumagot ang mga tao: 'Hindi po bale! Basta kay Yahweh kami maglilingkod.' " 24:22 "Sinabi ni Josue: 'Kayo na rin ang mga saksi na kayo ang nagpasyang maglingkod kay Yahweh.' Sumagot naman sila: 'Opo! Saksi kami.' " 24:23 "Sinabi uli ni Josue: 'Kung gayon, itapon ninyo ang mga diyus-diyusang iniingatan pa ninyo. Manumpa kayo kay Yahweh, sa Diyos ng Israel.' " 24:24 "Sumagot uli ang mga tao: 'Si Yahweh ang aming Diyos. Siya ang aming paglilingkuran! Susundin namin ang kanyang mga utos.'" 24:25 Gumawa si Josue ng kasunduan para tuparin ng mga tao; doon sa Siquem, kanyang binigyan sila ng mga batas at alituntunin. 24:26 Isinulat ni Josue ang mga batas na ito sa Aklat ng Kautusan ng Diyos. Kumuha siya ng isang malaking bato, itinayo sa lilim ng puno ng roble sa Banal na Lugar{ a} ni Yahweh. 24:27 "At sinabi niya sa lahat: 'Tingnan ninyo ang batong ito. Ito ang ating saksi. Narinig nito ang lahat ng sinabi sa atin ni Yahweh. Ito rin ang magiging saksi laban sa inyo, kapag kayo'y tumalikod sa Diyos.'" 24:28 Pagkatapos, pinaalis na ni Josue ang mga tao, at umuwi sila sa kani-kanilang lupain. ( Ang Pagkamatay ni Josue at ni Eleazar ) 24:29 Hindi nagtagal at namatay si Josue na anak ni Nun at lingkod ni Yahweh, sa gulang na 110 taon. 24:30 Inilibing siya sa kanyang sariling lupain sa Timnat-sera, sa kaburulan ng Efraim, hilaga ng Bundok ng Gaas. 24:31 Nanatiling tapat kay Yahweh ang bayang Israel habang nabubuhay si Josue. Kahit wala na siya, nanatili silang tapat kay Yahweh habang nabubuhay ang mga pinunong nakatatalastas ng mga kababalaghang ginawa ni Yahweh para sa Israel. 24:32 Dinala ng bayang Israel ang mga buto ni Jose nang sila'y umalis sa Egipto. Ibinaon nila ito sa Siquem, sa lupaing binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor, na ama ni Siquem, sa halagang 100 pirasong pilak. Ang lupaing ito ay kasama sa naging bahagi ng mga anak ni Jose. 24:33 Namatay din si Eleazar na anak ni Aaron at inilibing sa Gibea, bayang ibinigay sa anak niyang si Finees sa kaburulan ng Efraim. |