|
영생의 길 (요 5:24)
Ang daan ng buhay na walang hanggan (Juan 5:24)
Batiin natin ang isa't isa. Mahal ka ng Diyos. Iniibig ka ng Diyos.
Manalangin tayo. Diyos naming Ama, Salamat sa pagsama sa amin sa araw na ito.
Salamat sa pagtanggap ng aming pagsamba at pagpupugay.
Salamat sa pagbuhay sa aming Masayahing simbahan bilang simbahan ng ebanghelyo.
Sa oras na ito, nais naming malaman kung ano ang daan ng buhay na walang hanggan.
Biyan niyo po ng grasya ang sermon na ito.
Pinapanalangin namin sa ngalan ni Hesus, Amen
Ito ay kwento tungkol kay Mr. K. Edad na nasa kuwarenta, si Mr. K ay pinanganak
sa isang mayamang pamilya at nakapagtapos sa isang primyadong-klaseng unibersidad.
Nagkaroon siya ng maunlad na negosyo.
Nagkaroon siya ng maganda at mapagbigay na asawa, at dalawang anak.
Nakasakay siya sa isang Granger at bumili ng Sonata para sa asawa niya.
Nabubuhay siya sa estadong maaaring kainggitan ng lahat.
Subalit, isang araw, may isang tawag na natanggap sa kanyang bahay.
Sinabi sa tawag na si Mr. K ay nakaratay sa ICU ng ospital.
Nagulat ang asawa, ngunit bumisita siya sa ospital ng may pangamba.
Sumakay si Mr. K sa isang motorsiklo ilang araw ang nakararaan.
Mahirap magmaneho ng Granger sa isang kumplikadong kalye, kung kaya't sumakay
siya sa motorsiklo upang mapabilis ang pagmamaniubra sa daan.
Nakaramdam ng pangamba ang asawa. Nang pumasok siya ng pinto, isang malamig at nakapanglalambot na enerhiya ang tumambad sa kanya.
Ngayon, Nais kong magbigay ng isang tanong.
"Kung iiwanan mo ang mundong ito ngayon, papaano na ang iyong eksistensya?
Ano sa tingin mo ang iyog kasagutan?
"Kapag ako'y namatay, lahat ay tapos na. Sa kamatayan, ang aking eksistensya ay mawawala.
Ano ang tingin mo sa opinyong ito? May isang ulat galing sa doktor na uliman.
Isang kilalang doktor sa uliman ang nagpalimbag ng libro na naging mabili sa loob ng
ilang taon.
Ang ulat na ito ay tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
Isa sa kanyang mga pasyente ay namatay sa medikal na kundisyon, ngunit matapos ang ilang araw ay nabuhay muli.
At ang pasyenteng ito ay nagsabing binisita niya ang mundo pagkatapos ng kamatayan.
Naging interesado siya sa usaping ito, kaya ng nagkaroon siya ng oras, binisita niya ang maraming ospital sa mundo at inin-terview niya ang mga taong mulling nabuhay.
At ang ulat ay tungkol mismo sa interview na iyon.
Iba't iba ang mga sinasabi, ngunit may mga pagkakaparehas sa mga sinabi ng mga tao.
At ang mga ito ay inorganisa ng may akda sa huling parte ng libro.
Mayroong apat na pagkakapareha sa sinasabi nila tulad ng
1. Naramdaman kong ang mga tao sa paligid ko ay nalungkot sa aking pagkamatay.
Naramdaman ko ito sa pandamang iba sa pakikinig at pagmamasid.
2. Nais kong magsalita sa mga taong nalulungkot, pero hindi ko magawa.
3. Naranasan ko ang mahulog mula sa aking katawan.
4. Naranasan kong mahatak sa kung saan na para bang isang metal na hinahatak ng
isang malakas na bato balani.
Nagkaroon ng isang konklusyon ang may-akda mula sa mga interview na ito.
"Ang tao ay may espiritu . Ang kamatayan ay ang pag-alis ng espiritu sa laman.
Ang espiritu ay naiiwan matapos ang kamatayan.
Mahal kong mga Kapatid, ang kamatayan ay ang pag-iwan ng espiritu mula sa laman.
Sa Mga Gawa 5:10, sinasabi na ang kamatayan ng tao ay bilang "paghiga ng
nakadapa, at pag-alis"
Kapag ang espiritu ay umalis, amraming pagbabago sa laman. Ang laman ay tumitigil sa paghinga at naaagnas.
Subalit, ang mga bagay nag- oorganisa ng laman ay hindi nawawala.
Kahit sa tapos ng kamatayan, ang mga elemento na nag-oorganisa ay naiiwan ng may iba nang anyo.
Sa ating pananaw, nawala na ang porma, ngunit hindi ito nawala, sa halip ito ay nagbago lamang ng anyo.
Kapag tumigas sa lamig ang tubig, ito' ay naginging yelo, at kung papakuluan ang tubig, nagiging usok.
Kahit sa ating pananaw, nawala ang tubig, ito'y naiiwan sa ibang kaanyuan.
Tulad nito, pagkatapos ng kamatayan, ang bagay na nag-oorganisa sa ating laman
ay hindi nawawala, kundi naiiwan sa ibang anyo.
Kung gayon, paano na ang umalis na espiritu pagkatapos ng kamatayan?
Ang mga umalis na espiritu ay maaring magtamasa ng katiwasayan at kasiyahan kung pupunta ito sa mundo ng Diyos. Anong uri ng espiritu ang makakapunta sa langit?
Ang purong espiritu na walng bahid ng kasalanan ang maaaaring makapunta sa langit
Ang susunod sy isang kwento mula sa korea.
Isang araw sa Korea, nang ang isang tunnel sa ilalim ng lupa ay nahulog, isang lalaki,
si Yang Chan Seon, ay himalang nakaligtas kahit na nakabaon siya sa lupa ng halos
dalawampung araw. Tinakpan niya ang kanyang mata ng makatakas na siya mula dito
Bakit niya ito ginawa? Ang dahilan ay nasanay na ang mata niya sa dilim kanya't
baka masira ang kanyang retina mula sa matinding liwanag.
Tulad nito, ang maruming ispiritung may bahid ng kasalanan ay hindi makakaharap sa Diyos.
Ang ispiritung sanay na sa kadiliman at kasalanana ay hindi makakalapit sa
kaluwalhatian at matinding liwanag ng Diyos.
Kaya't ang makasalanan ay mananatili sa impyerno kung saan puno ng pasakit at
pagdurusa. hindi ito makakalapit sa Diyos at hindi makakapagpahinga.
Kaya't ano ang purong espiritung hindi nabahiran ng kasalanan, makakalapit ba ito sa Diyos?
Ikaw ba ay espiritung nabahiran ng kasalanan?
Ito ba'y puro na kaya mong lapitan ang Diyos?
Sino ang makakapagsabing ito'y puro kahit sa harap ng Diyos?
Sinasabi sa mga Taga-Roma 3:23 na
Roma 3:23 "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinuman ang makakaabot sa kluwalhatian ng Diyos."
Roma 3:10 ay dineklarang
Roma 3:10 "Walang matuwid, wala kahit isa. Sa ibang salita, "Lahat ng tao ay nagkasala"
Kung gayon, anong dapat nating gawin?
Magagawa ba nating puro ang ating espiritu sa sarili nating kapangyarihan?
Mahal kong mga kapatid, Kahit pa gawin natin ang pinakamakakaya, hindi natin
magagawang puro ito sa pamamagitan ng sarili nating kapangyarihan.
Dahil ang tunay nating pagkatao ay nababahiran ng kasalanan
Kung kaya, mayroong paka-awa sa atin ang Diyos.
Kaya't binigyan niya tayo ng paraan para sa ating hindi kayang hugasan ang sariling sala.
Pinadala ng Diyos ang tagning niyang anak na si Hesu Kristo.
Sa ibang salita, pinadala niya si Hesu Kristo upang hugasan ang ating espiritwal na kasalanan.
Si Hesus Kristo ang nagpasakit sa kabayaran ng kasalanan, ang "kamatayan"
dahil inako niya ng ating kasalanan para satin.
Kaya't hinugasan niya ang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo sa krus.
Sinasabi sa Mga Hbreo 9:12 na
Mga Hbreo 9:12 "--minsan lang pumasok si Kristo sa sa Dakong Kabanal-banalan sa sarili niyang dugo--"
Mga Hbreo 9:14 "higit ang nagagawa ng dugo ni Kristo! sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu,inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buhay.
Ang espiritu natin ay mahuhugasan lamang sa pamamagitan ng alay na dugo ni Hesu Kristo.
Ang espiritu na nahugasan ng alay na dugo ni Hesu Kristo ay makakapunta sa langit
Ang espiritung nahugasan mula sa kasalanan ay makakapasok sa mundo ng Diyos,
at doon ay magtatamasa ng walang hanggang buhay kasama ang Diyos.
Ito ay ang buhay na walang hanggan na "habang-buhay"
Ito'y mangayayri pagkatapos ng kamatayan, kung saan ang ating espiritu mula sa
laman ay papasok sa kalangitan.
At mapapasok natin ang tiyak na habang-buhay sa pagbalik muli ni Hesus sa
mundong ito, ang mga naagnas nating laman ay magbabago muli at magsasama
sa umalis na kaluluwa, at mula doon ay magiging perpekto magpakailanman.
Subalit, kahit ang oras na nasa laman pa tayo dito sa mundo,
ay maaari nating matamasa ang buhay na walang hanggan.
Sinasabi sa bibliya Juan 5:24.
Juan 5:24 "Pakatandaan niyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan. Sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.
Kapag nakikinig tayo sa salita ng Diyos, magsisi at manampalataya tayo kay Jesu Kristo, at magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Mula sa panahong iyon ay maguumpisa na ating habam-buhay upang makasama natin ang iyos magpakailanman.
Aking ibibigay ang pang-kalahatang kaisipan.
Ang tao ay makakatanggap ng buhay na walang hanggan sa pananampalataya kay Hesus.
Kung ang tao ay mananampalataya kay Hesus, ang kasalanan sa kanyang espiritu ay mahuhugasan.
Kung ang tao ay mananampalataya kay Hesus, , ang anyo niya ay magsasama ng kay Hesus, kaya't ang Diyos ay magiging kasama niya.
Kaya kung ppaparitong muli si Hesus, ang katawan ng nananampalataya ay magbabago
upang hindi siya mamatay, at siya'y maiiwan upang mabuhay kasama ang Diyos. At ang
kanyang espiritu ay magtatamasa ng buhay na walang hanggan kasama ang Diyos.
Naiintindihan mo ba ang nilalaman ng natutunan mo ngayon?
Nais mo ba ng buhay na walang hanggan?
Magsisi ka sa iyong kasalanan at manampalataya kay Hesu Kristo. At ang Espiritu Santo ay papasok sa iyong espiritu at huhugasan ang lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Hesus.
Ang espiritu ng Diyos ay papasok sa iyong espiritu at magsasama ito magpakailanman.
Ikaw ay makakatamo ng buhay na walang hanggan.
Kaya ngayon, sundan natin ang dasal upang imbitahan si Hesus sa ating mga puso.
Sa mga nakatanggap na kay hesus, sundin ang panalanging ito.
Panginoong Hesus, nais kong manampalataya sa iyo Hesus.
Patawarin mo ang lahat na aking mga kasalanan sa paamamagitan ng dugo sa krus.
Patawarin mo po ang aking pagkahambog at mga kamalian.
Binubuksan ko ang pintuan ng aking puso. Pumasok ka sa loob ko.
Salamat sa Pagpapatawad sa lahat ng aking mga kasalanan.
Salamat sa pagpasok sa aking puso.
Pinapaubaya ko ang aking sarili sa iyo. Ikaw na po ang may responsibilidad sa akin.
Pinapanalangin namin sa ngalan ni Hesus, Amen
Tinanggap mo ba talaga si Hesus? Basahin natin ang Pahayag 3:20
Pahayag 3:20 Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kami ng magkasalo.
Ayon sa bersong ito, sino ang tao na magbubukas ng pinto?
Siya ay isang normal na tao na dapat tanggapin si Hesus.
At sino naman ang tao na papasok kapag binuksan mo ang pintuan ng iyong isipan?
Ito'y si Hesus.
Nagsisinungaling ba siya? Basahin natin ang Deuteronomio 7:9
Deuteronomio 7:9 Kaya't pakatatandaan ninyong si yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hind marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi.
Siya ay sinsero kaya't pinanghahawakan niya ang pangako.
Kaya kung sinsero mong tinanggap si Hesu Kristo, siya ay tutuloy sa inyo.
Basahin natin ang Juan 1:12
Juan 1:12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.
Ayon sa ersong ito, ikaw ay naging anak na ng Diyos.
Ang langit ang siyang lugar kung saan napupunta ang mga anak ng Diyos.
Kaya't makakapunta ka sa bansa ng Diyos.
Basahin natin ang Mga Hebreo 13:5
Hebreo 13:5 Huwag na kayong magmukhang pera at masiyahan na sa kung anong mayroon sa inyo sapagkat sinabi ng Diyos "Hindi kita iiwan ni pababayaan man."
Kaya ngayon, huwag niyong ikaila ang Diyos.
Kung hindi mo ikakaila ang Diyos, hindi ka niya iiwan.
Ngayon, Magbibigay ako ng halimbawa. Hawakan mo ang pulso ko.
Hawakan mo ang pulso ko at ako'y ganoon rin.
Sa isip mo, kung ang mapagpanampalataya mong buhay ay maayos,
mararamdaman mong ang hinahawakan mong kamay ay sa Diyos.
Subalit kung ang pananamapalataya mo ay mahina, mararamdaman mong binitawan mo ang kanyang kamay. Bitawan ang iyong kamay. Bitawan mo na ang iyong kamay ngayon.
Kahit na ang Diyos ay hindi bumitaw sa kamay mo. Bakit ganito?
Dahil ang Diyos ay laging pinanghahawakan ang kanyang pangako.
Ngayon ay mayroon ka nang buhay na walang hanggan. Makakapunta ka na sa langit.
Kung gayon, magkakaroon ka ng masaganang buhay na may pananamapalataya at may kasiguraduhan ng habambuhay.
Ngayon ay isang kang Kristiyano na dapat pang lumago.
Para dito, mas mabuting dumalo sa pagaaral ng bibliya sa simbahan.
Mass mabuti ang magkaroon ng paniniwala kasama ng iba kaysa sa mag-isa.
At gawin ang pagaaral ng bibliya sa simbahan ng paunti-unti,
Kapag lumago ka sa espiritwal na aspeto, magagawa mo ang gawain ng Diyos.
Nais ng Diyos na magpatuloy ang gawain niya sa pamamagitan mo.
Umaasa ako na mahanap mo ang layunin ng Diyos. Amen.
Manalangin tayo.
Mahal na Ama, salamat sa pagtanggap ng aming pagsamba .
Ngayong araw, natutunan namin ang daan sa buhay na walang hanggan.
Salamat sa pagpapa-tanto sa amin na ang uhay na walang hanggan ay regalo ng Diyos sa mga nananampalataya.
At nais namin na magkaroon ng matiwasay na buhay at nais rin namin maintindihan at matamasa ang buhay na walang hanggan na binigay ng iyong grasya.
Tulungan niyo po kaming mapagtagumpayan ang paghugas sa aming kasalanan,
at maipalaganap ang buhay na walang hanggan sa iba pa.
Pinapanalangin namin sa ngalan ni Hesus, Amen.