|
JESUS AKO’Y UGITAN
Jesus iyong ugitan, lunday ng aking buhay
Manga alo’y masasal, May batong babanggaan
Ako’y di maliligaw, Kung uugit ay ikaw
2. Alon ay di-iimik, Dagat ay tatahimik
Kung iyong sasabihin, “Kayo’y magsitahimik!”
Pampangi’y masasapit, Kung ikaw ang uugit
3. Kung ako’y makatawid, Sa pampang ay sumapit
At payapang humilig, Sa magiliw mong dib-dib
Sa aking ay sabihin, “Ako’y siyang umugit.”
O!, PAG-IBIG NA DAKILA
O!, pag-ibig na dakila, Mapa sa amin nawa
Sa tahanan mo’y itugma, Busugin sa biyaya
Ikaw lubhang mahabagin, Jesus na magiliwin
Kaligtasan Mo’y ibigin, Sumapuso nga namin
2. Ang Espiritu’y ilakip, Sa damdaming may hapis
Mag hari sa aming isip, Nang sa iyo’y masanib
Huwag mo kaming pabayaan, Sa pitang kasamaan
Ang banal Mong kalooban, Kami ay pangunahan
3. Kailangan naming ngayon, Ang lingap Mong hinahon
Huwag bayaang maparool, Sa nagakmang linggatong
Hangarin namin ay buhay, Nanasa iyong dangal
At hindi masumpungan, Sa sinumang kinapal.
IPAGDIWANG ANG ATING GAWAIN
Tinig ng pag-aawitan ang siyang naririnig, kawal
Ng katotohanan ang siyang nananaig, Sa larangan
ng digmaang watawat ay pag-ibig, Hayo’t makisanib
2. Hukbong kalalakihan ang siyang mangunguna, Sa
lahat ng gawing nauukol sa Iglesiya, At ang kababaihan
ang siyang pangalawa, Hayo’t makisama
3. Pagtutulungang itatag ang kaharian ni Jesus, Manga kawal
ng sama’y piliting lansaging lubos, At nang upang
lumaya kaluluwang binusabos, Hayo’t makihamok
4. Hali na kayo at sama-samang ating awitan, Ipagdiwang
isigaw ang ating manga gawain, Makipaglabang
matatag, matibay at mahinhin, Si Cristo’y siyang sundin.
Koro
Lakad lakad huwag umurong, Si Jesus ang Siyang katulong
Lakad lakad huwag lumingon, Tagumpay mayroon
PATNUGOT KO AY SI JESUS
Patnugot ko ay si Jesus, At kaaliwan ng loob!
Sa anumang aking kilos, Ako ay Kaniyang kupkop
2. Kahit sa masayang bayan, at sa kapighatian man
Sa dagat na kalawakan, Aking patnugot ay ikaw!
3. Jesus, kamay ko’y abutin, At huwag mo akong hapisin
At sa akin ay maaliw, Patnugo’t kang Diyos na tambing!
4. At sa aking kawasakan, Biyaya Mo ay pakamtan,
O! Jesus sapagka’t Ikaw, Ay patnugot ko saan man.
Koro
Patnugot kita O! Jesus, Sa anumang aking kilos!
Tapat akong tagasunod, Sa salita Mong mairog
DATNAN KAYA TAYONG HANDA?
Pagdating ni Jesus ay may pala, Araw o gabi
kaya, Masusumpungan Niya tayong handa?
At ilaw nating madla.
2. Kung madaling araw o umaga’y, Tawaging
isa-isa, Sa pagsusulit natin sa Kanya,
Manga gawang maganda. Masasabi bagang
3. Mapalad ang kanyang masumpungan, Sa kanya ay
may laan, Umaga man o madaling araw,
Handa kayang daratnan?
Koro
Tayong laan. Pagtanggap ng kaharian. Ako’t ikaw kaya’y masumpungan Handang handa na sa pagdatal.
IBIGAY SA PANGINOON
Ibigay sa Panginoon, Lakas ng kabataan
Buhay mo at kasiglahan, Sa pakikipaglaban
Si Jesus ang pamarisan, Malakas at matapang
Siyang iyong paghandungan, Ng iyong kalakasan
2. Puso mo’y iyong ihain, Panginoo’y ibigin
Paglingkuran Siyang unahin, Bawa’t nasa’y banalin.
Magbigay ka’t tumanggap, Sa Diyos nang awa’t habag
Paglingkuran Siyang masikap, Ibigay ang ‘yong lakas
3. Lahat ay ipagkaloob, Kay Cristong nagmamahal
Siya’y umiibig ng lubos, At sayo ay tumubos.
Buhay Niya’y ibinigay, Nang maligtas ka lamang
Sambahin mo Siya’t igalang, Nang buong kalakasan.
Koro
Ibigay sa Panginoon, Lakas mong tinataglay
Buhay mo at kasiglahan, Sa pakikipaglaban
KAHANGAHANGANG SALITA NG BUHAY
O! muli ninyong awitin, Ang Salita ng Diyos
Nang ang tuwa ko’y masilip, Doon at mabatid
Buhay at pag-ibig Pala at tangkilik
2. Si Jesus ay nag-gagawad, Ng sabing masarap
Sa tinig Niya’y makimatyag, Ganito ang saad
Ligtas ka sa habag, Langit ang tumatawag
3. Dinggin muli ang pag-ulit, Ng Salita ng Diyos
Sa sala mo’y ipinalit, Ang maputing damit
Buhay at pag-ibig, Pala at tangkilik.
Koro
Ang ganda, anong ganda, Ng Salita ng Diyos. Diyos.
O! CRISTIANONG KAWAL
O! Critianong kawal, Hayo sa laban, Ang Krus ni Jesus ang
Nasa unahan, Si Cristong marangal, Pumapatnubay
2. Ang Iglesiang hirang, Hukbong kalakhan, Ang dinadaana’y
Landas na banal, Katawang iisa, Nagtutulungan
3. Siya’y ating ihayag, At nang tumakas, Ang bumabagabag
Na si Satanas, Tulinan mo ang lakad, Dalhin ang hirap
4.Lapit na O! Bayan, At makipisan. Sa aming awitan,
Ng pagdiriwang; Puri at paggalang, Kay Cristong Ngalan
Koro
Hayo sa digmaan, Siya ang sundan.
Iisa ang aral, Pagmamahalan O! Cristianong kawal.
Nang tunay nating malasap, Bihis na galak.
Magpakailan ma’y Awit ng tanan.
Hayo sa laban, Si Jesus ang unang, Nakikilaban.
SA NGALAN NI JESUS
May isang Pangalang tanging kaloob, Sa silong nitong
nitong langit, Siya’y walang Iba kundi si Jesus
2. Maliban kay Jesus wala nang iba, Dapat na panalingan
Ang lahat ay ating hingin sa kanya
3. Dahil sa sala ng sangkatauhan, Si Jesus ay
nanaog, Kusang inihandog ang Kanyang buhay
Koro
Nagbata ng pasakit.
At kanyang ibibigay.
Tayo nga ay tinubos.
Sa Ngalan... ni Jesus
Bawa’t tuhod ay luluhod...
Sa ka langitan sinukob Ngalan Niya’y itampok.
luhod, luhod
ay iluhod kay Jesus!
48. TAPAT NA PUSO WAGAS AT DALISAY
Tapat na puso wagas at dalisay, Sa Hari ng buhay
ay pumisan; Pailalim sa watawa’t N’yang taglay, At magtibay
sa pakikilaban.
2. Ang buong puso ay inyong ialay At sa Hari ay
laging pumisan; Tumalima ka at magpakatapang, Laya’t
ligaya’y iyong kakamtan. Ang saligan ay Ipagsigawan
3. Pusong tapat si Cristo ay itanghal Bayaang Siya ay mag
haring tunay, Sa ating pagibig Siya‘y magtagumpay, At sa lahat
sa Kanya ay ialay.
Koro
At ‘yong awiting ang kalayaan; Dahil sa Diyos ay
magtagumpay, Magtapat ka sa katotohanan.
53. TUMINDIG KA PARA KAY JESUS
1. Tindig ka at kay Jesus, Tayo ay sumunod, Alisin ang
Pagkatakot, Sa pakikihamok; Ngayo’y naninilbihan,
Taong karamihan, At nangakikilaban, Hindi nagtatahan.
2. Kay Jesus ka sumanib, Lakas Niya’y gamit, wala kang
masasapit, Sa hinamong labis, Kasulata’y isangkap, Sa
habang paglalakad, Nang pakikipaglamas, At nang dimalinsad.
3. Magtindig at humayo, Ituloy ang nais; Pakinggan
mo ang tinig Ng nagsisiawit, Pinupuri ng tanan, Ang
Haring nagdiriwang, Na nagbigay ng buhay, Sa nasa libingan.
4. Tindig para kay Jesus, Digmaa’y matatapos; Ngayo’y
pakikihamok. At bukas ay lugod, Ang bawa’t magtagumpay, May
putong ng buhay; Sa Diyos ay mapipisan, Magpakailanman.
54. IKAW AY AKING IDINADALANGIN
Sa langit ako’y may Tagapagligtas, Mairuging
kaibigan ng lahat; Ako’y binabantayan na may pag
liyag, Siya sana’y maging ‘yong Tagapagligtas
2. Ako’y may Amang nangako sa akin, Pagasa at
palang aking kakamtin; At kung ako sa kalangita’y
tawagin, Ikaw sana ay makasama korin.
3. May lubusan akong kapayapaang Lingid sa
manga makasanlibutan, At ang pinagmulan ay si Cristo
lamang, Sa iyo sana’y Kanyaring ibigay.
4. Kung si Jesus ay iyo nang lubusan, Sa iba’y
sabihin ang kasaysayan; Na siya ang sa iba’y magpapalang
tunay At ang dalangin mo may taglay lakas.
Koro
Idinadalangin idinadalangin, Ikaw ay aking idinadalangin
55. BUHAT SA MGA KASAMAAN
Buhat sa pasanin ko’t hirap, lumalapit ako Jesus,
Sa liwanag Mo’y humaharap, Ako Jesus ngayon,
Buhat sa manga karamdaman, buhat sa aking kasalanan
Buhat sa aking kasalanan, Lumalapit ako.
2. Buhat sa dalang kahihiyan, lumalapit ako Jesus,
Sa pighati at kamatayan, Lumalapit ngayon
Buhat sa kalungkuta’t hapis, Buhat sa manga pagtitiis,
Buhat sa aking kasalanan, Lumalapit ako.
3. Buhat sa dating kataasan, lumalapit ako Jesus,
Hangad ay Iyong kalooban, Lumalapit ngayon
Buhat sa pusong mapagimbot, At sa pusong sadyang maramot.
Hanggang pag-ibig Mo’y maabot, Lumalapit ako.
56. SI CRISTO NGAYO’Y TUMATAWAG
Si Cristo ngayo’y na sa pintuan, Adhika Niya,
ay pumasok, Su puso mo, kung iyong bubuksan
Adhika Niya’y pumasok.
2. Matagal nang Siya’y tumutuktok, Sa pag-ibig
Niyang lubos; O! dinggin tinig na tumatawag
Hamakin Siya, ay hwag.
3. Tanggapin na ninyong ipagpaliban, Puso ninyo
nga sa iyo; Buhay at tuwa ay ibibigay,
Kung puso mo’y bubuksan.
4. O! huwag na ninyong ipagpaliban, Puso ninyo
ay buksan na; Tuloy dagling Siya’y anyayahan
Tiyak siyang tatahan.
Koro
Si Jesus ay tumatawag, Iyong pakinggan, At Siya’y tanggapin mo ngayon.
Si Jesus ay tumatawag, Si Jesus ay tumatawag, Si Jesus Iyong pakinggan at Siya’y.
60. Kung Saan ako akayin
1. Si Jesus ay tumatawag,
Ito ang isinasaad,
"Krus mo ay dalhi't lumakad,
Ako'y sundan sa'nman humanggan."
2. Sa Kanya ako'y aakbay,
Hanggang do'n sa halamanan,
At nang aking maalaman,
Ang hiwaga ng pagmamahal.
3. Sa hukuma'y di kasama,
Doon ay walang pangamba,
Pagka't ang aking parusa,
Ay lubusang inako Niya.
Koro
Kung saan ako akayin,
Ay doon ako lalakad,
Hanggang sa aking sapitin,
Ang hangganan ng Kanyang landas.
61. Malambing na tumatawag
1. Malambing na tumatawag si Cristo,
Sa i'yo at sa akin,
Sa pintuan ng puso'y tumutuktok,
Buksan mo't Siya'y tanggapin.
2. Siya'y naghihintay,
Hwag tayong magluwat,
Mat'yagang tumatawag,
Tanggapin natin habag Niyang gawad,
Upang tayo'y maligtas.
3. Panaho'y tumatakas na matulin,
Hwag palipasin ngayon;
Ang kamataya'y agad kung dumating,
Sinong makatatanggi.
4. Alalahanin ang kanyang pagibig,
Sa manga naaamis;
Makasalana'y Kanyang binibihis,
Patawad nakakamit.
Koro
Lapit Lapit Tayong makasalanan.
Lapit, ang tawag ni Cristo'y pakinggan,
Tanggap ang kaligtasan.
64. PURIHIN SIYA! PURIHIN SIYA!
Purihin Siya! Si Cristong Tagapagligtas Lupa,
umawit ka ng pagliyag, Batiin mo Siyang Haring sakdal dilag;
Ibigay mo sa Kanya ang lakas, Siya ang bantay mo sa
lahat ng oras, Sa bisig Niya tayo’y nakahawak.
2. Purihin Siya! Si Jesus na Haring tapat Sa sala
tayo ay iniligtas; Siya’y Bato, pag asa nati’y maninga;
Batiin Siyang, sa krus nagliwanag. Purihin mo Siyang nagpasan
nitong hirap, Pag-ibig Niya sa ati’y matingkad.
3. Purihin Siya! Si Jesus na ating buhay, Purihin
natin Siyang walang hanggang; Siya’y Haring maghahari kailanman;
Putungan Siya ninyong Kanyang hirang. Si Cristo’y dumating
antabayanan, Na sa Kanya ang kalwalhatian.
Koro
Purihin Siya! Pag-ibig Niya ay awitin, Purihin Siya! nang buong paggiliw!
67. Pagpuri At Pagsamba
Papuriha’y inaawit, Ng maraming bibig,
Sa Hari kong nagtangkilik, Sa manga bulisik.
2. O! Diyos kong lubhang maalam, Ako ay tulungan;
Sa paglalat halang tunay, Ng Iyong pangalan.
3. Ang Iyong pangalang Jesus, Sa tao’y tumubos;
At pumapawi ng lunos, Galak ang kaloob.
4. Ang lakas ng kasalanan, Kaniyang hinalay;
Bilanggo ay pinawalan, sa dugo’y kuminang.
5. Tinig Niya kung narinig, Patay ma’y titindig;
Kung may paniwala’t bait, Dusa’y naaalis. AMEN
72. HUWAG MO PO AKONG IWAN
O! Jesus huwang Mong bayaan, Iyong pakinggan, Kung iba’y
tinatawagan, Huwag akong iwan.
2. Sa luklukan ng ‘Yong awa, Ako’y ipisan, Paluhod na
lumuluha, Ako’y tulungan.
3. Ang habag Mo’y aasahan, Hanap ko’y Ikaw, Sugat ng
diwa’y lunasan, ‘Yong kahabagan.
4. Bukal Ka ng kaaliwan, Higit sa buhay; Wala akong
aasahan, Kung hindi Ikaw.
Koro
Cristo, Cristo, Hibik ko’y dinggin, Kung iba’y tinatawagan, Ako’y gayon din.
76. SA KANYA MAGTIWALA
Lumalapit ngayong kay Jesus, May pagpapala ka,
Kaya’t lumapit kay Jesus, Nang sala’y hugasan.
2. Tumigis ang Kanyang dugo, Sa makasalanan,
Mayroong kapahingahan, Kung magtitiwala.
3. Oo si Jesus ang daan, Tungong kalangitan,
Kaya’t sumampalataya Nang makarating ka.
4. Lumapit na’t makisama, Patungo sa Gloria,
Upang manirahan doon, Magpakailanman.
Koro
Magtiwala, magtiwala, magtiwala ka,
Maliligtas, maliligtas, mali (kaltasin) ligtas ka.
77. AKO AY ILAPIT
Ako ay lalapit sa Diyos sa Iyo, Kahit
maging Krus man, Babathin ko; Kaya’t inaawit,
Ilapit Mo ako, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
2. Katulad ko’y gala Sa karimlan, Nang
humiga’y bato, Ang inunan; Napangarap korin
Sa Diyos ko’y ipisan, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
3. Sa langit ang hagdan Ay namalas Na
dinaanan ng Sugong tapat; At aking sinabing
Sa Diyos ko’y ilapit Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
4. Naidlip kong isip Nang magising, Ang aking
hinagpis Di na pansin, Sa ningas ng nais
Sa Diyos ko’y mapiling Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
78. DI KO ALAM ANG BIYAYA
1. Di ko alam ang dahilan Biyaya’y nakamtan,
Akong masama’y minahal, Tinubos na tunay.
2. Hindi ko na tatalastas, Pa’nong iniligtas,
Ni pa’nong Salita Niya’y, Taglay ay patawad.
3. Di ko batid ang pagkilos, Espiritu ng Diyos,
Inihayag si Jesus, Na S’yang Manunubos.
4. Di ko alam kung kailan Babalik si Jesus,
Kung dadaan sa libingan, O sa ulap lamang.
Koro
Nguni’t aking nalaman, Na Kanyang laging
maiingatan Aking kaluluwa at buhay, Hanggang araw’y dumatal.
79. NAKASUMPONG AKO NG ISANG KAIBIGAN
Nasumpungan ko ang isang tapat na Kaibigan!
Ako ay tinalian ng lubid ng pagmamahal,
Napabuhol sa puso ko’y taling lubhang matibay
Kanya ako’t akin Siya, Ngayo’t magpakailanman.
2. Ako ay maynasumpungan natanging Kaibigan!
Sa Krus Siya ay namatay upang ako’y mabuhay;
Kaya’t lahat ko ngang taglay, Sa nagbigay ko alay;
Puso, lakas, at buhay ko Ay kanya kailanman.
3. Nasumpungan kong makapangyarihan Kaibigan!
Tanod sa paglalakbay at maghahatid sa langit,
L’walhati Niya walang hanggan, Lakas sa kahinaan;
Magpuyat. Laging gumawa, At may kapahingahan.
80. KALULUWA’Y TIWASAY
1. Kung kapayapaan ang aking kaakbay, O kaya’t
kalungkutanman; Saan mang lagay, turo Mo’y isaysay,
Kaluluwa’y may kapanatagan.
2. May tukso man si Satan o may pagsubok, Panatag at
may tiwalang Kalagayan ko’y na masdan ni Jesus,
At dugo Niyang sa ‘kiy tumubos.
3. Kasalanan ko’y anong galak isipin— Tanang kasalanang
angkin, Napako sa krus, di ko na pasanin,
Panginoon ay ‘Yong purihin.
4. Magmadali ka’t paningin ko ay buksan Ulap
hawiing paminsan, Tambuli’y hipa’t si Cristo’y daratal,
Gayon man kaluluwa’y tiwasay.
Koro
kaluluwa’y tiwasay... kaluluwa’y may katiwasayan.
Kaluluwa’y tiwasay.
82. NANG TANGGAPIN KO SI JESUS
1. Gaano ang pagkabago ng buhay ko, Nang si Cristo
ay tanggapin; Binigyan Niyang ilaw ang kaluluwa ko.
Nang si Cristo ay tanggapin.
2. Hindi na nga ako naligaw ng daan, Mula nang
Siya’y tanggapin; Ang manga kasalanan ko’y nahugasan
Nang si Cristo ay tanggapin.
3. May pag-asa akong hindi magagalaw. Mula nang
Siya’y tanggapin; At walang ulap ng pangamba sa daan,
Mula nang Siya’y tanggapin.
4. Sa dilim ng kamatayan ay may tanglaw, Mula nang
Siya’y tanggapin; Ang pintuan ng bayan ay natatanaw,
Mula nang Siya’y tanggapin.
Koro
Nang si Cristo ay tanggapin, Nang si Cristo ay tanggapin may baha ng
katuwaan ang kaluluwa ko, Nang si Cristo ay tanggapin.
Nang Siya’y tanggapin sa iyong puso Nang Siyay tanggapin sa iyong puso,
83. MATAMIS NA KAPAYAPAAN
Sa puso ko ay naniig, (niig)
Isang himig na matamis, (himig) Muli’t muli
kong inawit, Ang kapayapaang langit.
2. Sa krus kay Jesus kinamtan, (kamtan.) Ang
aking kapayapaan, (daan,), Ang utang ko’y
binayaran, Ng kanyang kamatayan.
3. Nang si Cristo’y putungan ko, (Oo,)
puso’y galak na totoo, (too,) Biyaya’y
aking tinamo, Na kaloob ni Cristo.
4. Ako ay lalaging lubos, (lubos,) Sa
kapayapa’n ni Jesus, (Jesus,) Ako ay
kaniyang kup-kop, At sa biyaya’y pus-pos.
Koro
Anong tamis! Ng kapayapa’ng langit! (langit,)
O! kahangahangang labis! Ang sa Diyos na pag-ibig.
86. DAUNGAN NG KAPAHINGAHAN
kaluluwa kong sa laot napawalay,
sala’t pighati ang pataw, Nang marinig ang, akong
gawing hirang ay nasasakapa hingahan.
2. Sa yakap niya, Ako’y tumiwasay,
sa Salita Niya nankanangan, Gapos na kagalakan ang
Panginoon, ang aking kapahingahan.
3. Halina’t Siya ngayo’y naghihintay,
Upang iligtas sinumang Nais pumasok sa
Kapahingaha’t Makita Siyang nagmahal.
Koro
Daluyong man ay magngalit sa dagat, Kay Jesus Kailan ma’y ligtas.
Kaluluwa ko ngayon ay panatag Dinamuling maglalayag.
87. KALIWANAGAN
Lumakad sa liwanag sa daan; Maging sa bundok
O patag man, Sabi ni Jesus, “Di ka iiwan”
Pangakong banal di kukulang.
2. Kadiliman sa aking paligid, Patnubay ko’y di
matatakpan, liwanag Siya’t walang kadiliman,
Laging sa piling N’ya hahakbang.
3. Sa liwanag ay may kagalakan , patuloy sa
kaitaasan; Inaawit Kanyang kapurihan,
Sa liwanag ng pagmamahal.
Koro
Makalangit na kaliwanagan, Pus-pos ang kaluluwa kong tunay,
Aleluya! May kagalakan, Akin si Jesus papurihan!
91. MAY INIT SA AKING KALULUWA
May init sa aking kaluluwa, Nawala ngang katulad;
Tanging kay Jesus nagmumula, Pagka’t S’yang liwanag,
2. May awit sa aking kaluluwa, Naalay ko kay Jesus,
Sa pagpupuri at pagsamba, Nang ako’y matubos.
3. May aliw sa aking kaluluwa, Nang dahil sa pag-asa,
Sa palang kaloob Niya, Ako ay masaya.
Koro
May liwanag, O may liwanag, Buhay ko’y payapa, kay tamis kung si
Jesus ang siya kong kapiling, Kaluluwa ko’y maning ning.
Sa aking kaluluwa, sa aking kaluluwa,
anong tamis.
93. MAPALAD NA KASIGURADUHAN
O! si Jesus ay aking tunay, Kalwalhatian ay
nalalasap, Tagapagmana at tinubos,
Sa dugo’y nililinis na lubos.
2. Ako’y lubusang pasasakop, Sa pangitain ay
nakikitang Manga anghel ang nagdadala,
Ng alingaw-ngaw ng pagsinta.
3. Wagas na nagpapahingalay Kay Cristo ay mayro’n
Kasiyahan, Hihintayin lamang sa Kanya
Ang masa ganang pagmamahal.
Koro
Ito ang awit ko’t pahayag, Ang nagligtas ay papurihan, Ito ang
awit ko’t pahayag, Araw gabi S’yay pupurihin.
96. O! BATONG WALANG HANGGAN
Ikaw ang batong buhay, Na sa aki’y nabuksan;
Sa Iyong tagiliran, Dugo’t tubig ang nukal,
Batis na kagamutan, Sa lahat naming damdam.
2. Di ang gawa ng kamay, Ang sa Aki’y sasakdal
Kahit pagsumikatan, Luha ko’y magbatis man,
Dugo ni Jesus lamang, Bayad sa kasalanan.
3. Wala akong anuman, Sa Krus mo’y sumasandal;
Kahubdan ko ay takpan, Ako’y mahinang tunay,
Sala ko’y hugasan, Nang di ako mamatay.
4. At sa wakas ng buhay, Mata ko’y mapikit man;
Diyan sa kalangitan, Mukha Mo’y mamasdan;
Ikaw ang batong buhay, Nasa aki’y nabuksan.
98. SI JESUS ANG LAHAT SA AKIN
Si Jesus ang lahat sa’kin buhay ko’y aliw,
Siya’y lakas ko tuwina, at aking alalay;
Kung ako ay nalulumbay, Siyang aking kagamutan.
Tuwa ako ay binibigyan, S’ya’y akin.
2. Si Jesus ang lahat sa ‘kin, Sa hirap ay aliw;
Lahat kong kinakailangan Ay ibinibigay;
Ulan at init ang hatid, Sa ganang palay at mais.
Ang lahat ay nakagamit, S’ya’y akin.
3. Si Jesus ang aking lahat; Ako’y magtatapat;
Paano S“yang itatakwil, Yamang siya’y tapat;
May katwirang Siya’y sundan, Hindi ako babayaan;
Susundan S’ya araw gabi, S’ya’y akin.
99. SI CRISTO’Y BATONG MATIBAY
Ang pag asa ko’y na tatag, Sa kabanalan at hirap,
Ng ngalang Jesus, na tanyag, Higit sa larawang lahat.
2. Maging alon mang masasal Ng Bagyo di mabubuwal,
Ang pag-asa sa biyayang, Aking pinanghahawakan.
3. Sa pangakong sinalita, At sa dugong masagana.
Ni Cristo na mapagpala Lubos ang aking tiwala.
4. Siya kung dito’y dumatal Ako’y bibihisang tunay,
Ng Kaniyang kabanala’t Matitindig sa hukuman.
Koro
Si Cristo’y Batong matibay, Na aking
kinasaligan, Di gaya ng buhanginan.
100. DIYOS ANG MAG-INGAT SA IYO
1. Huwag manghina at manlupaypay Diyos ang ‘yong panubay,
Sa pak-pak Niyang mapagmahal, Iniingatan ka.
2. Sa paggawa mo araw-araw, Iniingatan Niya;
Sa mapanganib mong daan, Iniingtan ka.
3. Lahat mong kinakailangan, Sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka N’ya tatanggihan, kundi iingatan,
4. Kahit pa anong pagsubok man, Iniingatan ka;
Sa dibdib N’ya ka sumandal, Iniingatan ka.
Koro
Diyos ang mag-iingat, Sa iyo, sa paglalakad;
At sa bawa’t landas, Diyos ang nag-iingat...
nag-iingat.
104. SUSUNOD AKO SA TAGAPAGLIGTAS
Sa Tagapagligtas ako’y maglalakbay, Sa bukal ng
tubig at kalwalhatian, Siya ang susundin ko
maging kahit saan, Hanggang kamtan ang putong ng buhay.
2. Kasama ni Jesus na ako’y lalakad, Walang
kadiliman kahiman at ulap, Ako’y aakayin Niya
at ililigtas, Panganib at wala sa Kanyang harap.
3. Kahitma’t sa patag at sa kabundukan, Ang kaluluwa
ko’y Kaniyang iingatan, Siyang mangunguna sa
aking daraanan, Hanggang kamtan ko ang kalwalhatian.
Koro
Sulong, lakad, sumunod kay Jesus, Saanman N’ya’y dalhin hayo’t sumunod.
Sulong, lakad, sumunod kay Jesus, Kahi’t saan ako ay susunod.
105. AKO AY IYO, O! PANGINOON
Ako ay Iyo, tinig Mo’y dinig, Badya sa ki’y
pag-ibig; Kaya’t matindi kong ninanais, Na sa
Iyo’y humilig.
2. Pakakabanalin, sa paglilingkod, Nang ako ay
mapuspos; Ng matatag na pagtitiwala, At sa
Iyo’y sumunod.
3. May kalaliman ng ‘Yong pag-ibig, Na di ako pa
malirip; Nguni’t ang ilog ay kung matawid, Saka
ko mababatid.
Koro
Ilapit Mo ako O! Jesus, Sa kinamatyan Mong krus
Ilapit Mo, nga yon O! Panginoon! Sa dugo Mong dumaloy.
106. INIAALAY KO ANG LAHAT
Kay Jesus ko iaalay, Lahat ay ibibigay;
Siyang aking aasahan, At sa Kanya tatahan.
2. Kay Jesus ko iaalay, Pagluhod sa paanan.
kamunduhan ay iiwan, Kupkupin akong tunay.
3. Kay Jesus ko iaalay, “Gawin Mo akong Iyo,
Diwa Mp ako’y puspusin, Makitang ikaw’y akin.“
Koro
Iniaalay ko, Iniaalay ko,
Ang lahat sa Iyo Cristo, Inoaalay ko.
Iniaalay ko, Iniaalay ko.
107. JESUS, ANG MADLA KONG HIRAP
Jesus, ang madla kong hirap, Di aalintanahin,
Titiisin kong maminsa’t, Ikaw ang lalandasin,
Ang lahat ay iiwasan Na hangaring masama;
Ang Diyos ko at kalangitan, Ang tutunguhing paksa.
2. Ang sanlibutan ay kahit, Ako ay kamuhian;
Panginoon ko ay kasanib, Na kinayayamutan,
Sa aki’y di mapapawi, Ang tuwang iniaasahan,
Sa daratal na pighating, Alay ng sanlibutan.
3. Darating kong sasala, kagalakan ay ganap;
Sa pananampalataya, At pagdalangin wagas.
At sa lubos kong pag-asa, Matatawid kong kagyat,
Diyos sa aki’y mangunguna, Sa lakbaying malawak.
108. SA BUONG SANGKATAUHAN
Sa manga bayan at manga ilang man, Lubhang maraming
makasalanan; Ngangailangan ng kaligtasan
Na nararapat na pangaralan.
2. Sa tahanan ninyo at kapit bahay, Si Jesus ay
inyong isalay-say, Na Siya lamang ang Tagapagligtas,
Sa kaluluwang nangapahamak.
3. Kabayaran ng ating manga sala, Ay kamatayan
na walang hanggan, Ito ang kaloob sa atin ng Diyos.
Buhay na walang hanggang kay Jesus.
Koro
“Lahat ng kapangyarihan, Sa akin ay ibinigay, kaya ipangaral mo ang
Ebanghelyo. Sa buong sangkatauhan.“
109. BAWA’T SANDALI
Mamatay kay Jesus anong inam, Mabuhay ako’y
bagong nilalang, Tumingin kay Jesus luwalhati ko, Bawa’t
Sadali’y, Ako ay iyo.
2. Walang pagsubok na di Ka naro’n, Walang pasanin
na di Mo kandong, Walang lungkot na di Ka karamay, Bawat
sandali’y, Ako’y tangan Mo.
3. Walang hinagpis at walang daing, Walang pagluha at
walang taghoy, Walang pangani, pagka’t sa trono, Bawa’t
sandali’y, Ako’y tangan Mo.
Koro
Bawa’t sandali’y ako ay Iyo, Bawa’t sandali’y buhay sa Iyo, Tumingin kay Jesus
Lwalhati ko; Bawa’t sandali’y ako ay Iyo.
115. TAMIS AT KALUWALHATIAN
Tamis at kalwalhatian, Putong N’yang makinang
Sa labi N’ya ay nunukal
Biyaya’t pagliyag, Biyaya’t pagliyag.
2. Ang kahirapan ko’t lumbay Kanyang pinapanaw;
Ang Krus ng kahihiyan ay
kaniyang pinasan, kaniyang pinasan.
3. Buhay ko’y sa Kanya utang, Sampu ng katawan;
Ang Kamatayan ay aking
Pinagtagumpayan, Pinagtagumpayan.
4. Ang puso Niyang umaapaw, Sa ‘ki’y pagmamahal;
Kung may libong pusong taglay
Sa kanya’y ialay, Sa kanya’y ialay.
117. DOON SA KRUS NAMATAY SI JESUS
Doon sa Krus namatay Siya, Doon tinangisan
ang sala, Do’n dugo sa puso’y naadya, Gloria sa Kanya.
2. Ako ay naligtas na puspos; si Jesus ay na sa
‘king lubos; ako’y kinupkop doon sa krus, Gloria sa Kanya.
3. O! Bukal na nakalilinis, Ako ay galak sa
paglapit, Doon naligtas akong pilit, Gloria sa Kanya.
4. Magsilapit kayo sa bukal, Upang kayo ay
maging banal, At nang kayo ay maging sakdal, Gloria sa Kanya.
Koro
Do’n dugo sa puso’y naadya; Gloria sa Kanya.
Gloria sa Kanya, Gloria sa Kanya.
120. MASAGANANG PALA
“Ibubuhos ang biyaya,” Pangako ng pagliyag
panahon ng kasiglahan, Nagmula sa itaas.
2. “Ibubuhos ang biyaya,” Mahalaga’t pambuhay,
Dinggin sa gulod ang ugong, Ng masaganang ulan.
3. “Ibubuhos ang biyaya,” Sa amin ang ibigay,
Panginoo’y kasiglaha’t, Salita’y parangalan.
4. “Ibubuhos ang biyaya,” Ipadala nang agad,
Ngayong sa Diyos naghahayag, Kay Jesus tumatawag.
Koro
Saganang pala, Ang kailangan namin,
Awang natak sa paligid, Sa ‘mi’y pasaganain.
Pala, saganang pala,
122. CRISTIYANO LAMANG
Matamis ang ngalang nalagda sa tanan, Ayon sa
pahayag ng Bagong Tipan, Ay isang pangalang
dakila at banal, Nanggaling kay Cristo, Cristiano lamang.
2. Banal na pangalan, tayo’y pinagsama Sa pagluwalhati
sa Diyos Ama; Sa ibang pangala’y
walang kaligtasan, Liban ang kay Jesus, Cristiano lamang.
3. Ang langit na bayan ay siyang tahanan ng manga Cristiano
Sa huling araw, Doo’y walang luha,
Kundi tuwang panay, Kasama ni Cristo’y. Cristiano tunay.
Koro
Cristiano lamang, Cristiano lamang, Banal kong
pangala’y Cristiano lamang, ngit magpakailanman.
124. SAGIPIN MO AGAD
Kung ang iyong kapwa’y nahihimlay, sa burak ng
pagkasawim palad, At nakikita s’yang mamamatay, ay
tulungan mo at sagipin agad.
2. Kapatid, bakit ka tumitigil, At di gawin
ang iyong tungkulin? Masda’t maraming na sa hilahil,
Magmadali kang sila ay sagipin.
3. Panahon natin ay matatapos, Sa paghuhukom ni
Cristo Jesus Huwag kang magpabaya’t matatakot,
Sagipin mo sila na nalulunod.
Koro
Sagipin agad! Ang taong na sa bagabag Nang sila ay maligtas.
126. MAGTIWALA AT SUMUNOD
Kung tayo’y lumakad Nakasama ng Diyos, Kay luwalhati
mapalad, Gumanap ng utos Ng Poong si Jesus,
At magtiwala at sumunod.
2. Walang anino man, Ni ulap saanman. Nguni’t ngiti N’ya’y
Namamasdan; Wala akong takot, Niluha at lungkot,
Pagka’t may tiwala’t pagsunod.
3. Hindi matatalos, Tamis N’yang pag-ibig, Hangga’t di
isuko mong lahat; Ang Kanyang biyaya, At atin ligaya;
Kakamtan kung tayo’y susunod.
4. Sumama’y kay tamis, Kay Jesus malapit, Tayo’y lagi N’yang
Makiniig; Sundin Kanyang utos; Sumunod nang lubos
Magtiwala at huwag matakot.
Koro
Magtiwala at tayo’y sumunod, Nang maging maligaya, Sa piling ni Jesus.
129. GUMAWA’Y SIYANG ATAS
1. Gumawa’y siyang atas Ni Jesus sa lahat; Gumawa’y
siyang utos ng Manunubos, Kay Jesus gumawa ka,
Gumawa lagi na, Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.
2. Gumawa’y siyang tadhana, Sa bawa’t nilikha; Nang
mabuhay sa lupa’t magtamong pala. Kay Jesus gumawa ka,
Gumawa lagi na, Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.
3. Ang lakas ay gamitin, Sa gawang magaling; Upang
iyong tanggapin, pangakong bilin, Kay Jesus gumawa ka,
Gumawa lagi na, Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.
130. PAGBULAY-BULAY
Pagka aking bunubulay, Ang kay Cristong pagkamatay;
Sa puso iniwawalay, Ang masamang pamumuhay.
2. Kaya, O! Diyos, huwag tulutan, Sa puso ko ay tumahan,
Tanang walang kabuluhan, Kundi si Jesus na lamang.
3. Tanang sakit o pahirap, At pag-ibig ng Diyos Anak,
Bulay bulayin mong kagyat. Tao na sa Diyos lumubag.
4.Yao’y di matutumbasan, Ng handog na ano paman,
Kundi ng pusong dalisay, Na may paggugunam-gunamn.
5. Kaya, iwaksi ang tanang, Nasang walang kabuluhan;
At kay Jesus ay lumaan, Tayong lahat na nilalang,
132. MASUNOD KA NAWA
Masunod ka nawa, Iyong looban; Jesus na
nagpala sa makasalanan; Kahit sa dalita
o kapayapaan, Salingap mo’t awa, Walang agam-agam.
2. Ang kalooban Mo’y Siya kong susundin; Cristong
mapagampon sa nahihilahil, Pakinggan ang langoy
Ng idinadaing, Nasa ko’y abuloy, Papagkamting aliw.
3. Pinagsisikapan, O! Jesus ang atas; Ako ay
ingatan hanggang sa maganap; Huwag mong babayaang
lagi nang maligaw, Hanggang kawasaka’y, Patnubayang wagas.
134. MATAMIS ANG MAGTIWALA KAY JESUS
Anong tamis mag tiwala, Kay Jesus na Salita;
Sa pangako’y magpahinga at sa Diyos manainga,
2. Jesus, tanggapin ka lamang, Sala ko’y nahugasan.
Ng dugo mong mahalaga Na pantubos sa sala.
3. Dahil kay Jesus iiwan, Ang sarili at sala;
At sa Kanya ay kukuha Buhay, galak, pag-asa.
4. Tunay akong natutuwa, Natutong magtiwala.
Sa aking Tagapagligtas Ngayon at hanggang wakas.
Koro
Jesus pinagtiwalaan at aking sinubukan
Jesus ng aking kaluluwa Sa Awa mo’y aasa.
136. SI JESUS LAMANG
Si Jesus lamang, pagsasakdalan, Mabigat ko na
pinapasan; S’yang sa lagim ko’y umaalalay,
Sa hirap, laging dumaramay.
2. Si Jesus lamang, aking saklolo, Kung ang isipan,
nagugulo; Gayon kung hinihibo ng tukso
Abang sarili’t kaluluwa ko.
3. Si Jesus lamang, Tagapagligtas, Tatawagin ko
S’yang madalas, Sasalibong sa kaniyang bas-bas,
Sa paglakad nang di ma dulas.
4. Si Jesus lamang mamamayapa, Sa pusong sa sala’y salanta;
Halina nga’t pakupkop na kusa
Talikdan mundong mandaraya.
Koro
Si Jesus lamang tanging iisa! Sa karamay ko tuwing maybalisa;
Si Jesus lamang tanging iisa! Sa karamay ko tuwing maybalisa;
137. MAKAPANGYARIHAN ANG DUGO
Nais mo bang ibsan ng pasan? Makapangyarihan
ang dugo; Sa sala ay makalayang tunay; May
2. Nais mo bang lubos na tagumpay? Makapangyarihan
ang dugo; Sa masasamang pita ng laman, May
3. Nais mong kaluluwa ay kuminang? Makapangyarihan
ang dugo; Lumapit ka sa bukal ng buhay, May
4. Nais mo bang maglingkod kay Jesus? Makapangyarihan
ang dugo; Nais mong sa twitwina ay puspos? May
Koro
Tanging lunas sa dugo. Dugong mahal, Dugo lamang
Ni Cristong banal Panghugas sa kasalanan.
Makapangyarihan, Dugo lamang lamang
Ni Cristong banal Panghugas sa kasalanan. Amen
138. LIGTAS SA BISIG NI JESUS
Ligtas sa bisig ni Jesus, At sa Kanyang dib-dib, Sa lihim
ng pag-ibig, Sa kaluluwa’y tahimik, Ang sa anghel na
awit, Ay aking narinig, Buhat doon sa langit,
Sa kabilang panig...
2. Ligtas sa bisig ni Jesus, Sa wani’t panimdim, Sala’t
tukso ng daig-dig, Sa ‘kiy di makarating. Ligtas sa kalungkutan,
Takot ma’t alinlangan, Ilang pagsubok na lang,
Luha’y babawasan...
3. Ligtas sa bisig ni Jesus, Na sa aki’y namatay, Matatag
Sa Batong buhay, Pagtitiwala’y atang. Dito ay maghihintay,
Hanggang gabi’y pumanaw; At umaga’y mamasdan,
Sa gintong pasigan...
Koro
Ligtas sa bisig ni Jesus, At sa kanyang dib-dib, Sa lilim ng pag-ibig, Kaluluwa’y tahimik.
142. INIIBIG AKO NI JESUS
Iniibig ni Jesus, Ako at aking talos; Bibliya’y
siyang nagdulot; Ng kaalamang lubos.
2. Iniibig ni Jesus, Ako’y Kanyang tinubos; Dugo
N’ya’y ibinuhos, Langit sa ‘kiy nahandog.
3. Iniibig ni Jesus, Ako at ang pag-ibig Niya’y
dima uubos, Sudkang mundo’y matapos.
4. Iniibig ni Jesus, Ako’y itataguyod; Sa
langit na panlugod; Malwalhati kong lubos.
Koro
Tunay na tunay na minamahal Ako ni Jesus,
Bibliya ang magsaysay.
143. PAGDATING NIYA
1. Pagdating N’ya, pagdating N’ya Nang sa H’yas pagkuha; H’yas na
Lubhang mahalaga, Tunay na Kanya.
2. Iipuin N’ya ang lahat, Ng Kanyang manga H’yas, Ang
makikinang, Na Kanyang ingat.
3. Ang manga batang maliit, Na nagsisiibig, Sa
tumubos at nagalis, Ng madlang hapis.
Koro
Gaya ng manga tala sila kung sa umaga.
Sisikat sa putong N’yang Walang kapara.
146. MASAYANG BALITA’Y ATING NARINIG
Balita’y ating talos, Naligtas kay Jesus,
Kagalaka’y isabog, Naligtas kay Jesus,
Sa bayan ito’y dalhin, Bundok, dagat lakbayin,
Sulong sundin ang utos, At ligtas kay Jesus.
2. Awitin nating lahat, Kay Jesus ay ligtas,
Buong lupa’y magalak, Kay Jesus ay ligtas,
Siya nga ang namatay, At naghandog ng buhay,
Upang kamtan pangakong, Kay Jesus ay ligtas.
3. Tinig nati’y itataas, Kay Jesus ay ligtas.
Balita ay ikalat, Kay Jesus ay ligtas,
Umawit ng tagumpay, Dahil sa kaligtasan,
Mabuhay at mamataya, Kay Jesus ay ligtas.
147. YAMAON! CRISTIANO!
1. Yumaon Crsitiano at ibalita, Ang Diyos ay Ilaw
Ng sandaigdig, At ang sinuma’y hindi Niya nais
Nasa kadiliman ay mawaglit.
2. Maraming napahamak at nasinsay, Na nahulo sa
kaalipinan, At walang sinumang nagpaunawang
Si Jesus lamang ang kaligtasan.
3. Kung ang manga kaluluwa’y maahon, At maligtas sa
pagkapahamak; Buhay ni Jesus ay isisiwalat
Dahil sa kanilang pasalamat.
4. Magsumipag nga sa pagbabalita, Ipayahag ang
Kaniyang awa sa Pagliligtas at nang maunawa
Ng manga walang malay at aba.
Koro
Bagong balita’y ipahayag, Na ginawa ni Jesus sa pagliligtas.
149. KITA’Y INIIBIG, JESUS KONG GILIW
Kita’y iniibig, Jesus kong giliw, At dahil sa
Iyo lahat lilisanin; Ikaw ang aking kuta sa
hilahil; Pag-ibig kong handog ngayo’y tanggapin.
2. Sa aki’y Ikaw ang unang umibig, Kapatawaran
ko’y sa Krus nakamit, Ako ang dahilan ng
putong Mong tinik, Kaya tanggapin ang aking pag-ibig.
3. Kita’y iibigin hanggang mamatay, Pupurihin
Ka hanggang katapusan, Huling sandali ko’y Iyong
alalayan, Tanggapin Jesus, pag-ibig kong tunay.
4. Sa bayang pus-pos ng lwalhati’t saya, Kita’y sasambahin,
Diyos ko at Ama, Putong ko’y taglay na
aawitan Ka, Jesus, tanggapin handog kong pagsinta.
152. KAMI’Y MAY BALITA SA TANAN
Kami ay may balita sa tanan, Upang puso’y
liwanagan; Balita ng katotohanan. Kapayayaa’t
ilaw, Kapayayaa’t ilaw.
2. Kami’y may awit na aawitan, Puso kay Cristo
ay dalhin; Kay Satanas ay s’yang susupil,
Dudurog sa patalim, Dudurog sa patalim.
3. May balita sa pangkalahatan Na buhat sa
kaitasan; Ang sa Diyos Amang hirang At
Isinugong tunay, Sa pag-ibig sa tanan.
4. Kami’y isang Tagapagligtas Na sa mundo’y
ihahayag; Ang kalungkutan ay tinahak, Nang
himukin ang lahat; Na sa Diyos ay humarap.
Koro
Kadiliman, ngayo’y lisanin, Liwanag ay s’yang tunguhin;
Ito’y si Cristo Hari natin, Na ilaw at pag-ibig.
154. MATAMIS NA PANGALAN
Ngalan ni Jesus ingatan, At siya ang nagpasan;
Pag-ako sa kamatayan, Nating lilo at banday.
2. Ngalan ni Jesus ibigin, Kalasag na patalim;
kaluluwang nagupiling, Magkusang gumising.
3. Ngalan ni Jesus isabog, Kapangyariha’y lubos;
Natindig at nayukayok, Sa kaniyang pag-ibig.
Koro
Ngalan na marangal, Matamis at dalisay;
Panlunas sa tanang, Tuwa ng sang kalangitan.
Ngalan, Marangal,
Panlunas sa tanang, tanang
156. KALOOBAN MO ANG S’YANG SUNDIN
Kalooban Mo ang s’yang sundin, Putik
ako na huhugisin, Ayon sa ibig Mo ay
gawin, Handa akong Iyong yariin.
2. Kalooban Mo nawa’y gawin, Ako
ngayon ay ‘yong subukin, Ako’y hugasa’t paputiin,
Nakatungong Ikaw hihintin.
3. Kalooban Mo ang s’yang sundin, Ako’y
tulungan, ang dalangin, Kapangyarihan ay sa Iyorin,
Hipuin Mo at pagalingin.
4. Sundin Mo ang ‘Yong kalooban, Ako’y
sakupin nang lubusan, Hanggang si Cristo ay mamasdang
Tanging sa aki’y tumatahan.
160. TUNAY KANG MATAPAT
Tunay kang matapat Diyos naming Ama, Di nagbabago,
di nag-iiba; Mahapon, matanghali, maumaga
Sa buong panahon, matapat ka!
2. Tag araw’t ulan at tag-ani, Araw, buwa’t
bituwin sa gabi, Nag-aawitang lagi’t sumasaksi,
Sa katapatan Mong anong laki!
3. Kapatawaran at kapayapaan, Manga pangako Mong
umaakbay; Lakas ngayo’t pag-asang sumisilang,
Ang lahat ng ito’y Iyong ibigay.
Koro
Tunay Kang matapat, Tunay Kang matapat, Araw-araw aking namamalas Ang Iyong
kabutihang walang kupas; Tunay Kang matapat sa paglingap.
161. ANG PANGINOO’Y SIYANG HUHUKOM
Kung ang tambuli ng Panginoon ay tumunog na, At ang
maligayang araw bumuka; Kung ang lahat ng tao’y
nagkakatipon naroon, Tatawagin ako ni Jesus doon.
2. Ang manga patay ay magbabangon sa araw na ‘yon.
Magsisiligaya sa Pangonoon, Kung lahat ng pinili sa
langit ay magkatipon, Tatawagin ako ni Jesus doon.
3. Bayaan akong mag-ingat hanggang Siya’y dumatal,
I tatanghal ko Kanyang kabutihan Upang ako ay masama
sa Kaniya kailanman, At huwag sa walang hanggang kamatayan.
Koro
Kung sa lahat ay magkatipon, Kung lahat ay magkatipon, Kung lahat ay magkatipon.
Kung lahat ay magkatipon roon, Kung lahat ay magkatipon roon, Kung lahat ay magkatipon roon.
163. SA PILING MONG HIRANG
Jesus kong ligayang tunay, At sa akin ay buhay,
Sa landas ng kahirapan, Natagpuan ay ikaw.
2. Hindi ang lugod at yaman, Ang hanap ko at dangal,
Kaya’t ang katotohanan, Natagpuan ay ikaw.
3. Iyong patnubayan ako, Sa aking paglalakbay,
Hanggang makarating ako Sa walang hanggang buhay.
Koro
Sa piling mong hirang, Sa piling mong hirang.
165. BUHAY KO’Y IBINIGAY
1. Buhay inihandog, Dugo N’ya’y nabuhos,
Nang ikaw’y matubos, Sa salang gumapos
Buhay N’ya ay idinulot, Anong ‘yong kaloob?
2. Langit ay iniwan, At tronong luklukan;
Lupa’y pinuntahan, Dahil sa naligaw;
Lahat na’y Kanyang nilisan, Ikaw ba’y nag-iwan?
3. Di kawasang hirap, Tiniis N’yang lahat,
Pait na masaklap, Ikaw nang maligtas;
Ito ay Kanyang binata, Babatahin mo ba?
4. Mula sa tahanan Sa kaitaasan,
Patawad ang taglay, Sa ‘yoy ibinigay,
Kaloob mo nakamit, Anong ipapalit?
168. SA BAWA’T SAGLIT AT BAWA’T ARAW
1. Sa bawa’t saglit at bawa’t araw, Sa
hirap may angkop na lakas; Kung Ama’y
pinagtitiwalaan, Ako’y walang kakatakutan.
S’yang puso’y pus-pos ng kaawaan.
T’wing araw laa’y mabuti lang,
kabahaging hapdi’t kasiyahan, pagpapagal at pahingalay.
2. Panginoo’y malapit t’wing araw,
pinakamit ka awa ang Sa pasanin Ko’y may
kaaliwan, Tagapayo’t kapangyarihan.
ang pag-iingat sa Kanyang anak.
Sa kanyang Sarili’y inatas; “lakas
mo’y kung ano ang ‘yong araw,“ Pangakong Kanyang iginawad.
3. Tulungan Mong sa kapighatian, Sa
Iyong pangako’y manangan, nang h’wag kong mawaglit
kaaliwan. Na sa Salita Mo’y ‘Yong laan.
Tulungan Mo upang kapagalan.
Ibilang buhay sa ‘Yong kamay.
Sa bawa’t saglit at bawa’t araw, Hanggang datnin ko ang ‘Yong bayan.
169. SA WALANG HANGGANG KAMAY
Matamis na pakikinayam, Sa piling ng Tagapagligtas
Laking biyaya’t kapayapaan, Sa Kaniya’y nararanasan.
2. Lumakad sa makipot an daan, Paakay sa Kaniyang kamay
Sa bawa’t araw lumiliwanag, Dahil sa Kaniyang patnubay.
3. Walang alin langa’t pagkatakot, Ang na sa sakamay ni Jesus,
Kapayapaan ang makakamtan, Kung si Cristo ay makapisan.
Koro
Hilig, sandal, Ligtas sa manga sakuna;
Hilig, sandal, Sa walang hanggang kamay Niya.
Laya sa sala, ligtas sa bakla,
Laya sa sala, ligtas sa bakla,
170. O! BUKAL NG PAGPAPALA
O! Bukal ng pagpapala, Awit ko ay itugma,
Daloy ng maraming awa, Awit Kang masagana,
Turuan akong umawit. Ng awit d’yan sa langit,
Sa bundok ako’y itindig. Bundok ng ‘Yong ibinayad.
2. Tulong Mo’y dito nakamtan, Pala Mo’y ibinigay,
Aasahan ko ay Ikaw, Hanggang kabilang buhay,
Si Jesus ang S’yang humanap, Sa aking natiwalag;
At nang upang mailigtas. Dugo N’ya’y ibinayad.
3. Ang habag Mo’y araw-araw, Buhay ko’y aking utang,
Kabutihan Mo’y ialay, Ako sa ‘Yo’y ipisan.
Ako ay naging lagalag, At nawaglit sa landas;
Puso ko ngayon ay tanggap, Lagyan ng Iyong tatak.
171. WALANG IBANG PANGALAN
Dinggin sa Apostol, Pedrong inihayag, “Talastasin
ninyong lahat“ Pangalan ni Jesu Cristong naghirap
S’ya lamang makapagliligtas.
2. “Kanino mang iba’y walang kaligtasan,” San nga
tayo hahanap? “Sa silong ng langit walang nabigay,
Na susukat nating ikaligtas.“
3. Magtiwala tayo sa Salita ng Diyos. Bakit mag
aalinlangan? Bakit aasa sa ibang pangalan?
Oh! h’wag kang suminsay sa daan.
4. Kas’yahang lubos ang kay Cristo’y malagak, Kaya’t sa
Kan’ya’y tumambad. Tiwasay tayo sa kamay ng Anak.
S’ya lamang makapagliligtas.
Koro
S’ya lamang... S’ya lamang... S’ya lamang makapagliligtas.
173. SI JESUS AY KAIBIGAN
Si Jesus ay kaibigan Sala’t hapis pinasan,
Anong laking karapatang Diyos panalanginan.
Gaanong kapayapaan, Ang malimi’t talikdan
Dahil sa kinaligtaang Diyos ay panalanginan.
2. May pagsubok ba’t tukso man Ligalig kahi’t saan,
H’wag tayong manlupaypay Dumalangin nga lamang.
May tapat bang kaibigang Kahati mo sa lumbay
Alam ating kahinaan Jesus ang dalanginan.
3. Mahina’t nabibigatan Sa sapin saping pasan,
Si Jesus ating kanlungan Siya ang dalanginan.
Hinamak ba’t iniwanan Ng manga kaibigan,
Bisi N’ya’y ating Tanggulan, Siya ang Kaaliwan.
첫댓글 이 찬송가 악보 파일은 이곳 카페에 올려져 있습니다.
안티폴로에서 교회를 개척사히는 어느 선교사님의 부탁으로 올립니다.
그리고 전곡을 타이프 하지 않은 것은 제가 아는 곳 위주로 하다보니 그렇게 되었습니다.
좋은 자료 감사합니다.