|
|
Ang tanging tagapagligtas, si Jesu-Kristo(Gawa 4:12)
Gawa 4:12 “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”
Batiin natin ang ating katabi. Si Hesus ang natatanging tagapagligtas.
Marapat na Panginoon. Sa oras na ito, sinasamba ka namin. Salamat sa pagsamba sa amin at pagtanggap ng aming pagsamba. Ngayong araw, sa pamamagitan ng iyong salita kami ay magsasabi ng "Amen" at nawa’y tanggapin mo ang aming luwalhati. Hayaan mo kaming paniwalaan ang katotohanang si Hesus ang natatanging tagapagligtas at para magkaroon ng naguumapaw na pasasalamat. Sa ngalan ni Hesus, kami ay nanalangin, Amen.
Ang sinumang magsisimba ay kailangang malaman kung sino si Jesu-cristo at kung ano ang kanyang ginawa. Bakit? Dahil si Hesu-kristo ng Nazareth ang pangalan ng ating tanging Tagapagligtas. Ngunit, makikita natin na maraming miyembro ng simbahan ay walang abilidad na malaman ang tungkol kay Hesu-kristo. Lahat kayo, gaano karami ang alam niyo tungkol kay "Hesukristo"
Sino ba si Hesus? Patungkol dito, napakaraming haka-haka.
Pero dapat nating malaman kung sino si Hesus ng tama.
1. Si Jesucristo ng Nazareth ang tanging Tagapagligtas.
Una ganito ang patotoo kay Hesus.
Juan 14:6 "Sumagot si Jesus," "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."
Pangalawa, Si Pedro, ang disipulo ni Hesus ay ganito ang patunay.
Gawa 4:12 “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”
Totoo yan, Maliwanag na ginawa itong malinaw ng bibliya. Si Hesus lamang ang buhay, ang daan at ang ngalan na maari tayong magkaroon ng walang hanggan. Samakatuwid, walang sinuman ang maaring maging tagapagligtas. Kung siya ay isang tagapagligtas, dapat siyang magkaroon ng mga kwalipikasyon na dapat niyang taglayin.
2. Si Jesus ay may dalawang kwalipikasyon bilang tanging tagapagligtas.
1) Siya ay walang kasalanan.
1 Juan 3:5 Nalalaman ninyong naparito si Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan; at siya'y walang kasalanan.
Kung ang tagapagligtas na namatay dahil sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay gumawa ng kasalanan, ano ang mangyayari? Ang kamatayan ay walang saysay.
Ang isang nakakaawa na bagay ay ang lahat ay makasalanan.
Dahil ang mga taong ipinanganak bilang inapi ni Adan ay ipinanganak ng may orihinal
na kasalanan. Pero si Hesus ay walang kasalanan dahil siya ay ipinanganak ng birheng Conception si Maria sa pamamagitan ng espirito santo.
Ngayon, ang iniisip ng mga Katoliko na si Maria ay may pagka-Dios, itinuturo na si Mari
at ipinanganak na walang orihinal na kasalanan at nabuhay muli at iniangat sa langit.
Pero ito ay isang malaking kamalian na itinuro, Si Maria ay isang tao na may orihinal na kasalanan tulad natin. Amen. Sa kabila nito, pinili ng Diyos si Maria at hiniram ang kanyang sinapupunan bilang kasangkapan. Ito ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang espesyal na laan para sa kaligatasan ng sangkatauhan. Dahil dito, Ginamit si Maria bilang banal at espesyal na kasangkapan ng Diyos. Ang mga tao ang nagiging banal na kagamitan ng Diyos kapag siya ay ginamit sa harapan ng Diyos.
Ito ay katulad din sa mga nangyayari sa atin sa kasalukuyan.
Kapag sinalubong natin si Hesus, ang espirito santo ay lalapit sa atin at bubuhayin tayong muli. Kaya’t gagawin niya tayong mga anak ng Diyos at sasabihin na tayo ay tapat. Sa ganitong paraan, tayo ay nagiging banal na anak ng Diyos na sumasampalataya sa Diyos.
Ang Panginoon ay banal. Kaya’t kapag ang Diyos ay pumasok sa ating isipin, tayo ay nagiging banal na mga tao ng Panginoon
Gayundin, kapag lumapit ang Diyos kay Maria, si Maria ay nagiging banal na tao.
Kung gayon, ang sinapupunan ni Maria ay nagiging banal na sangtwaryo kung saan ang Diyos na siyang nabubihay sa salita at dumadating sa katawan.
Ang Diyos ang ganap na nilalang kaya’t hindi siya maiuugnay sa kasalanan.
Bagkus, siya ang mamatnugot na hukom, ang paghuhukom ay isang kasalanan
Kaya’t maging isang instrumento ng Diyos, ang ganap na banal na nilalang.
Sa ibang salita, Ang gawa ng Diyos ay banal. Ang pagiging instrumento ng Diyos ay pagiging isang banal na kagamitan.
Dahil diyan, Si Hesus ay iniliwal ng Espirito Santo at dumating sa mundong ito bilang isang kinatawan upang maging salita sa walang pakundang ang kasalanan.
3) Pangalawa, siya ay isang tao.
Si Jesus ang Salita na nagkatawang-tao at naparito sa mundong ito.
Juan 1:14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Mahal na kapananampalataya, kung ang isang nilalang ang na siyang kapalit ng kasalanan ng tao ay isa lamang hamak na tao, ano ang mangyayari?
Kahit na ang tao ang sumasalo at nagbibigay ng sakripisyo sa maraming tupa at bulo,ang kasalanan ng tao ay hindi tunay na malulutas.
Sa dahilang ito, ang isang tagapagligtas ay hindi dapat isang tao na tulad natin.
Ang katibayan sa Bibliya ay nagpapakita na si Hesus ay dumating sa mundong ito bilang perpektong tao. Si Hesus ay nailuwal sa pamamagitan ni Maria, isang babae, sa tulong ng espirito santo upang magkaroon ng katauhang katawan. At, siya ay dumating sa mundong ito bilang isang tao ng may katulad na pamamaraan ng pangaganak tulad natin. Alinsunod ditto, si Hesus lamang ay may dalawang kakayahang ganito. Maliban kay Hesus, walang sinuman ang may ganitong katulad na kakayahan.
3. Pangatlo, Kung gayon, ano ang ginawa ni Hesus para tayo ay mailigtas?
1) Siya ay namatay sa krus at nabuhay muli matapos ang 3 araw na kamatayan.
1Corinto 15:3-8 Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan; 5 at siya'y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. 6 Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limamangdaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buhay pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan. 7 At napakita rin siya kay Santiago at pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol. 8 Sa kahuli-huliha'y napakita rin siya sa akin, kahit na ako'y tulad ng isang batang ipinanganak nang wala sa panahon.
Romans 4:25 Siya'y ipinapatay dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala.
Ang katotohanan na si Hesus ay namatay at muling nabuhay sa ikatlong araw ay nagpapatunay na siya ang Diyos na lumupig sa kamatayan at siya ang Tagapagligtas.
2) At siya ay nanatili sa kapiling ang kaniyang mga disipulo sa loob ng apatnapung araw at siya ay naiangat sa langit.
Gawa 1:10-11 Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumutaw sa tabi nila. 11 sabi nila, "kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya."
Si Jesus ay umakyat sa langit habang ang mga disipulo ay nanonood.
Nang magkagayo'y nagpakita ang dalawang anghel na nakaputi at nagsabi, "Itong si Jesus, na inakyat sa langit, ay paririto sa paraang katulad ng nakita ninyong umakyat sa langit." Ang pagbabalik ni Hesus sa parehong paraan tulad ng nakita natin na pumunta siya sa langit ay tinatawag na Ikalawang Pagdating sa himpapawid.
Ang pangalawang pagdating ay kung saan siya ay darating na lahat ay makakakita sa kaniya saan pa man. Sa oras na ito, ang mga tapat na tao na siyang may tiwala ay maiaangat; ang mga makasalanan at ang mga taong hindi nagsisisi sa kanilang kasalanan ay iiwanan. Gayundin, ang mundong ito ay magiging puno ng kaguluhan at ang paghuhukom ng Diyos ay ililitis. Samakatuwid, nawa’y magkaroon kayo ng katapatang loob na magtiwala na si Hesus ng Nazareth lamang ang natatanging tagapagligtas.
4. Kung gayon ano ang kaloob na ibinibigay ng Diyos sa mga naniniwala?
1) kaligtasan ng pamilya
Gawa 16:31 Sumagot naman sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."
Ang ibig sabihin ng kaligtasan ay ang pagkaligtas natin mula sa kamatayan at pagkawasak na galing sa lahat ng ating kasalanan at kaparusahan.
Ang ibig sabihin ng pagpasan ng krus ni Hesus sa kaniyang balikat ay ang pagkuha sa lahat ng ating kasalanan at kaparusahan at si Jesus ay nabuhay matapos ang tatlong araw ng pagkamatay ay ang pagligtas sa atin mula sa kamatayan at kaguluhan.
2) Ang regalo ng Diyos sa mga mananampalataya ay buhay na walang hanggan.
Juan 6:47 "Pagkatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan."
Ano ang buhay na walang hanggan? Sinasabi ng Juan 17:3.
Juan 17:3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.
Sinabi niya na ang buhay na walang hanggan ay ang makilala ang Diyos at si Jesu-Kristo na kanyang isinugo. Sa madaling salita, ang buhay na walang hanggan ay ibinibigay sa atin sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at kay Hesus na kanyang sinugo.
Sa pangkalahatan, ang pag-alam ay kinabibilangan ng pag-alam sa pamamagitan ng kaalaman at pag-alam sa pamamagitan ng puso. Maraming tao ang nauunawaan at iniisip ang pananampalataya bilang isang antas ng kaalaman sa sarili. Ang mga nag-iisip ng pananampalataya na may sariling kaalaman ay hindi pa masasabing mga mamamayan ng langit.
Mas mahalaga na maniwala at tanggapin nang buong puso kaysa malaman ito nang intelektwal.
Kung ikaw ay isang mananampalataya, dapat mong maranasan ang pagiging ipinanganak na muli. Ang mga naniniwala sa kanilang puso at ipinanganak na muli ay magtatamasa ng buhay na walang hanggan. Ang ibig sabihin ng walang hanggan ay ang magpakailanmang buhay. At ito ay isang buhay na relasyon sa pagitan natin at ang Diyos.
Ating tingnan ang 1Juan 5:11-12.
1Juan 5:11-12 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan, ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.
Sa puntong ito, sino ang nagbibigay ng walang hanggang buhay? Ang Diyos,
Sa gayon saan itong walang hanggang buhay? Nasa kanyang anak.
Ang mga salita na mayroong buhay sa anak ng Diyos at walang buhay ang mga taong hindi naniniwala sa anak ng Diyos. Kung gayon, para sa iyo, mayroon bang walang hanggang buhay? Sa kabilang banda, mayroon bang Hesus sa loob mo?
Kung mayroong Hesus sa iyong loob, paano mo mapapatunayan ito?
Ang mga Kristiyano ay may misyon na magpatotoo tungkol kay Hesus.
Gusto mo bang mamuhay sa buhay ng isang saksi ni Hesus?
Ipinapangako mo bang iaalay mo ang buong buhay mo kay Hesus?
Kung gayon, ikaw ay magiging isang disipulo ni Hesus.
Si Jesu-cristo ng Nazareth ang ating tanging Tagapagligtas. Amen
Manalangin tayo ng sabay sabay.
Makapangyarihan aming panginoong diyos, pinupuri at munamahal ka namin.
Salamat sa pagiging pasan sa krus para sa amin at pagbibigay sa amin ng walang hanggang buhay. Sa 2023, nais naming maging kami na naghahatid ng pag-ibig ng kamangha-manghang Panginoong ito. Kaya naman maraming pinuno ang gustong malikha. Nais naming magkaroon ng malaking pagbabangon. Panginoon tulungan niyo kami. Sa ngalan ni Hesus kami ay nagdarasal, Amen.
