|
What does “to believe in Jesus”?
Ano ang ibig sabihin ng “manampalataya kay Jesus”?
제목: 예수를 믿는다는 것 이 무엇인가?
Text James 2:14, 22, 26.
James 2:14What good is it, my brothers, if a man claims to
James 2:14 Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya?
James 2:14 내 형제들아 만일 사람이 믿음이 있노라 하고 행함이 없으면 무슨 이익이 있으리요 그 믿음이 능히 자기를 구원하겠느냐
James 2:22 You see that his faith and his actions were working together, and his faith was made complete by what he did.
James 2:22Diya'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa.
2:22 네가 보거니와 믿음이 그의 행함과 함께 일하고 행함으로 믿음이 온전케 되었느니라
James 2:26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead
James 2:26 Patay ang katawang hiwalay sa espiritu; gayon din naman, patay ang pananampalatayang hiwalay sa mga gawa.
약2:26 영혼 없는 몸이 죽은 것같이 행함이 없는 믿음은 죽은 것 이니라
There are two million two hundred thousand (2,200,000)Christians all over the world.
예수를 믿는 사람이 전 세계 22억명(2200milion)이나 된다고 합니다.
They confess, “I am a Christian.”
Sina sabi nila, “Cristiano ako.”
이들은 나는 크리스챤이요 라고 고백하는 사람들입니다.
Are they all born- again Christians and true believers in Jesus?
Lahat ba sila ay ipinanganak na muli at mga tunay na mananampalataya kay Jesus?
그러나 이들 모두가 거듭난 크리스챤이며 이들 모두가 참 예수를 믿는 자들입니까?
Many Filipinos say, "I am a born- again Christian"
Maraming Pilipino ang nagsasabing, “ Ako ay ipinanganak na muli.”
필리핀에도 많은 사람들이 나는 중생한 크리스챤이요 라고 하였습니다.
But their daily life is not what the Bible says of a Christian.
Ngunit ang buhay nila ay hindi ayon sa sinasabi ng Biblia bilang Cristiano.
그런데 그들의 생활을 보면 성경이 말하는 예수 믿는 사람이 아닌 것 같습니다.
Many nations in the world have established Christianity as a state religion in the last centuries.
Nitong mga huling nakaraang siglo, ginawang pambansang-relihiyon ng maraming bansa sa mundo ang Cristianismo.
지구상에 많은 나라들이 과거에 수백년 동안 기독교 신앙을 국교로 하였습니다.
People were brought up in Christian culture and naturally confessed "I am a Christian."
Ang mga tao ay lumaki sa kulturang Cristiano at mangyari pa, sinasabi nila “ Ako ay Cristiano.”
그렇기 때문에 자연스럽게 기독교 문화 속에 자란 사람들이 나는 크리스챤이라고 고백합니다.
They attend Sunday worship service, sing Gospel songs or Hymns and pray at mealtime.
Nagsisimba sila tuwing Linggo, kumakanta ng ebanghelyo o mga himno at nagdarasal sa oras ng pagkain.
주일날 이면 교회에 가고 복음송도 찬송가도 부르고 식사 기도도 합니다.
They don't refuse christian culture.
Hindi nila inaayawan ang kulturang Cristiano.
기독교적 문화에 거부반응이 없습니다.
However, their way of thinking is tantamount to that of unbeliever.
Gayun pa man, ang kanilang pag-iisip ay katulad ng isang hindi mananampalataya.
그럼에도 그들의 사고방식은 불신자들과 다를바 없습니다.
Their life has become perverted, and they enjoy the pleasures of senses.
Naging makasalanan sila, at nagpapakasaya sila sa makamundong mga bagay.
그런데 그들의 생활은 여전히 성적으로 타락하고 불신자들과 다를 바 없이 세상적인 것을 좋아 합니다.
But they think they can just enter Heaven.
Ngunit sa tingin nila makakapasok pa din sila sa Langit.
그러면서도 그들은 당연히 천국 갈 것이라고 생각 합니다.
Indeed, what is “to believe in Jesus?”
Ano nga ba ang “manampalataya kay Jesus?”
참으로 예수를 믿는다는 것이 무엇인가?
The Bible states what believing in Jesus means.
Binabanggit sa Biblia kung ano ang ibig sabihin ng pananampalataya kay Jesus.
성경이 말하는 예수 믿는 다는 것이 무엇인가?
Let us know that and become Christians who truly believe in Jesus.
Alamin natin ‘yan at maging tunay na Cristiano tayo na nananampalataya kay Jesus.
우리가 성경을 통하여 깨닫고 참 예수를 믿는 성도가 됩시다.
1. Accept Jesus as your Savior.
Tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas.
1. 예수를 구주로 받아들이는 것이다.
The first step to believe in Jesus is to be aware of being a sinner! “I am a sinner!”
Ang unang hakbang upang manampalataya kay Jesus ay ang malaman mo na ikaw ay makasalanan. “Ako ay makasalanan!
예수를 믿는 다는 것은 첫 단계로 먼저 나는 죄인임을 인식하는 것입니다.
And I ought to go to everlasting Hell because of my great transgressions and sins.
At nararapat na mapunta ako sa impiyerno dahil sa aking matinding pagsuway at mga kasalanan.
나의 허물과 죄로 인하여 나는 영원한 지옥에 들어갈 사람입니다.
I was dead (my soul) in my transgressions and sins. (Ep2:1)
나의 죄와 허물로 나의 영혼은 죽었습니다.
But Jesus Christ the son of God came into the world for me and He bore my sins and died on the cross instead of me.
Ngunit dumating sa mundong ito si Jesu-Cristo, pinasan Niya ang aking mga kasalanan at namatay sa krus para sa akin.
그러나 하나님의 아들 예수 그리스도가 이 세상에 오셔서 나의 죄를 대신 지시고 십자가에 달려 죽어 셨습니다.
The Savior who rescued me from punishments of my sins is only Jesus.
Si Jesus lamang ang Tagapagligtas na nagpalaya sa akin sa kaparusahan ng aking mga kasalanan.
그래서 나를 이 죄악의 형벌로부터 구해줄 구주는 오직 예수님 한분 뿐입니다.
1Ti 2:5For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus,
1Ti 2:5 Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.
딤전2:5 하나님은 한분이시오 하나님과 사람사이의 중보도 한분이시니 그리스도 예수라
1Ti 1:15 Here is a trustworthy saying that deserves full acceptance: Christ Jesus came into the world to save sinners--of whom I am the worst.
1Ti 1:15 Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi't paniwalaan ng lahat: si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat.
딤전2: 15미쁘다 모든 사람이 받을 만한 이 말이여 그리스도 예수께서 죄인을 구원하시려고 세상에 오셨다 하였도다. 내가 죄인 중에 괴수로다.
Only Jesus is my Savior.
Si Jesus lamang ang aking Tagapagligtas.
예수님은 나의 구주입니다.
He saved my soul from the eternal punishments of hell.
Iniligtas Niya ang aking kaluluwa mula sa walang-hanggang kaparusahan ng impiyerno.
나를 영원한 지옥 형벌에서 구원할 영혼의 구주입니다.
He is the Savior not only of my soul but also of my whole life.
Siya ay Tagapagligtas hindi lamang ng aking kaluluwa kundi ng aking buong buhay.
구원자란 오직 영혼의 구원자만이 아니라 나의 삶의 모든 것의 구원자입니다.
When I am weak and sick and poor, it is only Jesus who delivers me.
Kapag ako’y nanghihina, nagkakasakit at naghihirap, si Jesus lamang ang nagpapalaya sa akin.
내가 약할 때 아플때 가난할 때 오직 나를 구원할이는 예수입니다.
The salvation I received is by the power of the cross of Jesus without me doing anything. Jesus' blood relieved me.
Ang kaligtasang aking natanggap ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng krus ni Jesus hindi sa aking sariling gawa. Pinalaya ako ng dugo ni Jesus.
내가 구원받은 것은 오직 예수 그리스도의 십자가의 능력이며 나는 아무것도 할수 없습니다. 예수 그리스도의 피가 나를 살리셨습니다.
To acknowledge all of this is true faith.
Ang pagtanggap sa lahat ng ito ay tunay na pananampalataya.
이것을 인정하는 것이 참 믿음이다.
But these days, Christian denominations have the fault of denying the uniqueness of our Savior Jesus in this world.
Ngunit sa panahong ito, ipinagkakaila ng maraming sekta ng Cristianismo ang katangian ng ating Tagapagligtas na si Jesus sa mundong ito.
그러나 오늘 세계기독교협의회나 다른 잘못된 기독교 종파는 예수님만이 유일하신 인류의 구원자 임을 부인합니다.
They insist that other religions have also the way to salvation and
God is God of love who doesn't throw good people into hell.
Pinipilit nila na ang iba pang relihiyon ay nakapagliligtas din at ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at hindi nagtatapon ng mabubuting tao sa impiyerno.
다른 이방 종파에도 구원이 있다. 하나님은 사랑의 하나님이신데 착하게 살려고 하는 사람들을 지옥에 보내지는 않는다 고 주장합니다.
They insist that Christians must give up being self-righteous in believing that only Jesus is the Savior, and should accept other religions.
Pinipilit nila na dapat isuko ng mga Cristiano ang pagiging mapagmagaling sa paniniwalang si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at dapat din na tanggapin nila ang iba pang relihiyon.
그들은 크리스챤은 오직 예수만이 구주로 믿는 독선을 버려야 한다고 주장합니다.
그리고 다른 종교도 받아들이라고 합니다.
Nowadays, on Christmas season in Korea, Buddhist priests visit Christian churches and greet Christians on the birth of Jesus.
Sa panahong ito, tuwing kapaskuhan sa Korea,bumibisita ang mga Budista sa mga simbahang Cristiano upang bumati sa kapanganakan ni Jesus.
그래서 한국에서는 성탄절에 불교 승려가 교회에 찿아 와서 예수탄생을 축하 해줍니다.
Also on Buddha’s birth day, some churches’ pastors visit Buddhist temples to greet Buddhists.
Gayun din naman, bumibisita din ang ibang mga pastor sa mga templo ni Buddha upang batiin ang mga Budista sa kaarawan ni Buddha.
역시 석탄일에 어떤 교회 목사가 절에 찾아가 석가탄일을 축하를 해줍니다.
But the Bible says in John 14:6 Jesus answered, "I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.
Ngunit sinasabi ng Biblia sa Juan 14:6 Sumagot si Jesus, “ Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
그러나 성경은 요14:6에 내가곧 길이요 진리요 생명이니 나로 말미암지 않고는 아버지께로 올자가 없느니라
Acts 4:12 Salvation is found in no one else, for there is no other name under heaven given to men by which we must be saved.
Acts 4:12 Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.""
행4:12에 천하에 구원받을 다른 이름을 주신일이 없느니라 하였습니다.
Only Jesus is the Savior in this world and there is no other way to redemption except through Jesus.
Si Jesus lamang ang Tagapagligtas sa mundong ito at wala nang ibang paraan patungo sa kaligtasan maliban kay Jesus.
오직 예수님만이 이 세상의 구주이며 예수 외에 다른 구원의 길은 없습니다.
India has numerous gods.
Maraming mga diyus-diyosan ang India.
인도에는 많은 신들이 있습니다.
They even worship cows.
Sinasamba nila maging ang baka.
그들은 소 조차도 우상으로 섬깁니다.
They don't eat beef although they are hungry.
Hindi sila kumakain ng karne ng baka kahit na gutom sila.
그들은 배고파 주려도 소고기를 먹지않습니다.
The number of gods in India is more than the number of its people.
Ang bilang ng diyus-diyosan sa India ay mas marami kaysa sa mga tao dito.
인도는 신들의 수가 인도국민들 수 보다 더 많습니다.
An Indian was attending a church.
May isang Indian na dumadalo sa simbahan.
한 인도인이 교회를 나왔습니다.
One day, after confessing "I believe in Jesus", he eagerly started attending the church.
Isang araw, matapos niyang ipahayag na “ Sumasampalataya ako kay Jesus”, naging masigasig siya sa pagsisimba.
어느날 그는 나는 예수를 믿습니다. 고백 하였습니다.
One day the church pastor visited his house.
Isang araw, bumisita ang pastor ng simbahan sa kanyang bahay.
하루는 목사님이 그 집을 방문하였습니다.
He saw that one room in the Indian’s house was idols’ room.
Nakita niya na ang isang kuwarto sa bahay ng Indian ay para sa diyus-diyosan.
그 목사님은 인도인의 집에 방하나가 우상의 방인 것을 보았습니다.
So many idols were arranged in the room and the last one was a picture of Jesus.
Maraming diyus-diyosan ang nakahanay doon at ang huli ay ang larawan ni Jesus.
많은 우상들이 진열되어 있고 예수님의 사진이 마지막에 있었습니다.
The Pastor asked him, "what are those idols?”
Tinanong siya ng pastor, “Ano ang mga diyus-diyosang iyon?”
목사님이 그에게 물었습니다. “ 이 우상들은 무잇이요?
He said, "Those are my gods. I worship them every day.”
Iyon ang aking mga diyus-diyosan. Sinasamba ko sila araw-araw.”
그는 이것들은 나의 신들입니다. 나는 그들에게 매일 예배 합니다.
If I get in trouble, I expect that those gods will deliver me.
Kapag may problema ako, inaasahan ko na ang mga diyus-diyosang iyon ang magliligtas sa akin.
만약에 내가 어려움을 당하면 이신들이 나를 구해줄 것을 기대 합니다.
Jesus is also one of them.”
Si Jesus ay isa sa kanila.”
예수도 그들 중에 한분입니다.
Jesus is not one of the idols.
Si Jesus ay hindi isa sa mga diyus-diyosan.
예수님은 우상가운데 하나가 아닙니다.
He is the son of God and He is God.
Siya ay Anak ng Diyos at Siya ay Diyos.
그는 하나님의 아들이며 하나님이십니다.
God the Father and the Son of God and the Holy Spirit are our only God and all the other gods are just idols.
Ang Diyos Ama at ang Anak ng Diyos at ang Banal na Espiritu ay ang tangi nating Diyos at ang iba pang diyos ay pawang mga diyus-diyosan lamang.
성부와 성자와 성령만이 우리가 섬길 하나님이시며 그 외 신들은 우상입니다.
They are not true God.
Sila ay hindi totoong Diyos.
그들은 참신이 아닙니다.
Our Savior is only one and that is Jesus Christ.
Iisa lamang ang ating Tagapagligtas at Siya ay si Jesu-Cristo.
우리의 구원자는 오직 예수 한분입니다.
To believe in Jesus is to recognize Him as your only Savior.
Ang manampalataya kay Jesus ay pagkilala sa Kanya bilang iyong Tagapagligtas.
예수를 믿는다는 것은 오직 예수님만이 당신의 구주임을 인식하는 것입니다.
2. Accept and obey Jesus as your King and your Lord.
Tanggapin at sumunod kay Jesus bilang iyong Hari at Panginoon.
Unbelievers in Jesus are servants of Satan.
Ang mga hindi mananampalataya kay Jesus ay alipin ni Satanas.
2. 예수님을 나의 왕으로 주인으로 맏아들이고 복종하는 것입니다.
Ep2:2 Unbelievers followed the ways of this world and of the ruler of the kingdom of the air. The ruler of the kingdom of air is Satan.
Ep2:2 Sinunod ninyo noon ang masamang takbo ng sanlibutang ito at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail.
엡2:2 불신자들은 세상풍속을 쫓고 공중 권세잡은 자를 따릅니다. 공중권세 잡은자란 사단을 말하는 것입니다.
When I believed in Jesus and confessed Him as my Savior, Jesus paid out the price of punishments of my sins with His blood and released me from the power of Satan and hell.
Noong sumampalataya ako kay Jesus at ipahayag na Siya ang aking Tagapagligtas, binayaran ng dugo ni Jesus ang kaparusahan ng aking mga kasalanan at pinalaya Niya ako sa kapangyarihan ni Satanas at ng impiyerno.
우리가 예수를 믿고 예수를 나의 구주로 고백할 때에 예수님은 사단의 종이였던 우리를 자신의 피로 값 주고 사서 사단의 권세 지옥의 권세에서 해장시켰습니다.
Now I am no longer a servant of Satan but a servant of Jesus.
Ngayon, hindi na ako alipin ni Satanas kundi ni Jesus.
이제 나는 더 이상 사단의 종이 아니고 예수그리스도의 종입니다.
Because He is the King of the all world and the King of Kings, therefore I belong to the people of His nation and His servants.
Dahil Siya ay Hari ng sandaigdigan at Hari ng lahat ng Hari, ako ay kabilang sa Kanyang bayan at mga alipin.
왜냐하면 그는 온 세상의 왕이며 왕중의 왕이요 그러므로 나는 그의 나라에 속하여 있고 그의 종인 것입니다.
The Bible refers to us as servants.
Ayon sa Biblia, tayo ay mga alipin.
성경은 우리를 종으로 비유 하고 있습니다.
Servants ought to obey the Lord's order.
Marapat lamang na sundin ng alipin ang utos ng Panginoon.
종은 주인의 명령에 복종합니다.
Servants don't have the right of self decision.
Walang karapatang magkaroon ng sariling desisyon ang alipin.
종은 자신의 결정권이 없습니다.
He always submits himself to His Lord.
Lagi siyang nagpapasakop sa kanyang Panginoon.
종은 항상 그의 주인에게 복종해야 합니다.
All his rights belong to his Lord.
Ang lahat ng karapatan niya ay pag-aari ng kanyang Panginoon.
모든 권한은 주인에게 속하여 있습니다.
In the same way, if you believe in Jesus, you submit to your Lord Jesus' commands.
Gayun din naman, kung ikaw ay sumasampalataya kay Jesus, magpapasakop ka sa Kanyang mga utos.
이 같이 예수를 믿으면 당신의 주인 되시는 예수님의 명령에 복종해야 합니다.
Many Christians recognize Jesus as their Savior but don't accept Him as their King and don't submit to Him as their Lord.
Maraming Cristiano ang kumikilala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ngunit hindi nila Siya tinatanggap na kanilang Hari at hindi sila nagpapasakop sa Kanya bilang kanilang Panginoon.
많은 크리스챤들이 예수를 나의 구주로는 인식 하는데 왕으로 받아들이지 않고 주인으로 인정하여 복종하지 않습니다.
When they live well and have no health problems, they don't need Jesus.
Kapag sila ay namumuhay nang maayos at walang problema sa kalusugan, hindi nila kailangan si Jesus.
잘 살 때 건강할 때 예수님이 그들에게 필요 없습니다.
They think of Jesus as their “daddy long-legs (a benefactor).
Nakikita nila si Jesus bilang “tagapagpala”.
그들은 생각하기를 예수님을 키다리 아저씨(인심 좋은 후원자) 로 생각합니다.
But when they are distressed in life, they call Jesus as helper.
Ngunit kapag sila ay namimighati sa buhay, katulong ang turing nila kay Jesus.
그러나 그들의 생활에 어려움이 올때 그들은 예수님을 도우미로 부릅니다.
They think of Jesus as their servant or a helper who can be called on in times of need.
Ang tingin nila kay Jesus ay isang alipin o katulong na puwedeng tawagin kapag kailangan nila.
그들은 예수님을 필요할 때에 부르는 종이나 도우미 정도로 생각 합니다.
But Jesus isn't your helper.
Ngunit hindi ninyo katulong si Jesus.
그러나 예수님은 당신의 도우미가 아닙니다.
Jesus isn't a 911 member waiting for your calamity to strike.
Si Jesus ay hindi miyembro ng 911 na naghihintay kapag may nangyaring kalamidad sa inyo.
예수님은 당신이 재난을 닥쳤을 때 구하여 주는 119 구급대원이 아닙니다.
He is our King of Kings.
Siya ay Hari ng mga Hari.
그는 우리의 왕입니다.
He is our Lord of Lords in this world.
Siya ay Panginoon ng mga Panginoon sa daigdig na ito.
그는 우리의 만유의 주인입니다.
3. Clothe yourself with Jesus.
Isuot mo ang buhay ni Jesus.
3. 예수로 옷 입는 것 입니다.
Gal 3:27 for all of you who were baptized into Christ have clothed yourselves with Christ.
Gal 3:27 Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Cristo ay pinananahanan ni Cristo.
갈3:27 누구든지 그리스도와 합하여 세례를 받은 자는 그리스도로 옷 입었느니라
Rom 13:14 Rather, clothe yourselves with the Lord Jesus Christ.
Rom 13:14 Ang Panginoong Jesu-Cristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay
롬13:14 오직 주 예수 그리스도로 옷 입고 정욕을 위하여 육신의 일을 도모하지 말라
The Bible says "Clothe with Jesus."
Sinasabi ng Biblia, “ Isuot ang buhay ni Jesus.”
성경은 우리에게 예수로 옷 입어라 합니다.
Clothes show one's occupation or personality.
Ipinapakita ng kasuotan ang trabaho ng isang tao o ang kanyang personalidad.
옷은 개인의 인격을 나타냅니다.
Soldiers wear military uniform.
Nagsusuot ng pangmilitar na uniporme ang mga sundalo.
군인은 군복을 입고
Students wear school uniform.
Nagsusuot ng pang-paaralang uniporme ang mga mag-aaral.
학생은 교복을 입습니다.
Employees wear their company uniform.
Nagsusuot ng pangkompanyang uniporme ang mga empleyado.
직장인은 회사의 유니폼이 있습니다.
In the same way, Christians wear uniform too and that is Jesus Christ.
Kagaya rin nito, ang mga Cristiano ay nagsusuot din ng uniporme at iyan ay si Jesu-Cristo.
이같이 크리스챤은 예수로 옷 입어야 합니다.
Anywhere a Christian goes, he gives off the smell of Jesus’ aroma and reflects Jesus’ image.
Saan man magpunta ang isang Cristiano, naaamoy ang halimuyak at nakikita ang larawan ni Jesus sa kanya.
크리스챤이 어디를 가든지 예수의 향기와 예수의 형상을 나타내야 합니다.
The color of Christians’ clothes is white.
Ang kulay ng kasuotan ng mga Cristiano ay puti.
크리스챤의 옷 색깔은 희색입니다.
The Bible tells us, " be dressed in white.”
Sinasabi sa atin ng Biblia, “magdamit ng puti.”
성경은 우리에게 흰옷을 입어라고 합니다.
Rev 3:4 dressed in white 3:5 be dressed in white.
Rev 3:4-5"Gayunman, may ilan diyan sa Sardis na nag-ingat at napanatiling malinis ang kanilang damit, kaya't magiging kasama-sama ko silang nakasuot ng puti sapagkat sila'y karapat-dapat.
Ang magtatagumpay ay daramtan din ng puti, at hindi ko aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilanlin ko siya sa harapan ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
계3:4 그러나 사데에 그 옷을 더럽히지 아니한 자 몇 명이 네게 있어 흰 옷을 입고 나와 함께 다니리니 그들은 합당한 자인 연고라 5 이기는 자는 이와 같이 흰 옷을 입을 것이요 내가 그 이름을 생명책에서 반드시 흐리지 아니하고 그 이름을 내 아버지 앞과 그 천사들 앞에서 시인하리라
What kind of clothes are these?
Anong uri ng kasuotan ito?
이것은 무슨 종류의 옷입니까?
Rev 19:8 Fine linen stands for the righteous acts of the saints.
Rev 19:8 "pinagsuot siya ng malinis at puting-puting lino."" Ang lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.
계19:8 그에게 허락하사 빛나고 깨끗한 세마포를 입게 하셨은즉 이 세마포는 성도들의 옳은 행실이로다 하더라
Rev 7:14 they have washed their robes and made them white in the blood of the Lamb.
Rev 7:14 ""Hindi ko po alam,"" tugon ko. ""Kayo ang nakaaalam."" At sinabi niya sa akin, ""Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit."
계7:14 내가 가로되 내 주여 당신이 알리이다 하니 그가 나더러 이르되 이는 큰 환난에서 나오는 자들인데 어린 양의 피에 그 옷을 씻어 희게 하였느니라
The Christian's clothes must be righteous acts just like what Jesus’ did in His life.
Ang damit ng Cristiano ay ang kanyang mga mabubuting gawa gaya ng ginawa ni Jesus sa Kanyang buhay.
크리스챤의 의복은 그들의 생활 가운데서 예수처럼 의로운 행동을 해야 합니다.
In this world, a Christian's deeds must be different from those of worldly people.
Sa mundong ito, ang gawa ng isang Cristiano ay dapat kakaiba sa mga makamundong tao.
이 세상에서 크리스챤의 행동은 세상 사람들과 달라야 합니다.
Your fellow workers should find you as witness of Jesus.
Dapat makita ng iyong mga kasamahan sa trabaho na ikaw ay patunay ni Jesus.
당신의 회사의 동료들이 당신을 예수의 증인으로 발견해야 합니다.
You must die so Jesus can live in you.
Dapat kang mamatay upang mamuhay si Jesus sa iyo.
당신이 죽고 예수가 당신안에 살아야 합니다.
Your fellow workers should be able to see that you are dressed with Jesus.
Dapat Makita ng mga katrabaho mo na suot mo ang buhay ni Jesus.
당신의 동료가 당신이 예수로 옷 입고 있는 것을 보아야 합니다.
1 peter 4:11 If anyone speaks, he should do it as one speaking the very words of God. If anyone serves, he should do it with the strength God provides.
1 peter 4:11 Ikaw ba'y tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang siya'y papurihan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
벧전4:11 누가 말하려면 하나님의 말씀을 하는 것 같이하고 누가 봉사하려면 하나님의 공급하시는 힘으로 하는 것 같이 하라
4. Walk the life with Jesus.
Mamuhay ka kasama si Jesus.
4. 예수와 동행하는 삶입니다.
To believe in Jesus is walking your life with Jesus.
Ang manampalataya kay Jesus ay pamumuhay kasama si Jesus.
예수를 믿는다는 것은 예수님과 동행하는 것입니다.
John14:20 On that day you will realize that I am in my Father, and you are in me, and I am in you.
요14:20 Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako'y sumasa-Ama, kayo'y sumasaakin, at ako'y sumasainyo.
요14:20 그날에는 내가 아버지 안에 너희가 내안에 내가 너희 안에 있는 것을 너희가 알리라
Those who believe in Jesus live the life that lives in Jesus and Jesus lives in him.
Ang mga nananampalataya kay Jesus ay namumuhay ng buhay ni Jesus at namumuhay si Jesus sa kanya.
예수를 믿는다는 삶은 그가 예수 안에 예수가 그의 안에 사는 삶입니다.
1th 5:10 He died for us so that, whether we are awake or asleep, we may live together with him.
살전 5:10Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, buhay man tayo o patay sa kanyang muling pagparito.
살전5:10예수께서 우리를 위하여 죽으사 우리로 하여금 깨든지 자든지 자기와 함께 살게 하려 하셨느니라.
Why did Jesus die?
Bakit namatay si Jesus?
왜 예수께서 죽으셨는가?
Jesus died in order to live together with us, whether we are awake or asleep.
Namatay si Jesus upang mamuhay kasama natin, tulog man tayo o gising.
예수님께서 죽으신 것은 자나 깨나 우리와 함께 하시기 위해서인 것입니다.
Heaven is a place where we always walk with Jesus along the river of life.
Ang Langit ay lugar kung saan kasama nating namumuhay si Jesus sa tabi ng ilog ng buhay.
천국은 생명수 강가에서 예수님과 거니는 곳입니다.
If you live on earth without walking your life with Jesus, don’t expect to live your next life in Heaven walking with Jesus.
Kung namuhay kang hindi kasama si Jesus sa mundong ito, huwag mong asahan na mamumuhay ka sa Langit kasama si Jesus.
당신이 만약에 이 땅에서 예수님과 동행하지 않으면 천국에서 예수님과 거니는 것을 기대하지 말아야 합니다.
Dying does not mean going to Heaven but Heaven is just the extension of life on earth that is spent walking with Jesus.
Ang kamatayan ay hindi nangangahulugang pagpunta sa Langit kundi ito ay kadugtong ng buhay sa mundong kasama si Jesus.
죽어서 천국 간다는 의미가 아니라 천국은 이땅에서 예수님과 함께 동행하는 것의 연장인 것입니다..
Don’t make a mistake in thinking that you will go to Heaven while you enjoy your wordly life on earth.
Huwag mong isipin na makakapunta ka sa Langit habang nagpapakasaya ka sa makamundo mong pamumuhay sa daigdig.
세상에서 세상적인 생활을 즐기다가 천국을 가리라는 착각을 하지 마십시오.
Is the room of your heart clean enough for Jesus to stay there?
Malinis ba ang kuwarto ng iyong puso upang manahan si Jesus doon.
당신의 마음의 방이 주님을 모시기에 충분히 깨끗 합니까?
There is a funny story in Korea.
Mayroong nakakatuwang kuwento sa Korea.
한국의 재미난 이야기가 있습니다.
3men - Chinese, Japanese and Korean had a contest in who could endure staying the longest time in a pigpen.
Tatlong lalaki- Tsino, Hapon at Korean- ang nagpaligsahan kung sino ang makakatagal sa kulungan ng baboy.
중국인 일본인 한국인 3명이 돼지우리 안에서 누가 오래 돼지와 같이 버티는가 하는 시합을 하였습니다.
Soon after, the Japanese rushed out, " I can’t stay no more ....very dirty and bad smell... I can't bear anymore!”
Hindi nagtagal, lumabas ang Hapon, “Hindi na ako makakatagal pa…sobrang dumi at ang baho…hindi ko matiis!”
잠시후 일보본인이 나왔습니다 “너무 더럽고 냄새가 고약하여 더 이상 견딜수 없어”
After some minutes, the Korean came out running, "I can't bear anymore ....very dirty and bad smell!”
Pagkatapos ng ilang minuto, tumatakbong lumabas ang Koreano, “ Di ko na matatagalan pa… sobrang dumi at ang baho!”
얼마후 한국 사람이 너무 더럽고 냄새가 고약해서 더 이상 버틸수 없어 하며 나왔습니다.
One hour after, the pig ran out from the pigpen.
Pagkalipas ng isang oraas, lumabas ang baboy.
한 시간후에 돼지우리에서 돼지가 나왔습니다.
The pig said, " I can't stay with that Chinese anymore. He is very dirty and smells worse than me..... "
Sabi ng baboy, “Hindi ko na matatagalan pa ang Tsinong iyon. Napakarumi niya at mas mabaho pa sa akin.”
돼지가 말했습니다. “나는 중국인과 더 이상 같이 있을수 없어 그는 나보다 더 더럽고 더 냄새가 고약해..”
If the Lord entered your mind, would it be clean enough for Jesus to stay there?
Kung papasok ang Panginoon sa iyong isipan, ang isipan mo ba ay malinis upang manahan si Jesus doon?
만약에 주님이 당신의 마음속에 들어가신다면 주님이 거하시기에 충분히 깨끗합니까?
If Jesus said "You invite me in your mind's room but I can't stay there... be clean more!”
Paano kung sabihin ni Jesus, “ Iniimbitahan mo ako sa kuwarto ng iyong isipan ngunit hind ako puwedeng manahan doon…linisin mo pa ito.”
만약에 예수님이 너 나를 초대 해놓고 너 마음 방이 내가 머물수 없어 좀더 깨끗이해.
What if Jesus told you that? So what shall you do?
Paano kung sabihin ni Jesus sa iyo ‘yan?
만약에 예수님이 그렇게 말씀 하신다면 당신은 어떻게 하시겠습니까?
We can neither live a clean life nor wear Jesus’ clothes by ourselves.
Hindi tayo puwedeng mamuhay ng malinis o magsuot ng damit ni Jesus sa ating sariling kakayahan.
우리는 스스로는 깨끗한 삶이나 예수로 옷 입는 삶을 살수가 없습니다.
But the Holy Spirit can do it.
Ngunit magagawa ito ng Banal na Espiritu.
그러나 성령님은 하실수 있습니다.
The Holy Spirit can clean your heart.
Magagawang linisin ng Banal na Espiritu ang iyong puso.
성령님은 당신의 마음을 깨끗게 하실수 있습니다.
You invite the Holy Spirit and confess your sins and ask Jesus’ help.
Imbitahan mo ang Banal na Espiritu at ipahayag mo ang iyong mga kasalanan at humingi ka ng tulong kay Jesus.
성령님을 모십시요 그리고 죄를 회개 하십시오 예수님의 도움을 구하세요.
Conclusion/ Pagwawakas
결론적으로
To believe in Jesus isn't just a concept.
Ang manampalataya kay Jesus ay hindi isang konsepto lamang.
예수를 믿는다는 것은 관념이 아닙니다.
To believe in Jesus isn't a training.
Ang manampalataya kay Jesus ay hindi isang pagsasanay
예수를 믿는다는 것은 훈련이 아닙니다.
To believe in Jesus isn't penance.
Ang manampalataya kay Jesus ay hindi pagpapakasakit.
예수를 믿는다는 것은 고행도 아닙니다.
To believe in Jesus is to invite Jesus as your King and Your Lord.
Ang manampalataya kay Jesus ay ang imbitahan Siya bilang iyong Hari at iyong Panginoon.
예수를 믿는다는 것은 예수님을 왕으로 주인으로 모시는 것입니다.
You obey his commands and walk with Him like Enoch.
Sundin mo ang Kanyang mga utos at mamuhay kang kasama Siya gaya ni Enoch.
그의 명령에 복종하고 에녹처럼 그분과 동행하는 것입니다.
Faith must be actuality.
Ang pananampalataya ay isang pagpapatunay.
신앙은 실제가 되어야 합니다.
The invisible faith ought to come out your life by action.
Ang di-makitang pananampalataya ay dapat makita sa iyong buhay sa pamamagitan ng gawa.
보이지 않는 신앙을 당신의 생활에서 행함으로 나타나야 합니다.
Jas 2:14 What good is it, my brothers, if a man claims to have faith but has no deeds? Can such faith save him?
Jas 2:14 Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya?
약 2:14내 형제들아 만일 사람이 믿음이 있노라 하고 행함이 없으면 무슨 이익이 있으리요 그 믿음이 능히 자기를 구원하겠느냐
Jas2:22 You see that his faith and his actions were working together, and his faith was made complete by what he did.
Jas2:22 Diya'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa.
약 2: 22네가 보거니와 믿음이 그의 행함과 함께 일하고 행함으로 믿음이 온전케 되었느니라
Jas2:26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead
Jas2:26 Patay ang katawang hiwalay sa espiritu; gayon din naman, patay ang pananampalatayang hiwalay sa mga gawa.
약2:26 영혼 없는 몸이 죽은 것같이 행함이 없는 믿음은 죽은 것이니라
Showing your faith to your neighbors by living it is your mission work.
Ang ipakita ang iyong pananampalataya sa iyong mga kapitbahay sa pamamagitan ng gawa ay ang iyong misyon.
당신의 신앙을 삶으로 이웃에게 보여 주십시오 이것이 당신의 전도 사역입니다.
Mt 5:16 In the same way, let your light shine before men, that they may see your good deeds and praise your Father in heaven.
Mt 5:16 Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit."" Ang Turo Tungkol sa Kautusan
마5:16 이와 같이 너희 빛을 사람 앞에 비치게 하여 그들이 너의 착한 행실을 보고 너의 하나님 아버지께 영광을 돌리게 하라.
Do you believe in Jesus?
Manampalataya ba kayo si Hesus Kristo?
당신은 예수를 믿습니까?
Jesus said (Lk10:37) "Go and do likewise."
Sinabi sa kanya ni Jesus "Humayo ka't gayon din ang gawin mo.
예수님께서 말씀 하십니다(눅10:37)가서 그대로 행하십시오.
|
첫댓글 좋은 자료 감사합니다.
감사합니다.
수고하셨습니다.
앞에 있는 넘버2와 같은 내용인데...일부러 두번? ㅎㅎ