|
|
41. Marcos
1:1 ( Ang Pangangaral ni Juan Bautista )[ (Mt. 3:1-12; Lu. 3:1-18; Jn. 1:19-28) ] Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesu-Cristo na Anak ng Diyos.
1:2 "Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: ''Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, Ihahanda niya ang iyong daraanan.' "
1:3 "Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: 'Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!'' "
1:4 "At dumating nga sa ilang si Juan, nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.'"
1:5 Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
1:6 Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai'y balang at pulut-pukyutan.
1:7 "Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, 'Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak."
1:8 "Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Espiritu Santo.' ( Ang Pagbabautismo kay Jesus )[ (Mt. 3:13--4:11; Lu. 3:21-22; 4:1-13) ]"
1:9 Hindi nagluwat, dumating si Jesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
1:10 Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati.
1:11 "At isang tinig ang nagmula sa langit: 'Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.' ( Ang Pagtukso kay Jesus )"
1:12 Pagkatapos noon, agad siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang.
1:13 Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel. ( Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda )[ (Mt. 4:12-22; Lu. 4:14-15; 5:1-11) ]
1:14 Pagkatapos dakpin si Juan, si Jesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos:
1:15 '"Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.' "
1:16 Samantalang naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na naghahagis ng lambat. Sila'y mangingisda.
1:17 "Sinabi ni Jesus, 'Sumama kayo sa akin at kayo'y gagawin kong mamamalakaya ng tao.'"
1:18 Pagdaka'y iniwan nila ang kanilang lambat, at sumunod sa kanya.
1:19 Nagpatuloy siya ng paglakad, at sa di kalayuan ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa kanilang bangka at naghahayuma ng mga lambat.
1:20 Tinawag din sila ni Jesus at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama, kasama ng mga taong upahan. ( Ang Lalaking Inaalihan ng Masamang Espiritu )[ (Lu. 4:31-37) ]
1:21 Nagpunta sila sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo.
1:22 Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.
1:23 Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw:
1:24 '"Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal na mula sa Diyos!'"
1:25 "Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu, 'Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!'"
1:26 Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas.
1:27 "Nanggilalas ang lahat, kaya't sila'y nagtanungan, 'Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!'"
1:28 At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus. ( Ang Pagpapagaling sa Maraming Tao )[ (Mt. 8:14-17; Lu. 4:38-41) ]
1:29 Mula sa sinagoga, sila'y nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan.
1:30 Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito'y agad nilang sinabi kay Jesus.
1:31 Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di'y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.
1:32 Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo,
1:33 at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay.
1:34 Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya. ( Ang Pangangaral ni Jesus sa Galilea )[ (Lu. 4:42-44) ]
1:35 Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin.
1:36 Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama.
1:37 "Nang siya'y matagpuan, sinabi nila, 'Hinahanap po kayo ng lahat.'"
1:38 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon---ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.'{ a}"
1:39 At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo. ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin )[ (Mt. 8:1-4; Lu. 5:12-16) ]
1:40 "May isang ketonging lumapit kay Jesus, nanikluhod at nagmakaawa: 'Kung ibig po ninyo'y mapagagaling ninyo ako.'"
1:41 "Nahabag si Jesus at hinipo siya, sabay ang wika, 'Ibig ko. Gumaling ka!'"
1:42 Noon di'y nawala ang ketong at gumaling ang tao.
1:43 Pinaalis siya agad ni Jesus
1:44 "matapos ang ganitong mahigpit na bilin: 'Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.'"
1:45 Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Jesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba't ibang dako.
2:1 ( Ang Pagpapagaling ni Jesus sa Paralitiko )[ (Mt. 9:1-8; Lu. 5:17-26) ] Bumalik si Jesus sa Capernaum pagkalipas ng ilang araw, at kumalat ang balitang siya'y nasa kanyang tahanan.
2:2 Kaya't nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Jesus,
2:3 may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao.
2:4 Hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya't binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan.
2:5 "Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, 'Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.'"
2:6 May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito:
2:7 '"Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba't Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?'"
2:8 "Talos ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi niya, 'Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan?"
2:9 Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka'?
2:10 "Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.' Sinabi niya sa paralitiko,"
2:11 '"Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!'"
2:12 "Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila'y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. 'Hindi pa kami nakakikita ng ganito!' sabi nila. ( Ang Pagtawag kay Levi )[ (Mt. 9:9-13; Lu. 5:27-32) ]"
2:13 Muling pumunta si Jesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao, at sila'y tinuruan niya.
2:14 "Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita niya si Levi na anak ni Alfeo, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Sumunod ka sa akin.' Tumindig naman si Levi at sumunod. "
2:15 Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay kumakain sa bahay ni Levi, nakisalo sa kanila ang maraming publikano at mga makasalanang sumunod sa kanya.
2:16 "Nakita ito ng ilang eskribang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo at tinanong nila ang kanyang mga alagad, 'Bakit siya sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan?'"
2:17 "Narinig ito ni Jesus, at siya ang sumagot, 'Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit, kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.' ( Ang Katanungan Tungkol sa Pag-aayuno )[ (Mt. 9:14-17; Lu. 5:33-39) ]"
2:18 "Minsan, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. May lumapit kay Jesus at nagtanong, 'Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo'y hindi?'"
2:19 "Sumagot si Jesus, 'Makapag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi!"
2:20 Kapag wala na ang ikinasal,{ a} saka pa lamang sila mag-aayuno.
2:21 '"Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit."
2:22 "Wala rin namang nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, sapagkat papuputukin ng alak ang balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!' ( Ang Katanungan Tungkol sa Araw ng Pamamahinga )[ (Mt. 12:1-8; Lu. 6:1-5) ]"
2:23 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng triguhan. Habang daa'y nangingitil ng uhay ang mga alagad,
2:24 "kaya't sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, 'Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga!'"
2:25 "Sinagot sila ni Jesus, 'Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong si Abiatar ang pinakapunong saserdote? Nang siya at ang kanyang mga kasama'y magutom at walang makain, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos. Ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon, ngunit kinain iyon ni David, at binigyan pa ang kanyang mga kasama.'"
2:26 (*papuloy)
2:27 "Sinabi pa ni Jesus, 'Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa kabutihan ng tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga."
2:28 "Kaya't maging ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.'"
3:1 ( Ang Lalaking Patay ang Isang Kamay )[ (Mt. 12:9-14; Lu. 6:6-11) ] Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang isang lalaking patay ang isang kamay.
3:2 Kaya't binantayan si Jesus ng ilang taong naroon upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, para may maiparatang sila sa kanya.
3:3 "Tinawag ni Jesus ang lalaking patay ang kamay: 'Halika rito sa unahan!'"
3:4 "Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, 'Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?' Ngunit hindi sila sumagot."
3:5 "Habang tinitingnan ni Jesus ang mga taong nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, 'Iunat mo ang iyong kamay.' Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling."
3:6 Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Jesus. ( Ang Napakaraming Tao sa Tabi ng Lawa )
3:7 Umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming taong buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea,
3:8 sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Jesus.
3:9 Nagpahanda si Jesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa.
3:10 Marami na siyang pinagaling, kaya't pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila.
3:11 "Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, 'Ikaw ang Anak ng Diyos!'"
3:12 At mahigpit silang pinagbawalan ni Jesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya. ( Ang Pagpili ni Jesus sa Labindalawang Apostol )[ (Mt. 10:1-4; Lu. 6:12-16) ]
3:13 Pagkatapos ay umahon si Jesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili.
3:14 Humirang siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol] upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral,
3:15 at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
3:16 [Ito ang labindalawang hinirang niya:] si Simon na tinagurian niya ng Pedro;
3:17 si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo (sila'y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi'y mapupusok);{ a}
3:18 sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan,
3:19 at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya. ( Si Jesus at si Beelzebul )[ (Mt. 12:22-32; Lu. 11:14-23; 12:10) ]
3:20 Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupat hindi man lamang makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
3:21 "Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay,{ b} sila'y pumaroon upang kaunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao,{ c} 'Nasisiraan siya ng bait!' "
3:22 "Sinabi naman ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, 'Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!'"
3:23 "Kaya't pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinghaga: 'Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?'"
3:24 Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon.
3:25 At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon.
3:26 Gayon din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.
3:27 '"Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw ng kanyang ari-arian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon. "
3:28 '"Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos,"
3:29 "ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.'"
3:30 "Sinabi ito ni Jesus sapagkat ang sabi ng ilan, 'Inaalihan siya ng masamang espiritu.' ( Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus )[ (Mt. 12:46-50; Lu. 8:19-21) ]"
3:31 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus. Sila'y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya.
3:32 "Noon nama'y maraming taong nakaupo sa palibot ni Jesus, at may nagsabi sa kanya, 'Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.'"
3:33 '"Sino ang aking ina at mga kapatid?' ani Jesus."
3:34 "Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: 'Ito ang aking ina at mga kapatid!"
3:35 "Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos, ay siya kong ina at mga kapatid.'"
4:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik )[ (Mt. 13:1-9; Lu. 8:4-8) ] Muling nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao, kaya't lumulan siya sa isang bangkang nasa tubig at doon naupo. Ang karamihan nama'y nasa dalampasigan, nasa gilid na ng tubig.
4:2 At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Ganito ang sabi niya:
4:3 '"Pakinggan ninyo ito! May isang magsasaka na lumabas upang maghasik."
4:4 Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon.
4:5 May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Agad sumibol ang mga iyon, sapagkat manipis lamang ang lupa doon;
4:6 ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y walang gaanong ugat.
4:7 May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga binhing tumubo kaya hindi nakapamunga.
4:8 "At may binhing nalaglag sa matabang lupa, at ito'y tumubo, lumago, at nag-uhay na mainam---may uhay na tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tigsasandaan ang butil.'"
4:9 "Sinabi pa ni Jesus, 'Ang may pandinig ay makinig.' ( Ang Layunin ng Talinghaga )[ (Mt. 13:10-17; Lu. 8:9-10) ]"
4:10 Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilang nakarinig sa kanya ay lumapit na kasama ang Labindalawa, at hiniling na ipaliwanag ang talinghaga.
4:11 "Sinabi niya, 'Sa inyo'y ipinagkaloob na malaman ang lihim tungkol sa paghahari ng Diyos; ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinghaga."
4:12 "Kaya nga't, 'Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakita. At makinig man nang makinig ay hindi makaunawa. Kundi gayon, marahil sila'y magba- balik-loob sa Diyos at patatawarin naman niya.'' ( Ang Paliwanag ni Jesus sa Talinghaga Tungkol sa Manghahasik )[ (Mt. 13:18-23; Lu. 8:11-15) ]"
4:13 "Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, 'Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang ibang talinghaga?"
4:14 Ang inihahasik ay ang Salita ng Diyos.
4:15 Ito ang mga nasa daan, na nahasikan ng Salita: pagkatapos nilang mapakinggan ito, pagdaka'y dumarating si Satanas, at inaalis ang Salitang napahasik sa kanilang puso.
4:16 Ang iba'y tulad naman ng mga napahasik sa kabatuhan. Pagkarinig nila ng Salita, ito'y agad nilang tinatanggap na may galak.
4:17 Ngunit hindi naman ito tumitimo sa kanilang puso, kaya't hindi sila nananatili. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig.
4:18 Ang iba'y tulad ng napahasik sa dawagan. Dininig nga nila ang Salita,
4:19 ngunit sila'y naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, naging maibigin sa mga kayamanan, at mapaghangad sa iba pang mga bagay, anupa't ang Salita'y nawalan na ng puwang sa kanilang mga puso kaya't hindi sila nakapamunga.
4:20 "Ngunit ang iba'y tulad sa binhing napahasik sa matabang lupa: pinakikinggan nila at tinatanggap ang Salita, at sila'y nagsisipamunga---may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu, at may tigsasandaan.' ( Ang Ilawan sa Ilalim ng Takalan )[ (Lu. 8:16-18) ]"
4:21 "Nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus: 'Sinisindihan ba ang ilawan para itago sa ilalim ng takalan, o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba upang ilagay sa talagang patungan?"
4:22 Walang natatago na di malalantad at lihim na di mabubunyag.
4:23 "Ang may pandinig ay makinig.' "
4:24 "At idinugtong pa niya, 'Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos---at higit pa."
4:25 "Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.' ( Ang Binhing Tumutubo )"
4:26 "Sinabi pa rin ni Jesus, 'Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid."
4:27 Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain;{ a} tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano.
4:28 Ang lupa'y siyang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim: usbong muna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil.
4:29 "Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat nang anihin.' ( Ang Butil ng Mustasa )[ (Mt. 13:31-32, 34; Lu. 13:18-19) ]"
4:30 '"Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?' sabi pa ni Jesus. 'Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan ito?"
4:31 Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi.
4:32 "Kapag natanim na at lumago, ito'y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito.' ( Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga )"
4:33 Ang Salita'y ipinangaral ni Jesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito, ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa.
4:34 Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa kanyang mga alagad ang lahat ng bagay. ( Pinatigil ni Jesus ang Unos )[ (Mt. 8:23-27; Lu. 8:22-25) ]
4:35 "Kinagabiha'y sinabi ni Jesus sa mga alagad niya, 'Tumawid tayo sa ibayo.'"
4:36 Kaya't iniwan nila ang mga tao, at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Jesus upang itawid siya. May kasabay pa silang ibang mga bangka.
4:37 Dumating ang malakas na unos. Hinampas ng malalaking alon ang bangka, anupat halos mapuno ito ng tubig.
4:38 "Si Jesus nama'y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog. Ginising siya ng mga alagad. 'Guro,' anila, 'di ba ninyo alintana? Lulubog na tayo!'"
4:39 "Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, 'Tigil!' At sinabi sa dagat, 'Tumahimik ka!' Tumigil ang hangin at tumahimik ang dagat."
4:40 "Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, 'Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?'"
4:41 "Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa't isa, 'Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?'"
5:1 ( Pinagaling ang Gerasenong Inaalihan ng Masasamang Espiritu )[ (Mt. 8:28-34; Lu. 8:26-39) ] Dumating sila sa ibayo ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno.
5:2 Pagkababa ni Jesus sa bangka, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa libingan. Ang lalaking ito'y inaalihan ng masamang espiritu
5:3 at sa libingan naninirahan. Hindi siya maigapos nang matagal, kahit tanikala ang gamitin.
5:4 Malimit siyang ipangaw at gapusin ng tanikala, ngunit pinaglalagut-lagot niya ito at pinagbabali-bali ang pangaw. Talagang walang makasupil sa kanya.
5:5 Araw-gabi'y nagsisisigaw siya sa libingan at sa kaburulan, at sinusugatan ng bato ang kanyang sarili.
5:6 Malayo pa'y natanawan na niya si Jesus. Siya'y patakbong lumapit at nagpatirapa sa harapan niya,
5:7 "at sumigaw nang malakas, 'Jesus, Anak ng Kataastaasang Diyos, ano ang pakialam mo sa akin? Huwag mo akong pahirapan, alang-alang sa Diyos!'"
5:8 "(Sinabi niya ito, sapagkat iniutos sa kanya ni Jesus, 'Masamang espiritu, lumabas ka sa taong ito!')"
5:9 "Tinanong siya ni Jesus, 'Ano ang pangalan mo?' 'Pulutong, sapagkat marami kami,' tugon niya."
5:10 At mahigpit nilang ipinakiusap kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.
5:11 Doon naman sa libis ng bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain.
5:12 "Nagmakaawa kay Jesus ang masasamang espiritu na ang wika, 'Papasukin mo na lang kami sa mga baboy.'"
5:13 At sila'y pinahintulutan niya. Lumabas sa tao ang masasamang espiritu at pumasok nga sa mga baboy. Ang kawan, na may 2,000, ay sumibad ng takbo tungo sa pampang ng lawa, nahulog sa tubig at nalunod.
5:14 Nagtatakbo ang mga tagapag-alaga ng kawan at ipinamalita ito sa bayan at sa mga nayon; kaya't pumaroon ang mga tao upang tingnan kung ano nga ang nangyari.
5:15 Paglapit nila kay Jesus ay nakita nila ang lalaking inalihan ng mga demonyo. Nakaupo ito, may damit at matino na ang isip. At sila'y natakot.
5:16 Isinalaysay sa kanila ng mga nakakita ang nangyari sa inalihan ng mga demonyo at ang sinapit ng mga baboy.
5:17 Kaya't ipinamanhik nila kay Jesus na umalis sa kanilang lupain.
5:18 Nang sumasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap ang inalihan ng mga demonyo na isama siya,
5:19 "ngunit hindi pumayag si Jesus. Sa halip ay sinabi niya, 'Umuwi ka at sabihin mo sa iyong mga kasambahay ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong nahabag siya sa iyo.'"
5:20 Umalis ang taong iyon at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Jesus. At nanggilalas ang lahat ng nakarinig niyon. ( Binuhay ang Anak ni Jairo at Pinagaling ang Isang Babae )[ (Mt. 9:18-26; Lu. 8:40-56) ]
5:21 Muling tumawid si Jesus sa ibayo. Nasa baybay pa siya ng lawa ay pinagkalipumpunan na siya ng maraming tao.
5:22 Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Pagkakita kay Jesus, siya'y nagpatirapa sa kanyang paanan,
5:23 "at ang samo: 'Agaw-buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya'y gumaling at mabuhay!'"
5:24 Sumama naman si Jesus. At sinundan siya ng napakaraming taong nagsisiksikan, anupat halos maipit na siya.
5:25 May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo,
5:26 at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya, at naubos na sa kapapagamot ang kanyang ari-arian, ngunit hindi siya napabuti kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha.
5:27 Narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Jesus, kaya't nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus. At hinipo niya ang damit nito.
5:28 "(Sapagkat sinabi niya sa sarili, 'Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.')"
5:29 Biglang tumigil ang kanyang pagdudugo at naramdaman niyang magaling na siya.
5:30 "Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't bumaling siya sa mga tao at nagtanong, 'Sino ang humipo sa akin?'"
5:31 "Sumagot ang kanyang mga alagad, 'Nakikita po ninyong nagsisiksikan ang napakaraming tao, bakit itinatanong ninyo kung sino ang humipo sa inyo?'"
5:32 Subalit patuloy na luminga-linga si Jesus, hinahanap ang humipo sa kanya.
5:33 Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginginig sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong katotohanan.
5:34 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na't ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman.' "
5:35 "Samantalang nagsasalita pa si Jesus, may ilang dumating mula sa bahay ni Jairo. 'Patay na po ang anak ninyo,' sabi nila. 'Bakit pa ninyo aabalahin ang Guro?'"
5:36 "Hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinabi, sa halip ay sinabi sa tagapamahala, 'Huwag kang mabagabag, manalig ka.'"
5:37 At wala siyang isinama kundi si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan.
5:38 Nang dumating sila sa bahay ng tagapamahala, nakita ni Jesus na gulung-gulo ang mga tao; may mga nananangis pa at nananaghoy.
5:39 "Pagpasok niya ay kanyang sinabi, 'Bakit kayo nagkakagulo at nananangis? Hindi patay ang bata; natutulog lamang!'"
5:40 Ngunit pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas niya ang lahat, maliban sa ama't ina ng bata at sa tatlong alagad, at sila'y pumasok sa kinaroroonan ng bata.
5:41 "Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, 'Talita kumi,' na ang ibig sabihi'y 'Ineng, sinasabi ko sa iyo, magbangon ka!'"
5:42 Pagdaka'y bumangon ang bata at lumakad. (Siya'y labindalawang taon na.) At namangha ang lahat.
5:43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus na huwag ipaalam ito kaninuman; at iniutos niyang bigyan ng pagkain ang bata.
6:1 ( Ang Di-pagkilala kay Jesus sa Nazaret )[ (Mt. 13:53-58; Lu. 4:16-30) ] Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad.
6:2 "Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, 'Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan?"
6:3 "Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?' At siya'y ayaw nilang kilanlin."
6:4 "Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, 'Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.'"
6:5 Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito.
6:6 Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. ( Ang Pagsusugo ni Jesus sa Labindalawa )[ (Mt. 10:5-15; Lu. 9:1-6) ]At nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid upang magturo.
6:7 Tinawag niya ang Labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu,
6:8 "at pinagbilinan: 'Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak.'"
6:9 (*papuloy)
6:10 "Sinabi rin niya sa kanila, 'At sa alinmang tahanang inyong tuluyan---manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon."
6:11 "Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang dako, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon.'"
6:12 Kaya't humayo ang Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila at talikdan ang kanilang mga kasalanan.
6:13 Pinalayas nila ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito; pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit. ( Ang Pagkamatay ni Juan Bautista )[ (Mt. 14:1-12; Lu. 9:7-9) ]
6:14 "Nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Jesus, sapagkat bantog na bantog na ang pangalan nito. May nagsasabi, 'Siya'y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.'"
6:15 "May nagsasabi naman, 'Siya'y si Elias.' 'Siya'y propeta, katulad ng mga propeta noong una,' anang iba pa. "
6:16 "Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, 'Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko.'"
6:17 Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing ito'y asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya.
6:18 "Laging sinasabi sa kanya ni Juan, 'Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid.'"
6:19 Kaya't si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan. Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa,
6:20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito'y taong matuwid at banal, kaya't ipinagsasanggalang niya. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.
6:21 Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea.
6:22 "Pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya't sinabi ng hari sa dalaga, 'Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo.'"
6:23 At naisumpa pa niyang ibibigay kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihilingin.
6:24 "Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, 'Ano ang hihingin ko?' 'Ang ulo ni Juan Bautista,' sagot ng ina."
6:25 "Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari. 'Ang ibig ko po'y ibigay ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista,' sabi niya."
6:26 Labis na nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang sumpa na narinig ng kanyang mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga.
6:27 Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod ang bantay at pinugutan si Juan sa bilangguan,
6:28 inilagay ang ulo sa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina.
6:29 Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing. ( Ang Pagpapakain sa Limang Libo )[ (Mt. 14:13-21; Lu. 9:10-17; Jn. 6:1-14) ]
6:30 Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro.
6:31 "Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang mga alagad. Kaya't sinabi niya sa mga ito, 'Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti.'"
6:32 Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.
6:33 Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya't mula sa lahat ng bayan, ang mga tao'y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Jesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila.
6:34 Paglunsad ni Jesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.
6:35 "Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at ang sabi, 'Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw."
6:36 "Payaunin na po ninyo ang mga tao sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.'"
6:37 "Ngunit sinabi niya, 'Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.' 'Bibili po ba kami ng halagang 200 denaryong tinapay upang ipakain sa kanila?' tanong ng mga alagad."
6:38 '"Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,' wika niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, 'Lilima po, at dalawang isda.' "
6:39 Iniutos ni Jesus na ang lahat ay maupo nang pulu-pulutong sa damuhan.
6:40 Kaya't naupo sila nang manda-mandaan at lima-limampu.
6:41 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. At pinaghati-hati niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin.
6:42 Ang lahat ay nakakain at nabusog.
6:43 Nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na pira-pirasong tinapay at isda, nakapuno sila ng labindalawang bakol.
6:44 Sa mga nagsikain, 5,000 ang mga lalaki. ( Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig )[ (Mt. 14:22-33; Jn. 6:15-21) ]
6:45 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao.
6:46 Pagkaalis nila, siya'y umahon sa burol upang manalangin.
6:47 Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samantalang si Jesus ay nag-iisa sa katihan.
6:48 Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila,
6:49 ngunit nakita ng mga alagad na siya'y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya't napasigaw sila. Ang akala nila'y multo,
6:50 "at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, 'Huwag kayong matakot, si Jesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!'"
6:51 Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila'y lubhang nanggilalas,
6:52 sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. ( Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret )[ (Mt. 14:34-36) ]
6:53 Tumawid sila ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka.
6:54 Paglunsad nila, nakilala siya agad ng mga tao.
6:55 Kaya't nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga maysakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Jesus, saanman nila mabalitaang naroon siya.
6:56 At saanman siya dumating, maging sa nayon, lunsod, o kabukiran, ay dinadala sa liwasan ang mga maysakit, at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.
7:1 ( Mga Minanang Turo )[ (Mt. 15:1-9) ] May mga Pariseo at ilang eskribang galing sa Jerusalem, na lumapit kay Jesus.
7:2 Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Jesus ay kumain nang hindi muna naghugas ng kamay sa paraang naaayon sa turong minana nila.
7:3 Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno.
7:4 Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan.{ a} At marami pang ibang minanang turo ang kanilang sinusunod, tulad ng tanging paraan ng paghuhugas ng mga inuman, ng mga saro, ng mga sisidlang tanso [at mga higaan].
7:5 "Kaya't tinanong si Jesus ng mga Pariseo at mga eskriba, 'Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumain sila nang hindi man lamang naghugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!'"
7:6 "Sinagot sila ni Jesus, 'Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat: 'Paggalang na handog sa 'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang, Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. "
7:7 Pagpuri't pagsambang ginagawa nila'y walang kabuluhan, Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.'
7:8 "Niwawalang-kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo'y ang turo ng tao.' "
7:9 "Sinabi pa ni Jesus, 'Kay husay ng paraan ninyo sa pagpapawalang-bisa sa utos ng Diyos masunod lamang ninyo ang mga turong minana ninyo!"
7:10 Tulad nito: iniutos ni Moises, 'Igalang mo ang iyong ama't ina'; at, 'Ang magsalita ng masama sa kanyang ama o ina ay dapat mamatay.'
7:11 Ngunit itinuturo ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina; Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay Corban' (alalaong baga'y inihahain ko ito sa Diyos)---
7:12 hindi na ninyo siya pinahihintulutang tumulong sa kanyang ama o ina.
7:13 "Sa ganitong paraa'y niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga turong minana ninyo. At marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.' ( Ang Nagpaparumi sa Tao )[ (Mt. 15:10-20) ]"
7:14 "Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, 'Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin!"
7:15 Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya. [
7:16 "Ang may pandinig ay makinig.]' "
7:17 Iniwan ni Jesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya'y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga.
7:18 '"Kayo man ba'y wala ring pang-unawa?' tugon ni Jesus. 'Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa tao ang kinakain niya,"
7:19 "sapagkat hindi naman pumapasok iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.' (Sa pagsasabi nito'y para nang ipinahayag ni Jesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain.)"
7:20 "Nagpatuloy siya ng pagsasalita: 'Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos."
7:21 Sapagkat sa loob---sa puso ng tao---nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay,
7:22 mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan.
7:23 "Ang lahat ng ito'y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.' ( Pambihirang Pananalig ng Isang Babae )[ (Mt. 15:21-28) ]"
7:24 Umalis doon si Jesus. Siya'y nagtungo sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman ninuman na naroon siya, subalit hindi gayon ang nangyari.
7:25 Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Jesus at nagpatirapa sa kanyang harapan.
7:26 (Ang babaing ito'y Hentil---tubo sa Sirofenicia.) Ipinamanhik niya kay Jesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak,
7:27 "ngunit sinabi ni Jesus, 'Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.'"
7:28 '"Tunay nga po, Panginoon,' tugon ng babae, 'ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak.'"
7:29 "Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, 'Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.'"
7:30 Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo. ( Pinagaling ni Jesus ang Taong Bingi at Utal )
7:31 Pagbabalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis.
7:32 Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay.
7:33 Inilayo muna siya ni Jesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito.
7:34 "Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, 'Effata,' ibig sabihi'y 'Mabuksan!'"
7:35 At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw.
7:36 Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito.
7:37 "Sila'y lubhang nanggilalas, at ang wika, 'Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!'"
8:1 ( Ang Pagpapakain sa Apat na Libo )[ (Mt. 15:32-39) ] Makaraan ang ilang araw, muling nagkatipon ang napakaraming tao. Naubos na nila ang kanilang pagkain, kaya't tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila,
8:2 '"Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain."
8:3 "Kung pauuwiin ko nang gutom, mahihilo sila sa daan---galing pa naman sa malayo ang ilan sa kanila.'"
8:4 '"Saan po tayo kukuha ng tinapay dito sa ilang para magkasya sa ganito karaming tao?' tugon ng mga alagad."
8:5 '"Ilan ang tinapay ninyo riyan?' tanong ni Jesus. 'Pito po,' sagot nila. "
8:6 Ang mga tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Gayon nga ang ginawa ng mga alagad.
8:7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos, at iniutos niyang ibigay din iyon sa mga tao.
8:8 Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga pira-pirasong tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.
8:9 At may 4,000 ang kumain. Pinayaon ni Jesus ang mga tao,
8:10 saka siya sumakay sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad, at nagtungo sa lupain ng Dalmanuta. ( Humingi ng Tanda ang mga Pariseo )[ (Mt. 16:1-4) ]
8:11 May dumating na mga Pariseo at nakipagtalo kay Jesus. Ibig nilang masilo siya kaya hiningi nila na magpakita si Jesus ng isang tanda mula sa langit.
8:12 "Napabuntong-hininga nang malalim si Jesus at ang wika, 'Bakit naghahanap ng tanda ang lahing ito? Sinasabi ko sa inyo: hindi sila pagpapakitaan ng anumang tanda.'"
8:13 Iniwan niya sila, at pagkasakay sa bangka ay tumawid sa ibayo. ( Lebadura ng mga Pariseo at ni Herodes )[ (Mt. 16:5-12) ]
8:14 Nalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay, at iisa lang ang kanilang tinapay sa bangka.
8:15 '"Kaiingat kayo! Ilagan ninyo ang lebadura ng mga Pariseo at ang lebadura ni Herodes,' babala ni Jesus sa kanila."
8:16 "Nag-usap-usap ang mga alagad, 'Wala kasi tayong dalang tinapay kaya niya sinabi iyon.'"
8:17 "Alam ito ni Jesus, kaya't sila'y tinanong niya, 'Bakit ninyo pinag-uusapan na kayo'y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakababatid o nakauunawa? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip?"
8:18 Wala ba kayong mata? Wala ba kayong tainga? Nakalimutan na ba ninyo
8:19 "nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa 5,000? Ilang bakol ang napuno ninyo sa mga lumabis na tinapay?' 'Labindalawa po,' tugon nila."
8:20 '"At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa 4,000, ilang bakol na malalaki ang napuno ninyo?' tanong niya. 'Pitong bakol po,' tugon nila."
8:21 '"At hindi pa rin ninyo nauunawaan?' wika niya. ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Bulag )"
8:22 Dumating sila sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilang tao ang isang bulag at ipinamanhik na hipuin ito.
8:23 "Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata saka ipinatong ang kanyang mga kamay. 'May nakikita ka na bang anuman?' tanong niya."
8:24 "Tumingin ang lalaki at ang wika, 'Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit sila'y parang punongkahoy.'"
8:25 Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag; ito'y tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat.
8:26 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan.' ( Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus )[ (Mt. 16:13-20; Lu. 9:18-21) ]"
8:27 "Si Jesus, kasama ang kanyang mga alagad, ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea, sakop ni Filipo. Samantalang sila'y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, 'Sino raw ako ayon sa mga tao?'"
8:28 "Sumagot sila, 'Ang sabi ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo; at may nagsasabi pang isa kayo sa mga propeta.'"
8:29 '"Kayo naman---ano ang sabi ninyo? Sino ako?' tanong niya. 'Kayo ang Cristo,' tugon ni Pedro."
8:30 '"Huwag ninyong sasabihin kaninuman kung sino ako,' mahigpit na utos niya sa kanila. ( Unang Pagpapahayag ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 16:21-28; Lu. 9:22-27) ]"
8:31 Mula noon, ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao'y dapat magbata ng maraming hirap. Siya'y itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay.
8:32 Maliwanag na sinabi niya ito sa kanila. Kaya't niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan.
8:33 "Ngunit humarap si Jesus sa kanyang mga alagad at pinagwikaan si Pedro: 'Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.' "
8:34 "Pinalapit ni Jesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, 'Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."
8:35 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon.
8:36 Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay?
8:37 Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?
8:38 "Kapag ang sinuman ay nahiyang kumilala sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na makasalanan at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao, pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.'"
9:1 "Sabi pa ni Jesus sa kanila, 'Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't di nila nakikitang naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan.' ( Nagbagong-anyo si Jesus )[ (Mt. 17:1-13; Lu. 9:28-36) ]"
9:2 Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama kundi sina Pedro, Santiago at Juan. Samantalang sila'y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus,
9:3 nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti, anupat walang sinumang makapagpapaputi nang gayon.
9:4 At nakita ng tatlong alagad si Moises at si Elias, na nakikipag-usap kay Jesus.
9:5 "Sinabi ni Pedro kay Jesus, 'Guro, mabuti pa'y dumito na tayo.{ a} Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.'"
9:6 Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi sapagkat masyado ang takot niya at ng kanyang mga kasama.
9:7 "At nililiman sila ng isang alapaap at mula rito'y may tinig na nagsabi, 'Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!'"
9:8 Pagdaka, tumingin ang mga alagad sa paligid nila at nakitang wala na silang kasama roon kundi si Jesus.
9:9 "Habang bumababa sila sa bundok ay mahigpit na itinagubilin sa kanila ni Jesus: 'Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nakita hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.'"
9:10 Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila-sila'y nagtanungan kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay.
9:11 "At tinanong nila si Jesus, 'Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?'"
9:12 "Tumugon siya, 'Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Kung gayo'y bakit sinasabi ng Kasulatan na ang Anak ng Tao'y hahamakin at magtitiis ng maraming hirap?"
9:13 "Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, at ginawa sa kanya ng mga tao ang gusto nila, ayon sa sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya.' ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Batang Inaalihan ng Masamang Espiritu )[ (Mt. 17:14-21; Lu. 9:37-43a) ]"
9:14 Pagbabalik nila ay nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan, at ang mga eskriba na nakikipagtalo sa mga ito.
9:15 Nagulat ang mga tao nang makita nila si Jesus. Sila'y patakbong lumapit sa kanya, at binati siya.
9:16 "Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, 'Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ng mga taong iyon?'"
9:17 "Sumagot ang isa mula sa karamihan, 'Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya'y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsalita."
9:18 "Tuwing aalihan siya nito, siya'y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya'y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito!'"
9:19 "Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat na manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!'"
9:20 At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Jesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa't napalugmok ito sa lupa, at gumulung-gulong na bumubula ang bibig.
9:21 '"Kailan pa siya inalihan ng masamang espiritu?' tanong ni Jesus sa ama. 'Mula pa po sa kanyang pagkabata!' tugon niya."
9:22 '"Madalas siyang ihagis nito sa apoy at sa tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.'"
9:23 '"Kung may magagawa!' ulit ni Jesus. 'Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.'"
9:24 "Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, 'Nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako'y nagkulang.' "
9:25 "Nang makita ni Jesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, 'Ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi---iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!'"
9:26 "Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas. Naging mistulang bangkay ang bata, kaya't ang sabi ng marami, 'Patay na!'"
9:27 Subalit siya'y hinawakan ni Jesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.
9:28 "Nang pumasok na si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, 'Bakit po hindi namin napalayas ang espiritu?'"
9:29 "Sumagot si Jesus, 'Ang ganitong uri ng espiritu ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin.' ( Muling Binanggit ni Jesus ang Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 17:22-23; Lu. 9:43b-45) ]"
9:30 Umalis sila roon at nagdaan ng Galilea. Ayaw ni Jesus na malaman ito ng mga tao,
9:31 "sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. Sinabi niya: 'Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.'"
9:32 Hindi nila naunawaan ang sinabi niya, ngunit natatakot naman silang magtanong sa kanya. ( Sino ang Pinakadakila? )[ (Mt. 18:1-5; Lu. 9:46-48) ]
9:33 "At dumating sila sa Capernaum. Nang sila'y nasa bahay na, tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, 'Ano ba'ng pinagtatalunan ninyo sa daan?'"
9:34 Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila'y kung sino sa kanila ang pinakadakila.
9:35 "Naupo si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi, 'Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.'"
9:36 Tinawag niya ang isang maliit na bata, at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi,
9:37 '"Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumanggap sa akin---hindi ako ang kanyang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.' ( Sa Panig Natin ang Hindi Laban sa Atin )[ (Lu. 9:49-50) ]"
9:38 "Sinabi sa kanya ni Juan, 'Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.'"
9:39 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin."
9:40 Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.
9:41 "Sinasabi ko sa inyo: sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y kay Cristo ay tiyak na gagantimpalaan.' ( Sanhi ng Pagkakasala )[ (Mt. 18:6-9; Lu. 17:1-2) ]"
9:42 '"Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin."
9:43 Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit{ b} nang putol ang isang kamay kaysa may dalawang kamay na mahulog ka sa impiyerno, sa apoy na hindi mamamatay. [
9:44 Doo'y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at hindi mamamatay ang apoy.]
9:45 Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang paa kaysa may dalawang paa na mahulog ka sa impiyerno. [
9:46 Doo'y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at hindi mamamatay ang apoy.]
9:47 At kung ang mata mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo! Mabuti pa ang pumasok ka sa kaharian ng Diyos nang bulag ang isang mata kaysa may dalawang mata na mahulog ka sa impiyerno.
9:48 Doo'y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at hindi mamamatay ang apoy.
9:49 '"Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy.{ c}"
9:50 "Mabuti ang asin, ngunit kung mawalan ng lasa, paano ito mapaaalat uli? Taglayin ninyo ang katangian ng asin, at sa gayo'y magiging mapayapa ang inyong pagsasamahan.'"
10:1 ( Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay )[ (Mt. 19:1-12; Lu. 16:18) ] Umalis doon si Jesus, nagtungo sa lupain ng Judea, at nagtuloy sa ibayo ng Ilog Jordan. Muli siyang pinagkalipumpunan ng mga tao, at tulad ng dati'y nagturo sa kanila.
10:2 "May mga Pariseong lumapit kay Jesus. Ibig nilang masilo siya kaya't kanilang tinanong, 'Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?'"
10:3 "Tugon niya, 'Ano ang utos sa inyo ni Moises?'"
10:4 "Sumagot naman sila, 'Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.'"
10:5 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito."
10:6 Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: 'Nilalang niya silang lalaki at babae.
10:7 Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa,
10:8 at sila'y magiging isa.' Kaya't hindi na sila dalawa kundi isa.
10:9 "Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.' "
10:10 Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito.
10:11 "Sinabi niya sa kanila, 'Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa---siya'y nangangalunya."
10:12 "At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.' ( Pinagpala ni Jesus ang Maliliit na Bata )[ (Mt. 19:13-15; Lu. 18:15-17) ]"
10:13 May nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad.
10:14 "Nagalit si Jesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, 'Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos."
10:15 "Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.'"
10:16 At kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila. ( Ang Lalaking Mayaman )[ (Mt. 19:16-30; Lu. 18:18-30) ]
10:17 "Nang paalis na si Jesus ay may isang lalaking patakbong lumapit, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, 'Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?'"
10:18 "Sumagot si Jesus, 'Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos."
10:19 "Alam mo ang mga utos: 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; huwag kang magdadaya; igalang mo ang iyong ama't ina.''"
10:20 '"Guro,' sabi ng lalaki, 'ang lahat po ng iya'y tinutupad ko na mula pa sa aking pagkabata.'"
10:21 "Magiliw siyang tinitigan ni Jesus, at sinabi sa kanya, 'Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.'"
10:22 Namanglaw ang lalaki nang marinig ito, at malungkot na umalis, sapagkat siya'y napakayaman.
10:23 "Tiningnan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa kanyang mga alagad, 'Napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos.'"
10:24 "Nagtaka ang mga alagad sa pananalitang ito. Muling sinabi ni Jesus, 'Mga anak, talagang napakahirap mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos!"
10:25 "Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.'"
10:26 "Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't sila'y nagtanungan, 'Kung gayo'y sino ang maliligtas?'"
10:27 "Tinitigan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, 'Hindi ito magagawa ng tao, ngunit hindi ito mahirap sa Diyos. Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.' "
10:28 "At nagsalita si Pedro, 'Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.'"
10:29 "Sinabi ni Jesus, 'Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita,"
10:30 ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito---mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa---ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
10:31 "Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.' ( Ikatlong Pagsasabi ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 20:17-19; Lu. 18:31-34) ]"
10:32 Nasa daan sila patungong Jerusalem. Nauuna sa kanila si Jesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi ang mangyayari sa kanya.
10:33 "Wika niya, 'Ngayo'y paahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao'y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Kanilang hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil."
10:34 "Siya'y tutuyain nila, luluran, hahagupitin, at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.' ( Ang Kahilingan nina Santiago at Juan )[ (Mt. 20:20-28) ]"
10:35 "Lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, at ang sabi, 'Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.'"
10:36 '"Ano iyon?' tanong ni Jesus."
10:37 "Sumagot sila, 'Sana'y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian---isa sa kanan at isa sa kaliwa.'"
10:38 '"Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,' sabi ni Jesus sa kanila. 'Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?{ a} Pababautismo ba kayo sa bautismong daranasin ko?'"
10:39 '"Opo,' tugon nila. Sinabi ni Jesus, 'Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo,{ b} at kayo'y babautismuhan sa bautismong daranasin ko."
10:40 "Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan.' "
10:41 Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid.
10:42 "Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi, 'Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod."
10:43 Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod.
10:44 At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
10:45 "Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.' ( Nakakita ang Bulag na si Bartimeo )[ (Mt. 20:29-34; Lu. 18:35-43) ]"
10:46 Dumating si Jesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba. Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya'y si Bartimeo, anak ni Timeo.
10:47 "Nang marinig niyang naroon si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya ng ganito: 'Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!'"
10:48 "Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, 'Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!'"
10:49 "Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, 'Tawagin ninyo siya.' At tinawag nga nila ang bulag. 'Lakasan mo ang iyong loob,' sabi nila. 'Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya.'"
10:50 Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.
10:51 '"Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?' tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, 'Guro, ibig ko po sanang makakita.'"
10:52 "Sinabi ni Jesus, 'Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig.' Noon di'y nakakita siya, at sumunod kay Jesus."
11:1 ( Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem )[ (Mt. 21:1-11; Lu. 19:28-40; Jn. 12:12-19) ] Malapit na sina Jesus sa Jerusalem---nasa gulod ng Bundok ng mga Olibo at natatanaw na ang mga bayan ng Betfage at Betania. Pinauna ni Jesus ang dalawa sa mga alagad,
11:2 "at sinabi sa kanila, 'Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo'y makikita ninyong nakatali ang isang bisirong asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagin ninyo at dalhin dito."
11:3 "Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag iyon, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon, at ibabalik din agad dito.'"
11:4 Kaya't lumakad na sila, at natagpuan nga nila ang asno sa tabi ng daan, nakatali sa may pintuan ng isang bahay. Nang kinakalag na nila ang hayop,
11:5 "tinanong sila ng ilan sa mga nakatayo roon, 'Bakit ninyo kinakalag iyan?'"
11:6 Sumagot sila gaya ng bilin sa kanila ni Jesus, at hinayaan na silang umalis.
11:7 Dinala nila kay Jesus ang bisirong asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, ito'y sinakyan ni Jesus.
11:8 Maraming naglatag ng kanilang mga balabal sa daan; ang iba nama'y pumutol ng madahong sanga ng kahoy at siyang inilatag sa daan.
11:9 "Ang mga tao sa unahan at hulihan niya'y sumisigaw ng: 'Hosanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!"
11:10 "Pagpalain nawa ang kaharian ng ating amang si David, na muling itinatatag! Purihin ang Panginoon!'{ a} "
11:11 Pumunta si Jesus sa Jerusalem at pumasok sa templo. Pagkatapos tingnan ang lahat ng bagay doon, lumabas siya at nagbalik sa Betania, kasama ang Labindalawa, palibhasa'y gumagabi na noon. ( Sinumpa ang Puno ng Igos )[ (Mt. 21:18-19) ]
11:12 Kinabukasan, nang sila'y pabalik na mula sa Betania, nagutom si Jesus.
11:13 Natanaw nito sa di-kalayuan ang isang puno ng igos na madahon. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon, sapagkat hindi pa panahon ng igos noon.
11:14 "Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, 'Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.' Ito'y narinig ng kanyang mga alagad. ( Nilinis ang Templo )[ (Mt. 21:12-17; Lu. 19:45-48; Jn. 2:13-22) ]"
11:15 Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok sa templo si Jesus. Kanyang ipinagtabuyan ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtataob ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.
11:16 Pinagbawalan niyang magdaan sa loob ng templo ang sinumang may dala-dalahan.
11:17 "At tinuruan niya ang mga tao. Sinabi niya, 'Nasusulat, 'Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.' Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw.' "
11:18 Narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Buhat noo'y humanap sila ng paraan upang mapatay si Jesus, sapagkat natatakot sila sa kanya, dahil sa humahanga ang lahat ng tao sa kanyang turo.
11:19 Pagdating ng gabi, lumabas na naman ng lunsod si Jesus at ang kanyang mga alagad. ( Aral Mula sa Namatay na Puno ng Igos )[ (Mt. 21:20-22) ]
11:20 Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang patay na ang puno ng igos.{ b}
11:21 "Naalaala ni Pedro ang nangyari at kanyang sinabi kay Jesus, 'Guro, tingnan ninyo! Namatay ang puno ng igos na sinumpa ninyo.'"
11:22 "Sumagot si Jesus, 'Manalig kayo sa Diyos."
11:23 Tandaan ninyo ito: kung sabihin ninuman sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat,' na hindi siya nag-aalinlangan kundi nananalig na mangyayari ang sinabi niya, ito'y gagawin ng Diyos para sa kanya.
11:24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo.
11:25 Kapag kayo'y mananalangin,{ c} patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala. [
11:26 "Ngunit kung hindi kayo magpatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit.]' ( Pag-aalinlangan sa Karapatan ni Jesus )[ (Mt. 21:23-27; Lu. 20:1-8) ]"
11:27 Pumaroon na naman sila sa Jerusalem. Samantalang si Jesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan.
11:28 "Tinanong siya, 'Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?'"
11:29 "Sumagot si Jesus, 'Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito."
11:30 "Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo---sa Diyos ba o sa mga tao?'"
11:31 "At sila'y nag-usap-usap: 'Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'"
11:32 "Ngunit kung sabihin nating mula sa tao...'---natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta."
11:33 "Kaya't sumagot sila kay Jesus, 'Hindi namin alam!' Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.'"
12:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Ubasan at sa mga Kasama )[ (Mt. 21:33-46; Lu. 20:9-19) ] "Nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, ngunit ngayo'y sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, 'May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya'y nagtungo sa ibang lupain."
12:2 Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte.
12:3 Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala.
12:4 Ang may-ari'y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta.
12:5 Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayon din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay.
12:6 Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila---ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. 'Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili.
12:7 Ngunit ang mga kasama'y nag-usap-usap, 'Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.'
12:8 Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
12:9 '"Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa'y ibibigay sa iba."
12:10 Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.
12:11 "Ginawa ito ng Panginoon, At ito'y kahanga-hanga!'' "
12:12 Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Jesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya't hindi nila siya inano at sila'y umalis. ( Ang Pagbabayad ng Buwis )[ (Mt. 22:15-22; Lu. 20:20-26) ]
12:13 Ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Jesus upang siluin siya sa kanyang pananalita.
12:14 "Lumapit sila sa kanya at ang sabi, 'Guro, nalalaman po naming kayo'y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?'"
12:15 "Ngunit batid ni Jesus na sila'y nagkukunwari, kaya't sinabi niya sa kanila, 'Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko.'"
12:16 "At kanilang binigyan siya. 'Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?' tanong ni Jesus. 'Sa Cesar po,' tugon nila."
12:17 "Sinabi ni Jesus, 'Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.' At sila'y namangha sa kanya. ( Pag-aalinlangan Tungkol sa Muling Pagkabuhay )[ (Mt. 22:23-33; Lu. 20:27-40) ]"
12:18 May ilang Saduseo na lumapit kay Jesus. (Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay.)
12:19 '"Guro,' anila, 'naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: 'Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.'"
12:20 May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.
12:21 Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayon din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa:
12:22 isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila'y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y namatay rin ang babae.
12:23 "Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?' "
12:24 "Sumagot si Jesus, 'Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos."
12:25 Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging tulad ng mga anghel sa langit.
12:26 Tungkol naman sa muling pagkabuhay---hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises, 'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.'
12:27 "Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!' ( Ang Pinakamahalagang Utos )[ (Mt. 22:34-40; Lu. 10:25-28) ]"
12:28 "Narinig ng isa sa mga eskribang naroon ang kanilang pagtatalo. Natanto niyang mahusay ang pagkasagot ni Jesus sa mga Saduseo, kaya lumapit siya't nagtanong, 'Alin pong utos ang pinakamahalaga?'"
12:29 "Sumagot si Jesus, 'Ito ang pinakamahalagang utos, 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos---siya lamang ang Panginoon."
12:30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.'
12:31 "Ito naman ang pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.' Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.'"
12:32 '"Tama po, Guro!' wika ng eskriba. 'Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya."
12:33 "At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.'"
12:34 "Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya't sinabi niya, 'Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.' At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon. ( Ang Tanong ni Jesus Tungkol sa 'Anak ni David' )[ (Mt. 22:41-46; Lu. 20:41-44) ]"
12:35 "Samantalang nagtuturo si Jesus sa templo, sinabi niya, 'Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesias ay anak ni David?"
12:36 Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito: 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'{ a}
12:37 "Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesias?' At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao. ( Babala Laban sa mga Eskriba )[ (Mt. 23:1-36; Lu. 20:45-47) ]"
12:38 "Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, 'Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan."
12:39 Ang ibig nila'y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging.
12:40 "Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala'y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!' ( Ang Kaloob ng Babaing Balo )[ (Lu. 21:1-4) ]"
12:41 Umupo si Jesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga.
12:42 Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera.
12:43 "Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, 'Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat."
12:44 "Sapagkat ang iba'y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.'"
13:1 ( Ang Tungkol sa Pagkawasak ng Templo )[ (Mt. 24:1-2; Lu. 21:5-6) ] "Nang palabas na si Jesus sa templo ay sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad, 'Guro, tingnan po ninyo! Kay lalaki ng mga gusali at ng mga batong ginamit dito!'"
13:2 "Sumagot si Jesus, 'Nakikita mo ang naglalakihang gusaling iyan? Wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato; lahat ay iguguho!' ( Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating )[ (Mt. 24:3-14; Lu. 21:7-19) ]"
13:3 Samantalang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sa tapat ng templo, palihim siyang tinanong nina Pedro, Santiago, Juan at Andres:
13:4 '"Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang palatandaang magaganap na ang lahat ng iyan?' "
13:5 "At sinabi sa kanila ni Jesus, 'Mag-ingat kayo at huwag palilinlang kaninuman."
13:6 Maraming paririto at magpapanggap na sila ang Mesias at ililigaw nila ang marami.
13:7 Huwag kayong mababagabag kung makarinig kayo ng alingawngaw ng labanan at ng mga balita tungkol sa mga digmaan. Dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
13:8 Sapagkat makikipagdigma ang bansa sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap.
13:9 '"Magpakatatag kayo! Sapagkat kayo'y isasakdal sa hukuman, at hahampasin sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari upang kayo'y magpatotoo sa harapan nila."
13:10 Dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Mabuting Balita bago dumating ang wakas.
13:11 Kapag kayo'y dinakip na nila at iniharap sa paglilitis, huwag kayong mababahala tungkol sa sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sabihin ninyo ang anumang ipagkaloob sa inyo, sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu Santo.
13:12 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang mga magulang, at ipapapatay.
13:13 "Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.' ( Ang Kalapastanganang Walang Pangalawa )[ (Mt. 24:15-28; Lu. 21:20-24) ]"
13:14 '"Makikita ninyo ang Kalapastanganang Walang Pangalawa na nakatayo sa dakong di dapat kalagyan nito! (Unawain ito ng bumabasa!) At kung ito'y mangyari na, dapat nang tumakas sa kabundukan ang mga nasa Judea."
13:15 Ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang bumaba upang kumuha ng kahit ano sa kanyang bahay;
13:16 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa upang kumuha ng balabal.
13:17 Kawawa ang nagdadalantao at ang nagpapasuso sa mga araw na iyon!
13:18 Ipanalangin ninyo na huwag mangyari ang mga bagay na ito sa panahon ng taglamig.
13:19 Sapagkat sa panahong iyon ang mga tao'y magdaranas ng napakalaking kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at hindi na mararanasan pa kahit kailan.
13:20 At kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang maliligtas; ngunit alang-alang sa kanyang mga hinirang, paiikliin niya iyon.
13:21 '"Kung may magsabi sa inyo, 'Narito ang Mesias!' o 'Nariyan siya!' huwag kayong maniniwala."
13:22 Sapagkat may mga magpapanggap na Mesias at may magpapanggap na propeta, at magpapakita sila ng mga tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, pati ang mga hinirang ng Diyos.
13:23 "Kaya't mag-ingat kayo. Ipinagpauna ko nang sabihin sa inyo ang lahat ng bagay.' ( Ang Pagparito ng Anak ng Tao )[ (Mt. 24:29-31; Lu. 21:25-28) ]"
13:24 '"Pagkatapos ng mga kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan,"
13:25 malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
13:26 At makikita ang Anak ng Tao na nasa alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.
13:27 "Susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang ng Diyos, mula sa lahat ng dako.'{ a} ( Ang Aral Mula sa Puno ng Igos )[ (Mt. 24:32-35; Lu. 21:29-33) ]"
13:28 '"Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos: kapag sumisipot na ang mga dahon sa sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-araw."
13:29 Gayon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang panahon ng pagparito niya---nagsisimula na.{ b}
13:30 Tandaan ninyo: magaganap ang mga bagay na ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay sa ngayon.
13:31 "Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko'y hindi magkakabula.' ( Walang Taong Nakaaalam ng Araw o Oras na Yaon )[ (Mt. 24:36-44) ]"
13:32 '"Ngunit walang nakaaalam ng araw o oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak man---ang Ama lamang ang nakaaalam nito."
13:33 Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari.
13:34 Katulad nito'y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating.
13:35 Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan---maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga---
13:36 baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog.
13:37 "Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!'"
14:1 ( Ang Balak Laban kay Jesus )[ (Mt. 26:1-5; Lu. 22:1-2; Jn. 11:45-53) ] Dalawang araw na lamang at Pista na ng Paskuwa at ng Tinapay na Walang Lebadura. Ang mga punong saserdote at ang mga eskriba ay naghahanap ng paraan upang lihim na maipadakip si Jesus at maipapatay.
14:2 "Sinabi nila, 'Ngunit huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.' ( Binusan ng Pabango si Jesus )[ (Mt. 26:6-13; Jn. 12:1-8) ]"
14:3 Noo'y nasa Betania si Jesus, sa bahay ni Simong ketongin. Samantalang siya'y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng mamahaling pabango---ito'y dalisay na nardo. Binasag niya ang sisidlan at ang pabango'y ibinuhos sa ulo ni Jesus.
14:4 "Nagalit ang ilang naroroon, at sila'y nag-usap-usap, 'Ano't inaksaya ang pabango?"
14:5 "Maipagbibili sana iyon nang higit pa sa 300 denaryo, at maibibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!' At sinisi nila ang babae."
14:6 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Bakit ninyo siya ginugulo? Pabayaan ninyo siya! Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin."
14:7 Habang panaho'y kasama ninyo ang mga dukha, at anumang oras na inyong ibigin ay magagawan ninyo sila ng mabuti. Ngunit ako'y hindi ninyo kasama sa habang panahon.
14:8 Ginawa niya ang kanyang makakaya---hindi pa ma'y binusan na niya ng pabango ang aking katawan bilang paghahanda sa paglilibing sa akin.
14:9 "Sinasabi ko sa inyo: saanman ipangaral ang Mabuting Balita, mababanggit din naman ang ginawa niyang ito bilang pag-aalaala sa kanya.' ( Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus )[ (Mt. 26:14-16; Lu. 22:3-6) ]"
14:10 Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay pumunta sa mga punong saserdote upang ipagkanulo si Jesus.
14:11 Natuwa sila nang marinig ang gayon at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo'y humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus. ( Kumain ng Hapunang Pampaskuwa si Jesus at ang mga Alagad Niya )[ (Mt. 26:17-25; Lu. 22:7-14, 21-23; Jn. 13:21-30) ]
14:12 "Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad, 'Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?'"
14:13 "Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, 'Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya"
14:14 sa bahay na kanyang papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, 'Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad.'
14:15 "At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.'"
14:16 Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
14:17 Kinagabiha'y dumating si Jesus, kasama ang Labindalawa.
14:18 "Nang sila'y kumakain na, sinabi ni Jesus: 'Tandaan ninyo ito: isa sa inyo na kasalo ko'y magkakanulo sa akin.'"
14:19 "Nanlumo ang mga alagad, at isa't isa'y nagtanong sa kanya, 'Ako po ba, Panginoon?'"
14:20 "Sumagot siya, 'Isa sa inyo na kasalo ko sa pagsawsaw ng tinapay sa mangkok."
14:21 "Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong yaon ang hindi na ipinanganak.' ( Ang Banal na Hapunan )[ (Mt. 26:26-30; Lu. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-25) ]"
14:22 "Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa mga alagad. 'Kunin ninyo; ito ang aking katawan,' wika niya."
14:23 Hinawakan niya ang saro, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat.
14:24 "Sinabi niya, 'Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami."
14:25 "Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak{ a} sa kaharian ng Diyos.'"
14:26 Umawit sila ng isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo. ( Paunang Sinabi ni Jesus ang Pagtatwa ni Pedro )[ (Mt. 26:31-35; Lu. 22:31-34; Jn. 13:36-38) ]
14:27 "Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Ako'y iiwan ninyong lahat, sapagkat nasasaad sa Kasulatan, 'Papatayin ko ang pastol, at mangangalat ang mga tupa.'"
14:28 "Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.'"
14:29 "Sumagot si Pedro, 'Kahit na po iwan kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan.'"
14:30 '"Tandaan mo,' sabi ni Jesus sa kanya, 'sa gabi ring ito, bago tumilaok nang makalawa ang manok ay makaitlo mo akong itatatwa.'"
14:31 "Subalit matigas na sinabi ni Pedro, 'Kahit ako'y pataying kasama ninyo, hindi ko kayo itatatwa.' Gayon din ang sabi ng ibang alagad. ( Nanalangin si Jesus sa Getsemani )[ (Mt. 26:36-46; Lu. 22:39-46) ]"
14:32 "Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'Dito muna kayo at mananalangin ako.'"
14:33 Ngunit isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban.
14:34 "Sinabi niya sa kanila, 'Ang puso ko'y tigib ng hapis at halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at magbantay.'"
14:35 Pagkalayo nang kaunti, siya'y nagpatirapa at nanalangin na kung maaari'y huwag nang dumating sa kanya ang oras ng paghihirap.
14:36 '"Ama,{ b} Ama ko!' wika niya, 'mapangyayari mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang sarong ito ng paghihirap. Gayunma'y huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.' "
14:37 "Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, 'Natutulog ka, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lang?"
14:38 "Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda, ngunit ang laman ay mahina.' "
14:39 Muling lumayo si Jesus at nanalangin, at ang dati niyang kahilingan ang siyang sinambit.
14:40 Nagbalik siyang muli sa kanyang mga alagad at naratnan na namang natutulog, sapagkat sila'y antok na antok. At hindi nila malaman kung ano ang kanilang sasabihin sa kanya.
14:41 "Sa ikatlong pagbabalik niya ay kanyang sinabi sa kanila, 'Tulog pa ba kayo hanggang ngayon? Kayo ba'y namamahinga pa? Tama na! Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao'y ipagkakanulo sa masasama."
14:42 "Tayo na't narito na ang magkakanulo sa akin!' ( Ang Pagdakip kay Jesus )[ (Mt. 26:47-56; Lu. 22:47-53; Jn. 18:3-12) ]"
14:43 Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, isa sa Labindalawa, na kasama ng maraming taong may mga dalang tabak at pamalo. Inutusan sila ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan.
14:44 "Ang taksil ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat: 'Ang hagkan ko---iyon ang inyong hinahanap. Siya'y dakpin ninyo at dalhin, ngunit bantayang mabuti.' "
14:45 "Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Jesus. 'Guro!' ang bati niya, sabay halik."
14:46 At sinunggaban si Jesus ng mga tao at dinakip.
14:47 Nagbunot ng tabak ang isa sa mga naroon, at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang tainga niyon.
14:48 "At sinabi ni Jesus sa mga tao, 'Tulisan ba ako at naparito kayong may mga dalang tabak at pamalo upang ako'y dakpin?"
14:49 "Araw-araw ako'y nagtuturo sa templo at naroon din kayo, ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan!'"
14:50 Nagsitakas ang mga alagad at iniwan siya.
14:51 Sinundan siya ng isang binatang walang damit sa katawan maliban sa balabal niyang kayong lino. Sinunggaban siya ng mga tao,
14:52 ngunit iniwan niya ang kanyang balabal at tumakas na walang kadamit-damit. ( Si Jesus sa Harap ng Sanedrin )[ (Mt. 26:57-68; Lu. 22:54-55, 63-71; Jn. 18:13-14, 19-24) ]
14:53 At dinala nila si Jesus sa bahay ng pinakapunong saserdote; doo'y nagkatipon ang lahat ng punong saserdote, ang matatanda ng bayan, at ang mga eskriba.
14:54 Si Pedro'y sumunod sa kanya, ngunit malayo ang agwat. Nagtuloy siya hanggang sa patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote, naupo sa tabi ng apoy at nagpainit na kasama ng mga bantay.
14:55 Ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin ay naghahanap ng maipararatang kay Jesus upang maipapatay siya, ngunit wala silang makuha.
14:56 Maraming saksi ang nagsabi ng kasinungalingan laban sa kanya, ngunit hindi nagkaisa ang kanilang mga patotoo.
14:57 May ilang sumaksi laban sa kanya at nagsabi ng ganitong kasinungalingan:
14:58 '"Narinig naming sinabi niya, 'Gigibain ko ang templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na di gawa ng tao.''"
14:59 Gayunma'y hindi pa rin nagkaisa ang kanilang mga patotoo.
14:60 "Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Jesus, 'Ano ang masasabi mo sa paratang nila sa iyo? Bakit di ka sumagot?'"
14:61 "Ngunit hindi umimik si Jesus; hindi siya nagsalita gaputok man. Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote: 'Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kataas-taasan?'"
14:62 '"Ako nga,' sagot ni Jesus. 'At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan sa lahat. At makikita ninyong siya'y dumarating, nasa alapaap ng langit.'"
14:63 "Winahak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi, 'Hindi na natin kailangan ang mga saksi!"
14:64 "Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Diyos! Ano ang pasya ninyo?' Ang hatol nilang lahat ay kamatayan. "
14:65 "At niluran siya ng ilan, piniringan, at pinagsusuntok, kasabay ng wikang 'Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa iyo?' At pinagsasampal siya ng mga bantay. ( Itinatwa ni Pedro si Jesus )[ (Mt. 26:69-75; Lu. 22:56-62; Jn. 18:15-18, 25-27) ]"
14:66 Si Pedro nama'y naroon pa sa ibaba, sa patyo, nang dumating ang isa sa mga alila ng pinakapunong saserdote.
14:67 "Nakita ng babaing ito si Pedro na nagpapainit sa apoy, at kanyang pinagmasdang mabuti. 'Kasama ka rin ng Jesus na iyang taga-Nazaret!' sabi niya."
14:68 "Ngunit tumanggi si Pedro. 'Hindi ko nalalaman...hindi ko nauunawaan ang sinasabi mo,' sagot niya. At siya'y lumabas sa pasilyo [at tumilaok ang manok]."
14:69 "Nakita na naman siya roon ng alilang babae at sinabi sa mga naroon, 'Ang taong ito'y isa sa kanila!'"
14:70 "Ngunit itinatwa na naman ito ni Pedro. Makalipas ang ilang sandali'y sinabi na naman kay Pedro ng mga nakatayo roon, 'Talagang isa ka sa kanila. Taga-Galilea ka rin!'"
14:71 '"Sumpain man ako ng langit, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!' sagot ni Pedro."
14:72 "Siya namang pagtilaok uli ng manok. Naalaala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Jesus, 'Bago tumilaok nang makalawa ang manok ay makaitlo mo akong itatatwa.' At siya'y nanangis."
15:1 ( Si Jesus sa Harapan ni Pilato )[ (Mt. 27:1-2, 11-14; Lu. 23:1-5; Jn. 18:28-38) ] Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Jesus, at dinala kay Pilato.
15:2 '"Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?' tanong sa kanya ni Pilato. 'Kayo na ang nagsasabi,' tugon naman ni Jesus."
15:3 Nagharap ng maraming sumbong ang mga punong saserdote laban kay Jesus,
15:4 "kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, 'Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang sumbong laban sa iyo.'"
15:5 Ngunit hindi na tumugon pa si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato. ( Hinatulang Mamatay si Jesus )[ (Mt. 27:15-26; Lu. 23:13-25; Jn. 18:39--19:16) ]
15:6 Tuwing Pista ng Paskuwa ay nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo---sinuman ang hilingin sa kanya ng taong-bayan.
15:7 Nakabilanggo noon ang isang lalaking nagngangalang Barrabas, kasama ng ibang naghimagsik at nakamatay nang nagdaang himagsikan.
15:8 Lumapit ang mga tao at hiniling kay Pilato na isagawa na ang kanyang kinaugaliang pagpapalaya ng isang bilanggo.
15:9 '"Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?' tanong niya sa kanila."
15:10 (Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok sa mga punong saserdote na dalhin sa kanya si Jesus.)
15:11 Ngunit ang mga tao'y sinulsulan ng mga punong saserdote na si Barrabas ang hilinging palayain.
15:12 '"Kung gayon, ano ang gagawin ko sa taong ito na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?' tanong uli ni Pilato."
15:13 '"Ipako sa krus!' sigaw ng mga tao."
15:14 '"Bakit, ano ba ang kasalanan niya?' ani Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, 'Ipako siya sa krus!'"
15:15 Sa paghahangad ni Pilato na pagbigyan ang mga tao, pinalaya niya si Barrabas. Si Jesus ay kanyang ipinahagupit at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. ( Nilibak ng mga Kawal si Jesus )[ (Mt. 27:27-31; Jn. 19:2-3) ]
15:16 Dinala ng mga kawal si Jesus sa pretoryo, ang tirahan ng gobernador, at kanilang tinipon ang buong batalyon.
15:17 Sinuutan nila si Jesus ng isang balabal na purpura. Kumuha sila ng halamang matinik, ginawang korona at ipinutong sa kanya.
15:18 "At sila'y patuyang nagpugay at bumati sa kanya: 'Mabuhay ang Hari ng mga Judio!'"
15:19 Siya'y pinaghahampas nila ng tambo sa ulo, pinaglulurhan, at palibak na niluhud-luhuran.
15:20 At matapos kutyain, siya'y inalisan nila ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus. ( Ipinako si Jesus sa Krus )[ (Mt. 27:32-44; Lu. 23:26-43; Jn. 19:17-27) ]
15:21 Nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus.
15:22 "At kanilang dinala si Jesus sa lugar na kung tawagi'y Golgota---ibig sabihi'y 'Pook ng Bungo.'"
15:23 Binigyan nila siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi niya ininom.
15:24 Ipinako siya sa krus, at nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang mga damit ang mapupunta sa bawat isa.
15:25 Ikasiyam ng umaga nang ipako nila sa krus si Jesus.
15:26 "Sa itaas ng krus isinulat ang sakdal laban sa kanya, 'Ang Hari ng mga Judio.'"
15:27 Dalawang tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus---isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. [
15:28 "Sa gayo'y natupad ang nasasaad sa Kasulatan: 'Ibinilang siya sa mga salarin.'] "
15:29 "Nilibak siya ng mga nagdaraan, na tatangu-tangong nagsabi, 'Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?"
15:30 "Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Bumaba ka sa krus!'"
15:31 "Kinutya rin siya ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at ang sabi sa isa't isa: 'Iniligtas niya ang iba, ngunit di mailigtas ang sarili!"
15:32 "Makita lang nating bumaba sa krus ang Mesias na iyan na Hari ng Israel---maniniwala tayo sa kanya!' Inalipusta din siya ng mga nakapakong kasama niya. ( Ang Pagkamatay ni Jesus )[ (Mt. 27:45-56; Lu. 23:44-49; Jn. 19:28-30) ]"
15:33 At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon.
15:34 "Nang mag-iikatlo ng hapon, si Jesus ay sumigaw, 'Eloi, Eloi, lema sabachthani?' na ang ibig sabihi'y 'Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?'"
15:35 "Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon, at kanilang sinabi, 'Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!'"
15:36 "May tumakbo at kumuha ng espongha; ito'y binasa ng maasim na alak, at pagkatapos ay inilagay sa dulo ng isang tambo at ipinasipsip kay Jesus. Sabi niya, 'Tingnan nga natin kung darating si Elias upang ibaba siya.'"
15:37 Sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.
15:38 Biglang nawahak sa gitna ang tabing ng templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba.
15:39 "Nakatayo sa harap ng krus ang isang kapitan ng mga kawal at kanyang nakita kung paano namatay si Jesus kaya't sinabi niya, 'Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!'"
15:40 Naroon din ang ilang babae at nakatanaw mula sa malayo; kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Mariang ina nina Santiagong bata, at Jose at si Salome.
15:41 Mula pa sa Galilea'y nagsisunod na sila at naglingkod kay Jesus. At naroon din ang iba pang babaing sumama kay Jesus sa Jerusalem. ( Ang Paglilibing kay Jesus )[ (Mt. 27:57-61; Lu. 23:50-56; Jn. 19:38-42) ]
15:42 Nang magtatakipsilim na, dumating si Jose na taga-Arimatea, isang iginagalang na kagawad ng Sanedrin; siya'y naghihintay sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Sapagkat araw noon ng Paghahanda, o bisperas ng Araw ng Pamamahinga, naglakas-loob siyang lumapit kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
15:43 (*papuloy)
15:44 Nagtaka si Pilato nang marinig niyang patay na si Jesus, kaya't ipinatawag niya ang kapitan at tinanong kung ito'y totoo.
15:45 Nang malaman niya sa kapitan na talagang patay na si Jesus, pumayag siyang kunin ni Jose ang bangkay.
15:46 Bumili si Jose ng kayong lino. Nang maibaba na ang bangkay ay kanyang binalot sa kayong ito at inilagay sa isang libingang inuka sa tagiliran ng dalisdis na bato. Pagkatapos, iginulong ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan.
15:47 Nagmamasid naman si Maria Magdalena at si Mariang ina ni Jose, at nakita nila kung saan inilibing si Jesus.
16:1 ( Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus )[ (Mt. 28:1-8; Lu. 24:1-12; Jn. 20:1-10) ] Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Jesus.
16:2 At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan.
16:3 "Nag-uusap-usap sila habang daan: 'Sino kaya ang ating mapakikiusapang magpagulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?'"
16:4 Napakalaki ng batong iyon kaya gayon ang sabi nila. Ngunit nang tanawin nila ang libingan, nakita nilang naigulong na ang bato.
16:5 Pagpasok nila sa libingan, nakita nilang nakaupo sa gawing kanan ang isang binatang nararamtan ng mahaba at puting damit. At sila'y natakot.
16:6 '"Huwag kayong matakot,' sabi ng lalaki. 'Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito---siya'y muling nabuhay! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya."
16:7 "Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mga alagad, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo.'"
16:8 Lumabas sila ng libingan at patakbong umalis dahil sa matinding takot. At sa tindi ng kanilang katakutan, wala silang sinabi kaninuman. ( MAHABANG PAGWAWAKAS NG EBANGHELYONG ITO )( Napakita si Jesus kay Maria Magdalena )[ (Mt. 28:9-10; Jn. 20:11-18) ][
16:9 Umagang-umaga ng araw ng Linggo, matapos na muling mabuhay si Jesus, siya'y unang napakita kay Maria Magdalena. (Pitong demonyo ang pinalayas ni Jesus sa babaing ito.)
16:10 Pumunta siya sa mga alagad ni Jesus, na noo'y nahahapis at umiiyak, at ibinalita ang kanyang nakita.
16:11 Ngunit hindi sila naniwala sa sinabi ni Maria na buhay si Jesus at napakita sa kanya. ( Napakita si Jesus sa Dalawang Alagad )[ (Lu. 24:13-35) ]
16:12 Siya'y napakita rin sa dalawang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang kaanyuan.
16:13 Bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang kasamahan ang nangyari, ngunit sila ma'y hindi pinaniwalaan. ( Napakita si Jesus sa Labing-isa )[ (Mt. 28:16-20; Lu. 24:36-49; Jn. 20:19-23; Gw. 1:6-8) ]
16:14 Pagkatapos, napakita siya sa Labing-isa samantalang kumakain ang mga ito. Pinagwikaan niya sila dahil sa hindi nila pananalig sa kanya, at sa katigasan ng ulo, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
16:15 "At sinabi ni Jesus sa kanila, 'Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita."
16:16 Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan.
16:17 Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika;
16:18 "sila'y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.' ( Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit )[ (Lu. 24:50-53; Gw. 1:9-11) ]"
16:19 Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos.
16:20 Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.] ( MAIKLING PAGWAWAKAS NG EBANGHELYONG ITO ) [Pumunta ang mga babae kay Pedro at sa mga kasama niya, at sinaysay ang lahat ng sinabi ng lalaking nasa libingan. Pagkatapos nito, sinugo ni Jesus ang kanyang mga alagad sa buong sanlibutan. Ipinangaral nila ang banal at di lilipas na balita ng kaligtasang walang hanggan.]
|
|
