|
42. Lucas
1:1 ( Paghahandog ) Kagalang-galang na Teofilo: Marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin.
1:2 Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita.
1:3 Matapos na ako'y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo
1:4 upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo. ( Paunang Sinabi ang Panganganak kay Juan Bautista )
1:5 Nang si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala'y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet.{ a}
1:6 Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon.
1:7 Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila'y matanda na.
1:8 Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya'y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote.
1:9 Nang sila'y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya't pumasok siya sa templo ng Panginoon
1:10 sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin.
1:11 Walang anu-ano'y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang.
1:12 Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel.
1:13 "Ngunit sinabi nito sa kanya, 'Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya."
1:14 Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang
1:15 sapagkat siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo.
1:16 Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos.
1:17 "Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.' "
1:18 "Sinabi ni Zacarias sa anghel, 'Paano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako'y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.'"
1:19 "Sumagot ang anghel, 'Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo."
1:20 "At ngayon, mabibingi ka't hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.' "
1:21 Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo.
1:22 Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya'y nanatiling pipi.
1:23 Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya.
1:24 Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan.
1:25 '"Ngayo'y nilingap ako ng Panginoon,' wika ni Elisabet. 'Ginawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!' ( Ipinahayag ang Panganganak kay Jesus )"
1:26 Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea,
1:27 sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David.
1:28 "Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. 'Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,' wika niya. 'Sumasaiyo ang Panginoon!'{ b}"
1:29 Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon.
1:30 "Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, 'Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos."
1:31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.
1:32 Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David.
1:33 "Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.' "
1:34 '"Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?'{ c} tanong ni Maria."
1:35 "Sumagot ang anghel, 'Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos."
1:36 Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao---
1:37 "sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.' "
1:38 "Sumagot si Maria, 'Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.' At nilisan siya ng anghel. ( Ang Pagdalaw ni Maria kay Elisabet )"
1:39 Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda.
1:40 Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet.
1:41 Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet,
1:42 "at buong galak na sinabi, 'Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!"
1:43 Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?
1:44 Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
1:45 "Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!' ( Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria )"
1:46 "At sinabi ni Maria, 'Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, "
1:47 At nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
1:48 Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
1:49 Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan--- Banal ang kanyang pangalan!
1:50 Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali't saling lahi.
1:51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, Pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
1:52 Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, At itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
1:53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, At pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
1:54 Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, Bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
1:55 "Kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!' "
1:56 Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi. ( Isinilang si Juan Bautista )
1:57 Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki.
1:58 Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.
1:59 Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipapangalan sa kanya---gaya ng kanyang ama---
1:60 "ngunit sinabi ng kanyang ina, 'Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.'"
1:61 '"Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,' wika nila."
1:62 Kaya't hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol.
1:63 "Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: 'Juan ang kanyang pangalan.' At namangha silang lahat."
1:64 Pagdaka'y nakapagsalita siya,{ d} at nagpuri sa Diyos.
1:65 Natakot ang lahat ng kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito.
1:66 "Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: 'Magiging ano nga kaya ang batang ito?' Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon. ( Ang Hula ni Zacarias )"
1:67 Napuspos ng Espiritu Santo ang kanyang amang si Zacarias, at humula nang ganito:
1:68 '"Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan, "
1:69 At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,{ e} Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
1:70 Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una,
1:71 Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
1:72 Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang At aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
1:73 Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham,
1:74 Na ililigtas tayo sa ating mga kaaway, Upang walang takot na makasamba sa kanya,
1:75 At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo'y nabubuhay.
1:76 Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan,
1:77 At ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
1:78 Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; Magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan
1:79 "Upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, At patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.' "
1:80 Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.
2:1 ( Isinilang si Jesus )[ (Mt. 1:18-25) ] Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma.
2:2 Ang unang pagpapatalang ito'y ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria.
2:3 Kaya't umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.
2:4 Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose'y pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan at lahi ni David.
2:5 Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa na noo'y kagampan.
2:6 Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni Maria
2:7 at isinilang niya ang kanyang panganay at ito'y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. ( Ang mga Pastol at ang mga Anghel )
2:8 Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa.
2:9 Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang,
2:10 "ngunit sinabi sa kanila ng anghel, 'Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao."
2:11 Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
2:12 "Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.' "
2:13 Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos:
2:14 '"Papuri sa Diyos sa kaitaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!' "
2:15 "Nang makaalis na ang mga anghel, pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, 'Tayo na sa Betlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng Panginoon.'"
2:16 At nagmamadali silang lumakad, at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
2:17 Kaya't isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito;
2:18 at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.
2:19 Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay.
2:20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel. ( Pinangalanan si Jesus )
2:21 Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Jesus---ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi. ( Dinala si Jesus sa Templo )
2:22 Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa Kautusan ni Moises, sila'y pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon,
2:23 "sapagkat ayon sa Kautusan, 'Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.'"
2:24 "At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: 'Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.' "
2:25 May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala'y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo
2:26 na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.
2:27 Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon (ng kanyang mga magulang) ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan,
2:28 siya'y kinalong ni Simeon. Ito'y nagpuri sa Diyos, na ang wika,
2:29 '"Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin, Ayon sa iyong pangako, "
2:30 Yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
2:31 Na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
2:32 "Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, At magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.' "
2:33 Namangha ang ama't ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya.
2:34 "Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, 'Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami"
2:35 "kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw.' "
2:36 Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa,
2:37 nang siya'y mabalo. At ngayon, walumpu't apat na taon na siya.{ a} Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin.
2:38 Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. ( Nagbalik sa Nazaret )
2:39 Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea.
2:40 Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. ( Ang Batang si Jesus sa Loob ng Templo )
2:41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem.
2:42 At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa.
2:43 Pagkatapos ng pista, sila'y umuwi na. Nagpaiwan si Jesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang.
2:44 Sa pag-aakala ng isa na si Jesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya'y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala.
2:45 Hindi nila siya matagpuan, kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin.
2:46 At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Jesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong;
2:47 at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan.
2:48 "Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, 'Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.'"
2:49 "Sumagot siya, 'Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako'y dapat na nasa bahay ng aking Ama?'{ b}"
2:50 Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.
2:51 Siya'y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.
2:52 Patuloy na lumaki si Jesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.
3:1 ( Ang Pangangaral ni Juan Bautista )[ (Mt. 3:1-12; Mc. 1:1-8; Jn. 1:19-28) ] Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea, si Herodes ang tetrarka sa Galilea at ang kapatid naman niyang si Felipe, sa lupain ng Iturea at Traconite. Si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia.
3:2 Sina Anas at Caifas naman ang mga pinakapunong saserdote noon. Nang panahong iyon, nasa ilang si Juan na anak ni Zacarias. Dumating sa kanya ang salita ng Diyos,
3:3 "kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan at nangaral. 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos,' wika niya."
3:4 "Sa gayo'y natupad ang nasusulat sa aklat ni Propeta Isaias: 'Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: 'Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas! "
3:5 Tatambakan ang bawat lambak, At titibagin ang bawat burol at bundok. Tutuwirin ang daang liku-liko, At papatagin ang daang baku-bako.
3:6 "At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!'' "
3:7 "Marami ngang tao ang lumapit kay Juan upang pabautismo. 'Kayong lahi ng mga ulupong!' sabi niya sa kanila, 'sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating?"
3:8 Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo'y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo'y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, na mula sa mga batong ito ay makalilikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham.
3:9 "Ngayon pa'y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy; bawat punongkahoy na hindi nagkakaroon ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.' "
3:10 "At tinanong siya ng mga tao, 'Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?'"
3:11 '"Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,' tugon niya."
3:12 "Dumating din ang mga publikano upang pabautismo at itinanong nila sa kanya, 'Guro, ano po ang dapat naming gawin?'"
3:13 "Sumagot siya, 'Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin.'"
3:14 "Tinanong din siya ng mga kawal, 'At kami, ano naman ang gagawin namin?' 'Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod,' sagot niya. "
3:15 Naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesias at ang akala ng marami'y si Juan ang kanilang hinihintay.
3:16 "Kaya't sinabi ni Juan sa kanila, 'Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya'y makapangyarihan kaysa akin, at ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak."
3:17 "Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya ang trigo sa kanyang kamalig, ngunit ang ipa'y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.' "
3:18 Marami pang bagay ang ipinangaral ni Juan sa mga tao sa kanyang paghahayag ng Mabuting Balita.
3:19 Ngunit pinagwikaan niya si Herodes na tetrarka sapagkat kinakasama nito ang kanyang hipag na si Herodias, at dahil sa iba pang kasamaang ginawa niya.
3:20 Kaya't ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa kanyang kasalanan. ( Binautismuhan si Jesus )[ (Mt. 3:13-17; Mc. 1:9-11) ]
3:21 Nabautismuhan na noon ang lahat ng tao, gayon din si Jesus. Nang siya'y nananalangin, nabuksan ang langit
3:22 "at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, 'Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.' ( Ang Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ni Jesus )[ (Mt. 1:1-17) ]"
3:23 Magtatatlumpung taon na si Jesus nang magsimula siyang mangaral. Ayon sa palagay ng mga tao, siya'y anak ni Jose na anak ni Eli,
3:24 na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi na anak ni Melqui, at si Melqui nama'y anak ni Jana na anak ni Jose.
3:25 Si Jose'y anak ni Matatias na anak ni Amos. Itong si Amos ay anak ni Nahum na anak ni Esli. Si Esli'y anak naman ni Nage,
3:26 anak ni Maat na anak ni Matatias. Si Matatias ay anak ni Semei na anak ni Jose. Si Jose'y anak ni Juda
3:27 na anak ni Joana. At si Joana ay anak naman ni Resa na anak ni Zorobabel, anak ni Salatiel na anak naman ni Neri.
3:28 Si Neri'y anak ni Melqui na anak ni Adi. Si Adi ay anak ni Cosam na anak ni Elmodam, na anak ni Er.
3:29 Si Er nama'y anak ni Josue na anak ni Eliezer, anak ni Jorim na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi
3:30 na anak ni Simeong anak ni Juda. Si Juda'y anak naman ni Jose. Si Jose'y anak ni Jonan na anak ni Eliaquim,
3:31 na anak ni Melea. Itong si Melea'y anak ni Mainan na anak ni Matata, anak ni Natan na anak ni David.
3:32 Si David ay anak ni Jesse na anak ni Obed, at si Obed ay anak naman ni Booz. Si Booz ay anak ni Salmon na anak ni Naason,
3:33 anak ni Aminadab na anak ni Admin. Si Admin ay anak naman ni Arni na anak ni Esrom, na anak naman ni Fares. Si Fares ay anak ni Juda
3:34 na anak ni Jacob. Si Jacob ay anak ni Isaac na anak naman ni Abraham. Si Abraham ay anak ni Tare na anak ni Nacor.
3:35 Si Nacor ay anak ni Serug na anak ni Ragau, na anak naman ni Peleg, at si Peleg ay anak ni Heber na anak ni Sala.
3:36 Si Sala'y anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak naman ni Sem. Si Sem ay anak ni Noe, anak ni Lamec
3:37 na anak ni Matusalem na anak naman ni Enoc. Si Enoc ay anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Cainan.
3:38 Si Cainan ay anak ni Enos na anak naman ni Set. At si Set ay anak ni Adan na anak ng Diyos.
4:1 ( Tinukso ng Diyablo si Jesus )[ (Mt. 4:1-11; Mc. 1:12-13) ] Umalis si Jesus sa Jordan, puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu doon sa ilang,
4:2 at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso ng diyablo. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon, kaya't gutom na gutom siya.
4:3 "Sinabi sa kanya ng diyablo, 'Kung ikaw ang Anak ng Diyos, iutos mo na maging tinapay ang batong ito.'"
4:4 "Ngunit sinagot siya ni Jesus, 'Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.'' "
4:5 Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan.
4:6 '"Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga kahariang ito,' wika ng diyablo. 'Ipinagkaloob ito sa akin at maibibigay ko sa kaninumang ibigin ko."
4:7 "Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyong lahat ito.'"
4:8 "Sumagot si Jesus, 'Nasusulat, 'Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, At siya lamang ang iyong paglilingkuran.'' "
4:9 "At dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo ng Jerusalem, at sinabi sa kanya, 'Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka,"
4:10 sapagkat nasusulat, 'Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,'
4:11 "at 'Aalalayan ka nila, Upang hindi ka matisod sa bato.'' "
4:12 "Subalit sinagot siya ni Jesus, 'Nasusulat, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!''"
4:13 Pagkatapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, ito'y umalis at naghintay ng ibang pagkakataon. ( Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea )[ (Mt. 4:12-17; Mc. 1:14-15) ]
4:14 Bumalik si Jesus sa Galilea, at sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumalat sa palibot na lupain ang balita tungkol sa kanya.
4:15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga; at dinakila siya ng lahat. ( Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret )[ (Mt. 13:53-58; Mc. 6:1-6) ]
4:16 Umuwi si Jesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa;
4:17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:
4:18 '"Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, At sa mga bulag na sila'y makakikita; Upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, "
4:19 "At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.'{ a} "
4:20 Nilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga.
4:21 "At sinabi niya sa kanila: 'Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.'"
4:22 "Pinuri siya ng lahat, at namangha sila sa kanyang napakahusay na pananalita. 'Hindi ba ito ang anak ni Jose?' tanong nila."
4:23 "Kaya't sinabi ni Jesus, 'Walang pagsalang babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: 'Doktor, gamutin mo ang iyong sarili!' Sasabihin din ninyo sa akin, 'Gawin mo naman sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.''"
4:24 "At nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, 'Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan."
4:25 Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan{ b} sa loob ng tatlong tao't kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain.
4:26 Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon.
4:27 "Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.'"
4:28 Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito.
4:29 Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin.
4:30 Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis. ( Ang Lalaking Inaalihan ng Masamang Espiritu )[ (Mc. 1:21-28) ]
4:31 Mula roon, si Jesus ay nagpunta sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga
4:32 at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siya'y magsalita.
4:33 Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas:
4:34 '"Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka---ikaw ang Banal ng Diyos.'"
4:35 "Subalit pinagwikaan siya ni Jesus, 'Tumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!' At sa harapan ng lahat, ang tao'y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan."
4:36 "Nanggilalas silang lahat at nagsabi sa isa't isa, 'Anong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!'"
4:37 At kumalat ang balita tungkol kay Jesus sa buong lupaing yaon. ( Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao )[ (Mt. 8:14-17; Mc. 1:29-34) ]
4:38 Umalis si Jesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kaya't ipinamanhik nila kay Jesus na pagalingin siya.
4:39 Tumayo si Jesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon di'y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.
4:40 Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit---anuman ang karamdaman---ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Jesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila.
4:41 "Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabay sigaw, 'Ikaw ang Anak ng Diyos!' Ngunit sinaway sila ni Jesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias. ( Nangaral si Jesus sa Judea )[ (Mc. 1:35-39) ]"
4:42 Nang mag-umaga na, umalis si Jesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis.
4:43 "Subalit sinabi niya, 'Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.'"
4:44 At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.
5:1 ( Ang Pagtawag ni Jesus sa Unang mga Alagad )[ (Mt. 4:18-22; Mc. 1:16-20) ] Minsa'y nakatayo si Jesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos.
5:2 May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat.
5:3 Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.
5:4 "Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, 'Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.'"
5:5 "Sumagot si Simon, 'Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.'"
5:6 Gayon nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat.
5:7 Kaya't kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog.
5:8 "Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus at nagsabi, 'Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako'y makasalanan.'"
5:9 Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli;
5:10 "gayon din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, 'Huwag kang matakot. Mula ngayo'y mamamalakaya ka ng mga tao.'"
5:11 Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin )[ (Mt. 8:1-4; Mc. 1:40-45) ]
5:12 "Nang si Jesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito'y nagpatirapa at namanhik sa kanya, 'Ginoo, kung ibig po ninyo, ako'y inyong mapagagaling.'"
5:13 "Hinipo siya ni Jesus at ang sabi, 'Ibig ko; gumaling ka!' Pagdaka'y nawala ang kanyang ketong."
5:14 "At pinagbilinan siya ni Jesus: 'Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.'"
5:15 Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kaya't dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya.
5:16 At si Jesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin. ( Pagpapagaling sa Isang Paralitiko )[ (Mt. 9:1-8; Mc. 2:1-12) ]
5:17 Minsan nang nagtuturo si Jesus, naroon din ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na mula sa mga bayan ng Galilea at Judea, at sa Jerusalem. At sumasakanya ang kapangyarihan ng Panginoon upang magpagaling ng mga maysakit.
5:18 May dumating na ilang tao, dala ang isang paralitikong nasa higaan. Nagpipilit silang makapasok sa bahay upang mailagay sa harapan ni Jesus ang maysakit,
5:19 subalit wala silang maraanan dahil sa dami ng tao. Kaya't umakyat sila sa bubungan at binutas iyon, saka inihugos sa harapan ni Jesus ang paralitikong nasa higaan.
5:20 "Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, 'Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.'"
5:21 "Sa loob-loob ng mga eskriba't Pariseo: 'Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi ba't Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?'"
5:22 "Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinagot niya sila, 'Bakit kayo nag-iisip ng ganyan?"
5:23 Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko 'Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan' o ang sabihing 'Tumindig ka at lumakad'?
5:24 "Patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.' At sinabi niya sa paralitiko, 'Iniuutos ko: tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi ka!'"
5:25 Pagdaka'y tumindig ang tao sa harapan ng lahat, binuhat ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
5:26 "Nanggilalas sila at tigib ng takot na nagpuri sa Diyos. 'Nakakita kami ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!' wika nila. ( Ang Pagtawag kay Levi )[ (Mt. 9:9-13; Mc. 2:13-17) ]"
5:27 "Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus. Nakita niya ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Sumunod ka sa akin.'"
5:28 Tumindig si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus.
5:29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao.
5:30 "Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, 'Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga publikano at ng mga makasalanan?'"
5:31 "Sinagot siya ni Jesus, 'Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit."
5:32 "Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi.' ( Ang Katanungan Tungkol sa Pag-aayuno )[ (Mt. 9:14-17; Mc. 2:18-22) ]"
5:33 "May ilang nagsabi sa kanya ng ganito: 'Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayon din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo'y patuloy ng pagkain at pag-inom.'"
5:34 "Sumagot si Jesus, 'Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal?"
5:35 "Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.' "
5:36 "Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: 'Walang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma."
5:37 Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan.
5:38 Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak.
5:39 "At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, 'Masarap ang inimbak.''"
6:1 ( Ang Katanungan Tungkol sa Araw ng Pamamahinga )[ (Mt. 12:1-8; Mc. 2:23-28) ] Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Jesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay.
6:2 '"Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?' tanong ng ilang Pariseo."
6:3 "Sinagot sila ni Jesus, 'Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama?"
6:4 "Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.'"
6:5 "At sinabi pa niya sa kanila, 'Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.' ( Ang Taong Tuyot ang Isang Kamay )[ (Mt. 12:9-14; Mc. 3:1-6) ]"
6:6 Isang Araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roong tuyot ang kanang kamay.
6:7 Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo na maparatangan si Jesus, nagbantay sila upang tingnan kung siya'y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga.
6:8 "Subalit batid ni Jesus ang kanilang mga iniisip, kaya't sinabi niya sa lalaking tuyot ang kamay, 'Halika rito sa unahan.' Lumapit naman ang lalaki at tumayo roon."
6:9 "Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?'"
6:10 "Tiningnan ni Jesus ang nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, 'Iunat mo ang iyong kamay!' Iniunat nga niya ang kanyang kamay at ito'y gumaling."
6:11 Nagngingitngit sa galit ang mga eskriba at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Jesus. ( Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol )[ (Mt. 10:1-4; Mc. 3:13-19) ]
6:12 Nang panahong iyon, umahon si Jesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin.
6:13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol:
6:14 si Simon na pinanganlan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
6:15 Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan;
6:16 si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil. ( Nagturo at Nagpagaling si Jesus )[ (Mt. 4:23-25) ]
6:17 Bumaba si Jesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman.
6:18 Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu.
6:19 At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat. ( Ang Mapalad at ang Aba )[ (Mt. 5:1-12) ]
6:20 "Tumingin si Jesus sa mga alagad, at kanyang sinabi, 'Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo! "
6:21 '"Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin! 'Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak! "
6:22 '"Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman."
6:23 Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit---gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
6:24 '"Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan! "
6:25 '"Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom! 'Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis! "
6:26 '"Sa aba ninyo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.' ( Ibigin ang mga Kaaway )[ (Mt. 5:38-48; 7:12a) ]"
6:27 '"Ngunit sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo,"
6:28 pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.
6:29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro.
6:30 Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon.
6:31 Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.
6:32 '"Kung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila."
6:33 At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito!
6:34 Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito'y makababayad!
6:35 Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya'y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
6:36 "Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.' ( Paghatol sa Kapwa )[ (Mt. 7:1-5) ]"
6:37 '"Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos."
6:38 "Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.' "
6:39 "Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga: 'Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayon."
6:40 Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya'y magiging katulad ng kanyang guro.
6:41 '"Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata."
6:42 "Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,' gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.' ( Sa Gawa Makikilala )[ (Mt. 7:16-20; 12:33-35) ]"
6:43 '"Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti."
6:44 Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma,{ a} at di rin nakapuputi ng ubas sa puno ng dawag.
6:45 "Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.' ( Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay )[ (Mt. 7:24-27) ]"
6:46 '"Tinatawag ninyo akong 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko."
6:47 Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito.
6:48 Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo.
6:49 "Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka'y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!'"
7:1 ( Ang Pagpapagaling sa Alipin ng Kapitang Romano )[ (Mt. 8:5-13) ] Nang maituro ni Jesus sa mga tao ang lahat ng ito, siya'y pumasok ng Capernaum.
7:2 Doo'y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan.
7:3 Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Jesus, nagpasugo siya ng ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Jesus na puntahan at pagalingin ang alipin.
7:4 "Nang makita nila si Jesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, 'Siya'y karapat-dapat na pagbigyan ninyo"
7:5 "sapagkat mahal niya ang ating bansa,' wika nila. 'Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.'"
7:6 "Kaya't sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: 'Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan."
7:7 Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin.
7:8 "Sapagkat ako'y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa iba, 'Halika!' siya'y lumalapit; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ito'y ginagawa niya.'"
7:9 "Namangha si Jesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, 'Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananalig.'"
7:10 Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin. ( Binuhay na Muli ang Anak ng Babaing Balo )
7:11 Makaraan iyon, pumunta si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao.
7:12 Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing.
7:13 "Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, 'Huwag kang tumangis.'"
7:14 "Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, 'Binata, bumangon ka!'"
7:15 Naupo ito at nagsalita; at siya'y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.
7:16 "Sinidlan ng takot ang lahat at sila'y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, 'Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!'"
7:17 At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya. ( Ang mga Sinugo ni Juan Bautista )[ (Mt. 11:2-19) ]
7:18 Ang lahat ng ito ay ibinalita kay Juan ng kanyang mga alagad.
7:19 "Tinawag ni Juan ang dalawa sa kanila at pinapunta sa Panginoon upang itanong, 'Kayo po ba ang paririto, o maghihintay pa kami ng iba?'"
7:20 "Pagdating nila kay Jesus ay kanilang sinabi, 'Pinaparito po kami ni Juan Bautista at ipinatatanong kung kayo ang paririto o maghihintay pa kami ng iba.'"
7:21 Nang mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Jesus: mga pinahihirapan ng karamdaman, at mga inaalihan ng masasamang espiritu. Ipinagkaloob niyang makakita ang mga bulag.
7:22 "Sinabi niya sa kanila pagkatapos, 'Bumalik kayo kay Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita."
7:23 "Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!' "
7:24 "Pagkaalis ng mga sinugo ni Juan, si Jesus ay nagsalita sa mga tao tungkol kay Juan. 'Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isang tambong iniuugoy ng hangin?"
7:25 Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagsusuot ng maringal at namumuhay sa karangyaan ay nasa palasyo ng mga hari.
7:26 Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta.
7:27 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: 'Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo, Ihahanda niya ang iyong daraanan.'
7:28 "Sinasabi ko sa inyo: si Juan ang pinakadakila sa mga isinilang, ngunit dakila kaysa kanya ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos.' "
7:29 Pinakinggan siya ng mga mamamayan, pati ng mga publikano. Ang mga ito'y sumunod sa kalooban ng Diyos nang pabautismo sila kay Juan.
7:30 Subalit tinanggihan ng mga Pariseo at ng mga eskriba ang layunin ng Diyos sa kanila sapagkat hindi sila napabautismo kay Juan.
7:31 '"Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila?"
7:32 Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, 'Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!'
7:33 Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, 'Inaalihan siya ng demonyo.'
7:34 Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, 'Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!'
7:35 "Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.' ( Si Jesus sa Bahay ni Simong Pariseo )"
7:36 Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog{ a} sa hapag.
7:37 Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya't nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro.
7:38 At lumapit siya sa likuran ni Jesus, sa gawing paanan. Siya'y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Jesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango.
7:39 "Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, 'Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya---isang makasalanan!'"
7:40 "Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Jesus: 'Simon, may sasabihin ako sa iyo.' Sumagot siya, 'Ano po iyon, Guro?'"
7:41 "Sinabi ni Jesus, 'May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa'y 500 denaryo at ang isa nama'y limampu."
7:42 "Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?'"
7:43 "Sumagot si Simon, 'Sa palagay ko po'y ang pinatawad ng malaking halaga.' 'Tama ang sagot mo,' ang tugon ni Jesus."
7:44 "Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, 'Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok."
7:45 Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumitigil ng paghalik sa aking mga paa.
7:46 Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa.
7:47 "Kaya't sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.'"
7:48 "Saka sinabi sa babae, 'Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.'"
7:49 "At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, 'Sino ba itong pati pagpapatawad ng kasalanan ay pinangangahasan?'"
7:50 "Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, 'Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na't ipanatag mo ang iyong kalooban.'"
8:1 ( Mga Babaing Naglilingkod kay Jesus ) Hindi nalaunan, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa,
8:2 at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Magdalena (mula sa kanya'y pitong demonyo ang pinalayas);
8:3 si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad. ( Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik )[ (Mt. 13:1-9; Mc. 4:1-9) ]
8:4 Dating at dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Jesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito:
8:5 '"May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito'y tinuka ng mga ibon."
8:6 May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig.
8:7 May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo.
8:8 "Ang iba'y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-100 butil.' At malakas niyang idinugtong, 'Makinig ang may pandinig!' ( Ang Layunin ng Talinghaga )[ (Mt. 13:10-17; Mc. 4:10-12) ]"
8:9 Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito.
8:10 "Sumagot si Jesus, 'Sa inyo'y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba'y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang: 'Tumingin man sila'y hindi makakita; At makinig man sila'y di makaunawa.'' ( Ipinaliwanag ni Jesus ang Talinghaga )[ (Mt. 13:18-23; Mc. 4:13-20) ]"
8:11 '"Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos."
8:12 Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas.
8:13 Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso.{ a} Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad.
8:14 Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya't hindi nahinog ang kanilang mga bunga.
8:15 "Ang mga nahasik naman sa matabang lupa'y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila'y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Ilaw )[ (Mc. 4:21-25) ]"
8:16 '"Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag."
8:17 Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag.
8:18 '"Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.' ( Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus )[ (Mt. 12:46-50; Mc. 3:31-35) ]"
8:19 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao.
8:20 "May nagsabi sa kanya, 'Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.'"
8:21 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.' ( Pinatigil ni Jesus ang Unos )[ (Mt. 8:23-27; Mc. 4:35-41) ]"
8:22 "Isang araw, si Jesus ay sumakay sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, 'Tumawid tayo sa ibayo.' At gayon nga ang ginawa nila."
8:23 Nang sila'y naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na unos at ang bangka ay pinasok ng maraming tubig kaya't nalagay sila sa panganib.
8:24 "Nilapitan siya at ginising ng mga alagad. 'Guro, Guro, lulubog na po tayo!' sabi nila. Bumangon si Jesus, at sinaway ang hangin at ang nagngangalit na mga alon, at tumahimik ang mga ito. Bumuti ang panahon."
8:25 "Tinanong niya sila, 'Nasaan ang inyong pananalig?' Ngunit sila'y natakot at namangha, at ang sabi sa isa't isa, 'Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang dagat, at sinusunod naman siya ng mga ito!' ( Pinagaling ang Gergesenong Inaalihan ng mga Demonyo )[ (Mt. 8:28-34; Mc. 5:1-20) ]"
8:26 Sumadsad sila sa lupain ng mga Gergeseno,{ b} katapat ng Galilea.
8:27 Paglunsad ni Jesus, siya'y sinalubong ng isang lalaking tagaroon. Ito'y inaalihan ng demonyo, kaya't matagal nang hindi nagsusuot ng damit at sa libingan na tumitira.
8:28 "Pagkakita kay Jesus, sumigaw ang lalaki, nagpatirapa sa kanyang harapan at malakas na nagsabi, 'Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano ang pakialam mo sa akin? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!'"
8:29 Sinabi niya ito sapagkat ang masamang espiritu'y inutusan ni Jesus na lumabas sa taong iyon. (Madalas siyang alihan nito; at kahit na bantayan, ipangaw, at gapusin ng mga tanikala, pinapatid niya ang mga ito, at siya'y itinataboy ng demonyo sa ilang.)
8:30 "Tinanong siya ni Jesus, 'Ano ang pangalan mo?' 'Lehiyon,' tugon niya, sapagkat marami ang demonyong pumasok sa kanya."
8:31 At nagmakaawa sila kay Jesus na huwag silang utusang tumalon sa kalalimang walang hangganan.
8:32 May malaking kawan ng baboy na nanginginain sa burol na malapit doon. Nakiusap kay Jesus ang mga demonyo na papasukin sila sa mga iyon, at pinahintulutan naman sila.
8:33 Lumabas sa tao ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. Ang kawan ay biglang sumibad ng takbo at tuluy-tuloy na nahulog sa lawa at nalunod.
8:34 Nang makita ng mga tagapag-alaga ang nangyari, tumakas sila at ipinamalita ito sa bayan at sa mga nayon.
8:35 Lumabas ang mga tao upang tingnan ang nangyari. Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong inalihan ng mga demonyo. Nakaupo ito sa paanan ni Jesus, nakadamit at matino na ang isip. At sila'y lubhang natakot.
8:36 Isinalaysay naman sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang inalihan ng mga demonyo.
8:37 Ang mga Gergeseno'y nakiusap kay Jesus na umalis sa kanilang lupain, sapagkat takot na takot sila. Kaya't lumulan siya sa bangka at umalis.
8:38 (Nakiusap ang taong inalisan ng mga demonyo na siya'y isama, ngunit pinauwi siya ni Jesus.
8:39 '"Umuwi ka na sa inyo,' ani Jesus, 'at ipahayag mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.' Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus.) ( Binuhay ang Anak ni Jairo at Pinagaling ang Isang Babae )[ (Mt. 9:18-26; Mc. 5:21-43) ]"
8:40 Pagbabalik ni Jesus sa ibayo ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao sapagkat hinihintay siya ng lahat.
8:41 Dumating naman ang isang lalaki na nagngangalang Jairo, tagapamahala ng sinagoga. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nakiusap ditong pumunta sa bahay niya,
8:42 sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babae na maglalabindalawang taong gulang ay naghihingalo. Samantalang naglalakad si Jesus, sinisiksik siya ng mga tao.
8:43 Kabilang sa mga ito ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ninuman. [Naubos nang lahat sa kapapagamot ang kanyang kabuhayan.]
8:44 Lumapit siya sa likuran ni Jesus at humipo sa palawit ng kanyang damit; at pagdaka'y tumigil ang kanyang pagdugo.
8:45 "Nagtanong ngayon si Jesus, 'Sino ang humipo sa akin?' Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, 'Guro, naliligid po kayo at sinisiksik ng mga tao!'"
8:46 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'May humipo sa akin! Naramdaman kong may bisang lumabas sa akin.'"
8:47 Nang malaman ng babae na hindi pala nalingid ang kanyang ginawa, siya'y nanginginig na lumapit at nagpatirapa sa paanan ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paano siya gumaling agad.
8:48 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na't ipanatag mo ang iyong kalooban.' "
8:49 "Samantalang nagsasalita si Jesus, dumating ang isang lalaking galing sa bahay ng tagapamahala. 'Patay na po ang inyong anak!' sabi niya kay Jairo. 'Huwag na ninyong abalahin pa ang Guro.'"
8:50 "Nang marinig naman ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, 'Huwag kang matakot. Manalig ka't di siya maaano.'"
8:51 Pagdating ni Jesus sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina Pedro, Juan at Santiago, at ang ama't ina ng dalagita.
8:52 "Nananaghoy ang lahat ng naroon at tinatangisan ang patay. Ngunit sinabi ni Jesus, 'Huwag kayong tumangis. Hindi patay iyan; natutulog lamang.'"
8:53 Siya'y pinagtawanan nila sapagkat alam nilang patay na ang dalagita.
8:54 "Ngunit hinawakan ni Jesus ang kamay nito at sinabi, 'Ineng, bumangon ka.'"
8:55 Nagbalik ang kanyang hininga, at siya'y bumangon. At pinabigyan agad ni Jesus ng pagkain ang dalagita.
8:56 Nanggilalas ang mga magulang nito, ngunit pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.
9:1 ( Sinugo ni Jesus ang Labindalawa )[ (Mt. 10:5-15; Mc. 6:7-13) ] Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman.
9:2 At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit.
9:3 "Sila'y pinagbilinan niya: 'Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay---kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan."
9:4 Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.
9:5 "At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila.'"
9:6 Kaya't humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako. ( Nagulo ang Isip ni Herodes )[ (Mt. 14:1-12; Mc. 6:14-29) ]
9:7 Nabalitaan ni Herodes na tetrarka ng Galilea ang lahat ng nangyayari. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista.
9:8 May nagsasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una.
9:9 "Kaya't ang sabi ni Herodes, 'Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.' At pinagsikapan niyang makita si Jesus. ( Ang Pagpapakain sa Limang Libo )[ (Mt. 14:13-21; Mc. 6:30-44; Jn. 6:1-14) ]"
9:10 Pagbabalik ng mga apostol, sinabi nila kay Jesus ang lahat ng ginawa nila. At sila'y pumunta sa isang bayang tinatawag na Betsaida; walang isinama si Jesus kundi sila.
9:11 Nang malaman ito ng mga tao, sila'y sumunod. Malugod naman silang tinanggap ni Jesus. Nagsalita siya sa kanila tungkol sa paghahari ng Diyos; pinagaling niya ang mga may karamdaman.
9:12 "Nang dumidilim na'y nilapitan siya ng Labindalawa at sinabi sa kanya, 'Paalisin na po ninyo ang mga tao nang makaparoon sila sa mga nayon sa kabukiran sa paligid upang humanap ng makakain at matutuluyan. Nasa isang ilang na lugar po tayo.'"
9:13 "Ngunit sinabi niya, 'Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.' Sumagot sila, 'Wala po tayo kundi limang tinapay at dalawang isda, kaya kailangang bumili kami ng pagkain para sa mga taong ito.'"
9:14 "(May 5,000 lalaki ang naroon.) Ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad, 'Paupuin ninyo sila nang pulu-pulutong na tiglilimampu.'"
9:15 Gayon nga ang ginawa nila---pinaupo ang lahat.
9:16 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito, at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
9:17 Nakakain ang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis; at nakapuno sila ng labindalawang bakol. ( Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus )[ (Mt. 16:13-19; Mc. 8:27-29) ]
9:18 "Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Jesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya sila, 'Sino raw ako ayon sa mga tao?'"
9:19 "Sumagot sila, 'Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong una.'"
9:20 '"Kayo naman, ano ang sabi ninyo?' tanong niya sa kanila. 'Ang Mesias ng Diyos!' sagot ni Pedro. ( Ipinahayag ni Jesus ang Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 16:20-28; Mc. 8:30--9:1) ]"
9:21 Itinagubilin ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag na huwag nilang sasabihin ito kaninuman.
9:22 "At sinabi pa niya sa kanila, 'Ang Anak ng Tao'y dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.' "
9:23 "At sinabi niya sa lahat, 'Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin."
9:24 Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.
9:25 Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya'y mapapahamak?
9:26 Kapag ako at ang aking mga salita ay ikinahiya ninuman, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao pagparito niya na taglay ang kanyang karangalan at ang karangalan ng Ama at ng mga banal na anghel.
9:27 "Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't hindi nakikita ang paghahari ng Diyos.' ( Nagbagong-anyo si Jesus )[ (Mt. 17:1-8; Mc. 9:2-8) ]"
9:28 Walong araw pagkatapos sabihin ito, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago.
9:29 Samantalang siya'y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti.
9:30 Di kaginsa-ginsa'y lumitaw ang dalawang lalaki---sina Moises at Elias
9:31 na napakitang may kaningningan---at nakipag-usap sa kanya. Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Jesus na magaganap sa Jerusalem.
9:32 Tulog na tulog si Pedro at ang kanyang mga kasama, ngunit sila'y biglang nagising{ a} at nakita nila si Jesus na nagniningning at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.
9:33 "Nang papaalis na sa tabi ni Jesus ang mga lalaki, sinabi ni Pedro, 'Guro, mabuti pa'y dumito na tayo.{ b} Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.' (Ang totoo'y hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi.)"
9:34 Nagsasalita pa siya nang matakpan sila ng isang ulap, at sila'y natakot.
9:35 "At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi, 'Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang.{ c} Siya ang inyong pakinggan!'"
9:36 Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. At hindi muna sinabi ng mga alagad kaninuman ang kanilang nakita. ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Inaalihan ng Masamang Espiritu )[ (Mt. 17:14-18; Mc. 9:14-27) ]
9:37 Kinabukasan, bumaba sila mula sa bundok, at si Jesus ay sinalubong ng napakaraming tao.
9:38 "May isang lalaki roon sa karamihan na sumigaw ng ganito: 'Guro, pakitingnan po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki!"
9:39 Inaalihan siya ng isang espiritu, at bigla na lamang sumisigaw. Pinangingisay siya nito hanggang sa bumula ang kanyang bibig; sinasaktan siya at ayaw iwanan.
9:40 "Ipinamanhik ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila magawa.'"
9:41 "Sumagot si Jesus, 'Lahing napakasama at walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan?' At sinabi niya sa lalaki, 'Dalhin mo rito ang iyong anak.'"
9:42 Samantalang lumalapit ang bata, siya'y inilugmok sa lupa at pinangisay ng demonyo. Pinagwikaan ni Jesus ang masamang espiritu, pinagaling ang bata, at ibinigay sa kanyang ama.
9:43 At nanggilalas ang mga tao sa kapangyarihan ng Diyos. ( Muling Binanggit ni Jesus ang Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 17:22-23; Mc. 9:30-32) ]Samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Jesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad,
9:44 '"Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.'"
9:45 Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon. ( Sino ang Pinakadakila? )[ (Mt. 18:1-5; Mc. 9:33-37) ]
9:46 Minsa'y nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.
9:47 Batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya.
9:48 "At sinabi niya sa kanila, 'Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang pinakaaba sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.' ( Kapanig Natin ang Hindi Laban sa Atin )[ (Mc. 9:38-40) ]"
9:49 "Sinabi ni Juan, 'Guro, nakita po namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ninyo. Pinagbawalan namin siya sapagkat siya'y hindi natin kasamahan.'"
9:50 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Huwag ninyo siyang pagbawalan; sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.' ( Hindi Tinanggap si Jesus sa Isang Nayon sa Samaria )"
9:51 Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem.
9:52 Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan.
9:53 Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya'y patungo sa Jerusalem.
9:54 "Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, 'Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?'{ d}"
9:55 "Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. ['Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,' sabi niya, 'sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.']"
9:56 At nagtungo sila sa ibang nayon. ( Pagsunod kay Jesus )[ (Mt. 8:19-22) ]
9:57 "Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, 'Susunod po ako sa inyo kahit saan.'"
9:58 "Sumagot si Jesus, 'May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.'"
9:59 "Sinabi ni Jesus sa isa, 'Sumunod ka sa akin.' Ngunit sumagot ang tao, 'Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.'"
9:60 "Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.'"
9:61 "Sinabi naman ng isa, 'Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.'"
9:62 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.'"
10:1 ( Sinugo ni Jesus ang Pitumpu't Dalawa ) Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu't dalawa.{ a} Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya.
10:2 "Sinabi niya sa kanila, 'Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin."
10:3 Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat.
10:4 Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman.
10:5 Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!'
10:6 Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito.
10:7 Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo---sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay.
10:8 Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo;
10:9 pagalingin ninyo ang mga maysakit doon, at sabihin sa bayan, 'Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.'
10:10 Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo,
10:11 'Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaan ninyong nalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!'
10:12 "Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!' ( Babala sa mga Bayang Di-nagsisisi )[ (Mt. 11:20-24) ]"
10:13 '"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana'y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila'y nagsisisi."
10:14 Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.
10:15 At ikaw, Capernaum, Ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades!
10:16 '"Ang nakikinig sa inyo'y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo'y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.' ( Bumalik ang Pitumpu't Dalawa )"
10:17 "Bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu't dalawa. 'Panginoon,' sabi nila, 'kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.'"
10:18 "Sumagot si Jesus, 'Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit---parang kidlat."
10:19 Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo.
10:20 "Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.' ( Nagalak si Jesus )[ (Mt. 11:25-27; 13:16-17) ]"
10:21 "Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, 'Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba'y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. "
10:22 '"Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.' "
10:23 "Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: 'Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon!"
10:24 "Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.' ( Ang Mabuting Samaritano )"
10:25 "May eskribang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. 'Guro,' aniya, 'ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?'"
10:26 "Sumagot si Jesus, 'Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?'"
10:27 "Tumugon siya, ''Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip'; at, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.''"
10:28 '"Tama ang sagot mo,' wika ni Jesus. 'Gawin mo iyan at mabubuhay ka.' "
10:29 "Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Jesus, 'Sino naman ang aking kapwa?'"
10:30 "Sumagot si Jesus: 'May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan."
10:31 Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad.
10:32 Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad.
10:33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya'y nahabag.
10:34 Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon.
10:35 Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, 'Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.'
10:36 "Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?' tanong ni Jesus."
10:37 '"Ang nagpakita ng habag sa kanya,' tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Humayo ka't gayon din ang gawin mo.' ( Dumalaw si Jesus kina Marta at Maria )"
10:38 Nagpatuloy si Jesus at ang kanyang mga alagad sa kanilang paglalakbay at pumasok sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito.
10:39 Ang babaing ito'y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo.
10:40 "Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at ang wika, 'Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.'"
10:41 "Ngunit sinagot siya ng Panginoon, 'Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay,"
10:42 "ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito'y hindi aalisin sa kanya.'"
11:1 ( Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Panalangin )[ (Mt. 6:9-13; 7:7-11) ] "Minsan, nananalangin si Jesus.{ a} Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, 'Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.'"
11:2 "Sinabi ni Jesus, 'Kung kayo'y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: 'Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Magsimula na sana ang iyong paghahari. "
11:3 Bigyan mo kami ng aming maka- kain sa araw-araw.
11:4 "At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.'' "
11:5 "Sinabi pa rin niya sa kanila, 'Ipalagay natin na ang isa sa inyo'y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, 'Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay."
11:6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!'
11:7 At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, 'Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.'
11:8 Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito.
11:9 Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa inyo.
11:10 Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok.
11:11 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda?
11:12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog?
11:13 "Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!' ( Si Jesus at si Beelzebul )[ (Mt. 12:22-30; Mc. 3:20-27) ]"
11:14 Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito'y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao,
11:15 "ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, 'Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.'"
11:16 "May iba namang nais siyang subukin, kaya't nagsabi, 'Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.'{ b}"
11:17 "Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi sa kanila, 'Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon."
11:18 Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito.
11:19 Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo.
11:20 Ngayon, kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
11:21 '"Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian."
11:22 Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
11:23 '"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.' ( Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu )[ (Mt. 12:43-45) ]"
11:24 '"Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito'y gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, 'Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.'"
11:25 Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos.
11:26 "Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kaya't sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.' ( Ang Tunay na Mapalad )"
11:27 "Samantalang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, 'Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa inyo!'"
11:28 "Ngunit sumagot siya, 'Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!' ( Hinanapan si Jesus ng Palatandaan Mula sa Langit )[ (Mt. 12:38-42) ]"
11:29 "Samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, 'Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas."
11:30 Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayon din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao.
11:31 Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila'y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto!
11:32 "Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!' ( Ang Ilaw ng Katawan )[ (Mt. 5:15; 6:22-23) ]"
11:33 '"Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang o kaya'y ilagay sa ilalim ng takalan. Inilalagay ito sa talagang patungan upang pagpasok ng mga tao'y makita nila ang liwanag."
11:34 Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madidimlan ang buo mong katawan.
11:35 Kaya mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala.
11:36 "Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, ito'y lubos na maliliwanagan, na para bang tinatanglawan ka ng isang maliwanag na ilaw.' ( Tinuligsa ni Jesus ang Kasamaan ng mga Pariseo at ng mga Dalubhasa sa Kautusan )[ (Mt. 23:1-36; Mc. 12:38-40) ]"
11:37 Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya't pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag,
11:38 nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Jesus nang hindi muna naghugas ng kamay.
11:39 "Sinabi sa kanya ng Panginoon, 'Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo'y punung-puno ng kasakiman at kasamaan."
11:40 Mga hangal! Hindi ba't ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob?
11:41 Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.
11:42 '"Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang mga iba. "
11:43 '"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo'y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan."
11:44 "Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.' "
11:45 "Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, 'Guro, sa sinabi mong iyan pati kami'y kinukutya mo.'"
11:46 "At sinagot siya ni Jesus, 'Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri'y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon."
11:47 Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang.
11:48 Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon.
11:49 Dahil dito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, 'Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba'y papatayin nila at uusigin ang iba.'
11:50 Sa gayo'y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan,
11:51 magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. Sinasabi ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa.
11:52 '"Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok.' "
11:53 At umalis si Jesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga eskriba at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay,
11:54 upang masilo siya sa kanyang pananalita.
12:1 ( Babala Laban sa Pagpapaimbabaw )[ (Mt. 10:26-27) ] "Samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupat nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Jesus sa kanyang mga alagad, 'Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo---ito'y ang pagpapaimbabaw."
12:2 Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag.
12:3 "Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan.'{ a} ( Ang Dapat Katakutan )[ (Mt. 10:28-31) ]"
12:4 '"Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa."
12:5 Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!
12:6 '"Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi pinababayaan ng Diyos."
12:7 "Maging ang buhok ninyo'y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.' ( Pagkilala kay Cristo )[ (Mt. 10:32-33; 12:32; 10:19-20) ]"
12:8 '"Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos."
12:9 Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
12:10 '"Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. "
12:11 '"Kapag kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin."
12:12 "Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.' ( Ang Mayamang Hangal )"
12:13 "Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroon, 'Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana.'"
12:14 "Sumagot siya, 'Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?'"
12:15 "At sinabi niya sa kanilang lahat: 'Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.'"
12:16 At pagkatapos ay isinaysay ni Jesus ang talinghagang ito: Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana.
12:17 Kaya't nasabi niya sa sarili, 'Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani!
12:18 A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian.
12:19 At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya't mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!'
12:20 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, 'Hangal! Sa gabing ito'y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?'
12:21 "Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.' ( Pananalig sa Diyos )[ (Mt. 6:25-34) ]"
12:22 "At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain na kailangan upang mabuhay, o tungkol sa damit na itatakip sa katawan."
12:23 Sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit.
12:24 Isipin na lang ninyo ang mga uwak: hindi sila naghahasik ni nag-aani man; wala silang bangan ni kamalig, gayunma'y pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa kayo---higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!
12:25 Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay{ b} nang kahit isang oras man lamang sa pamamagitan ng pagkabalisa?
12:26 Kung hindi nga ninyo magawa ang gayon kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay?
12:27 Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man.{ c} Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ng mga damit niya.
12:28 Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya!
12:29 Kaya't huwag kayong mabalisa sa paghahanap ng inyong kakanin at iinumin.
12:30 Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong walang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng ito.
12:31 "Kaya't higit sa lahat, pagsumakitan ninyong pagharian kayo ng Diyos, at ipagkakaloob niya ang kinakailangan ninyo.' ( Kayamanan sa Langit )[ (Mt. 6:19-21) ]"
12:32 '"Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian."
12:33 Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo'y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tanga.
12:34 "Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso.' ( Mga Aliping Handa )"
12:35 '"Maging handa kayo{ d} at sindihan ang inyong mga ilawan."
12:36 Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto.
12:37 Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila.
12:38 Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.
12:39 Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay.
12:40 "Kayo ma'y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.' ( Ang Tapat at Di tapat na Alipin )[ (Mt. 24:45-51) ]"
12:41 "Itinanong ni Pedro, 'Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?'"
12:42 "Tumugon ang Panginoon, 'Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon?"
12:43 Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon pagbabalik ng kanyang panginoon.
12:44 Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito.
12:45 Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,' at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing,
12:46 darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan{ e} siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat.
12:47 '"At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa."
12:48 "Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang na parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.' ( Pagkakabaha-bahagi ng Sambahayan )[ (Mt. 10:34-36) ]"
12:49 '"Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa---at sana'y napagningas na ito!"
12:50 May isang bautismo pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga't hindi natutupad ito!
12:51 Akala ba ninyo'y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi.
12:52 Mula ngayon, ang lima katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.
12:53 "Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, Ang ina at ang anak na babae, At gayon din ang biyenang babae, at manugang na babae.' ( Pagkilala ng Kapanahunan )[ (Mt. 16:2-3) ]"
12:54 "Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, 'Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayon nga ang nangyayari."
12:55 At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga.
12:56 "Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa't sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?' ( Makipagkasundo sa Kaaway )[ (Mt. 5:25-26) ]"
12:57 '"Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid?"
12:58 Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito.
12:59 "Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.'"
13:1 ( Magsisi o Mapahamak ) Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito'y naghahandog sa Diyos.{ a}
13:2 "Sinabi niya sa kanila, 'Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayon ang sinapit nila?"
13:3 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.
13:4 At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe---sa akala ba ninyo'y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem?
13:5 "Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Puno ng Igos na Walang Bunga )"
13:6 "Sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: 'May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita."
13:7 Kaya't sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, 'Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!'
13:8 Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, 'Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba.
13:9 "Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!'' ( Pinagaling ni Jesus ang Babaing Hukot )"
13:10 Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagtuturo sa isang sinagoga.
13:11 May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya'y hukot na hukot at hindi na makaunat.
13:12 "Nang makita ni Jesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, 'Magaling ka na sa iyong karamdaman!'"
13:13 At ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa babae; noon di'y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos.
13:14 "Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi niya sa mga tao, 'May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.'"
13:15 "Sinagot siya ng Panginoon, 'Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba't kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga?"
13:16 "Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya'y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?'"
13:17 Napahiya ang lahat ng kalaban ni Jesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya. ( Ang Talinghaga Tungkol sa Butil ng Mustasa )[ (Mt. 13:31-32; Mc. 4:30-32) ]
13:18 "Sinabi ni Jesus, 'Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito?"
13:19 "Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Lebadura )[ (Mt. 13:33) ]"
13:20 "Sinabi pa ni Jesus, 'Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos?"
13:21 "Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupat umalsa ang buong masa.' ( Ang Makipot na Pintuan )[ (Mt. 7:13-14, 21-23) ]"
13:22 Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay. Siya'y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem.
13:23 "May isang nagtanong sa kanya: 'Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?' Sinabi niya,"
13:24 '"Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok. "
13:25 '"Kapag ang pinto'y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, 'Panginoon, papasukin po ninyo kami.' Sasagutin niya kayo, 'Hindi ko alam kung tagasaan kayo!'"
13:26 At sasabihin ninyo, 'Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.'
13:27 Sasabihin naman ng Panginoon, 'Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!'
13:28 Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama'y ipinagtabuyan sa labas!
13:29 At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos.
13:30 "Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.' ( Ang Pag-ibig ni Jesus sa Jerusalem )[ (Mt. 23:37-39) ]"
13:31 "Dumating noon ang ilang Pariseo. Sinabi nila kay Jesus, 'Umalis ka rito, sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes.'"
13:32 "At sumagot siya, 'Sabihin ninyo sa alamid{ b} na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayon din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain."
13:33 Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!
13:34 '"Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo."
13:35 "Kaya't lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, 'Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!''"
14:1 ( Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Namamanas ) Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.
14:2 Lumapit kay Jesus ang isang taong namamanas.
14:3 "Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, 'Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?'"
14:4 Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon.
14:5 "Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, 'Kung kayo'y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?'"
14:6 At hindi sila nakasagot sa tanong na ito. ( Mabuting Pakikitungo at Pagpapakababa )
14:7 Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin.{ a} Kaya't sinabi niya ang talinghagang ito:
14:8 '"Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo."
14:9 At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, 'Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?' Sa gayo'y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan.
14:10 Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, 'Kaibigan, dini ka sa kabisera.' Sa gayon, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin.
14:11 "Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.' "
14:12 "Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya: 'Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo'y nagantihan ka na."
14:13 Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo.
14:14 "Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo'y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.' ( Ang Talinghaga ng Malaking Piging )[ (Mt. 22:1-10) ]"
14:15 "Narinig ito ng isa sa mga kasalo niya sa hapag, at sinabi nito kay Jesus, 'Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!'"
14:16 "Sumagot si Jesus, 'May isang lalaking naghanda ng isang malaking piging, at marami siyang inanyayahan."
14:17 Nang dumating ang oras ng piging, inutusan niya ang kanyang mga alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, 'Halina kayo, handa na ang lahat!'
14:18 Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, 'Nakabili ako ng bukid, at kailangan kong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.'
14:19 At sinabi ng isa, 'Nakabili ako ng limang pares na baka, at kailangan kong isingkaw para masubok. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.'
14:20 Sinabi naman ng isa pa, 'Bagong kasal ako kaya hindi ako makadadalo.'
14:21 Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ito at sinabi sa alipin, 'Lumabas kang madali sa mga lansangan at makikipot na daan ng lunsod, at isama mo rito ang mga pulubi, mga pingkaw, mga bulag, at mga pilay.'
14:22 Pagbabalik ng alipin ay sinabi niya, 'Panginoon, nagawa na po ang iniutos ninyo, ngunit maluwag pa.'
14:23 Kaya't sinabi ng panginoon sa alipin, 'Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay.
14:24 "Sinasabi ko sa inyo: isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking handa!'' ( Pagpapakasakit na Hinihingi ng Pagiging Alagad )[ (Mt. 10:37-38) ]"
14:25 Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi,
14:26 '"Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.{ b}"
14:27 Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
14:28 Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon?
14:29 Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos---siya'y kukutyain ng lahat ng makakikita nito.
14:30 Sasabihin nila: 'Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.'
14:31 O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan?
14:32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo.
14:33 "Gayon din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.' ( Asin na Walang Kabuluhan )[ (Mt. 5:13; Mc. 9:50) ]"
14:34 '"Mabuti ang asin. Ngunit kung ito'y mawalan ng lasa, hindi na ito mapaaalat uli."
14:35 "Walang kabutihang maibibigay sa lupa ni sa tambakan man ng dumi na kinukunan ng pataba. Kaya't ito'y itinatapon na lamang ng mga tao. Makinig ang may pandinig!'"
15:1 ( Ang Nawalang Tupa )[ (Mt. 18:12-14) ] Ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus.
15:2 "Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, 'Ang taong ito'y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.'"
15:3 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito:
15:4 '"Kung ang sinuman sa inyo ay may 100 tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba?"
15:5 Kapag nasumpungan na'y masaya niyang papasanin ito.
15:6 Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!'
15:7 "Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi't tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.' ( Ang Nawalang Salaping Pilak )"
15:8 '"O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba?"
15:9 Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!'
15:10 "Sinasabi ko sa inyo, gayon din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan.' ( Ang Alibughang Anak )"
15:11 "Sinabi pa ni Jesus, 'Isang tao ang may dalawang anak na lalaki."
15:12 Ang wika ng bunso, 'Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.' At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian.
15:13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili{ a} ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay.
15:14 Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya.
15:15 Kaya't namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya'y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.
15:16 Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya.
15:17 Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, 'Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain---at lumalabis pa---samantalang ako'y namamatay ng gutom dito!
15:18 "Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, 'Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo."
15:19 "Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.' '"
15:20 "At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. 'Malayo pa'y natanawan na siya ng ama at ito'y labis na nahabag sa kanya, kaya't patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan."
15:21 Sinabi ng anak, 'Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.'
15:22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, 'Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak.
15:23 Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya!
15:24 Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.' At sila'y nagsaya.
15:25 '"Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan."
15:26 Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: 'Bakit? May ano sa atin?'
15:27 'Dumating po ang inyong kapatid!' tugon ng alila. 'Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.'
15:28 Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya't lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya.
15:29 Ngunit sinabi nito, 'Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan.
15:30 Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!'
15:31 Sumagot ang ama, 'Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko'y sa iyo.
15:32 "Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.''"
16:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Tusong Katiwala ) "Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian."
16:2 Kaya't ipinatawag niya at tinanong: 'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.'
16:3 Nawika ng katiwala sa sarili, 'Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.
16:4 A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.'
16:5 Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, 'Gaano ang utang mo sa aking panginoon?'
16:6 Sumagot ito, 'Sandaang tapayang langis po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't gawin mong limampu,' sabi ng katiwala.
16:7 At tinanong naman niya ang isa, 'Ikaw, gaano ang utang mo?' Sumagot ito, 'Sandaang kabang trigo po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,' wika niya. 'Isulat mo, walumpu.'
16:8 "Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.'{ a} "
16:9 "At nagpatuloy si Jesus ng pagsasalita, 'Kaya't sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito'y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan."
16:10 Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay.
16:11 Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?
16:12 At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
16:13 '"Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.' ( Ilang Pananalita Mula kay Jesus )[ (Mt. 11:12-13; 5:31-32; Mc. 10:11-12) ]"
16:14 Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Jesus, sapagkat sakim sila sa salapi.
16:15 "Kaya't sinabi niya sa kanila, 'Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. "
16:16 '"Ang Kautusan ni Moises at ang sinulat ng mga propeta ay hanggang kay Juan Bautista. Buhat noon, ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at bawat isa'y sapilitang pumapasok dito."
16:17 Magaan pang maparam ang langit at ang lupa kaysa mawalan ng bisa ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.{ b}
16:18 '"Ang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.' ( Ang Mayaman at si Lazaro )"
16:19 '"May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw."
16:20 At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman
16:21 upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.
16:22 Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing.
16:23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro.
16:24 At sumigaw siya: 'Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.'
16:25 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro'y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo'y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama'y nagdurusa.
16:26 Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.'
16:27 At sinabi ng mayaman, 'Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama,
16:28 sapagkat ako'y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang babalaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.'
16:29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.'
16:30 'Hindi po sapat ang mga iyon,' tugon niya, 'ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.'
16:31 "Sinabi sa kanya ni Abraham, 'Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.''"
17:1 ( Mga Sanhi ng Pagkakasala )[ (Mt. 18:6-7, 21-22; Mc. 9:42) ] "Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito!"
17:2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.
17:3 "Kaya't mag-ingat kayo! 'Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya'y magsisi, patawarin mo."
17:4 "Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, 'Nagsisisi ako,' patawarin mo.' ( Pananalig sa Diyos )"
17:5 "Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, 'Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!'"
17:6 "Tumugon ang Panginoon, 'Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat!' at tatalima ito sa inyo.' ( Ang Tungkulin ng Alipin )"
17:7 '"Ipalagay nating kayo'y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'?"
17:8 Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.'
17:9 Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya?
17:10 "Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.'' ( Ang Pagpapagaling sa Sampung Ketongin )"
17:11 Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea.
17:12 Nang papasok na siya sa isang nayon, siya'y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo
17:13 "at humiyaw ng: 'Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!'"
17:14 "Nang makita sila ay sinabi niya, 'Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.' At samantalang sila'y naglalakad, gumaling sila."
17:15 Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.
17:16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y Samaritano.
17:17 '"Hindi ba sampu ang gumaling?' tanong ni Jesus. 'Nasaan ang siyam?"
17:18 "Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?'"
17:19 "Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Tumindig ka't humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.' ( Ang Pagtatatag ng Kaharian ng Diyos )[ (Mt. 24:23-28, 37-41) ]"
17:20 "Minsan, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, 'Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan."
17:21 "At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo'y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.' "
17:22 "At sinabi niya sa mga alagad, 'Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon."
17:23 At may magsasabi sa inyo, 'Naroon siya!' o, 'Narini siya!' Huwag kayong pumunta upang siya'y hanapin.
17:24 Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao'y darating na parang kidlat.{ a}
17:25 Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.
17:26 Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe.
17:27 Noon, ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat.
17:28 Gayon din noong panahon ni Lot---ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim, at nagtatayo ng bahay.
17:29 Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat.
17:30 Gayon din sa pagdating ng Anak ng Tao.{ b}
17:31 '"Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi."
17:32 Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.
17:33 Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito.
17:34 Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa.
17:35 May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [
17:36 "May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]'"
17:37 '"Saan po, Panginoon?' tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, 'Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.'"
18:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Babaing Balo at sa Hukom ) Isinaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.
18:2 '"Sa isang lunsod,' wika niya, 'may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang."
18:3 Sa lunsod ding yaon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan.
18:4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: 'Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman,
18:5 "igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala---baka pa ako mainis sa kapaparito niya.''"
18:6 "At sinabi ng Panginoon, 'Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom."
18:7 Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon.
18:8 "Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at sa Publikano )"
18:9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba.
18:10 '"May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y Pariseo at ang isa nama'y publikano."
18:11 Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba---mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya---o kaya'y katulad ng publikanong ito.
18:12 Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.'
18:13 Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!'
18:14 "Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.' ( Pinagpala ni Jesus ang Maliliit na Bata )[ (Mt. 19:13-15; Mc. 10:13-16) ]"
18:15 Dinadala ng ilang tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang hilinging ipatong sa mga ito ang kanyang kamay. Nang makita ito ng mga alagad, pinagsabihan nila ang mga tao.
18:16 "Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihan, 'Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos."
18:17 "Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.' ( Ang Lalaking Mayaman )[ (Mt. 19:16-30; Mc. 10:17-31) ]"
18:18 "Isang lalaking may tungkulin sa bayan ang nagtanong kay Jesus, 'Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?'"
18:19 "Sumagot si Jesus, 'Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos."
18:20 "Alam mo na ang mga utos: 'Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama't ina.''"
18:21 "At sumagot siya, 'Ang lahat pong iya'y tinutupad ko na mula pa sa pagkabata.'"
18:22 "Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya, 'Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.'"
18:23 Ngunit nalungkot ang lalaki nang marinig ito, sapagkat siya'y napakayaman.
18:24 "Nakita ni Jesus na nalulungkot siya, at kanyang sinabi, 'Napakahirap mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos ang mayayaman!"
18:25 "Madali pang makaraan sa butas ng karayom ang kamelyo kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.'"
18:26 "Nagtanong ang mga nakarinig nito, 'Kung gayo'y sino po ang maliligtas?'"
18:27 "Tinugon sila ni Jesus, 'Ang hindi magagawa ng tao ay magagawa ng Diyos.' "
18:28 "At nagsalita si Pedro, 'Tingnan po ninyo, iniwan namin ang aming tahanan upang sumunod sa inyo.'"
18:29 "At sinabi sa kanila ni Jesus, 'Tandaan ninyo ito: walang taong nag-iwan ng tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak, dahil sa paghahari ng Diyos,"
18:30 "na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at ng buhay na walang hanggan sa panahong darating.' ( Ikatlong Pagsasabi ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mt. 20:17-19; Mc. 10:32-34) ]"
18:31 "Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, 'Tandaan ninyo: pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng sinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao."
18:32 Ipagkakanulo siya sa mga Hentil; tutuyain siya ng mga ito, dudustain, at luluraan.
18:33 "Siya'y hahagupitin nila at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.'"
18:34 Subalit wala silang naunawaan sa kanilang narinig; hindi nila nakuha ang kahulugan niyon, at hindi man lamang nalaman kung ano ang sinasabi ni Jesus. ( Ang Pagpapagaling sa Lalaking Bulag )[ (Mt. 20:29-34; Mc. 10:46-52) ]
18:35 Malapit na si Jesus sa Jerico, at doo'y may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos.
18:36 Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari.
18:37 '"Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,' sabi nila."
18:38 "At siya'y sumigaw, 'Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!'"
18:39 "Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: 'Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!'"
18:40 Kaya't tumigil si Jesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Jesus,
18:41 '"Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?' 'Panginoon, ibig ko po sana'y manumbalik ang aking paningin,' sagot niya."
18:42 "At sinabi ni Jesus, 'Mangyari ang ibig mo! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.'"
18:43 Noon din, nakakita siya at sumunod kay Jesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
19:1 ( Si Jesus at si Zaqueo ) Pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan.
19:2 Doo'y may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo.
19:3 At pinagsikapan niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya'y napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Jesus.
19:4 Kaya't patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na magdaraan doon.
19:5 "Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya'y tumingala at sinabi sa kanya, 'Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.'"
19:6 Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus.
19:7 "Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. 'Nakikituloy siya sa isang makasalanan,' wika nila."
19:8 "Tumayo si Zaqueo at sinabi, 'Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako'y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.'"
19:9 "At sinabi sa kanya ni Jesus, 'Ang kaligtasa'y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito."
19:10 "Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Salaping Ginto )[ (Mt. 25:14-30) ]"
19:11 Nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, at isinaysay ang isa pang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag{ a} na ang kaharian ng Diyos.
19:12 "Sabi niya: 'May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon."
19:13 Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto{ b} at sinabihan sila, 'Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.'
19:14 Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya't pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: 'Ayaw naming maging hari ang taong ito!'
19:15 '"Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa."
19:16 Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, 'Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.'
19:17 'Magaling,' sagot niya. 'Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.'
19:18 Lumapit ang ikalawa at ang sabi, 'Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.'
19:19 At sinabi niya sa kanya, 'Mamamahala ka sa limang bayan.'
19:20 Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, 'Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko sa panyo at itinago.
19:21 Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.'
19:22 Sinagot siya ng kanyang panginoon, 'Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako'y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik.
19:23 Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana'y may tinubo ang puhunang ito.'
19:24 At sinabi niya sa mga naroroon, 'Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.'
19:25 ['Panginoon, siya po'y mayroon nang sampung salaping ginto!' wika nila.]
19:26 'Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
19:27 "Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako'y maghari sa kanila---dalhin ninyo rito at patayin sa harapan ko!'' ( Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem )[ (Mt. 21:1-11; Mc. 11:1-11; Jn. 12:12-19) ]"
19:28 Pagkasabi nito, nagpauna si Jesus patungong Jerusalem.
19:29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagi'y Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawang alagad.
19:30 "Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo'y matatagpuan ninyo ang isang bisirong asnong nakatali; hindi pa ito nasasakyan ninuman. Kalagin ninyo at dalhin dito."
19:31 "Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon.'"
19:32 Kaya't lumakad ang mga inutusan at natagpuan nga nila ang asno, ayon sa sinabi sa kanila ni Jesus.
19:33 "Samantalang kinakalag nila ito, tinanong sila ng mga may-ari, 'Bakit ninyo kinakalag iyan?'"
19:34 '"Kailangan ito ng Panginoon,' tugon nila."
19:35 Dinala nila kay Jesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya'y pinasakay nila.
19:36 Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay, at sa kanyang daraanan nama'y inilalatag ng mga tao ang kanilang mga balabal.
19:37 Nang malapit na siya---palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo---nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng mga alagad at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila.
19:38 "Ang wika nila, 'Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!'{ c} "
19:39 "Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, 'Guro, sawayin mo nga ang iyong mga alagad.'"
19:40 "Sumagot siya, 'Sinasabi ko sa inyo: kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw.' ( Tinangisan ni Jesus ang Jerusalem )"
19:41 Nang malapit na siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod, ito'y kanyang tinangisan.
19:42 "Sinabi niya, 'Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin."
19:43 Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila.
19:44 "Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato'y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.'{ d} ( Ang Paglilinis ng Templo )[ (Mt. 21:12-17; Mc. 11:15-19; Jn. 2:13-22) ]"
19:45 Pumasok si Jesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda.
19:46 "Sinabi niya sa mga ito, 'Nasusulat: 'Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.' Ngunit ginawa ninyong 'pugad ng mga magnanakaw'.' "
19:47 Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan na siya'y ipapatay.
19:48 Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
20:1 ( Pag-aalinlangan sa Karapatan ni Jesus )[ (Mt. 21:23-27; Mc. 11:27-33) ] Isang araw, samantalang nagtuturo si Jesus sa loob ng templo, at nangangaral ng Mabuting Balitang mula sa Diyos, lumapit ang mga punong saserdote at mga eskriba, kasama ang matatanda ng bayan.
20:2 "Sinabi nila sa kanya, 'Sabihin mo nga sa amin, ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?'"
20:3 "Sumagot si Jesus, 'Tatanungin ko rin kayo."
20:4 "Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo---sa Diyos ba o sa mga tao?'"
20:5 "At sila-sila'y nag-usap: 'Kung sabihin nating sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'"
20:6 "Kung sabihin nating mula sa mga tao, babatuhin tayo ng madla, sapagkat naniniwala silang propeta si Juan.'"
20:7 "Kaya't sumagot sila, 'Hindi namin alam!'"
20:8 "At sinabi ni Jesus sa kanila, 'Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Ubasan at sa mga Kasama )[ (Mt. 21:33-46; Mc. 12:1-12) ]"
20:9 "Bumaling siya sa mga tao at sinabi sa kanila ang talinghagang ito: 'May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Iniwan niya ito sa mga kasama at napasaibang lupain sa loob ng mahabang panahon."
20:10 Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isang alipin upang kunin ang kanyang kaparte. Ngunit binugbog ng mga kasama ang alipin at pinauwing walang dala.
20:11 Nagpapunta siya uli ng isang alipin; ito ma'y binugbog, dinusta, at pinauwing walang dala.
20:12 Pinaparoon pa niya ang ikatlo; sinugatan din ito at ipinagtabuyan.
20:13 Sinabi ng may-ari ng ubasan, 'Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti siguro'y ang minamahal kong anak ang papuntahin ko; tiyak na siya'y igagalang nila.'
20:14 Ngunit nang makita siya ng mga kasama, nag-usap-usap sila at ang wika: 'Ito ang tagapagmana; patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.'
20:15 "At siya'y inilabas nila ng ubasan at pinatay. 'Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan?"
20:16 "Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ibibigay sa iba ang ubasan.' Pagkarinig nito, sinabi ng mga tao, 'Huwag nawang mangyari!'"
20:17 "Tinitigan sila ni Jesus at tinanong, 'Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.' "
20:18 "Ang bawat bumagsak sa batong ito ay magkakaluray-luray, at ang mabagsakan nito ay magkakadurug-durog.' ( Ang Pagbabayad ng Buwis )[ (Mt. 22:15-22; Mc. 12:13-17) ]"
20:19 Tinangka ng mga eskriba at ng mga punong saserdote na dakpin si Jesus nang oras ding iyon, sapagkat naramdaman nilang sila ang pinatatamaan sa talinghaga; ngunit natakot sila sa mga tao.
20:20 Kaya't naghintay sila ng pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao na magkunwaring naghahanap ng katotohanan upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, para maisakdal nila siya sa gobernador.
20:21 "Sinabi ng mga espiyang ito sa kanya, 'Guro, alam po naming tumpak ang inyong sinasabi at itinuturo. Hindi kayo nagtatangi ng tao, kundi itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao."
20:22 "Naaayon po ba sa Kautusan na magbayad tayo ng buwis sa Cesar, o hindi?'"
20:23 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang masamang layon kaya't sinabi niya,
20:24 '"Akina ang isang denaryo. Kanino ang larawan at ang pangalang nakatitik dito?' 'Sa Cesar po,' tugon nila."
20:25 "Sinabi ni Jesus, 'Kung gayo'y ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.'"
20:26 Nabigo ang hangarin nilang masilo siya sa kanyang pananalita, sa harapan ng madla. At dala ng kanilang pagkamangha sa kanyang sagot, sila'y nagsitahimik. ( Pag-aalinlangan Tungkol sa Muling Pagkabuhay )[ (Mt. 22:23-33; Mc. 12:18-27) ]
20:27 May ilang Saduseo na lumapit kay Jesus. (Ang Saduseo'y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay.)
20:28 '"Guro,' anila, 'naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: 'Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.'"
20:29 May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.
20:30 Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay.
20:31 Gayon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak.
20:32 Sa kahuli-huliha'y namatay naman ang babae.
20:33 "Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?' "
20:34 "Sumagot si Jesus, 'Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae'y nag-aasawa,"
20:35 ngunit ang mga lalaki't babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa.
20:36 Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila'y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay.
20:37 Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang 'Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.'
20:38 "Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay---sa kanya'y buhay ang lahat.'"
20:39 "Sinabi ng ilan sa mga eskriba, 'Magaling ang sagot ninyo, Guro!'"
20:40 "At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman. ( Ang Tanong ni Jesus Tungkol sa 'Anak ni David' )[ (Mt. 22:41-46; Mc. 12:35-37) ]"
20:41 "Sinabi sa kanila ni Jesus, 'Paanong masasabing ang Mesias ay anak ni David?"
20:42 Si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan,
20:43 Hanggang sa lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'{ a}
20:44 "Ngayon, si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano ngang masasabing anak ni David ang Mesias?' ( Babala Laban sa mga Eskriba )[ (Mt. 23:1-36; Mc. 12:38-40) ]"
20:45 Samantalang nakikinig kay Jesus ang lahat, sinabi niya sa kanyang mga alagad,
20:46 '"Mag-ingat kayo sa mga eskriba na natutuwang maglalakad nang may mahahabang kasuutan, at gustung-gustong pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila'y ang mga tanging luklukan sa sinagoga, at upuang pandangal sa mga piging."
20:47 "Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo na ang sinasangkala'y pagdarasal nang mahaba. Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!'"
21:1 ( Ang Kaloob ng Babaing Balo )[ (Mc. 12:41-44) ] Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo.
21:2 Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing.{ a}
21:3 "Ang wika ni Jesus, 'Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat."
21:4 "Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.' ( Tungkol sa Pagkawasak ng Templo )[ (Mt. 24:1-2; Mc. 13:1-2) ]"
21:5 Pinag-uusapan ng ilan sa kanila ang templo---ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi ni Jesus,
21:6 '"Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.' ( Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating )[ (Mt. 24:3-14; Mc. 13:3-13) ]"
21:7 "Tinanong nila si Jesus, 'Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito'y magaganap na?' "
21:8 "Sumagot siya, 'Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, 'Ako ang Mesias!' at, 'Dumating na ang panahon!' Huwag kayong susunod sa kanila."
21:9 "Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.'"
21:10 "At sinabi pa niya, 'Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian."
21:11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.
21:12 '"Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayo't uusigin. Kayo'y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador."
21:13 Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin.
21:14 Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili;
21:15 sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.
21:16 Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo.
21:17 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin,
21:18 ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok.
21:19 "Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.'{ b} ( Tungkol sa Pagkawasak ng Jerusalem )[ (Mt. 24:15-21; Mc. 13:14-19) ]"
21:20 '"Kapag nakita ninyong kubkob na ng mga hukbo ang Jerusalem, talastasin ninyong malapit na ang pagkawasak nito."
21:21 Dapat tumakas sa kabundukan ang mga nasa Judea, at umalis ng lunsod ang mga naroon; at huwag nang pumasok doon ang mga nasa kabukiran.
21:22 Sapagkat ito ang 'Mga Araw ng Pagpaparusa,' bilang katuparan ng mga nasasaad sa Kasulatan.
21:23 Kawawa ang nagdadalantao at ang nagpapasuso sa mga araw na iyon! Sapagkat darating ang malaking kapighatian sa lupaing ito, at ang poot ng Diyos sa bansang ito.
21:24 "Mamamatay sila sa tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng bansa. At ang Jerusalem ay magiging busabos ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa mga ito.' ( Ang Pagparito ng Anak ng Tao )[ (Mt. 24:29-31; Mc. 13:24-27) ]"
21:25 '"Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat."
21:26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan.{ c}
21:27 Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao'y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.
21:28 "Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo{ d} sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.' ( Ang Aral Mula sa Puno ng Igos )[ (Mt. 24:32-35; Mc. 13:28-31) ]"
21:29 "At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinghaga: 'Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy."
21:30 Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
21:31 Gayon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos.
21:32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon.
21:33 "Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko'y hindi magkakabula.' ( Mag-ingat Kayo )"
21:34 '"Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa."
21:35 Sapagkat darating iyon nang di inaasahan{ e} ng tao sa buong daigdig.
21:36 "Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.' "
21:37 Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa templo. Kung gabi umaalis siya at nagpaparaan ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo.
21:38 Kaya't maaga pa'y nagtutungo na sa templo ang mga tao upang makinig sa kanya.
22:1 ( Ang Balak Laban kay Jesus )[ (Mt. 26:1-5; Mc. 14:1-2; Jn. 11:45-53) ] Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura na tinatawag na Paskuwa.
22:2 Ang mga punong saserdote at mga eskriba ay naghahanap ng mainam na paraan para mailigpit si Jesus, sapagkat natatakot sila sa mga tao. ( Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus )[ (Mt. 26:14-16; Mc. 14:10-11) ]
22:3 Noon nama'y pumasok si Satanas kay Judas na tinatawag na Iscariote, isa sa Labindalawa.
22:4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga punong saserdote at sa mga pinuno ng bantay sa templo kung paano niyang maipagkakanulo sa kanila si Jesus.
22:5 Natuwa sila sa kanilang pag-uusap at pinangakuan ng salapi si Judas.
22:6 Sumang-ayon ito, at mula noo'y humanap na ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus nang di namamalayan ng mga tao. ( Paghahanda Para sa Hapunang Pampaskuwa )[ (Mt. 26:17-25; Mc. 14:12-21; Jn. 13:21-30) ]
22:7 Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa.
22:8 "Inutusan ni Jesus sina Pedro at Juan, at ang sabi sa kanila, 'Paroon kayo at ihanda ninyo ang ating Hapunang Pampaskuwa.'"
22:9 '"Saan po ninyo ibig na maghanda kami?' tanong nila."
22:10 "Sumagot siya, 'Pumunta kayo sa lunsod. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan."
22:11 At sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, 'Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ang kanyang mga alagad.'
22:12 "At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na may nakahandang kagamitan. Doon kayo maghanda.'"
22:13 Lumakad sila at natagpuan nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa. ( Ang Pagtatatag ng Banal na Hapunan )[ (Mt. 26:26-30; Mc. 14:22-26; 1 Cor. 11:23-25) ]
22:14 Nang dumating na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag, kasama ang kanyang mga apostol.
22:15 "At sinabi niya sa kanila, 'Malaon ko nang inaasam-asam na makasalo kayo sa Hapunang Pampaskuwang ito bago ako magbata."
22:16 "Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling kakain nito hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Diyos.'"
22:17 "Hinawakan niya ang isang saro, at matapos magpasalamat sa Diyos ay ibinigay sa kanila. Sinabi niya, 'Kunin ninyo ito, at paghati-hatian."
22:18 "Sinasabi ko sa inyo na mula ngayo'y hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hangga't hindi dumarating ang kaharian ng Diyos.'"
22:19 "At dumampot siya ng tinapay at, matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, 'Ito ang aking katawan [na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.'"
22:20 "Gayon din naman, dinampot niya ang saro pagkatapos maghapunan, at sinabi, 'Ang sarong ito ang bagong tipan ng aking dugo na mabubuhos dahil sa inyo.] "
22:21 '"Ngunit kasalo ko rito ang magkakanulo sa akin."
22:22 "Papanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda ng Diyos; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong magkakanulo sa kanya.'"
22:23 At sila'y nagtanung-tanungan kung sino sa kanila ang gagawa ng gayon. ( Ang Pagtatalo Tungkol sa Kadakilaan )
22:24 Nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang kikilanling pinakadakila.
22:25 "At sinabi sa kanila ni Jesus, 'Ang mga hari sa mundong ito'y pinapanginoon ng kanilang nasasakupan, at ang mga maykapangyarihan ay napatatawag na mga tagatangkilik nila."
22:26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na siyang pinakabata, at ang namumuno'y tagapaglingkod.
22:27 Sino ba ang higit na dakila, ang nakadulog sa hapag o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakadulog sa hapag? Ngunit ako'y kasama-sama ninyo bilang isang naglilingkod.
22:28 '"Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok sa akin."
22:29 Kung paanong pinaglalaanan ako ng Ama ng kaharian, gayon din naman, pinaglalaanan ko kayo ng dako sa aking kaharian.
22:30 "Kayo'y kakain at iinom na kasalo ko, at luluklok sa mga trono upang mamahala{ a} sa labindalawang angkan ng Israel.' ( Paunang Sinabi ang Pagtatwa ni Pedro )[ (Mt. 26:31-35; Mc. 14:27-31; Jn. 13:36-38) ]"
22:31 '"Simon, Simon! Makinig ka! Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin.{ b}"
22:32 "Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.'"
22:33 "Sumagot si Pedro, 'Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!'"
22:34 '"Pedro,' ani Jesus, 'tandaan mo: bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay makaitlo mo akong itatatwa.' ( Lukbutan, Supot at Tabak )"
22:35 "Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, 'Nang suguin ko kayo nang walang dalang lukbutan, supot, o panyapak, kinulang ba kayo ng anuman?' 'Hindi po,' tugon nila."
22:36 "Sinabi niya, 'Ngunit ngayon, kung kayo'y may lukbutan o supot, dalhin ninyo. Ang walang tabak---ipagbili ang kanyang balabal at bumili ng isa."
22:37 "Sapagkat sinasabi ko sa inyo na dapat matupad sa akin ang sinasabi ng Kasulatan: 'Ibinilang siya sa mga salarin.' Sapagkat ang nasusulat tungkol sa akin ay natutupad na!'"
22:38 "At sinabi ng mga alagad, 'Panginoon, heto po ang dalawang tabak.' 'Sapat na iyan!' tugon niya. ( Ang Pananalangin ni Jesus )[ (Mt. 26:36-46; Mc. 14:32-42) ]"
22:39 Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Jesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad.
22:40 "Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, 'Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.'"
22:41 Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin.
22:42 '"Ama,' wika niya, 'kung maaari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayunma'y huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.' ["
22:43 Napakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.
22:44 Tigib ng hapis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo'y malalaking patak ng dugo.]
22:45 Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati.
22:46 '"Bakit kayo natutulog?' tanong niya. 'Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.' ( Ang Pagdakip kay Jesus )[ (Mt. 26:47-56; Mc. 14:43-50; Jn. 18:3-11) ]"
22:47 Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming tao, na pinangungunahan ni Judas, kabilang sa Labindalawa. Nilapitan niya si Jesus upang hagkan.
22:48 "Sinabi nito sa kanya, 'Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?'"
22:49 "Nang makita ng mga alagad na kasama niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila, 'Panginoon, mananaga na po kami!'"
22:50 At tinaga nga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong saserdote at natigpas ang kanang tainga niyon.
22:51 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Huwag! Hayaan ninyo sila!' Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling. "
22:52 "Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote at sa mga pinuno ng mga bantay sa templo at sa matatanda ng bayan, na naparoon upang dakpin siya, 'Ako ba'y tulisan, at naparito kayong may mga tabak at mga pamalo?"
22:53 "Araw-araw, nagtuturo ako sa templo at naroon din kayo; ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit panahon ninyo ngayon at ang kapangyarihan ng kadiliman ang namamayani.' ( Itinatwa ni Pedro si Jesus )[ (Mt. 26:57-58, 69-75; Mc. 14:53-54, 66-72; Jn. 18:12-18, 25-27) ]"
22:54 Dinakip nga nila si Jesus at dinala sa bahay ng pinakapunong saserdote. Si Pedro nama'y sumunod sa kanya, ngunit malayo ang agwat.
22:55 Nang maparikit na ang apoy sa gitna ng patyo, naupo sa paligid ang mga taong naroon; si Pedro nama'y nakiumpok sa kanila.
22:56 "Nakita siya ng isang utusang babae at siya'y pinagmasdang mabuti. 'Kasama rin ni Jesus ang taong ito!' sabi niya."
22:57 "Ngunit itinatwa ito ni Pedro. 'Aba, hindi!' sagot niya. 'Ni hindi ko siya nakikilala!'"
22:58 "Pagkaraan ng ilang sandali, napansin siya ng isang lalaki at nagtanong ito, 'Isa ka rin sa kanila, ano?' Ngunit sumagot siya, 'Nagkakamali kayo, Ginoo!'"
22:59 "Pagkalipas ng humigit-kumulang na isang oras ay iginiit naman ng isa, 'Kasama nga ni Jesus ang taong ito. Isa rin siyang Galileo.'"
22:60 "Ngunit sumagot si Pedro, 'Ginoo, hindi ko nalalaman ang sinasabi ninyo!' Nagsasalita pa siya nang tumilaok ang manok."
22:61 "Lumingon ang Panginoon at tinitigan si Pedro. At naalaala nito ang sinabi ng Panginoon, 'Bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay makaitlo mo akong itatatwa.'"
22:62 Lumabas si Pedro at nanangis nang buong saklap. ( Nilibak at Hinampas si Jesus )[ (Mt. 26:67-68; Mc. 14:65) ]
22:63 Samantala, si Jesus ay nililibak at hinahampas ng mga nagtatanod sa kanya.
22:64 "Siya'y piniringan nila at tinanong, 'Sige, hulaan mo nga! Sino ang humampas sa iyo?'"
22:65 At kung anu-ano pang panlalait ang sinabi sa kanya. ( Si Jesus sa Harap ng Sanedrin )[ (Mt. 26:59-66; Mc. 14:55-64; Jn. 18:19-24) ]
22:66 Kinaumagahan, nagtipon ang matatanda ng bayan, ang mga punong saserdote, at ang mga eskriba---ang Sanedrin---at iniharap si Jesus sa kanilang kapulungan.
22:67 '"Sabihin mo sa amin,' wika nila, 'ikaw ba ang Mesias?' Sumagot siya, 'Sabihin ko man sa inyo, hindi kayo maniniwala,"
22:68 at kung tanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot.
22:69 "Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo sa kanan ng Makapangyarihang Diyos.'"
22:70 '"Ibig mong sabihi'y ikaw ang Anak ng Diyos?' tanong ng lahat. 'Kayo na rin ang nagsasabing ako nga,' tugon niya."
22:71 "Sinabi nila, 'Ano pang patotoo ang kailangan natin? Tayo na ang nakarinig---mula sa sarili niyang bibig!'"
23:1 ( Si Jesus sa Harapan ni Pilato )[ (Mt. 27:1-2; 11:14; Mc. 15:1-5; Jn. 18:28-38) ] Tumindig ang buong kapulungan at dinala si Jesus kay Pilato.
23:2 "Sinimulan nilang paratangan siya. Anila, 'Ang taong ito'y nahuli naming nanunulsol sa aming kababayan na maghimagsik, at nagbabawal ng pagbabayad ng buwis sa Cesar. Pinapaniwala pa niya ang mga tao na siya ang Cristo, isang hari.'"
23:3 "At tinanong siya ni Pilato, 'Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?' 'Kayo na ang nagsasabi,' tugon ni Jesus."
23:4 "Sinabi ni Pilato sa mga punong saserdote at sa mga tao, 'Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.'"
23:5 "Ngunit mapilit sila at ang wika, 'Sa pamamagitan ng kanyang mga turo'y inuudyukan niyang maghimagsik ang buong Judea. Nagsimula siya sa Galilea at ngayo'y narito na.' ( Si Jesus sa Harapan ni Herodes )"
23:6 Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Jesus.
23:7 At nang malamang siya'y mula sa nasasakupan ni Herodes, kanyang ipinadala siya sa taong ito na noon nama'y nasa Jerusalem.
23:8 Tuwang-tuwa ito nang makita si Jesus. Marami na siyang nabalitaan tungkol dito at matagal na niyang ibig makita. Umaasa siyang gagawa ito ng kababalaghan at ibig niyang makita iyon.
23:9 Kaya't tinanong niya nang tinanong si Jesus, ngunit hindi ito sumagot kaunti man.
23:10 Naroon ang mga punong saserdote at ang mga eskriba na walang tigil ng kapaparatang kay Jesus.
23:11 Hinamak siya at tinuya ni Herodes, pati ng kanyang mga kawal. Sinuutan siya ng maringal na damit at ipinabalik kay Pilato.
23:12 At nang araw ding iyon, naging magkaibigan sina Herodes at Pilato na dati'y magkagalit. ( Hinatulang Mamatay si Jesus )[ (Mt. 27:15-26; Mc. 15:6-15; Jn. 18:39--19:16) ]
23:13 Ipinatawag ni Pilato ang mga punong saserdote, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tao,
23:14 "at sinabi sa kanila, 'Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga tao. Ngayon, siniyasat ko siya sa harapan ninyo, at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya."
23:15 Gayon din si Herodes, kaya si Jesus ay ipinabalik niya sa akin.{ a} Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan---wala siyang kasalanan.
23:16 "Kaya't ipahahagupit ko lamang siya saka palalayain.' ["
23:17 Tuwing Paskuwa, kinakailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggo para sa kanila.]
23:18 "Subalit sabay-sabay na sumigaw ang madla, 'Patayin ang taong iyan! Palayain si Barrabas!'"
23:19 (Nabilanggo si Barrabas dahil sa paghihimagsik na nangyari sa lunsod, at dahil sa pagpatay.)
23:20 Minsan pang nagsalita sa kanila si Pilato, sa pagnanais na mapalaya si Jesus;
23:21 "ngunit sumigaw ang mga tao, 'Ipako sa krus! Ipako siya sa krus!'"
23:22 "Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni Pilato, 'Bakit, anong ginawa niyang masama? Wala akong makitang dahilan upang siya'y ipapatay. Ipahahagupit ko na lamang siya at saka palalayain.'"
23:23 Datapwat lalo nilang ipinagsigawan na dapat ipako si Jesus sa krus; at sa wakas ay nanaig ang kanilang sigaw.
23:24 Kaya't ipinasiya ni Pilato na pagbigyan ang kanilang kahilingan.
23:25 Pinalaya niya ang taong nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay, ayon sa hinihingi nila, at ibinigay sa kanila si Jesus upang gawin ang kanilang kagustuhan. ( Ipinako si Jesus sa Krus )[ (Mt. 27:32-44; Mc. 15:21-32; Jn. 19:17-27) ]
23:26 Nang dala na nila si Jesus upang ipako, nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid. Ito'y si Simon na taga-Cirene. Pinigil nila ito at ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Jesus.
23:27 Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaing nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya.
23:28 "Nilingon sila ni Jesus at sinabi sa kanila, 'Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak."
23:29 Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, 'Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.'
23:30 Sa mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, 'Gumuho kayo sa amin!' at sa mga burol, 'Tabunan ninyo kami!'
23:31 "Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?' "
23:32 May dinala pa silang dalawang salarin upang pataying kasama ni Jesus.
23:33 Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Jesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa.
23:34 "[Sinabi ni Jesus, 'Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.'] At nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa't isa."
23:35 "Ang mga tao'y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, 'Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesias, ang hinirang ng Diyos!'"
23:36 Nilibak din siya ng mga kawal, nilapitan at inalok ng maasim na alak.
23:37 "Sinabi nila, 'Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.'"
23:38 "At nakasulat sa ulunan niya [sa wikang Griego, Latin at Hebreo], 'Ito ang Hari ng mga Judio.' "
23:39 "Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, 'Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!'"
23:40 "Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, 'Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya!"
23:41 "Matuwid lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.'"
23:42 "At sinabi niya, 'Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.'{ b}"
23:43 "Sumagot si Jesus, 'Sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa Paraiso.' ( Ang Pagkamatay ni Jesus )[ (Mt. 27:45-56; Mc. 15:33-41; Jn. 19:28-30) ]"
23:44 Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon.
23:45 Nawalan ng liwanag ang araw; at ang tabing ng templo'y napunit sa gitna.
23:46 "Sumigaw nang malakas si Jesus, 'Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!' At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga."
23:47 "Nang makita ng kapitan ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos. 'Tunay ngang matuwid ang taong ito!' sabi niya."
23:48 Ang nangyaring ito'y nakita ng lahat ng taong nagkakatipon at nagmamasid; at umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib.
23:49 Nakatayo naman sa di-kalayuan ang mga kaibigan ni Jesus, pati ang mga babaing sumunod sa kanya mula sa Galilea, at nakita rin nila ang mga bagay na ito. ( Ang Paglilibing kay Jesus )[ (Mt. 27:57-61; Mc. 15:42-47; Jn. 19:38-42) ]
23:50 May isang lalaki na ang ngala'y Jose, tubo sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio. Mabuti at matuwid ang taong ito at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Bagamat kagawad siya ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus.
23:51 (*papuloy)
23:52 Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
23:53 Nang maibaba na ang bangkay, binalot niya ito ng kayong lino at inilagay sa isang libingang inuka sa bato---hindi pa iyon napaglilibingan.
23:54 Araw noon ng Paghahanda, at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.
23:55 Sumunod kay Jose ang mga babaing sumama kay Jesus mula sa Galilea, at nakita nila ang pinaglibingan, pati ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus.
23:56 Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira. Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, nagpahinga sila, ayon sa itinakda ng Kautusan.
24:1 ( Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus )[ (Mt. 28:1-10; Mc. 16:1-8; Jn. 20:1-10) ] Umagang-umaga nang araw ng Linggo,{ a} ang mga babae'y nagtungo sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila.
24:2 Nang dumating sila, naratnan nilang naigulong na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan.
24:3 Ngunit nang pumasok sila, wala ang bangkay ng Panginoong Jesus.
24:4 Samantalang nagugulo ang kanilang isip tungkol dito, nakita nila't sukat sa tabi nila ang dalawang lalaking nakasisilaw ang damit.
24:5 "Dahil sa matinding takot, sila'y lumuhod, sayad ang mukha sa lupa. Tinanong sila ng mga lalaki, 'Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay?"
24:6 [Wala na siya rito---siya'y muling nabuhay!] Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya:
24:7 "'Ang Anak ng Tao ay kailangang maipagkanulo sa mga makasalanan at maipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabuhay.''"
24:8 At naalaala ng mga babae ang mga sinabi niya.
24:9 Pagbabalik mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng ito sa Labing-isa at sa iba pang kasama nila.
24:10 Ang mga babaing ito'y sina Maria Magdalena, Juana, at Mariang ina ni Santiago; sila at ang iba pang mga babaing kasama nila ang nagbalita nito sa mga apostol.
24:11 Ngunit inakala ng mga apostol na kahibangan lamang ang kanilang sinabi, kaya hindi nila pinaniwalaan ang mga babae. [
24:12 Gayunma'y tumindig si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan. Yumukod siya at pagtingin sa loob ay wala siyang nakita kundi ang mga kayong lino. Kaya't umuwi siyang nagtataka sa nangyari.] ( Ang Paglalakad Tungo sa Emaus )[ (Mc. 16:12-13) ]
24:13 Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem.
24:14 Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari.
24:15 Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila.
24:16 Siya'y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad.
24:17 "Tinanong sila ni Jesus, 'Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?' At tumigil silang nalulumbay."
24:18 "Sinabi ng isa na ang ngala'y Cleopas, 'Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.'"
24:19 '"Anong mga bagay?' tanong niya. At sumagot sila, 'Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao."
24:20 Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya'y ipinako sa krus.
24:21 Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito;
24:22 nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan,
24:23 at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi'y nakakita raw sila ng isang pangitain---mga anghel na nagsabing buhay si Jesus.
24:24 "Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Jesus.' "
24:25 "Sinabi sa kanila ni Jesus, 'Kay hahangal ninyo! Ano't hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta?"
24:26 "Hindi ba't ang Mesias ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?'"
24:27 At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.
24:28 Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Jesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad.
24:29 "Ngunit siya'y pinakapigil-pigil nila. 'Tumuloy na po kayo rito sa amin,' anila, 'sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.' Kaya't sumama nga siya sa kanila."
24:30 Nang siya'y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila.
24:31 Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Jesus, subalit ito'y biglang nawala.
24:32 "At nawika nila, 'Kaya pala gayon ang pakiramdam natin{ b} habang tayo'y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!' "
24:33 Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila
24:34 "na nag-uusap-usap, 'Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!'"
24:35 At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay. ( Napakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad )[ (Mt. 28:16-20; Mc. 16:14-18; Jn. 20:19-23; Gw. 1:6-8) ]
24:36 "Samantalang pinag-uusapan nila ito, si Jesus ay tumayo sa gitna nila. ['Sumainyo ang kapayapaan!' sabi niya sa kanila.]"
24:37 Ngunit nagulat sila at natakot sapagkat ang akala nila'y multo ang nasa harapan nila.
24:38 "Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, 'Ano't kayo'y nagugulumihanan? Bakit nag-aalinlangan pa kayo?"
24:39 "Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako at pagmasdan. Ang multo'y walang laman at buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo.' ["
24:40 At pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.]
24:41 "Nang hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Jesus, 'May makakain ba riyan?'"
24:42 Siya'y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw;
24:43 kinuha niya ito at kinain sa harapan nila.
24:44 "Pagkatapos sinabi sa mga alagad, 'Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasama-sama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga aklat ng mga propeta at sa aklat ng mga Awit.'"
24:45 At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.
24:46 "Sinabi niya sa kanila, 'Ganito ang nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw."
24:47 Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.
24:48 Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
24:49 "Tandaan ninyo: susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa lunsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas.' ( Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit )[ (Mc. 16:19-20; Gw. 1:9-11) ]"
24:50 Pagkatapos, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila.
24:51 Samantalang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo [paakyat sa langit].
24:52 Siya'y sinamba nila;{ c} pagkatapos, sila'y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan.
24:53 Palagi sila sa templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.
|