|
44. Mga Gawa
1:1 Mahal na Teofilo: Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula
1:2 hanggang sa araw na siya'y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang.
1:3 Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya'y buhay. Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos.
1:4 "At samantalang siya'y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: 'Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo."
1:5 "Nagbautismo nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo.' ( Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit )"
1:6 "Kaya't nang magkasama-sama si Jesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, 'Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?'"
1:7 "Sumagot siya, 'Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon."
1:8 "Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.'"
1:9 Pagkasabi nito, siya'y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.
1:10 Habang sila'y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila.
1:11 '"Mga taga-Galilea,' sabi nila, 'bakit kayo narito't nakatingala sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.' ( Ang Kahalili ni Judas )"
1:12 Ang mga apostol ay nagbalik sa Jerusalem buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo.
1:13 Ang mga ito'y sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. Pagdating sa kanilang tinutuluyan sa lunsod, nagtuloy sila sa silid sa itaas.
1:14 Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Jesus, gayon din ang mga kapatid ni Jesus.
1:15 Makalipas ang ilang araw, nagkatipon ang may 120 kapatid. Tumindig sa harapan nila si Pedro at nagsalita,
1:16 '"Mga kapatid, kailangang matupad ang nasasaad sa Kasulatan na sinabi ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Jesus."
1:17 "Dati, kabilang siya sa amin at kasama sa paglilingkod.' ("
1:18 Ang kabayaran sa kanyang pagtataksil ay ibinili ng isang sukat na lupa. Dito siya bumagsak nang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan at lumuwa ang bituka.
1:19 "Nalaman ito ng lahat ng naninirahan sa Jerusalem, kaya nga't sa kanilang wika, tinawag na Akeldama ang lupang iyon, ibig sabihi'y 'Bukid ng Dugo.') "
1:20 '"Ngayon, nasusulat sa Aklat ng mga Awit, 'Ang tirahan niya'y tuluyang layuan, At huwag nang tirhan ninuman.' Nasusulat din, 'Gampanan ng iba ang kanyang tungkulin.' "
1:21 '"Kaya dapat tayong pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang ito'y isa sa mga kasama-sama namin sa buong panahong nakipamuhay sa atin ang Panginoong Jesus, mula nang bautismuhan siya ni Juan hanggang sa iakyat sa langit.'"
1:22 (*papuloy)
1:23 Pumili sila ng dalawang lalaki: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas at tinatagurian ding Justo.
1:24 "At sila'y nanalangin: 'Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng lahat ng tao. Ipakilala po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang iyong hinirang"
1:25 "upang maging apostol na gaganap sa tungkuling tinalikdan ni Judas nang siya'y tumungo sa lugar na marapat sa kanya.'"
1:26 Nagpalabunutan sila, at si Matias ang nakuha; siya ang nadagdag sa labing-isang apostol.
2:2 At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo'y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila.
2:3 May nakita silang wari'y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila.
2:4 At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
2:5 May mga Judiong buhat sa iba't ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos.
2:6 Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila.
2:7 "Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, 'Hindi ba Galileo silang lahat?"
2:8 Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila?
2:9 Tayo'y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia, sa Ponto, at sa Asia.
2:10 Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahang mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo.
2:11 "May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa atin-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.'"
2:12 "Hindi nila maubos-maisip ang nangyari, kaya't di matigil ang tanungan, 'Ano ang ibig sabihin nito?'"
2:13 "Ngunit ang iba'y pakutyang nagsabi, 'Mga lasing iyan!' ( Ang Sermon ni Pedro )"
2:14 "Tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, 'Mga kababayan, at mga naninirahan sa Jerusalem: pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin."
2:15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo, sapagkat ikasiyam pa lamang ng umaga.
2:16 Manapa'y natupad ngayon ang sinabi ni Propeta Joel:
2:17 'Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, Pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao, At sa ngalan ko'y magpapahayag ang inyong mga anak. Ang inyong mga binata'y makaka- kita ng mga pangitain, At ang inyong matatandang lalaki'y magkakaroon ng mga panaginip.
2:18 Sa mga araw na iyon ay pagkaka- looban ko rin ng aking Espiritu Ang aking mga alipin, maging lalaki at babae, At sa ngalan ko'y magpapahayag sila.
2:19 Magpapakita ako ng mga himala sa langit At mga kababalaghan sa lupa: Dugo, apoy at makapal na usok.
2:20 Magdidilim ang araw At pupulang animo'y dugo ang buwan, Bago sumapit ang Araw ng Panginoon, Ang dakila at maningning na Araw.
2:21 At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.'
2:22 '"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo."
2:23 Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.
2:24 Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya,
2:25 gaya ng sinabi ni David: 'Nakita ko na laging nasa tabi ko ang Panginoon, Siya'y kasama ko{ a} kaya't hindi ako matitigatig.
2:26 Dahil dito, nagalak ang puso ko at umawit sa tuwa ang aking dila, At ang katawan ko'y nahihimlay na may pag-asa.
2:27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay,{ b} At hindi mo itutulot na mabulok ang iyong Banal.
2:28 Itinuro mo sa akin ang mga landa- sing patungo sa buhay, Dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuspos ng kagalakan.'
2:29 '"Mga kapatid, masasabi ko sa inyo nang tiyakan na ang patriyarkang si David ay namatay at inilibing; naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon."
2:30 Siya'y propeta at nalalaman niya ang pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa sa kanyang mga inapo.
2:31 Ang muling pagkabuhay ng Mesias ang nakita't hinulaan ni David nang kanyang sabihin: 'Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; At hindi itinulot na mabulok ang kanyang katawan.'
2:32 Itong si Jesus ay muling binuhay ng Diyos, at saksi kaming lahat sa bagay na ito.
2:33 Nang itaas siya sa kanan ng Diyos, tinanggap niya sa kanyang Ama ang ipinangakong Espiritu Santo at ito'y kanyang ipinagkaloob sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig ngayon.
2:34 Hindi umakyat sa langit si David, ngunit siya ang nagsabi, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan,
2:35 Hanggang sa lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'{ c}
2:36 '"Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus---siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!' "
2:37 "Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, 'Mga kapatid, ano ang gagawin namin?'"
2:38 "Sumagot si Pedro, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo."
2:39 "Sapagkat ang pangako'y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo---sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.' "
2:40 "Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, 'Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo'y maligtas.'"
2:41 Kaya't ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabautismo; at nadagdag sa kanila ang may 3,000 tao nang araw na iyon.
2:42 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin. ( Ang Pamumuhay ng mga Sumasampalataya )
2:43 Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot.
2:44 At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian.
2:45 Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
2:46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa templo, nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban.
2:47 Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
3:1 ( Ang Pagpapagaling sa Lumpo ) Minsan, ikatlo ng hapon, oras ng pananalangin, nagpunta sina Pedro at Juan sa templo.
3:2 Sa malapit sa tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking ipinanganak na lumpo. Dinadala siya roon araw-araw upang magpalimos.
3:3 Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, siya'y nanghingi ng limos.
3:4 "Tinitigan siya ng dalawa, at sinabihan ni Pedro, 'Tumingin ka sa amin!'"
3:5 Tumingin nga siya sa pag-asang siya'y lilimusan.
3:6 "Ngunit sinabi ni Pedro, 'Wala akong pilak o ginto, subalit may iba akong ibibigay sa iyo: sa ngalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, lumakad ka.'"
3:7 Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinindig. Pagdaka'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki;
3:8 ito'y napalukso at nagsimulang lumakad. Paluksu-lukso siyang pumasok sa templo, kasama nila, at masayang nagpupuri sa Diyos.
3:9 Nakita ng lahat na siya'y lumalakad at nagpupuri sa Diyos.
3:10 Nanggilalas sila nang makilala nilang siya ang pulubing dati'y nakaupo sa Pintuang Maganda ng templo. ( Ang Sermon ni Pedro sa Portiko ni Solomon )
3:11 Samantalang nakahawak siya kina Pedro at Juan sa may Portiko ni Solomon, patakbong lumapit sa kanila ang mga taong takang-taka sa nangyari.
3:12 "Pagkakita ni Pedro sa mga tao, kanyang sinabi, 'Mga Israelita, bakit kayo nanggigilalas sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya sa pamamagitan ng sarili naming kapangyarihan o kaya'y dahil sa aming kabanalan?"
3:13 Ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang nagbigay ng pinakamataas na karangalan sa kanyang Lingkod na si Jesus. Ngunit siya'y ibinigay ninyo sa maykapangyarihan at itinakwil sa harapan ni Pilato, gayong ipinasiya na nitong palayain siya.
3:14 Itinakwil ninyo ang Banal at Matuwid, at isang mamamatay-tao ang hiniling ninyong palayain.
3:15 Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa bagay na ito.
3:16 Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.
3:17 '"At ngayon, mga kapatid, batid kong hindi ninyo nalalaman ang inyong ginawa, gayon din ang inyong mga pinuno."
3:18 Ngunit sa ginawa ninyo'y natupad ang malaon nang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na ang Cristo'y kailangang magbata.
3:19 Kaya't magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang inyong mga kasalanan
3:20 at bigyan kayo ng kaunting panahon ng pamamahinga. At susuguin niya si Jesus, ang Mesias na hinirang niya para sa inyo.
3:21 Siya'y dapat munang manatili sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, ayon sa ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta mula pa noong una.
3:22 Sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong inyong Diyos ay pipili ng isa ninyong kalahi at gagawing propetang tulad ko. Pakinggan ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo.
3:23 At lahat ng hindi makikinig sa propetang yaon ay ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.'
3:24 Nagpahayag din tungkol sa mga araw na ito ang mga propeta, mula kay Samuel at lahat ng sumunod sa kanya.
3:25 Ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta ay para sa inyo, at kasali kayo sa tipang ginawa ng Diyos at ng inyong mga ninuno nang kanyang sabihin kay Abraham, 'Pagpapalain ko ang lahat ng angkan sa daigdig sa pamamagitan ng iyong lipi.'
3:26 "Kaya't hinirang ng Diyos ang kanyang Lingkod. At siya'y unang sinugo sa inyo upang pagpalain kayo at tulungang tumalikod sa inyong masasamang pamumuhay.'"
4:1 ( Sina Pedro at Juan sa Harap ng Sanedrin ) Nagsasalita pa sina Pedro at Juan nang dumating ang mga saserdote, ang kapitan ng mga bantay sa templo, at ang mga Saduseo.
4:2 Galit na galit sila sa dalawang apostol sapagkat ipinapahayag nila sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay at ito ang katunayan na muling mabubuhay ang mga patay.
4:3 Kaya't dinakip nila ang dalawa ngunit ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon.
4:4 Gayunman, marami sa nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Jesus, at umabot sa 5,000 ang bilang ng mga lalaki.
4:5 Kinabukasan, nagkatipon sa Jerusalem ang mga pinuno, ang matatanda ng bayan, at ang mga eskriba.
4:6 Kasama nila si Anas na pinakapunong saserdote, si Caifas, si Juan, si Alejandro at ang buong angkan ng pinakapunong saserdote.
4:7 "Pinaharap nila ang mga apostol at tinanong, 'Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginagawa ang bagay na ito?'"
4:8 "Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo: 'Mga pinuno, at matatanda ng bayan,"
4:9 kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling,
4:10 talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret. Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos.
4:11 Ang Jesus na ito 'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.'
4:12 "Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.' "
4:13 Nagtaka ang mga bumubuo ng Sanedrin sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nag-aral. Napagkilala nilang sila'y kasamahan ni Jesus noong nabubuhay pa.
4:14 At nang makita nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi ng dalawa, wala silang masabi laban sa kanila.
4:15 Kaya't pinalabas muna sa Sanedrin ang mga alagad, saka sila nag-usap.
4:16 '"Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?' tanong nila. 'Sapagkat hayag na sa buong Jerusalem at hindi natin maitatatwa na isang pambihirang kababalaghan ang naganap sa pamamagitan nila."
4:17 "Para hindi na kumalat ito, balaan natin sila na huwag nang magsalita kaninuman tungkol sa pangalang ito.'"
4:18 Kaya't muli nilang ipinatawag sina Pedro, at binalaan na huwag nang magsasalita o magtuturo pa tungkol kay Jesus.
4:19 "Subalit sumagot sina Pedro at Juan, 'Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos."
4:20 "Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita't narinig.'"
4:21 At sila'y binalaan nang lalo pang mahigpit saka pinalaya. Wala silang makitang paraan upang maparusahan ang dalawa, sapagkat ang mga tao'y nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.
4:22 Ang lalaking pinagaling nila ay mahigit nang apatnapung taong gulang. ( Panalangin Upang Magkaroon ng Katapangan )
4:23 Nang mapalaya na sina Pedro at Juan, sila'y nagpunta sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan.
4:24 "Nang marinig ito, sama-sama silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, 'Kayo po ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito!"
4:25 Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming nunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya, sa patnubay ng Espiritu Santo: 'Bakit galit na galit ang mga Hentil, At ang mga tao'y nagbabalak nang walang kabuluhan?
4:26 Nahahandang lumaban ang mga hari sa lupa, At nagtitipon ang mga pinuno Laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.'
4:27 Nagkatipon sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, ang iyong Hinirang.
4:28 Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapat mangyari na itinakda mo noon pa.
4:29 At ngayon, Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan mo ang iyong mga alipin na maipangaral nang buong tapang ang iyong Salita.
4:30 "Iunat mo ang iyong kamay upang magpagaling, at loobin mo na sa pangalan ng iyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga kababalaghan.'"
4:31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang pinagtitipunan nila. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos. ( Pagtutulungan ng mga Mananampalataya )
4:32 Nagkaisa ang damdami't isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.
4:33 Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan{ a} at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat.
4:34 Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan
4:35 ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
4:36 "Gayon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya't Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol (ibig sabihi'y 'Matulungin')."
4:37 Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.
5:1 ( Si Ananias at si Safira ) Mayroon namang mag-asawa na nagbili rin ng lupa; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae.
5:2 Binawasan ni Ananias ang pinagbilhan, kaalam ang kanyang asawa, at bahagi lamang ang ibinigay sa mga apostol.
5:3 "Kaya't sinabi ni Pedro, 'Ananias, ano't napadaig ka kay Satanas, at nagsinungaling sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan ng lupa?"
5:4 "Nang hindi pa naipagbibili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo ang pinagbilhan? Bakit mo pa naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling---sa Diyos ka nagsinungaling!'"
5:5 Nang marinig ito ni Ananias, siya'y patay na bumagsak; at lahat ng nakarinig sa pangyayaring ito ay sinidlan ng matinding takot.
5:6 Tumindig ang mga binata, binalot ang bangkay, at inilibing.
5:7 Pagkaraan nang may tatlong oras ay dumating ang kanyang asawa, na walang kamalay-malay sa nangyari.
5:8 "Kaagad siyang kinausap ni Pedro, 'Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang pinagbilhan ng lupa ninyo?' 'Opo,' sagot niya, 'iyan nga lamang po.'"
5:9 "Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, 'Ano't pinagkaisahan ninyong tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Nasa pintuan na ang mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ang isusunod!'"
5:10 Pagdaka'y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang patay na siya; kaya't ito'y inilibing sa tabi ng kanyang asawa.
5:11 Pinagharian ng matinding takot ang buong iglesya at ang lahat ng nakabalita nito. ( Mga Himala )
5:12 Maraming kababalaghang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Nagtitipun-tipon sa Portiko ni Solomon ang lahat ng sumasampalataya.
5:13 Hindi nangahas na makisama sa kanila ang mga di sumasampalataya, gayunma'y puring-puri sila ng mga ito.
5:14 Subalit parami nang parami ang lalaki at babaing nananalig sa Panginoon.
5:15 Dinala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilagay sa mga papag at mga higaan, upang pagdaan ni Pedro ay matamaan ng kanyang anino ang ilan man lamang sa kanila.
5:16 At dumating din ang maraming taong buhat sa mga bayang kanugnog ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinahihirapan ng masasamang espiritu; at silang lahat ay pinagaling. ( Ang Pag-uusig sa mga Apostol )
5:17 Inggit na inggit naman ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib sa sekta ng mga Saduseo, kaya't kumilos sila.
5:18 Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo.
5:19 Ngunit kinagabiha'y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila,
5:20 '"Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito.'"
5:21 Sumunod naman ang mga apostol, kaya't nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo. Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol.
5:22 Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya't nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat:
5:23 '"Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!'"
5:24 Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol.
5:25 "Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, 'Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo't nagtuturo sa mga tao.'"
5:26 Kaya't ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumamit ng dahas dahil sa pangambang sila'y batuhin ng mga tao.
5:27 Iniharap nila sa Sanedrin ang mga apostol at siniyasat ng pinakapunong saserdote.
5:28 '"Mahigpit naming ipinagbawal sa inyo ang pangangaral sa pangalan ng Jesus na iyan,' wika niya, 'ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong aral, at ibig pa ninyo kaming panagutin sa pagkamatay ng taong iyan!'"
5:29 "Ngunit sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, 'Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao."
5:30 Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang inyong ipabitay sa krus.
5:31 Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon, sila'y patawarin.
5:32 "Saksi kami sa mga bagay na ito---kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tumatalima sa kanya.' "
5:33 Nagngitngit sa galit ang mga bumubuo ng Sanedrin nang marinig ito, at ibig nilang ipapatay ang mga apostol.
5:34 Ngunit tumindig ang isang Pariseong nagngangalang Gamaliel, tagapagturo ng Kautusan, at iginagalang ng buong bayan. Iniutos niyang ilabas muna ang mga apostol,
5:35 "saka nagsalita, 'Mga kababayan, isipin ninyong mabuti ang gagawin sa mga taong ito."
5:36 Hindi pa nagtatagal na lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may 400 tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkawatak-watak ang mga tauhan niya at nauwi sa wala ang kilusan.
5:37 Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala at nakaakit din ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkawatak-watak din ang mga tagasunod niya.
5:38 Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang panukala o pagpupunyaging ito'y mula sa tao, ito'y mabibigo.
5:39 "Ngunit kung mula sa Diyos, hindi ninyo ito masasansala at lilitaw pang lumalaban kayo sa Diyos!' Napahinuhod sila sa payo ni Gamaliel."
5:40 Pinapasok na muli ang mga apostol, at pagkatapos ipapalo at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus, sila'y pinalaya.
5:41 Galak na galak na umalis ang mga apostol sa harap ng Sanedrin sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y malagay sa kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Jesus.
5:42 At araw-araw, nagpupunta sila sa templo at sa mga tahanan, at doo'y nagtuturo at nangangaral tungkol kay Jesus, ang Cristo.
6:1 ( Ang Pagpili sa Pitong Tagapaglingkod ) Nang panahong iyon, dumarami na ang mga sumasampalataya at nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga babaing balo sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay.
6:2 "Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga sumasampalataya at sinabi sa kanila, 'Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay.{ a}"
6:3 Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking kilala sa pagiging mabuti, matatalino at puspos ng Espiritu Santo, at ilalagay namin sila sa tungkuling ito.
6:4 "At iuukol naman namin ang buong panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng Salita.'"
6:5 Nalugod ang buong kapulungan sa panukala ng mga apostol; kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking matibay ang pananalig sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na naakit sa Judaismo.
6:6 Iniharap sila sa mga apostol; sila'y ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay.
6:7 Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos; at ang sumasampalataya ay parami nang parami sa Jerusalem. At maging sa mga saserdote, marami ang sumampalataya. ( Ang Pagdakip kay Esteban )
6:8 Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinuspos ng kapangyarihan, anupat gumawa siya ng maraming himala at kababalaghan sa harapan ng madla.
6:9 Nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, taga-Alejandria, taga-Cilicia, at taga-Asia.
6:10 Ngunit wala silang magawa sa karunungan ni Esteban na kaloob ng Espiritu.
6:11 "Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magsabi ng ganito: 'Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.'"
6:12 Sa gayo'y naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang matatanda ng bayan at ang mga eskriba. Siya'y sinunggaban nila at iniharap sa Sanedrin.
6:13 "At nagharap sila ng mga bulaang saksi laban kay Esteban. 'Ang taong ito,' wika nila, 'ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises."
6:14 "Narinig naming sinasabi niya na ang Templo'y gigibain nitong Jesus na taga-Nazaret na ito, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.'"
6:15 Tinitigan si Esteban ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha'y parang mukha ng anghel.
7:1 ( Ang Talumpati ni Esteban ) "Si Esteban ay tinanong ng pinakapunong saserdote, 'Totoo bang lahat ito?'"
7:2 "Sumagot si Esteban, 'Mga kapatid at mga magulang, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Ang dakila at makapangyarihang Diyos ay napakita sa ating ninunong si Abraham nang ito'y nasa Mesopotamia pa bago nanirahan sa Haran."
7:3 Sinabi sa kanya, 'Iwan mo ang iyong lupain at mga kamag-anakan; pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.'
7:4 Kaya't umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, siya'y pinalipat ng Diyos sa lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon.
7:5 Gayunman, dito'y hindi siya binigyan ng Diyos kahit gapalad na lupa, ngunit ipinangako niyang ito'y magiging kanya at sa lipi niya bagamat wala pa siyang anak noon.
7:6 At ganito ang sinabi sa kanya ng Diyos, 'Makikipamayan sa ibang lupain ang iyong lipi. Aalipinin sila roon at pahihirapan sa loob ng 400 taon.
7:7 Parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Aalis sila roon at sasamba sa akin sa lugar na ito.'
7:8 At iniutos ng Diyos kay Abraham ang pagtutuli bilang tanda ng kanyang tipan. Kaya't nang isilang si Isaac, tinuli niya ito sa ikawalong araw. Ganito rin ang ginawa ni Isaac kay Jacob, at ginawa naman ni Jacob sa labindalawang patriyarka.
7:9 '"Nainggit kay Jose ang ibang mga patriyarka kaya't siya'y ipinagbiling alipin sa Egipto. Ngunit sumakanya ang Diyos"
7:10 at hinango siya sa lahat ng kanyang kahirapan. Pinagpala siya ng Diyos at pinagkalooban ng karunungan nang humarap siya sa Faraon, ang hari ng Egipto. At siya'y ginawa nitong gobernador ng Egipto at ng kanyang buong sambahayan.
7:11 Nagkaroon ng taggutom at matinding kahirapan sa buong Egipto at Canaan, at walang makunan ng pagkain ang ating mga ninuno.
7:12 Kaya't nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Egipto, pinaparoon niya ang ating mga ninuno.
7:13 Sa ikalawang pagpunta nila, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nalaman ng Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya.
7:14 Ipinasundo ni Jose si Jacob at ang kanyang kamag-anakan, pitumpu't limang lahat.
7:15 At pumunta si Jacob sa Egipto. Doon siya namatay, gayon din ang ating mga ninuno.
7:16 Ang kanilang mga labi ay dinala sa Siquem at inilagay sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor.
7:17 '"Nang nalalapit na ang panahon ng pagtupad ng Diyos sa kanyang pangako kay Abraham, maraming-marami na ang mga Israelita sa Egipto."
7:18 Ang hari noon sa Egipto ay hindi nakakikilala kay Jose.
7:19 Siniil niya ang ating lahi---iniutos niya sa ating mga ninuno na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.
7:20 Noon ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan muna itong inalagaan sa bahay ng kanyang ama.
7:21 At nang siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at pinalaking parang sariling anak.
7:22 Tinuruan siya ng lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at naging dakila sa salita at sa gawa.
7:23 '"Nang siya'y apatnapung taon na, naisipan niyang puntahan ang kanyang mga kapwa Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan."
7:24 Nakita niyang inaapi ng isang Egipcio ang isa sa kanila kaya't tinulungan niya ito, at bilang paghihiganti'y pinatay niya ang Egipciong iyon.
7:25 Akala ni Moises ay mauunawaan ng kanyang mga kababayan na sila'y ililigtas ng Diyos sa pamamagitan niya, ngunit hindi nila ito naunawaan.
7:26 Kinabukasan, may nakita siyang dalawang Israelitang nag-aaway, at sinikap niyang awatin. 'Mga kaibigan,' wika niya, 'bakit kayo nag-aaway? Pareho kayong Israelita.'
7:27 Subalit tinabig siya ng lalaking nananakit at ang sabi, 'Sino ang naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin?
7:28 Ibig mo ba akong patayin gaya ng ginawa mo kahapon sa Egipcio?'
7:29 Nang marinig ito ni Moises, siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Madian. Nag-asawa siya doon at nagkaanak ng dalawang lalaki.
7:30 '"Makalipas ang apatnapung taon, napakita kay Moises ang isang anghel sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy, sa ilang na di kalayuan sa Bundok Sinai."
7:31 Nanggilalas si Moises sa kanyang nakita, at nang lapitan niya upang tingnang mabuti ay narinig niya ang tinig ng Panginoon:
7:32 'Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob.' Si Moises ay nanginig sa takot at hindi makatingin.
7:33 Sinabi sa kanya ng Panginoon, 'Alisin mo ang iyong panyapak sapagkat banal na lugar ang kinaroroonan mo.
7:34 Nakikita ko ang pag-api ng Egipto sa aking bayan; narinig ko ang kanilang daing, at bumaba ako upang sila'y iligtas. Halika't susuguin kita sa Egipto.'
7:35 '"Itinakwil nila si Moises nang kanilang sabihin, 'Sino ang naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin?' Ngunit ang Moises ding ito ang sinugo ng Diyos bilang pinuno at tagapagligtas, sa tulong ng anghel na napakita sa kanya sa mababang punongkahoy."
7:36 Siya ang humango sa kanila sa kahirapan. Upang mangyari ito, siya'y gumawa ng mga kababalaghan sa Egipto, sa Dagat na Pula, at sa ilang, sa loob ng apatnapung taon.
7:37 Siya rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, 'Ang Diyos ay pipili ng isa sa inyo at gagawing propetang tulad ko.'
7:38 Siya ang kasama sa kapulungan ng mga Israelita sa ilang. Siya ang nakipag-usap sa anghel na nagsalita sa kanya at sa ating mga ninuno sa Bundok Sinai. Siya ang tumanggap ng mga salitang nagbibigay-buhay mula sa Diyos upang ibigay sa atin.
7:39 '"Ngunit hindi siya sinunod ng ating mga ninuno, bagkus pa nga'y itinakwil; ibig nilang magbalik sa Egipto."
7:40 At ang sabi nila kay Aaron, 'Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin, sapagkat hindi namin alam kung napaano na ang Moises na iyan na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto.'
7:41 At gumawa nga sila ng diyus-diyusang kaanyo ng bisirong baka. Ipinagpista nila ito at hinandugan ng mga hain.
7:42 Dahil diyan, tinalikdan sila ng Diyos at pinabayaang sumamba sa di-mabilang na diyus-diyusan,{ a} ayon sa nasusulat sa aklat ng mga propeta: 'Bayang Israel, hindi ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga hain at mga hayop na pinatay Sa ilang sa loob ng apatnapung taon.
7:43 Ang dala-dala ninyo'y ang tolda ni Moloc At ang bituin ng diyus-diyusan ninyong si Renfan, Mga larawang ginawa ninyo upang sambahin. Kaya't itatapon ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.'
7:44 '"Ang Toldang Tipanan ng Diyos at ng tao ay nasa ating mga ninuno noong sila'y nasa ilang; ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa huwarang ipinakita sa kanya."
7:45 Minana ito ng kanilang mga anak, at dinala nang sakupin nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David.
7:46 Kinalugdan ng Diyos si David at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos ni Jacob.
7:47 Ngunit si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon.
7:48 '"Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao, ayon sa sinabi ng propeta: "
7:49 'Ang langit ang aking trono, sabi ng Panginoon, At ang lupa ang tuntungan ng aking mga paa, Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin, O lugar na pagpapahingahan ko?
7:50 Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?'
7:51 '"Napakatigas ng ulo ninyo! Di pa nababago ang inyong kalooban! Ayaw ninyong dinggin ang katotohanan! Kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, iyon din ang ginagawa ninyo: lumalaban kayong lagi sa Espiritu Santo."
7:52 Sinong propeta ang hindi pinag-usig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga humula sa pagparito ng Matuwid na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay.
7:53 "Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi ninyo tinatalima iyon!' ( Ang Pagbato kay Esteban )"
7:54 Nang marinig ito ng mga bumubuo ng Sanedrin, sila'y nagngalit dahil sa matinding galit kay Esteban.
7:55 Ngunit si Esteban na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingin sa langit at nakita ang maningning na liwanag sa paligid ng Diyos, at si Jesus na nasa kanyang kanan.
7:56 '"Bukas ang kalangitan,' sabi niya, 'at nakikita ko ang Anak ng Tao na nasa kanan ng Diyos.'"
7:57 Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay silang dumaluhong sa kanya.
7:58 Kinaladkad nila si Esteban hanggang sa labas ng lunsod upang batuhin. Hinubad ng mga saksi ang kanilang mga kasuutan at iniwan sa isang binatang nagngangalang Saulo.
7:59 "At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: 'Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.'"
7:60 "Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, 'Panginoon, huwag mo na po silang panagutin sa kasalanang ito!'"
8:1 At pagkasabi nito, siya'y namatay.{ a} Kasang-ayon si Saulo sa pagkapatay kay Esteban. ( Pinag-usig ni Saulo ang Iglesya )At nagsimula nang araw na iyon ang isang mahigpit na pag-uusig laban sa iglesya sa Jerusalem. At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria.
8:2 Si Esteban nama'y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos, at gayon na lamang ang kanilang panangis.
8:3 Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki't maging babae. ( Ipinangaral sa Samaria ang Mabuting Balita )
8:4 Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita.
8:5 Nagpunta si Felipe sa isang lunsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias.
8:6 Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya.
8:7 Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling.
8:8 Kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon.
8:9 Doo'y may isang lalaki na ang pangala'y Simon. Noong una, pinahahanga niya ang mga Samaritano sa pamamagitan ng salamangka. Ipinamamansag niya na siya'y may taglay na kapangyarihan,
8:10 "at pinakikinggan siya ng lahat, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba. 'Ang lalaking ito ang tinatawag na Dakilang Kapangyarihan, ang kapangyarihan ng Diyos,' sabi nila."
8:11 Mahabang panahon ding sila'y pinahanga niya sa pamamagitan ng kanyang salamangka, kaya't siya'y patuloy na pinakikinggan nila.
8:12 Ngunit nang ipangaral ni Felipe ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Jesu-Cristo, sila'y sumampalataya at nagpabautismo---lalaki't babae.
8:13 Pati si Simon ay sumampalataya rin, at nang mabautismuhan ay palaging sumasama kay Felipe. Humanga siya nang makita niya ang mga kababalaghan.
8:14 Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan.
8:15 Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo,
8:16 sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
8:17 At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.
8:18 Nakita ni Simon na ang Espiritu'y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya't inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan.
8:19 '"Bigyan po ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap din ng Espiritu Santo,' wika niya."
8:20 "Sinagot siya ni Pedro, 'Mapapahamak na kasama mo ang iyong salapi, sapagkat ang akala mo'y mabibili ng salapi ang kaloob ng Diyos!"
8:21 Wala kang bahagi ni karapatan sa bagay na ito, sapagkat alam ng Diyos na marumi ang puso mo.
8:22 Pagsisihan mo ang iyong kasamaan at manalangin ka sa Panginoon, na nawa'y ipatawad sa iyo ang masama mong hangarin.
8:23 "Sapagkat nakikita kong inggit na inggit ka at bilanggo ng kasalanan.'"
8:24 '"Idalangin po ninyo ako sa Panginoon,' sabi ni Simon, 'para hindi ko sapitin ang alinman sa mga sinabi ninyo!' "
8:25 Bumalik sa Jerusalem sina Pedro at Juan pagkatapos magpatotoo at mangaral ng salita ng Panginoon sa lunsod ng Samaria. At sa maraming nayon ng Samaria na kanilang dinaanan, ipinangaral nila ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo. ( Si Felipe at ang Pinunong Taga-Etiopia )
8:26 "Pagkatapos, si Felipe naman ay inutusan ng isang anghel ng Panginoon, 'Pumunta ka agad sa timog sa daang patungong Gaza, mula sa Jerusalem.' (Ito'y ilang.)"
8:27 Kaya't naparoon si Felipe. Sa darating naman ang isang Etiopeng eunuko. Siya ang tagapamahala sa lahat ng kayamanan ng Candace o reyna ng Etiopia. Nagpunta siya sa Jerusalem at sumamba sa Diyos.
8:28 Siya'y pauwi na noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias.
8:29 '"Sabayan mo ang sasakyang iyon,' sabi ng Espiritu kay Felipe."
8:30 "Patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ng eunuko ang aklat ni Propeta Isaias. Kaya't tinanong niya ang eunuko, 'Nauunawaan po ba ninyo ang inyong binabasa?'"
8:31 '"Paano kong mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?' sagot nito. At si Felipe'y inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa tabi niya."
8:32 "Ito ang bahagi ng kasulatang binabasa niya: 'Kung paanong walang imik ang tupa na dinadala sa patayan O ang kordero sa harapan ng manggugupit, Gayon din naman, hindi siya nagbuka ng kanyang bibig. "
8:33 "Siya'y hinamak at pinagkaitan ng katarungan. Walang maitatala tungkol sa kanyang mga inapo Sapagkat kinitil dito sa lupa ang kanyang buhay.' "
8:34 '"Sabihin mo nga sa akin,' wika ng eunuko kay Felipe, 'sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sarili ba niya o iba?'"
8:35 Buhat sa kasulatang ito'y isinalaysay sa kanya ni Felipe ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus.
8:36 "Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. 'May tubig dito!' sabi ng eunuko. 'Ako ba'y hindi pa maaaring bautismuhan?' ["
8:37 "Sinabi sa kanya ni Felipe, 'Maaari, kung sumasampalataya ka nang buong puso.' Sumagot siya, 'Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos.']"
8:38 Pinatigil ng eunuko ang karwahe; lumusong silang dalawa sa tubig, at binautismuhan siya ni Felipe.
8:39 Pagkaahon nila sa tubig, si Felipe'y kinuha ng Espiritu ng Panginoon. Hindi na siya nakita ng eunuko na nagpatuloy naman sa kanyang paglalakbay na tuwang-tuwa.
8:40 Namalayan na lamang ni Felipe na siya'y nasa Azoto. Mula roon, ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus sa lahat ng bayang dinaraanan niya hanggang sa marating ang Cesarea.
9:1 ( Ang Pagtawag kay Saulo ) Samantala, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon. Kaya't lumapit siya sa pinakapunong saserdote,
9:2 at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya ang sinumang matagpuan niya roong kaanib sa bagong pananampalataya{ a}---maging lalaki, maging babae---at madala sa Jerusalem.
9:3 Naglakbay si Saulo patungong Damasco. Nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit,
9:4 "anupat nasubasob siya. At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya, 'Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?'"
9:5 '"Sino po kayo, Panginoon?' tanong niya. 'Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,' tugon sa kanya."
9:6 '"Tumindig ka't pumasok sa lunsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin.'"
9:7 Natilihan ang mga kasama ni Saulo; narinig nila ang tinig ngunit wala silang makitang sinuman.
9:8 Tumindig si Saulo at idinilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makakita, kaya't siya'y inakay nila hanggang sa Damasco.
9:9 Tatlong araw na hindi siya nakakita, at hindi kumain ni uminom.
9:10 "Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala'y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa isang pangitain, 'Ananias!' 'Ano po iyon, Panginoon,' tugon niya."
9:11 '"Pumunta ka sa kalye Matuwid, sa bahay ni Judas at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala'y Saulo,' sabi ng Panginoon. 'Siya'y nananalangin ngayon."
9:12 "Sa isang pangitain, nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang makakita.'"
9:13 "Sumagot si Ananias, 'Panginoon, marami na po ang nagbalita sa akin tungkol sa taong ito, tungkol sa mga kasamaang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem."
9:14 "At naparito siya sa Damasco, taglay ang kapangyarihang galing sa mga punong saserdote, upang dakpin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.'"
9:15 "Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, 'Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel."
9:16 "At ipaaalam ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.' "
9:17 "Pumunta nga si Ananias. Pumasok siya sa bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. 'Kapatid na Saulo,' wika niya, 'pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na napakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Sinugo niya ako upang muli kang makakita, at mapuspos ng Espiritu Santo.'"
9:18 Pagdaka'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita na siya. Tumindig siya agad at nagpabautismo.
9:19 Kumain siya at nanauli ang kanyang lakas. ( Ang Pangangaral ni Saulo sa Damasco )Si Saulo'y ilang araw na kasama-sama ng mga alagad sa Damasco.
9:20 "Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Jesus. 'Siya ang Anak ng Diyos,' wika niya."
9:21 "Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. 'Hindi ba ito ang dating umuusig sa mga tumatawag sa pangalang ito sa Jerusalem?' tanong nila. 'Hindi ba't naparito siya upang sila'y dakpin at dalhing gapos sa mga punong saserdote?' "
9:22 Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ay siyang Cristo.
9:23 Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo,
9:24 ngunit nalaman niya ito. Araw-gabi, inaabangan nila siya sa mga pintong bayan para patayin.
9:25 Subalit isang gabi, isinakay siya ng kanyang mga alagad sa isang tiklis at saka inihugos sa kabila ng pader. ( Si Saulo sa Jerusalem )
9:26 Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit ang mga ito'y takot sa kanya, at hindi makapaniwalang isa na siyang alagad.
9:27 Subalit isinama siya ni Bernabe sa mga apostol. Isinalaysay niya sa kanila kung paano napakita ang Panginoon kay Saulo at nakipag-usap dito nang ito'y nasa daan. Sinabi rin niyang si Saulo'y buong tapang na nangaral sa Damasco, sa pangalan ni Jesus.
9:28 At mula noon, si Saulo'y kasama-sama nila sa Jerusalem, at buong tapang na nangangaral doon sa pangalan ng Panginoon.
9:29 Nakipag-usap din siya at nakipagtalo sa mga Helenista, kaya't tinangka nilang patayin siya.
9:30 Nang malaman ito ng mga kapatid, dinala nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.
9:31 Kaya't naging matiwasay ang iglesya sa buong Judea, Galilea at Samaria. Ito'y tumatag at lumaganap sa tulong ng Espiritu Santo at namuhay na may pagkatakot sa Panginoon. ( Si Pedro sa Lida at sa Jope )
9:32 Naglalakbay noon si Pedro upang dumalaw sa mga kapatid sa pananampalataya. Sa pagdalaw niya sa mga kapatid sa Lida,
9:33 natagpuan niya roon ang isang lalaking nagngangalang Eneas. Ito'y paralitiko at walong taon nang nararatay.
9:34 '"Eneas,' ani Pedro, 'pinagagaling ka ni Jesu-Cristo. Tumindig ka't ayusin mo ang iyong higaan!' At tumindig siya agad."
9:35 Nakita siya ng lahat ng naninirahan sa Lida at Saron, at nanampalataya sila sa Panginoon.
9:36 Sa Jope naman, may isang alagad na babae, ang pangala'y Tabita. (Sa Griego, ang kanyang pangalan ay Dorcas, na ang ibig sabihi'y usa.) Ginugugol niya ang kanyang panahon sa paggawa ng mabuti at pagkakawanggawa.
9:37 Nang mga araw na iyon, siya'y nagkasakit at namatay. Nang mapunasan na ang bangkay, ito'y ibinurol sa silid sa itaas.
9:38 Di kalayuan sa Jope ang Lida. Nang mabalitaan ng mga alagad na naroon si Pedro, inutusan nila ang dalawang lalaki upang siya'y pakiusapang pumunta agad sa Jope.
9:39 Sumama naman sa kanila si Pedro. Pagdating doon, dinala siya sa silid sa itaas. Agad lumapit sa kanya ang mga babaing balo na nananangis at ipinakikita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas noong ito'y nabubuhay pa.
9:40 "Pinalabas ni Pedro ang lahat; siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, 'Tabita, bumangon ka!' Dumilat si Tabita at naupo nang makita si Pedro."
9:41 Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumindig. Pagkatapos, tinawag niya ang mga banal at ang mga babaing balo at iniharap sa kanila si Dorcas na buhay na.
9:42 Nabalita ito sa buong Jope, kaya't marami ang sumampalataya sa Panginoon.
9:43 Si Pedro'y matagal ding nanatili sa Jope, sa bahay ni Simon na isang mangungulti ng katad.
10:1 ( Si Pedro at si Cornelio ) Sa Cesarea ay may isang lalaking nagngangalang Cornelio, kapitan ng isang kompanya sa Cohorte Italiana ng hukbong Romano.
10:2 Ang taong ito'y sumasamba at may takot sa Diyos, gayon din ang buong sambahayan niya. Palagi itong nagbibigay ng tulong sa mga Judio, at laging nananalangin sa Diyos.
10:3 Minsang mag-iikatlo ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain: kitang-kita niyang pumasok sa bahay niya ang isang anghel ng Diyos, at tinawag siya.
10:4 "Siya'y tumingin at takot na takot na sumagot, 'Ano po iyon, Ginoo?' Sinabi sa kanya ng anghel, 'Kinalugdan ng Diyos ang iyong mga dalangin at ang ginagawa mong pagtulong."
10:5 Magsugo ka ngayon ng ilan katao sa Jope upang sunduin ang isang taong ang ngala'y Simon na tinatawag ding Pedro.
10:6 "Siya'y nanunuluyan kay Simong mangungulti ng katad na nakatira sa tabi ng dagat.'"
10:7 Pagkaalis ng anghel, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kanyang mga utusan at isang kawal na may takot sa Diyos, isa sa mga nakatalaga sa paglilingkod sa kanya.
10:8 Isinalaysay niya sa mga ito ang mga pangyayari, saka inutusan sa Jope.
10:9 Kinabukasan, nang malapit na sa Jope ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat sa bubungan upang manalangin. Magtatanghaling-tapat na noon
10:10 at siya'y gutom na gutom na. Ngunit habang inihahanda ang pagkain, siya'y nagkaroon ng pangitain.
10:11 Nabuksan ang langit at nakita niyang inihuhugos sa lupa ang isang wari'y malaking kumot na nakabitin sa apat na panulukan.
10:12 Naroon ang lahat ng uri ng hayop: mga lumalakad at gumagapang sa lupa, at mga lumilipad sa himpapawid.
10:13 "At narinig niya ang isang tinig na nagsabi, 'Tumindig ka, Pedro. Magpatay ka't kumain.'"
10:14 "Ngunit sumagot si Pedro, 'Hinding-hindi ko po magagawa iyan, Panginoon! Kailanma'y hindi ako kumain ng anumang bagay na itinuturing na marumi o di karapat-dapat.'"
10:15 "Muli niyang narinig ang tinig at ang sabi sa kanya, 'Huwag mong ituring na marumi ang nilinis ng Diyos.'"
10:16 Tatlong ulit na nangyari ito, at pagkatapos ay binatak na pataas ang bagay na iyon.
10:17 Samantalang iniisip ni Pedro ang kahulugan ng pangitaing iyon, dumating naman ang mga sinugo ni Cornelio. Nang malaman nila ang bahay ni Simon, sila'y pumunta roon
10:18 at nagtanong kung doon nga nanunuluyan si Simon na tinatawag ding Pedro.
10:19 "Pinagbubulay-bulay pa ni Pedro ang pangitain nang sabihin sa kanya ng Espiritu, 'May tatlong lalaking naghahanap sa iyo."
10:20 "Manaog ka't huwag mag-atubiling sumama sa kanila sapagkat ako ang nagsugo sa kanila.'"
10:21 "Kaya't pumanaog si Pedro at nagsabi sa mga tao, 'Ako ang hinahanap ninyo. Ano po ba ang maipaglilingkod ko?'"
10:22 '"Kami po'y pinapunta rito ni Kapitan Cornelio,' tugon nila. 'Siya'y mabuting tao at may takot sa Diyos at iginagalang ng bansang Judio. Sinabi po sa kanya ng isang anghel na ipasundo kayo at pakinggan ang sasabihin ninyo.'"
10:23 Pinatuloy sila ni Pedro at doon pinatulog nang gabing iyon. Kinabukasan, siya'y sumama sa kanila; at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Jope.
10:24 Dumating sila sa Cesarea matapos ang maghapong paglalakbay. Naghihintay na sa kanila si Cornelio, pati ang mga kamag-anak at matatalik na kaibigan na kanyang inanyayahan.
10:25 Sinalubong ni Cornelio si Pedro at nagpatirapa sa harapan nito at sumamba.
10:26 "Ngunit sinabi ni Pedro, 'Tumindig kayo. Ako'y tao ring tulad ninyo.'"
10:27 Patuloy silang nag-usap habang pumapasok ng bahay at nakita ni Pedro na maraming tao roon.
10:28 "Sinabi niya, 'Alam ninyo na ang isang Judio ay pinagbabawalan ng kanyang relihiyon na makisama o dumalaw sa isang hindi Judio. Subalit ipinaalam sa akin ng Diyos na ang sinuman ay huwag kong ituturing na di karapat-dapat pakitunguhan."
10:29 "Kaya't nang ipasundo ninyo ako, ako'y walang atubiling sumama. Ibig kong malaman kung bakit ninyo ako ipinasundo.' "
10:30 "Sumagot si Cornelio, 'May apat na araw na ngayon at halos ganito ring mag-iikatlo ng hapon, ako'y nananalangin dito sa aking bahay nang biglang tumayo sa harapan ko ang isang lalaking nagniningning ang kasuutan."
10:31 Sinabi niya, 'Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong mga panalangin at kinalugdan ang ginagawa mong pagtulong.
10:32 Ipasundo mo sa Jope si Simon na tinatawag ding Pedro. Nanunuluyan ito sa bahay ni Simong mangungulti ng katad, na nakatira sa tabing-dagat.'
10:33 "Kaagad akong nagpapunta sa inyo; salamat naman po at kayo'y pumarito. At ngayo'y natitipon kami upang pakinggan ang ipinasasabi ng Panginoon.' ( Ang Sermon ni Pedro )"
10:34 "At nagsalita si Pedro, 'Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos."
10:35 Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa.
10:36 Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ngunit siya'y Panginoon ng lahat!
10:37 Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa bautismo.
10:38 Ang sinasabi ko'y tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo.
10:39 Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya'y ipinako nila sa krus.{ a}
10:40 Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya,
10:41 hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una'y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
10:42 Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay.
10:43 "Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.' ( Ang Pagkakaloob ng Espiritu Santo sa mga Hentil )"
10:44 Nagsasalita pa si Pedro nang bumaba ang Espiritu Santo sa mga nakikinig ng salita.
10:45 Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro, sapagkat ang mga ito ay pinagkalooban din ng Espiritu Santo.
10:46 Narinig nila ang mga Hentil na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya't sinabi ni Pedro,
10:47 '"Tulad natin, sila'y pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino pa ang makakahadlang na bautismuhan sila sa tubig?'"
10:48 At iniutos niyang bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na manatili roon ng ilang araw.
11:1 ( Ang Ulat ni Pedro sa Iglesya sa Jerusalem ) Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa buong Judea na tinanggap din ng mga Hentil ang salita ng Diyos.
11:2 Kaya't nang umahon si Pedro sa Jerusalem, siya'y pinuna ng mga kapatid na Judio.
11:3 '"Nakituloy ka sa mga Hentil, at nakisalo sa kanila!' sabi nila."
11:4 Kaya't isinaysay sa kanila ni Pedro ang buong pangyayari, buhat sa pasimula:
11:5 '"Nasa lunsod ako ng Jope at nananalangin nang magkaroon ako ng pangitain. Mula sa langit ay inihugos sa kinaroroonan ko ang isang tila malaking kumot na nakabitin sa apat na panulukan."
11:6 Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop: lumalakad at gumagapang sa lupa, pati maiilap, at mga lumilipad sa himpapawid.
11:7 At narinig ko ang isang tinig na nagsabi, 'Tumindig ka, Pedro. Magpatay ka't kumain!'
11:8 Subalit sinabi ko, 'Hinding-hindi ko po magagawa iyon, Panginoon. Hindi ako kumakain ng anumang bagay na itinuturing na marumi o di karapat-dapat.'
11:9 Muli kong narinig ang tinig mula sa langit, 'Huwag mong ituring na marumi ang mga nilinis ng Diyos!'
11:10 Tatlong ulit na nangyari ito at pagkatapos ay binatak na pataas sa langit ang bagay na iyon.
11:11 Nang sandali ring iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaking sinugo sa akin buhat sa Cesarea.
11:12 Sinabi sa akin ng Espiritu na huwag akong mag-atubiling sumama sa kanila. Sumama rin sa akin ang anim na kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ni Cornelio.
11:13 Isinalaysay niya sa amin na nakakita siya ng isang anghel na nakatayo sa loob ng kanyang bahay, at sinabi sa kanya, 'Magpasugo ka sa Jope at ipasundo mo si Simon na tinatawag ding Pedro.
11:14 Sasabihin niya sa iyo ang tungkol sa ikaliligtas mo at ng iyong sambahayan.'
11:15 Nagsisimula pa lamang akong magsalita ay bumaba na sa kanila ang Espiritu Santo gaya ng pagkababa nito sa atin noong una.
11:16 At naalaala ko ang sinabi ng Panginoon, 'Si Juan ay nagbabautismo sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Espiritu Santo.'
11:17 "Kung binigyan sila ng Diyos ng kaloob na tulad ng ibinigay niya sa atin nang manalig tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino akong hahadlang sa Diyos?'"
11:18 "Nang marinig nila ito, tumigil na sila ng pagpuna, at sa halip ay nagpuri sa Diyos. 'Kung gayon,' sabi nila, 'ang mga Hentil ma'y binigyan din ng pagkakataong magsisi't magbagong-buhay upang maligtas!' ( Ang Iglesya sa Antioquia )"
11:19 Ang mga mananampalataya ay nagkahiwa-hiwalay dahil sa pag-uusig na nagsimula nang patayin si Esteban. May nakarating sa Fenicia, sa Chipre at sa Antioquia. Saanman sila makarating, ipinangangaral nila ang salita, ngunit sa mga Judio lamang.
11:20 Subalit may kasama silang ilang taga-Chipre at taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay nangaral naman sa mga Griego ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Jesus.
11:21 Sumakanila ang kapangyarihan ng Panginoon at maraming naniwala at nanalig sa Panginoon.
11:22 Nabalitaan ito ng iglesya sa Jerusalem, kaya't sinugo nila sa Antioquia si Bernabe.
11:23 Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya'y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon.
11:24 Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at matibay ang pananampalataya, kaya marami siyang nadala sa Panginoon.
11:25 Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo,
11:26 at nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng iglesya, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga alagad.
11:27 Noon naman ay may mga propetang dumating sa Antioquia mula sa Jerusalem.
11:28 Tumindig ang isa sa kanila na ang pangala'y Agabo, at sa kapangyarihan ng Espiritu ay nagpahayag na magkakaroon ng malaking taggutom sa buong daigdig. (Nangyari ito noong kapanahunan ni Emperador Claudio.)
11:29 Nagpasiya ang mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid na naninirahan sa Judea, ayon sa kaya ng bawat isa.
11:30 Gayon nga ang ginawa nila, at ipinadala ang kanilang tulong sa matatanda ng iglesya sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo.
12:1 ( Panibagong Pag-uusig ) Nang mga panahon ding iyon, sinimulang usigin ni Haring Herodes ang ilang kaanib ng iglesya.
12:2 Pinapugutan niya si Santiagong kapatid ni Juan.
12:3 Nang makita niyang ito'y ikinalugod ng mga Judio, si Pedro naman ang kanyang ipinadakip. (Nangyari ito noong Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.)
12:4 Pagkadakip kay Pedro, ito'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na kawal. Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng pista,
12:5 kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Samantala, siya'y taimtim na ipinananalangin ng iglesya. ( Pinalaya ng Anghel si Pedro )
12:6 Gabi noon. Si Pedro'y natutulog sa pagitan ng dalawang kawal. Gapos siya ng dalawang tanikala at may mga tanod pa sa harap ng pinto ng bilangguan. Siya'y nakatakdang iharap ni Herodes sa bayan kinabukasan.
12:7 "Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon, at nagliwanag na mabuti sa silid-piitan. Tinapik niya sa tagiliran si Pedro at ginising. 'Bumangon ka, dali!' wika ng anghel. Pagdaka'y nakalag ang mga tanikala sa kanyang mga kamay."
12:8 '"Magbigkis ka't magsuot ng panyapak,' sabi ng anghel. Gayon nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, 'Magbalabal ka't sumunod sa akin.'"
12:9 Lumabas naman si Pedro at sumunod sa kanya, ngunit hindi niya alam kung tunay ang nangyayari. Ang akala niya'y nananaginip lamang siya.
12:10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay; nakarating sila sa pintuang bakal na labasan patungo sa lunsod. Ito'y kusang nabuksan, at lumabas sila. Pagkaraan nila sa isang kalye, biglang nawala ang anghel.
12:11 "Naliwanagan ni Pedro ang nangyari kaya't sinabi niya, 'Ngayon ko natiyak na totoo palang lahat! Sinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyayari sa akin.' "
12:12 Nang mapag-isip-isip niya ito, nagtungo siya sa bahay ni Mariang ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming kapatid ang nagkakatipon doon at nananalangin.
12:13 Si Pedro'y kumatok sa pinto. Lumapit naman ang isang utusang dalaga na ang pangala'y Rode. Tiningnan niya kung sino iyon.
12:14 Nakilala niya ang tinig ni Pedro, at dahil sa laki ng tuwa ay hindi nakuhang buksan ang pinto. Sa halip, tumakbo siyang papasok at ibinalitang nasa pintuan si Pedro.
12:15 '"Nahihibang ka ba?' sabi nila. Ngunit ipinilit niyang naroroon nga, kaya't ang sabi nila, 'Baka anghel niya iyon!'"
12:16 Patuloy namang tumutuktok si Pedro. Binuksan nila ang pinto. Nang makita nila si Pedro, hindi sila makapaniwala.
12:17 "Sinenyasan niya silang tumahimik, saka isinalaysay kung paano siya inilabas ng Panginoon sa bilangguan. 'Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,' sabi niya. Pagkatapos, umalis siya at nagtungo sa ibang lugar. "
12:18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya.
12:19 Ipinahanap siya ni Herodes, at nang hindi matagpuan ay ipinasiyasat ang mga bantay at ipinapatay. Pagkatapos, bumaba si Herodes sa Cesarea buhat sa Judea, at nanatili roon. ( Ang Pagkamatay ni Herodes )
12:20 Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at sa mga taga-Sidon, kaya't napagkasunduan nilang lumapit sa kanya. At nakiusap sila kay Blasto na mayordomo ng hari na sila'y samahan upang makipag-ayos, sapagkat nanggagaling sa lupain ng hari ang ikinabubuhay ng kanilang bayan.
12:21 Pagsapit ng takdang araw, si Herodes ay nagsuot ng damit-hari, lumuklok sa trono, at nagtalumpati.
12:22 "At sumigaw ang bayan, 'Isang diyos ang nagsasalita, hindi tao!'"
12:23 Noon di'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagkat inangkin niya ang karangalang nauukol sa Diyos; siya'y inuod hanggang sa mamatay.
12:24 Samantala, lumalago at lumalaganap naman ang salita ng Diyos.
12:25 Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.
13:1 ( Ang Pagkasugo kina Bernabe at Saulo ) May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo, at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes.
13:2 "Samantalang sila'y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, 'Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila'y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.'"
13:3 Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila'y pinayaon. ( Ang Pangangaral sa Chipre )
13:4 Kaya't bumaba sa Seleucia sina Bernabe at Saulo, na sinugo ng Espiritu Santo, at buhat doo'y naglayag patungong Chipre.
13:5 Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Kasama nila si Juan Marcos bilang katulong.
13:6 Nilibot nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Natagpuan nila roon ang isang salamangkerong Judio na nagpapanggap na propeta. Bar-Jesus ang kanyang pangalan.
13:7 Siya'y kasama ni Gobernador Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Ipinatawag ng Gobernador sina Bernabe at Saulo, sapagkat ibig niyang mapakinggan ang salita ng Diyos.
13:8 Ngunit sinalansang sila ng salamangkerong si Elimas (ito ang kanyang pangalan sa wikang Griego) upang huwag sumampalataya ang Gobernador.
13:9 Napuspos ng Espiritu Santo si Saulo, na tinatawag ding Pablo. Tinitigan niya si Elimas,
13:10 "at sinabi ang ganito: 'Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng mabuti! Tigib ka ng pagdaraya at kasamaan! Bakit ba lagi mong pinipilipit ang katotohanan tungkol sa Panginoon?"
13:11 "Ngayon, parurusahan ka niya! Mabubulag ka nang matagal!' Pagdaka'y naramdaman ni Elimas na waring tinakpan ng maitim na ulap ang kanyang mga mata, at siya'y nag-apuhap ng aakay sa kanya."
13:12 Sumampalataya ang Gobernador nang makita ang nangyari, at nanggilalas siya sa mga aral tungkol sa Panginoon. ( Sa Antioquia ng Pisidia )
13:13 Mula sa Pafos, si Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag, at dumating sa Perga ng Panfilia; ngunit humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.
13:14 Mula sa Perga, nagpatuloy sila at dumating sa Antioquia ng Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo.
13:15 "Matapos ang pagbasa sa ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, 'Mga kapatid, kung mayroon kayong iaaral sa mga tao, magsalita na kayo!'"
13:16 "Kaya't tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik. 'Mga Israelita at mga taong may takot sa Diyos---makinig kayo!"
13:17 Ang Diyos ng ating bansang Israel ang humirang sa ating mga ninuno. Sila'y ginawa niyang isang malaking bansa samantalang naninirahan sa lupain ng Egipto, inilabas doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan,
13:18 at pinagtiisan sa ilang sa loob ng halos apatnapung taon.
13:19 Pagkatapos niyang lipulin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob sa kanila ang lupain ng mga iyon
13:20 "sa loob ng halos 450 taon. 'Pagkatapos, sila'y binigyan niya ng mga hukom hanggang kay Propeta Samuel."
13:21 Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saulo na anak ni Cis. Naghari si Saulo sa loob ng apatnapung taon.
13:22 At nang siya'y alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa kanila. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya, 'Natagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.'
13:23 Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Jesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas.
13:24 Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisiha't talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabautismo.
13:25 Nang matatapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, 'Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Cristo. Ngunit siya'y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit tagaalis ng panyapak.'
13:26 '"Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan."
13:27 Hindi kinilala ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na si Cristo ang Tagapagligtas. Hindi rin nila inunawa ang mga hula ng mga propeta, na binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; ngunit sila na rin ang nagsakatuparan ng hulang iyon nang hatulan nila ng kamatayan si Jesus.
13:28 Bagamat wala silang sapat na katibayan para siya'y hatulan ng kamatayan, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya'y ipapatay.
13:29 At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, ibinaba nila ito sa krus at inilibing.
13:30 Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos,
13:31 at sa loob ng maraming araw ay napakita sa mga sumama sa kanya nang siya'y pumunta sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila'y mga saksi niya sa mga Israelita.
13:32 At narito kami upang ipahayag sa inyo ang Mabuting Balita. Ito ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno
13:33 na kanyang tinupad sa atin nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Awit: 'Ikaw ang aking Anak, Ako ang iyong Ama.'
13:34 Tungkol sa muling pagbuhay sa kanya upang hindi makaranas ng pagkabulok, ganito naman ang sinabi ng Diyos: 'Ipagkakaloob ko sa inyo ang banal at maaasahang pagpapala Na ipinangako ko kay David.'
13:35 At sinabi rin niya sa iba pang bahagi, 'Hindi mo itutulot na dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.'
13:36 Nang maisakatuparan ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at nalibing sa piling ng kanyang mga magulang at dumanas ng pagkabulok.
13:37 Subalit si Jesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi dumanas ng pagkabulok.
13:38 Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na ipinangaral sa inyo na ang kapatawaran ng kasalanan ay sa pamamagitan ni Jesus.
13:39 At ang lahat ng nananalig sa kanya ay pinatawad sa lahat ng pagkakasalang hindi maipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises.
13:40 Kaya't mag-ingat kayo para hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
13:41 "'Tingnan ninyo, kayong mapang- alipusta! Manggigilalas kayo at mapapa- hamak! Sapagkat isasagawa ko sa inyong kapanahunan Ang isang bagay na hindi ninyo paniniwalaan Kahit may magsalaysay nito sa inyo!'' "
13:42 Nang sina Pablo at Bernabe ay palabas na sa sinagoga, inanyayahan sila ng mga tao na magsalita uli tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
13:43 Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga nahikayat sa Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat sa kagandahang-loob ng Diyos.
13:44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lunsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos.
13:45 Inggit na inggit ang mga Judio nang makita nila ang makapal na tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo.
13:46 "Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, 'Sa inyo muna dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Yamang itinakwil ninyo ito, hinatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't pupunta kami sa mga Hentil."
13:47 "Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon: 'Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil Upang maibalita mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.'' "
13:48 Nagalak ang mga Hentil nang marinig ito, at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya; at sumampalataya ang mga hinirang para sa buhay na walang hanggan.
13:49 Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon.
13:50 Ngunit sinul-sulan ng mga Judio ang mga babaing sumasamba sa Diyos at kilala sa lipunan, gayon din ang mga lalaking pinuno ng lunsod: ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon.
13:51 Kaya't ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila'y nagtungo sa Iconio.
13:52 Ang mga alagad naman sa Antioquia ay natigib ng galak at napuspos ng Espiritu Santo.
14:1 ( Sa Iconio ) Gayon din ang nangyari sa Iconio: sina Pablo't Bernabe'y pumasok sa sinagoga ng mga Judio. Napakahusay ng kanilang pangangaral kaya't maraming Judio at Griego ang sumampalataya.
14:2 Ngunit may mga Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan nila ang mga Hentil at nilason ang isip ng mga ito laban sa mga kapatid.
14:3 Matagal-tagal ding nanatili roon sina Pablo at Bernabe at buong tapang na nangaral tungkol sa Panginoon. Pinatunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila na gumawa ng mga kababalaghan.
14:4 Kaya't nahati ang mga tao sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at ang iba nama'y sa mga apostol.
14:5 Kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila.
14:6 Subalit nang malaman ito ng mga apostol sila'y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lunsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot.
14:7 At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita. ( Sa Listra )
14:8 Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siya'y lumpo mula sa pagkabata.
14:9 Nakaupo siya't nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo'y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito,
14:10 "at malakas na sinabi, 'Tumayo ka nang tuwid!' At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad."
14:11 "Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, 'Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!'"
14:12 Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita.
14:13 Nasa pagpasok ng lunsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lunsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol.
14:14 Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila,
14:15 '"Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon."
14:16 Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan.
14:17 "Gayunma'y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.'"
14:18 Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sila ng pagpigil sa mga tao sa paghahandog sa kanila.
14:19 Ngunit may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na.
14:20 Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lunsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe. ( Ang Pagbabalik sa Antioquia )
14:21 Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia.
14:22 "Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. 'Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,' turo nila sa kanila."
14:23 Sa bawat iglesya, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito'y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.
14:24 Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia.
14:25 Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia.
14:26 Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkakalinga ng Diyos.
14:27 Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib sa iglesya at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil.
14:28 At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad.
15:1 ( Ang Pagpupulong sa Jerusalem ) "May ilang taong dumating sa Antioquia, mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: 'Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.'"
15:2 Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya't napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito.
15:3 Sinugo nga sila ng iglesya, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito'y labis na ikinagalak ng mga kapatid.
15:4 Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong iglesya, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos, sa pamamagitan nila.
15:5 "Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, 'Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.' "
15:6 Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.
15:7 "Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumindig si Pedro at ganito ang sabi, 'Mga kapatid, nalalaman ninyo na noong nakaraang mga araw, hinirang ako ng Diyos upang ipangaral sa mga Hentil ang Mabuting Balita, at sila nama'y sumampalataya."
15:8 At ang Diyos na nakasasaliksik ng puso ang nagpatotoo na, tulad natin, sila'y tinatanggap niya nang pagkalooban sila ng Espiritu Santo.
15:9 Iisa ang tingin ng Diyos sa kanila't sa atin; nilinis din niya ang kanilang puso sapagkat nanalig sila kay Jesu-Cristo.
15:10 Bakit ba marunong pa kayo sa Diyos? Ba't ninyo ipinapapasan sa mga alagad ang isang dalahing mabigat na hindi natin napasan, ni ng ating mga magulang?
15:11 "Sumampalataya tayo at naligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Jesus, gayon din naman sila.' "
15:12 Tumahimik ang buong kapulungan. Nakinig sila kina Bernabe at Pablo habang isinasalaysay nila ang mga kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila.
15:13 "Pagkatapos, si Santiago naman ang nagsalita, 'Mga kapatid, pakinggan ninyo ako."
15:14 Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon ang unang pagkatawag ng Diyos sa mga Hentil upang sila rin ay maging bayan niya,
15:15 ayon sa hula ng mga propeta:
15:16 'Pagkatapos nito ay babalik ako, At muli kong itatayo ang bumagsak na tahanan ni David. Muli kong ibabangon mula sa kanyang pagkaguho,
15:17 Upang ang Panginoo'y hanapin ng ibang tao, Ng lahat ng bansang tinawag ko upang maging akin.
15:18 Gayon ang sabi ng Panginoon na nagpahayag ng mga bagay na ito mula pa noong una.'
15:19 '"Kaya't ang pasiya ko'y huwag nating ligaligin ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos."
15:20 Sa halip, sulatan natin sila na huwag kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyusan; huwag makikiapid; huwag kakain ng hayop na binigti, at ng dugo.
15:21 "Sapagkat mula pa nang unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga, at ipinangangaral ang kanyang salita sa bawat bayan.' ( Ang Sulat sa mga Hentil na Sumasampalataya )"
15:22 Kaya't minabuti ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong iglesya na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas.
15:23 "Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman: 'Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia."
15:24 Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila inutusan. Di-umano'y binabagabag kayo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi.
15:25 Kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo,
15:26 na di nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
15:27 Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito.
15:28 Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan:
15:29 "huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at mapapabuti kayo. Paalam.' "
15:30 Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang mga kapatid at ibinigay ang sulat.
15:31 Pagkabasa sa liham, ang mga tao'y nagalak dahil sa kanilang narinig.
15:32 Sina Judas at Silas na mga propeta rin ay maraming sinabi sa mga kapatid na pawang nagpalakas ng kanilang loob at nagpatibay ng kanilang pananampalataya.
15:33 Ang dalawa'y nanatili roon nang kaunting panahon. Pagkatapos, sila'y bumalik sa mga nagsugo sa kanila, taglay ang dalangin ng mga kapatid para sa kanilang maluwalhating paglalakbay. [
15:34 Ngunit minabuti ni Silas ang maiwan doon.]
15:35 Nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia. Kasama ng marami pang iba, sila'y nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon. ( Ang Paghihiwalay ni Pablo at ni Bernabe )
15:36 "Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, 'Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan kung ano ang lagay nila.'"
15:37 Ibig ni Bernabeng isama si Juan na tinatawag ding Marcos.
15:38 Ngunit ayaw ni Pablo, sapagkat hindi siya nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, kundi humiwalay sa kanila sa Panfilia.
15:39 Nagkaroon ng mainitang pagtatalo, kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila patungong Chipre.
15:40 Isinama naman ni Pablo si Silas; at yumaon sila matapos ipanalangin ng mga kapatid na nawa'y ingatan sila ng Panginoon.
15:41 Naglakbay si Pablo sa Siria at Cilicia, at pinatatag niya ang mga iglesya.
16:1 ( Sumama si Timoteo kina Pablo at Silas ) Nagpunta rin si Pablo sa Derbe at Listra. At may isang alagad doon na ang pangala'y Timoteo, anak ng isang mananampalatayang Judia, at ng isang Griego.
16:2 Pinatunayan ng mga kapatid sa Listra at sa Iconio na mabuting tao si Timoteo.
16:3 Ibig isama ni Pablo si Timoteo, kaya't tinuli niya ito sapagkat alam ng lahat ng Judio sa lunsod na iyon na Griego ang kanyang ama.
16:4 Sa bawat lunsod na kanilang dinalaw ay ipinaalam nila sa mga kapatid ang pasiya ng mga apostol at matatanda sa Jerusalem, at iniutos na sundin iyon.
16:5 Kaya't tumibay sa pananampalataya ang mga kaanib ng bawat iglesya at dumarami ang bilang ng mga alagad araw-araw. ( Sa Troas---ang Pangitain ni Pablo )
16:6 Naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia, sapagkat sinansala sila ng Espiritu Santo na mangaral sa Asia.
16:7 Pagdating sa hangganan ng Misia, ibig sana nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
16:8 Kaya't bumagtas sila ng Misia at nagtungo sa Troas.
16:9 "Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain: may isang lalaking taga-Macedonia, nakatayo at namamanhik sa kanya. 'Tumawid po kayo rito sa Macedonia at tulungan ninyo kami.'"
16:10 Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak kami agad sapagkat natanto naming kami'y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Mabuting Balita. ( Nanampalataya si Lydia )
16:11 Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag patungong Samotracia, at kinabukasa'y sa Neapolis.
16:12 Mula roo'y nagtungo kami sa Filipos, isang kolonyang Romano at pangunahing lunsod sa dakong iyon ng Macedonia. Nanatili kami roon ng ilang araw.
16:13 At nang Araw ng Pamamahinga, lumabas kami ng lunsod at nagpunta sa tabing-ilog, sa isang pook na inakala naming dakong panalanginan ng mga Judio. Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon.
16:14 Kabilang dito ang isang nagngangalang Lydia, taga-Tiatira at mangangalakal ng mga telang purpura. Siya'y may takot sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at siya'y naniwala sa ipinangangaral ni Pablo.
16:15 "Nagpabautismo siya, at ang mga kasambahay niya. Pagkatapos, sinabi niya, 'Kung itinuturing po ninyo akong tapat na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.' Mahigpit ang kanyang anyaya kaya't hindi namin napahindian. ( Sa Bilangguan sa Filipos )"
16:16 Isang araw, nang patungo kami sa dakong panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babaing alipin. Ito'y inaalihan ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang makapanghula. At malaki ang kinikita ng kanyang mga panginoon dahil sa kanyang panghuhula.
16:17 "Sinundan-sundan niya kami nina Pablo, at sumisigaw ng ganito, 'Ang mga taong ito'y alipin ng Kataas-taasang Diyos! Ipinahahayag nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!'"
16:18 "Sapagkat marami nang araw na ginagawa niya ito, nayamot si Pablo. Hinarap niya ang bata at sinabi sa espiritu, 'Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ni Jesu-Cristo: lumabas ka sa babaing ito!' At noon di'y lumabas ang espiritu."
16:19 Nang makita ng mga panginoon ng bata na nawalan sila ng pagkakakitaan, sinunggaban nila sina Pablo at Silas, kinaladkad sa liwasang-bayan at iniharap sa mga maykapangyarihan.
16:20 "Isinakdal sila sa mga pinuno ng lunsod, at ito ang sabi, 'Nanggugulo po sa lunsod ang mga Judiong ito."
16:21 "Nagtuturo sila ng mga kaugaliang labag sa kautusan nating mga Romano. Hindi natin maaaring tanggapin o sundin ang mga kaugaliang iyan.'"
16:22 Dinaluhong sila ng mga tao, at matapos pahubaran ng mga pinuno, sila'y paulit-ulit na ipinahagupit,
16:23 saka ipinabilanggo at pinabantayang mabuti.
16:24 Ipinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ipinangaw ang mga paa.
16:25 Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga imno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.
16:26 Di-kaginsa-ginsa'y lumindol nang napakalakas, anupat nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Pagdaka'y nabuksan ang mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng mga bilanggo.
16:27 Napabalikwas ang bantay-bilangguan at nang makitang bukas ang mga pinto, hinugot ang kanyang tabak at tangkang magpakamatay sa akalang nakatakas ang mga bilanggo.
16:28 "Ngunit sumigaw si Pablo, 'Huwag mong saktan ang iyong sarili! Narito kaming lahat!'"
16:29 Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas.
16:30 "Inilabas niya ang mga ito at sinabi, 'Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako'y maligtas?'"
16:31 "Sumagot sila, 'Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka---ikaw at ang iyong sambahayan.'"
16:32 At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay.
16:33 Nang gabi ring iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga sugat, at nagpabautismo siya pati ang buo niyang sambahayan.
16:34 Pagkatapos, sila'y isinama niya sa kanyang tahanan at hinainan ng pagkain. Galak na galak siya at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat sila'y natutong sumampalataya sa Diyos.
16:35 Kinaumagahan, inutusan ng mga pinuno ng lunsod ang mga kawal na palayain sina Pablo at Silas.
16:36 "At sinabi naman ito ng bantay-bilangguan kay Pablo. 'Ipinag-utos po ng mga pinunong palayain na kayo. Lumabas na kayo at humayong payapa,' wika niya."
16:37 "Subalit sinabi ni Pablo sa mga kawal, 'Ipinahampas nila kami nang hayagan at ipinabilanggo nang hindi man lang nilitis, gayong kami'y mamamayang Romano! At ngayo'y palihim kaming palalayain! Hindi maaari! Sila ang pumarito at magpalaya sa amin.'"
16:38 Ipinaalam ng mga kawal sa mga pinuno ng lunsod ang sinabi ni Pablo, at natakot sila nang malamang mamamayang Romano pala ang mga iyon.
16:39 Kaya't sila'y pumaroon at humingi ng paumanhin sa dalawa. Inilabas nila ang mga ito at pinakiusapang umalis.
16:40 Paglabas ng bilangguan, sina Pablo at Silas ay nagtuloy sa bahay ni Lydia; dinatnan nila roon ang mga kapatid. Bago umalis ang dalawa, tinagubilinan nilang magpakatatag sa pananampalataya ang mga ito.
17:1 ( Sa Tesalonica ) Dumaan sila sa Anfipolis at Apolonia, at dumating sa Tesalonica. Sa lunsod na ito'y may sinagoga ang mga Judio,
17:2 at ayon sa kinaugalian ni Pablo, siya'y pumasok doon. Sa loob ng tatlong linggo, tuwing Araw ng Pamamahinga ay nakipagpaliwanagan siya sa kanila. Mula sa Kasulatan,
17:3 "pinatunayan niya na kinakailangang magtiis ang Cristo at muling mabuhay. Sinabi niya, 'Ang Jesus na ito na ipinapahayag ko sa inyo---siya ang Cristo!'"
17:4 Nahikayat ang ilan sa kanila, at sumama kina Pablo at Silas, gayon din ang maraming Griego na sumasamba sa Diyos, at di-iilang pangunahing babae.
17:5 Ngunit nainggit ang mga Judio, kaya't tinipon nila ang mga palaboy sa liwasang-bayan at sila'y nanggulo sa lunsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason, at pilit na hinahanap sina Pablo at Silas upang iharap sa bayan.
17:6 "Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lunsod, at ganito ang kanilang sigaw, 'Ang ating lunsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating!"
17:7 "At pinatuloy sila ni Jason. Silang lahat ay lumalabag sa utos ng Cesar. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala'y Jesus.'"
17:8 At nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lunsod dahil sa sigawang ito.
17:9 Si Jason at ang kanyang mga kasama'y pinaglagak muna ng piyansa ng mga pinuno bago pinalaya. ( Sa Berea )
17:10 Nang gabi ring iyon, pinapunta ng mga kapatid sina Pablo at Silas sa Berea. Pagdating doon, sila'y pumasok sa sinagoga ng mga Judio.
17:11 Mas mabuting kausapin ang mga Judio roon kaysa mga taga-Tesalonica; wiling-wili sila ng pakikinig sa pangangaral ni Pablo, at sinasaliksik araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang mga sinasabi niya.
17:12 Sumampalataya ang maraming Judio roon, gayon din ang mga Griego---mga lalaki at mga babaing kilala sa lipunan.
17:13 Subalit nang mabalitaan ng mga Judio sa Tesalonica na ipinangaral din ni Pablo sa Berea ang salita ng Diyos, sila'y nagpunta roon at sinulsulang gumawa ng gulo ang taong-bayan.
17:14 Si Pablo'y dali-daling pinaalis ng mga kapatid at pinapunta sa tabing-dagat; ngunit naiwan sina Silas at Timoteo.
17:15 Ang mga naghatid kay Pablo ay sumama sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea, taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa lalong madaling panahon. ( Sa Atenas )
17:16 Habang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, napansin niyang puno ng mga diyus-diyusan ang lunsod, at nag-init ang kanyang kalooban.
17:17 Kaya't nakipagtalo siya sa mga Judio at sa mga Hentil na sumasamba sa Diyos, doon sa kanilang sinagoga, at sa sinumang makatagpo niya sa liwasang-bayan araw-araw.
17:18 "At nakatalo niya rin ang ilang pilosopong Epicureo at Estoico. 'Ano ba ang ibig sabihin sa atin ng nagmamarunong na ito?' anang ilan. Sabi naman ng iba, 'Nangangaral yata tungkol sa ibang mga diyos.' Ganyan ang sabi nila sapagkat nangangaral si Pablo tungkol kay Jesus at sa muling pagkabuhay."
17:19 "Siya'y isinama nila at iniharap sa kapulungan ng Areopago at tinanong, 'Maaari bang malaman namin kung ano itong bagong aral na itinuturo mo?"
17:20 "Bago sa aming pandinig ang mga sinasabi mo, kaya ibig naming malaman ang kahulugan nito.'"
17:21 (Sapagkat wala nang ginagawa ang mga taga-Atenas at ang mga dayuhang naninirahan doon kundi makinig at mag-usap-usap tungkol sa bagu't bagong bagay.)
17:22 "Kaya't tumayo si Pablo sa harap ng kapulungan ng Areopago at nagsalita, 'Mga taga-Atenas, napapansin kong buhos na buhos ang inyong kalooban sa relihiyon."
17:23 Sapagkat sa paglalakad ko sa lunsod at pagmamasid sa mga sambahan ninyo, nakakita ako ng isang dambanang may nakasulat na ganito: 'Sa Diyos na hindi nakikilala.' Ang inyong sinasamba kahit hindi ninyo kilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo.
17:24 Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya't hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao.
17:25 Hindi sa siya'y nangangailangan ng anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang nagbibigay ng buhay, hininga, at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan.
17:26 Mula sa isa'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan.
17:27 Ginawa niya ito upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaling sa kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman siya malayo sa bawat isa sa atin;
17:28 sapagkat 'Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.' Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, 'Tayo nga'y mga anak niya.'
17:29 Yamang tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao.
17:30 Mahabang panahong di pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng tao, ngunit ngayo'y iniuutos niya na magsisi sila't talikdan ang kanilang masamang pamumuhay.
17:31 "Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon!' "
17:32 "Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, tinuya siya ng ilan ngunit sinabi naman ng iba, 'Ibig namin kayong mapakinggan uli tungkol dito.'"
17:33 At umalis doon si Pablo.
17:34 May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos; kabilang dito si Dionisio na isa sa mga bumubuo ng kapulungan ng Areopago. May sumama ring babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pa.
18:1 ( Sa Corinto ) Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto.
18:2 Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating pa lamang nito mula sa Italia, kasama ang kanyang asawang si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo,
18:3 at doon na nakitira sapagkat sila'y manggagawa ng tolda, tulad niya. At siya'y tumulong sa kanila.
18:4 Tuwing Araw ng Pamamahinga, nakikipagpaliwanagan siya sa sinagoga, at sinikap niyang mahikayat sa pananampalataya ang lahat, maging Judio o Griego.
18:5 Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, iniukol na ni Pablo ang buo niyang panahon sa pangangaral at pagpapatotoo sa mga Judio na si Jesus ang Cristo.
18:6 "Nang siya'y salungatin nila at laitin, pinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala sa kanila. Sinabi niya, 'Kasalanan na ninyo kung kayo'y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayo'y tutungo ako sa mga Hentil.'"
18:7 Kaya't umalis siya roon at tumira sa bahay ng isang nagngangalang Ticio Justo, isang taong may takot sa Diyos; karatig ng sinagoga ang kanyang bahay.
18:8 Si Crispo na tagapamahala ng sinagoga at ang kanyang sambahayan ay sumampalataya sa Panginoon. Sumampalataya rin naman at nagpabautismo ang marami sa mga taga-Corintong nakikinig kay Pablo.
18:9 "Isang gabi, sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng isang pangitain, 'Huwag kang matakot! Ipagpatuloy mo ang iyong pangangaral! Anuman ang mangyari'y huwag kang titigil,"
18:10 "sapagkat ako'y sumasaiyo. Hindi ka maaano, sapagkat marami akong tagasunod sa lunsod na ito.'"
18:11 Tumigil siya roon sa loob ng isang taon at anim na buwan at nagturo ng salita ng Diyos.
18:12 Nang si Galion ang maging gobernador ng Acaya, nagkaisa ang mga Judio na dakpin si Pablo at dalhin sa hukuman.
18:13 '"Hinihikayat nito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa isang paraang labag sa batas!' wika nila."
18:14 "Magsasalita na sana si Pablo nang sabihin ni Galion, 'Kung ang usaping ito'y tungkol sa isang mabigat na pagkakasala o paglabag sa batas, makatwirang pakinggan ko kayo."
18:15 "Subalit ang sakdal ninyo'y tungkol lamang sa mga salita at mga pangalan at sa kautusan ninyong mga Judio, kaya hindi ko kayo hahatulan sa bagay na iyan. Bahala na kayo!'"
18:16 At sila'y pinalabas niya sa hukuman.
18:17 Sinunggaban nila si Sostenes, ang tagapamahala ng sinagoga, at binugbog sa labas ng hukuman. Ngunit hindi ito pinansin ni Galion. ( Ang Pagbabalik sa Antioquia )
18:18 Pagkatapos nito, ilang araw pang nanatili si Pablo sa Corinto, saka nagpaalam sa mga kapatid. Pagdating sa Cencrea, nagpaputol siya ng buhok sapagkat natupad na ang isang panatang ginawa niya. At naglayag siya patungong Siria, kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila.
18:19 Pagdating sa Efeso, iniwan ni Pablo ang dalawa at siya'y pumasok sa sinagoga ng mga Judio, at nakipagpaliwanagan sa mga naroon.
18:20 Hiniling nilang tumigil siya roon nang mahaba-habang panahon, ngunit siya'y tumanggi.
18:21 "Sa halip, sinabi niya nang siya'y nagpaalam sa kanila, 'Babalik ako rito, kung loloobin ng Diyos.' Umalis siya ng Efeso, lulan ng isang sasakyang-dagat. "
18:22 Pagkalunsad sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at bumati sa iglesya, saka nagtuloy ng Antioquia.
18:23 Matapos tumigil doon nang kaunting panahon, siya'y muling naglakbay. Ginaygay niya ang mga bayan sa lupain ng Galacia at Frigia, at pinatatag sa pananampalataya ang mga alagad. ( Si Apolos sa Efeso at sa Corinto )
18:24 Dumating sa Efeso ang isang Judiong nagngangalang Apolos na ipinanganak sa Alejandria. Mahusay siyang magtalumpati at maraming alam sa Banal na Kasulatan.
18:25 Naturuan siya tungkol sa Daan ng Panginoon, at masigasig na nangangaral at nagtuturo nang wasto tungkol kay Jesus, ngunit ang bautismong nalalaman niya ay ang bautismo ni Juan.
18:26 Siya'y walang takot na nagsalita sa sinagoga ng mga Judio. Narinig ng mag-asawang Aquila at Priscila ang pagpapaliwanag ni Apolos, kaya't isinama nila ito sa bahay nila at doo'y ipinaliwanag na mabuti ang mga bagay na hindi pa niya alam tungkol sa Daan ng Diyos.
18:27 At nang ipasiya niyang tumawid sa Acaya, pinalakas ng mga kapatid ang kanyang loob. Sumulat sila sa mga kapatid doon na malugod nilang tanggapin si Apolos. Pagdating doon, malaki ang naitulong niya sa mga nanampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos.
18:28 Sapagkat walang magawa sa kanya ang mga Judio sa hayagang pagtatalo, at mula sa mga Kasulatan ay pinatunayan niyang si Jesus ang Cristo.
19:1 ( Si Pablo sa Efeso ) Samantalang nasa Corinto si Apolos, si Pablo nama'y naglagos sa mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang dumating sa Efeso. May natagpuan siya roong ilang alagad,
19:2 "at tinanong niya, 'Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?' 'Hindi po,' tugon nila. 'Ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo.'"
19:3 '"Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?' tanong niya. 'Sa bautismo ni Juan,' anila."
19:4 "Sinabi ni Pablo, 'Ang bautismo ni Juan ay tanda ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga Israelita na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, samakatwid baga'y kay Jesus.'"
19:5 Nang marinig nila ito, sila'y nagpabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesus.
19:6 Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos.
19:7 Sila'y humigit-kumulang sa labindalawang lalaki.
19:8 Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at nakikipagtalo sa mga naroon at buong tapang na ipinaliliwanag sa kanila kung ano ang paghahari ng Diyos.
19:9 Ngunit may ilang nagmatigas sa kanilang di pananampalataya, at nagsalita pa ng masama laban sa Daan ng Panginoon sa harap ng kapulungan. Kaya't umalis siya roong kasama ang mga mananampalataya, at sa paaralan ni Tirano nagpatuloy ng pagpapaliwanag araw-araw.
19:10 Tumagal ito ng dalawang taon, kaya't nakarinig ng salita ng Panginoon ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego. ( Ang mga Anak ni Esceva )
19:11 At gumawa ng mga pambihirang kababalaghan ang Diyos sa pamamagitan ni Pablo.
19:12 Kahit panyo o delantar na kanyang ginamit ay dinadala sa mga maysakit. Gumagaling ang mga ito at umaalis sa kanila ang masasamang espiritu.
19:13 "May ilang Judio roon na pagalagala at nagpapalayas ng masamang espiritu. Pinangahasan nilang sambitin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga inaalihan ng masasamang espiritu. Sinabi nila, 'Sa pangalan ni Jesus na ipinangangaral ni Pablo, iniuutos ko sa inyo, lumabas kayo.'"
19:14 Kabilang sa gumagawa nito ang pitong anak na lalaki ng isang pinakapunong saserdoteng Judio na ang pangala'y Esceva.
19:15 "Subalit sinagot sila ng masamang espiritu, 'Kilala ko si Jesus. Kilala ko rin si Pablo. Ngunit kayo---sino kayo?'"
19:16 At sila'y nilundag ng lalaking inaalihan ng masamang espiritu. Ang mga Judio'y nagahis nito at pinahirapang mabuti anupat hubad at sugatan silang tumakas sa bahay na iyon.
19:17 Nabalitaan ito ng lahat ng naninirahan sa Efeso, maging Judio at Griego; sinidlan silang lahat ng matinding takot, at lalong dumakila ang pangalan ng Panginoong Jesus.
19:18 Marami sa mga sumasampalataya ang lumapit at nagtapat na sila'y gumagawa rin ng ganito.
19:19 At tinipon ng mga gumagamit ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog sa harapan ng madla, at nang tantiyahin nila ang halaga ng mga ito ay umabot sa 50,000 salaping pilak.
19:20 Sa ganitong kahanga-hangang paraan, lumaganap at nagtagumpay ang salita ng Panginoon. ( Ang Kaguluhan sa Efeso )
19:21 "Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, ipinasiya ni Pablo na maglakbay sa Macedonia at Acaya bago pumunta sa Jerusalem. 'Kailangan kong puntahan ang Roma, pagkagaling sa Jerusalem,' sabi niya."
19:22 Pinauna niya sa Macedonia sina Timoteo at Erasto, dalawa sa kanyang mga katulong, at siya'y tumigil sandali sa Asia.
19:23 Nang panahon ding iyon nangyari ang isang malaking kaguluhan dahil sa Daan ng Panginoon.
19:24 May isang platerong nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng maliliit na templong pilak ng kanilang diyosang si Diana,{ a} at ito'y pinagkakakitaan nang malaki.
19:25 "Tinipon niya ang kanyang mga manggagawa, ang iba pang mga taong ganito rin ang gawain. Sinabi niya, 'Mga kasama, alam ninyong sa hanapbuhay na ito nagmumula ang ating kasaganaan."
19:26 Nakikita ninyo't naririnig kung ano ang ginagawa ng Pablong ito. Sinasabi niyang hindi diyos ang mga diyos na ginawa ng kamay, at marami siyang nahikayat, hindi lamang dito sa Efeso kundi sa buong Asia.
19:27 "Masama ang ibubunga ng aral na iyan. Nanganganib na magkaroon ng masamang pangalan ang ating hanapbuhay. Ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay mawawalan ng kabuluhan, at ang diyosa Diana na sinasamba ng Asia at ng buong daigdig ay di na igagalang.' "
19:28 "Pagkarinig nito, nagsiklab ang kanilang galit at sila'y nagsigawan, 'Dakila si Diana ng mga taga-Efeso!'"
19:29 Kaya't nagkagulo sa buong lunsod; kinaladkad nila sina Gayo at Aristarco, mga taga-Macedoniang kasama ni Pablo sa paglalakbay, at sama-sama silang dumaluhong sa tanghalan.
19:30 Ibig sana ni Pablong humarap sa madla, ngunit hindi siya pinayagan ng mga kapatid.
19:31 Nagpasugo rin sa kanya ang ilang pinuno ng lalawigang Asia, na mga kaibigan niya, at mahigpit siyang pinakiusapang huwag pumunta sa tanghalan.
19:32 Magulung-magulo ang kapulungan. Sumisigaw ng isang bagay ang ilan, at ang iba'y iba naman, sapagkat hindi alam ng karamihan kung bakit sila nagkakatipun-tipon.
19:33 Inakala ng ilang naroon na si Alejandro ang dahilan sapagkat siya ang ibinungad ng mga Judio. Kaya't sumenyas siya sa mga tao na sila'y tumahimik upang makapagpaliwanag siya.
19:34 "Subalit nang makilala nilang siya'y Judio, sabay-sabay silang sumigaw ng ganito sa loob ng dalawang oras: 'Dakila si Diana ng mga taga-Efeso!' "
19:35 "Sa wakas ang mga tao'y napatahimik ng punong-bayan. 'Mga taga-Efeso!' sabi niya. 'Sino bang hindi nakakaalam na ang lunsod ng Efeso ay siyang tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana, at ng batong sagrado na nahulog mula sa langit?"
19:36 Hindi maaaring pabulaanan ang mga bagay na ito. Kaya't huminahon kayo! Huwag kayong pakabigla.
19:37 Hindi naman nagnanakaw sa templo ni lumalait man sa ating diyosa ang mga taong dinala ninyo rito.
19:38 Kaya't kung si Demetrio at ang manggagawang kasama niya ay may sakdal laban sa kaninuman, bukas ang mga hukuman, at may mga pinuno; magsakdal ang sinuman sa inyo.
19:39 Ngunit kung may iba pang bagay kayong ipinaghahabol, ito'y maaaring pasiyahan sa isang pulong na naaayon sa batas.
19:40 "Nanganganib tayong maparatangang nanggugulo sa araw na ito, sapagkat walang kadahi-dahilan at kakatwi-katwiran ang kaguluhang ito.'"
19:41 Pagkasabi nito, pinayaon niya ang mga tao.
20:1 ( Pagtungo sa Macedonia at Grecia ) Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos, siya'y nagpaalam sa kanila at nagtungo sa Macedonia.
20:2 Dinalaw niya ang mga bayan-bayan doon at tinuruan ang mga alagad. Nagpatuloy siya hanggang dumating sa Grecia
20:3 at tumigil doon ng tatlong buwan. Siya sana'y maglalayag patungong Siria, ngunit nabalitaan niyang may tangka ang mga Judio laban sa kanya, kaya't ipinasiya niyang sa Macedonia na uli magdaan sa kanyang pagbabalik.
20:4 Sumama sa kanya ang taga-Bereang si Sopater, anak ni Pirro, gayon din sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.
20:5 Nauna sila at naghintay sa amin sa Troas.
20:6 Kami nama'y naglayag mula sa Filipos pagkaraan ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, at dumating kami sa Troas nang ikalimang araw. Nanatili kami roon ng pitong araw. ( Ang Huling Dalaw ni Pablo sa Troas )
20:7 Nang unang araw ng sanlinggo, kami'y nagkakatipon upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay. At si Pablo'y nangaral sa kanila hanggang hatinggabi sapagkat aalis siya kinabukasan.
20:8 Maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtitipunan namin.
20:9 Nakaupo sa bintana ang isang binata na ang ngala'y Eutico. Dahil sa kahabaan ng pagsasalita ni Pablo, siya'y inantok at nakatulog nang mahimbing. Nahulog siya mula sa ikatlong palapag na kanyang kinaroroonan, kaya patay na nang damputin.
20:10 "Ngunit nanaog si Pablo at niyakap ito. 'Huwag kayong magkagulo,' wika niya, 'buhay siya!'"
20:11 Muling pumanhik si Pablo, nagpira-piraso ng tinapay at kumain. Nagpatuloy siya ng pakikipag-usap sa kanila hanggang sa mag-uumaga, saka umalis.
20:12 Ang binata nama'y iniuwing buhay, at lubusan silang naaliw. ( Mula sa Troas Hanggang sa Mileto )
20:13 Sumakay kami sa barko at naglayag patungong Ason; doon namin kakatagpuin si Pablo. Iyon ang sabi niya sa amin, sapagkat binabalak niyang magdaan sa katihan.
20:14 Nang magkita kami sa Ason, sumakay siya, at sama-sama kaming pumunta sa Mitilene.
20:15 Mula roon, naglayag kami at kinabukasa'y sumapit sa tapat ng Quio. Nang sumunod na araw ay dumaan kami sa Samos, at makaraan ang isa pang araw ay dumating sa Mileto.
20:16 Ipinasiya ni Pablong lampasan ang Efeso upang huwag na siyang maabala sa Asia sapagkat siya'y nagmamadali. Kung maaari, ibig niyang nasa Jerusalem na siya sa araw ng Pentecostes. ( Ang Pamamaalam ni Pablo sa Matatanda sa Efeso )
20:17 Mula sa Mileto, siya'y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa iglesya roon.
20:18 "Pagdating nila ay kanyang sinabi: 'Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako'y tumuntong sa Asia."
20:19 Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio.
20:20 Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay.
20:21 Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
20:22 Ngayon, sa utos ng Espiritu, ako'y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon.
20:23 Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo'y pagkabilanggo at kapighatian.
20:24 Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus---ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.
20:25 '"Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli."
20:26 Kaya't sa araw na ito'y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo.
20:27 Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.
20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak.
20:29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan.
20:30 Mula na rin sa inyo'y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo'y mailigaw sila.
20:31 Kaya't mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi't araw sa loob ng tatlong taon---at maraming luha ang pinuhunan ko.
20:32 '"At ngayo'y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal."
20:33 Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman.
20:34 Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama.
20:35 "Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus: 'Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.'' "
20:36 Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila.
20:37 Silang lahat ay umiiyak na niyakap at hinagkan si Pablo.
20:38 Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya'y hindi na nila makikita uli. At siya'y inihatid nila sa barko.
20:1 ( Pagtungo sa Macedonia at Grecia ) Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos, siya'y nagpaalam sa kanila at nagtungo sa Macedonia.
20:2 Dinalaw niya ang mga bayan-bayan doon at tinuruan ang mga alagad. Nagpatuloy siya hanggang dumating sa Grecia
20:3 at tumigil doon ng tatlong buwan. Siya sana'y maglalayag patungong Siria, ngunit nabalitaan niyang may tangka ang mga Judio laban sa kanya, kaya't ipinasiya niyang sa Macedonia na uli magdaan sa kanyang pagbabalik.
20:4 Sumama sa kanya ang taga-Bereang si Sopater, anak ni Pirro, gayon din sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.
20:5 Nauna sila at naghintay sa amin sa Troas.
20:6 Kami nama'y naglayag mula sa Filipos pagkaraan ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, at dumating kami sa Troas nang ikalimang araw. Nanatili kami roon ng pitong araw. ( Ang Huling Dalaw ni Pablo sa Troas )
20:7 Nang unang araw ng sanlinggo, kami'y nagkakatipon upang ganapin ang pagpipira-piraso ng tinapay. At si Pablo'y nangaral sa kanila hanggang hatinggabi sapagkat aalis siya kinabukasan.
20:8 Maraming ilaw sa silid sa itaas na pinagtitipunan namin.
20:9 Nakaupo sa bintana ang isang binata na ang ngala'y Eutico. Dahil sa kahabaan ng pagsasalita ni Pablo, siya'y inantok at nakatulog nang mahimbing. Nahulog siya mula sa ikatlong palapag na kanyang kinaroroonan, kaya patay na nang damputin.
20:10 "Ngunit nanaog si Pablo at niyakap ito. 'Huwag kayong magkagulo,' wika niya, 'buhay siya!'"
20:11 Muling pumanhik si Pablo, nagpira-piraso ng tinapay at kumain. Nagpatuloy siya ng pakikipag-usap sa kanila hanggang sa mag-uumaga, saka umalis.
20:12 Ang binata nama'y iniuwing buhay, at lubusan silang naaliw. ( Mula sa Troas Hanggang sa Mileto )
20:13 Sumakay kami sa barko at naglayag patungong Ason; doon namin kakatagpuin si Pablo. Iyon ang sabi niya sa amin, sapagkat binabalak niyang magdaan sa katihan.
20:14 Nang magkita kami sa Ason, sumakay siya, at sama-sama kaming pumunta sa Mitilene.
20:15 Mula roon, naglayag kami at kinabukasa'y sumapit sa tapat ng Quio. Nang sumunod na araw ay dumaan kami sa Samos, at makaraan ang isa pang araw ay dumating sa Mileto.
20:16 Ipinasiya ni Pablong lampasan ang Efeso upang huwag na siyang maabala sa Asia sapagkat siya'y nagmamadali. Kung maaari, ibig niyang nasa Jerusalem na siya sa araw ng Pentecostes. ( Ang Pamamaalam ni Pablo sa Matatanda sa Efeso )
20:17 Mula sa Mileto, siya'y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa iglesya roon.
20:18 "Pagdating nila ay kanyang sinabi: 'Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako'y tumuntong sa Asia."
20:19 Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio.
20:20 Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay.
20:21 Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
20:22 Ngayon, sa utos ng Espiritu, ako'y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon.
20:23 Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo'y pagkabilanggo at kapighatian.
20:24 Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus---ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.
20:25 '"Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli."
20:26 Kaya't sa araw na ito'y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo.
20:27 Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.
20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak.
20:29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan.
20:30 Mula na rin sa inyo'y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo'y mailigaw sila.
20:31 Kaya't mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi't araw sa loob ng tatlong taon---at maraming luha ang pinuhunan ko.
20:32 '"At ngayo'y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal."
20:33 Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman.
20:34 Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama.
20:35 "Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus: 'Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.'' "
20:36 Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila.
20:37 Silang lahat ay umiiyak na niyakap at hinagkan si Pablo.
20:38 Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya'y hindi na nila makikita uli. At siya'y inihatid nila sa barko.
23:1 "Tumitig si Pablo sa kanila at sinabi, 'Mga kapatid, namumuhay akong malinis ang budhi sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.'"
23:2 Pagkarinig nito'y iniutos ng pinakapunong saserdoteng si Ananias sa mga nakatayong malapit sa kanya na sampalin sa bibig si Pablo.
23:3 "Sinabi ni Pablo, 'Hahampasin ka ng Diyos---ikaw na mapagpaimbabaw! Nakaluklok ka riyan upang hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit ipinasasampal mo ako at iya'y labag sa Kautusan.'"
23:4 "Sinabi ng mga nakatayo roon, 'Nilalapastangan mo ang pinakapunong saserdote ng Diyos!'"
23:5 "Sumagot si Pablo, 'Mga kapatid, hindi ko alam na siya pala ang pinakapunong saserdote. Sapagkat nasusulat nga, 'Huwag kang magsalita ng masama laban sa pinuno ng iyong bayan.'' "
23:6 "Alam ni Pablo na doo'y may mga Saduseo at Pariseo, kaya't sinabi niya nang malakas, 'Mga kapatid, ako'y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako'y nililitis ngayon.'"
23:7 Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan.
23:8 (Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama'y naniniwala sa lahat ng ito.)
23:9 "At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol, 'Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?' "
23:10 At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya't pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.
23:11 "Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, 'Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.' ( Pinagtangkaan ang Buhay ni Pablo )"
23:12 Kinaumagahan, nagpulong ang mga Judio at nagsumpaang hindi kakain o iinom hangga't hindi napapatay si Pablo.
23:13 Mahigit na apatnapung lalaki ang nanumpa nang gayon.
23:14 "Pumunta sila sa mga punong saserdote at sa matatanda ng bayan, at ganito ang sabi, 'Kami po'y buong taimtim na nanumpang hindi titikim ng pagkain hangga't hindi namin napapatay si Pablo."
23:15 "Kaya ngayon, hilingin ninyo at ng Sanedrin sa pinuno ng rehimyento na ipanaog uli rito si Pablo, at dahilaning sisiyasatin ninyong mabuti ang kanyang usapin. At sa daan pa'y papatayin na namin siya.' "
23:16 Ang balak na ito'y narinig ng pamangkin ni Pablo, anak na lalaki ng kanyang kapatid na babae, kaya't ibinalita niya ito kay Pablo.
23:17 "Tinawag ni Pablo ang isa sa mga opisyal at sinabi, 'Samahan nga po ninyo ang binatilyong ito sa pinuno sapagkat mayroon lamang siyang sasabihin.'"
23:18 "Kaya't isinama siya ng opisyal at dinala sa pinuno. Sinabi niya, 'Tinawag po ako ng bilanggong si Pablo at pinasamahan sa inyo ang binatilyong ito, sapagkat may sasabihin daw sa inyo.'"
23:19 "Ang binatilyo'y hinawakan sa kamay at inilayo ng pinuno. 'Ano ba ang sasabihin mo?' tanong niya."
23:20 "Sumagot siya, 'Pinagkasunduan po ng mga Judio na hilingin sa inyong iharap si Pablo bukas sa Sanedrin at kunwari'y sisiyasating mabuti."
23:21 "Ngunit huwag po kayong maniniwala, sapagkat tatambangan siya ng mahigit na apatnapung tao. Sumumpa ang mga ito na hindi sila kakain o iinom hangga't hindi nila napapatay si Pablo. Handang-handa na po sila ngayon at pasiya na lamang ninyo ang hinihintay.'"
23:22 '"Huwag mong sasabihin kaninuman na ipinaalam mo ito sa akin,' sabi ng pinuno. At pinauwi na niya ito. ( Ipinadala si Pablo kay Gobernador Felix )"
23:23 "Ang pinuno'y tumawag ng dalawang kapitan at sinabi sa mga ito, 'Ihanda ninyo ang 200 kawal, kasama ang pitumpung kabayuhan at 200 maninibat upang magtungo sa Cesarea ngayong ikasiyam ng gabi."
23:24 "Maghanda rin kayo ng mga kabayong sasakyan ni Pablo at ihatid ninyo siya kay Gobernador Felix. Ingatan ninyo siyang mabuti!'"
23:25 At lumiham siya ng ganito: i
23:26 '"Sa Kagalang-galang na Gobernador Felix, mula kay Claudio Lisias, maligayang bati!"
23:27 Ang lalaking ito'y hinuli ng mga Judio at papatayin na sana. Nalaman kong siya'y isang mamamayang Romano, kaya't nagsama ako ng mga kawal at iniligtas siya.
23:28 Sa hangad kong malaman kung ano ang sakdal laban sa kanya, ipinadala ko siya sa Sanedrin.
23:29 Nalaman kong ang paratang sa kanya'y tungkol sa mga suliranin sa kanilang kautusan, ngunit hindi sapat na dahilan upang siya'y ipapatay o ibilanggo.
23:30 "Nang malaman kong siya'y pinagtatangkaang patayin ng mga Judio, agad ko siyang ipinadala sa inyo. Sinabi ko sa mga nagsasakdal na sa inyo sila magharap ng sumbong laban sa kanya.' "
23:31 Sinunod ng mga kawal ang utos sa kanila. Kinagabiha'y kinuha nila si Pablo at dinala sa Antipatris.
23:32 Kinabukasan, nagbalik sa kuta ang mga kawal ngunit naiwan ang mga kabayuhan upang ingatan si Pablo.
23:33 Pagdating sa Cesarea, dinala nila si Pablo sa gobernador at ibinigay dito ang liham.
23:34 Pagkabasa sa liham, si Pablo'y tinanong ng gobernador kung tagasaan. At nang malamang taga-Cilicia
23:35 "ay kanyang sinabi, 'Didinggin ko ang kaso mo pagdating ng mga nagsasakdal sa iyo.' At pinabantayan niya si Pablo sa palasyo ni Herodes."
24:1 ( Ang Sakdal ng mga Judio Laban kay Pablo ) Makalipas ang limang araw, dumating sa Cesarea ang pinakapunong saserdoteng si Ananias, kasama ang ilang matatanda ng bayan at isang abugado na ang pangala'y Tertulo. Iniharap nila sa gobernador ang kanilang sakdal laban kay Pablo.
24:2 "At nang iharap sa kanila si Pablo, sinimulan ni Tertulo ang pagsasakdal, at ganito ang wika niya: 'Kagalang-galang na Gobernador Felix, utang po namin sa inyong matalinong pamumuno ang malaking kapayapaang matagal na naming tinatamasa, gayon din ang mga pagbabago para sa kapakanan ng bansang ito."
24:3 Ito'y kinikilala namin at lubos kayong pinasasalamatan kahit saan at kahit kailan.
24:4 Ngunit upang kayo po ay huwag nang gaanong maabala, mangyari po lamang na kami'y pakinggan ninyo sumandali.
24:5 Sapagkat natagpuan namin na ang taong ito'y manliligalig. Ginugulo niya ang mga Judio, saanman makarating, at pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.
24:6 Pati po ang templo namin ay tinangka niyang lapastanganin, kaya hinuli namin siya. [Hahatulan sana namin siya ayon sa aming Kautusan,
24:7 ngunit dumating si Lisias na pinuno ng rehimyento, at inagaw siya sa amin.
24:8 "Sinabi niya sa amin na sa inyo isakdal ang taong ito.] Pagsisiyasat ninyo sa kanya, malalaman ninyo ang lahat ng sumbong namin laban sa kanya.'"
24:9 Nakiisa ang mga Judio kay Tertulo, at pinatotohanan ang lahat ng sinabi nito. ( Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Felix )
24:10 "Hinudyatan ng gobernador si Pablo upang magsalita; at siya'y nagsalita: 'Kagalang-galang na Gobernador, nalalaman ko pong kayo'y matagal nang hukom sa bansang ito, kaya't ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa harapan ninyo."
24:11 Wala pa pong labindalawang araw mula nang dumating ako sa Jerusalem upang sumamba. Matitiyak ninyo iyan kung kayo'y magsisiyasat.
24:12 Ni minsan, hindi nila ako nakitang nakipagtalo kaninuman sa loob ng templo, o gumawa ng gulo sa sinagoga o sa alinmang dako ng lunsod.
24:13 Wala silang maihaharap na katibayan sa kanilang mga paratang laban sa akin.
24:14 Tinatanggap ko po na ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na ipinalalagay nilang isang maling sekta. Subalit pinaniniwalaan ko rin ang lahat ng bagay na nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta.
24:15 Tulad nila, nananalig din ako na muling bubuhayin ng Diyos ang lahat ng tao, matuwid at di matuwid.
24:16 Kaya't pinagsisikapan ko tuwina na maging malinis ang aking budhi sa harapan ng Diyos at ng tao.
24:17 '"Ilang taong wala ako sa Jerusalem; ako'y nagbalik upang maghatid ng tulong sa mga kababayan ko, at maghandog sa Diyos."
24:18 Gayon nga ang ginagawa ko nang datnan nila ako sa templo, matapos ganapin ang paglilinis ayon sa Kautusan. Iilan ang mga taong naroon at wala namang gulo. Ang naroon ay ilang Judiong galing sa Asia---
24:19 sila sana ang naparito upang magharap ng sakdal kung sila'y may anumang dapat isumbong laban sa akin.
24:20 O kaya naman, magsabi ang mga taong naririto kung ano ang pagkakasalang nagawa ko nang ako'y humarap sa Sanedrin.
24:21 "Marahil, masasabi nilang mali ang ginawa ko nang sabihin ko sa harapan nila, 'Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay, ako'y nililitis sa harapan ninyo ngayon.'' "
24:22 "Sapagkat si Felix ay may sapat na pagkabatid tungkol sa Daang ito, ipinagpaliban niya ang paglilitis. 'Papasiyahan ko ang inyong usapin pagdating ni Lisias,' wika niya."
24:23 Iniutos niya sa kapitan na pabantayan si Pablo, ngunit huwag higpitan kundi hayaang dalawin at tulungan ng kanyang mga kaibigan. ( Si Pablo sa Harapan nina Felix at Drusila )
24:24 Makaraan ang ilang araw, dumating si Felix, kasama ang asawa niyang si Drusila na isang Judia. Ipinatawag niya si Pablo at pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
24:25 "Ngunit nang magpatuloy ng pagsasalita si Pablo tungkol sa pagiging matuwid, pagsupil sa sarili, at sa paghuhukom na darating, nangilabot si Felix at ang sabi, 'Makaaalis ka na. Ipatatawag kita uli kapag may panahon na ako.'"
24:26 Malimit niyang ipatawag at kausapin si Pablo, sapagkat hinihintay niyang suhulan siya nito.
24:27 Makaraan ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo. Sa hangad ni Felix na bigyang-lugod ang mga Judio, hinayaan niya sa bilangguan si Pablo.
25:1 ( Naghabol si Pablo sa Emperador ) Dumating si Festo sa lalawigang pangangasiwaan niya. Pagkaraan ng tatlong araw, pumunta siya sa Jerusalem mula sa Cesarea.
25:2 Ang mga punong saserdote at ang mga pangunahin ng mga Judio ay nagharap sa kanya ng sakdal laban kay Pablo.
25:3 Hiniling nila bilang pagbibigay sa kanila ng gobernador, na ipadala si Pablo sa Jerusalem. (May balak silang tambangan siya at patayin.)
25:4 "Sumagot si Festo, 'Si Pablo'y nakabilanggo sa Cesarea, at agad akong babalik doon."
25:5 "Pasamahin na ninyo sa akin ang inyong mga pinuno at isakdal ang taong ito kung siya'y may kasalanan.' "
25:6 Nagparaan pa si Festo ng walo o sampung araw sa Jerusalem, saka bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, lumuklok siya sa hukuman at iniutos na si Pablo'y iharap sa kanya.
25:7 Pagdating ni Pablo, pinaligiran siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem. Sila'y nagharap ng marami't mabibigat na paratang laban sa kanya, ngunit hindi nila napatunayan ang mga iyon.
25:8 "Sinabi ni Pablo bilang pagtatanggol sa sarili, 'Wala akong ginawang labag sa Kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo o sa Emperador.'{ a}"
25:9 "Nais ni Festong pagbigyan ang mga Judio, kaya't tinanong si Pablo, 'Ibig mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita litisin?'"
25:10 "Sumagot si Pablo, 'Naririto po ako sa harap ng hukuman ng Emperador; dito ako dapat litisin. Wala po akong nagawang pagkakasala sa mga Judio, at iya'y nalalaman ninyo."
25:11 "Kung ako po'y lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dapat parusahan ng kamatayan, wala akong tutol. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi dapat na ako'y ibigay sa kanila. Dudulog ako sa Emperador.'"
25:12 "Sumangguni si Festo sa kanyang mga tagapayo, at pagkatapos ay sinabi, 'Yamang sinabi mong dudulog ka sa Emperador, sa Emperador ka dadalhin.' ( Iniharap si Pablo kina Agripa at Berenice )"
25:13 Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo.
25:14 "Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. 'Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,' wika niya."
25:15 '"Nang ako'y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya."
25:16 Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal.
25:17 Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon.
25:18 Nang magkaharap-harap sila, siya nama'y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila.
25:19 Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buhay.
25:20 Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya't tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin.
25:21 "Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya't pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.'"
25:22 "Sinabi ni Agripa kay Festo, 'Ibig kong mapakinggan ang taong iyan.' 'Mapapakinggan mo siya bukas,' tugon naman ni Festo. "
25:23 Kinabukasan, dumating sina Agripa at Berenice, kasama ang matataas na punong kawal at ang mga tanyag na tao sa lunsod, at pumasok sa bulwagan ng hukuman. Iniutos ni Festo na si Pablo'y dalhin doon.
25:24 "At sinabi ni Festo, 'Haring Agripa, at lahat ng nariritong kasama namin: narito ang lalaking isinakdal sa akin ng mga Judio dito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang di siya dapat mabuhay."
25:25 Ngunit sa pagsisiyasat ko'y wala akong makitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. Yamang ibig niyang dumulog sa Emperador, ipinasiya kong ipadala siya roon.
25:26 Subalit wala akong tiyak na maisulat sa Kanyang Kamahalan tungkol sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyo, lalung-lalo na sa inyo, Haring Agripa, para may maisulat ako pagkatapos na masiyasat natin siya.
25:27 "Inaakala kong hindi dapat ipadala sa Emperador ang isang bilanggo nang hindi inilalahad ang mga sakdal laban sa kanya.'"
26:1 ( Nagtanggol si Pablo sa Harapan ni Agripa ) "Sinabi ni Agripa kay Pablo, 'May pahintulot kang magsalita; ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?' Nagbigay-galang si Pablo, at nagsalita bilang pagtatanggol sa sarili: "
26:2 '"Haring Agripa, itinuturing ko pong isang malaking kapalaran na marinig ninyo ang pagtatanggol ko sa sarili laban sa mga sumbong ng mga Judio"
26:3 sapagkat lubos ninyong nababatid ang kaugalian at sigalutan ng mga Judio. Kaya't hinihiling kong pagtiyagaan ninyong pakinggan ako.
26:4 '"Alam ng lahat ng Judio kung paano ako namuhay mula pa sa aking pagkabata, sa sariling bayan at sa Jerusalem."
26:5 Matagal na nilang alam, at sila na ang makapagpapatotoo kung kanilang iibigin, na namuhay ako bilang kaanib ng pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo.
26:6 At ngayo'y nililitis ako dahil sa aking pag-asa sa pangako ng Diyos sa aming mga ninuno.
26:7 Ang pangako ring iyan ang inaasahan ng labindalawang lipi kaya't sila'y taimtim na sumasamba sa Diyos gabi't araw. At dahil sa pag-asa ring ito, Haring Agripa, ako'y isinasakdal ng mga Judio!
26:8 Bakit iisipin ng lahat ng narito na di maaaring buhaying muli ng Diyos ang mga patay?
26:9 '"Akala ko rin noong una'y dapat kong gawin ang lahat kong magagawa laban sa mga tagasunod ni Jesus{ a} na taga-Nazaret."
26:10 At gayon nga ang ginawa ko sa Jerusalem. Maraming Cristiano ang aking ipinabilanggo, sa kapangyarihan ng mga punong saserdote, at nang sila'y hatulan ng kamatayan, isa na ako sa humatol.
26:11 "Ginaygay ko ang lahat ng sinagoga, at sinuman sa kanilang abutan ko roon ay pinarurusahan ko upang piliting magsalita laban kay Jesus. Sa tindi ng poot ko'y pinag-usig ko sila kahit sa mga lunsod sa ibang bansa.' ( Isinalaysay ni Pablo Kung Paano Siya Sumampalataya )"
26:12 '"Iyan po ang layunin ng pagpunta ko sa Damasco, taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga punong saserdote."
26:13 Nang katanghaliang-tapat habang kami'y naglalakbay, nakita ko po, Haring Agripa, ang isang matinding liwanag mula sa langit, maningning pa kaysa araw. Nakasisilaw ang liwanag sa paligid naming magkakasama.
26:14 Kami pong lahat ay nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Ikaw na rin ang masasaktan sa paghihimagsik mong iyan. Para kang sumikad sa tulis.'
26:15 At itinanong ko, 'Sino po kayo, Panginoon?' At kanyang sinabi, 'Ako'y si Jesus na iyong pinag-uusig.
26:16 Tumindig ka! Napakita ako sa iyo upang ikaw ay suguin. Magpatotoo ka tungkol sa nakita mo ngayon at sa ipakikita ko pa sa iyo.
26:17 Ililigtas kita sa mga Judio at mga Hentil na pagsusuguan ko sa iyo.
26:18 "Susuguin kita sa mga taong iyon upang imulat ang kanilang mata, upang ibalik sa kaliwanagan mula sa kadiliman, at sa Diyos mula sa kapangyarihan ni Satanas. At sa pamamagitan ng pagsampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibilang sa mga pinapaging-banal!'' ( Isinalaysay ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod )"
26:19 '"Dahil po rito, Haring Agripa, hindi ako sumuway sa pangitaing mula sa langit."
26:20 Nangaral ako, una sa Damasco, saka sa Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, gayon din sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat silang magsisi at lumapit sa Diyos, at ipakilala ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa.
26:21 Dahil sa mga bagay na ito, hinuli ako ng mga Judio samantalang ako'y nasa templo, at pinagtangkaang patayin.
26:22 Kailanma'y hindi ako pinabayaan ng Diyos, kaya't ngayon, nakatayo ako rito at nagpapatotoo maging sa mga aba at sa mga dakila. Wala akong sinasabi kundi ang mga sinabi ng mga propeta at ni Moises:
26:23 "na kailangang magbata ang Cristo, at siya ang unang mabubuhay na muli upang magdulot ng kaligtasan sa mga Judio at sa mga Hentil.' "
26:24 "Samantalang nagsasalita pa si Pablo, malakas na sinabi ni Festo ang ganito: 'Nababaliw ka, Pablo! Lumabis ang karunungan mo kaya ka nababaliw!'"
26:25 "Ngunit sumagot si Pablo, 'Hindi po ako nababaliw, Kagalang-galang na Festo! Ang sinasabi ko'y pawang katotohanan at katuwiran."
26:26 Naririto po ang Haring Agripa. Hindi ako nangingiming magsalita sa kanila sapagkat alam nila ang lahat ng ito. Tiyak na walang nalingid sa kanila, sapagkat hindi sa isang sulok lamang nangyari ito.
26:27 "Haring Agripa, pinaniniwalaan po ba ninyo ang mga propeta? Alam kong pinaniniwalaan ninyo!'"
26:28 "Sinabi ni Agripa kay Pablo, 'Sa loob ng maikling panahon ay ibig mo yata akong maging Cristiano!'"
26:29 "Sumagot si Pablo, 'Maging sa maikli o sa mahabang panahon, loobin nawa ng Diyos na hindi lamang kayo, kundi ang lahat ng nakaririnig sa akin ngayon ay maging Cristianong katulad ko---matangi lamang sa tanikalang ito.' "
26:30 Tumindig ang hari, ang gobernador, si Berenice, at lahat ng kasama nila
26:31 "at pagkalabas nila'y ganito ang kanilang usap-usapan: 'Ang taong ito'y walang ginawang anuman na marapat hatulan ng kamatayan o pagkabilanggo.'"
26:32 "At sinabi pa ni Agripa kay Festo, 'Kung hindi lamang hiniling ng taong iyan na idulog ang kanyang kaso sa Emperador, maaari na sana siyang palayain.'"
27:1 ( Paglalayag ni Pablo Patungong Roma ) "Nang mapasiyahang maglalayag kami patungo sa Italia, si Pablo at ang ilan pang bilanggo ay ipinabahala kay Julio, isang kapitan ng rehimyento Romano, na tinatawag na 'Rehimyento ng Emperador.'"
27:2 Sumakay kami sa isang barkong galing sa Adramitio, patungo sa mga daungan ng Asia, at naglayag kami. Kasama namin si Aristarco, isang Macedoniang taga-Tesalonica.
27:3 Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. Si Julio'y nagmagandang-loob kay Pablo; pinahintulutan siyang makadalaw sa kanyang mga kaibigan upang matulungan ng mga ito.
27:4 Naglayag kami mula roon, at dahil sa pasalungat ang hangin, kami'y namaybay sa gawing silangan ng Chipre na kanlong sa hangin.
27:5 Dumaan kami sa tapat ng Cilicia at Panfilia, at kami'y dumating sa Mira, isang lunsod ng Licia.
27:6 Natagpuan doon ng kapitan ang isang barkong buhat sa Alejandria na papuntang Italia, at inilipat kami roon.
27:7 Mabagal ang aming paglalayag. Tumagal ito ng maraming araw, at nahirapan kami bago nakarating sa tapat ng Gnido. Buhat dito'y hindi kami makatuloy ng paglalakbay sa kalawakan sapagkat pasalungat kami sa hangin. Kaya't binaybay namin ang silangan ng Creta na kubli sa hangin. Nagdaan kami sa may Lungos ng Salmon,
27:8 at nagtiyagang namaybay sa tabi hanggang sa marating namin ang isang pook na tinatawag na Mabuting Daungan, malapit sa bayan ng Lasea.
27:9 Mahabang panahon na ang nakalipas at mapanganib nang maglayag, sapagkat nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno. Kaya't pinagpayuhan sila ni Pablo.
27:10 '"Mga ginoo,' wika niya, 'nakikita kong ang paglalayag na ito'y magbubunga ng malaking kapinsalaan sa kargamento at sa barko, at manganganib ang buhay natin.'"
27:11 Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at ng kapitan ng barko kaysa payo ni Pablo.
27:12 Sapagkat hindi mabuting tigilan ang daungan kung taglamig, ipinayo ng nakararami na maglayag pa sila sa pag-asang mararating nila ang Fenice. Ito'y isang daungan sa Creta, na nakaharap sa hilagang-kanluran at timog-kanluran kaya mabuting pagparaanan ng taglamig. ( Ang Bagyo sa Dagat )
27:13 Umihip nang marahan ang hangin buhat sa timog, kaya't inakala nilang maaari na silang maglayag. Isinampa nila ang angkla at sila'y namaybay ng Creta.
27:14 "Ngunit di nagtagal at bumugso mula sa pulo ang isang malakas na hanging tinatawag na 'Euroclidon',"
27:15 at hinampas ang barko. Hindi ito makasalunga sa hangin, kaya't napadala na lamang kami.
27:16 Nang makanlong kami sa isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda, isinampa namin ang bangka bagamat nahirapan kami bago nagawa iyon.
27:17 Pagkasampa nito, binigkisan nila ng malalaking lubid ang barko. Sa takot na masadsad sa Sirte, ibinaba nila ang layag at nagpatianod na lamang.
27:18 Patuloy ang pagngangalit ng bagyo; kaya't kinabukasa'y sinimulan nilang itapon sa dagat ang mga kargamento.
27:19 At nang sumunod na araw, itinapon din nila ang mga kagamitan ng barko.
27:20 Matagal na di namin nakita ang araw at ang mga bituin at di humuhupa ang napakalakas na bagyo, kaya't nawalan na kami ng pag-asang makaliligtas pa.
27:21 "Sapagkat matagal nang hindi kumakain ang mga nasa barko, tumayo si Pablo at nagsalita, 'Mga kasama, kung nakinig lamang kayo sa akin at di tayo umalis sa Creta, hindi sana natin inabot ang ganito."
27:22 Ito ngayon ang payo ko: lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang maaano isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko.
27:23 Napakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos---ang Diyos na sinasamba ko at pinaglilingkuran.
27:24 Sinabi niya sa akin, 'Huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo'y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mo sa paglalayag.'
27:25 Kaya, lakasan ninyo ang inyong loob, mga kasama! Sapagkat nananalig ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ayon sa sinabi niya sa akin.
27:26 "Lamang, mapapadpad tayo sa isang pulo.' "
27:27 Ikalabing-apat na gabi namin sa gitna ng dagat nang ipadpad kami sa Dagat Adriatico. Nang maghahatinggabi na, napuna ng mga mandaragat na nalalapit na kami sa katihan.
27:28 Inarok nila ang tubig at nakitang may dalawampung dipa ang lalim; at pagkasulung-sulong pa ay muli nilang inarok, at nakitang may labinlimang dipa na lamang.
27:29 Sa takot na mabagok kami sa batuhan, inihulog nila ang apat na angkla sa hulihan ng barko, at ipinanalanging mag-umaga na sana.
27:30 Tinangka ng mga mandaragat na tumakas mula sa barko, kaya't ibinaba nila sa tubig ang bangka, at kunwa'y maghuhulog ng angkla sa unahan.
27:31 "Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, 'Kapag hindi nanatili sa barko ang mga taong ito, hindi kayo makaliligtas.'"
27:32 Kaya't nilagot ng mga kawal ang lubid ng bangka at hinayaan itong mahulog.
27:33 "Nang magbubukang-liwayway na, silang lahat ay hinimok ni Pablo na kumain. 'Ikalabing-apat na araw na ngayong di kayo kumakain ng anuman at balisang naghihintay."
27:34 "Kaya't kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!'{ a}"
27:35 At pagkasabi nito, dumampot siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinira-piraso ang tinapay at kumain.
27:36 Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din.
27:37 (Kami ay 276 na lahat.)
27:38 Nang mabusog sila, itinapon nila sa dagat ang trigo upang gumaan ang barko. ( Ang Pagkabagbag ng Barko )
27:39 Nang mag-umaga na, may natanaw silang lupain ngunit hindi nila makilala kung anong lugar iyon. Napansin nila ang isang look na may dalampasigan, at binalak nilang isadsad doon ang barko kung maaari.
27:40 Kaya't nilagot nila ang tali ng mga angkla na kanilang iniwanan na sa dagat at kinalag din ang tali ng mga ugit. Itinaas nila ang layag sa unahan upang ang barko'y itaboy ng hangin patungong dalampasigan,
27:41 ngunit nasadsad ito sa dakong mababaw. Napabaon ang unahan ng barko kaya't di makaalis, samantalang ang hulihan nama'y nawasak dahil sa kahahampas ng malalakas na alon.
27:42 Binalak ng mga kawal na patayin ang mga bilanggo, upang walang makalangoy at makatakas.
27:43 Ngunit si Pablo'y ibig namang iligtas ng kapitan ng mga kawal, kaya't pinagbawalan nito sila. Pinatalon na niya sa tubig ang lahat ng marunong lumangoy.
27:44 Ang iba'y inutusang kumuha ng tabla o piraso ng barko at manimbulan. At kaming lahat ay nakarating sa dalampasigan.
28:1 ( Sa Malta ) At nang makaligtas na kami't makaahon, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta.
28:2 Napakainam ng pakita sa amin ng mga tagaroon. Sapagkat bumagsak ang ulan at maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti.
28:3 Si Pablo'y namulot ng kahoy. Nang inilalagay na niya ito sa siga, may lumabas na isang ulupong nang madarang sa apoy, at ito'y pumulupot sa kanyang kamay.
28:4 "Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, 'Tiyak na mamamatay-tao ang lalaking ito. Nakaligtas nga siya sa dagat, ngunit di naman itinulot ng langit na mabuhay pa.'"
28:5 Subalit ipinagpag lamang niya sa apoy ang ahas at hindi siya naano.
28:6 "Hinihintay naman nilang mamaga si Pablo o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng akala. 'Isang diyos iyan!' wika nila. "
28:7 Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio; malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw.
28:8 Nagkataong nararatay noon ang ama ni Publio dahil sa lagnat at disintirya kaya't dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong niya ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling.
28:9 Dahil sa nangyaring ito, nagdatingan ang ibang mga tagaroon na may karamdaman, at sila'y pinagaling din.
28:10 Pinarangalan nila kami sa iba't ibang paraan at binigyan ng lahat ng kailangan sa paglalakbay nang kami'y papaalis na. ( Mula sa Malta Patungong Roma )
28:11 "Tatlong buwan ang lumipas bago kami nakaalis doon, lulan ng isang barkong nagparaan din ng taglamig sa pulo. Ang barkong ito'y ang 'Castor at Polux' ng Alejandria."
28:12 Dumaong kami sa Siracusa at tatlong araw kami roon.
28:13 Nagpatuloy kami ng paglalayag at dumating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hangin mula sa timog, at nakarating kami sa Puteoli sa loob ng dalawang araw.
28:14 May natagpuan kami roong mga kapatid at inanyayahan nila kaming tumigil doon ng sanlinggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang huling bahagi ng aming paglalakbay patungong Roma.
28:15 Nabalitaan ng mga kapatid na nasa Roma ang tungkol sa amin, kaya't pumaroon sila sa Foro de Apio at sa Tres Tabernas upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, nagpasalamat ito sa Diyos, at lumakas ang kanyang loob. ( Sa Roma )
28:16 Pagdating namin sa Roma, si Pablo'y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.
28:17 "Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pangunahing Judio sa lunsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, 'Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano."
28:18 Matapos akong litisin, ako sana'y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan.
28:19 Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya't napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan.
28:20 "Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Jesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.' "
28:21 '"Wala kaming natatanggap na sulat buhat sa Judea tungkol sa iyo,' sagot nila. 'At sa kababayan man nating naparito ay walang nagbabalita o nagsasalita ng anuman laban sa iyo."
28:22 "Gayunman, ibig naming mapakinggan kung ano ang masasabi mo, sapagkat alam naming kahit saa'y marami ang sinasabi ng mga tao laban sa sektang ito.' "
28:23 Kaya't nagtakda sila ng isang araw, at maraming pumunta sa tinitirhan ni Pablo pagdating ng araw na iyon. Maghapon siyang nagpaliwanag sa kanila at nagpatotoo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan ni Moises at ng sinulat ng mga propeta, sinikap niyang papaniwalain sila kay Jesus.
28:24 May naniwala at may hindi sa sinabi niya.
28:25 "Kaya't nang hindi sila magkaisa sila'y umalis pagkasabi ni Pablo ng ganitong pangungusap: 'Tama ang sinabi ng Espiritu Santo sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ng propetang si Isaias: "
28:26 'Pumaroon ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila, Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa, At tumingin man kayo nang tumi- ngin, hindi kayo makakikita.
28:27 "Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito, Mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, At ipinikit nila ang kanilang mga mata. Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata. Makarinig ang kanilang mga tainga, Makaunawa ang kanilang mga isip, At magbalik-loob sila sa akin, At pagalingin ko sila, sabi ng Panginoon.'' "
28:28 "Sinabi pa ni Pablo, 'Talastasin ninyong ipapahayag sa mga Hentil ang balitang ito ng kaligtasang mula sa Diyos at didinggin nila ito!' ["
28:29 Umalis ang mga Judio matapos sabihin ito ni Pablo, at sila-sila'y mahigpit na nagtalu-talo.]
28:30 Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya.
28:31 Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo.
|