ta440 어디든지 예수 나를.pdf
ta440 어디든지 예수 나를.nwc

어디든지 예수 나를 이끌면 (Saanman Kasama Ni Jesus)
1절
Saanman kasama ni Jesus ako;
Saanman isugo N'ya ay yayao;
Saanman wala S'ya, lungkot dadalo,
Saanman kasama N'ya'y ligtas ako.
Saanman ay walang katatakutan;
Saanman sa Kan'ya'y may kaligtasan.
2절
Saanman kasama di magiisa;
Kaibiga'y lilimot nguni't di Siya;
Sa lakbayin ko'y Siyang mangunguna,
Saanman kasama N'ya'y may ligaya.
Saanman ay walang katatakutan;
Saanman sa Kan'ya'y may kaligtasan.
3절
Siya ang kasama ko sa paghimlay,
Kung ako'y kubkob na ng kadiliman;
At ako'y gigising na mariwasay,
Tahana'y mainam Kung S'ya'y kapisan.
Saanman ay walang katatakutan;
Saanman sa Kan'ya'y may kaligtasan.
